View Full Version : NAIA/MIA Terminal Fee now at P750
Yujin
05-17-2007, 10:40 AM
Marami na rin sigurong nakakaalam dito at para na rin sa mga hindi pa nakakaalam.
As of Feb, 2007[?], P750 (dating P550) na ang terminal fee para sa mga magbabyahe ng international flights mula Maynila/Pilipinas. (MIAA FAQ site (http://203.87.152.100/miaa/FAQ/index.asp))
Nakakapagtaka ang patuloy ng pagdagdag nila sa terminal fee na iyan na hindi naman malinaw kung saan ginagamit at napupunta.
Nagulat lamang ako nung huli kong pagbyahe pabalik dito dahil eksaktong halaga na lang ang natitira sa bulsa ko nang malaman ko na nagbago na naman pala ang halaga. Napilitan tuloy tayong gumawa ng paraan. Napakalaking abala talaga.
Paalala po lamang ito sa ating lahat para maiwasan ang aberya sa pagbabyahe.
RODSKI
05-17-2007, 10:55 AM
Ano ba yan:eek: ang hihilig magtaas ng terminal fee, mga wala naman sa ayos:mad: :( salamat sa info. Yujin-san
katty0531
05-17-2007, 10:56 AM
Maraming salamat po sa info na to sir, kasi kahapon lang katatawag ko sa nanay kong paalis next week pa punta dito sabi nya "magkano kaya dapat dalhin na pera kasama na terminal fee", di ko alam nay....magdala ka nalang nang sobra baka 1500 pesos na ngayon hehehe:D .....750 pesos pala, kasi 500 siguro ito noong umalis ako diko narin matandaan.
infinite_trial
05-17-2007, 11:05 AM
nung feb pa daw po naimplement yan
PhP550 is for Passenger Service Charge
and PhP200 is for Security Dev't Charge
Yujin
05-17-2007, 11:10 AM
nung feb pa daw po naimplement yan
PhP550 is for Passenger Service Charge
and PhP200 is for Security Dev't Charge
thanks for the correction and additional info.
Sa dagdag na P200 para sa diumano "Security Dev't Charge", baka naman mababawasan na ang mga guard/staff na nanghihingi sa mga pasahero at mas bumuti na ang facilities/serbisyo.
infinite_trial
05-17-2007, 11:31 AM
thanks for the correction and additional info.
Sa dagdag na P200 para sa diumano "Security Dev't Charge", baka naman mababawasan na ang mga guard/staff na nanghihingi sa mga pasahero at mas bumuti na ang facilities/serbisyo.
siguro po pag hiningan kayo ng "tip" hehe sabihin nyo na lang nagbayad na kayo ng 200 :D
Yujin
05-17-2007, 11:43 AM
siguro po pag hiningan kayo ng "tip" hehe sabihin nyo na lang nagbayad na kayo ng 200 :D
Kapag papaalis galing Pilipinas, madalas naman sa hindi wala rin akong maibibigay kahit may humihingi dahil eksakto lang parati ang dala dala ko :D ;)
mamimo
05-17-2007, 04:25 PM
Baka mahal ang pakain ng mga asong nakakalat sa airport bakit kasi di na lang ihingi ng buto2 sa karinderya.......LOL
Autumn
05-17-2007, 06:08 PM
wow :eek:
docomo
05-17-2007, 06:10 PM
ok lang ang 750 pesos basta maayos ang serbisyo .. but i doubt it .. :)
proud me
05-17-2007, 06:24 PM
Okey lang 750...pero pag-may sukli...suklian naman nila!:D ...inunahan ba ng pa-uwi na naman kayo ng japan hindi na ninyo kailangan peso...yen na daw!:eek:
Yujin
05-17-2007, 06:45 PM
Okey lang 750...pero pag-may sukli...suklian naman nila!:D ...inunahan ba ng pa-uwi na naman kayo ng japan hindi na ninyo kailangan peso...yen na daw!:eek:
Bago yata yan "gimik" na yan sa kin. Hindi pa naman ako nakatapat sa ganyan, parati ko kasing ineeksakto :D . Minsan nga puro barya(tig sampung pisong coins) pa binigay ko . :D
proud me
05-17-2007, 08:50 PM
Bago yata yan "gimik" na yan sa kin. Hindi pa naman ako nakatapat sa ganyan, parati ko kasing ineeksakto :D . Minsan nga puro barya(tig sampung pisong coins) pa binigay ko . :D ewan ka nga kung kelan nauso yang gimik na yan...o baka diskarte niya lang yun mag-isa...pintasero pa...yun pala mangongotong lang!:D ...yujin san...pag-maka pag-bakasyon nga uli gayahin ko yang coins style mo...salamat nga pala sa Thread mo nalaman kong tumaas na pala ng 200peso...:)
Soju6
05-17-2007, 08:56 PM
Kapag papaalis galing Pilipinas, madalas naman sa hindi wala rin akong maibibigay kahit may humihingi dahil eksakto lang parati ang dala dala ko :D ;)
Hindi ko pa naranasan na may humingi sa akin ng tip sa Airport sa atin. Marunong silang tumingin kung sino ang hihingan....mukha kasi akong gusgusin.
Pakiusap lang ho, don't offer anything. Takot na rin ho silang gumawa ng sideline o magsuplado/da dahil ayaw nilang ma fire out once na nahuili sila o pag may nag reklamo. Walang manghihingi kung walang magbibigay.
LORIE
05-18-2007, 12:47 AM
Tanong lang po since napag usapan na tungkol sa airport fees itatanong ko na rin ito,
Unang beses na naming umuwi ng Pinas that was December 2004, then pag balik dito sa Jpn January 2005 mag che-check inn na sinabihan ako ng taga check inn counter" ma'am bayaran nyo muna yong travel tax nyo" sabay turo sa left window side na may pangalan na Travel Tax Counter doon, so bayad ako doon, first kong binayaran kung tama pa memorya ko unang binayad ko mga 2thousand peso, then umuwi ako ng September2005, balik ng jpn Sertember 2005 same situation rin bayad ako doon sa counter para sa travel tax 2thousand ulit, then nitong January 2007pabalik dito sa Jpn is ang binayaran ko is 800hundred peso, sabi ko oyyy bumaba ang travel tax ngayon bakit kaya sinagot ako ng charge doon" ma'am naka uwi ho kasi kayo kaya bumaba pag every yr ho kayo umu-uwi mababa lng talaga babarayarn nyo sa travel tax nyo" so no comment ako napa ahhhh lng ako.
Ang tanong ko ay ito may nakaranas na ba ng ganito nag babayad sa travel tax counter sa airport sabay pag che-check inn ng ticket at para saan naman yong travel tax na yan para atang nalilito pa ako kung saan mapupunta ang nag babayad roon.:confused:
Answers please.......
Yujin
05-18-2007, 09:09 AM
LORIE
Salamat sa pag-banggit ng tungkol dito.
Ayon sa Philippine Tourism Authority (PTA), na naniningil nyan, Ang travel tax daw ay:
The travel tax is a levy imposed by the Philippine government on the following individuals who are leaving the country irrespective of the place where the air ticket is issued and the form or place of payment, as provided for by Presidential Decree (PD) 1183
Heto naman ang rate ng travel tax ng nagbabago depende sa kategorya ng taong mag-tatravel.
For First Class Passage
Full rate : P2700
Standard reduced rate : P1350
Privileged reduced rate for Overseas Contract Workers' (OCWs) dependents : P400
For Economy Class Passage
Full rate : P1620
Standard reduced rate : P810
Privileged reduced rate for Overseas Contract Workers' (OCWs) dependents : P300
Sa case mo, you availed of the reduced rate probably bacause you quallify for the following requirement for reduced rate consideration:
Filipino permanent residents abroad whose stay in the Philippines is less than one (1) year.
1. Copies of the ID pages of passport and stamp of last arrival in RP
2. Proof of permanent residence in foreign country (e.g. US Green Card, Canadian form 1000, etc.)
For more details refer to this link PTA faq on Travel Tax (http://www.philtourism.gov. ph/ttax.html#t_tax_what is).
Maging reminder na rin sa iba pang mga permanent visa holder to avail of the reduced rate. Sayang din naman un P1000+ , malayo layo pa rin ang mararating nyan kahit papano :D
HTH
joe350gtr
05-18-2007, 10:04 AM
kadalasan po kasi, ang travel tax po eh included na sa ticket na binili nyo, im speaking with my case. i-check nalang po kung all taxes are included kung kayo po ay bumibili ng ticket. kc po, everytime na aalis po ako ng manila, wala po akong binabayaran na travel tax dahil included na po sa ticket ko. regarding po naman sa mga kababayan po nating OFW dito sa japan, hindi po kayo dapat magbayad na airport tax dahil privilage nyo po iyon, as long na meron po kayong certificate na galing labor office na matatagpuan po sa kanang bahagi ng NAIA. ipagtanong lang po ninyo sa mga guard ang labor office at ituturo po nila sa inyo. sayang din naman po yung P550 or P750 na yata ngayong sa airport tax.
mOtt_erU
05-18-2007, 11:08 AM
......ganUn?? :confused: .........juskO baka sa `09 eh 1K na yan??
Yujin
05-18-2007, 12:18 PM
ewan ka nga kung kelan nauso yang gimik na yan...o baka diskarte niya lang yun mag-isa...pintasero pa...yun pala mangongotong lang!:D ...yujin san...pag-maka pag-bakasyon nga uli gayahin ko yang coins style mo...salamat nga pala sa Thread mo nalaman kong tumaas na pala ng 200peso...:)
yes proud_me
kapag barya kasi maging busy sya kakabilang ng barya at malimutan nang mangotong. :D
......ganUn?? :confused: .........juskO baka sa `09 eh 1K na yan??
mott_erU
Posible yan, alam mo naman satin ang halaga ng kahit ano parang eroplano walang atras puro pasulong :D
katty0531
05-18-2007, 01:21 PM
Hehehehe....
Marami rin pala nangongotong kahit pauwi na Japan, alam ko pag dating lang eh, sen yen sen yen sabi....hikhikhikhik ....sabi ko sarili ko improved na kayo ah di na peso...yen na talaga...
Husband ko naman, may ina alok daw na towel o oshiburi, tapos, chodai chodai daw....
hay...iba iba paraan....basta warning ko sa kanya, wag kang magbibigay, wag kang mamamansin!...derets o lang lakad....:D
Para saken, okey lang 750 pesos, basta malinis at naka smile lang palagi mga magseserbisyo sa airport.
Autumn
05-18-2007, 09:21 PM
Dapat talaga .pag magbabayad tama lang yun pera..dahil ayaw nila magsukli..wala daw pangsukli :eek: eh sa dami naman ng lumabas na tao ..wala daw panukli. :eek: lalo na pag foriegner di sila nag susukli..
dati din nag bayad ako puro barya :D piso piso galing sa tindahan ng nanay ko..ang bigat noon ha..keber ko..kasi taon taon na lang nakakaasar sila..asarin ba :biglaugh:sabi ba naman miss wala bang buo..sabi ko para marami kayong panukli..pag buo ayaw ninyon mag sukli pag barya nang hahanap kayo ng buo..nakakaloka sila huh :rolleyes:
Tarena314
05-18-2007, 10:03 PM
Para sakin ok lang naman ang magdagdag sila ng airport fee, kase hindi naman ako mareklamo eh, basta ba kahit tissue man lang sa toilet ay meron sila..,kaso wala talaga eh.., :(
honey
05-18-2007, 10:27 PM
Sa pilipinas lahat ng kilos may lagay o puro pera lahat magtataasan.Umuunlad na pilipinas sabi pero yun lang namang mga nangungurakot e! umuunlad.
Di naman maganda serbisyo sa NAIA e! nakakatakot pa nga kamong maglakad lakad sa loob at labas..Sabi sa akin ng asawa ko wag daw ako matakot mawala sa japan kasi libre tanong sa pilipinas daw ako matakot maligaw kasi lahat may kapalit wala akong magagawa kung ganun tingin ng asawa ko e totoo naman kasi :p.
purpletablet
05-19-2007, 12:15 AM
nagulat ako noong bumalik ako galing sa atin, last may 10 tumaas na nga ang terminal fee, buti na lang may extra money pa ako kundi panigurado maaabala ako...
grabe sana nman ay mapunta sa dapat kapuntahan ang binabayad natin na yan :)
mbstorun
05-19-2007, 03:45 PM
Tanong lang po since napag usapan na tungkol sa airport fees itatanong ko na rin ito,
Unang beses na naming umuwi ng Pinas that was December 2004, then pag balik dito sa Jpn January 2005 mag che-check inn na sinabihan ako ng taga check inn counter" ma'am bayaran nyo muna yong travel tax nyo" sabay turo sa left window side na may pangalan na Travel Tax Counter doon, so bayad ako doon, first kong binayaran kung tama pa memorya ko unang binayad ko mga 2thousand peso, then umuwi ako ng September2005, balik ng jpn Sertember 2005 same situation rin bayad ako doon sa counter para sa travel tax 2thousand ulit, then nitong January 2007pabalik dito sa Jpn is ang binayaran ko is 800hundred peso, sabi ko oyyy bumaba ang travel tax ngayon bakit kaya sinagot ako ng charge doon" ma'am naka uwi ho kasi kayo kaya bumaba pag every yr ho kayo umu-uwi mababa lng talaga babarayarn nyo sa travel tax nyo" so no comment ako napa ahhhh lng ako.
Ang tanong ko ay ito may nakaranas na ba ng ganito nag babayad sa travel tax counter sa airport sabay pag che-check inn ng ticket at para saan naman yong travel tax na yan para atang nalilito pa ako kung saan mapupunta ang nag babayad roon.:confused:
Answers please.......
...kahit ako di ko rin maintindihan ang travel tax rates na yan. pero everytime na babalik ako sa Japan, P1620 ang binabayaran ko since di pa naman ako permanent resident sa Japan. last February, ang neighbor ko dito sabi saken sabihin ko daw next time na di naman ako nagwo~work dito para mababa lang daw ang singil nila since ganun ang nangyari sa neighbor ko 300 lang daw binayaran nya so last February, sinabi ko na di ako nagwo~work sa Japan kaya lang lagi lang ako sa pinas so sabi ko...> Kailangan ko bang magbayad ng 1620 pesos kahit di ako nagwowork? Sagot nila oo daw kase di pa ako permanent resident sa Japan. eh ang nakakapagtaka bat ang neighbor ko 300 lang ang binayad nya nung sinabi nyang di sya nagwowork dito sa Japan. so ibig sabihin pati sa travel tax may ginagawa silang di maganda. so kung lagi ka sa pinas lugi ka talaga kase magbabayad ka pa ng travel tax na P1,620 pesos plus P750 sa immigration. sa isang tao lang magkano na ang kinikita nila. baka next year ang P750 maging isang libo na yan. sad to say pero mabigat din sa bulsa yang mga fees nila na di mo naman alam kung san talaga napupunta dahil wala namang improvement na nakikita.
proud me
05-19-2007, 04:14 PM
Para sakin ok lang naman ang magdagdag sila ng airport fee, kase hindi naman ako mareklamo eh, basta ba kahit tissue man lang sa toilet ay meron sila..,kaso wala talaga eh.., :( OO nga isa pa yan sa napansin ko sa atin sa pinas...yung toilet papers...bakit ganun...dito kahit supermarket lang merong mga Toilet papers...dahil siguro joshiki na dito sa kanila yun...ba't sa pinas...hindi maisip yung mga ganung service noh?!...puro ata kung paano lang kumabig ang iniisip eh!:D
Saling Pusa
05-31-2007, 09:58 AM
...ang neighbor ko dito sabi saken sabihin ko daw next time na di naman ako nagwo~work dito para mababa lang daw ang singil nila since ganun ang nangyari sa neighbor ko 300 lang daw binayaran nya so last February, .
HINDI Tutuo yan na P300 lang ang bayad sa walang work (walang ganitong batas)... ang travel tax ay para sa lahat ng Pinoy travelling abroad. Ang batas na ito ay ginawa nuong Martial Law days ni Marcos dahil ang assumption ay may pera ang taong nagtatravel (kaya siya nakabili ng ticket). Maski wala kang trabaho sa place of destination is NOT the point. Sinumang Pinoy na magbibiyahe ay may pera kaya siya nakakapagbiyahe (kung wala siyang pera ay magtago na lang siya sa Pinas). Iba yung sitwasyon ng OFW. Sila ay magwowork sa abroad kaya may exemption sila sa POEA. Walang travel tax pati na rin ang airport tax. Para naman sa permanent resident, magababayad ka lamang ng P200 plus airport tax na P750. Try mo ang POEA dito sa Philippine Embassy kasi narito ka sa Japan baka makakuha ka ng exemption maski wala kang work.
Saling Pusa
05-31-2007, 10:06 AM
As of Feb, 2007[?], P750 (dating P550) na ang terminal fee Nakakapagtaka ang patuloy ng pagdagdag nila sa terminal fee na iyan na hindi naman malinaw kung saan ginagamit at napupunta.
Para sa security expenses... additional manpower to check our luggage at mga machines for bomb-detection..at pati na rin mga special dogs to sniff our luggage.. Di naman pwede ang ASKAL kasi kaya lamang ang mga bagoong amuyin!;)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.