PDA

View Full Version : PACHINKO--ADIK SI MISTER


lalen16loves
05-16-2007, 06:35 PM
parang may ganito ng thread pero need ko advice nyo pls............:D

may mga misis ba dito na kapareho ng problem ko?....yung simister eh, adik sa pachinko...:rolleyes : kahit ano kasi ang saway ko na itigil at kahit mag-away pa kami, hindi nya talaga maawat ang sarili nya na hindi mag pachinko?:rolleyes:

syempre naiinis ako dahil kahit hindi ko hawak ang buo nyang sweldo at pabarya barya lang ang natatanggap ko, eh, nanghihinayang ako sa pinapatalo nya........syempre sugal yan....ang magbabad ka ba naman ng buong araw dun , isipin mo nalang kung magkano ang matatalo....

wala syang palya sa pagsusugal...kung wala nga lag syang work , marahil araw-araw kaya nya....oo nga good prvider sya, at nakikita kong nagiging mabuting asawa 't ama samin..

hindi naman lingid satin na daitai sa mga hapon ang may utang..at isa na dun ang asawa ko..gusto ko lang ipaunawa sa kanya na imbes isugal nya ang pera , mas mainam na ibayad nya nalang sa mga utang nya.....kaso, wa epek ang mga paliwanag ko...kaya ang ginagawa ko nalang ,...pinababayaan ko nalang sya, kesa sa pag-awayan namin araw-araw ang bagay na yan...:( dahil nakakasawang makipagtalo na hindi ka naman pakikinggan...

ano po sa palagay nyo?..............:c ool: sana sakin na lang sya naadik , libre pa....:D eh, sa pachinko, ubos pa ang pera nya..

Splendid
05-16-2007, 07:01 PM
Pareho tayo ng problema. Mister ko rin naglalaro ng pachinko pero di ko pa masabi na adik kasi nakocontrol ko pa. Pero talagang gusto niyang maglaro pang pawala daw stress. Binibigyan ko siya ng allowance for one month at minsan dalawang lingo palang ubos na sa pachinko kaya pagwala na syang allowance sya halos lahat ang gumagawa sa gawaing bahay para lang bibigyan ko sya ng pangkain niya kasi di ako nagluluto ng obento pero ibawas ko parin sa sununod niyang allowance, parang cash advance:D :D :D

Erika
05-16-2007, 07:32 PM
hello lalen...ang hirap ng sitwasyon mo kasi hindi mo hawak ang sweldo ng hubby mo, kaya hindi mo sya macontrol. Kausapin mo kaya hubby mo..yung tipong heart to heart talk..yung hindi mauuwi sa away. i-timing mo na good mood sya at dun nyo pag usapan, baka sakaling makinig at mabawasan ang pagpachinko.

Pareho tayo ng problema. Mister ko rin naglalaro ng pachinko pero di ko pa masabi na adik kasi nakocontrol ko pa. Pero talagang gusto niyang maglaro pang pawala daw stress. Binibigyan ko siya ng allowance for one month at minsan dalawang lingo palang ubos na sa pachinko kaya pagwala na syang allowance sya halos lahat ang gumagawa sa gawaing bahay para lang bibigyan ko sya ng pangkain niya kasi di ako nagluluto ng obento pero ibawas ko parin sa sununod niyang allowance, parang cash advance:D :D :D

nakakarelate ako sayo splendid:D ...lalo na dun sa "parang cash advance":D ....

wildflower
05-16-2007, 07:50 PM
hello sayo lalen16 si hubby ko rin naglalaro ng pachinko pero sa isang buwan isa beses lang at inoorasan ko sya..paano ang kuripot nya dito sa bahay tapos may pang pachinko sya kaya inaaway ko sya at tinatakot na isusumbong ko sya sa nanay nya pag di sya nagbigay ng allowance ko kaya hayun bumigay rin kahit kunti sa akin ng allowance..takot sya isumbong sa nanay nya..buti na lang nabisto ko sya naglalaro may pang blackmail ako sa kanya lagi kasi noon di talaga yan nagbibigay sa akin pero ngayon kahit papano nagbibigay na ng allowance kahit kunti lang .sinusumbatan ko sya na may panglaro ka tapos sa amin ng anak mo tinipid mo kami hehehehe naisahan ko rin sya..pinapayagan ko rin sya kahit 1 times a month para pampawala ng stress nya:D

aki^-^
05-16-2007, 08:04 PM
naging adik din asawa ko sa panchinko.... as in araw araw ,para bang yun na naging work nya... lucky lang sya kase nananalo talaga sya...so b4 ginawa ko...nakikijoin na din ako...hanggang nagsawa na din sya.... inisip ko mas maganda na yun sa pachinko kesa sa omese pa sya maadik.. hehehehe:) Pero gayon shigoto na ulit sya at salamat naman at nagsawa na sa panchinko:D

coffee
05-16-2007, 08:30 PM
wag pong tularan..
ako naman may kakilala ko na mag-asawa.., filipina d misis, super asawa pa nya ang nagyayaya
ke misis na mag-pachinco almost every other day. then one time kakasahod lang ni mister , siempre pa ARUBAITO na .., e wala pang 30 mins naglalaro, ng magpapalit na daw ng coin si mister e missing na d wallet...
hay naku lihim ni mister ke misis na loan na money na pala ang laman ni wallet. kaya ayun superwar sila. kaya po si mister... hinayhinay, para po walang maging problema. BOW!

liong
05-16-2007, 09:37 PM
ano po sa palagay nyo?..............:c ool: sana sakin na lang sya naadik , libre pa....:D eh, sa pachinko, ubos pa ang pera nya..


:D :D Oo nga sana syo na lang....:p

manay... kupitan mo yung pangPachinko nya... para kahit matalo sya panalo ka naman..:p

pero nakakalungkot talaga yung mga nakikitang kong talunan sa pachinko...meron nga akong nakikita dun kahit lolong uugod ugod na... sige pa rin ang pihit sa pihitan... tsk... tsk..... na adik na talaga sila...:(

sana magbago na mister mo habang maaga pa...:)

wolfgang
05-16-2007, 10:12 PM
:D :D Oo nga sana syo na lang....:p

pero nakakalungkot talaga yung mga nakikitang kong talunan sa pachinko...meron nga akong nakikita dun kahit lolong uugod ugod na... sige pa rin ang pihit sa pihitan... tsk... tsk..... na adik na talaga sila...:(
Bakit mo alam Liong ha? nagpupunta ka rin ba sa Pachinko hmmnnn naglalagi ka ba doon..:confused: .nyahahahha:D :D
naku Liong hinay- hinay lang ha..mamaya ikaw na pumalit sa puwesto noong lolo na nakita mo:D :D
Peace tayo ha Liong!!

liong
05-16-2007, 10:18 PM
Bakit mo alam Liong ha? nagpupunta ka rin ba sa Pachinko hmmnnn naglalagi ka ba doon..:confused: .nyahahahha:D :D
naku Liong hinay- hinay lang ha..mamaya ikaw na pumalit sa puwesto noong lolo na nakita mo:D :D
Peace tayo ha Liong!!

di pachinko laro ko... slot....nyahahaha!!: D hoi hoi hoi!!:D masama iyan!:D OT..

lalen16loves
05-16-2007, 10:48 PM
erika,
lahat napo ng heart 2 heart talk ginawa ko na......kaso may mga tao talagang matitigas ang ulo , unless pukpukin ng martilyo para lumambot :bonk: kaso baka matuluyan :D

wildflower,
tuwa ko lang kung once a month lang syang maglaro..kahit saisho kara saigo made pa:)

coffee,
dapat talagang wag tularan....ako pa naman hate ko ang sugal, tapos kapartner ko to the max pa:D

liong,
hindi ko po gawain ang mangupit,...dahil malinis po ang konsensya ko,....habang hindi pa nabubuking:D

wolfgang,
oo nga, hindi nga kaya ang tinutukoy nyang lolo dun eh, sya?.....ooppss, JOKE LANG PO SIR...wag po wag po:lol:


:dogpile: maraming salamat sa mga payo at share nyo kaTF..liong, wolfgang,coffee,aki, widflower,erika, splendid.......hindi ng hindi ko kayo makakalimutan for the rest of my life.:D

and i'd like to thank also dr. vicky belo for my skin and lipo
ricky reyes for my hair and make-up...etc....:roll: (nag-alacelebrity ang lowla)

sensya na ha...hirap talagang may asawang adik....sa pachinko...LAKAS NG TAMA PRE...:D ganito pala tama nun, nasisisraan ng bait ang asawa :toofunny: :toofunny:

katty0531
05-17-2007, 10:38 AM
Hello lalen chan,
Ok sa ad tong thread mo ha...hihihihi...
Alam mo hihinto din siguro yang asawa mo pag wala na syang pam pachinko hehehe...dyok! o ipagdasal mong ma close lahat ng pachinko sa paligid nyo....
Hirap kasi eh, asawa ko naman dati lang nong single pa sya nag papachinko, pero mula nag asawa na wala na, pano wala naman syang pam punta eh, 15000 yen lang allowance nya kasama na dyan obento at sigarilyo nya.
Mas lalo na ngayon nabuntis na ako, wala na daw sa utak nya mag asubi, na busy na sa pagtatrabaho para may pambili gatas hehehehe....

wolfgang
05-17-2007, 01:00 PM
alam mo lalen... naalala ko yun ate ko kasi dati yun asawa niya adik naman sa majong ..kaya sobrang galit nang ate ko hehehe noong umuwi yun asawa niya di talaga siya nangluto..hehehehe inihain niya pitsa nang majong...nyahahhaha
ako naman dati nagpahinko si habibi ko ...ehh natalo...kaya ayun machine gun na bunganga ko ang humarap sa kanya...sabay di ako nagluto...sabi ko kumain ka nang bolitas nang panchinko...atsaka pinaliwanag ko sa kanya na ayaw ko nang ganoon..
sabi ko sa kanya malakas ka nang lumaklak nang alak...aba balak mo pang maging sugarol???saan ka kaya pupulutin??:D hehehe pinapili ko siya pachinko...o...alak ..hehehe pinili niya alak...kaya yun di na siya nagpachinko....:D :D :D

mr.kuripot
05-17-2007, 03:04 PM
Lalen sis,

Si hubby before lagi ring laman ng pachinko (buntis kasi ako noon swerte daw)..Nung una ok lang s akin minsan nga sinasama nya pa ako, e kaso talagang di ko trip yan kasi bukod s maingay na kabaho pa ng usok ng sigarilyo..Napansin ko inaraw araw na nya at minsan ginagabi na s uwi, aba di na tama yun, nawili kasi laging nananalo..Ang ginawa ko 1 lingo ko syang di pinansin :ohlord: ayun e di natauhan sya..Ngayon kahit na ako ang magyaya s kanya s pachinko ayaw nya na..:D
Yung friend ko naman ang ginagawa nya nagkaroon sila ng kasunduan ng asawa nya s twing pupunta s pachinko c hubby nya kaylangan nya mag bigay s friend ko ng 20,000 en ke manalo o matalo..E di ayun nagkakapera sya, inuutakan na lang nya hubby nya..di nya pinapayagan kun walang 20,000 en..:p

lalen16loves
05-17-2007, 03:33 PM
mr. kuripot,
aba, magandang kasunduan nga yan kung sakali.....kaso, baka sabihin nya, pera lang pala katapat ko.....hehehe :D ....ayoko naman ng ganun..ibig sabihin, kukonsintihin ko sya..


wolfgang,
sinabi ko narin sa kanya yan....kung sa alak siguro, hindi pa nya mauubos ang 1lapad, tulog na sya sa kalasingan...kaso, ayaw talaga ng alak....sabi ko na nga lang maggolf ka kaya o any kind of sports para kapalit sa pachinko....aba, ayaw talagang magpaawat.....pachin ko daw talaga sya FOREVER.....:D kaya ayoko narin syang papiliin kung AKO O PACHINKO,,,kasi alam ko na isasagot nya :D .

Autumn
05-17-2007, 07:51 PM
Yun X ko sobrang hilig sa pachinko...hawak nya kasi ang pera..kahit anong paliwanag ginawa ko..ayaw tumigil....may utang pa nga ...lumaki mga bata na hindi man lang nya nalaro....doon sya masaya eh...kaya yun mga bata (di na pala bata) masyadong malayo ang loob sa kanya..
ewan saan sya masaya ..sa tunog ng mga bolitas ? sayang hindi man lang nya narinig ang mga halakhak ng mga bata noon..ngayon simangot ang sagot ng mga Anak nya sa kanya pag kinakausap nya..

mahirap awatin ang tunay na ADIK sa pachinko..:mad:

liong
05-17-2007, 08:00 PM
Yun X ko sobrang hilig sa pachinko...hawak nya kasi ang pera..kahit anong paliwanag ginawa ko..ayaw tumigil....may utang pa nga ...lumaki mga bata na hindi man lang nya nalaro....doon sya masaya eh...kaya yun mga bata (di na pala bata) masyadong malayo ang loob sa kanya..
ewan saan sya masaya ..sa tunog ng mga bolitas ? sayang hindi man lang nya narinig ang mga halakhak ng mga bata noon..ngayon simangot ang sagot ng mga Anak nya sa kanya pag kinakausap nya..

mahirap awatin ang tunay na ADIK sa pachinko..:mad:

Ayan.... kitams....hirap talaga maadik!:( sana magbago pa sila para di maapektuhan ang mga pamilya.... tskkkk... tskkk...:(

Inday_36
05-17-2007, 10:06 PM
Addict din o may sakit din ang asawa ko sa panchinko, pero very responsible naman sya sa mga obligation nya sa bahay., yun nga lang para syang maamong pusang amoy ng amoy sa paa mo pag naghihiram ng pera, nagpapahiram din ako pero syempre dapat may tubo.. .Ano sya bale!?

mOtt_erU
05-18-2007, 11:45 AM
kaso, wa epek ang mga paliwanag ko...kaya ang ginagawa ko nalang ,...pinababayaan ko nalang sya, kesa sa pag-awayan namin araw-araw ang bagay na yan...:( dahil nakakasawang makipagtalo na hindi ka naman pakikinggan.....

Hi lalen sis..
~ naku mahirap talaga pag sa pachinkO na addict si habibi....kasO, sa ngayOn mukhang wala kang magagawa kase sabi mO nga lahat na ng paliwanag ginawa mO na....kaya pabayaan mo na lang munas as long as na di naman siya sumusObra sa dapat nyang gastusin.... pag sumObra na sa dapat lang eh dun mo na medyO sermonan..... tsaka agree ako sa sinabi ni katty0531 malay mO isang araw, magsawa din siya kakapachinko....sana nga noh sis!?...:D

lalen16loves
05-18-2007, 12:16 PM
kaya nga pag alam kong maglalaro sya,,,,,ang pinapanalangin ko , sana matalo sya lagi ....para maubusan ng puhunan.....kasi pag nananalo, lalo syang ginaganahan ..:cool:

wala na talaga akong magagawa kundi ang pabayaan ko nalang sya.....hindi pa naman nya kami pinababayaan at responsable pa naman..:)

sana nga dumating ang araw na magsawa na sya sa kapapachinko...kaso baka 80 anyos na, andun parin nakaupo sa pwesto nya.....suportahan ko nalang kaya sya,,,kinacareer na kasi nya :D

thank you tf family:)

honey
05-18-2007, 10:45 PM
Ang tao tumitigil sa maling ginagawa kapag may naramdaman sa katawan.Tulad nung byenan ng friend ko sobrang adik sa pachinko ayun nabingi simula non laging nasa bahay lalong nastress.Hindi naman siguro magiging ganyan ang mga asawa nyo hinahalimbawa ko lang.

Ang asawa ko dati nagpapachinko daw sya kaso laging talo:(.Kaya iniba nya bisyo nya sigarilyo naman di pa ako nakakapunta ng japan nyan.Nun dumalaw sya sa akin sa pilipinas may dala syang sigarilyo nun magsisigarilyo sya humihingi din ako ng isang stick.Alam ng asawa ko na hindi ako nagsisigarilyo pero sabi ko sa kanya "Maganda kung ano yung bisyo mo magiging bisyo nating lahat mula sayo hanggang magiging anak natin" tinago nya na lang yung sigarilyo at hindi na nagsigarilyo hanggang makauwi ng japan.Nun bago ako dumating sa japan sinabihan ko na ayaw kong amoy sigarilyo ang bahay kaso pagdating ko amoy sigarilyo sabi ko sa kanya "sinong gusto mong pumatay sayo yung sigarilyo o ako?" napatulala sya sa akin sinabi ko pa na "Kung gusto mo matuluyan wag mo unti-untiin ang daming building dyan!"

Nun unang pagsasama namin sa japan hindi ako sweet sa asawa ko pinapakita ko tunay na kulay ko mga ayaw ko at gusto kaya kilalang kialala nya ako.Hindi ko sya under ha! may mga sinusunod din ako sa mga sinasabi nya dahil wala naman ako masyadong alam sa japan ayaw ko lang ako ang underin nya dito dahil walang magtatanggol sa akin dito kundi sarili ko lang.