PDA

View Full Version : stress sa kasamahan sa work??

mukomae
06-23-2007, 10:37 PM
:sweeties: :sweeties: :sweeties: hello po hisashibore sa inyo lahat... well, kwento ko lang po sa inyo kung bakit ako na stress:banghead: sa work ko ngayon... Nakakatamad mag trabaho hindi ko alam kung sa work ko ba o sa mga kasamahan ko... to make the story short kasi ewan ko ba bakit ang daming pinay na matagal na dito sa Japan :scratch: eh ang akala mo kung sinong umasta na napaka galing eh sa katunayan sabay lang naman kaming pumasok sa kaisha na pinag trbahuhan namin... ngayon kung umasta eh siya na ang nakaka alam ng lahat.... kung mag mando akala mo utusan ka...pati nga yun mga matataas sa kaisha sinasagot na niya...grabe!!!
tapos meron pang isa pinay favorite daw ako:rolleyes: ... bunso pa tawag sakin:rolleyes: eh napapansin ko lang masyado na siya makulit... tawag dito mail doon... hay naku, kung hima siya araw araw.... ako hindi:mad: !!! siyempre pag uwi ko sa bahay galing work mag linis at luto pa ako...pahinga pa ako...pero si pinay sus ko po mail doon tawag dito:ohlord: ... MAKULIT:fire: siya sobra:chatter: .... kaya nga di ko na sinagot ang mail niya at tawag:peepwall: at nag yasumi ako ng 3araw kasi nakukulitan ako sa kanya...sabi ko may sakit ako :sick:
Sa kaisha pwede naman mag usap ewan ko ba bakit kailangan pamakipag chikahan:gossip: sa celphone at mail pag uwi:nono: ... malayo pa naman ang bahay ko sa kaisha, at mabibigat din ang trabaho namin... kaya pag dating ko sa bahay konting rest, linis, at mag luto para kay hubby...
Nakaka stress sila sobra:eeek: ... ano kaya pinaka magandang gawin sa kanila:confused:
eto padating na naman ang monday naku sigurado ma stress na naman ako:mad:

joeblack
06-24-2007, 12:14 AM
Ang solusyon jan; patayin mo cel mo/ or ignore ang mga text at call nila. If nandun ka na sa work at kinukulit ka pa rin nila; what is the use of the manager or higher authority to stop them?

I do believe that such manner is not allowed here in Japan with regards to answering and texting in an hour of work.....
If you allow constant texting and calling still persist; change your cel #. But; if you don't change your #? meaning ; you tolerate them to use you!!!!!!!!!!!!! Think TWICE!!!!!!!!!!!!!!

chokulit
06-24-2007, 08:23 AM
Eto kung ako sa kalagayan mo ha. Before na lumala ang stress mo or mag quit ka sa work mo o mag kasakit ka dahil sa kanila, do something na magkakaintindihan kayo. Invite them sa dinner...minsan iba sila kausap pag nasa trabaho at iba rin pag sa labas. Siguro sabik sa kausap yung pinay kaya minsan di na nya iniisip na nakaka istorbo na sya. Kasi pag umiwas tayo di nila tayo maiintindihan kahit kelan.

summergirl
06-24-2007, 08:39 AM
If i were you,matagal na akong nag yameta,kasi mahirap mag-trabaho na hindi mo na e enjoy ang job mo,kung nakukulitan ka better sakyan mo lang sila or quit..iyon lang ang option na pwede mong pag pilian..

myukasky
06-24-2007, 11:58 AM
Kung ako nasa kalagayan mo total same naman kayong pinay so di na mahirap magsalita. Mas maganda yung sabihin mo yung nararamadaman mo at ayaw mo. Di na naman siguro sila bata para di makaintindi sa gusto mo mangyari. At para sa akin lang din, di naman solusyon yung magyameru ka sa trabaho. Kagaya ng sinabi mo sila lang naman ang dahilan kaya ka nasstress, di rin kasi maganda yung palipat lipat ng trabaho. Paano kung ganon din sa next na puntahan mong work? At dyan alam mo na yung pasikot sikot ng trabaho mo, mahirap kasi yung mag umpisa ka na naman. Nakakarelate ako sayo kasi naranasan ko yan before pero ginawa ko yung dapat gawin at sino ba ang nagwagi di ako. Sa mga ganyan kasi ignored lang ang tinatapat ko. Goodluck:D

mukomae
06-24-2007, 12:18 PM
Ang solusyon jan; patayin mo cel mo/ or ignore ang mga text at call nila. If nandun ka na sa work at kinukulit ka pa rin nila; what is the use of the manager or higher authority to stop them?

I do believe that such manner is not allowed here in Japan with regards to answering and texting in an hour of work.....
If you allow constant texting and calling still persist; change your cel #. But; if you don't change your #? meaning ; you tolerate them to use you!!!!!!!!!!!!! Think TWICE!!!!!!!!!!!!!!

salamat po sir joeblack sa advice nyo... ngayon nga po ayaw ko ng mag celphone :(

mukomae
06-24-2007, 12:26 PM
Eto kung ako sa kalagayan mo ha. Before na lumala ang stress mo or mag quit ka sa work mo o mag kasakit ka dahil sa kanila, do something na magkakaintindihan kayo. Invite them sa dinner...minsan iba sila kausap pag nasa trabaho at iba rin pag sa labas. Siguro sabik sa kausap yung pinay kaya minsan di na nya iniisip na nakaka istorbo na sya. Kasi pag umiwas tayo di nila tayo maiintindihan kahit kelan.

16 years ang tanda sakin ni pinay minsan nakasama ko na din siya sa isang mall at kumain kami sa labas, okay naman siya though malayo ang age namin sa isat isa dapat mas alam niya na wag makulit... napapansin ko na nga lang na nagiging obligasyon na dapat mag mail ka kasi nagagalit siya, na dapat sagutin ang tawag pag denai magagalit sayo though pabiro ka niyang sisigawan at napapansin ko nalang na parang hawak niya ako sa leeg, ewan ko ba, masama siya tumingin sa akin kapag iba mga ate ate ang kasama ko... di ba nakaka stress... :mad: :mad: :mad:
etong july baka mag shibaraku yasumi na ako:mad: :mad: :mad: nakaka stress na kasi!!!!

mukomae
06-24-2007, 12:30 PM
If i were you,matagal na akong nag yameta,kasi mahirap mag-trabaho na hindi mo na e enjoy ang job mo,kung nakukulitan ka better sakyan mo lang sila or quit..iyon lang ang option na pwede mong pag pilian..

hello po naku ngayon pinag iisipan ko na nga po mag yameru na, kasi di ko na masakyan ang ugali niya, ang alam ko kasi obligasyon ko asawa ko lang ... ngayon pati siya dapat ganun, mail tawag dapat sagutin ko kasi magagalt... :mad: sabi nga ng asawa ko baka daw lesbian :eek:

mukomae
06-24-2007, 12:38 PM
Kung ako nasa kalagayan mo total same naman kayong pinay so di na mahirap magsalita. Mas maganda yung sabihin mo yung nararamadaman mo at ayaw mo. Di na naman siguro sila bata para di makaintindi sa gusto mo mangyari. At para sa akin lang din, di naman solusyon yung magyameru ka sa trabaho. Kagaya ng sinabi mo sila lang naman ang dahilan kaya ka nasstress, di rin kasi maganda yung palipat lipat ng trabaho. Paano kung ganon din sa next na puntahan mong work? At dyan alam mo na yung pasikot sikot ng trabaho mo, mahirap kasi yung mag umpisa ka na naman. Nakakarelate ako sayo kasi naranasan ko yan before pero ginawa ko yung dapat gawin at sino ba ang nagwagi di ako. Sa mga ganyan kasi ignored lang ang tinatapat ko. Goodluck:D

sabagay may point ka dyan myukasky san... ignore ko nalang di ko kasi kayang kausapin eh kasi medyo may edad na nga po pero alam ko di naman manhid sana lang maramdaman nalang niya na ISA NA SIYANG MAKULIT!!!

If ever na lilipat na ako ng ibang Job sisiguraduhin kong di na ako mag bibigay ng mail at denwa banggo ko... :mad:

aleckxis
06-24-2007, 02:21 PM
mukomae san, I agree with myukasky san, ignore na lang yng ate mo sa work kung after all na kinausap mo na siya at hindi ka pa rin maintindihan eh magagalit pa sa yo shoganai ka na ron. Huwag kang patatalo dahil lang sa mga kasamahan mo. ang importante ginagampanan mo ng maayos ang trabaho mo at hindi ka nakakaperwisyo sa kanila.

Kung mag text sa yo ulit sagutin mo lang sorry ate, talagang busy lang ako, i text back na lang kita pag maluwag na oras ko at nakapahinga na ako. ganon din pag tumawag sa yo sa phone. Magsalita ka lang ng derecha sa kanya ng malaman din niya na marami ka ring importanteng ginagawa. Ngayon kung hindi niya maintindihan yun, wala ng dahilan para iwasan mo na lang siya. Hayaan mo siya kung magalit siya basta deadma ka lang at nagtatrabaho ng maayos. yun lang yun.

Just_ME
06-24-2007, 02:27 PM
Dapat pag ganyang makulit na nag i-email sayo sabihin mo marami kang gagawin...sabihin mo excuse ka muna baka sakaling maintindihan ka...sabihin mo marami kang ginagawa sa araw araw....isa isahin mo mga gagawin mo pa sa bahay pagkatapos ng work kaya sabihin mo nang maayos na pasensiya na muna kamo siya hindi ka muna makakasagot sa mga email niya o tawag kasi may ginagawa ka....maging prangka ka dapat sa ganyang taong makulit...

Yun naman isang kasamahan mo sa work na kung umasta e mataas pa sa manager ninyo e wag kang sumunod sa utos niya....ang sayo gawin mo kung ano yung trabaho mo...wag ka paapekto pag umalma dahil hindi mo siya sinusunod...sumagot ka na at sabihin mo na kung anu ano yung napapansin mo na ayaw mo...

ay_me
06-24-2007, 05:27 PM
Hi! makisali na rin ha kawawa ka naman.,kung ako syo ded ma mo na lang yang mahadera mong kasamahan.Kung isusunod mo yang hininga mo dyan,pati kau masisilip ng kaisha nyo.At baka madala mo pa yang stress mo sa pag tratrabaho mo.Ako nga ngayon lang nag work na me kasamang mga pinay,konsimisyon din,kya lang ded ma cla skin.Puro kasi kasiraan ng mga kasama kong hapon at kaisha ang pinag uusapan nla.So ang ginawa ko nagsolo ako pag brek tym namin.Isa pa sanay din naman akong wlang kasamang pinay sa kaisha eh.Akala ko ng masarap me kasamang kababayan natin,naku!!! pasaway pala.Kaya wag kang patalo sa kasamahang mong yan.Isa pa ndi naman cya ang nag papasweldo syo db,so ded ma mo na lang cya.Good luck at wag kang patalo dyan kung cno mang hirodes na yan!!

mukomae
06-24-2007, 07:45 PM
Maraming salamat sa mga nag advice sa akin... Eto nga`t nag mail na naman ask niya kung papaso daw ba ako bukas... HINDI ko sinagot ang mail niya hintayin na lang niya bukas kung andun ako o di pumasok... nakaka inis:mad: ang kulit... Ngayon lang ako naka encounter na pinay na matagal na dito sa japan na sobrang kulit at manhid!!! :confused:

Chibi
06-27-2007, 11:39 PM
hi mukomae!!:) siguro naghahanap lang ng kaibigan dito kaya nangungulet or wala lang maka usap talaga!!dedmahin mo na lang or pag may time ka just say sowee busy po ako,usap na lang tayo sa work pag lunch time,baka kulang kase sa pansin sa haws nya kaya nagpapansin sa iyo!!!:p

dianne
06-28-2007, 09:54 AM
hi..!!! mukomae san ..

hindi pa naman masyadong obvious na galet na galet ka sa kanya day ... pinapansin mo pa kase yung kakulitan nya ~~~ pag nag mail sya sayo huwag ka ng mag reply .. pakita mo talaga sa kanya na hindi mona sya binibigyan ng importansya .... mararamdaman naman nya yun day...

Bakit ka titigil sa trabaho dahil lang sa kakulitan nya ....parang pinapakita mo sa kanya na give up kana eh de parang ikaw din ang nagpatalo ...;) sama mona lang sya sa mga member ng IGNORE LEAST .....:p

mOtt_erU
06-28-2007, 11:37 AM
hi mukomae san...

in a way medyO ka-stress nga yang mga kasama mo sa trabahO....
ano ba yan? kung sino pa yung naturingan na kababayan mO yun pa di mo makasundO. nga pala diba nabanggit mo nagmamagaLing yung isang pinay....alam mo madami nyan dito sa Japan wag ka ng magtaka, sa kalye, sa supah, sa departoo...lalo na sa trabahO...parang bang nagmamagaling kase gusto ipakita na "MAS" ako sayo..alam mo yun...mas ganito mas ganyan....which is walang ka-kwenta kwentang pag-iisip....para bang takot ma-ungusan ng kapwa Pinoy...sana hindi ganun noh..kase lahat naman tayO nagbebenefit sa bansang `to.... gumanda ang buhay naten... lahat naman nag-ta-trabaho kanya kanyang diskarte.. sana wag ng makipag pataasan ng ere O magmayabang kase napaghahalata lang... wag mo nalang pansinin yang nagmamagaLing mong kasamahan, kung magaling siya pabayaan mo, pag nag-utos na nasa lugar naman at maayos naman ang pananalita eh di sundin mo, pero kung feel mo na utos lang utos at kaya naman nya gawin inuutos pa eh di wag sundin...may ginagawa ka kamo:D..... alam mo kahit di mo na ma-take mga kasamahan mo...wag ka muna mag yameta, kase pag ginawa mo yan lalong "papalakpak ang tenga" ni nagmamagaling na Pinay....
nakU kung ako yan Kiber!:D.... pasakitin kO sentidO nyan..pigain kO pa yan!:D

eraiza V.
06-30-2007, 11:23 PM
pasali rin po ha..since kasamahan sa trabaho ang napag uusapan rito,share ko na rin yung experience ko sa isang kasamahan ko sa trabaho ngayon..
marami kaming nagtatrabahong mga pilipino rito sa kaisha namin at mangilan ngilan lang ang mga hapon..bago pa lang ako mga wala pang 6 months kaya kuntodo pakikisama ang ginawa ko s lahat ng mga kasamahan ko rito..mapa hapon man o pilipino..
kaya lang unti unti kong napapansin yung isang kasamahan ko kung bakit parang ilag sa kanya lahat ng kasamahan ko na di ko alam ang dahilan kung bakit..marami akong naririnig tungkol sa kanya kaya lang di ko pinapansin..hanggang sa magkakasama na kaming dalawa na naka assign sa baba..sa umpisa super bait nya kaya naisip ko nung time na yun na kung bakit lahat ng kasamahan namin ay galit sa kanya..hanggang sa unti unting lumabas na yung tunay na ugali..
kapag kaharap ay hapon,yung mukha ay mala anghel na galing sa langit..at pag kaharap naman ay pilipino akala mo sacho sa ng kaisha na yun..nung close pa kami ang dami nyang sinasabi tungkol sa mga kasamahan din namin na puro paninira..pasok sa isang tenga,labas sa kabila para walang gulo at ayoko ko kase ng away..
hanggang sa wala na siguro syang makakaaway sa kaisha namin kase nga puro kaaway na nya lahat.ako na ang napagbalingan..
nasa kensa section kame at since 3 lang kaming mga pilipino na naka assign dun sya ang nagtuturo lahat lahat kung papano mag kensa,kahit sabihin na natin mga 3 or 4 months pa lang ang tao dun ay alam naman siguro ng tao kung ano-ano na ang dapat na gagawin dahil yun at yun lang ginagawa mo sa araw araw...unti unti kong napapansin na para bang inaander na nya kami..nagpaparinig ng kung ano ano pag di natulungan s ginagawa nya eh kung tutuusin kanya kanya kami ng mono na kini kensa..nagdadrama sa harap ng mga hapon pag di natutulungan at talagang umiiyak pa ha!!..kesyo daw ganito kesyo ganyan,masama ang pakiramdam..mahilig ba mag imbento ng story na di naman totoo..
kaya isang araw di ko na talaga napigilan sarili ko,sinasabi ba naman sa haponesa na di ko daw ginagawa responsibilidad ko at gumawa pa ng estorya na ayaw ko daw gawin ang mabibigat at sya daw ang pina pagawa ko ng mga nun...shock talaga ako kase di ko naman sinabi yan at pag trabaho talaga di ako umaangal..mapabigat man o magaan..kaya sa sobrang galit ko kianausap ko ng niponngo sa harap ng haponesa,buti sana kung magaling mag niponngo para niponggo to niponngo yung usapan namin at para naman maintindihan ng haponesa yung side nya at para malaman naman ng haponesa kung sino tlaga ang nagsisinungaling sa amin kaso lang 48 years na s japan pag kaharap ang mga hapon parang nag si sign language..at ang lumalabas sa bibig halos enligsh lahat..andyan na yang di lang sya mapansin ng hancho namin nag iisip kaagad ng marumi kung baka daw ano ano na ang pinagsasabi ng mga kasamahan naing pinoy tungkol sa kanya kaya nakasimagot yung hapon sa kanya eh wala naman..gusto sa lahat ng oras ay nakangiti sa kanya yung hancho namin,nagpapansin kahit walang dapat itanong nagtatanong para lang mapansin..(pweh!!nag lalandi kahit may asawa na)

kaya ngayon,kahit matanggal pa ko sa trabaho di ako natatakot..
alam din ng mga staff ng broker namin kung sino sya at ano kaya hanggang alam ko na tama ako ipaglalaban ko karapatan ko..:) ganyan lang wag padadaig pag nasa katwiran ka :) hindi naman ako stress sa kanya,sya kamo ang stress sa kin:D :D