PDA

View Full Version : Multo!! Maligno!! Impakta!! aaahhhh!!

Soju6
06-21-2007, 11:29 AM
Meron, marami dito, kasama ko sa trabaho Impaktitos and Impaktitas.
May mukhang tikbalang at mukhang lamang lupa ( katulad ko).

Maraming kwento tungkol sa multo, aswang, kulam….mga laman lupa nuon
na kinatatakutan ko sa atin sa Pinas. Puro wala naman palang katotohanan. Puro nababasa lang na istorya ang nakikita ko.
May karanasan ba kayo tungkol sa mga ganito?

mrs-mymelo
06-21-2007, 01:34 PM
:eek: Hey...iba to ah...
Impakto??? meyron dito kapitbahay ko.Di naman nakakatakot,..sarap sapakin lang.
Mas masahol pa nga keysa maligno eh.sarap naman ng thread mo,makaka releive ng stress.Kasi inis na inis ako sa impakto dito kahapon.:mad: :mad: :mad: (..Di kaya magagalit ang mga Mod dito??nagmumura na yata ako ah..:D sorry po.)

LORIE
06-21-2007, 02:19 PM
hmmm maki join ako ha,:Dnakakita ? di pa ata ako nakakita ng aswang, naka dinig ng tinig ng aswang o wak wak sa bisaya uu as in uu naka rinig na ako doon sa kidapawan at sabi rin ng mga kamag anak ko roon naka kita na sila,minsan pa nga raw nang aabang sa gabi para mambiktima. At naikwento pa nga nila noon daw may namatayan na kapitbahay nila ng ilibing na ang patay at nag siuwian na ang mga tao ay bigla nlng daw may dumating baboy at pinag aararo ang pinag libingan ng patay at di ko rin naitanong kung bkit inararo ng baboy yong pinaglibingan.
Sumakatwid may mga maligno talaga sa dito mundong ibabaw:eek:dahil naka eksperyens na rin ako minsan pero dahil sa pananalig ko sa Panginoon di rin sila nag wagi sa balak nila.
Kaya minsan cguro nasa atin kung gaano ka lakas ng pananampalataya natin sa kanya.:)

mrs-mymelo
06-21-2007, 02:53 PM
:eek: ..Dito sa bahay namin may multo.Nakakita talaga ako mismo ng naglakad sa genkan.kaya lang sa bandang ibaba lang nakita ko,bali palda n'yang itim tapos nakapaa lang s'ya.May kurtina kasi kaya di ko nakita face n'ya...:eek: ano kaya pag nakita ko face n'ya??Proven na totoong may mults dito sa bahay kasi nakita na rin ng kaibigan ko...ganoon din sa nakita ko...Minsan inabot ako ng 2 am sa pasokon,narinig ko rin na may nag-uusap na mga babae dito sa walk-in locker namin.:eek: :eek: .Maniwala kayo o hindi...para sa akin meyron..

Soju6
06-21-2007, 03:34 PM

Ay anu ba yan....Gi atay man day! di mo naman nakita pala. Sa kwento din naman pala.:eek:

Soju6
06-21-2007, 04:00 PM
:eek: ..Dito sa bahay namin may multo.Nakakita talaga ako mismo ng naglakad sa genkan.kaya lang sa bandang ibaba lang nakita ko,bali palda n'yang itim tapos nakapaa lang s'ya.May kurtina kasi kaya di ko nakita face n'ya...:eek: ano kaya pag nakita ko face n'ya??Proven na totoong may mults dito sa bahay kasi nakita na rin ng kaibigan ko...ganoon din sa nakita ko...Minsan inabot ako ng 2 am sa pasokon,narinig ko rin na may nag-uusap na mga babae dito sa walk-in locker namin.:eek: :eek: .Maniwala kayo o hindi...para sa akin meyron..
Kinilabutan naman ako diyan sa kwento mo Miss Mymelo....di ako naniniwala pero kilabot pa rin ako, ano ba yan. Baka naman biyenan mo lang yun nagpunta lang sa tolilet?

Siguro di mo lang alam habang nasa PC ka nandiyan yan sa likod mo nakikibasa sa TF.:eek:

mrs-mymelo
06-21-2007, 04:14 PM

matagal na patay biyenan ko.Both of them,kami lang nakatira sa bahay.Marami naman talaga di naniniwala kasi di pa nakakita.Baka nga naman biyena ko...nagmumulto..:ee k:

kaori
06-21-2007, 04:15 PM
Soju6.....halika dito sa amin....marami dito....:eek: :eek: :eek:

tomika_77
06-21-2007, 04:42 PM
Ishare ko lang po yung experience ko dito sa bahay namin. Yung anak ko lang ang nakakakita pero sa akin nagpaparamdam lang. Sa tuwing pupunta sa cr yung anak ko lagi nyang sinasabi may nakikita raw syang matandang lalaki sa cr namin.Pinapagalitan ko na nga eh kasi baka nag-iimbento lang pero 5yrs.old palang ung baby ko eh. One time nag-oofuro ko may naririnig akong boses ng matandang lalaki ang akala ko asawa ko dumating na galing sa work so di ko pinansin paglabas ko wala pa asawa ko. Wala naman kaming kapit bahay na matandang lalaki eh sabi ng anak ko mama nandito na naman si ojisan kinilabutan ako sa sinabi ng anak ko. Ang ginawa ko palagi akong nagpapatugtog ng malakas kasi ayaw daw nila ng maingay na lugar eh.
Sa ngayon di na sinasabi ng anak ko na nakikita pa nya ung matandang lalaki.SAna nga wala na sya dito sa bahay namin.

Soju6
06-21-2007, 05:22 PM
:eek: Nyaaaaaaaaaa!!!Miss Tomika, Sabi ko di ako naniniwala pero pag nakakabasa ako ng ganito tumatayo balahibo ko.

Nung nasa Pinas pa ako every other day I run/ jog from Camp Crame to Frisco at night.
Ang isa sa dinadaanan ko eh Yung “Balite Drive” famous for that (infamous) “white lady”. Naku eh madilim pa naman dun sa gabi.
Di ako naniniwala sa mga kwento ng mga taxi drivers pero pag nanduon na ako at sumiksik na sa utak ko si “White Lady” , yung jog ay nagiging 500 meter dash..:eek: :eek: :eek:

tomika_77
06-21-2007, 05:49 PM

Ganyan din ako pag may kinatatakutang lugar talagang karipas ng takbo makalayo lang sa lugar na yon.At first di rin ako naniniwala kaya lang mararamdaman mo yon na parang may kasama ka palagi kahit mag-isa ka lang.

wildflower
06-21-2007, 07:08 PM
ako naman may na experience na rin noon doon sa promotion namin marami nagsasabi may nagpapakita daw doon na babae pero di ako naniniwala kasi sabi sabi lang naman one time ng yari talaga ang di ko inaasahan kasi yong room namin double deck yon ako nasa taas ng deck mga 3:00 am nagising ako kasi naiihi nga ako .ng akoy gumising doon sa harap ng kabilang deck may nakita akong babae nakaupo at napakalungkot ng mukha nya na nag iisip ng malalim kung titingnan mo mukha nya parang napakalaking problema at nakatingin sya sa malayo akala ko kasamahan ko lang na di pa natutulog pero ng tiningnan kong mabuti eh natutulog yon kasama ko at ng tiningnan ko yon babae nakaupo na malungkot ang mukha at iba itsura nya magandang maganda at maputi kinilabutan ako ang ginawa ko di na ako bumangon para umihi at nagtulog tulogan ako na kunwari di ko sya nakita simula noonn natakot na ako umihi ng madaling araw...:D

dianne
06-21-2007, 07:26 PM
ako rin me wento~~~~~ ahuuuuuuu~~~~ahuuuu~ ~~~ :eek: seryoso na ako ngayon .. 1 month ago nangyari sakin dito sa bahay namin pero first time sya nangyari ....sa mismong bahay namin nag sasampay ako ng damit sa veranda namin mga 7:30 in the evening ....meron biglang sumisitsit sa akin lumingon ako wala naman tao pumasok ako ng bahay tinignan ko kung sinisitsitan ako ng mga anak ko hindi naman dahil busy yung isa sa computer yung isa naman nag aaral ....at never pa akong nasitsitan ng mga anakish ko ....:eek:

pinabayaan ko lang hindi naman ako natatakot sa mga ganyan ....tapos kinaumagahan pumasok na sa sila lahat sa school asawa ko naman pumasok na rin sa office .....nag cr ako na bukas ang pinto ng may biglang dumaan sa harap ko na anino lang naman pero inisip ko kaninong anino yun ~~~~:scratch: kasi yung living namin medyo madilim kahit umaga ....hindi pa rin ako natakot kasi first time nangyari sa loob ng bahay namin yun... nag worry ako tumawag ako sa pilipinas nalaman ko yung uncle ko nagpakamatay pala nung gabi na meron sumisitsit sa akin dahil iniwan sya ng kanyang esmi....:rolleyes: naninnindak lang naman yang mga yan harmless naman sila .... Prayers lang ang katapat .....:p

angela777
06-21-2007, 07:48 PM
haaaaaaaaay...hindi po ako takot sa suntukan pero sa usapang multo takot talaga ako:D .....ishare ko din sainyo mga ka tf..minsan din naisip ko na to na ipost dito sa tf kasi akala ko ako lang ang nakakaramdam ng ganito.... dito din kasi sa bahay parang miron din...nararamdaman ko kasi...before ako mag shower madalas pinapatulog ko muna ang baby ko tas parang miron ako naririnig na umiiyak kaya lalabas ako sa banyo para tingnan ko si baby kung umiiyak tas hindi naman pala sarap nga ng tulog ni baby ilang bisis nayan at hindi lang yan nung naliligo ako sa shower room pag kakatapos ko maligo pinatay ko agad yung shower naramdaman ko na parang may pumasok sa kabilang pinto sa toilet room magkatabi lang kasi yung pinto...paglabas ko tinanong ko agad ang asawa ko kung pumasok sya sa toilet room sabi nya hindi daw..paulit ulit talaga ako ng pagtanong sakanya hunto..hunto..hunto desuka sabi ko....tas yun tinanong nya ko kung bakit ko daw tinatanong...sabi ko sakanya naramdaman ko kasi pumasok ka eh....tas yun kwineto ko na sakanya kung tutuong miron multo...sabi nya Oo daw halos lahat daw bahay dito sa japan miron kalimitan daw sa mga bata nagpapakita ang mga multo nayan....& sabi ng asawa ko wag daw ako matakot dahil normal lang daw yan...gabi na kasi ako lagi naliligo..kinaumagah an nung pagkakwinto ko sa asawa ko sumakit leeg ko,1 wek saka gumaling..nagalit yata sakin ang multo dahil kwineto ko sya sa asawa ko...simula nun hindi na ako nag kwinto sa asawa ko...kaya minsan lagi ako nakatingin sa pintuan ng C.R namin....halaaaaaaaa aaa... baka dito sya sa likod ko......nakakapanini dig ng balahibo... balahibo...katakot talaga..... 

ritzyu
06-21-2007, 08:24 PM
Soju6.....halika dito sa amin....marami dito....:eek: :eek: :eek:

Tama po si sister kaori..me poultry po siya niyan:p..me thread nga siya niyan :D

mrs-mymelo
06-21-2007, 08:36 PM
:( :( :( ako maraming beses na kasi nangyari yang ganyan.May ibang tao sa bahay namin for sure.Kasi I invited my close friend na pumunta diti dahil nagkasakit ako.Nabigyan s'ya ng visa for 3 months.(thankz God),S'ya mismo nagsabi na talagang may multo sa bahay namin.Kasi tuwing lalabas sya para mag cr...may naka-upo na daw sa bowl..lagi yan.Naawa naman ako kaya sinabi ko gisingin mo 'ko, tuwing mag cr ka,at least panatag loob n'ya na may tao na gising.(kawawa talaga sya)...eh nawala na 'yan sa isip namin..kala ko ok na,ilang araw na kasi nakalipas...pero napansin ko,parang ilang araw na 'tong di naliligo ah...kaya nag-usap kami.."hey! parang di ka na naliligo,baka masama pakiramdam mo",sabi ko..'yon pala..sa tuwing naliligo s'ya naramdaman n'ya na may nakatingin daw sa kanya.:eek: ..huhuhuhu por dios,por santo...nakita ko din yan ah...noong 3 years old pa ang sonny ko..Kaya hito..umuwi na 'yong kaibagan ko..andito pa bad memory ko...andito kung andito...but I overcome it with prayers..ayokong matakot..aba!bahay ko 'to..and I'm with God..kumbaga,if God is with us..who can be against us???:confused: .......hindi ko masabi na guni-guni lang..what do you think??? nakita ko kasi eh...babae na maganda.ang putiii at nakaitim???:eek:help  

angela777
06-21-2007, 09:19 PM
Ishare ko lang po yung experience ko dito sa bahay namin. Yung anak ko lang ang nakakakita pero sa akin nagpaparamdam lang. Sa tuwing pupunta sa cr yung anak ko lagi nyang sinasabi may nakikita raw syang matandang lalaki sa cr namin.Pinapagalitan ko na nga eh kasi baka nag-iimbento lang pero 5yrs.old palang ung baby ko eh. One time nag-oofuro ko may naririnig akong boses ng matandang lalaki ang akala ko asawa ko dumating na galing sa work so di ko pinansin paglabas ko wala pa asawa ko. Wala naman kaming kapit bahay na matandang lalaki eh sabi ng anak ko mama nandito na naman si ojisan kinilabutan ako sa sinabi ng anak ko. Ang ginawa ko palagi akong nagpapatugtog ng malakas kasi ayaw daw nila ng maingay na lugar eh.
Sa ngayon di na sinasabi ng anak ko na nakikita pa nya ung matandang lalaki.SAna nga wala na sya dito sa bahay namin. Sa kwinto mo same din sa mga kwento ng mga ka office-mate ng hubby ko, may mga anak din sila...ganyan din ang kweto nagpapakita sa mga anak nila yang mga multo nayan...sabi nga daw nung isang anak (ojisan tsukarita ne.)..pagod daw yung multo kasi daw nakaupo na nakayuko.......tawa nga ako ng tawa pag kakwinto sakin ni hubby......baka sa next time anak ko din mag kwinto nadin kasi sa ngayun mag 3yrs old palang ang anak ko.......dati kasi voice nya lang naririnig ko...simula nung magparamdam sakin sa C.R kwinento ko sa asawa ko kaya kwininto nya din sa mga ka office-mate nya....kaya ngayun lagi ko din binubuksan ang radio kaya minsan nalang sya magparamdam.......hi ndi naman ako natatakot sa kanya....medyo lang... kasi naisip ko din pareho lang natin sila nabubuhay dito mundong ibabaw....

Chibi
06-21-2007, 11:02 PM
Meron, marami dito, kasama ko sa trabaho Impaktitos and Impaktitas.
May mukhang tikbalang at mukhang lamang lupa ( katulad ko).

Maraming kwento tungkol sa multo, aswang, kulam….mga laman lupa nuon
na kinatatakutan ko sa atin sa Pinas. Puro wala naman palang katotohanan. Puro nababasa lang na istorya ang nakikita ko.
May karanasan ba kayo tungkol sa mga ganito?

Fafa Soju,wala ka talagang magawa nyen!!:p multo???naku takot ako dun,ayawww...pero naaala ko bigla nung nandun tayo sa picnicland,remember ng CR kami nila????eh ang dilim dun, hinintay ko sila sa labas den may narinig akong parang tunog ng remote control na toy car(yun nga ba tawag dun?)dun sa dilimmmmmm!!naku!! bigla akong natakot, but then bigla ding naasar kase parang nanakot lang,sinigawan ko nga...jodan janai yo!!!b#&##!!!!biglang nawala!!:eek: :D

katheyrine
06-22-2007, 12:24 AM
hi sojusan! pasali rin ha...

ako aminin ko duwag talaga ako sa lahat ng nakakatakot, mga scary movies nga di ako makapanuod, kaya malaman ko lang na multo, aswang, impakto, uneasy na ako at hala! ang imagination ko eh andar na to the max! dito sa japan eh isa akong fulfilled na alipin:D ...tama-tamang ang bienan ko eh landlord nitong mansion na tinitirhan namin so obligado akong maglinis mula garahe to 1st floor hanggang 4th floor. sa 4th floor one time na naglilinis ako ng corridor grabe talaga ang taas ng balahibo ko sa batok! feeling ko talaga may nakatingin sa akin sa dulo ng corridor!!! karipas na ako ng takbo sa hagdan kahit naiwan ko pa ang tsinelas ko!!! simula nuon di na ako naglinis pa ng 4th floor kahit pa dugo na ang tenga ko sa bienan kong lalake na linisin ang 4th floor...di ko talaga sinusunod dahil talagang feel ko parang may obake duon!!! yada!

tsaka takot akong magbukas ng oshire sa bahay namin kasi baka may moo-moo sa loob! takowt talaga ako sowbra!!! sabog ihe ko! mister ko lang nagbubukas nuon!

angela777
06-22-2007, 07:52 AM
hi soju san!.......huhuhu:( :( hindi tuloy ako nakatulog kagabi kasi sumakit puson ko huhuhu..naiihi kasi ako kaya lang naalala ko kwento ni mrs-mymelo san kagabi na laging may nakaupo sa bowl...hinintay ko tuloy magising asawa ko huhuhu...ayan pasok nanaman hubby ko sa office kami lang nanaman mag ina dito huhuhu....yuko na magbasa ng kwinto nyo natatakot nanaman tuloy ako...pero nung last april ko kwinento ko sa asawa ko hindi na sya nagpaparamdam...sana wala na sya dito...huhuhu mabuksan nga ang radio para maingayan sya:D ....

mrs-mymelo
06-22-2007, 10:03 AM

Hi angela777 san..sorry sa kwento..hehehe.nakak atakot talaga isipin mga bagay na 'yan.Para sa akin di naman ako natakot kasi ito lang nasa isip ko lagi."If God is with you,who can be against you?"..if walang work ako lang mag-isa sa bahay...Sa isip ko,aba bahay ko 'to! kayo ang nakikitira,kaya learn to respect the living people.Hehehehe.:O Huwag masyado mag-isip... kasi may kasabihan din.."according to what you believe,it shall be done"..ay!naku!:eek:

Soju6
06-22-2007, 11:32 AM
Fafa Soju,wala ka talagang magawa nyen!!:p multo???naku takot ako dun,ayawww...pero naaala ko bigla nung nandun tayo sa picnicland,remember ng CR kami nila????eh ang dilim dun, hinintay ko sila sa labas den may narinig akong parang tunog ng remote control na toy car(yun nga ba tawag dun?)dun sa dilimmmmmm!!naku!! bigla akong natakot, but then bigla ding naasar kase parang nanakot lang,sinigawan ko nga...jodan janai yo!!!b#&##!!!!biglang nawala!!:eek: :D

Yan ang napapala ng laging na-inom ng pangpaheeloww!!! Makaranig lang ng konting ingay scary-cat agad!!
Ikaw talaga chibibang oh….meron po talagang mga batang umakyat dun sa bundoks na may dalang remote control cars, nakita ko po sila sa kalsada kahit madilim.

Yun lang talaga naramadaman mo nung nag CR ka ha? Wala ng iba? Dun sa bandang gilid ng CR

Sinundan ko lang yung dalawa dun ha!! sinilip ko lang kung ano yung pinagkakaguluhan nila dun sa maliit na bintana. May nakita tuloy akong di dapat makita, di multo nakita ko………:eek: BUMBAY!!!! hahahahahaha

Soju6
06-22-2007, 11:42 AM
Tama po si sister kaori..me poultry po siya niyan:p..me thread nga siya niyan :D

Talaga Ma'm ritzyu....? Si kaori, may sariling multuhan?

Sori po, may thread na pala na ganito.

Gomenasaii!!

maimai
06-22-2007, 01:39 PM
Fafa Soju,wala ka talagang magawa nyen!!:p multo???naku takot ako dun,ayawww...pero naaala ko bigla nung nandun tayo sa picnicland,remember ng CR kami nila????eh ang dilim dun, hinintay ko sila sa labas den may narinig akong parang tunog ng remote control na toy car(yun nga ba tawag dun?)dun sa dilimmmmmm!!naku!! bigla akong natakot, but then bigla ding naasar kase parang nanakot lang,sinigawan ko nga...jodan janai yo!!!b#&##!!!!biglang nawala!!:eek: :D

hahahhaha..baka bakla iba nga naman ang narinig mo!!!..:D naalala ko tuloy ayaw mo ko patulugin mag isa dun sa kabilang cottage baka kasi multuhin kami ni baby.:eek: .ayun natakyut ako.nakipagsiksikan talaga ako sa inyo dun...:D

Yan ang napapala ng laging na-inom ng pangpaheeloww!!! Makaranig lang ng konting ingay scary-cat agad!!
Ikaw talaga chibibang oh….meron po talagang mga batang umakyat dun sa bundoks na may dalang remote control cars, nakita ko po sila sa kalsada kahit madilim.

Sinundan ko lang yung dalawa dun ha!! sinilip ko lang kung ano yung pinagkakaguluhan nila dun sa maliit na bintana. May nakita tuloy akong di dapat makita, di multo nakita ko………:eek: BUMBAY!!!! hahahahahaha

si fafa soju ibang multo pala ang nakikita..nyahahah!! !:hihi:

sa totoo lang isa ako sa mga number 1 matatakutin :peepwall:..kaya di ako masyado pumapasok sa mga ganitong thread ..kasi sigurado tatayo agad ang mga balahibo ko....pero dahil mukhang masaya dito at si fafa soju ang pasimuno..silip na rin akow:D

anyway...dito sa japan lalo na sa bahay wala ako nararamdaman...

pero sa pinas may nag-experience ako nung nag rit-rit kami b4 graduation nung college...nasa bundok kami nun....nag-uusap kami ng mga kaklase ko...nakacircle kami lahat..patay ang ilaw at isang kandila lang ang ginamit namin...habang nagsasalita yung isang kaklase namin sa gitna bigla na lang dumaan na babae nakaitim sa kanya..akala namin ang teacher namin..yun pala hindi..:yikes: ..di lang namin pinansin..pero lahat kami nakakita nun!!! nakakatakot pa yung pumasok sya sa room na madilim..:eek: :)

tapos sa Baguio!! sa Teacher Camp..nagto-tour kami nung ng mga klasmet ko!!...whaaaaaa!!!!! sobrang may nagiingay sa kabilang room pero nakakandado naman!nakakatakot yung boses!!! tapos may nakita kami white lady sa hagdanan..grabeh takbuhan talaga kami nun!! :yikes: :skull:

P.S

huhuhuhu..parang awa nyo na po...tumatayo na ang balahibo ko dito sa mga kwento nyo!!whaaaaaaaaaaaaa aaaaa!!..mag isa pa naman ako palagi dito sa bahay!!!

april
06-22-2007, 08:04 PM
nanay ku po:eek: katakot naman dito:( di tuloy ako makapagofuro:O di pa ko nakakita ng multo at ayaw ko ring makakita pero nung talent ako grabe yung kasama ko sobrang takot ng
naging experience namin hindi siguro kapanipaniwala.....t akot talaga ako sa kanya close kasi
kami kaya lagi kaming magkasama one time nagpasama sya sakin sa toilet aba pag labas ng toilet iba na ang tingin ang takbo ko talaga,wala naman syang sakit pero laging syang nagcocollapse tapos di nya maigalaw ang katawan nya na ka ilang punta na rin sya sa hospital
pero lagi namang sabi ng doctor okey naman sya.naku po ayoko na ngang maalala...:nono:

naku soju ikaw ang pasumuno nito samahan mo nga akong magofuro takot kasi ako:D

aleckxis
06-22-2007, 10:46 PM
Nung araw hindi ako naniniwala sa mga multu-multo na yan. pinagtatawanan ko lang mga nagkukuwentuhan ng ganyan. Pero ng makarating ako dito sa japan lalo na nag-start yun mga 5 x na yata akong bumibiyahe, dun nagsimula, then madalas sa mga sumunod ko pang biyahe mas matitindi pa. Hindi naman ako nakakakita ng face ng multo pero madalas na makarinig ako. Natatandaan ko mga twice lang ako nakakita bale parang nakalutang na towel sa hangin, pati 3 kasamahan ko nakita din nila nagkagulo kami non kais natakot si boyet kasamahan ko ng sbaihin ko ano yung nakalutang na puti? eh nag dinner kami that time after ng show namin sa hotel kami non. yun pala nakita din nung 3 kasamahan namin.

Then yung 2nd time na nakakita ako talagang taoa ng akala ko. Kamukha nung kasamahan ko si Karen. metiso kasi yun (bading) after ng show namin umakyat ako ng 2nd floor dun kasi ang dressing room namin. Nakita ko si Karen papasok ng dressing room nagmamadali. Tinawag ko siya, "Karen" hindi ako pinansin,:confused: at tuluy-tuloy lang siyang pumasok sa dressing room kaya hinabol ko kasi nagmamadali ako that time. basta kitang-kita ko ang laki ng awang ng pinto kasi mga dalwa't kalahating dipa lang ang layo ko sa pinto kaya kitang-kita ko talaga. Then biglang nagsara nag pinto at naksunod agad ako. Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung huling bahagi nung gown (naka gown na puti yung nakita ko) at lumiko pakaliwa (yun pong dressing room merong katabing room nandun ang mga cabinet at may secret stairs pataas, walang tao at madilim don. yun na nga pagpasok ko dahil hinahabol ko nga si Karen muntik na akong madapa kasi yung side or corner chair (para sa sofa) nakaharang na sa pinto at yun nga ang nakita ko na lang yung laylayan ng gown na hinihila pa left side.:eek:

Don ako nakaramdam ng takot at bumaba ako saka ko nakita si Karen nakaupo na s aokyakusan niya. Natakot pa siya ng sabihin ko yung nangyari. Marami pa kong naging karanasan dito sa Japan na hindi maipaliwanag. Pero pag may faith ka kay Lord, hindi ka mapapahamak, pray lang at ipag pray din natin yung mga kaluluwang hindi matahimik. :)

TR250
06-23-2007, 12:22 AM
Wala pa akong nakikitang aswang dito pero inaswang ko dati yung kapit-bahay namin, kung nanay ng classmate ng anak ko, at pati yung naglalakad sa kalye ay inaaswang ko na rin :bite:

Hirap talaga pag inabutan ng full moon sa lansangan... di mapigil ang pag ta-transform :devil:

ritzyu
06-23-2007, 12:40 AM
Talaga Ma'm ritzyu....? Si kaori, may sariling multuhan?

Sori po, may thread na pala na ganito.

Gomenasaii!!

Maganda nga itong thread mong ito:D :D..at saka natabunan na po yung ke kaori san:p

kaori
06-23-2007, 10:51 AM
Talaga Ma'm ritzyu....? Si kaori, may sariling multuhan?

Sori po, may thread na pala na ganito.

Gomenasaii!!
Fafah Soju6....luma na yung sa akin...natabunan na....maganda nga to bago.....Impakta...m arami rin dito....nangungutang tas nde na nagbabayad...he~he~h e~....
Multo daw gustong-gusto sa CR....marami nagsabi...Holy Water lang katapat nyan...ako pag naglilinis ng hauz...spray ko ng Holy Water lahat ng sulok..kc baka dun nagtatago mga maligno,multo.

Tarena314
06-23-2007, 11:54 AM
Makikisali rin po ako ha..,awa naman ng Dios ay hindi pa naman ako nakakaranas na ma multo..,siguro multo ang takot sakin..,:D Pero may isang kaibigan akong nakakaranas na inaabala lagi ng multo sa bahay nila..,kagaya ng iba dito sa Thread na anak din nya ang madalas na pakitaan ..,2 yung anak nya at parehong pinapakitaan ng masamang maligno..,sa CR din ..,kaya madalas hindi makapag isa ang 2 anak nya sa bahay, hindi sila makalipat kase bagong bili lang nila yung bahay at doon na sila habang buhay na titira..,Naaawa ako don sa mag iina kase pati kaibigan ko ay nagkakaroon na rin ng takot at nerbyos..,kaya ng umuwi ako ng pinas ay ibinili ko sya ng maliliit na palayok na parang banga at ipinasalubong ko sa kanya.., nilagyan ko yun ng bigas, asin at barya..,pinaghalo ko yun at ipinalagay ko sa bawat kwarto nila at sa 2 CR nila..,sabi ko huwag nilang aalisin doon at laging bisitahin at alagaan na linisin din ..,at palaging maglagay ng prutas at tubig sa ibabaw ng mesa at dapat laging mabango ang pamamahay at laging maglinis at laging buksan ang mga bintana araw -araw para mapalitan ang hangin sa loob ng bahay..,kase gusto ng masamang espiritu na tumira sa madilim at magulong lugar..,kaya sabi ko huwag patalo sa takot at higit sa lahat ay laging manalangin sa panginoon..,Ngayon mukhang epektib yung ginawa ko ..,sabi sakin ng kaibigan ko nakakatulog na daw ng mahimbing sila at wala na daw nagpapakita sa mga bata..,at lagi ko ring ipinaaalala sa kaibigan ko na manalangin sila sa umaga pagkagising at bago matulog..,:)

bonbon'79
06-23-2007, 01:00 PM
Alam niyo ba ang doppel ganger? Yung kinokopya nila ang mukha ng isang tao. Halimbawa kapatid mo. Hindi mo alam, iba na pala iyun. Ilang beses na rin naming naranasan iyon sa Pilipinas. Talagang meron ngang mga supernaturals na di natin nakikita. Marami talaga kaming naranasan noon sa bahay namin. Kuwento ko iyong isa ha?

December kasi iyon. Gumawa kami ng sash para sa Ms. Gay namin sa lugar namin. Inihanda na namin isang gabi bago ang programang iyon. Umakyat na lahat ng mga kamag-anak namin, mga kapatid at pinsan ko sa kuwarto nila para matulog. Naiwan kaming tatlo ng pinsan ko, at bunsong kapatid ko sa sala. Nag-uusap kami noon tapos nagplanong matulog na. Yung dalawa, naghihintay pa sa akin dahil nasa CR pa ko. Nang lumabas ako mula sa CR, nagulat silang dalawa. Sabi ng pinsan ko, "Ay, day, nandito ka pa pala. Kala namin umakyat ka na. Nakita ka kasi naming umakyat na ng hagdan. Balewala lang sa amin." Sagot ko naman, "Hello, di pa ako umakyat no? Kala ko nga tinawag niyo ako. Kasi narinig kong tinawag niyo ang pangalan ko mula sa CR eh." "Ano? Teka, ikaw talaga iyong umakyat eh. Ganyang-ganyan talaga ang suot mo ng makita naming umakyat ka sa hagdan eh. Hindi nga kami umimik kasi di ka man lang nagpaalam sa amin na matutulog ka na. Tapos, di ka namin tinawag ha? Tiningnan ka lang namin paakyat ng hagdan." Laking gulat namin talaga kung sino iyon. Kasi ng time na iyon, naka sandals ako ng itim, nakapantalon at naka t-shirt noon. Pero iyong tumawag sa akin, boses talaga ng pinsan ko. As in, "Day Bon?" ang tawag niya. Sinagot ko naman siya mula sa CR na sandali lang at lalabas na ako. Pero di raw nila ako tinawag noon. Katakataka, di ba?

Kinabukasan, tsinek ko ang ginawa naming sash. Best in Talent, Best in Swimsuit, Best in Interview, Best in Gown, 1st Runner-up, 2nd Runner-up at Ms. Gay 2000 ang ginawa namin. Laking gulat namin na wala ang Best in Talent, Best in Swimsuit at ang 2nd Runner-up na mga sash. Hinanap namin kung saan pwedeng dalhin ng hangin ang mga iyon pero, talagang wala. Di ba, katakataka talaga?

Marami pa kong ikukuwento sa inyo kung gusto niyo pa.

mrs-mymelo
06-23-2007, 02:22 PM
:eek: naku Bobon san,kakatindig balahibo..sige pa kwento pa..i like it.
Nangyari na rin sa amin 'yan eh noong hi-school pa ako.Nagluluto 'yong Uncle ko,tapos nakita n'ya Lola ko naglakad patungong CR.After ilang minuto (let's say 30 min.) nagtaka s'ya dahil hindi na lumabas mula sa CR ang Lola ko.Kaya pinuntahan nya sa CR.Eh bukas 'yong Cr tapos wala doon ang Lola ko,kaya tinawag nya.Eh ando'n lang sa salas ang Lola ko at di naman daw nagpunta ng CR.:eek: ..Sino 'yon???

la_tina512
06-23-2007, 03:16 PM
Si Fafa Soju (naki-fafa ang lola :D) super sa idle sa gitna ng dagat kaya pati impakto/impakta, multo at aswang na nananahimik binulabog.

Eniwey awey, of all places dito ako nakaranas ng matindi na hindi ko makakalimutan about multo-multo na 'yan. Unahin po natin sa Itou, Shizuoka-ken. 'Yong bahay na tinirhan namin nong kasama ko dating hotel at sa 3rd floor ang room namin. Dalawa lang kami nandon at nag-uwian na ang ibang talents. Lagi akong naiiwan sa bahay dahil malimit may date ang kasama ko. Isang madaling-araw na wala na naman sya naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na hilik sa tabi ko. Malakas as in malakas talaga na parang lalake. Nanigas ako sa takot hindi ako makakilos dahil alam kong wala akong kasama at nagpa-alam nga si Kim. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at hinintay lumiwanag at mula noon hindi na ako nagpatay ng ilaw pag mag-isa.

Pangalawa sa Goi, Chiba. Malaki rin ang apartment naming mga talents at nagkataon na ang bed ko nasa tapat ng hagdan papuntang attic. The following day pagkadating namin we were supposed to get up early for a dance rehearsal sa omise. Nagising ako dahil feel ko merong tao sa puno ng hagdan at pagtingin ko meron nga. Hindi ko kinuwento sa mga kasama ko at baka matakot. Nandong nagluluto ako makikita ko na lang nasa likod mama na naka-black suit (old style) with matching sombrero. One time mag-ina sila bumababa ng hagdan. Nong dumating ang singer namin a week after lumabas ang sikreto ko. Nagulat ako umaga bigla syang sumigaw at umiiyak meron daw lalake nakapatong sa kanya at hinuhubaran sya ng panty (rapist pa ang multo). We believed her dahil nasa binti na nya panty nya.

Mga ka-TF.. Totoo po ang multo, impakta, impakto at aswang. Pero maniniwala kaya kayo kung sabihin ko na gawa-gawa sila ng mga evil spirits sa paligid natin para takutin tayo? Hindi na puwedeng bumalik ang patay. Hindi tayo dapat matakot sa kanila dahil ang magagawa lang nila ay takutin tayo. The more na makita nila tayong takot na takot, lalo silang mananakot. Prayer ang katapat nila. They are no longer capable of doing us physical harm. Mas matakot tayo sa buhay na anytime puwede tayong saktan.

bonbon'79
06-23-2007, 04:48 PM
Heto pa ang isa mrs-mymelo san...

Last month lang nangyari sa bahay sa Pilipinas. Pumasok nang bahay ang kapatid ko galing sa labas. Nakita niya ang katulong namin na naghuhugas parang naghuhugas ng pinggan sa kusina. Nakatalikod kasi eh. Nanood ang kapatid ko ng tv. Tapos nun, after 5 minutes yata, tiningnan niya ang kusina ulit pero wala na roon ang katulong namin. Yung katulong namin nasa SM City, namasyal. Laking takot ng kapatid ko.

Yung sa dating school na pinagtuturuan ko naman doon sa Pilipinas, maraming kuwento rin doon. Isang beses nangyari sa amin ng kasamahan ko sa school. Dumaan kaming dalawa sa Nursery Room. Nung nakarating na kami sa office, (magkatabi lang iyon), tinanong niya ako kung may naiwan pa kaming mga bata na di pa nakakauwi sa Nursery Room. Sagot ko, wala na. Nakauwi na lahat. Sabi niya, meron daw kasing umiiyak na bata doon. Tapos, nakaupo sa upuan. Nakita niya raw sa may bintana. Ininsist talaga niyang meron daw. Tsinek naming dalawa yung room. Wala namang tao roon. Pag-open kasi ng door, hangin ang bumulaga sa aming dalawa. Tumindig ang balahibo namin, at umalis.

Sa school pa rin, nagpa-blessing kami sa isang pari. Una kaming pumasok sa dormitory ng mga teachers. Tapos, akyat kami sa Sped Room, sa mga classrooms, sa Faculty room, sa canteen, balik sa Nursery Room. Pagkatapos noon, sinabi ng pari sa amin na meron daw siyang naramdaman sa lahat ng mga pinuntahan namin. Pero yung pinakamalakas daw na negative vibration daw na nakuha niya ay sa dormitory. May baby daw doon. Sumagot nga yung teacher na nakatira sa dorm na, napanaginipan niya raw ang baby na nakatayo daw sa may bintana nila. Kasama daw ang maitim na lalaki.

Lam niyo, tumatayo na ang mga balahibo ko ngayon. Sa palagay ko, meron akong kasama rito ngayon na di ko nakikita.

angela777
06-23-2007, 05:30 PM
huhuhu...awoooo...aw oooo...umaandar nanaman ang takot...huhuhu...yuk o na po basahin ang kwento nyo kasi baka hindi nanaman ako makatulog mamaya.....no.1 kasi ako matatakutin pag ganito kwintuhan.....sa tutuo lang dati hindi ako naniniwala sa multo...kasi sa pinas hindi ako naramdam ng naramdaman ko dito sa mansion.....ito kasi lugar namin bed town talaga sya....shizuka wa basyo talaga.....ang CR namin kung hindi mo buksan ang ilaw talagang madilim.....ang washing namin nasa labas ng beranda & nasa pinaka first floor kami nakatira kaya kung dati nga sanay ako magbabad ng mga puting damit ngayun hindi na...baka kasi paglingon ko andyan na sya sa likod ko nakatingin sakin huhuhu yuko na po....pero lagi naman ang na pray kay god kaya malakas din ang loob ko.. & ang Bible book ko lagi nasa ibabaw ng mesa namin....kaya dati talaga naririnig ko madaling araw parang may nagsasalita sa labas ng Beranda inisip ko naman baka kako sa kapit bahay lang pero iniisip ko din bakit maririnig sa kapit bahay eh madaling araw na...maraming bisis yun & sa banyo din pag naliligo ako & nag uuporo kami ng anak ko...ayaw ko sana ikwinto sa asawa ko dahil natatakot nga ako mabanggit ang multo nayan....nung hindi na ako nakatiis sinabi ko na sa hubby ko na kung tutuong may multo dito sa japan tapos yun lahat kwinento ko sa hubby ko...pagkatapos nuon hindi na sya nagpaparamdam kahit boses nya wala na...sana wala na sya dito....sumakit nga leeg ko nuon 1 wek talaga as in hindi ko magalaw leeg ko....

bonbon'79
06-23-2007, 05:34 PM
Kanina nga habang nagkukuwento ako sa thread na ito, nanayo lahat ng balahibo ko. As in mula ulo hanggang paa eh. Hay...

Sila kasi yung pag pinagkukuwentuhan sila, doon din sila makikinig eh. Tamo ngayon naman bumalik na naman ang tindig ng balahibo ko...

docomo
06-24-2007, 09:43 PM
Never seen one .Some experiences from some very aware and earthy people have made me think that the possibility of the spirits can not be totally rejected. Just because a phenomenon can't be proved,it doesn't mean that it doesn't occur ,I say.
I keep my mind open. :)

liong
06-24-2007, 10:00 PM
Kanina nga habang nagkukuwento ako sa thread na ito, nanayo lahat ng balahibo ko. As in mula ulo hanggang paa eh. Hay...

Sila kasi yung pag pinagkukuwentuhan sila, doon din sila makikinig eh. Tamo ngayon naman bumalik na naman ang tindig ng balahibo ko...

wahhhhh!! nakakatakot ka na bonbon79...... ayaw ko na magbasa.......:p :p pero sige pa kung may kwento kapa post mo lang... tagal ko ng di natatakot..:D salamat sa mga kwento:D

mhisoza
06-25-2007, 06:19 AM
Kanina nga habang nagkukuwento ako sa thread na ito, nanayo lahat ng balahibo ko. As in mula ulo hanggang paa eh. Hay...

Sila kasi yung pag pinagkukuwentuhan sila, doon din sila makikinig eh. Tamo ngayon naman bumalik na naman ang tindig ng balahibo ko...

bonbon'79 san , nakakatakot naman yang kwento mo ..... parang tumayo lahat ang balahibo ko ...tapos parang lumaki ang ulo ko ..ay!! ewan ko nga? ano bang pakiramdam yun :D parang na-isip ko rin baka may kalapit din ako dito na di ko nakikita.... :rolleyes: aaaahhhhhhhhhh...... .... kowai !!!

Soju6
06-25-2007, 08:03 PM
naku soju ikaw ang pasumuno nito samahan mo nga akong magofuro takot kasi ako:D[/quote]

____________________ ____________________ ____________________ ________________

:eek: takot sa multo ? pero sa Bampira hindeee???

la_tina512
06-25-2007, 08:59 PM
Never seen one .Some experiences from some very aware and earthy people have made me think that the possibility of the spirits can not be totally rejected. Just because a phenomenon can't be proved,it doesn't mean that it doesn't occur ,I say.
I keep my mind open. :)

Naku mod doc.. At first I won't believe anything I hear about these paranormal or supernatural occurrences. But when I started to see and hear "them", it made me think twice.

Another story I'll share which happened only recently when I was hospitalized in May.

Did you know that I was pestered by these spirits on my first two nights at the hospital? They won't let me sleep. Every time I'd close my eyes I would see people and faces, lots of them staring at me. There was even this man in a soldier's uniform that lied parallel to me then turned his face next to mine and stared directly to my eyes. It happened for a couple of minutes until the time that I prayed and rebuked all the spirits that abound in that hospital. When I closed my eyes again after I prayed I saw them far from me and won't let come near me anymore.

When I mentioned it to a friend she told me,"It's not surprising anymore. There
are already a lot of people who died in hospitals. Lahat ng hospital merong lumalabas."

Did I get scared? No... I was just annoyed because they took some time of my precious sleep :D...

Soju6
06-25-2007, 09:22 PM
Hallucinations mo lang yun ate! Dami sigurong drugs na binigay sa iyo to kill the pain.
Di pa rin ako naniniwala sa mga yan.

la_tina512
06-25-2007, 11:11 PM
Hallucinations mo lang yun ate! Dami sigurong drugs na binigay sa iyo to kill the pain.
Di pa rin ako naniniwala sa mga yan.

Hallucinations when you're still wide awake and conscious and dying to get some sleep? Oh come on... :rolleyes:

Balahaka sa buhay mo... Mamaya pag silip mo sa cabin mo merong nakadikit na mukha sa salamin ng bintana.. nyahahahahha!! Pati mga sulok-sulok ng barko mo meron dyang mangangalabit sa 'yo... or kaya bigla mo na lang mararamdaman ang malamig na hangin na parang dumaan sa batok mo at tatayo lahat ng balahibo at buhok mo... :D

myukasky
06-27-2007, 11:55 PM
To see is to beleive!!!!!!!!Ako before di naniniwala feeling ko kapag kwentuhan na about this ay hango na lang sa komiks or narinig kay Aling Petra at pasalin salin na lang. Twice na ako nakakita at karamihan sa nakakwentuhan ko ay kinikilabutan daw sila. After ko makakita medyo nawala yung takot ko sa mga ganyan. Mas takot pa nga ako sa buhay heheheheh:D ;) Kung may anak kayong below 2 years old sa idad na ganyan mas malakas ang pakiramdam nila at may nakikita sila na di natin nakikita;)