houseboy
05-22-2007, 11:54 PM
Minamahal kong mga magulang,
Sa iyong pagtanda kayo ay aking uunawain at pagpapasensyahan. Kung makabasag man ng pinggan, kayo ay hindi ko papagalitan sapagkat hindi naman mababasag yun kasi plastic na ang lahat ng pinggan natin.:tongue: Kung makatapon man kayo ng sabaw sa hapag kainan, ito ay agad kong ipapapunas kay Inday. Tsaka alam ko naman na may manners kayo at hindi niyo itatapon ang sabaw. Di ba?:cool:
Sa inyong pagtanda, batid ko naman na likas lang na humina ang inyong tenga. Meron na po akong nabiling solusyon diyan. Binilhan ko po kayo pareho ng hearing aid. Hindi ko na paulit-ulit na sasabihin ang aking nais maiparating, at dahil maririnig niyo ako, hindi ko na rin kayo sasabihan ng "Binge". Ayan, wala na kayong rason para magbingibingihan. Belat!:p Tsaka kayo rin nagsabi sa akin na "Kalabaw lang ang tumatanda" kaya para sa akin, hindi pa kayo matanda.:lol:
Mahina na po ba mga tuhod ninyo? Kaya niyo pa po ba kumain ng balot sabay inom ng beer?:toast: Ooops, biro lang po. Of course, tutulungan ko kayong tumayo. Kayo pa, malakas kayo sa akin e.:sweeties:
Makulit na po ba kayo? Kung gusto niyo po ng kakulitan, laruin niyo po ang inyong mga apo. Tingin ko mas makulit sila sa inyo e. Maganda nga yun, mas mapapalapit loob nila sa inyo. Tsaka hindi naman ako makulit nung bata ako ah. Takot ko lang sa baseball bat na inyong hawak kapag ako'y nangungulit. :yikes:
Amoy matanda na ba? Meron namang baby cologne e. Isang wisik lang, amoy baby na uli. Si Tatay nga e, nakita ko nung isang araw sa harap ng salamin, bagong ligo at naka-gel. Naku Nay, bantayan niyo si Tatay. Baka may pinopormahan yan.:bowdown:
Naku, normal na sa akin kasungitan niyo. Mas masungit ang manugang ninyo. Pinaglihi yata yun sa pinaghalong Sukang Paombong at Iloko. Sobrang sungit!:mad:
Kuwentuhan lang ba? Naku, ok ako diyan. Basta ba ako lagi bida, ayos ako! Tsaka kayo ha, may Teddy Bear pa kayong nalalaman. Ala kaya ako Teddy Bear. Barbie lang naman. Pero mas gusto ko si Ken, ang gwapo kasi. Hihihihi!!!:mushy:
Tsaka hindi naman kayo magkakasakit niyan e. Umiinom yata kayo ng Clusivol. Sa panahon ng krisis, bawal magkasakit. Tsaka hindi na banig yang higaan niyo. Mattress na po tawag diyan. Meron din naman kayong personal nurse e. O di ba, sosyal kayo. Ganyan ko kasi kayo kamahal.:king:
At sa inyong pagpanaw, ako'y tatayo sa inyong tabi, hawak ang inyong mga kamay, ang aking labi ay nakadikit sa inyong mga noo habang ang aking puso ay nagsasabing "Mahal na mahal ko po kayo".
Tay at Nay, salamat po!:tiphat:
---
Bilog na naman po ang buwan.:D