View Full Version : Pilipinas .... saan ka pupunta ?
fremsite
06-14-2007, 02:03 PM
making a new thread tungkol sa Inang Bayan natin ...
nalulungkot lang ako dahil pag nagbabasa ako ng online newspaper ...
laging ganun na lang ang balita ... masamang gobyerno ... masamang pulitika ...
masamang palakaran .... hindi na ba talaga magbabago ? ... Pilipinas ~~~~
saan ka nga ba pupunta .... :( kahit naman konti .... umusad sana ... ng
paharap ... hindi ng patalikod .
( kung may thread na pong ganito .. paki-lipat na lang po mga dear mods ... thanks po ) :)
nikkichibi
06-14-2007, 04:19 PM
making a new thread tungkol sa Inang Bayan natin ...
nalulungkot lang ako dahil pag nagbabasa ako ng online newspaper ...
laging ganun na lang ang balita ... masamang gobyerno ... masamang pulitika ...
masamang palakaran .... hindi na ba talaga magbabago ? ... Pilipinas ~~~~
saan ka nga ba pupunta .... :( kahit naman konti .... umusad sana ... ng
paharap ... hindi ng patalikod .
nakakalungkot talagang isipin na walang pag babago sa bansa natin :(
manood ka ng balita lagi na lang patayan at mga drugs ang laman ng balita , ngayon pasukan naman problema ng ibang mga school yun tag ulan kasi binabaha ang loob ng mga room , ngkakasakit tuloy ang mga bata ng dahil jan tas marami pang mga bata na naaaksidente dahil sa mga sasakyan na barumbado , sana naman umayos na ang bansa natin :mad:
pilipinas saan ka nga ba papunta :confused:
Hensoldt
06-14-2007, 04:31 PM
making a new thread tungkol sa Inang Bayan natin ...
nalulungkot lang ako dahil pag nagbabasa ako ng online newspaper ...
laging ganun na lang ang balita ... masamang gobyerno ... masamang pulitika ...
masamang palakaran .... hindi na ba talaga magbabago ? ... Pilipinas ~~~~
saan ka nga ba pupunta .... :( kahit naman konti .... umusad sana ... ng
paharap ... hindi ng patalikod .
( kung may thread na pong ganito .. paki-lipat na lang po mga dear mods ... thanks po ) :)
Hi Fremsite. :wave:
Ganyan talaga dahil malaya ang mga mamamahayag sa ating bansa kaya lahat ng balita maski tsismis ay talagang mabubulatlat at malalantad. I'm not saying that's a bad thing though.
At alam naman nating lahat na mas mabenta at mas natutuunan ng atensyon ang mga negatibong balita.
Kumpara mo ang freedom of the press sa Pilipinas sa mga mamamahayag ng China, Vietnam and N. Korea. Eh halos lahat ng mga news bureau nila eh kundi state-owned eh state-sponsored. Kaya nace-censore ang mga negatibong balita di tulad sa Pinas. At kapag may nangahas na magbunyag ng mga anomalya eh kundi nakukulong eh naglalaho na lang na parang bula. At ang mga nasabing mga bansa ay may establishment para sa propaganda na nagpapaganda ng image nila na pinapakita sa kanilang mga mamamayan at sa mundo na kadalasan ay exaggeration lang.
Naging independent at self-governing ang Pinas noong 1946 lang nang i-recognize ng Amerika ang ating independence. Kung tutuusin, 61 years palang ang Pilipinas na nakatayo sa sarili nitong paa. It took the United States more than 100 years and several wars bago ito naging maunlad. Compare that to China's 5,000 years and Japan's 2,000 years of existance as a country.
But we really have the chance, especially in these modern times to move our country forward. But a few Filipinos cannot do it alone, we need everybody's cooperation to make it happen. We have to want it really bad and it takes hard work, patience and determination to achieve stability, prosperity and harmony. The perfect place to start it is on ourselves.
Just my 2 cents and wish to share my thoughts with you guys.
summergirl
06-14-2007, 05:25 PM
Ako dear kahit anong masamang balita,gobyerno etc..hindi ko tinitingnan ang bad sides ang iniisip ko at tinitingnan ko ang mga good side at happy side pag nasa Pilipinas ako..
Hensoldt
06-14-2007, 05:38 PM
Just to balance things out. Fair is fair, right? ;)
http://www.goodnewspilipina s.com/
Good site to visit if you get tired of reading all the bullcrap.
maimai
06-14-2007, 06:01 PM
making a new thread tungkol sa Inang Bayan natin ...
nalulungkot lang ako dahil pag nagbabasa ako ng online newspaper ...
laging ganun na lang ang balita ... masamang gobyerno ... masamang pulitika ...
masamang palakaran .... hindi na ba talaga magbabago ? ... Pilipinas ~~~~
saan ka nga ba pupunta .... :( kahit naman konti .... umusad sana ... ng
paharap ... hindi ng patalikod .
hayz kaya nga minsan nakakasawa na manood ng news..puro patayan..puro nakawan..puro hurakot..walang katapusan.....:(
minsan nga iniisip ko..safe pa ba ang pinas para sa mag anak natin...nakakatakot na kasi yun na lang palagi ang nangyayari dun.....yung mga mahihirap lalo naghihirap yung mga mayayaman lalo yumayaman...:mad:
sana nga umayos na ang bansa natin!!!
proud me
06-14-2007, 07:39 PM
yung mga mahihirap lalo naghihirap yung mga mayayaman lalo yumayaman...
heheh!...maimai chang...musmus pa ako salita nayan ng ibang matatanda sa atin sa pinas...ngayon matanda narin ako...ganyan parin....wala na atang pag-asa sa Bayan natin yang ganyang problema....nabibigy an lang ng pansin ang mga naghihirap pag-eleksiyon...
mga pangakong dadalhin lang pala sa pangako....parang kanta na ata ni regine tong nasabi ko...:p ...baka ayaw nalang mawalan ng mahihirap sa pinas...baka wala na nga naman magamit pag-kinakailangang mag-Drama...:D ...nakakalungkot man isipin pero...yun naman kasi mararamdaman sa pinas eh!...
Just_ME
06-15-2007, 11:10 PM
Ganyan po ata ang buhay sa atin sa pinas,dahil sa kahirapan maraming gumagawa ng krimen at yung mga matitino naman karamihan na ata e nag aabroad para kumita sa ibang bansa...at sa pangingibang bansa dun sila napapahamak...may napabalitaan nahatulan ng pupugutan ang ulo dahil sa pagtatanggol sa sarili nakulong....may nag asawa ng foreigner may ilan para makapag trabaho sila at makatulong sa pamilyang naiwan sa pinas pero binubugbog naman ng napangasawang dayuhan...at may mga babae na makakain lang kapalit e aliw...dahil sa kahirapan ng buhay kumakapit na sa patalim...sana may pag asa pa:(
engkanto
06-29-2007, 10:05 PM
Sa tingin ko, hindi pa handa ang Pilipinas sa 'kalayaan'. Masyado kasi sinasamantala. Walang responsibilidad ang karamihan. Lalo na ang media.
Mababa din ang values. Palagay ko, (paumanhin po) dito nagkulang ang simbahang katoliko. Nasabi kong simbahang katoliko kasi iyan ang dominanteng relihiyon sa atin. Kasi kung mataas ang pagpapahalaga ng mga tao, kung marunong magmahal sa kapwa, magmula sa mga pinuno ng bansa hanggang sa pinakamababang kawani ng pamahalaan, wala sanang korapsyon at naipapatupad ng wasto ang mga batas. Kahit may patunay na ng pangungurakot, ibinoboto pa at nananalo pa sa eleksyon! Natatandaan nyo ba si Jose Velarde at Jose Pidal?
Parang naging uso na din ang pagkalaban sa pamahalaan. Pag aktibista ka, cool ka. Lahat ng maupong presidente, kinokontra. Pansinin natin ang mga maka-kaliwang grupo. Simula kay Marcos hanggang ngayon kay Gloria, lahat ayaw nila. Walang mahusay na pangulo sa kanila. Pag may okasyon, lagi sila nagra-rally. Naaabala ang mga naghahanap-buhay, ang mga nag oopisina. Hindi kaya sila namamasukan at may panahon sila na mag-rally? Magkano kaya sweldo nila sa pagma-martsa at pagsigaw ng slogan na kontra-gobyerno?
Sabi ni dating Pangulong Quezon: "I'd rather have a country run like hell by Filipinos, than a country run like heaven by foreigners" Kung buhay pa sya, magugustuhan kaya nya ang nangyayari sa Pilipinas ngayon?
Kung ano ang kahihinatnan ng ating bansa kung patuloy ang ganitong sitwasyon? Sa tingin ko, lalo tayo umaatras. Ang asenso na ibinabalita sa pahayagan, nararamdaman ba natin yon?
ryu4192000
06-29-2007, 10:53 PM
Kung ano ang kahihinatnan ng ating bansa kung patuloy ang ganitong sitwasyon? Sa tingin ko, lalo tayo umaatras. Ang asenso na ibinabalita sa pahayagan, nararamdaman ba natin yon?
Pasali lang. Ako ang sagot ko sa tanong na to, personally oo. nararamdaman ko na me asenso. Now more than ever eh maganda mag start ng biz sa pinas. Ang mahirap lang tayong mga Pinoy karamihan sa atin gusto natin yung nanjan agad. Nasabi mo nga mahilig tayo umangal pero karamihan sa angal eh wala naman tayong ginagawa on our part to improve the situation. reklamo na lang ng reklamo.:cool:
magnus
08-07-2007, 05:48 PM
pinas? check mo www.experiencephilip pines.ph
kailan ko lang nadaanan yun e..meron mga ideas dun kung san places ok... travel planner kumbaga...
la_tina512
08-07-2007, 08:50 PM
Sayang....
In the early 70's, the Philippines ranked 3rd economically among the Southeast Asian nations. Life then was good and the Filipinos are very proud of their country's leader, the late ex-President Ferdinand E. Marcos. Then two years after that Martial Law took place. Since then the Philippines has never been the same again. Graft and corruption, military take-over, demonstrations and rallies here and there......
Sayang...
eagles008
08-07-2007, 09:52 PM
nakakaiyak at nakaka lungkot.we blew so many chances!it is so sad bec . we have tremendous potential to be prosperous.just look at japan.no natural resources,a country devastated in war..but they got good attitude set by their leadres.they decided to make a comeback,economic comeback!they made a plan and are united.they sacrificed and work hard.now,a world power.even america,in early 1930s when they were hit by economic depression.no jobs,banks closing,rallies,etc. however,they had a great great leader named FRANKLIN ROOSEVELT.he talked to the media,congress,senat e and the people.he asked for unity,sacrifice ,hope and recovery.they made it.i read a letter by a korean who made an open letter to the filipinos,entitled.. ."have you ever cried for the philippines?"bumisita siya sa bansa natin at nalungkot siya not just the poverty but the LACK OF LOVE of filipinos to their own country.he told his country"s story.after the korean war,they were devastated.all in ruin.many died in hunger.but they have a good leader in preson of pres. park.he demanded unity,patience,sacri fice for the countrys progress.they believed and folloed him.now,south korea is prosperous.we still have hope.just learn from the success of other countries.our leaders must set the example and filipinos will follow...easier said than done but it is possible!it is my sincere prayer that we get united...before it is too late.we havve a mission...PROSPERITY for the filipinos.one day,we can truly say,i am proud to be a filipino!
Well mga ka TF wag tayong mawalan ng pag-asa kahit gaano man kaihrap ang bansa nating pinagmulan bansa pa rin natin to eh....anuman ang sabihin ng ibang lahi sa bansa natin one of this day makakabangon din ang PILIPINAS....magakak aroon din ng leadder katulad ng panhon ni Mckoy....pana-panahon lng yan ika nga,one of this day titingalain din tayo,kaya wag tayong mawalan ng pag-asa.....basta ako pinas pa rin,ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.....PILIP INAS BUMANGON KA!
fremsite
09-02-2007, 02:21 PM
"have you ever cried for the philippines?".we still have hope.just learn from the success of other countries.our leaders must set the example and filipinos will follow...easier said than done but it is possible!it is my sincere prayer that we get united...before it is too late.we havve a mission...PROSPERITY for the filipinos.one day,we can truly say,i am proud to be a filipino!
thank you all sa mga nag-reply dito sa thread ... and i appreciate every word you posted .. thank you for your time .. :)
eagles san .. medyo na-touch ako dito sa phrase na ito " have you ever cried for the philippines ?" ... my answer is no .. hindi po ... pero dun sa mga nakikita ko na less fortunate kababayans .. dyan ako minsan naiiyak .. sa sobrang awa .. para sa pilipinas ... nakakahiya ba yun ? hindi ako naiiyak para sa bayan natin ? ako lang ba ang hindi umiiyak ?
pero here i am (we are) , asking kung saan nga ba pupunta ang pilipinas ... kung magagawa lang sigurong ayusin ng gobyerno ang mga palakad nila .. aayos din sa palagay ko ang mga pilipinong nakatira sa pilipinas at magbabalikan naman ang mga pilipinong nasa sa ibang bansa.
bakit gobyerno na naman !!! :slam:
sarpon
09-02-2007, 02:46 PM
masyadong malalim ang ugat ng mga problema natin sa Pilipinas. Nandyan yung mga namana nating ugali (negative) sa mga lahing sumakop sa atin. para kasing naging mixture tayo ng iba-ibang kultura. nawalan tuloy tayo ng sariling identity.
pero sa tingin ang tanging makakapagbago lang sa ating bansa ay isang TUNAY na leader.. ang napansin ko kasi sa mga bansang umasenso ay in some point of their history nagkaroon sila ng mga leader na talagang matalino at makabayan..
just think kung magkaroon ng isang leader na me ganitong qualities:
talino ni Marcos
puso at pagka-relihiyoso ni Cory
pagmamahal sa bayan ni Ninoy
karisma sa Masa ni Erap
sensya na wala akong maisip na magandang quality nila ramos at gloria e..:)
fremsite
09-21-2007, 12:22 AM
masyadong malalim ang ugat ng mga problema natin sa Pilipinas. Nandyan yung mga namana nating ugali (negative) sa mga lahing sumakop sa atin. para kasing naging mixture tayo ng iba-ibang kultura. nawalan tuloy tayo ng sariling identity.
pero sa tingin ang tanging makakapagbago lang sa ating bansa ay isang TUNAY na leader.. ang napansin ko kasi sa mga bansang umasenso ay in some point of their history nagkaroon sila ng mga leader na talagang matalino at makabayan..
just think kung magkaroon ng isang leader na me ganitong qualities:
talino ni Marcos
puso at pagka-relihiyoso ni Cory
pagmamahal sa bayan ni Ninoy
karisma sa Masa ni Erap
sensya na wala akong maisip na magandang quality nila ramos at gloria e..:)
gandang gabi po sarpon san .. thanks for posting in here :)
tama nga po kayo .. Tunay at totoong leader ang kailangan ng Pilipinas ...
kaya lang .. parang ang hirap ng mga makakita ng may ganyang qualities ... sana may maligaw man lang .. sana mapansin ng mga bumuboto at ng maiboto .. sana hindi dayain ang boto kung may makitang magandang lider ... sana ... at marami pang sana ...
ngayon naman ... ayun ! andun na naman sa headline si mister ( ni gloria ) ..
dami na niyang issue .. pero may ginawa ba ang gobyerno ? at isa pang ..... sana ... :(
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.