PDA

View Full Version : asawang babaero


kyla06
05-30-2007, 11:35 AM
kailangan ko po ng payo nyo,i have a friend,nasa pinas sya ngayon,magkasama ung mga hubby namin s work,talent sya dati then nahuli ung omise nila kasi may flying booking,pinauwi po cla lahat then pina-close ung omise.umuwi sa pinas ung hapon,nagpakasal cla,mag 2 years n po sya sa pinas.umuuwi na lang ung hapon sa pinas every 4 months,hndi p po alam kung kelan sya makakapunta dto,5 years daw po kc ang penalty.Ngayon nalaman ko po na may babae na po ung hubby nya sa bahay,pro mainichi p din tumatawag ung hubby nya sa kanya,sasabihin ko ba sa sa friend ko na may girl ung hubby nya o pabayaan ko na lang na malaman nya? Ang sabi ng hubby ko,alam daw ng pilipina na un na may asawa n ung kaibigan nya,bkt kaya may mga pilipina na kht alam na may asawa na pinapatulan p din?

summergirl
05-30-2007, 01:21 PM
You asking some advise kaya sasagutin ko ang tanong mo kung ano ang nasa ganitong situation,kung ako sasabihin ko sa asawa nya na may babae ang asawa nya,You have to tell that to your friend..Tungkol naman sa bakit alam ng may asawa ,pumapatol pa sa may asawa,alam mo iba iba ang tao,may problema .financial na makakatulong sa kanya.Walang nakaka-alam pero hindi forever ang ganon situation dahil hindi iyon for keeps,,Fling lang ang papatol sa may asawang tao..kaibigan mo sya kaya dapat malaman nya kung ano ang nang-yayati sa asawa nya..

mOtt_erU
05-30-2007, 02:04 PM
hi kyla06 san..:)..medyO naconfused naman akO:confused: ...
sabi mO nagpakasal yun friend mo at yung Hapon sa Pinas, .... sabi naman ng asawa mO alam naman daw ng Friend mo na may asawa na yung Hapon.... -----bale nung kinasal sila sa Pinas eh may naunang asawa na dito sa Japan yung Hapon?? ganun ba??? O nung kinasal sila eh wala pang babae si Hapon at dahil sa di pa siya makapunta dito (dahil nga sa penalty nila eh) eh saka lang nambabae si Hapon???.... alin kaya dito?
~ kung yun friend mo nagpakasal at pumatol siya sa Hapon kahit alam nyang pamilyadong tao na,eh siguro may sarili siyang rason, tutal buhay nya naman yon.... perO ibang usapan kung kinasal sila tas habang nasa Pinas eh wala siyang kamalay-malay na nagliliwaliw si mister at may binabahay ng iba...eh yan ang karumal-dumal:D ....

ikaw sis, nasa sayO naman yan, kung may guts kang sabihin sa kanya at naawa ka talaga kase wala siyang alam eh di sabihin mo sa kanya yang nalalaman mo, para gumaan na din yang loob mo, kamo concern ka lang sa kanya...perO take note ha kung talagang wala siyang alam na may binabahay na si mister, iba kase ang walang alam talaga sa nagyayari "as in" kesa sa nagtatanga-tangahan lang at dedma kuno....

aki^-^
05-30-2007, 05:23 PM
kailangan ko po ng payo nyo,i have a friend,nasa pinas sya ngayon,magkasama ung mga hubby namin s work,talent sya dati then nahuli ung omise nila kasi may flying booking,pinauwi po cla lahat then pina-close ung omise.umuwi sa pinas ung hapon,nagpakasal cla,mag 2 years n po sya sa pinas.umuuwi na lang ung hapon sa pinas every 4 months,hndi p po alam kung kelan sya makakapunta dto,5 years daw po kc ang penalty.Ngayon nalaman ko po na may babae na po ung hubby nya sa bahay,pro mainichi p din tumatawag ung hubby nya sa kanya,sasabihin ko ba sa sa friend ko na may girl ung hubby nya o pabayaan ko na lang na malaman nya? Ang sabi ng hubby ko,alam daw ng pilipina na un na may asawa n ung kaibigan nya,bkt kaya may mga pilipina na kht alam na may asawa na pinapatulan p din?
grabe naman yan... nakakaawa naman pala yung friend mo...mahirap kase makialam pero dapat malaman ng kaibigan mo yung situation... ang hirap magcomment kase alam natin na may masisirang pamilya lalo na kung sinabi mo ito..pero nakakaawa naman friend mo at dapat din nya ito malaman.. ang hirap ng situation mo.
Naiinis ako sa mga babaeng pumapatol sa may asawa lalo na alam nila na kapwa pilipina ang asawa...
May balak bang kunin ni hapon ang asawa nya sa pinas? matagal pala ang penalty... dapat di sila ang nagsusuffer kase ang owner ng omese ang may kasalanan diba?
Pag may nalalaman akong ganyang kwento...nalulungkot ako...at naiinis...haaaayyyy! !!!

lalen16loves
05-30-2007, 06:04 PM
sabihin mo sa kanya sister , para hindi sya umasa na matino ang asawa nya dito...karapatan nya yun, ....para handa na ang kaibigan mo sa kung anuman ang mangyari sa relasyon nilang mag-asawa....kesa naman maging tanga sya na walang alam sa katarantaduhan ng mister nya:rolleyes:

marami talagang ganyang babae, na nuknukan ng kapal ng mukha.....kaso wala tayong magagawa dun...gudluck nalang sa friend mo:)

tanong ko lang,...bakit nga pala yung ibang nagtnt na nahuli at nagakasal naman sapinas, eh hindi naman umaabot ng 5 years ang penalty?.....sana lang palarin syang makarating agad dito

ICHIBAN08
05-30-2007, 06:17 PM
Hi sayo kyla san!:) ...Tama mga payo nila...sabihin mo sa friend mo yung totoo nakakaawa naman na inaakala niya e siya lang ang babae sa buhay ng asawa niya...kahit alam mong masasaktan ang friend mo kelangan niya pa ring malaman ang mga pinag-gagawa ng asawa niya...

Soju6
05-30-2007, 06:31 PM
Kyla06 - bkt kaya may mga pilipina na kht alam na may asawa na pinapatulan p din?[/quote]

____________________ ____________________ ____________________ ___________


Love, great sex, good money…

One or two of the above.

Sometimes it’s a combination of all three -( panalo )

Autumn
05-30-2007, 06:39 PM
nandoon na tayo sa magkaibigan kayo.at concern ka sa kanya..kaya lang ang pag sasabi ng katotohanan sa kanya hindi ganoon kadali..sabi mo nga magkasama mga hubby nyo sa trabaho..hindi kaya mag kakaroon sila ng trouble?
papaano kung i denied ng hapon at sabihing wala kayong ebidensya..? papaano kung yun hapon ang paniwalaan ng friend mo at masira friendship ninyo..? ready ka ba? sa tingin ko dapat una muna ninyong kausapin yun hapon na makati na yan..(sorry) alam naman nya kaibigan mo Mrs nya hindi na sya natakot na makakarating somehow sa friend mo ...at hindi nahiya ..
hindi na sya natakot na makarating sa tenga mo ibig sabihin ok lang sa hapon na malaman ng friend mo..? grabe..
yun tungkol doon sa pinay..ibig mong sabihin nauna pa nya ipanhik sa bahay nya kesa sa asawa na nag hihintay ng penalty bago makarating dito?:eek:

ibang klase din yan dalawa na yan..kawawa naman yun kaibigan mo..siguro kung ako sa iyo..mag iipon muna ako ng ebidensya..bago ko ipagtapat sa friend mo ang lahat..mahirap kasi ang gumitna ..sana ready ka sa any consenquences..alam ko mahal mo friend mo ..pero minsan kasi imbes na yun kaibigan ang paniwalaan eh yun asawa ang kakampihan..

aki^-^
05-30-2007, 06:52 PM
dalawa lang yan eh pag sinabi mo....
una... paniniwalaan ka ng kaibigan mo
pangalawa.... baka mas paniwalaan nya asawa nya at magkasira pa kau..alam mo naman minsan ang babae sa sobrang mahal sa asawa...yun ang pinaniniwalaan.

nasty
05-30-2007, 08:17 PM
sobrang hirap talaga pag para kang nalilito kung pano ang magiging desisyon mo sa sitwasyon ng kaibigan mo and ng husband niya,,,hindi rin natin pwedeng isisi sa girl na nagmimistulang third party ang sisi dahil hindi natin alam kung naloko lang ba sya nung husband ni friend before and naipagtapat lang sa girl yung totoo nung ,,,mahal na mahal na niya si husband ni friend:confused: pero sa pagtatapat kay friend ang situation ,,kailangang sabihin mo na siguro kay friend yung pagbahay ni husband ni friend sa ibang girl pero dapat kang mag stick sa alam mo ang totoo,and maging matigas ka na hindi dapat niloloko ang babae ,,mapa pinay man or anong nationality siya,,,pero siguradong financially nakakatulong si husband ni friend sa philippines kaya dapat ipaintindi mo rin yung consequences ,,,,kung ako yung friend mo ,,lokohan ang labanan ,,,bago ko tuluyang matorotot at mag mukhang tanga,,,peperahan ko si hapon ,,,,take it fairly diba? ,,,niloloko mo ko?,,,lolokohin din kita,,,yun ang gagawin kong laban ,,minus the feelings:mad:

nasty
05-30-2007, 08:21 PM
sobrang hirap talaga pag para kang nalilito kung pano ang magiging desisyon mo sa sitwasyon ng kaibigan mo and ng husband niya,,,hindi rin natin pwedeng isisi sa girl na nagmimistulang third party ang sisi dahil hindi natin alam kung naloko lang ba sya nung husband ni friend before and naipagtapat lang sa girl yung totoo nung ,,,mahal na mahal na niya si husband ni friend:confused: pero sa pagtatapat kay friend ang situation ,,kailangang sabihin mo na siguro kay friend yung pagbahay ni husband ni friend sa ibang girl pero dapat kang mag stick sa alam mo ang totoo,and maging matigas ka na hindi dapat niloloko ang babae ,,mapa pinay man or anong nationality siya,,,pero siguradong financially nakakatulong si husband ni friend sa philippines kaya dapat ipaintindi mo rin yung consequences ,,,,kung ako yung friend mo ,,lokohan ang labanan ,,,bago ko tuluyang matorotot at mag mukhang tanga,,,peperahan ko si hapon ,,,,take it fairly diba? ,,,niloloko mo ko?,,,lolokohin din kita,,,yun ang gagawin kong laban ,,minus the feelings:mad:

aki^-^
05-30-2007, 09:42 PM
di ko yata maisip na mambabae asawa ko...dahil baka maputulan ko sya...:mad:
iisipin ko pa lang...naiiyak na ako!:( kawawa naman kaibigan mo...haaaaaaayyyy!!! !!:(

kyla06
05-31-2007, 05:02 PM
thank u sa mga payo n'yo mga ka-TF,cnabi ko na sa friend ko,naaawa nga ako kc iyak sya nang iyak nung una,matagal na pala syang may kutob n may girl ung hubby nya,kc pag tumatawag daw sya sa bahay,hndi sumasagot,tapos nito lang isang araw,may tumawag daw s kanyang babae,at cnabi daw na magkasama n cla s bahay ng hubby nya,ang kapal ng mukha nung babae,kung anu-ano daw cnabi s kanya,hndi na daw sya makakaratig ng japan,siya pa ang pinapatigil s kakatawag sa hubby nya,ang kapal d ba?dapat sya nga ang tumigil kc may asawa na ung pinatulan nya.feeling nya sya na ung asawa.Panay p din ang deny nung hubby nya sa kanya,sabi pa magbago n daw sya ng num ng celfon kc ung girl dto,tawag nang tawag sa friend ko s pinas,parang nagre-report kapag magkasama cla nung hapon.

aki^-^
05-31-2007, 05:11 PM
nGAK!!! ang kapal naman nung babae at sya pa ang matapang....ang lupit!! ang mahirap walang kalabann laban ang friend mo dahil nasa pinas sya...haaaaayyyyy!!! kawawa naman... sana matauhann nna yung asawa nya at magbago!

angela777
05-31-2007, 05:14 PM
thank u sa mga payo n'yo mga ka-TF,cnabi ko na sa friend ko,naaawa nga ako kc iyak sya nang iyak nung una,matagal na pala syang may kutob n may girl ung hubby nya,kc pag tumatawag daw sya sa bahay,hndi sumasagot,tapos nito lang isang araw,may tumawag daw s kanyang babae,at cnabi daw na magkasama n cla s bahay ng hubby nya,ang kapal ng mukha nung babae,kung anu-ano daw cnabi s kanya,hndi na daw sya makakaratig ng japan,siya pa ang pinapatigil s kakatawag sa hubby nya,ang kapal d ba?dapat sya nga ang tumigil kc may asawa na ung pinatulan nya.feeling nya sya na ung asawa.Panay p din ang deny nung hubby nya sa kanya,sabi pa magbago n daw sya ng num ng celfon kc ung girl dto,tawag nang tawag sa friend ko s pinas,parang nagre-report kapag magkasama cla nung hapon.nakakaawa naman yung friend mo...nakakainis talaga mga ganyang babae iniisip lang nila ang kanilang sarili...hindi nila iniisip na miron sila nasasaktan na tao...any way gawin mo nalang ang kaya mo na maitutulong sa friend para maayos ang relasyon nila mag asawa...sana makarma yung babae nayun sa ginagawa nya...

kyla06
05-31-2007, 05:24 PM
naawa nga ako eh,parang gsto ko sugurin ung babae para sabihing tigilan n nya kakatawag sa friend ko,uuwi pala ung hubby nya next saturday sa pinas ,2 weeks sya dun,sabi ko s friend ko mag-usap cla.Bka naman nalulungkot lang kc ung hubby nya dto,kc d nga sya makapunta pa,syempre walang nag-aasikaso s bahay.Sabi nung hubby ko na-inlove na daw ung girl s hubby ng friend ko,kaya cguro ganun gnagawa nya.Hndi naman umaamin s kanya ung hubby nya n may girl nga sa bahay.

nasty
05-31-2007, 05:25 PM
hmmmpppp....ganong kakapal yung babae nung hubby ni friend? :mad: pinagtatanggol ko pa naman siya dahil baka biktima lang din kako sya ,,by the way sana makapagdesisyon ng maganda ang friend mo at ituring niyang bangungot lang yannn,,gawin niyang challenge yang nangyari na yan sa kanya,,,kung mayaman si hapon ,,maghanap siya ng mas mayaman,,,kung pogi naman si hapon ,,maghanap siya ng mas pogi:) (sori po na doble yung previous post ko)

kyla06
05-31-2007, 05:32 PM
super iyak naman ung friend ko kada-tawag nung girl s kanya,tawag naman sya sakin,iyak na naman,sabi ko pag tumawag ulit lumaban sya,bata p kc ung friend ko 24 lang,ung girl daw may edad na ung boses ska nagni-nihohonggo daw s kanya,eh hndi naman masyado marunong mag-nihonggo ung friend ko.

angela777
05-31-2007, 05:35 PM
naawa nga ako eh,parang gsto ko sugurin ung babae para sabihing tigilan n nya kakatawag sa friend ko,uuwi pala ung hubby nya next saturday sa pinas ,2 weeks sya dun,sabi ko s friend ko mag-usap cla.Bka naman nalulungkot lang kc ung hubby nya dto,kc d nga sya makapunta pa,syempre walang nag-aasikaso s bahay.Sabi nung hubby ko na-inlove na daw ung girl s hubby ng friend ko,kaya cguro ganun gnagawa nya.Hndi naman umaamin s kanya ung hubby nya n may girl nga sa bahay.tulungan nyo nalang mag asawa yung friend mo at yung asawa nya...gawin mo ang makakaya mo para maayos ang problem ng friend mo sa hubby nya...nakakaawa naman...hirap ng kalagayan nya,naiintindihan ko sitwasyon ng friend mo.......dati nung hindi pa ako nakakapunta dito sa japan miron mga friend na pilipina ang asawa ko pero lucky ako sakanila kasi nakakausap ko ang asawa ko dahil sa mga friend ng asawa ko hindi sila gumagawa ng ikakasira saamin mag asawa...binigyan pa nila ako ng mga damit...ang babaet nila sakin kaya hangang ngayun kahit hindi kami nagkikita kita malaki ang utang na loob ko sa kanila......malas lang ng friend mo nakatagpo ng pilipina ang asawa nya na imbis tulungan, yan pa ang gagawin sisirain sila mag asawa para lang matuloy ang balak nya...

kyla06
05-31-2007, 05:38 PM
hndi naman mayaman,tall dark & handsome ung hubby nya,pero maganda dn naman ung friend ko,marami nga nanliligaw s kanya dati,mapepera pa kaya lang in-love talaga sya hubby nya.

angela777
05-31-2007, 05:55 PM
hndi naman mayaman,tall dark & handsome ung hubby nya,pero maganda dn naman ung friend ko,marami nga nanliligaw s kanya dati,mapepera pa kaya lang in-love talaga sya hubby nya.kung magkakausap usap kayu ng asawa ng friend mo itanong mo sa asawa ng friend mo kung sino ang mas mahal nya kaylangan pumili sya...baka naman babaero tlaga ang asawa nya...kung ganyang babaero asawa nya wala sya magagawa kahit na siguro magkasama sila ganyan parin gagawin ng asawa nya...

Autumn
05-31-2007, 07:11 PM
Whoa..:eek: sobrang kapal naman ng face noon babae na iyan..ewan hindi naman katwiran na nalulungkot yun lalaki dahil malayo sila sa isat isa..eh sana di na nya pinapanhik ng bahay...at bakit malalaman ng babaeng yon number ng friend mo ? pakialamera na mag aagaw pa..kilabutan nga sya oy...
pasalamat sya at hindi ako ang naging kaibigan ng asawa ng kinakabitan nya..dahil naku sa totoo lang..mag hihiram sya ng mukha sa ASO..
hindi ako mahilig makialam sa problema ng mag asawa pero kung katulad ng sa friend mo na malayo wala syang magagawa doon..
anyway nagawa ko na yan..nun hiwalayan yun bestfriend ko ng asawa nyang hapon dahil sa isang pinay din..di na nagkasya na pinaiyak kaibigan ko at sinayang yung sampung taon sa piling nya kahit alam na hindi sila magkaka anak dahil baog si lalaki..pati kasi ako eh binubulabog..tatawag an ako at sisiraan pa friend ko na kesyo ganyan at ganun daw..at nun mag divorced eh lahat kami sinisisi dahil wala man lang daw kahit isa sa amin ang umawat ..malaki sira ng ulo nya ha!!! kahit na malaking lalaki pa sya..inumbag ko sya ...:D sa harap pa ng koban..ngayon bumabalik na sa friend ko kaso hindi na sya welcome..matapos syang mag hirap sa kakahuthot ng lintang babae...sos pinay pa..kakagigil sila..kung pwede lang :fire:
anyway isa rin akong naagawan kapwa pinay din..kanyang kanya na..basta ako pinalaki ko muna mga bata..then goodbye..

agapayan mo na lang muna friend mo ngayon ka nya kailangan..

angela777
05-31-2007, 08:34 PM
super iyak naman ung friend ko kada-tawag nung girl s kanya,tawag naman sya sakin,iyak na naman,sabi ko pag tumawag ulit lumaban sya,bata p kc ung friend ko 24 lang,ung girl daw may edad na ung boses ska nagni-nihohonggo daw s kanya,eh hndi naman masyado marunong mag-nihonggo ung friend ko.sabihin mo huwag syang papatalo sa babaeng yun,lumaban sya...naku! kung sakin lang lahat siguro na masasakit na salita maririnig sakin ng babae ng asawa niya...

docomo
06-01-2007, 12:33 AM
wahihihi.. ang daming talak factor .. katakut mga gurlaloo :D :p

proud me
06-01-2007, 08:26 AM
...nag-tagpo ang lalaking malantod at babaeng haliparot....kainis :p :D

aki^-^
06-01-2007, 09:20 AM
ang hirap ng situasyon ng kaibigan mo..malayo kase asawa nya kaya mahirap gumawa ng action... sabihin mo sa friend mo na hinay hinay muna hintayin nya muna umuwi asawa nya... mahirap kase makipag usap lalo na kung malayo ito at kasama pa ang babae nya...
Di ko lang makuha kung bakit mas matapang pa yung kabit....kapal naman nun...haaaaaayyyyy!! !!Pag Uwi Ng Asawa Nya Dapat Maganda sya....hehehehe.....
Ganun ba katagal ang penalty at aabot ng 5 years? sobrang tagal naman yun...dapat ang mabigyan ng penalty ay yung may ari ng omese...tell ur friend na magtanong tanong sa embassy baka naman pwede na syang makapunta sa japan...baka sinasabi lang ng asawa nya na di sya pwede pumunta dun dhil sa penalty.... naku!!! dapt makapunta na sya dun para pantay ang labanan..
Sa opinyon ko kase....Mahirap Ipaglaban ang Taong Mahal mo Lalo Na KUng Sya Mismo Ang KaLaBaN Mo"
SaNa Maayos Na...DasAL Lang ...WaLa Naman ImpOSibLe SA DiYoS eh!!!

Tarena314
06-01-2007, 10:19 AM
Kung ako ang nasa katayuan ng kaibigan mo..,patay malisya na lang ako kahit masakit sakin yun ay hindi naman ako papayag na matalo ng pangit na emosyon ko..,Lalo akong magsisikap na maisaayos ang buhay ko at yung babae bali wala din sakin yun.., mahirapan sya ng kakatawag sakin ..,hindi ako magsasayang ng panahon sa kanya at hindi rin ako iiyak ..,sasabihin ko na lang sa kanya na paki alagaan nya ng maayos ang asawa ko ,at huwag nyang pababayaang magutom para laging genki at healthy..,Total lalaki ang asawa ko at wala namang mawawala sa kanya eh..,Basta ang mahalaga matino ako at hindi ako kagaya ng babae nya..,:mad: kung para sakin sya sakin pa rin sya mapupunta ..,pero kung hindi para sakin ay wala akong magagawa..,Dios lang ang nakakalam kung sino ang para sakin...,:(

marivic
07-09-2007, 03:13 AM
Ang tingin ko sobra ang insecurity nung kabit kaya kailangan niyang tawagan ng tawagan yung friend mo. I suggest mag-iba na lang cya ng number para di na madagdagan pa ang sakit ng loob na dala niya ngayon. Ang pagkakaalam ko sa nature ng mga babaero, kahit saang relasyon cla pumasok, doon sa mapagtiis cla nabalik. Malaki ang insecurity kc ng mga lalaking ganyan. Wala rin clg tiwala sa mga nakaka-affair nila.

Kung di naman kayang tiisin ng friend mo ang kabastusan ng husband niya...well then DON'T. Bumitiw na cya and go ahead with her life bago tuluyang masira cya ng impyernong kinalalagyan niya ngayon. Ang sakit ay nababawasan as time passes by. Take her first step towards recovery.

MARICON
07-09-2007, 09:26 AM
pray nlang na sana makapunta n friend mo dto sa japan as soon as possible walang magawa yan kasi itinakda ng maykapal sa kanila,,,,,,,,,,,,,j ust pray friend,,,,,,,,,,,,,, ,malalampasan nila yan,,,,okeyyyyyyyyy, ,,,,,,,,,,,,,,,,,,Do nt think too much GOD KNOWS ,all of dis are trials,,,,,,

YAN
07-09-2007, 02:49 PM
Makikisali din po.Tell your friend na lang na kausapin ang asawa nya,kung ano ba ang gustong mangyari.Hiwalay kung hiwalay,tutal parang ganon din dahil di sila magksama,at sobrang degrading naman para sa kanya nya, na gaguhin sya ng walang kalabn laban dahil nga malayo sya.And maybe if i were you,para dun sa stupid gurl,since kabit lang naman sya ng asawa ng friend ko,eh ewan ko na lang kung di sya matunaw sa mga masasakit na salita na sasabihin ko sa kanya o baka majombag ko pa sya,sya n nga lang tong kabit,sya pang matapang.
Ang also tell your friend na,since malayo sya at walang magawa,isipin nya na lang na wala namang kuwenta yung ganong klase ng babae,my gosh,alam ng may asawa,papatulan pa at di pa nakuntento nagpabahay pa talaga.DESPERADA ang mga ganyang klase ng babae,PATHETIC!!Kesa masiraan sya ng ulo sa kakaiyak at kakaisip,pilitin nyang maging strong,tutal wala din naman kuwenta yung asawa nya,gawain ba ng matinong lalake yun(di naman ako masydong galit noh,:mad: :grrr: ,kakagigil kc!),andun at nagtitiis maghintay yung asawa kung kelan sya makakasama e,ayun pala at nagpapasarap sa paglandi.

Di bale sabihin mo sa friend mo,hintayin nya lang ang KARMA na naghihintay sa asawa at kabit nya!And ang pagpapala ni LORD sa mga taong naghihirap na kagaya nya.

marivic
07-10-2007, 12:59 PM
KARMA...oo,naniniwal a ako dyan. Something's in store for the wife so easy lang cya. Masakit lang yan ngayon but time heal wounds. Chill out!!

MARICON
07-10-2007, 04:15 PM
naku mga katf pwede bang mag share nman tau about sa mga hubby ntin kung paanu u nagkakilala at nabuo bilang pamilya,mag enjoy nman tau sharing some moments in life,,,,,,,,well,, about me kc,,nag land me sa japan nung 2004,june w/ tourist visa only @ then 3monthslang kc un kya nag tnt me,,,,syempre nagkakilala me ng hubby ko sa work ko,,,,,last sept.2004 also but nagkaron me ng serious relationship dec.2004,,,,@ planned to get married,,,dahil mabagal ang ayos ng papel sa pinas inabot me ng 4months kya april 2005 n me nkapunta ng osaka dagdagan pa wa me passport,,,,buti nlang at da middle of april nakapassed n me papers sa osaka to get married nga,,,,,1 month daw maghintay bgo maikasal sa nihon kya hintay me,,, dat time nsa gifu me nagwowork,,,but d me inasahan na after 2 weeks ay ehhhh,,,,,,nahuli me ng imigration dhil nagdisco mga ksama nmin sa apato inabot cla ng araw sa labas tpos dmaan pa ng convenience ,,,,dun cla nahuli tpos tinuro yung apato nmin kya lahat me nahuli puro tnt kc,,,,,,,,,,,,,iyak me ng iyak kc nahuli me uwi n me pinas,,,tpos n maliligayang araw nmin sa japan but laking gulat ko hinanap pla me ng hubby ko tpos todo explain sya duon n kasal na daw me,,,,kya d pwede uwi me pinas,,d cya payag syempre marami me pinagdaanan dun sa loob ng keimusho everyday may interview me 3hours yun,,,,buti nlang GOD IS GOOD talaga after 17days na paghihirap nakalabas me bitbit ko na visa ko 1year tpos sbi ng ichiban irai ng imig.. n hwag n daw me magtrabaho ng 夜 kc だめ daw,,,magpromise daw me kya yun nklbas me ,,,now i have two kids n w/3 yrs visa,,,,,,,,,,,,,,,, ,,,,,,,happy ending ,,,dba?????,,sobrang bait ng hubby ko yung parents lang nya problema ko,,,,,wat about you ka tf????????????????

mukomae
07-10-2007, 04:25 PM
grabe naman to, ngayon ko lang nabasa... well, medyo katulad ng sa friend ko yun nanyari sa friend mo na nasa pinas... well ganyan din as in kakakasal lang tas nambabae si hapon tas tmawag si kabit dun sa friend ko sa pinas, ayun ka GULO!!! away sila ni hapon, away si hapon at si kabit... ay naku yun friend ko halos maloka sa kakaisip kung ano ba ang gagawin...sabi ko gamitin ang UTAK wag na ang PUSO... Ayun pag kaka alam ko nakakarma na si HAPON... naubos na daw ang pera at lagi daw nag kakasakit... kaya si friend nun dumating dito eto , tinatagtag ang sarili sa trabaho umaga at gabi dahil ayaw makasama sa bahay si hapon nandidiri daw...
Sa ganitong bagay UTAKAN nalang... Ginago ka, gagohan na!!! :mad: :mad: :mad: :mad: :mad:

MARICON
07-11-2007, 01:56 AM
naku mga katf pwede bang mag share nman tau about sa mga hubby ntin kung paanu u nagkakilala at nabuo bilang pamilya,mag enjoy nman tau sharing some moments in life,,,,,,,,well,, about me kc,,nag land me sa japan nung 2004,june w/ tourist visa only @ then 3monthslang kc un kya nag tnt me,,,,syempre nagkakilala me ng hubby ko sa work ko,,,,,last sept.2004 also but nagkaron me ng serious relationship dec.2004,,,,@ planned to get married,,,dahil mabagal ang ayos ng papel sa pinas inabot me ng 4months kya april 2005 n me nkapunta ng osaka dagdagan pa wa me passport,,,,buti nlang at da middle of april nakapassed n me papers sa osaka to get married nga,,,,,1 month daw maghintay bgo maikasal sa nihon kya hintay me,,, dat time nsa gifu me nagwowork,,,but d me inasahan na after 2 weeks ay ehhhh,,,,,,nahuli me ng imigration dhil nagdisco mga ksama nmin sa apato inabot cla ng araw sa labas tpos dmaan pa ng convenience ,,,,dun cla nahuli tpos tinuro yung apato nmin kya lahat me nahuli puro tnt kc,,,,,,,,,,,,,iyak me ng iyak kc nahuli me uwi n me pinas,,,tpos n maliligayang araw nmin sa japan but laking gulat ko hinanap pla me ng hubby ko tpos todo explain sya duon n kasal na daw me,,,,kya d pwede uwi me pinas,,d cya payag syempre marami me pinagdaanan dun sa loob ng keimusho everyday may interview me 3hours yun,,,,buti nlang GOD IS GOOD talaga after 17days na paghihirap nakalabas me bitbit ko na visa ko 1year tpos sbi ng ichiban irai ng imig.. n hwag n daw me magtrabaho ng 夜 kc だめ daw,,,magpromise daw me kya yun nklbas me ,,,now i have two kids n w/3 yrs visa,,,,,,,,,,,,,,,, ,,,,,,,happy ending ,,,dba?????,,sobrang bait ng hubby ko yung parents lang nya problema ko,,,,,wat about you ka tf???????????????? hello :love:

louvette_15
07-11-2007, 03:38 AM
medyo katulad ng situation ng cousin ko etong situation ng fren mo. the difference, hindi alam ng fren mo my babae hapon nya and nsa pinas sya...pero parehong pinay din ang mga kabit..kakainis nga naman ang ganun kc tinatalo kapwa pinay db? may pakinabang ang hapon kya dikit ang pinay kahit kabit lang..naisip ko rin na kahit d patulan ng pinay kung talagang makati ang lalaki ay talagang maghahanap yon...galit din ako sa mga gawaing ganun ng ibang pinay though mas galit ako sa lalaking ganun. sana lang lokohin at paasahin din sila(mga hapon) ng mga kabit nilang pinay pagtapus pakinabangan...yon tipong, nasaktan ka dahil sa ganung klaseng pinay at sa ganung klaseng pinay ka rin makakapag revenge...

kahit malaman ng fren mo ang tungkol sa ginagawa ng hubby nya, dahil nasa pinas sya ay mukhang lalo lang sya mhihirapan...on the contrary,kung sigurado ka sa information mo, i suggest sabihin mo para kahit papaano ay makapag isip na ng paraan yong fren mo sa kung ano dapat nyang gawin as early as now. kasi yong sa cousin ko, caught off-guard sya sa situation kya panic ang reaction nya ngaun. wala din syang contingency plan sa life nya kya ng dumating ang ganito, sobrang depress na halos she depended on me primarily on what to do esp. on legal matters if worst comes...suggestion lang naman po...

Last Samurai
07-12-2007, 12:53 PM
You need to get a lawyer and go to court. You can get a copy of the divorce form from the local government office where it was submitted. You will then probably have to get a handwriting expert to examine it and give evidence to the court. We know of one foreign mother who has done this, and lost in court.

To prevent that form from being filled in, you can file another form, every 6 months, with the local government office. More information here. (http://www.crnjapan.com/forms/en/index.html) Do it. If you are overseas, be sure to keep this up very regularly, because it seems that after a period of 3 yrs or more separation, it would be just a formality for the Japanese spouse her to sign the necessary form at the kuyakusho and get their divorce, even without his signature or inkan. I think this is allowed under the pretext of 'abandonment'

Common and Not So Common Legal Forms Used In Japan

The forms here are for dual purposes. First, you may need them to get information from Japan. For example, if you want to request a copy of your child's parent's koseki by mail. Second, they are for your information, so that you know what they look like. This way, if your spouse is asking you to sign something in Japanese, but you do not read Japanese, you can compare the form to ones here and see, for example, if it is the standard divorce form. We strongly recommend that you get a Japanese friend to help you fill the form in if your Japanese is not good.

shakey
07-17-2007, 09:18 PM
grabe ang kapal ng muka naman nung pilipna na iyon..medyo kapareha ng story ko yan yung ex ko mahilig sa omise yung pilipina kahit alam na may asawang pinay cge lang ang landi nya sa ex ko..sabagay di ko sya masisise kc talagang babaero yung ex ko eh...yung nagkahirapan ng pumunta ang mga talento dito sa japan ang ginawa ng pilipina minadali yung ex ko na pakasalan sya..take note umuwi ng pinas yung ex ko para lang magbakasyon sa probinsya ni pinay pag dating ni ex dun handa na ang kasal,pati isusuot ni ex handa na..shock si ex ko kc ang bilis ng kasal di nya alam na pinikot na sya ng madalian para lang sa visa...haaayyy may pilipina pa lang ganun..tsk tsk tsk

shakey
07-17-2007, 09:20 PM
pahabol.....ngayon may anak na silang isa at eto ang magandang ngyari pero sad para sa anak nila si ex ko hihiwalayan na ni pinay kc di nag babago babaero parin..at gabe ang kalbaryong dinadanas nya ngayon...kc nmn cya mang aagaw eh.

ritzyu
07-18-2007, 09:40 PM
pahabol.....ngayon may anak na silang isa at eto ang magandang ngyari pero sad para sa anak nila si ex ko hihiwalayan na ni pinay kc di nag babago babaero parin..at gabe ang kalbaryong dinadanas nya ngayon...kc nmn cya mang aagaw eh.

Karma :)

la_tina512
07-19-2007, 09:07 PM
pahabol.....ngayon may anak na silang isa at eto ang magandang ngyari pero sad para sa anak nila si ex ko hihiwalayan na ni pinay kc di nag babago babaero parin..at gabe ang kalbaryong dinadanas nya ngayon...kc nmn cya mang aagaw eh.

Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin..:rolleyes:

proud me
07-19-2007, 09:32 PM
pahabol.....ngayon may anak na silang isa at eto ang magandang ngyari pero sad para sa anak nila si ex ko hihiwalayan na ni pinay kc di nag babago babaero parin..at gabe ang kalbaryong dinadanas nya ngayon...kc nmn cya mang aagaw eh.karma sa kanilang dalawa!...baka pinay pa uli yung mga babae...indi kaya?

shakey
07-20-2007, 10:50 PM
Karma :)

ay naku ritzyu sabi mo pa karma talaga

shakey
07-20-2007, 10:53 PM
Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin..:rolleyes:

korek ka jan la tina kala nya siguro tumama na sya sa lotto hahaha...gusto ko nga syang makita eh para kamustahin hahahaha !!! (ang sama ko lumalabas nnmn ang pagiging maldita ko )

shakey
07-20-2007, 10:57 PM
karma sa kanilang dalawa!...baka pinay pa uli yung mga babae...indi kaya?

anu pa proud pilipina parin kc nga mahilig sya sa philippine omise..tsaka ayaw nya sa haponesa kasi di uubra sa haponesa ang pag uugali nya..grabe talaga pag naiisip ko ang buhay ko sa kanya di ka nya papatayin sa bugbog papatayin ka nya sa sama ng loob..buti nga natauhan ako kung ndi cguro baka naloka na ako sa walang wentang ex ko na yun.

la_tina512
07-20-2007, 11:04 PM
korek ka jan la tina kala nya siguro tumama na sya sa lotto hahaha...gusto ko nga syang makita eh para kamustahin hahahaha !!! (ang sama ko lumalabas nnmn ang pagiging maldita ko )

Hindi kasi nag-iisip ang iba nating kabayang Pinay. Hindi ba nila naisip kung yong asawang tunay iniwan at pinalitan, eh di gagawin uli 'yon sa susunod kasi ang mga lalakeng nang-iiwan ng asawa walang contentment sa buhay. Titigil lang yata ang mga 'yan pag hindi na makagulapay. :mad:

proud me
07-20-2007, 11:43 PM
anu pa proud pilipina parin kc nga mahilig sya sa philippine omise..tsaka ayaw nya sa haponesa kasi di uubra sa haponesa ang pag uugali nya..grabe talaga pag naiisip ko ang buhay ko sa kanya di ka nya papatayin sa bugbog papatayin ka nya sa sama ng loob..buti nga natauhan ako kung ndi cguro baka naloka na ako sa walang wentang ex ko na yun. ay! naku ...wag mo ng isipin kamustahin.:p ....isipin mo na ang suwerte mo dahil...inagaw niya sa iyo yung kalbaryo mo sa buhay...hindi nga siguro uubra sa haponesa yung gusto nyang buhay...kaya pinay ang napag-balingan makaka-ilan pa kaya siyang palit ng asawa :D

shakey
07-21-2007, 12:16 AM
[quote=la_tina512;313 724]Hindi kasi nag-iisip ang iba nating kabayang Pinay. Hindi ba nila naisip kung yong asawang tunay iniwan at pinalitan, eh di gagawin uli 'yon sa susunod kasi ang mga lalakeng nang-iiwan ng asawa walang contentment sa buhay. Titigil lang yata ang mga 'yan pag hindi na makagulapay. :mad:[/quote

anu pa sistah kc alam mo naman yung ibang pinay magka visa lang walang pakialam kung cno ang mga natatapakan nila..lahat gagawin makapanira lang ng isang pamilya..

shakey
07-21-2007, 12:18 AM
ay! naku ...wag mo ng isipin kamustahin.:p ....isipin mo na ang suwerte mo dahil...inagaw niya sa iyo yung kalbaryo mo sa buhay...hindi nga siguro uubra sa haponesa yung gusto nyang buhay...kaya pinay ang napag-balingan makaka-ilan pa kaya siyang palit ng asawa :D

cguro hangat may ma aasobihan syang omise di sya mawawalan ng pinay...dapat yang mga hapon na yan pinuputulan ng....kaligayahan!!! !(kapunin dapat)