PDA

View Full Version : Residence Tax


dawn_gazer2
06-09-2007, 06:11 PM
hello,everyone!

have you received your residence tax booklet yet? ang laki ng itinaas ng residence tax ko! grabee!! doble! i've paid 80,000yen last. to my surprised, this year, i am to pay 165,000yen! pa-share naman ng info...baka me latest info kayo tungkol sa residence tax...

:( :( :( dawn

Yujin
06-09-2007, 07:00 PM
hello,everyone!

have you received your residence tax booklet yet? ang laki ng itinaas ng residence tax ko! grabee!! doble! i've paid 80,000yen last. to my surprised, this year, i am to pay 165,000yen! pa-share naman ng info...baka me latest info kayo tungkol sa residence tax...

:( :( :( dawn
dawn

Mabuti at nabanggit mo ang tungkol dito.

May paalala na tungkol sa bagay na ito mula pa nuon kalagitnaan ng nagdaang taon (2006). Madalas na napagusapan ang tungkol dito sa mga balita at sa mga namamasukan o empleyado sa mga opisina (kagaya ko) mayroon mga paunawa na ibinigay.

Ang pagbabago ng halaga sa binabayaran na 住民税 -- Juminzei -- Residence tax ay kaugnay din sa naging pagbabago sa binabayaran nating 所得税 -- Shotokuzei -- Income tax.

Mula Jan, 2007 bumaba ang binabayaran na Income Tax nang halos kalahati.
Kaugnay nyan mula June, 2007 nagtaas naman ang Residence Tax nang halos doble ring halaga.

Kung tutuusin para sa isang buong taon, parehas ang ibinaba ng halagang bayad na itinaas ng Residence tax at ang halaga ng ibinaba ng Income tax. :)

Para sa iba pang detalye sa binabayarang residence tax maaari din tawagan ang nakakasakop na kuyakusho o shiyakusho.

HTH

summergirl
06-09-2007, 08:00 PM
Oo tumaas ang residence tax,pero pwede mo naman syang bayaran ng hulugan dahil sabihin mo na di mo kaya.Ako nga di dumating ang resibo ko ng 1 yr iyon pala nung natanggap ko 190.000 paano ko ito babayaran.so pupunta ako sa city hall at magiging hulugan system ang mang-yayari dahil naipon sya .Payag naman sila basta makipag usap ka lang ng mahusay sa kanila.

Saling Pusa
06-09-2007, 10:35 PM
OO maski two years to pay basta ang importante ay bayaran mo.. itatanong naman nila kung magkano ang kaya mo monthly... basta mabayaran mo lang para malinis ang record mo at kung mag-aaply ka ng Peramanent residency ay madali ang proseso kasi nagbabayad ka ng iyong tax!:rolleyes: in short, good resident ka ng Japan!

dawn_gazer2
06-11-2007, 03:39 PM
hi, mga ka-TF...

thanks for the info, yujin. i really didn't hear anything about this adjustments in taxes (income and residence...)so, in short, nilipat lang ang ibinaba ng income tax sa itinaas naman ng residence tax. i really do not know whether to feel happy or whatever about this. pero, sabi nga, pay caesar what is due his...

i've started the residence tax payments in 2002. usually, i would pay it according to the schedule that is reflected on the booklet. i have never really tried to pay it in installments, para madaling mag-budget. actually, yung schedule sa booklet installment nga, eh. hehehe as of today, wala pa naman akong nalampasan na tax payments according to it due date. kahit na road tax, i have always paid it on time. mahirap kasing may mga payments nami-miss.pero kagulat-gulat talaga etong residence tax ko.

anyway, what to do eh kailangan talagang bayaran ito. i'm sure kahit na bumisita pa ako sa city hall to inquire about this, i would get the same response as what yujin has mentioned already...hay, first payment starts at the end of july!:( hehehe...

o, siya, sige mga beautiful ka-tf...thanks for the info again...enjoy the rest of the day!

dawn

ganda_girl89
06-11-2007, 10:50 PM
ms dawn,

tax refund ang solusyon dyan.

april
06-12-2007, 08:28 PM
oo nga e grabe :( yung kasama ko nga rin sa trabaho nagpunta pa kanina sa
city hall para magreklamo...gulat rin kasi sya:eek:

mbstorun
06-12-2007, 09:57 PM
hello,everyone!

have you received your residence tax booklet yet? ang laki ng itinaas ng residence tax ko! grabee!! doble! i've paid 80,000yen last. to my surprised, this year, i am to pay 165,000yen! pa-share naman ng info...baka me latest info kayo tungkol sa residence tax...

:( :( :( dawn

..tama po yan tumaas kase sya ng 7%. dati kase was 10% lang so bale 17% lahat ang residence tax na babayaran natin dito.

...kami nga rin laging gulat namin dahil last year nasa 550,000 yen lang ang binayaran ng asawa ko at ngayon sobrang laki na..naging almost 900,000 yen na pero di mo naman po kailangan biglain ng bayad kase pwede syang monthly lang ang kakaltasin nila. depende sayo kung ano ang kaya mo kaseng bayaran. pero may good news naman lately sa Japan kase tataasan ng mga banko dito ang interest rate na bibigay sa mga depositor. so sana nga matutuloy yun kase wala naman kaseng sense na magtago ka ng pera dito tapos halos wala namang interest.

thermometer
06-13-2007, 08:00 AM
Since nalipat na ang ibang amount sa residence tax..

is there any chances na mas mababa na ang Tax refund
natin sa ating income tax ? :confused:

andami kasi sinusupurtahan na matatanda ng japan eh hehehe

Yujin
06-13-2007, 09:19 AM
Since nalipat na ang ibang amount sa residence tax..
is there any chances na mas mababa na ang Tax refund
natin sa ating income tax ? :confused:
andami kasi sinusupurtahan na matatanda ng japan eh hehehe

Yes, iyan din ang naisip ko. Basically ang ginagawa nating application sa katapusan ng taon na 年末調整 Nenmatsu Chosei ay para "ma-adjust" ang "sumobrang" bayad natin sa income tax.
Dahil sa pagbaba ng binabayarang income tax, posible(malamang) rin na bumaba ang babalik sa tin pagdating ng katapusan ng taon. Sa naging pagbabago sa sistema hindi ako umaasa na malaki ang babalik sa akin ngayon taong ito :(

Yujin
06-13-2007, 09:44 AM
..tama po yan tumaas kase sya ng 7%. dati kase was 10% lang so bale 17% lahat ang residence tax na babayaran natin dito. ...
Yes, tumaas ang percentage ng residence tax but i think this is not applicable for all cases. The percentage varies depending on the salary of the person paying the tax or the household's total income.

mbstorun
06-13-2007, 01:48 PM
Yes, tumaas ang percentage ng residence tax but i think this is not applicable for all cases. The percentage varies depending on the salary of the person paying the tax or the household's total income.


..yes tama po yan di sya applicable for all cases. pag below 200,000 yen lang yata ang sweldo mo di ka kasama or else maliit lang ang babayaran mo. depende nga sya sa total income mo kaya kung malaki ang sweldo mo, talo ka kase malaki rin ang babayaran mong tax.

dawn_gazer2
06-13-2007, 02:38 PM
thanks mga ka-tf sa mga information that you've posted...

eto na, dumating na ang booklet ng husband ko para sa residence tax niya! pareho kasi kaming OFW din lang dito sa japan. mas malaki sa kanya. nagtaka din siya. pero nabasa namin itong mga posts nga ninyo kaya naliwanagan kami. ang binayaran niya last year was 375,000 yen. ngayon halos nag-doble! kaya ayun, last time ako ang "dakdak ng dakdak"...siya naman ngayon...hindi nga nagdadakdak...pero di na maalis sa harapan ng calculator!:D at higit sa lahat, di mo makausap ng mahaba-haba at me ginagawa daw sya. hay naku, laki ng babayaran naming sa end of july...:( :( :(

ewan ko sa tax refund sa december, sana wag ng bumaba...dahil pag nagkataon, binawasan nga income tax, dinagdag naman sa residence tax, at pagkatapos bababa tax refund(?):eek:

hay buhay japan...;)

have a good day, mga ka-tf!