PDA

View Full Version : sadistang hapon?may kwento po ako...


yasashi
05-25-2007, 06:19 PM
good day sa inyo mga katf kamusta kayung lahat ,yung friend ko kasing pinay na nasa japan tumawag sakin at ikinuwento nga nya sakin kasi may kaibigan sya na kapitbahay din nila na pinay na magsisix months na daw sa japan uuwi na daw ng pilipinas kasi hindi na daw matiis yung aasawa nyang hapon na isa palang sadista ang sabi matagal na pala syang binubugbug at ngayong hindi na matiis uuwi na daw talaga,na curious lang po ako kasi hindi naman po inilaborate pa ng kaibigan ko yung tungkol sa pagkasadista ng hapon na iyon,ano po ba yung sadista?at papaano natin malalaman na sadista po ang isan tao?kasi me myself po ay isa ring pinay who married a japanese at kasalukuyan pa po akong naghihintay ng coe ko
may sadista po ba na hapon?medyo pinag isipan ko talaga yan kasi sabi kasi ng friend ko non g dati daw hindi daw yan nahalata ng kaibigan nya na sadista yung asawa nya,kasi nong may nanyari sa kanila hindi naman sya sinaktan o inano.noon nalang nya nalaman nong nagsama na talaga sila ng medyo matagal.
kaya po may alam po ba kayo pano natin malalaman na isang sadista ang isaang tao?at ano po ba ang sadista?ano po cause nyan?
salamat...

summergirl
05-25-2007, 06:57 PM
Regarding sa kwento mo,paano malalaman,di natin lahat alam iyon hanggat di natin nakakasama ang isang tao,ang hapon pare pareho lang naman yan sa pinoy ,salita lang ang pag -kakaiba..May mabait may salbahe ...Hanggat di mo makakasama sa isang bubong di mo malalaman ang tunay na ugali,pero hindi naman lahat pare pareho at di rin natin alam kung ano ang nang-yari sa kanila ng asawa nya.Baka di rin natin alam kung ano ang ginawa ng kaibigan mong pinay para saktan sya at saditahin..Di naman natin pwedeng pakinggang lang ang isang side di ba?Ang pag aasawa parang sugal may mananalo may matatalo..

Autumn
05-25-2007, 07:19 PM
eto yun sagot sa tanong mo kung ano ang cause ng sadistic...


Sadistic personality disorder is a pervasive pattern of cruel, demeaning, and aggressive behavior, beginning by early adulthood, as indicated by the repeated occurrence of at least four of the following:
Has used physical cruelty or violence for the purpose of establishing dominance (http://en.wikipedia.org/wiki/Dominance) in a relationship (not merely to achieve some noninterpersonal goal, such as striking someone in order to rob him or her)
Humiliates (http://en.wikipedia.org/wiki/Humiliation) or demeans people in the presence of others
Has treated or disciplined someone under his or her control unusually harshly.
Is amused by, or takes pleasure in, the psychological or physical suffering (http://en.wikipedia.org/wiki/Suffering) of others (including animals)
Has lied for the purpose of harming or inflicting pain on others (not merely to achieve some other goal)
Gets other people to do what he or she wants by frightening them (through intimidation or even terror)
Restricts the autonomy of people with whom he or she has a close relationship, e.g., will not let spouse leave the house unaccompanied or permit teenage daughter to attend social functions
Is fascinated by violence, weapons, injury, or torture (http://en.wikipedia.org/wiki/Torture)ang taong sadista hindi mo malalaman sa unang tingin syempre normal naman sila pag di sinusumpong..at hindi naman lagi lagi yun sumpong ..depende talaga..
at huwag mong isipin na hapon lang ang mayroon nyang sakit na yan..kahit saan ,kahit anong bansa..

nasty
05-25-2007, 08:20 PM
iba iba kasi klase ng sadista...merong mentally ,physically ,emotionally and spiritually(lalim ah!) i mean wag kang mg worry kung yung asawa ni frend mo is ganon ,,hindi pare pareho ang tao ,,mapa amerikano man sya o negro ,,and bihira ang mga ganyang cases na nababalitaan ko lalo na at pinay ang asawa ,,wag kang maging paranoid sa sitwasyon ng frend mo ,,mamaya niyan ,,,dinidiscourage ka lang din niya or what? ganyan din sitwsyon ng isang kakilala ko dito ,,kesyo pati nga daw baby nila sinasaktan yun pala naglilihi lang sa asawa niya ,,ayun bukod sa 1 yr and 6 mos, niyang anak ,,may 5 mos.sya baby and buntis na naman siya ngayun.....:D basta be a good wife lang,,and respect to each other ang key sa succesful marriage:D gambatte ne:)

mOtt_erU
05-28-2007, 09:18 AM
hi yasashi san..... alam mo merOn talagang sadistang hapon, tingin ko naman kahit saan merOng ganyan hindi lang dito sa Japan..... karamihan talaga sa ganyan eh hindi pinapakita ang tunay nilang kulay pero pag nagsasama na o kasal na eh saka lang nila nilalabas.... merOn din naman na magkoibito palang kayO eh maranasan mo na pagkasadista at bayolente nya... case by case kumbaga....
kawawa naman si friend mo at hindi nya nalaman o nahalata yang pagkasadista ng asawa nya:(.... physicaly masakit na, eh emotionaly pa, at mentaly torturing pa.... haaaaaay sana makipaghiwalay na si friend mo sa Hapon na yan.... dahil pag tumagal eh baka di lang bugbOg ang gawin sa kanya nyan.... sabihin mo sa friend mo yasashi san eh magpakatatag siya, kung mahal nya at ayaw nayng hiwalayan eh try nyang pakiusapan na wag ng maging bayolente pag di na makuha sa pakiusap eh makipagrikon na siya, pag ayw ibigay ang rikon eh hingi na siya ng tulong sa mga organisasyon na tumutulong sa mga ganyang case o kaya naman sa embahada naten.....
@ yasashi san, ibang tao naman ang hubby mO kaya wag ka mag~isip na baka pareho siya kagaya sa asawa ng friend mo... iba-iba naman ang tao.. ikaw naman ang makakasagot mismo kung tingin mo may senyales ba ng pagkabayolente ang asawa mo...
kaya ~ the best thing~ talaga eh kilalanin talaga maigi ang tao sa habang magBF palang kayo... kaya ako magBF palang kame ng hubby ko eh ginalit ko na siya ng sObra, alam kong hindi siya nananakit o bayolente, perO I wanted to prove it, ayUn nakita ko hanggang saan ang peak ng galit nya:D thank God di siya sadista...:p

yasashi
05-28-2007, 11:51 AM
salamat sa mg nagreply at nagshare ng kanilang mga thoughts.kawawa talaga sya nagdadalawang isip daw dahil mahal talaga nya yung hapon na yun kahit ganun pero di nya matiis na habang buhay syang maddudusa sa pananakit

Bheng
06-06-2007, 06:00 PM
:) Good day sa inyo pong lahat dito sa Tf its been a long time since nung last visit ko dito.,
Makiki share na rin about sa naging experience ko sa sadista kong asawa!naiiyak parin ako sa tuwing naaalala ko yung mga kahayupang ginawa nya sakin., kaya kahit hnggang ngayon parang hirap parin ako....ang ugali kasi ng asawa ko., mabait sha pag hindi nakainom., pero sa araw araw na ginawa ng dyos umiinom sha ng osake kahit ngtatrabaho sa omise..Hindi ko malaman kung sadista ba tawag dun o may sakit sha sa utak!grabe pinagdaanan ko sa hayup na yun., buti na lng may mga taong tumulong sakin para makalayo sa demonyong yun., naku pag naaalala ko yung hudas na yun naha high blood ako> paxenxa na kayo!

ICHIBAN08
06-06-2007, 09:48 PM
Hi bheng san!...nabasa ko nga sa thread mo yung tungkol sa pagkasadista ng mister mo...awang awa nga ako sayo...mabuti naman at hindi ka na sinunda pa ng ex-hubby mo ano?...kumusta ka na ngayon? mukhang happy ka na sis...:) magandang balita yan kung gnun..

Bheng
06-06-2007, 10:32 PM
salamat sa pakikiramay., hehehe:( ., ok na ko ngayon sana din matapos na ng tuluyan yung saiban ko laban sa asawa ko., sana lng pumirma na sha sa rikon todoke., kasi kung hndi ipapa kathay saibansho ko na naman sha., sana nga pumirma na sha wala na nman akong ibang hinihiling na kapalit pirma lng nya ok na skin para lng maging malaya na ko!

ritzyu
06-08-2007, 11:25 PM
Buti na lang bheng makakaraos ka na..iba ng klaseng lalaki yang asawa mo ..gumagamit
nang kamay na bakal..baka kung magtagal pa kayo kung hindi ikaw ang maambulansya
tiyak siya ang mahohospital:p..sabi hin mo sa kanya wag ng magkukurus ang landas
ninyo.sa susunod na pagkikita ninyo ay pagkukurusan na siya..jok..jok!!!!

Bheng
06-09-2007, 03:43 PM
salamat sayo kapatid.,:) ewan ko ba kahit gusto kong magsaya hindi ko pa rin magawa kahit na alam ko na hindi na ako kayang takutin o lapitan ng asawa ko bakit hindi pa rin ako makawala sa kanya, kasi po mag 3 months na akong buntis! and sa totoo lang ayoko ng ituloy pa kasi kawawa lang ang bata tska tingin ko mahihirapan akong palakihin ang magiging anak ko tapos ako lng mag isa!kaya ng pachek-up ako then sabi ng doctor kung gusto kong ipalaglag pwede pa kaya lang kailangan ng pirma ng husband kasi hindi pa tapos yung divorced namin,then kanina nakausap ng tita ko yung hudas kong asawa at shempre ayaw nyang tanggapin yung anak ko pinaliwanag naman ng tita ko na ipapa abort ko nga ayaw naman pumirma., kaya eto namumroblema na naman ako!?mga ka tf anu ba sa tingin nyo ang mas nararapat kong gawin?sorry kung out of the topic at tong problema ko!gomenasai:(

Soju6
06-09-2007, 05:19 PM
Bheng, Kaya mong asikasuhin ng maayos ang magiging anak mo. Wag mong ipatanggal, siya ang magiging inspirasyon mo para ikaw ay magsikap...Malaki ang takot ko sa Diyos kahit di ako nagsisimba kaya kung naging babae siguro ako hindi papasok sa isipan kong mag abort ng bata.
Tungkol naman sa Asawa mong sadista....dapat nuong una pa lang hinataw mo na ng dos por dos or Baseball bat sa ulo di na sana dapat umabot sa ganito.

OT lang...Once na binugbog ka nang asawa mo ng walang dahilan, wag magdalawang isip pa, layuan,hiwalayan o takasan niyo agad. Kulang o wala sa tamang pag iisip lang ang mga babaeng nag papaabuso sa ganuong mga lalaki.
Wag ho kayong makikinig sa mga payo na ...."give him one more chance", "Baka mag bago pa siya". Kulang din ang pag iisip ng mga taong nagbibigay ng ganyang mga payo.

april
06-09-2007, 05:49 PM
dear bheng, hirap nga ng kalagayan mo tama nga si souju iwanan mo na yang salbahe mong asawa grabe sya ha! nangbubugbog na nga ayaw pang tanggapin ang magiging anak nyo...sarap nyang tirisin ha...kaya mo yan ganyan talaga ang buhay laging may pagsubok
maging matatag ka lang at laging magdarasal.

Bheng
06-10-2007, 01:48 PM
salamat sa inyo soju6 at april.,ayoko rin sana ipatanggal pero pano naman ako manganganak dito ni singko wala akong kapera pera kinupkop lang ako pansamantala ng tita ko!pag iisipin ko kung magkano aabutin para sa pagpapanganak ko dyosko po., wala naman akong mahanap ng trabaho kahit sana makapag trabaho ako para makaipon!:( haaaay buhay

LORIE
06-10-2007, 05:44 PM
salamat sa inyo soju6 at april.,ayoko rin sana ipatanggal pero pano naman ako manganganak dito ni singko wala akong kapera pera kinupkop lang ako pansamantala ng tita ko!pag iisipin ko kung magkano aabutin para sa pagpapanganak ko dyosko po., wala naman akong mahanap ng trabaho kahit sana makapag trabaho ako para makaipon!:( haaaay buhay

Bheng nakikisimpatya ako sa kalagayan mo. pwede ka naman siguro mag sudan sa city hall tongkol dyan or baka doon mo mahanap ang kasagutan sa mga tanong mo.
Pasinsya baka OT tong advice ko pero yong lng ata ang paraan dyan.
Bheng pag isipan mong mabuti ang pag palaglag , baka yan pa ang maging swerte mo pagdating ng araw.
Pray ka lng ng buong buo kay GOD tiyak di ka nya pababayaan.
Muli Pasinsya na.
May GOD Be Always be w/U.

japina
06-11-2007, 12:32 AM
bheng makisali na rin. tama sila lahat ituloy mo yan kung ano man ang nangyari sa inyo mag asawa walang kasalanan si baby. yan pa ang magdadala sayo ng swerte, mahirap man ang pag dadaanan mo may kapalit na kaginhawahan yan. dasal ka lang para lalo ka magabayan sa mga desisyon mo. goodluck!!

lalen16loves
06-11-2007, 01:14 PM
bheng,

kaya mo yan....baka naman matulungan ka ng cityhall sa problema mong yan....;) ang importante ligtas kayo ng anak mo sa asawa mong sadista....

at tayong mga babae, lalong lumalakas ang ating mga loob sa kahit anumang pagsubok , dahil sa anak natin....kaya nga kahit gusto nating sumuko sa problema , pero pag naisip si anak,naku !!!balik sa katinuan ang isip:D

kaya , dont worry....si GOD ang bahala sa inyo..at kami dito sa TF, malay mo makatulong din kami sayo ng di mo inaasahan diba?.....kesa naman sa ipatanggal mo ang baby, eh habambuhay mo namang dadalhin sa konsensya mo :)

GOD BLESS YOU !!!!!

Bheng
06-14-2007, 12:21 AM
Sana nga matapos na tong pakikipag laban ko., sana hindi na kami umabot pa sa family court., sana pirmahan na nya yung rikon namin., I heard kumuha na rin sha ng abogado nya., kahit ako ayoko na ring umabot pa sa family court., kaya sana sa taichomeire makipag kasundo na sha., para parepareho na kaming manahimik at makawala sa isat isa.,:(

katheyrine
06-15-2007, 04:27 AM
hi bheng!

"women are like tea bags, put them in hot water and they become stronger!" kaya ikaw pa, KAYA MO YAN!

bheng, bago lang akong mommy at alam mo, sobrang sarap ng feeling ng may baby! sana di ka dumating talaga sa desisyon na ipa-alis sya...i`ll be praying for that and for you!

God bless you Bheng and ingat always!

Just_ME
06-15-2007, 04:26 PM
Ang hirap pala ng sitwasyon mo, pero lahat tayo may kanya kanyang dinadala ng problema, dahil jan tayo sinusubukan ng dios kung gaano tayo katatag...Ano man ang nagawang kasalanan sayo ng asawa mo walang kinalaman ang baby sa tyan mo...malay mo yan pa ang magbigay ng swerte sayo...kayanin mo ang mga pagsubok na dumating sayo...mag pray ka at magkakaroon din ng liwanag ang lahat...kaya mo yan...:)

shakey
06-16-2007, 04:49 AM
sis naku ang hapon iba iba yan lucky ka pag ang napangasawa mo mabait.di ng bubugbog..tsaka sa mag asawa tandaan nyo po ito mga sis kahit boy frend or asawa nyo na po ang mga lalaki di po nila karapatang saktan ang mga babae kahit na may pag kakamali po ang mga babae..wala silang karapatan !!! sis my frend din ako yung asawa nya once sinaktan sya nag kapasa sya sa katawan,ginawa ng frend ko nag report sya sa pulis..tapos nag pamedical sya..pinuntahan ng police yung asawa nya ayun natakot...yun na un first n last na sinaktan sya.meron pa sis yung isa ko pang frend ito grabe talaga..wala pa syang isang taon sa japan binubuog bog sya ng asawa nyang hapon ,ang masak lap pa buntis sya..kakaawa sya talaga,ang ginawa nya may i report sya sa city hall tinulungan sya ng mga taga city hall...nag saiban sila ,pabahay sya ng gobyerno,sustentado sya ng gobyerno..lahat wala syang gastos sa panganganak..diba taray..kaya wag syang matakot ,wag sya umuwi sayang ang visa..mag report sya sa police or city hall.