PDA

View Full Version : kung kayo ang papipiliin


diane-hideki
06-24-2007, 01:09 AM
;) kung kayo ang papipiliin,saan nyo talaga gustong tumira? nihon ba talaga or pinas?
:) :) :) nagtatanong lang po:) :) :) (sana may sumagot)....

justine
06-24-2007, 07:29 AM
Para sa akin syempre sa Pinas pa rin!!!Kaya lang hindi pwede dahil andito ang trabaho ng asawa ko:)

bonbon'79
06-24-2007, 07:56 AM
Good morning... Para sa akin, sa Pilipinas pa rin ako. Kasi doon ako ipinanganak. Proud naman akong talaga bilang isang Filipino eh. Kaya lang may oportunaidad lang dito sa Japan na di talaga mapahihindian kahit nino. Dapat lang magsakripisyo para sa pamilya na naiwan doon sa bansang mahal. Hehehe...

summergirl
06-24-2007, 08:29 AM
Maybe pag may sari sarili ng pamilya ang mga anak ko sa pilipinas ako,dahil ayokong maging burden ako sa mga pami pamilya nila.Pero hanggat andito nag-aaral ang mga anak koat buhay ang asawa ko, i better stay here dahil walang mag-aasikaso sa kanila..

yuto
06-24-2007, 10:13 AM
sa akin naman syempre gusto ko rin sa sarili bansa kaso hinde pa makapag decide kase maliliit pa mga anak ko tsaka inisip ko din pag tanda ko ayoko din naman na magpaalaga sa kamag anak lang sigurado un mga anak ko paglaki nla d2 talaga cla hanggang makapag asawa.minsan tinanong ako ng panganay ko kung pno daw ako pag tumanda na at kung wla na rin daw un papa nya sbi ko uuwi nlang ako sa pinas sbi naman ng anak ko hinde mama zutto ishou nga ii tnatawa naman ako sabagay bata pa kc 7yrs old palng sya.pag dumating na un panahon na un bahala na si lord saken:D

yuka
06-24-2007, 04:59 PM
para sa akin sa pinas, pero hindi pa sa ngayon siguro kung malalaki na ang mga anak ko at may sariling buhay na at kung wala narin ang asawa ko, sa pinas na ako mag stay habang buhay:p :)

jam
07-26-2007, 12:55 PM
pwede po ba parehas?kasi dito masipag ka lang madali ang pera pero sa pinas mahirap po eh

g33k
07-26-2007, 05:08 PM
para sa akin, mas gugustuhin ko pong manirahan sa lupa ni inang Pilipinas at yakapin kung ano ang ipinamana nya sa ating mga Pinoy. Malaki man ang ipinagbago ni inang bayan, noon at ngayon, buong puso ko pa rin syang yayakapin hanggang sa aking paghimlay;)

kyong
08-04-2007, 05:30 PM
ako kung papipiliin gusto ko n siguro dito sa japan. unang una andito ang asawa at may anak n din ako dito? 2nd is dito sa japan kahit paano mabubuhay ka ng di aasa sa mga kamag anak, basta mag ganbateru ka lng kc ako parttime lang pero oks na kahit maliit lng sweldo. sa pinas parang nakikita ko na ang sarili ko na join sa hirap dun. siguro pag buto na ako staka ako mag stay dun. gusto ko lang pinas kung vacation pero to stay dun hindi siguro ngayon. anyway isa pa reason ala na ang mga parents ko anak ko ayun awa ng djos tapos na at start n ng work nya. mga kapatid ko malalaki na sila kaya n nilang dumiskarte. un lng po.

katty0531
08-04-2007, 05:45 PM
Japan, hangga't kaya pang kumayod at kumita ng pera kaming pareho ni mister dito muna.
Pag matatanda na, saka na babalik ng Pinas.

Reiko
08-05-2007, 11:08 AM
Kung ako rin ang papipiliin gusto ko rin sa Pilipinas mag stay naitanong ko na rin yan sa habiko sabi naman niya sa Pilipinas daw wala raw siyang trabaho doon at saka mas safe daw kami dito sa japan kasi marami na kasi siya nabalitaan na mga kidnap na mga foreigner huh lalo pa mindanao pa kami kaya kowai rin ako para sa kanya...:)

nasty
08-05-2007, 09:35 PM
pinas pa din,,,,masarap tumanda sa pinas ..lalo pag may pera ka kahit papano ,,minsan pag naglalakad kami ni hubby ko ,,,,may nakikita akong matatanda na kahit halos nakayuko na sa katandaan ay kailangan pa rin nilang mag kaimono,,,,nababangg it ko sa asawa ko ,,,,na swerte pa din kako ang mga hapon na may asawang foreigners like pinay/pinoys or kahit anong nationalities from family oriented countries like phils.,,,,i dont flatter myself kako ,,pero at least yung asawa ng pinoy/pinays may choice kung san nila gustong tumanda ,,,hindi kagaya ng pareho kayong nihonjin at hindi man lang kayo pwedeng magsalita ng ibang languag/es ,,,,no choice kundi tumira dito sa japan ,,,para sakin sa pinas pa din talaga:)

zhes
08-06-2007, 01:49 PM
pinas syempre..na miss kona yng mga tinda tinda sa tabi2 halo halo banana que at marami pang iba..na wala dito sa japan piro hngat malakas pa eh dito mna kami ni asawa ko

danasan143
11-05-2007, 10:00 PM
syempre sa pinas dahil buhay reyna na tayo sa ninkin ng mga asawa natin kaya lang malayo pa un kaya tiis na muna me dito sa jpan :) :)

shakey
11-06-2007, 03:46 AM
pag maraming pera na sa pinas...
pag walang pera pa sa japan..:D

mamimo
11-06-2007, 03:59 PM
pag maraming pera na sa pinas...
pag walang pera pa sa japan..:D

smart reply....hihihi:D

mazel
11-06-2007, 04:38 PM
ako, sa pinas pa rin siyempre. :)

interesting naman dito sa japan. safe at sobrang benri ng lifestyle. and of course, may spending power ka dito, compared sa pilipinas. Pero sabi nga nila, there's no place like home. :D

hacaya
11-06-2007, 08:17 PM
mga kf halos karamihan sa sagot ay sa pinas,syempre naman po diba di na talaga natin maaalis ang pagiging pinoy!

para po sakin dito sa japan!kung san ang family ko dun ako!
para sa anak ko marami syang merit dito for example hindi na nya kelangan ng visa katulad ko.anywhere na gusto nyang pumunta sa ibang bansa pwede..at marami pang dahilan!

but i know deep in my heart uuwi at uuwi parin ako sa atin.SOMEDAY!!!

elyurika
11-06-2007, 08:43 PM
kahit ano pa sabihin nyo,pinoy is pinoy!pero gusto ko na rin dito,kase andito family ko.

dianne
11-06-2007, 08:49 PM
kahit ano pa sabihin nyo,pinoy is pinoy!pero gusto ko na rin dito,kase andito family ko.


sige alapit kana ~~~:p

elyurika
11-06-2007, 08:51 PM
sige alapit kana ~~~:p
eto na palapit na ng palapit......

baby21
11-07-2007, 02:20 PM
mas gusto ko prin pinas..un plan nmin eh...asawa mas gusto din dun...masaya kc pgmgkalapit ung family and relatives..:p

KikoyBalayon
11-07-2007, 04:15 PM
gusto ko pa rin sa pinas.. dun sa bundok.. magtatanim ng kamote... at mabuhay ng mapayapa.. mapicture picture ng landscapes at ibenta online.. *pag nag retire na ako

EllahMauiMar
11-07-2007, 09:32 PM
Mas gusto ko rin sa Pinas..Nandun lahat ng mahal namin sa buhay..
Pagtanda ko pangarap ko dun talaga tumira:)

halloween
11-08-2007, 10:35 PM
there's no place like home. :p :cool:

amerika shempre. :D hahaha, parang adik na naman.

kahit pa sabihin nilang third world, keber! pinas pa rin. kailangan pa bang i memorize yan? for life! :D sarap yata ng balot. :food:

sky
11-08-2007, 10:56 PM
doon pa rin .home sweet home nah ;)