View Full Version : Advice pls., bored sa bahay
mheibabez
05-27-2007, 05:01 PM
:cry: Hello po mga ka TF,baguhan lang po ako d2 sa TF,bago lang po kami ng asawa ko na magkasama d2 sa japan.d2 lang po ako lagi sa bahay mag-isa kc asawa ko nag wowork,lungkot na lungkot po ako at cguro stress na rin po kc mag isa nga po ako lagi sa bahay...at minsan nagiging paranoid na rin sa kakaiisip ng kung ano-ano...kayo din po ba ganito ang nararamdaman pag and2 kayo sa japan at laging mag isa sa bahay? pareho rin kaya sa feeling na nararamdaman ko? lungkot na lungkot na po ako,lately,halos araw-araw umiiyak ako naiinis sa sarili at parang gus2ng umuwi ng pinas kaya lang mahal ko rin asawa ko...5 months na kaming nagsasama ng asawa ko,at 5 months din akong laging nasa bahay lang kasi wala pa akong mga kaibigan,nakakapasya l lang ako kapag yasumi ng asawa ko...ngayon pati yong anak nya sa dati nyang asawa pinagseselosan ko na rin pag namamasyal sila ng asawa ko,pati dati nyang asawa pinagseselosan ko rin kc isang building lang yong pinagtatrabahuhan nila,parang nagkakaroon ako ng self pity or nagiging wagamama na rin...tama ba kaya yong pagseselos ko? or natural lang ang sitwasyon na ganito ng asawa ko? kung kayo ang nasa sitwasyon ko ganito rin kaya ang mararamdaman nyo or ano ang mararamdaman nyo? pls.advice me naman kc parang mapapraning na po ako sa kakaiyak...yong office ng ex-wife pala ng asawa ko 2nd flr...tapos yong sa asawa ko 1st flr..ang office na yon clang dalawa lang ang umuupa,kaya ito ang pinagseselosan ko kasi may communication pa rin cla halos araw araw...haay mapapraning na ako...kailangan ko lang po ng advice pls.thanks in advance
nasty
05-27-2007, 07:12 PM
hay mheibabes ,,parang ganyan din ako noon nung kakadating ko ,,,buntis ako ng 3 mos. tas lagi wala asawa ko ,,tas naprapraning ako lahat ng tunog ng keitai niya feelin ko may ka mail syang babae ,,and kahit ng nenet sya feeling ko me ka chat sya :mad: ikaw lang gagamot sa sarili mo ,,kasi napatunayan ko na ako lang talaga loves ng asawa ko :D ikaw din dont worry,, as long as alam mong labs ka ni hubby mo ,,wag mo isipin yung nakaraan nila nang ex niya ,,,,, post mo kung san ka malapit para yung mga ka TF natin na malapit sa inyo na gusto at willing maging friends ka ,,magkita kayo pag may time sila:) cheer up ,,life is too short!
summergirl
05-27-2007, 07:57 PM
Hi,ganyan talaga ang magiging reaction mo dahil nagiging paranoid ka nga gawa ng homesick,nalulungkot ..Lahat ng di mo dapat maisip naiisip mo dahil mag-isa ka nga at naiinip.Ang pag seselos mo sa anak ng asawa mo,di normal iyon dahil walang kinalaman ang bata pero porke nga palagi kang mag-isa kaya pag seselos pumapasok sa isip mo,why don't you keep yourself busy o kaya mag trabaho ka ,at least kung nag tra trabaho ka maaaliw ka kikita ka pa ng pera,and then saka mo mare realize na mali nga pala ang naiisip mo.Syempre period of adjustment kaya mahirap talaga.Pag your free just stay here in tiomog ,maraming kang matutunan at the same time maaaliw ka..Good luck..Tibayan mo ang loob mo..Mag-lakad lakad ka sa paligid baka may makita ka ring pilipina around the corner o isang pabrika na pwede mong pag trabahuhan..
CooL^MoM^
05-27-2007, 08:18 PM
ganyan din ako... wag kang mag isip ng di maganda... maglibag libang ka...akoo nga laging umiiyak pero napatunayan ko na mahal ako ng asawa ko, siguro nalulungkot ka lang... Stand firm and pray!! sabihin mo sa asawa mo na nalulungkot ka, i know na he will unnderstand u. Goodluck and Stay happy!:)
mheibabez
05-27-2007, 09:07 PM
Hello "nasty, summergirl & cool mom, thanks sa mga replies at advices nyo, at least ngayon medyo nagkakalma na ako at medyo narerelieve kc nabasa ko yong mga replies nyo...sana nga malalapit kayo para magkaron tayo ng chance na magkita at magkausap at magkaron ako ng mga bagong friends...thanks talaga at susundin ko lahat mga advices nyo...take care and God bless..
constance808
05-27-2007, 09:17 PM
Halos lahat tayo ay dumaan sa ganyang sitwasyon sa tingin ko. Adjustment period kung tawagin dahil hindi pa tayo sanay sa takbo ng buhay dito, pati na rin ang language barrier at wala ka pang kaibigan.
Ang maipapayo ko sa iyo ay humanap ka ng simbahan na malapit sa inyo. Sa pagsisimba na may English or Pilipino na misa ay may chance ka na makakilala ng kapwa Pilipino. Maari kang makipagkaibigan sa kanila o kaya naman ay magtanong kung saan may mga Filipino Associations na malapit sa iyo. Marami silang maituturo sa iyo at malilibang ka sa pakikipag-usap sa kanila dahil magagamit mo ang sariling wika.
Kailangan lamang ay positive thinking. Alam kong very depressing sa umpisa pero ang makakatulong sa sarili ay IKAW lang din. Lilipas din yan lalo na kung makakahanap ka ng iyong pagkaka-abalahan. Goodluck sa iyo.:)
mheibabez
05-27-2007, 09:23 PM
Thanks constance...malaking tulong ang payo mo...
mOtt_erU
05-28-2007, 07:52 AM
hi mheibabez san...
alam mo mahirap talaga pag lagi lang nasa bahay, kase anjan yung mabobored ka, tas anjan yung bababa yung self steem mo tas dadagdag ang insecurities kase hindi ka active dahil lagi lang nasa bahay....ang ma~advice ko wag ka nalang masyadong mag~isip ng kung anO ano kase hindi rin maganda sa health yung ganyan... tas yung mga selos "concerns" mo eh di try mong kausapin si hubby mo in a nice way, para mawala na yang paghihinala at selos mo.., tas mag~aral ka maglutO o kaya magbenkyoo ka pa ng nihOnggo, pero pag magaling ka namang magluto at pera~pera na magsalita eh pwede naman hanap ka ng trabahO, o kaya for the mean time enroll ka sa nihonggo class jan sa area nyo para maka~meet ka din ng new friends, tas paminsan minsan mag~aral at iTry mong magcOmmute , mamasyal o mag~mall ka, dami pwedeng gawin sa mall, pwedeng tingin ka ng mga gamit sa bahay, mga decorations or table wares, anjan din mga appliances, may mga books & magazines din sa honya ; pwede ka mag~windOw shopping o mamili din.... basta controlin mO nalang ang gastOs... maganda `to kase para anytime na gUsto mong umalis o may bibilhin ka eh kahit hindi yasumi ni hubby mo eh makaalis ka at kahit na hima ka eh hindi nasasayang ang oras/1 araw mo sa wala; sa palabas~labas eh natututo ka na, nag~eenjoy ka pa kahit pano, kumbaga practical na self study ....mahirap kase kung halos araw-araw nasa bahay ka lang at weekends lang makakalabas... basta gawa ka nalang schedule o daily routines, syempre pay araw din ng pahinga at nasa bahay ka lang...
Ganbatte sis! Godbless..:)
ICHIBAN08
05-28-2007, 10:13 AM
HI mheibabez san!:) ....ganyan din ako nung unang tungtong ko dito sa japan...halos naninikip ang dibdib ko sa pag iisip at homesick...kaya para hindi ako mainip at matanggal Homesick ko kahit papaano....ang ginawa nag busy ako buong araw ko nun...naglinis ako ng bahay naglaba at nagluto...pagkatapos ng lahat mamamasyal naman ako sa kawa....kaya ilang buwan lang medyo nawala na yung homesick ko...tapos nakipag friend ako sa ibang mga pilipina dito kaya lang hindi na kami nagkikita kita....
Wag ka masyadong mag isip tungkol sa mister mo at ang dati niyang asawa...oo, andun na nagseselos ka dahil magkalapit lang ng opisina ang ex wife at ng asawa mo...gawin mong sanayin ang sarili mo sa ganung bagay...wala ka namang magagawa kasi dun nagwo-work asawa mo at hiwalay na sila di ba?...mas lalo ka pa magpaganda at sexy at mas lalo mo ring ipakita sa asawa mo na mahal na mahal mo siya, asikasuhin mo siya at ipakita na mas higit ka kesa sa ex wife niya di ba?...at sa mga anak wag mo silang pagselosan kung namamasyal sila ng papa nila mga anak niya yun kaya dapat mo na maintindihan ang bagay na yun...
kokorokara
05-28-2007, 11:33 AM
Hello mheibabez,tama lahat yun sinabi ng mga ka TF natin,malungkot talaga sa una,pero self healing talaga ang makakatulong sa iyo,dapat itimbang mo ng husto yun buhay mo dito at sa Pinas,kung ano ang advantage at disadvantage,pag supportive naman yun hubby mo mawawala rin ang lungkot mo.
Ako ganyan din yun feeling ko,pero I make myself busy,sa house,halos lahat ng sulok ng bahay namin malinis,develop some of your hobbies,makikita mo maraming kang maqdisiscover na alam gawin,pag bore ka na sa bahay mo,punta ka sa mall,ikot ikot,maraming ka rin madidiscover doon,pati sa supermarket,then pag na bore ka na naman shift ka na naman,mahilig kang umattend sa party,look for some International Party or sa church,kasi marami rin mga foreigners na same ang nararamdaman mo,kaya maraming kang ma me meet na new friends,ingat lang sa pagpili ng true friends;) .or puwede kang rin mag arubaito (work) para malibang,naku tingnan ko lang kung hindi mapuno yun schedule mo.Ako nga ngayun nagsasawa na at napapagod sa dami ng schedule ko.Ganbatte ne:D . Kaya mo yan.
mheibabez
05-28-2007, 12:32 PM
Hello Motteru, ichiban at kokorokara, thanks sa mga advices nyo, ang babait talaga ng mga ka TF,nagpapasalamat talaga ako na nakita ko itong site na to,maraming salamat talaga sa inyong lahat,ngayon medyo maganda na ang pakiramdam ko dahil andyan kayo willing magpayo ng mga dapat gawin at andyan kayo para mag comfort sa mga taong nalulungkot...God bless...:wave:
justine
05-28-2007, 06:31 PM
Hi! Mheibabes natutuwa ako nabasa ko ang thread mo.Ganyan rin ako sayo 5 months na ako dito sa japan mag si 6 na sa june 10 eto lagi rin sa bahay.Balak ko mag work umpisa pa lang kaso nabuntis naman me(4months perggy).Madalas malungkot ako kasi wala rin lagi kasama dahil si hubby lagi nasa work.Kung ano nararamdaman mo ganun din ako.Madalas rin ako mag selos,tamang hinala kasi wala mgawa.Sana malapit ka lang at mapuntahan kita:) wala makakwentuhan...Anyw ay,,,sana malampasan natin ito.
ako_po_si
05-28-2007, 06:52 PM
hi mheibabes alam mo pareho lang din tayo ng sitwasyon kaya lang ako ay 3 months pa lang dito,ganon din ako parang ikaw lagi lang din sa bahay naiiwan araw araw pag pumasok na sa work ang asawa ko kaya naman nililibang ko na lang ang sarili ko,naluluto ako nanonood ng tv esp mga drama para mas matuto pa ako ng japanese language.
chaka bakit kaya hindi mo subukan mag enroll sa mga japanese learning center jan sa lugar ninyo ako kasi pumapasok ako sa learning center sa ngayon kahit once a week lang cya atleast may magagawa ka din at may makikilala kang mga bagong kaibigan malay mo may maging classmate ka pa na pilipino,basta ang mapapayo ko lang sayo ay libanging mo ang sarili mo para hindi ka mainip at hindi kung ano ano ang naiisip mo:) sana malapit ka lang dito sa lugar ko para naman mag meet tau minsan,ganbatte ne
mheibabez
05-28-2007, 09:33 PM
Thanks Justine at ako_po_si, maraming salamat sa mga payo nyo,sana magkaron ng time na magkita kita tayo...thanks again...
mamimo
05-29-2007, 03:15 PM
Thanks Justine at ako_po_si, maraming salamat sa mga payo nyo,sana magkaron ng time na magkita kita tayo...thanks again...
mukhang may friendster dito huh:D may I join the grouping here?:p ;)
seriously, make an effort to overcome your boredom di mawala yan hanggang di mo gawan ng remedy si mott_erU daming bigay na idea baka may mapili ka dun.....goodluck po.:)
angel-la
06-01-2007, 10:22 PM
:cry: Hello po mga ka TF,baguhan lang po ako d2 sa TF,bago lang po kami ng asawa ko na magkasama d2 sa japan.d2 lang po ako lagi sa bahay mag-isa kc asawa ko nag wowork,lungkot na lungkot po ako at cguro stress na rin po kc mag isa nga po ako lagi sa bahay...at minsan nagiging paranoid na rin sa kakaiisip ng kung ano-ano...kayo din po ba ganito ang nararamdaman pag and2 kayo sa japan at laging mag isa sa bahay? pareho rin kaya sa feeling na nararamdaman ko? lungkot na lungkot na po ako,lately,halos araw-araw umiiyak ako naiinis sa sarili at parang gus2ng umuwi ng pinas kaya lang mahal ko rin asawa ko...5 months na kaming nagsasama ng asawa ko,at 5 months din akong laging nasa bahay lang kasi wala pa akong mga kaibigan,nakakapasya l lang ako kapag yasumi ng asawa ko...ngayon pati yong anak nya sa dati nyang asawa pinagseselosan ko na rin pag namamasyal sila ng asawa ko,pati dati nyang asawa pinagseselosan ko rin kc isang building lang yong pinagtatrabahuhan nila,parang nagkakaroon ako ng self pity or nagiging wagamama na rin...tama ba kaya yong pagseselos ko? or natural lang ang sitwasyon na ganito ng asawa ko? kung kayo ang nasa sitwasyon ko ganito rin kaya ang mararamdaman nyo or ano ang mararamdaman nyo? pls.advice me naman kc parang mapapraning na po ako sa kakaiyak...yong office ng ex-wife pala ng asawa ko 2nd flr...tapos yong sa asawa ko 1st flr..ang office na yon clang dalawa lang ang umuupa,kaya ito ang pinagseselosan ko kasi may communication pa rin cla halos araw araw...haay mapapraning na ako...kailangan ko lang po ng advice pls.thanks in advance
Hallow!! Ako rin bago lang me dito sa Japan, pareho tayo nagwwork din husband ko every Sat and Sunday lang kami lumalabas. Ang ginagawa ko nagppractice me magbike tapos magisa ko linilibot ko Hiroshima..Sightn seeing na may dalang map hehe...lakasan lang ng loob..
Also, find time din na magpa beauty, syempre gusto ng mga asawa natin pagdating nila sa house maganda ang dadatnan nila. Saka maglagay ka ng konting pabango para maakit sya hehe..
Try mo rin magluto ung paborito nya. Di ba may sayings nga..A man's heart is towards his stomach.. kaya di ka nun maiiwan cgurado un, hahanap-hanapin nya un.. Saka dapat may time kayo sa sex life nyo..honestly, un ang ngbbind sa marriage nyo..Kahit thrice a week or twice a week lang ok na un.. Mas maganda magsuot ka ng sexy na pantulog pra maseduce ng konti hehe :love:
Mata Kondo yuroshiku onegai shimasu
mheibabez
06-01-2007, 10:36 PM
hello "angel-la" thanks sa reply & advice mo...nakakatuwa ka naman,don't worry susundin ko payo mo...he he he...
la_tina512
06-03-2007, 09:19 PM
Majority or almost lahat tayo pinagdaanan or naranasan lahat ng nararamdaman mo ngayon. One thing that I regret so much nong time na wala pa kaming anak is hindi ko nagamit sa maganda 'yong idle time ko like studying Japanese na pagdating ng panahon ay magagamit mo to your advantage. Lately ko na lang nalaman na ang mga city halls pala ay nag-o-offer ng mga Japanese lessons to housewives like us for free at mga text books lang ang babayaran na napakamura rin. That's one option para hindi ka ma-bore sa bahay at the same time ma-e-expose ka dahil magkakaron ka rin ng mga classmates from other countries. You will also learn a lot about the Japanese culture. Meron ding mga occassions na nagtuturo sila about cooking Japanese food. That's one option for you para hindi ka ma-bore aside from learning a lot of things that would be to your advantage.
I would assume na bata ka pa kaya payong nanay sa anak: huwag mong entertain ang mga negative thoughts about your husband lalo na selos. It won't do you any good, it will only eat you up. Galing na ako dyan, at walang ibinuting maganda kundi puro away. Naging stalker ako dahil sa selos at kulang na lang puntahan ko 'yong babae sa bahay at saktan. Alagaan mo sarili mo, learn the things that will make your husband happy mula sa pagkain, sa pag-aayos ng bahay, sa pagsisilbi sa kanya. Dyan natin talo ang mga haponesa, sa pagsisilbi sa pamilya. Puwede ring maghanap ka ng isang christian Filipino community which is marami sa Chiba, attend their social functions or be into a cell group. Maraming ways to overcome your boredom and be productive. Ako noon spent a lot of time reading. Besides, alam mo na ang situation nya when you married him, right? So you have to persevere, be open-minded and understanding.
Remember: it's not only physical beauty that will attract your husband to you more, it's the inner peace that comes from knowing that you both love each other unconditionally. If you're a God-fearing woman, if God is with you no one can be against you. Take care, ganbatte and God bless...
confused
06-04-2007, 01:09 AM
hi there, i can emphatize with you. i am also new here in japan, and i am telling you adjustment is really a process, and when it is process it means that it takes time.
you know, i am also having a hard time adjusting. lucky you that your husband is wth you so you have someone who you can talk to after office hours. in my case, i am alone and after work am talking to the four corners of my room and sometimes they are responding sometimes they are not hehehe just kidding. and i think it wont help you if you always get jealous....
by the way, if i may ask, where are you from? well, at least you have internet in your home, so you have something that will keep you busy.
mbstorun
06-04-2007, 08:04 AM
hi there..alam mo, naiintindihan ko yung sitwasyon mo at alam ko kung gaano ka kalungkot since bago ka palang dito at bago palang kayong magkasama ng asawa mo kase i've been there nung bago rin ako dito at parehas tayo nasa bahay lang. pero nung mga 1 month lang naman akong na~bore dito sa bahay kase dapat pala tayo narin ang gumawa ng paraan para di tayo ma~bore kase ang hirap nung nag-iisip ka lagi sa pinas. try mo maglakad~lakad sa labas kahit mag-isa kalang..kahit mag window shopping ka lang para maiba ang environment mo. kase ako rin nung una talagang lumalabas lang ako ng bahay pag weekends na kasama ko asawa ko kase takot ako mag-isang lumabas pero as i said nung una lang yun kase kahit wala akong alam na salita nila dito, talagang lumalabas ako para di ma~bore. ang hirap kase ng nasa loob kalang ng bahay lahat ng di mo kailangang problemahin or isipin naiisip mo :p. pero ang pagkakaiba lang siguro natin, wala akong pinagseselosan na ex or babae kaya kumportable ako. kung alam mo naman na hiwalay na talaga sila at yung minsang pagkikita nila ay as friends lang at kung feel mo naman na mahal ka ng asawa mo, di mo kailangang mag-isip ng selos. ganun naman yata ang Japanese kahit hiwalay na sila they still communicate. pero mag aliw~aliw ka sa labas para di ka ma~bore kase kung may pinagbubusihan ka, di kana makapag isip ng mga bagay na yan. tulad nitong TF, umupo kalang dito ubos na ang oras mo baka nga malimutan mo pa ang maglinis ng bahay dahil subok ko narin 'to. diyosko! nakaka~addict kaya ito kaya minsan ayoko mag umpisang sumagot dito kase di mapigil sunod~sunod talaga. kaya subukan mong tumambay dito lagi at balitaan mo kami kung may nalimutan kang gawin sa araw na'to heheh.. always think positive at show your hubby more love para mas ma~aappreciate ka nya. Goodluck. :p
Autumn
06-04-2007, 09:18 AM
hi ..yun tungkol sa selos hindi maganda yan..sarili mo lang pinahihirapan mo ,sa japanese kase kahit divorced na kailangan nilang maging friendly sa isat isa minsan dahil sa mga bata na lang.
katulad ng sabi mo isang building lang yun place ng offices nila..lahat naman tayo may selos talagang dala dala sa katawan ..depende na lang kung papaano natin dalhin iyun. ako din kasi hiwalay na pero intact yun communicaion namin dahil sa dalawang dalaga ko..syempre hindi na mababago yun katotohanan na magulang kami ng mga bata.pero hanggang doon na lang yun ..
tama nga sabi ng mga kapatid natin dito ikaw ang gagamot sa boredom na nararamdam mo..huwag mong idepende lahat sa asawa mo..lumabas ka kahit mag isa ka lang..huwag mong sanayin sarili mo na hindi ka makalabas na hindi sya kasama mo..kahit mag asawa na kayo individuals pa rin kayo..
pag wala kang magawa.. try mo gardening sa veranda kung wala kang garden..ok na yun..oh kaya .manahi ka..ako kasi hindi ko gusto ang city kaya hindi ko masabi na mag window shopping ka..sumasakit ulo ko pag nakakakita ng maraming tao :biglaugh:,mas gusto ko sa bahay noon..nananahi ng kung anu ano.ng gardening din ako at nag alaga ng mga isda..oh kaya nagpupunta ako sa mga parks noon.nakaupo feeling ng pi picnic mag isa...;)nag palaki ng mga anak..hindi ko namalayan more than 20 years na pala nakalipas sa buhay ko..buti na lang hindi daw tumatanda looks ko ..hehehe:D
pero minsan na bo bore pa rin ako pag nasa bahay at walang trabaho..eto ngayn libangan ko nakaupo sa harap ng computer..nag babasa ng mga post..
sabi nga nila nakaka addict..totoo yun na addict din ako..buti na lang may trabaho ako kundi baka hindi na ako nakatayo dito..
good luck sa iyo..mahaba pa ang taong bubunuin mo kasama asawa mo..marami pang trials..alam ko kaya mo iyan..:)
hello. alam mo ganyan din ako now stay at home kc maliit pa baby ko.Para di ako mabored ng gumagawa ako ng cross stiches or ng-aaral ng ng japanese language.i keep busy pra di ako mabored.minsan namamasyal kami ng ng baby ko sa departo kahit wlang bibilhin miru-miru lang.Last year sa sobrang stress,depress at minsan sself pity pa ngkasakit ako kaya now ayaw ko na masyadong nag-iisip.Buti everyday naka-online ang pamilya ko sa pinas nakaka-usap ko parent at mg kapatid ko di na me nabo-bored.Well everyday kc ako naka-online..as in walang patayan ng messenger..:D
mheibabez
06-04-2007, 03:06 PM
hello "latina, confused , mbstorun,autumn at lay thanks sa mga advices nyo ha...natutuwa ako na maraming kagaya ninyo ang nagreply at nag advice sa kin,at least ngayon medyo nababago ko na moods ko...thanks again and God Bless!
____________________ _
<www.e-clementine.com>
makikisingit po ha :D
ako kase d pala-labas ng house talaga, ever since kahit nasa pinas ako...
Office, bahay, grocery ang routine ko at dog breeder ako kase dati... pero ng tumira kmi dito ng asawa ko sa japan, nakaramdam ako ng bored kahit pa sanay ako mag-isa sa araw araw... di rin kase ako pala-barkada eh...
kase sobrang bored ko dati, 3x ako kun umuwi sa pilipinas... tas bili nito, bili noon... after that , gumawa ako ng magagawa ko :biglaugh: gumigising ako ng after lunch sa araw araw tas nagbibilang ako ng kanto ng bahay namin para d ako ma-bored :lol: so, hanggan ngaun, lunch pa rin an gising ko pero d nako nagbibilang ng kanto ng bahay kase nadagdagan anak namin na 2, me buntot nga lang :bonk: so ngaun d nako nabo-bored...
di ko na rin kase kailangan alagaan pa 2 anak namin (un walang buntot) kase going 22 at 20 na cla at may kanya kanya ng GF... :tiphat:
kaya mo yan !!! time will come makakasanayan mo rin yan... basta mag isip ka lan ng magagawa mo to make urself busy...
angela777
06-07-2007, 06:54 PM
hello...naalala ko nung wala pa kami anak ni hubby,pabalik balik ang ginagawa...3monts lang pinakatagal ko dito sa japan tas uwi nanman ako sa pinas...kasi subra lungkot tlaga ako...after 3yrs na pagsasama namin nagkaanak din kami...sa ngayun 2yr old na din anak namin...gusto ko pa nga isa pang baby boy hehehe:D ...para complet na ang dream ko...magkaron ng simple family...sa ngayun bihira na ako umuwi ng pinas... sa ngayun lagi iniisip ko para sa future ng anak ko kaya kaylangan ko mag ipon ng mag ipon...D kona iniisip ang lungkot...
mheibabez
06-07-2007, 08:34 PM
hello "gud & angela777" thanks sa reply...God bless! cguro ako din ngaun medyo naninibago lang...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.