PDA

View Full Version : swerte ba o malas?


diane-hideki
06-23-2007, 09:20 PM
good eve po sa inyong lahat! naguguluhan po ako sa sitwasyon ko ngaun di ko alam kung swerte ba ko sa asawa ko o hindi(weird po ba?) kayo nalang po humusga...ganito po yun...my asawa ho akong japanese pero nandito po ako sa pinas kasama dalawa nming anak kasi di pa po kami pwede magpakasal kasi according sa hubby ko ayaw daw ng parents nya na mag-asawa sya ng pilipina or kahit anong lahi nihonggin lang ang pwede...nag-iisa po kasi syang anak kapag nag-asawa sya ng di nihonggin wala syang makukuha mula sa mga magulang nya...nakausap ko rin po magulang nya mukha nga pong matapobre! maghintay lang daw ako kasi magkakasama rin daw po kami...sabi ko naman handa rin akong maghintay kaya lang minsan di ko maiwasang di malungkot sa sobrang lungkot ko nagiging atama okasi ako madalas kaming mag-away(ako madalas nagsisimula ng away) ilang beses na kaming naghiwalay pero nagkakabalikan uli kami....siguro nga mahal nya talaga ko alam ko ring 1ban daiji nya mga anak nya....ang maganda sa kanya good provider sya kasi pati pamilya ko tinutulungan nya kahit alam kong di nya ganong gusto pamilya ko! ang maganda rin sa kanya hindi sya manhid,pag my tym na di sya nakakatawag ng madalas sa isang araw babawi naman sya sa susunod,lalambingin nya ko o kaya magsosori...minsan inaaway ko sya na my babae sya kahit wala naman akong basehan...sa tingin ko kasi di yun mag-aaksaya ng pera sa babae kasi nung wala pa kaming anak sobrang kuripot nun,nagbago lang sya nung magkaron na kami ng anak! sensya na po ang haba ng kwento ko,ano po ba sa tingin nyo? ang gulo po ba ng kwento ko? advice naman po....

summergirl
06-23-2007, 09:41 PM
hi,wag munang guluhin ang isip mo dahil sa situation nyo,i understand your feeling dahil mag-kahiwalay kayo.pero sabi mo nga good provider naman sya at pati pamilya mo tinutulungan.You better wait for the right time ,na makapag decision sya at for sure time will come na ma re realize din ng mga parents nya na kahit sino ang mahalin ng anak nila basta masaya ang anak nila at paki kapakanan ng mga bata maiisip din nila ..kaya relax ka lang muna at pag may nakita ka na lang na changes saka ka dapat mag-isip..Just keep on praying..

nikkichibi
06-23-2007, 09:47 PM
para sa aking ay sobrang WEIRD po :rolleyes:

alam mo kung gusto talaga ng hubby mo na makasama kayo ng mga anak mo ay magagawa nya, bakit nya kailangan makinig sa mga magulang nya , nasa tamang idad na sya kaya na nyan mag disisyon sa sarili nya kung ano ba ang gusto nya , isa pa eh ano naman ngayon kung wala syang makuha sa mga magulang nya ( like mana ) para sa aking kung mag sisikap ang hubby mo ay di na nya kailangan pa ang ibibigay ng mga magulang nya . ok lang kahit ni singko ay di sya bigyan ng mga magulang basta ba nasa tabi nya ang asawa at mga anak niya ay happy naman siguro sya :) kung hihintayin nya pang mawala muna ang mga magulang nya bago kayo mag sama samang mag anak eh baka abutin kayo ng 30 yrs . ikaw ok lang ba sa yo yun :confused: ( dito sa japan ay matagal ang mga buhay ng matatanda ) :D

opinyon ko lang po yan peace tayo :D

diane-hideki
06-23-2007, 10:16 PM
thankz sa binigay nyong advise summergirl and nikkichibi! naiintindihan ko ang side mo nikkichibi kahit ako sinabi ko na yan sa hubby ko na di naman namin kailangan ng pera ng parents nya pero ang sabi nya kailangan daw yun kasi 1ban daiji daw okane,kapag magkasama na daw kami na wala kaming pera lagi lang daw kami mag-aaway at tsaka ayaw nya daw maghirap mga anak nya,sa ngaun po nagtayo sya ng sarili nyang business mag-iipon daw po sya para di na nya asahan ung pera ng magulang nya...sabi pa nya mahirap daw ang buhay sa nihon

diane-hideki
06-23-2007, 10:25 PM
sana nga magdilang anghel ka summergirl...magbago sana ihip ng hangin,matanggap sana ko ng magulang ng hubby ko...sila rin di nila makikita mga cute nilang apo! syempre ung cute na asawa rin ng anak nila(san paba magmamana apo nila...joke!!) hehehe....godbless sa inyo thankz uli....:) :) :)

summergirl
06-24-2007, 08:49 AM
Ayan ,ganyan tumawa ka at wag kung ano ano ang iniisip mo,up dated ka naman sa lahat ng nang-yayari sa asawa mo,ang mahirap nyan kung wala kayong natatanggap sa kanyang tulong at suporta .you better make your self busy para hindi kung ano ano ang pumapasok sa isip mo,Just keep on praying dahil everything is gonna be alright..Pag wala kasing ginagawa kung ano ano ang pumapasok sa isip ng tao eh..Relax at God is always with us..

Splendid
06-24-2007, 10:21 AM
Hi Dianne! Halos pareho tayo ng situation nong una. Ayaw din sa akin ng mga inlaws ko. Umiyak pa yong nanay niya noong nagpaalam ang husband ko na magpapasakal na sya sa akin. Yan din ang dahilan, ayaw ng gaijin kasi nga nag-iisang anak na lalaki at tagapag-mana daw :mad: at iniingatan daw nila yong family name etc. Sinabi pa ng inlaws ko sa husband ko na di talaga sila tutulong sa amin. Walang pera ang asawa ko noong nagpakasal kami at hanggang ngayon:) :) :) Pero nag gambatte naman sya at pinaglaban ako. Ngayon ok na kami ng mga inlaws ko. Siguro tanggap na rin nila dahil sa apo nila. Sinabi rin ng asawa ko sa kanila na ok lang sa kanya kahit wala siyang mana pero sabi lang yon:D :D :D Sana hwag na lang intindihin ng asawa mo yong mana, kung mag gambatte kayong dalawa dito sa Japan, di nyo na kailangan yon, ang importante magkakasama kayong family. Goodluck!!!

mbstorun
06-24-2007, 11:44 AM
sa akin lang, parang di ako favor sa ganyang sitwasyon kase isipin mo, panu nalang ang mga bata kung dumating ang araw na may nakitang iba ang tatay nila di ba? di naman natin gustuhin pero maraming nangyayaring ganyan. sa akin lang kase, kung mahal ka nya, mahal ka talaga nya. kase iba parin ang kasal kayo na may pinanghahawakan ka. kahit good provider man sya sa inyo at sa pamilya mo, iba parin ang masasabi mong sayo talaga. kaya try to work it out peacefully..at tsaka, kung magpakasal kayo dyan sa pinas di naman malalaman ng nanay nya di ba?? atleast kasal na kayo. kung di ka pa makapunta dito sa Japan dahil sa parents nya so ok lang atleast kung naghihintay ka ng time na makapunta dito sa Japan, kasal ka na sa tatay ng mga anak mo so mas masasabi mong safe ka, safe ang future ng mga bata. tsaka mas matutuwa ang pamilya mo.

..sana dumating ang time na yun para wala kanang ipag~worry dahil alam ko, di madali ang ganyang sitwasyon. alam ko may mga oras at araw na naiisip mo rin ang mga posibleng mangyari di ba? so ipag~pray mo nalang na matauhan ang nanay nya na lumambot ang puso at matanggap nya kung sino man ang gustuhin ng nag-iisa nyang anak. God bless.

angela777
06-24-2007, 12:18 PM
hello:wave: ..diane-hideki san... mahirap talaga ang ganyan sitwasyon kasi ako din dati ayaw din ng family ng hubby ko na mag asawa sya ng pilipina...nag iisa din kasi sya anak na lalaki.....kaya lang masasabi ko na talagang mahal ako ng husband ko dahil hindi sya sumunod sa gusto ng family nya at ako ang sinunod nya....nagpakasal kami sa pinas ng husband ko hindi alam ng family nya...hangang makapunta ako dito sa japan after 3 years nag ka baby kami after mag 1 year old ang baby namin pinaalam na ng asawa ko sa family nya.....ang sagot ng father nya bakit daw hindi pinaalam sakanila may asawa na pala sya at anak na.....galit ang father nya hanggang ngayun hindi parin ang husband ko kinakausap ng father nya kahit na tinatawagan sa telepono ayaw sagutin....pero kahit galit sila pinadalhan nila ng money baby namin....pinadalhan kasi ng asawa ko ng mga picture ni baby....natutuwa din sila kasi nag iisa lang ang apo nila......inaalok nga ako ng husbang ko uwi daw kami sa inaka nila....sabi ko naman wag na muna nahihiya pa kasi ako at hindi pa ako handa humarap sakanila dahil sa ayaw nga nila sakin kaya mahina pa loob ko humarap sakanila...........k aya siguro kung talagang mahal ka ng asawa mo dapat ikaw ang susundin nya na magpakasal kayu lalo na sa ngayun dalawa na anak nyo.......

wildflower
06-24-2007, 12:30 PM
hello diane-hedike..ako rin husband ko 47 na sya nakapag asawa kasi nga nanay nya sobrang higpit di nga alam ng nanay na may balak sya magpakasal sa akin at ang sabi nya punta lang sya ng pinas mamasyal ng matapos na lahat ng papeles na nilalakad namin nagpaalam lang sya na bumalik ng pinas para mgpakasal sa akin at nagpaalam sya ng kinabukasan ng flight nya wala ng nagawa nanay nya..nag iisang anak lang din asawa ko pinaglaban nya talaga ang gusto nya sa buhay hanggang ngayon nga medyo di pa ako tanggap ng nanay nya lagi kami nag aaway kaya bumukod kami..at sabihan mo na si hubby mo sa mga plano mo sa buhay..para secure kana at wala ka ng iniisip na iba pa..

la_tina512
06-24-2007, 01:00 PM
Hello Diane! Gusto ko lang maging honest and direct sa opinion ko. No offense meant...

Ako ang taong hindi naniniwala sa suwerte at malas. Base sa sinabi mong situation mo ngayon weird para sa akin na nakadalawang anak ka na hindi ka pa rin pinakakasalan ng boyfriend mo. Hindi mo puwedeng sabihin na malas o suerte ka dahil you decided on it. Nagpaanak ka without the benefit of marriage. Kung anuman maging outcome ng decision na ginawa mo, consequence ang tawag don, not suerte or malas. I'm sorry pero hindi ko sya puwedeng sabihin na asawa mo dahil hindi pa kayo kasal. Ilang taon na ba boyfriend mo at ganon na lang ka-importante sa kanya ang mamanahin nya para mas bigyan nya ng halaga kesa sa inyong mag-iina? At gano ba kalaki ang mamanahin nya para tiisin nya kayo na hindi makasama? Gaano ka rin nakakasiguro na in the end he'll end up fulfilling his promise of marrying you after na mamatay ang magulang nya at makuha ang mana nya? Kung talagang daiji nya mga anak nya bakit hindi nya maibigay ang pangalan nya?

If I were you instead of sulking in one corner at mag-isip ng kung anu-ano, why not think of something productive? Like ano ba puwede mong gawin para may pagkakitaan kung good provider naman pala ang father ng mga anak mo to prepare for the future.

This is not to discourage you pero yan ang realidad ng buhay dahil marami ng Pinay sa paligid na pareho ng case mo. Naghintay ng matagal sa wala. It's only good while it lasts. Kung ready ka naman maghintay it's your decision pero one piece of advice --- sana maging wise ka hanggang bata ka at paghandaan ang future ninyong mag-iina. Walang kasiguraduhan ang buhay natin sa mundo.

I wish you the best...

aj_4983
06-24-2007, 01:16 PM
my asawa ho akong japanese pero nandito po ako sa pinas kasama dalawa nming anak kasi di pa po kami pwede magpakasal kasi according sa hubby ko ayaw daw ng parents nya na mag-asawa sya ng pilipina or kahit anong lahi nihonggin lang ang pwede...
Ayaw ng parents niya? O ayaw niya? Ang babaw naman ng katwiran ng asawa mo kung ganyan ang sinasabi nya sau? Ang pakasalan ka ang magiging isang patunay na talgang mahal ka niya kahit pa sabihing di payag ang mga parents niya. D nmn malalaman kung magpapakasal kau sa Pinas, at kung malaman man, ano ngaun? Dapat ipaglaban ka ng asawa mo. Sya ang magdedecide hindi ang parents nya.

nag-iisa po kasi syang anak kapag nag-asawa sya ng di nihonggin wala syang makukuha mula sa mga magulang nya...
Ano ngaun kung wala siyang makuha? Mahalaga nga ang pera pero kung ang pagpipilian eh KAYO NG MGA ANAK MO o PERA? pera pa din b ang pipiliin niya? Nagtayo pala siya ng sarili niyang bisnes eh, e di magsikap na lang siya kung ayaw niyang maging kawawa ang mga anak niyo. Magsikap siya para maipakita niya sa mga parents niya na talagang mahalaga kayo sa kaniya. Kung ganyan sya ipinakikita niya lng sa parents niya na di kayo ganon kahalaga.

nakausap ko rin po magulang nya mukha nga pong matapobre! maghintay lang daw ako kasi magkakasama rin daw po kami...
kelan kaya un? sa katapusan ng mundo? See... ginagawa kang tanga ng nanay niya. Akala ko ba sabi ng asawa mo n kaya di ka mapakasalan e dahil ayaw ng parents niya tapos sasabihin ng nanay niya na mag-antay ka dahil magkakasama din kayo? Ano un lokohan? Sino bang nagsasabi ng totoo? Ang asawa mo o ung nanay niya?:confused: :(

siguro nga mahal nya talaga ko alam ko ring 1ban daiji nya mga anak nya...
Kung mahal ka niya dapat pakasalan ka na niya. Para talagang masabi mong mag-asawa na kau.

Kausapin mong maigi ang asawa mo. Itanong mo sa kanya kung ano bang balak niya sa inyong mag-iina?
Kaya mo yan:) :) :)

miyuki
06-24-2007, 03:31 PM
hello diane-hideki san... tama po ang mga kaTF natin.. mababaw ang dahilan ng father ng mga anak mo na magagalit ang parents nya at wala syang mamanahin.... tsk..tsk..tsk... kung sa akin sinabi ang reason na yan hindi papasa... baka kaya may mas malalim na dahilan kung bakit di nya ikaw mapakasalan.. ano ba ang mahalaga? ang pera na galing sa parents nya or ang lumaki ang mga anak nya na kasama sya at makaramdam ng pagmamahal galing sa kanya? kung totoo man ang reason nya ha.. HE IS SELFISH! sarili lang nya ang iniisip nya . natatakot sya na maghirap.. kase if ang mga anak nya ang idinadahilan nya ..para sa future nila.. pinaka magandang maibibigay nya ay ang bigyan ng pangalan at madala ang mga anak nya sa japan. Hindi sya nakakasiguro kung sino mauuna na mamatay sa kanila ng parents nya. PAANO? if sya ang mauna? mas lalo kayong kawawa kase nanjan ka at wala kang ability para makapunta sa LAND OF THE EARNING YEN..Mag isip isip ka.. Better kausapin mo sya ng about sa sitwasyon nyo ng mga bata if ever na sya ang maunang mawala kesa sa parents nya.. PAG GUSTO MARAMING PARAAN..PAG AYAW MARAMING DAHILAN!! good luck sa inyong mag iina..:)

nikkichibi
06-24-2007, 06:46 PM
thankz sa binigay nyong advise summergirl and nikkichibi! naiintindihan ko ang side mo nikkichibi kahit ako sinabi ko na yan sa hubby ko na di naman namin kailangan ng pera ng parents nya pero ang sabi nya kailangan daw yun kasi 1ban daiji daw okane,kapag magkasama na daw kami na wala kaming pera lagi lang daw kami mag-aaway at tsaka ayaw nya daw maghirap mga anak nya,sa ngaun po nagtayo sya ng sarili nyang business mag-iipon daw po sya para di na nya asahan ung pera ng magulang nya...sabi pa nya mahirap daw ang buhay sa nihon
para sa tatay ng mga anak mo ay okane daiji , pano naman kayo na family nya
di ba kayo daiji para sa kanya :eek: :confused: lalo na ang mga bata kailangan nila ang pangalan ng father nila , oo nga ngayon good provider sya sa inyo pano na pag lumipas ang panahon na may nakita syang ibang babae , pano na ang mga bata ano ganon na lang yun :rolleyes:
kung ako sa yo kausapin mong mabuti ang hubby mo ipaliwanag mo sa kanya na kahit wala yung pera ng mga magulang nya ay kakayanin nyong mabuhay para sa mga anak nio , mag tulungan kayo nasa pag sisikap nyong dalawa yan para sa mga anak nio .
maraming mga pilipina na may asawang hapon na nakakaraos sa buhay nila d2 sa japan kahit na wala silang tulong na natatanggap sa mga magulang ng lalaki , kaya nasa inyo yan kung mag tutulungan kayo :)

goodluck sis. sana ay makapag isip ang hubby mo na kayo ang 1 daiji para sa kanya;)

ritzyu
06-24-2007, 09:46 PM
Baka naman ang asawa mo ay ang tinatawag na mazacon (mother complex) na laging
naka nanay..yung klaseng haha oya ga tsukutta shokuji de nai to dame toka..haha oya ni soudan shinai to nani mo kimerarenai..yung basta bahala sa lahat si nanay..haha oya ga ireba, koibito ga inakuttemo kamawanai. Marami ngayong ganyang mga Hapon lalo na at me kaya pala ang pamilya....walang backbone..walang sariling desisyon..nagkaanak na at lahat hindi pa makatayo sa sariling mga paa.... kung ano ang gamot sa ganyan....makita kayo ng mga biyenan mo..makita ang mga apo nila......na hindi pa magawa ng asawa mo sa ngayon. Baka biglang umikot ang hangin.....mawala kayo sa mapa nila:)
Kausapin mo ang asawa mo pero paano....kahit ako wala akong maisip na idea sa
ganyang mazacon...kung totoo namang ganyan siya...pinalangin na lang na magbago sana..kawawa mga bata:)

docomo
06-24-2007, 11:06 PM
swerte mo na... bakit daw?.. yung iba nga kasama na nila dito pero hindi makahawak ng pera.. yung iba naman dedma na at pinabayaan na sa Pilipinas ... kaya kahit ganyan ang situation mo sa ngayon dapat matuwa ka pa rin dahil hindi kayo napapa bayaan .. kaya kung ako naman sa yo.. dapat maging wise ka sa pag hawak mo ng sinusustento nya sa yo at sa mga anak nyo.. minsan mapag biro ang panahon .. hindi mo alam kung kelan ka bibiruin.. maswerte ka pa din nasa sa yo ang mga anak mo mag~kakasama kayo... mas mahalaga yon para sa akin compared sa kapirasong papel kung tutuusin. :)

diane-hideki
06-24-2007, 11:51 PM
thanks docomo nakakatuwa naman ng sinabi mo....sa totoo lang minsan yan na rin lang ang naiisip ko swerte pa rin ako pero may time na di ko maiwasang di malungkot lalo na pag nakakakita ko ng pamilyang magkasama naiinggit ako! tama rin yun sinabi ng ibang ktf naiintindihan ko sila kahit ako yun ang lagi kong sinusumbat sa asawa ko...kung ako kahit di ako pakasalan ok lang papel lang naman yun kaya lang pag naiisip ko mga anak ko nasasaktan ako para sa kanila....anyway di naman pabaya hubby ko pag nandito yun alaga nya talaga yung mga bata...spoiled nga mga anak ko sa kanya! everymonth sya umuuwi kahit papano di sya nawawalan ng time para sa min,araw2x din sya kung tumawag kaya ok na rin...ang gagawin ko nalang siguro paghandaan ang maaring mangyari in the future....thanks po sa lahat naapreciate ko po lahat ng advise nyo....godbless sa inyong lahat!

mOtt_erU
06-25-2007, 10:01 AM
hajimemashite diane-hideki san..

...tingin kO di ka naman maLas.....sa ngayOn mahirap nga taLaga yang sitwasyOn mo, kayOng mag-iina....financially wala naman problema yun nga lang, syempre pamilya kayO-- perO di pa kayO matawag na ganun dahil wala ang husband mo...o should i say na husband to- be mo..... sa ngayOn marami talagang difficulties yan, mga trials, magkahiwalay pa kaya...kaya syempre anjan ang mga away etc...perO sabi mo nga kahit mag-away o maghiwalay kayO eh kayo pa din...so love talaga yan...tsaka the fact na naghihintay ka at nagtitiis...mahal mo talaga siya at ganun din naman siya siguro...siguro ayaw nya lang itakwil siya ng magulang....baka may edad na din....intindihin mo nalang muna, yun ang mentalidad na meron nag magulang nya kaya wala lang magagawa sa ngayon...yang pagtitiis mo at paghihintay ;tingin ko mag pa-pay off din yan sa tamang panahon...amg mahirap na tanong lang eh "kelan" kaya yun.....basta ang mahalaga anjan 2 anak nyO...di naman nawawala ng communication nyo..at ang pinaka-importante kahit di kayO magkasama eh nanjan ang pagmamahal....sana lang di ka magsawa sa paghihintay at pagtitiis ha, at sundin mo sabi ni mod.docomo na maging wise ka...maganda na magsave ka kada padala, tingin ko ginagawa mo naman....
don`t loose hope & be strong...di kayo pababayaan ng nasa itaas....at sana dumating na dina ng time na ibigay na sana ng magulang nya ang "blessing" nila na makapag-pakasal na kayo ng magkasama~sama na kayo.....Godbless.

diane-hideki
06-25-2007, 08:02 PM
arigatou sa advise motteru san....kung sa love wala akong duda na mahal nya ko kasi hindi sya naging tsumetai sa kin,kapag nga sad ako sya ang nasasabihan ko kahit about pa sa sitwasyon namin ngayon...ayoko naman maging wagamama sino pa bang iintindi sa kanya kundi ako lang! mahal ko po asawa ko hindi ko hahayaang isang papel lang ang maghihiwalay sa min....alam ko pong nahihirapan rin sya kaya minsan di ko nalang sinasabi sa kanya na malungkot ako kasi apektado rin po sya...pg umiiyak nga po ako sa phone o kaya pag nandito sya pati po sya naiiyak(di ko po kasi mapigilan ang di umiyak madali kasi akong malungkot) buti na nga lang naging member ako ng timog ang dami kong natutunan dito...thanks po talaga sa lahat! wag po sana kayong magsawa magbasa ng kwento ko...para po kay aj_4983 san nakausap ko nanay ng asawa ko once lang kankenai nga daw po sya sa kin wala po syang sinabing maghintay kaya nga lang kami nakapag-usap dahil tsinek ko lang kung totoo ang dahilan ng asawa ko...

diane-hideki
06-25-2007, 08:13 PM
sa ngayon po ganbatteru sya na gumanda ang takbo ng tinayo nyang business...pag ok na magpapakasal na kami kasi pera po talaga ang gusto ng asawa ko gusto nya talaga magkaron ng maraming pera...para po kasi sa kanya pag wala kaming pera kawawa mga anak namin! pag ok ang business nya ipapakilala na po nya kami ng mga anak nya sa parents nya...pagpray nyo po kami na matupad ang plan namin! sa totoo lang po kung ako papipiliin ayoko talagang tumira sa nihon kasi mabuburo lang ako dun kasi di nya ko papayagan na magtrabaho....kaya nasa plan rin namin na sya nalang ang tumira dito pero di pa po sure yun depende sa mangyayari....

aj_4983
06-26-2007, 01:30 AM
para po kay aj_4983 san nakausap ko nanay ng asawa ko once lang kankenai nga daw po sya sa kin wala po syang sinabing maghintay kaya nga lang kami nakapag-usap dahil tsinek ko lang kung totoo ang dahilan ng asawa ko...

Sabi mo kc
nakausap ko rin po magulang nya mukha nga pong matapobre! maghintay lang daw ako kasi magkakasama rin daw po kami..

Kaya naisip ko n mukang di magkatugma yung sbi ng asawa mo at ng nanay nya. Un lng...
Sa message mo din kc nanggaling un.

Anyway...Don't worry wala nmng di madadaan sa pakiusapan. May nag-uuganay n nmn sa inyong 2 pero mas mainam na maikasal kayo para mas maging matibay ang foundation ng love nyo.:)
GOD BLESS YOU!!!
Ganbatte ne...

black angel
06-26-2007, 02:23 PM
hi dianne! alam mo nangyari rin yan sa akin , nung una mukhang ayaw sa gaijin ng magulang ng asawa ko.nanganak ako ng wala man lang dumalaw a akin sa hospital tapos may nangyaring aksidente sa asawa ko kaya napilitang pumasyal sa bahay namin ang nanay nya at first time na nakita ang anak ko.pagkakita sa bata mukhang nahimasmasan ang matanda at halos maiyak nung makita ang apo nya. ang resulta pinagawaan kami ng bahay sa bakanteng lupa nila at heto araw araw kami ang magkakatsika,akalain ko ba namang magkasundo kami ng ganito...lastly nasa pakikisama lang yan.

diane-hideki
06-26-2007, 05:22 PM
kung pakikisama di po problema yan...kahit gustuhin ko man sila na mismo ang ayaw sa kin di man lang ako bigyan ng chance pero kahit ako naniniwala akong pag nakita nila ang apo nila lalambot ang puso nila at tatanggapin din kami....sana nga po ganun ang mangyari! pagdasal nyo po kong lahat....

diane-hideki
06-26-2007, 05:35 PM
sorry aj_4983 san di ata malinaw ang pagkakasabi ko naguluhan tuloy kayo sa kwento ko...ang kasal nga ba ang nagpapatibay ng foundation ng love ng isang couple! tama po kayo na dapat ngang ikasal pero di po ko naniniwala na ang kasal ang nagpapatibay ng love ng isang couple kasi marami akong kilala na kung kailan ikinasal at nagsama sa isang bubong tsaka naman sila nagkalabuan ta natuloy sa hiwalayan...ang kasal kasi para maging legal lang kayong mag-asawa may ikinakasal ngang di magkakilala or dahil lang nabuntis...kahit kasal siguro kayo kung wala rin ang love balewala rin! meron rin akong fren na ang tagal nilang nag live in tapos nung nagpakasal sila super kakakilig talaga kasi iyakan silang dalawa talagang makikita mo sa kanila na matibay talaga ang pagmamahalan nila,nagpatibay nun ung mga trials na dumating sa kanila...ang sarap sigurong ikasal pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nyo...kakakilig naman! (sana ako rin) sa lahat thanks sa advise....

aj_4983
06-26-2007, 07:24 PM
pero di po ko naniniwala na ang kasal ang nagpapatibay ng love ng isang couple kasi marami akong kilala na kung kailan ikinasal at nagsama sa isang bubong tsaka naman sila nagkalabuan ta natuloy sa hiwalayan...ang kasal kasi para maging legal lang kayong mag-asawa may ikinakasal ngang di magkakilala or dahil lang nabuntis...kahit kasal siguro kayo kung wala rin ang love balewala rin! meron rin akong fren na ang tagal nilang nag live in tapos nung nagpakasal sila super kakakilig talaga kasi iyakan silang dalawa talagang makikita mo sa kanila na matibay talaga ang pagmamahalan nila,nagpatibay nun ung mga trials na dumating sa kanila...

Ah ganon ba? Di ka naniniwala na isa sa factor ang pagpapakasal para maging matibay lalo ang LOVE ng dalawang nagmamahalan. Iba pag may basbas ng Maykapal. Kung ganyan ang dahilan mo dahil sa mga marami kang kakilala n di kasal e di ok lng pla n huwag k ng magpakasal...:D Pag di ka nakasal di mailalagay ang mga anak mo sa pangalan ng asawa mo. At hindi kayo matatawag na mag-asawa dahil di kayo kasal.OK b un sau? Huwag mong itulad yung sarili mo sa iba. Kaw din mahirap sagutin pag may nagtanong sayo na kasal ka ba?:D Napakahalaga ng salitang kasal sa dalawang nag-iibigan. Advice lang...:)

diane-hideki
06-26-2007, 07:54 PM
naniniwala ako sa sinabi mo na kailangan ang kasal at basbas mula sa diyos at basehan rin yon na mahal ka ng isang tao pero i think di yon ang nagpapatibay ng pagmamahal ng isang tao...sa tingin ko ang mas magpapatibay sa love ng isang couple is kung pano nyo dalhin ang relationship nyo,pano nyo igalang ang isat-isa diba? kayong dalawa lang ang makakpagpatibay ng love nyo hindi ang kasal...depende rin po yan sa reason kung bakit kayo magpapakasal,marami kasi ngayon nagpapakasal lang dahil dapat lang o kailangan lang....kung yan lang ang dahilan kung bakit kayo magpapakasal di rin magwowork ang relationship nyo....wala po kong sinasabi na mali ang sinabi nyo opinion ko lang po yun peace po tayo ha! in general lang ung sinasabi ko hindi lang po yung about sa kin...kung sa kin naman syempre gusto kong maikasal sa asawa ko hindi lang dahil yun ang tama or kailangan lang syempre dahil gusto kong makasal sa kanya dahil my lab...at para na rin magkasama-sama na kami! sensya na po sa lahat wala sanang magalit sa sinabi ko share ko lang po opinion ko...:) :)

diane-hideki
06-26-2007, 07:57 PM
hi black angel! sana gaya rin sayo lumambot sana ang puso ng mga magulang ng hubby ko para maging ok na lahat....thanks sa info!:)

mrs-mymelo
06-26-2007, 10:34 PM
naniniwala ako sa sinabi mo na kailangan ang kasal at basbas mula sa diyos at basehan rin yon na mahal ka ng isang tao pero i think di yon ang nagpapatibay ng pagmamahal ng isang tao...sa tingin ko ang mas magpapatibay sa love ng isang couple is kung pano nyo dalhin ang relationship nyo,pano nyo igalang ang isat-isa diba? kayong dalawa lang ang makakpagpatibay ng love nyo hindi ang kasal...depende rin po yan sa reason kung bakit kayo magpapakasal,marami kasi ngayon nagpapakasal lang dahil dapat lang o kailangan lang....kung yan lang ang dahilan kung bakit kayo magpapakasal di rin magwowork ang relationship nyo....wala po kong sinasabi na mali ang sinabi nyo opinion ko lang po yun peace po tayo ha! in general lang ung sinasabi ko hindi lang po yung about sa kin...kung sa kin naman syempre gusto kong maikasal sa asawa ko hindi lang dahil yun ang tama or kailangan lang syempre dahil gusto kong makasal sa kanya dahil my lab...at para na rin magkasama-sama na kami! sensya na po sa lahat wala sanang magalit sa sinabi ko share ko lang po opinion ko...:) :)

We have different attitude and beliefs though we have same culture,tradition and religion.But for me,I believe that a man who loves me will marry me.:D ..peace din po.

honey
07-05-2007, 10:44 AM
diane-hideki hello
Sana magpakasal na kayo at nang makapunta ka na dito sa japan mahirap yung ganyang situation na wala kang pinanghahawakan.Ipag pilitan mo sa ama ng mga anak mo na dapat ay gumawa sya ng paraan sa ayaw at gusto ng magulang nya.Ano naman kung maging simple lang ang buhay nyo dito sa japan ang importante magkasama kayo ng asawa mo at lalaking nakikita ng mga bata ang totoong tatay nila.Tandaan mo bata ang involve dito paano sila kung :confused: basta yun...

Yung asawa ko ayaw ng magulang nya dati sa akin pero sinunod nya gusto nya pinaksalan ako at nakakuha rin sya ng kosekitohon:D.Akala ko nga noon gusto nila ako kasi pinadalhan ko sila ng okashi mula sa pilipinas at tinatawagan ko pa sila para kamustahin hindi pala nila ako gusto yokatta nihonggo wakaranai:p .Hindi nya rin ako itinira kasama magulang nya kahit nagustuhan na nila ako nun makita ako.

sharpener
07-06-2007, 12:09 AM
panay ka magpadala ng pictures ng mga bata, para makita ng mga lolot lola...malay mo mag-iba ihip ng hangin