View Full Version : Check your Breast (for girls only)
honey
06-12-2007, 09:31 PM
Napansin ko kasi na parang medyo malaki yung kanang breast ko at kapag hinipo ko sya medyo malamig samantalang yung kaliwang breast ko mainit:confused: saka mas malaki yung kanang breast ko kesa sa kaliwa e hindi naman ako nagpapadede na sa anak ko dahil 2 taon mahigit na sya at bukod pa doon 1 linggo lang ako nagpadede dahil wala naman lumabas na gatas sa breast ko nagpump lang ako para mapainom sa anak ko saka katatapos lang ng dalaw ko nung june 10 at napansin ko lang ito na medyo malaki e nung june 8.Hindi naman sya masakit kapag hinipo wala din namang lumalabas na kung ano sa nipples ko wala din naman akong mahipo na bukol.:(
PAKIcheck naman yung breast nyo kung mainit ba o malamig?
Sa sanfujinka ba pwede na rin ba doon magpatingin para sa breast ko?
purpletablet
06-12-2007, 09:45 PM
gandang gabi po honeysan
ang alam ko po kasi pag before tau magmens ay mejo naninigas at may nakakapang mga bukol or lymph nodes.. pansin na pansin po ba ang pagkakaiba ng laki ng left at right breast nyo?
hmnnn... kung wala naman po kayong nakakapang bukol ay wag mabahala, pero kung kinakabahan po kau, makabubuting pacheck up na kayo sa doctor... try nyo po magpa-ultrasound/palpitation exam ng breast nyo para macheck rin kung may mga bukol...yun po kasi ang primary concern dahil ang breast cancer po ay isa sa mga killer diseases sa mga kababaihan..
dianne
06-12-2007, 10:36 PM
hi! honey ....:)
meron akong auntie na, na diagnose na merong breast cancer inoperahan na sya sa left breast nya kaya wala na yung left.. that was 18 yrs. ago awa ng Dyos hanggang ngayon buhay pa sya and she's doing very well. :)
umpisa daw nyang naramdaman na parang sumasakit yung likod nya sa bandang kaliwa..
after that hindi na nya mataas yung kaliwang kamay nya , pag tinataas nya masakit daw. tapos napapansin nya yung nipple nya sa bandang kaliwa palaging naninigas and mapula na namamaga meron na ring lumalabas na puti sa nipple nya . atsaka yung breast mapula na ang kulay ofcourse mas malaki sa kanan . then she went to the hospital para mag pa mamogram doon nya nalaman na malala na pala yung cancer sa left breast nya . :(
para malaman mo or nag wo-worry ka kung meron ng tumutubo sa breast mo ng mga bukel jyen bago maligo or kung merong time , tumingin sa salamin taas mo ang kamay tapos yung tatlong daliri sa gitna ng kamay ilagay sa ibabaw ng breast kapain pababa papuntang ilalim ng breast. ngayon kung meron kang makakapang bukel na kakaiba at masakit eh patingin mona muna . or kung yung nipple mo palaging naninigas at mapula compare sa kaliwa na parang maga patingin mo na rin sa doktor or mag pa mamogram kana para sigurado. pero kung wala naman don't worry baka naman imagination mo lang yun ..:p kailangan talaga natin mag pa mamogram 2X or 1 yr. para sigurado ..:p
docomo
06-12-2007, 10:40 PM
kailangan talaga natin mag pa mamogram 2X or 1 yr. para sigurado ..:p
yearly lang naman and once lang .. ang sakit po nyan dianne pag 1 year mag pa mammogram :p
dianne
06-12-2007, 10:46 PM
yearly lang naman and once lang .. ang sakit po nyan dianne pag 1 year mag pa mammogram :p
oo nga po doc. masakit talaga parang pinipisa . takyut... :eek: po kasi ako meron kaming lahi eh~~~~ :p
nikkichibi
06-12-2007, 10:59 PM
grabe po sa sakit pag pinipisa ng machine yung boobs mo mapapaiyak ka talaga :D
naranasan ko na kasi mag pa mammogram , sabi ko nga sa sarili ko di na ko uulit uli , hehehe
pero wag kang matakot, kaya mo yan :)
purpletablet
06-13-2007, 01:10 AM
meron pong bago yung inu-ultrasound lang po, nde po masakit... breast ultrasound & breast palpitation po ang tawag doon.. same as ultrasound po talaga siya at nde masakit. pramis! :D kaya no need na magpamammogram kung saan iniipit ang breasts at supersakit daw...
nasty
06-13-2007, 09:35 AM
naalarm naman ako sa thread na to,,,pero i tried kung may malamig at mainit wala naman ,,pareho lang yung temperature nila:D seek na po a doctor kung may mga worries sa health ,,,sana po maganda ang maging results ng check up ,,,goodluck:D
summergirl
06-13-2007, 09:43 AM
Na try ko ng magpa mammogram,ang sakit sakit parang matatanggal ang nipples mo sa sobrang sakit eh..Kasi ang Tita ko both ng boobs nya wala na,at ang pain daw galing sa back una tapos may lumalabas nga daw na puti at palaging masakit ang shoulder nya.kagaya nga sabi ng isang ka member natin,ok pa rin sya at obachan na sya ngayon..
honey
06-13-2007, 09:53 AM
Wala akong Symptoms na sinasabi nyo lump,curve,back pain,namumula o bleeding etc...
nakakagulat replies nyo pero atleast may konting clue na ako kapag pinacheckup ko breast ko.
Thank You sa mga nagreply:).
Napansin ko kasi na yung bra ko yung kanan kahit anong gawin ko talagang medyo umaangat sya samantalang sa kaliwa e fit naman kaya pansin ko na parang iba.
docomo
06-13-2007, 10:51 AM
Napansin ko kasi na yung bra ko yung kanan kahit anong gawin ko talagang medyo umaangat sya samantalang sa kaliwa e fit naman kaya pansin ko na parang iba.
This would be cause for concern .. other little places that are questionable and there's nothing to be done but get the mammograms..the sooner you get one, the sooner you can stop worrying. .:)
mOtt_erU
06-14-2007, 09:12 AM
...thanks sa thread mo hOney san..dami kO natutunan sa mga shinare ng mga kaTF naten....from their own experiences....... sa mga post nila, mukhang ayOko magpa mammogram kaya dapat talaga atleast mag self examination, may proper procedure yata jan..sana may magpost tungkol dun...positioning ng katawan at ng fingers kung saan banda kakapain.... o kaya yang bagOng procedure na sabi ni purpletablet na breast ultrasound.... mukhang ok yan....
Dapat aware talaga tayo sa ganito......katakOt at mahirap ng magka-breast cancer....
barabara
06-27-2007, 12:54 PM
nangyari na sa akin iyong hormone napunta lahat sa bust ko namaga at lumaki at ang tigas.. naiyak ako sa gabi, lagi akong nakabra. kasi di ako nagpasuso kahit maraming gatas... binigyan muna ako ng small pills, ayon nawala ang maga..every 3 years nagpapamammogram ako..mahirap din ang malaki ang bust..:D :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.