View Full Version : help!! paano makuha mother na iba name??
cutie_dhee
05-16-2007, 02:32 PM
Ask ko lang po kasi ung friend ko gusto nya kunin mother nya pero may problema sa birth certificate.Iba po kz name at birthday sa birth certificate ng mother nya .kasi nag iba ng name mother nya nung nagwork sa isang company. pinalitan ung name at age kaya lahat ng documents at id nya afterward hindi na tugma sa birth certificate. 60 years old na mother nya at gusto nya makasama dito sa japan.paano po kaya un?salamat po sa magbibigay ng ideya.:confused:
docomo
05-16-2007, 03:27 PM
ano po ba ang pinalitan .. yung first name po ba o surname?
pag first name lang ang pinalitan.. magagawan pa ng paraan yan..administrative lang yan... pero pag surname at yung birthday ang pinalitan ... court action po yan... kukuha pa kayo ng abogado . mahabang proseso po yan .:)
cutie_dhee
05-16-2007, 07:03 PM

thanks docomo san sa information. Ung first name po pinalitan tapos ung sa birthday po ung year po.Para daw po kasi mkpagtrabaho sya dun sa company. Sorry to hear that na matagal pala nya at magastos kapag kukunin nya mother nya.Gusto nya kasi makita ng mother nya ang ganda at buhay dito sa japan.Sana meron pa magshare pa.
aviationlady
05-16-2007, 07:31 PM
Hindi naman napapapalitan ang name at birthday sa original copy ng birth certificate.:)
pwera na lang kung pina-magic :p ( sorry, no offense :) )
Kumuha na lang po yung mother ng friend nyo ng new copy ng birth certificate nya sa lugar kung saan sya pinanganak. :) Sa birth certificate din kami namoblema kaya na na-late pa ko sa klase :rolleyes: Matagal na nawala` yung birth certificate ng mama ko kaya kumaha pa sya ng bago. Tapos pagdating ng birth certificate ni mama ko kelangan pa rin lumapit sa lawyer para mag pagawa ng Affidavit of Discrepancy kase nagkamali rin yung city hall sa pag register ng middle initial ko( surname ni mama) at hindi rin tugma yung spell ng name na pinagawang birth certificate sa birth certificate ko :eek: :D nakakatawa na nakakainis... buti kahit nagkagulo gulo natuloy pa rin yung flight ko. :)
aki^-^
05-16-2007, 07:51 PM
thanks docomo san sa information. Ung first name po pinalitan tapos ung sa birthday po ung year po.Para daw po kasi mkpagtrabaho sya dun sa company. Sorry to hear that na matagal pala nya at magastos kapag kukunin nya mother nya.Gusto nya kasi makita ng mother nya ang ganda at buhay dito sa japan.Sana meron pa magshare pa.
lahat pala pinalitan... ano na nangyari sa dating birthcertificate...p roblema nga yan.... magpaadvice na sya sa lawyer at ito lang ang makakatulong sa problema nya.:)
docomo
05-16-2007, 08:40 PM
kapag ang name sa birth certificate ng nanay at ang birth certificate ng kaibigan mo naman ganon din yung name na nakalagay na name ng nanay nya eh wala naman pong problema yon... duon naman po pagbabasehan na magina sila .
ngayon kung mismong birth certificate yung napalitan .. dahil nagkaron ng milagro .. eh dun po magkakaproblema ..:)
cutie_dhee
05-17-2007, 07:28 PM

oo nga po pareho sila nkalagay sa bc kaso kakailanganin po ng mga id at other documents sa pagkuha ng passport. At dun na may problema dhil lhat nang id at documents at marriage contract ay iba na ang name at birthday.Masyado po kz maluwag pa noon ang mga kumpanya kaya nakapag apply ang nanay nya ng hindi hinahanapan ng bc.Hayy!!Salamat po sa walang sawa nyo pagtulong at pagbibigay ng avdice.
docomo
05-17-2007, 07:48 PM
wala pong magiging problema dyan.. dahil ang kailangan sa pagkuha ng passport yung birth certificate ...mas valid ang birth certificate sa pagkuha ng passport :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.