PDA

View Full Version : Ang nahuli kong magnanakaw!


katheyrine
06-06-2007, 06:49 AM
Ohayou mga kat-TF!

Ang aga ko no? 6:39 pa lang sa PC ko eh may chika ako na ako sa inyo!

Mga three weeks na akong nagtataka bakit nawawala ang nuno ng baby ko pati hanger ko sa veranda, as in nauubos talaga! Tiningnan ko na sa baba sa may garahe kasi baka nalalaglag lang gawa ng hangin, pero wala talaga...minsan naiisip ko na baka namumulto na ako at minsan naisip ko na malilimutin na ako. Pero taka lang talaga ako..iiling-iling na lang ako. Bilang bagong mommy, sa sobrang busy di ko na matuunan pa ng oras yun, "bakit nauubos ang hanger ko at pati nuno ni ineng ko?"

Ngayon mga ka TF, kani-kanina lamang..nakahiga pa kaming pamilya...may gumagalaw sa veranda ko, kinig na kinig ko. Tumindig ako at dahang dahang sinilip sa kurtina kung ano ang gumagalaw sa veranda ko...laking gulat ko mga ka-TF....ang laking UWAK!!! At ang hudas eh parang namimili ng damit sa shopping mall!!! Ginising ko asawa ko at nagulat din sya! Sinigawan nya yung uwak pero tumingin lang sa kanya! At nung naghahanap ng maibabato ang mister ko eh sabay lipad dala ang hanger na may nuno ni ineng ko!!!

Ang hudas na uwak mga ka-TF ang culprit ng lahat! Hanggang ngayon eh di ko lubos maisip na magnanakaw pala ang UWAK...tsk tsk tsk hanggang ngayon eh di ako makapaniwal sa aking nakita!

May experience din ba kayo sa ibon na ito? Nanakawan na rin ba kayo ng uwak?
Grabe...ako`y shock! :eek:

chokulit
06-06-2007, 07:51 AM
Hi Kathy san aga nga ah hehe. Uso ata dito yan eh pangatlo ka na sa narinig kong nanakawan ng hanger at mga sampay ng uwak. Kakatakot naman talga dahil di man lang nagugulat ang mga uwak na yan kahit bugawin mo pa. Manganganak daw mga yan kaya nag ko collect ng mga hangers at nuno...kowaii~~~pati T-pan mo ba natangay?:D hehe ingat na lang baka makipag agawan ka pa sa mga uwak ha:D

lalen16loves
06-06-2007, 07:51 AM
hahaha....:D akala ko talaga tao na, uwak lang pala?.......baka gagamitin ni uwak sa mga anak din nya...omoshiroi yang magnanakaw mo ha..:D

la_tina512
06-06-2007, 08:10 AM
grabe na talaga mga uwak na 'yan. puro pasaway. meron akong tip sa 'yo mommy katheyrine na napansin ko dito sa mansion namin. ginawa ng oya san namin nagsabit sya ng mga old cds dito sa harap namin para hindi pumunta uwak. we're on the 6th floor kasi at parang playground ang harap namin sa laki. it worked. mula non wala ng uwak na pumunta. maglagay ka ng anything na nakakasilaw para hindi ka na nila pasyalan or net kaya pag may time si habibi mo. try mo lang.

Autumn
06-06-2007, 08:29 AM
Pag pasensyahan mo na si uwak kasi panahon na naman ng pangingitlog nila..ninanakaw nila hanger kasi ginagawa nilang nest..
huwag mong sisigawan dahil babalik balikan ka nila..sobra pong talino at mapagtanim ng sama ng loob sila uwak :D

nakakaawa nga sila kasi wala na silang makuha na mga damo sa city kaya hanger lang ginagawa nilang pugad para sa baby nila..

syanga pala ano yun nuno ng baby mo?

mamimo
06-06-2007, 10:11 AM
@katheyrine

ang kelangan mo pala ay pulis pangkalawakan hirap hulihin ng salarin na yan......LOL

sachi807
06-06-2007, 10:23 AM
...mabuti na lang at uwak pala yun dorobo kasi nakakatakot kung tao talaga di ba:confused: :D

aki^-^
06-06-2007, 11:57 AM
grabe naman, napalaclever ng uwak at marunong mamili ng pagnanakawan...heheh ehhe!!!!

nasty
06-06-2007, 12:52 PM
sa news nakapanood na din ako nyan eh ang mga dorobong uwaks,,,and ang nest nga nila na ginagawa is hangers ,,specially yung gawa sa wire na hangers:) choosy pa tong mga uwakers na to:D nakakaloka talaga!

yosi
06-06-2007, 06:14 PM
swerte ng uwak na yan dito,walang pakialam ang tao,kong sa pinas yan na litchon na sya. jokejoke po..

jhayelle
06-06-2007, 11:53 PM
HAHA!

Ayaw mo nun? meron kang pet na magnanakaw! :D
Kawawa naman sya pag di sya nakakuha ng hanger sayo, mahihirapan sya maghanap ng ibang mananakawan, tapos wala syang pang-nest para tirhan ng mga anak nya hu hu hu... isa ka ring ina na dapat umintindi, hehehe! :D

pag di na yan bumalik, mami-miss mo rin sya nuh...:p

sorry di ko gets pero ano po ba ibig sabihin ng nuno? :confused:

tea
06-07-2007, 01:18 AM
akala ko kung sino na yong magnanakaw he he.......uwak pala.ano po ba yong nuno?

katheyrine
06-07-2007, 11:50 AM
akala ko kung sino na yong magnanakaw he he.......uwak pala.ano po ba yong nuno?

ang nuno eh yung nuno sa punso...uso sa atin yun..na pag nadali mo eh may mangyayari sayo hehehe joke pow...hihihi

seriously

nuno ---cloth; fabric
:D

hirap nga, wala pa namang pulis pangkalawakan dito...:D

sitsukoime
06-07-2007, 04:42 PM
Katawa nmn mgnanakw dyn japan, UWAK?!! nya ha ha ha! Buti nga yn at least harmless smntalang d2 pg nakita mo mgnanakaw mahu2li mo cla or ikaw ang hu2lihin pra katayin k na!!Kala ko nghahalungkat lng ng basura yng mga uwak dyn s japan ngnanakaw dn pla?? Grbe talino nga ha!! Nung 1st time ko nga dyn kala kung anu yung maingay sa umaga kala ko umiiyak na bata ung pla mga maiingay na UWAKIS!!:p :p Pazaway ata dyn mga uwak's eh! pag d2 yan dedbol yn s pinoy!!di cla tatantanan!!