PDA

View Full Version : ASAWA , AYAW MALIGO


lalen16loves
05-23-2007, 02:20 PM
kakaiba naman po tong problema ng friend ko.....nawawala na raw kasi ang pagmamahal nya sa asawa nya kasi minsan nalang kung maligo...:toofunny: 1 beses nalang daw po kasing maligo sa isang linggo.

habang kinukwento po nya sakin, syempre natawa naman ako....ayun , nagtampo sakin....eh, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong payo sa kanya....alangan naman ako magsabi sa asawa nya ng..."hoy, maligo ka naman , kung ayaw mong magkahiwalay kayo ng asawa mo".....:D

mabait naman kasi ang asawa nya, kaso nga pagdating sa ligo- ligo ayaw raw.....kaya , gusto nya na raw hiwalayan..........: nono:

ang sabi ko naman, yun lang naman ang kapintasan ng lab mo...at may solusyon pa yan...

aba, kung ako raw nasa katayuan nya, ......matitikis ko daw bang amuyin ang putok ng kilikili araw-araw?...:D hay, naku wala akong magawa kundi ang tumawa :lol: habang sya naman ay inis na inis na umiiyak...

TF pakipayuhan naman po sya....:)

mamimo
05-23-2007, 02:26 PM
kakaiba naman po tong problema ng friend ko.....nawawala na raw kasi ang pagmamahal nya sa asawa nya kasi minsan nalang kung maligo...:toofunny: 1 beses nalang daw po kasing maligo sa isang linggo.

habang kinukwento po nya sakin, syempre natawa naman ako....ayun , nagtampo sakin....eh, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong payo sa kanya....alangan naman ako magsabi sa asawa nya ng..."hoy, maligo ka naman , kung ayaw mong magkahiwalay kayo ng asawa mo".....:D

mabait naman kasi ang asawa nya, kaso nga pagdating sa ligo- ligo ayaw raw.....kaya , gusto nya na raw hiwalayan..........: nono:

ang sabi ko naman, yun lang naman ang kapintasan ng lab mo...at may solusyon pa yan...

aba, kung ako raw nasa katayuan nya, ......matitikis ko daw bang amuyin ang putok ng kilikili araw-araw?...:D hay, naku wala akong magawa kundi ang tumawa :lol: habang sya naman ay inis na inis na umiiyak...

TF pakipayuhan naman po sya....:)

sarap magbasa ng ganitong post nawala antok ko:D ayain nya kaya maligo sabay sila....LOL

summergirl
05-23-2007, 02:32 PM
Buti nga ganyan lang ang asawa nya araw maligo..hahaha..pwed e nya naman sabihin sa asawa nya na maligo sya..That means di na sila nag-tatabi kaya di na naliligo..Lol!!mas magandang mag-usap silang mabuti kaysa pag mulan ng away dahil nakukuha naman sa magandang usapan lahat.

lalen16loves
05-23-2007, 02:33 PM
mamimo san,

kahit nga raw anong aya nyang sabay nalang silang maligo, ayaw daw talaga....takot yata sa tubig.....:D

lalen16loves
05-23-2007, 02:48 PM
Buti nga ganyan lang ang asawa nya araw maligo..hahaha..pwed e nya naman sabihin sa asawa nya na maligo sya..That means di na sila nag-tatabi kaya di na naliligo..Lol!!mas magandang mag-usap silang mabuti kaysa pag mulan ng away dahil nakukuha naman sa magandang usapan lahat.

ay naku, sis hindi.....active pa raw ang mister nya sa gabi......:D hindi nya naman daw minsan matiis, at nagtatabi pa naman daw sila....

sabi ko nga sa kanya, mag-iingat sya baka lahat ng germs pumasok sa katawan nya pag naglalabing labing sila....

hindi naman daw, kasi pinapaliguan naman daw ng asawa nya pag gustong tumabi....:D

kung alam lang ng friend ko na sya ang topic dito...:) lab ko pa naman yun.....ayoko lang kasing masira ang pagsasama nilang mag-asawa ..........

Soju6
05-23-2007, 03:01 PM
Yun lang ang kapintasan at mabait naman?

Let's put it this way, mas pipiliin ko pang kuba at pangit ang asawa ko basta madalas maligo at mabango kesa sa may hitsura nga amoy imburnal naman.

wildflower
05-23-2007, 03:47 PM
lalen16loves san hehehhe bagay yan asawa ng friend mo sa byenan ko...kasi sa isang linggo isang beses lang kami mag ufuro kasi sabi ng byenan ko magastos daw sa gas at tubig pero ako nag sha shower everyday si hubby ko naman sa labas na nag uufuro pero si byenan ko 1 tyms lang basain ang katawan paano kuripot sa tubig hayan tuloy noon isang araw tinuboan na si byenan ko ng kati kati sa katawan sinabi ko sa kanya na ligo lang ang gamot nyan sagot naman nya dame daw sya maligo araw2x si hubby ko nmn tingin ko 3 tyms a week lang sya maligo heheheh pero wala naman sya amoy at malinis sa katawan..kasi pag di mag shower si hubby ko sinasabihan ko baho mo kaya nag uufuro sya sa labas hehehe:D

Tarena314
05-23-2007, 04:14 PM
Baka may sa PUSA ang asawa ng kaibigan mo..,:p o di kaya naman ay may agimat na inaalagaan ....,:D joke lang po..,baka tamad lang ang asawa nya magkuskos ng katawan nya..,yayain na lang ng friend mo na maligo at sya na lang ang magpaligo...,:D

yuto
05-23-2007, 04:43 PM
natawa naman ako sa thread nato:p pilitin nya maligo pinaka hate ko yun may putok sakit sa ilong akyat hangang ulo sowi ha,paliguan mo nlang:D asawa ko araw araw naliligo saka oofuro kase lagi sila sabay ng anak ko saka un bunso ko,baka naman hinde sya open sa asawa nya sabihin nya may amoy na un kilikili ano ba yan :D tamad lang yun pagsabihan nya nalang:)

aj_4983
05-23-2007, 05:09 PM
Dapat alamin ng friend mo yung reason kung bakit once in a week lng maligo asawa nya. Kc khit na sabihan niya na maligo kung me prob nmn s side ng asawa niya di maaaus ang prob. Mapag-uusapan nmn siguro un.
Baka naman d niya pinupuna ung asawa niya kaya akala siguro nung asawa niya na OK lng s kanya ung amoy niya:D joke...

Autumn
05-23-2007, 05:34 PM
sabihin mo sa friend mo huwag din syang maligo at mag toothbrush...tignan natin kung mababahuan asawa nya at sasabihan syang maligo ka nga uy..then staka nya sabihin na oy mas mabantot ka dahil ikaw may putok pa..:D tsaka wag na niyang pasusuutin ng bagong laba kasi bale wala din yun bango at linis ng damit kung puro libag at amoy putok pa daw...:eek:(biro lang po)

pero sa totoo lang kahit na mahal mo isang tao pag may di kanais nais na amoy.nakakawalang gana ..dapat maging aware husband nya...baka pati sa trabaho .pinipintasan na sya..oh iniiwasan..

april
05-23-2007, 06:05 PM
ay! nakakatuwa naman dito...kung ako rin siguro ang nasa kalagayan mo matatawa rin ako:D
bakit nga kaya ayaw maligo,kahit naspu-naspu hindi rin ba :confused: hilahin nya sa ofuro tapos
sabayan nya ring maligo.

angela777
05-23-2007, 06:43 PM
nakatuwa naman tlaga ang usapan dito...kasi ang asawa ko dati medyo tamad din pagdating sa paglinis ng katawan nya...eh ako pranka tlaga ako sakanya sinasabi ko tlaga kung ano ang ayaw ko...alam nya na ang ugali ko ayaw ko ng marumi ang loob ng bahay at mabaho sya kaya ngayun araw-araw ang ligo nya..alam na ng asawa ko paghindi sya naligo sasabihan ko sya na anata ga sugoku uksai yo..dati nga nung hindi ako pa ako sanay sa hilik ng asawa ko hindi tlaga ako makatulog,sinabhan ko tlaga sya hindi mo ba alam kaya hindi ako makatulog dahil ang lakas ng hilik mo...ayun nagtampo tlaga sya sa sinabi ko na ang lakas nya humilik pero nag sorry sya sakin sana daw maintindihan ko dahil araw araw daw ang work nya.. pero now sanay na ako sa hilik nya...b4 kami matulog icheck ko pa tlaga sya kung nagtootbrush na sya,kaya lagi nya sagot sakin kebishi daw ako...

majasnjn
05-23-2007, 07:41 PM
Naku~ kamag anak ata yan ng asawa ng **** ko lol:D ayaw din maligo non. tapos ang toothbrush e isang beses isang araw lang. Sobrang baho panaman ng bibig (amoy patay na daga. hindi galing sa bibig yung mabahong amoy. galing sa loob ng tyan :O . Pag sinasabihan daw ng **** ko na mag toothbrush. Ayaw daw at ang reason daw e, nag toothbrush na raw sya kaninang umaga. Hindi nya naaamoy ang sarili nya. Nag sawa ang **** ko. hinayaan nalang nya, ayaw daw kasi makinig.Kya ginagawa nya minsan nalang sya umuwi sa bahay nila:D :D

lalen16loves
05-23-2007, 08:04 PM
salamat sa pagpansin nyo sa thread na to ........:D

pinupuna nya naman daw ang mister nya , kaso ayaw lang yata talagang mabasa ang katawan....ewan ko kung may anong lahi ang asawa nya....:D

michiko
05-23-2007, 08:09 PM
salamat sa pagpansin nyo sa thread na to ........:D

pinupuna nya naman daw ang mister nya , kaso ayaw lang yata talagang mabasa ang katawan....ewan ko kung may anong lahi ang asawa nya....:D
baka naman pinaglihi sa pusa kaya takot mabasa:D unahin nya na kaya buhusan ng tubig lagi para mapilitang maligo:p wala ako ibang ma i advice eh:rolleyes: :D

ICHIBAN08
05-24-2007, 01:42 PM
Dati ganyan din ang asawa ko nung hindi pa kami kasal...nung time na hindi pa ako nakakarating dito angs abi nung friend niya hindi daw naliligo asawa ko kaya naman sa work nila pag pinagpawisan e hilung hilo daw sila hehehe:D ...kaya naman nung magpunta na ako dito at kinaon niya ako sa airport grabe na amoy ko nga ang kabahuan niya!, kaya pinagsabihan ko siya na kapag hidni siya maliligo araw araw e hihiwalayan ko siya...ayun sinunod ako hanggang sa na sanay na siyang maligo araw araw...pag ako naman ang tinamad maligo siya naman ang inis sa kin hindi daw ako pwedeng hindi maligo hehehe! (bumaliktad eh:D )...

YAN
05-24-2007, 06:16 PM
Oh noh!,pano na yan,medyo umiinit na ang panahon ngayon,baka masuffocate na yung friend mo sa house nila:D (joke).Parang ang hirap naman nyan,kahit pilitin na ayaw pa din,baka may phobia sya sa tubig.pero kahit na,proper hygiene no tame na lang ba.Baka nga ok na yung sinabi ni Michiko,basain na lang lagi para mapilitan.Parang ang hirap katabi ng ganyan sa pagtulog huh,di kaya ng powers ko pag ganyan.:D

yosi
05-24-2007, 06:33 PM
nakakatuwa naman ang thread nato. baliktad naman ang asawa ko halos 3beses maligo ang lab ko pagnasa bahay lang lalo na paglinggo,kahit konting pawis lang shower agad hay,malakas sa sabon at tubig...na over naman asawa kono.hay lalo na ngayon malapit na ang natsu:) .over talaga....labada ko....

aki^-^
05-24-2007, 09:53 PM
yikessss!!! ang lufit naman nun... di ko yata kayang tabihan kung mabaho si hubby... kahit siguro mahal mo... dpt mapagsasabihan na dapat maligo, hehehehe!!!! mahirap na sakripisyo yan... dapat maging honest sya sa asawa dahil magrereflect yun sa kanya... baka sabihn na di sya marunong mag alaga ng asawa.. kausapin nya na iba yung amoy ng aswa nya, siguro madadaan sa usapan yun.

akari
05-24-2007, 10:11 PM
yakkkkkk baka naman hindi lang siya sanay maligo o dikaya takot siyang mabasa at baka my alergy sa katawan pag nababasa nangangati siya pero kung siya ang honey ko pagsasabihan ko siya na linisin niya muna ang katawan niya at dahil nakaka hiya sa ibang tao :eek: lalo nat pag oras ng kainan at baka mawalan ng ganang kumain dahil sa masang sang na amoy:rolleyes: ........

Soju6
05-25-2007, 09:58 AM
Kahit anong labs ko siguro sa asawa ko, siguradong maglalaho. Suerte ng tumagal ng isang buwan. Sabihin na nating kaya ko lang siya pinakasalan eh para guminhawa buhay ko. Kanya na lang pera niya saksak niya sa puwet niya. Titinda na lang ako ng sago sa quiapo.

Ask yourselves and please honest. Kaya mo bang matulog na may katabing mabaho? may kayakap na mabaho? may hinahalikang mabaho? make love with your spouse na mabaho.! Like a normal human being.....foreplay is a must (you're not normal if you disagree). I don't want to nibble on her ear while I'm watching something moving inside it ready to jump out. And I love going down south..uggghh!!!! gwarrrkkk!!! Sorry....nasuka yata ako.


OA...? just being honest.

mamimo
05-25-2007, 10:42 AM
@lalen16loves

thinking.....kuha kaya friend mo ng divorce form bigay nya sa asawa nya sabay sabing LIGO O PIRMA? at samahan nya ng ganitong facial expression >:mad: < kung sabihin naman sa city hall na maliit na problema lang yan sabihin nyang mental torture ang isiping dehins goli ang sweety nya.....LOL

mOtt_erU
05-25-2007, 10:42 AM
sarap magbasa ng ganitong post nawala antok ko:D ayain nya kaya maligo sabay sila....LOL

hi lalen sis:p ......`lam mo di kO din matiis di mapangisi sa thread mO...eh ikaw nga natawa diba? ??eh kase naman noh kahit kanino naman siguro mag~soudan si friend mo ng ganitong hanashi ~ eh talaga naman kung hindi mapapangisi; eh matatawa talaga:D .. perO siguro mayrOn ding magtitiis nalang .........
haaaay...perO seriously speaking, medyO mahirap ngang mag~advice kase wala namang prOblema sa ugali ng husband nya talagang sa "paliligO" lang...... eh agree ako kay mamimo san, yayain nya kayang maligo, sabihin niya sabay sila mag~ofurO... ang prOblema nga lang eh sana pumayag, perO mukhang mahirap iconvince yata yan husband nya... anO kayang taktika pwede jan?:confused: .. tama nga naman si friend mO; sino bang matutuwa at maglalambing na pagyakap mo eh imbis na amoy melon eh "melong amOy"...:D .....haaaay sana unti untiin ni friend mo ang pakiusap, imbis na once a week eh hilingin nya sa asawa nya gawing every other day... tas pag nasanay na eh everyday na....:D
mahirap din kase biglain na maninichi agad eh kung ganyang lagay nga na ayaw maligo...

docomo
05-25-2007, 11:33 AM
tingin ko may takot sa tubig itong hubby ng kaibigan mo.. hydrophobia, aquaphobia> fear of water .. baka may dilemma yan nung bata na hindi nya ma~open ..kaya ganyan sya ka uncomfortable pag dating sa paliligo dahil may kinalaman ang tubig sa paliligo ... bakit hindi mag try na pumunta sa therapist ....matulungan syang ma overcome yung fear ..kung ano man yung fear na yun. :)

chester
05-25-2007, 01:24 PM
Masyado akong natatawa para makapagbigay ng matinong comment. Anyway ganyan din ang europeans kasi malamig daw sa kanila. :O

lalen16loves
05-25-2007, 02:21 PM
@lalen16loves

thinking.....kuha kaya friend mo ng divorce form bigay nya sa asawa nya sabay sabing LIGO O PIRMA? at samahan nya ng ganitong facial expression >:mad: < kung sabihin naman sa city hall na maliit na problema lang yan sabihin nyang mental torture ang isiping dehins goli ang sweety nya.....LOL


ganito rin ang binigay kong payo....sabi ko nga sa kanya, magsoudan ka sa cityhall tungkol sa pagfile mo ng rikon kung di mo na matiis....tapos pagtinanong ka kung anong dahilan..........AYA W KASING MALIGO..:jiggy: :hihi: .....

sigurado ako lahat ng makakinig sa hinaing nya, hahagalpak lang ng tawa :D

nasty
05-25-2007, 02:57 PM
ganon na kaya yun nung pinakasalan nung frend mo lalen16loves san? parang ang hirap naman makipag chuva ever kung ganon ka labing mo ,,hindi ka mag eenjoy:D hindi kaya may stress yung hubby ni frend at dun niya naibubuhos ang stress niya? or else nagpapapansin lang yan sa frend mo:)

biloglog
05-25-2007, 03:33 PM
sana nag sisipilyo parin ng ngipin yung hubby ng friend mo?
hehehe! :hihi:

nhidz20
05-25-2007, 04:44 PM
Naku may kakilala din akong ganyan ang asawa di halos naliligo sa isang linggo at yung medyas isang beses sa isang linggo kung mag palit.Ayon, ang siste hiniwalayan ni best friend ang Hubby nya. kawawa naman:(

angela777
05-25-2007, 05:08 PM
naikwento din sakin ng asawa ko miron daw friend yung kawork nya sa kaisha nila na naishokai para magwork,tinangap daw ng boss nila kaya lang binigyan lang 1 month kasi ang baho baho daw kahit damit mabaho,pag magmaymetting daw sila sasabihin daw nila ang baho naman,inayawan sya kasi nga ang baho daw talaga swirte na sana ng hapon nayun kasi ganda ng kaisha.NTT data company kasi..

marivic
07-07-2007, 07:38 AM
Nakakapagpalubag loob naman ang thread na ito. Jowa ko kc tamad ding maligo.he.he.anubaya n! Kuwento nga ng isang friend ko,sinasabuyan niya raw ng tubig jowa niya pag ayaw maligo. Di ko naman magagawa sa husband ko yun kahit sobrang kunsumi na ako. Pero ito sa sa mga reasons kung bakit sexless na marriage ko ngayon. Inaangilan kc ako pag hinihiling kong maligo muna bago kami magtabii. I find it really bastos na di intindihin ang hiling ko.

Just_ME
07-07-2007, 01:07 PM
Mabuti na lang asawa ko araw araw paligo....pero ang hininga naman ang mabaho :O ...bihira kasi siyang mag toothbrush...sa isang araw e isang beses lang....kaya hindi ko siya mahalikan...

marivic
07-07-2007, 02:02 PM
Mabuti na lang asawa ko araw araw paligo....pero ang hininga naman ang mabaho :O ...bihira kasi siyang mag toothbrush...sa isang araw e isang beses lang....kaya hindi ko siya mahalikan...
Haaaayyy!!Buhay talaga.Minsan sagana,minsan mabaho.ehe!

diane-hideki
07-07-2007, 04:42 PM
hahahahhaha!!! ang sakit ng tyan ko sa kakatawa sa thread na to,grabe! buti na lang malinis sa katawan habi ko...pero nakakatawa talaga ung reason maghihiwalay lang kayo dahil di naliligo habi mo! ang baho nun siguro,nakakastress rin yun ha!:D

Just_ME
07-07-2007, 04:51 PM
Hi marivic!, thats true hahahaha!!!:D ....sinasabi ko sa kanya na mag toothbrush kahit sa umaga para naman kahit papaano mawala ang morning breath niya na talaga namang nakakasira palagi ng umaga ko.....yan pa naman ang pinaka matindi na amoy sa umaga....nung naglilihi nga ako na amoy ko lang hininga ng habibi ko....asus! nagsusuka ako ng nagsusuka!!...kaya ayun pag nakipag usap sakin malayo na hahahahahaha!!!!:big laugh:

la_tina512
07-07-2007, 06:23 PM
Buti na lang si granny ko kahit two days hindi maligo walang amoy sa katawan. Honest, wala talaga. Kahit na galing yan sa gemba at maghapong pinawisan ni minsan hindi ko naamuyan ng putok. :D Paa lang naging problema nya pero madali nyang ginagawan ng paraan. Para hindi kami magtakbuhang mag-iina direcho sya sa ofuro para hugasan ang paa. Hindi pa i-direchong maligo ano po? :lol:

Autumn
07-07-2007, 09:50 PM
baka po nag titipid ng tubig :D...(joke po)

pero sa totoo lang ..nakakaasar katabi mabaho...yaikss.. lalo na yun may kilikili power :yuck: tsaka bb..
nakapanglalamig talaga..kahit gaano mo kamahal papaano mo ma tatake mag kiss sa kanya..? yumakap..yun taong tamad sa katawan hindi po siguro marunong magmahal ano po...? kasi pinapatay sa bago ang asawa nya..staka sa impeksyon:eek:

aki^-^
07-07-2007, 10:43 PM
naku ....mahirapp yan...ako kase prangka sa asawa ko... sinasabi ko sa kanya kung di ko gusto amoy nya...kase nagrereflect sa akin yun eh...kung paano ko inaalagaan si hubby... at nakakahiya yun.... kahihiyan nya...kahihiyan ko din... at ako unang masasaktan pag may mga taong umiiwas sa kanya dahil sa amoy nya... dapat laging amoy baby si hubby...hehehehe:D

Autumn
07-07-2007, 11:04 PM
naku ....mahirapp yan...ako kase prangka sa asawa ko... sinasabi ko sa kanya kung di ko gusto amoy nya...kase nagrereflect sa akin yun eh...kung paano ko inaalagaan si hubby... at nakakahiya yun.... kahihiyan nya...kahihiyan ko din... at ako unang masasaktan pag may mga taong umiiwas sa kanya dahil sa amoy nya... dapat laging amoy baby si hubby...hehehehe:D
very true aki san...

(mali pa spell ko..bago* baho....staka* tsaka...) sensya na po..:D

guy26
07-07-2007, 11:16 PM
yuck!

aki^-^
07-07-2007, 11:17 PM
[quote=Autumn;306109]very true aki san...

(mali pa spell ko..bago* baho....staka* tsaka...) sensya na po..:D[/quo

ahihihihi...sinabi mo pa sistah...alam mo kase nung nakilala ko hubby ko...naku poh... di ko maintindihan ang hitsura...long hair tpos yun ang laging damit... at ako namang lola napuzzle..hehehehe.. . kaya minsan pagnagpupunta sya sa omese... nagpuustahan na kami ng mga kaibigan ko kung ano damit nya...at syempre panalo ako... siguro na challenge ako kay hubby... buti na lang kahit ganun di naman sya maamoy..carry ko pa...bwahahahaha!!!!
una kong ginawa, binilhan ko sya ng t shirt.... para maiba naman damit nya... ang masama nito, yung binigay kong damit ang laging sinusuot...kaya ayun... kinausap ko sya at tinanong ko sya kung naliligo ba sya...hehehehehe...t pos sabi ko magpagupit ng buhok kase ang tanda na nga nya...mas tumatanda pa sya... at yun nagbago image ng hubby ko... palaging malinis kase sinabi ko na mas attracted ako sa kanya kung mabango sya...
haaaaayy...at ngayon naman 3x a day maligo...nagdududa naman ako...ahihihihihihih i!!!!!!

Hensoldt
07-08-2007, 02:13 PM
Di kaya siya ay ipinaglihi sa pusa? :hihi:

shakey
07-08-2007, 05:53 PM
ang gawin nya every morning gisingin nya ng malamig na tubig..shoganai na yun maliligo na sya kc basa na sya..effective kaya yun?

marivic
07-09-2007, 02:24 AM
naku...di ba magbiro lang daw sa lasing wag lang sa bagong gising? pano kung mag-amok?hehe...:D :D :D

lalen16loves
07-10-2007, 08:46 AM
hehehe :D dami na palang nag-uusap sa thread ato ah.......



yung friend ko hanggang ngayon nagtitiis parin sa asawa nyang malapusa....:D pero medyo nagiimprove naman ang mister nya....hindi nga lang araw-araw......pero medyo pwede na raw pagtikisan kesa sa noon....