PDA

View Full Version : Pusa ginamit sa dayaan


biloglog
05-25-2007, 01:43 PM
Pusa ginamit sa dayaan

Friday, May 25, 2007
Limang testigo na magpapatunay na gi­namit ang mga kuting na pusa sa pagta-thumb­mark sa mga balota ang hawak ngayon ng Parish Pastoral Council for Res­ponsible Voting kaugnay ng malawakang dayaan sa eleksyon sa Maguin­danao.

Sa kapihan sa Sena­do kahapon, nanawagan ang abogado ng PPCRV na si Howard Calleja sa Commission on Elections na magsagawa ng spe­cial election sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Calleja na kabilang umano sa kani­lang mga testigo ay ilang guro na pinagamit ng mga pusa para mag-thumbmark sa mga ba­lota pero tumangging tukuyin ang mga pa­ngalan upang mapanga­lagaan ang seguridad ng mga key witness.

“Handa kaming isi­walat sa isang executive session ang pagkatao ng mga testigo namin,” sabi ni Calleja na nag­dagdag na ang paggamit ng pusa sa paglalagay ng thumbmark sa mga balota ay ilan lang sa garapalang pandaraya o pagmamanipula sa re­sulta ng eleksyon.

Ayon sa mga witness, maliban sa mga musmos na estudyante na edad 9-11 ay ginamit rin umano ang mga pusa para sa thumbmark sa mga balota.

Ang pagmamanipula ng eleksyon sa Maguin­danao ay naganap uma­no noong gabi ng Mayo 13 kung saan kahit hindi pa idinaraos ang halalan, lumabas nang 12-0 ang panalo ng Team Unity o panalo na ang lahat ng kandidatong senador nito.

link:
http://www.philstar.com/index.php?p=50&type=2&sec=54&aid=4321

hehehe!! grabi na to. pati walang kamalaymalay na mga kuting sinama sa election.
nakakatuwa pero nakaka awa.

mamimo
05-25-2007, 02:01 PM
Kelan naman kaya nila subukin gumamit ng mga tuta? Sa 2010 presidential election?:p :D Walang makaporma sa dayaan sa Maguindanao mas astig pa raw private army ng mga politiko dun keysa sa pulis.:(

biloglog
05-25-2007, 02:10 PM
Kelan naman kaya nila subukin gumamit ng mga tuta? Sa 2010 presidential election?:p :D Walang makaporma sa dayaan sa Maguindanao mas astig pa raw private army ng mga politiko dun keysa sa pulis.:(
kung tuta?
http://i64.photobucket.com/albums/h180/maruijp7/4233069926.jpg
hehehe baka ganito na yung nakatatak sa balota next election

hehehe kawaii. pero nakaka awa pa rin


:D

nasty
05-25-2007, 02:35 PM
talagang yang mga pulitiko na yan ,,matatalino sa dayaan :mad: pag dating sa pag aksyon sa mga problema sa bayang sinasakupan/ sasakupan nila ,,nabobobo! kelan kaya maaalis ang dayaan sa pulitika sa pilipinas?

mamimo
05-25-2007, 02:50 PM
kung tuta?
http://i64.photobucket.com/albums/h180/maruijp7/4233069926.jpg
hehehe baka ganito na yung nakatatak sa balota next election

hehehe kawaii. pero nakaka awa pa rin


:D

ngek di nga pwede yan.:O :D

di kaya exaggerated ang numbers na 12-0 in favor of Team Unity?:confused:

Autumn
05-25-2007, 07:44 PM
bakit hindi na lang mga unggoy ang ginamit nila? :mad:

nasty
05-25-2007, 07:49 PM
bakit hindi na lang mga unggoy ang ginamit nila? :mad:autumn san,,,,siguro naubos na yung mga unggoy and buwaya na kagaya nila ,,,,,kaya yung walang muwang na kuting na lang.........:D

Autumn
05-25-2007, 08:06 PM
autumn san,,,,siguro naubos na yung mga unggoy and buwaya na kagaya nila ,,,,,kaya yung walang muwang na kuting na lang.........:D


ay oo nga pala ..naubos na nga siguro mga unggoy dahil kalbo na bundok..:rolleyes: