PDA

View Full Version : Tulong from Hiroshima


c_ehara
05-17-2007, 10:40 AM
Tanong ko lang po kung sino ang nakatira sa Hiroshima o malapit lang sa lugar. Hingi sana ako ng tulong na humingi ng birth certificate ng aking mga lolo doon. Sina Carpio Ehara, Tranquilino Ehara, Dionesio Ehara, Raymundo Ehara at Felix Ehara. Salamat po sa lahat....Malaking tulong po ito sa aming papers....

katty0531
05-17-2007, 11:20 AM
Hello c ehara....

KOSEKI TOHON ba ibig mong sabihin? wala kasi birth certificate mga hapon, family registry sa kanila yon...di ko lang alam ha kung pwede ba mag request yong ibang tao para sa Koseki Tohon ng mga lolo mo, pero madali lang mag request ng Koseki Tohon
kahit wala ka sa lugar mismo kung saan yong Koseki mo halimbawa lumipat ka ng tirahan at di mo pa na ipatransfer sa bago mong lugar. Madali lang yon.
Hintay hintay kapa baka merong mas nakaka alam pano gawin yan.

c_ehara
05-17-2007, 11:41 AM
Salamat katty :)

OO, kosekei tohon ang ibig kong sabihin...kailangan kasi ng agency sa makati...actually kat maraming Ehara dyan pero hindi ko cla macontact. Sana matulungan nyo kami mga ka TF..:)

katty0531
05-17-2007, 11:46 AM
Salamat katty :)

OO, kosekei tohon ang ibig kong sabihin...kailangan kasi ng agency sa makati...actually kat maraming Ehara dyan pero hindi ko cla macontact. Sana matulungan nyo kami mga ka TF..:)

Walang anuman po, taga Hiroshima din kasi asawa ko pero di ho kami Ehara:) , atsaka wala na kami sa Hiroshima. Hintay ka lang muna marami sasagot sayo dito.:D

maimai
05-17-2007, 11:48 AM
hi c ehara...

sa pagkakaalam ko po...di pwede kumuha ng kosekitohon ang ibang tao....pinagbabawal po yan ng City Hall....lalo pa di nya naman kilala ang tao kunan nya ng Kosekitohon...walang syang relation...tatanungi n po kasi yan ng City Hall kung ano ang kaugnayan nya sa mga tao na yun...


Kontakin mo na lang ulit ang mga lolo mo..at sila na humingi ng kosekitohon sa City Hall ng Hiroshima...:)


sana makatulong...

Autumn
05-17-2007, 06:25 PM
Salamat katty :)

OO, kosekei tohon ang ibig kong sabihin...kailangan kasi ng agency sa makati...actually kat maraming Ehara dyan pero hindi ko cla macontact. Sana matulungan nyo kami mga ka TF..:)
Miss parang mahirap yata iyan..kasi privacy nila iyan..kahit nga sariling mong asawa hindi ka basta basta makakakuha ng Kosekitohon..kailang an mo ng valid reason at consent ng mga taong hinihingian mo mg Register nila...
sa palagay ko walang magagawa mga Member para saiyo sa inilalapit mo

summergirl
05-18-2007, 02:12 PM
Yah totoo yon,di allowed ang ibang tao na kumuha ng koseki tohong ng ibang tao,ang asawa nga pinapapirma pa ang ibang tao pa kaya..Alam mo sa tingin ko ang dapat mong lapitan ay ang Japan embassy sa pilipinas dahil walang ka member natin ang pwedeng lumawa nyan dahil hindi kami bibigyan ng kahit anong kailangna mong papel..Sana mag consult ka sa embassy baka atulungan ka nila.

honey
05-18-2007, 10:14 PM
Kailangan po ng sign ng taong may kailangan ng kosekitohon:).

tisay
05-18-2007, 10:34 PM
...taga hiroshima ako pero gaya ng nasabi ng mga ka tf natin...wala akong magagawang tulong sa gusto mong ipagawa....dahilan na rin sa napaka higpit kasi nila dito at di sila basta-bastang naga-approve o nagbibigay ng mga hinihingi mong papeles o kosekitohon..kahit nga sariling asawa mo nga andami pang tanong nila at pirma pa. .....kahit sino siguro sa mga ka tf natin,,malabo yatang matulungan ka sa gusto mong mangyari......sensya na po pero its better siguro kung personal nyong asikasuhin yun or call the embassy about the situation........

kitty59
05-19-2007, 09:52 AM
japanese descendant ka yo di ba?what category?if ur family is category "A" at may mga kamag anak ka na nakarating dito sila ang pupwedeng mag request ng koseki ng lolo nyo..all they have to do is pumunta sila ng kanilang munisipyo with a copy of ur lolo koseki at may pipirmahan lang sya na form n after dat kunin nya yong form din punta sya ng post office at ipadala nya yong form with teigaku kawase worth 450 yen for one copy ng koseki and ilagay mo yong kawase sa envelope,dapat ding maglagay ng return envelope with stamp and isulat ang address ng nag request ng koseki atsaka wag pala kalimutan ng nag request ng koseki ang kanyang birth certificate for" ex".kung 3rd gen.kailangan ang birth cert. nya kahit na xerox at birth cert ng 2nd.gen/kailangan po to para malaman nila kung ano ang relation ng ng nag request at yong tao sa koseki tapos padala na nya ang envelope sa munisipyo ng lugar ng lolo nyo kung di nya alam ang address maki pag usap sya sa tao sa post office at ipabasa nya ang koseki na dala nya kasi po nakasullat doon ang address...but if you are category B or C its better na kumunsulta kayo sa fil-jap organization they will help u, maybe u know what am talking about na organisasyon .

c_ehara
06-03-2007, 02:54 PM
Hello and goodday mga ka-TF, lalo na sa mga taga-hiroshima....tanong ko lang po kung may NSO sa hiroshima kagaya dito sa pilipinas....Magpatu long sana ako itanong doon ang exact place nina Tranquilino ehara, carpio ehara, dionesio ehara, raymundro ehara, felix ehara, elias ehara...if mayroon sa knila....kahit isa sa kanila. Ang agency nadaw ang bahala mgpunta sa exact place ng hiroshima...kung pwede lang po magtanong doon sa NSO mga ka-TF.

Sana po tulungan nyo ako para matapos na aming papers....salamat sa lahat....