PDA

View Full Version : Gaano kalaking pera ang magpapaligaya sa iyo


Tonyang
06-25-2007, 08:41 PM
Kabayan, tayo sa Japan, kayod ng kayod. Kahit may sakit, hala sige. Isang tanong lang at sana ok lang para alam natin o masuri natin ang ating mga sarili kung ano ba talaga ang benchmark o gusto nating makamtan sa buhay kung bakit tayo nagpapakahirap ng husto? At the end of the day, worth ba ang mga pinaghihirapan natin sa buhay?:confused:

ayumi
06-25-2007, 11:27 PM
gaano kalaki? sana kasinlaki ng hawak ni kuya Bill Gates.. :)
..pero kung konti lang OK din lang..masaya din naman kahit na kulang..

In my case,I know what I want and what I need in Life,
I'm working in achieving at least a percentage of what I dreamed of.
Since my dreams are small,I had acquired 30% of my target.
If in time I have reach all my goals.I'll pursue a bigger goal.
One step at a time,'ika nga,pero hindi lang naman pera ang nakakapagpasaya
ng tao,ang pera ay kahalintulad ng gasolinang nagpapaandar ng sasakyan.(BUHAY)
Mas maraming gasolina,mas malayo ang nararating.

At the end of the day,WORTHY ang pinaghirapan sa buhay dahil hindi lang
sarili ang nakikinabang sa pinaghirapan mo,kundi pati mga pamilya mo,
at kakilalang natulungan kahit sa maliit na paraan.

YAN
06-26-2007, 01:51 PM
Gaano kalaki? Hirap ah,but since gaano kalaki na ,makakapagpaligaya,a m...siguro 5okuman yen:rolleyes: :eek: or more pa!(sige,mangarap ng gising).By that,siguro marami nako maiinvest,sariling business,savings at marami pang iba.(aga,ko managinip ng gising,tama na nga baka maloka ako).:D

summergirl
06-26-2007, 07:04 PM
gaano kalaki?May sariling business,house and lot,Happy family....Enough na para sa akin iyon..mahirap naman ang sobrang dami dahil sangdami ng pera mo ang problema mo..

bonbon'79
06-26-2007, 08:15 PM
Magkaroon ng sariling bahay at business, at kayang makapag-paaral sa aming dalawang anak hanggang makatapos ng kolehiyo. Tama lang iyon para sa akin. Sana next year, may bahay na kami at business para uuwi na ako sa Pilipinas for good.

nikkichibi
06-26-2007, 09:22 PM
ka tonyang hisashiburi desu :D
ibabalik ko lang ang tanong sa yo ha kasi ikaw lang ang laging ng tatanong sa aming eh :D

para sa yo ka tonyang gaano kalaking pera ang mag papaligaya sa iyo ?

saka na ko post ng sagot ko pag may sagot na si ka tonyang :)

myukasky
06-26-2007, 10:15 PM
ka tonyang hisashiburi desu :D
ibabalik ko lang ang tanong sa yo ha kasi ikaw lang ang laging ng tatanong sa aming eh :D

para sa yo ka tonyang gaano kalaking pera ang mag papaligaya sa iyo ?

saka na ko post ng sagot ko pag may sagot na si ka tonyang :)

Aba ang taray ng lola heheheheh just kidding:D :p

Ako siguro di ko na kailangan ang gaano basta hindi kami kinakapos at sumasala sa oras maligaya na ako. Mula noon at hanggang ngayon simpleng buhay lang naman gusto ko at makasanayan ng family ko:D ;)

infinite_trial
06-27-2007, 01:47 AM
di ko alam e..kasi habang lumalaki sweldo ko..dumadami naman nangungutang. balewala din. hehe.

mOtt_erU
06-27-2007, 07:19 AM
Hisashiburi Tonyang sis.........:)

tungkol jan sa tanOng mo, honestly walang exact figures--- at walang magiging...
kase ang importante naman saken,... que maliit o malaki hindi naman yung ang nagpapasaya saken kundi yung "thought" na yung perang pinaghihirapan nameng mag-asawa eh nakakapamuhay kame ng maayOs, masaya at peaceful at nadadag~dagan namen at the same time yung savings namen, tas continuous ang suporta namen sa family ko at sa Family business namen --...yung pamimili namen ng pasalubong sa family kO.... yang mga bagay na yan ang nagpapaLigaya saken........ syempre anjan yung araw-araw na pamumuhay, mga payables ....mga goals....at walang katapusan na sana ganito ganyan....natural sa tao yan -- kaya kailangan ng pera...perO hindi yan ang topmost priority kO....

dianne
06-27-2007, 09:09 AM
ka Tonyang ... pag sinabi ko ba pwede mo akong pautangin .....:p I am very contented tamang ~tama lang ...:p

proud me
06-27-2007, 09:17 AM
wag lang ako makaka-istorbo sa ibang tao tungkol sa pera...kuntento na ako sa buhay ko.:)

sachi807
06-27-2007, 09:47 AM
...magkaroon lang siguro ako ng stable at kumikitang biznis,maayos lang lagay ng mga anak ko,may sariling bahay at sapat na pera sa bangko para sa mga emergency ay kontento na ako.mahirap din kasi pag sobrang madaming pera..mainit sa mata ng mga masasamang loob..baka makidnap pa mga anak ko..sabi nga ng bro ko pag ang tao daw madaming pera mas madami din ang problema at kaaway...:D :)

mrs-mymelo
06-27-2007, 10:49 AM
hmmnnn ...Basta may pang gastos para sa mga anak ko until makatapos sila ng college and may naipon kami ng asawa ko for our olden days,tama na 'yon.:)

barabara
06-27-2007, 01:27 PM
konting ipon okey na sa akin..tama iyon, mahirap din iyong maraming hinahangad...sa panahon ngayon kailangan low profile ka lang pag nasa pinas...

angela777
06-27-2007, 01:53 PM
Tama kayu masama naman yung maghangad tayu ng napakaraming pera.....Ako siguro kung ano ang binibigay saamin mag asawa ni God sa pang araw-araw at sa mga blessings na ibinibigay nya saamin kuntento ko kasi sya ang pinanghuhugutan ko ng lakas para maging matatag ang pagsasama namin ni habibi at para makaipon kami para sa future namin.....:)

coffee
06-27-2007, 02:03 PM
hindi ko alam kung magakano sya ... pero siguro mga 3senman...:bouncy:
ok na siguro samin yan basta wise ang paggamit... at may extra
income pa... HAPPY na !

engkanto
06-29-2007, 09:42 PM
Kapareho din ng marami sa inyo, hindi rin ako naghahangad ng labis. Maligaya na ako kung naibibigay ko sa mga anak ko ang materyal na pangangailangan, mahusay na edukasyon, sapat na pag-kain, marangal na tahanan, may konting luho at may maitatabi ng konti sa banko para sa emergency, para sa retirement, pantulong sa mga kamag-anak at kapwa na hindi masyadong mapalad.

Ngunit ang higit na makakapag-paligaya sa akin, maliban sa salapi, ay ang malulusog ang aking mga mahal sa buhay at walang nagkakasakit.

Ilang beses ko na pinangarap na tumama sa lotto. Pero iniisip ko, kung sakaling tatama ako ng limpak-limpak na salapi, ano ang una kong gagawin doon? May magbabago kaya sa akin? Malaki kasi ang nagagawang pagbabago ng salapi sa ugali ng tao. Siguradong biglang dadami ang mga kamag-anak ko at kaibigan!

Siguro, kaya hindi pa ako tumatama ay dahil sa hindi pa ako handa sa responsibilidad na humawak ng malaking halaga. At saka... bihira naman ako tumaya :D Pero kapag tumama ako sa lotto, tapos na halos lahat ng problema ko, hehehe!

houseboy
06-29-2007, 09:54 PM
Lotsa-lotsa money!!! I wanna be filthy rich!!!:D

ryu4192000
07-02-2007, 02:37 PM
Pareho kami ni houseboy. I also want to be filthy rich. :D

Tarena314
07-02-2007, 06:01 PM
Para sakin ang mahalaga lagi akong meron at hindi ako nangungutang..,:)

Soju6
07-02-2007, 06:20 PM
Para sakin ang mahalaga lagi akong meron at hindi ako nangungutang..,:)

Para sa akin ang mahalaga lagi akong nakakautang dun sa laging meron. Pautang naman Ma'm Tarena!

lalen16loves
07-02-2007, 06:33 PM
honest answer........tutal pera lang naman ang usapan.......
MILLION MILLION MILLION MILLIIIOOOOOONNNNNNN NNNNNNNNESSSSSSSSS :D :D

wow sarap siguro ng pakiramdam kung may ganitong pera ako........talagang walang pagsisidlan ang SAYA ko....:yippee: :yippee: :whistle:

la_tina512
07-02-2007, 06:37 PM
Gaano nga ba kalaki at karaming pera ang kaligayahan ng tao? Ito ba ang basehan para lumigaya ang tao?

At this point ng buhay ko ang gusto ko lang ay magkaron ng malaking pera para mabayaran ng asawa ko lahat ng na-loan nya sa business at magkaron uli ng revolving capital at maging maayos ang takbo ng buhay-pamilya wherein all our needs will be met. Magkaron ng savings para sa education ng mga bata at para sa pagtanda namin. Okay ng huwag yumaman basta huwag lang kinakapos.

ritzyu
07-02-2007, 06:57 PM
Para sakin ang mahalaga lagi akong meron at hindi ako nangungutang..,:)


Ok na sa akin ang ganyang situwasyon ..walang utang at di nakakaistorbo ng kapwa:)

eagles008
07-16-2007, 11:01 PM
wake up call question!sa totoo lang,hindi ang milyones ang kailangan ng tao but freedom from debt ,bills,be agood provider.have you read "RICH DAD book"?better to be rich than poor.goal to become a millionaire.not just the benefit of money brings but the person you become..you will stretch to grow.ignorance is poverty!working for 45 plus years to pay bills is fine BUT there are OPPORTUNITIES around us to be rich in few short years.if you search,you will find!we live in exciting times..opportunities ,technology,etc.that even a teenager can make a fortune.think BIG.arrogance aside,i am on that track.i am working hard to accomplish that.join me in the journey.i will teach you how.live your dreams!

sharpener
07-16-2007, 11:22 PM
Kabayan, tayo sa Japan, kayod ng kayod. Kahit may sakit, hala sige. Isang tanong lang at sana ok lang para alam natin o masuri natin ang ating mga sarili kung ano ba talaga ang benchmark o gusto nating makamtan sa buhay kung bakit tayo nagpapakahirap ng husto? At the end of the day, worth ba ang mga pinaghihirapan natin sa buhay?:confused:

ka Tonyang, sabi ko na nga ba nandito ka pa rin sa tf:)
parating buhay ang alaala mo

gaano kalaking pera ang magpapaligaya sa akin???
nakahawak na ako ng malaking pera...pero hindi ako lumigaya:(

mas maligaya ako na sapat lang ang pera ko (may konting ipon) at naggagambaru
feeling ko may goal akong inaabot at may meaning ang buhay ko:D

Just_ME
07-16-2007, 11:39 PM
Gaano ba kalaki? .....para sakin enough na ang magandang sweldo naming mag asawa ( if magkaroon na ako ng work...) para makaipon ng tama lang at yung makakayanan kong ma suportahan ang pamilya ko sa pilipinas at ang iba pang mga kamag anakan ko na gusto kong matulungan....simple lang buhay ang gusto ko...baka kasi pag nangarap pa ako ng sobra sobra e buhay naman ang kapalit ko....kasi marami nga akong pera kung halos hindi ko na mabilang kung marami namang gustong magtangkang nakawan ako at mapatay pa ako e delikado naman....sapat lang na pera, masaya at malusog kaming magpapamilya e malaking pagpapasalamat ko sa dios....:)

japina
07-17-2007, 08:08 AM
para sa akin tama na siguro yun nakakaraos kami sa araw-araw. kung ano yun na sweldo namin. tama na siguro yun, ang importante nakaka ipon. malayo sa sakit at nakaka raos sa araw-araw. dahil sinasamahan na rin ng panalangin

marivic
07-17-2007, 09:49 PM
Tulad ng mga naka-post dito,di ako naniniwala na pera ang makakapagpaligaya sa tao. Di rin pwede ang wala.

There was a time na maluwag ang pera sa akin. Pero laging may kulang. Non kasi nasa Pilipinas pa mga mga anak ko. Now, I'm married, my children are here, stable ang work ng husband, I can never ask for more.

Sapat naman ang salary ng husband ko. Actually, nakakapagtira pa ng konti kaya nakakauwi sa atin pag kailangan. Kontento naman ako ngayon. No amount of money can make one happy kung malayo naman sa yo ang minamahal mo.

katty0531
07-18-2007, 08:33 AM
Gaano kalaking pera magpapa ligaya saken...
Seryosong sagot lang po, kung magkano lang yong nasa wallet ko ngayon, maligaya ako, yes, at the and of the day nakakatulog ako nang mahimbing..walang inaalalang tuition fee para sa kapatid ko, hehehe....malusog ang mangangatawan namin lalo na si hubby kasi sya nag gagambatteru araw araw...napaka laking ligaya.
Napaka lalim nang salitang "ligaya" para saken, mahirap ding hanapin.
Natutunan ko syang hanapin at kilalanin noong nandito na ako sa Japan, and it is'nt about money.

ryu4192000
07-18-2007, 10:33 AM
wake up call question!sa totoo lang,hindi ang milyones ang kailangan ng tao but freedom from debt ,bills,be agood provider.have you read "RICH DAD book"?better to be rich than poor.goal to become a millionaire.not just the benefit of money brings but the person you become..you will stretch to grow.ignorance is poverty!working for 45 plus years to pay bills is fine BUT there are OPPORTUNITIES around us to be rich in few short years.if you search,you will find!we live in exciting times..opportunities ,technology,etc.that even a teenager can make a fortune.think BIG.arrogance aside,i am on that track.i am working hard to accomplish that.join me in the journey.i will teach you how.live your dreams!

Looks like you are still under the influence of RK :D It's a good read, but thread carefully. Although maraming good insights and ideas sa books ni RK don't forget to include "reality" in the equation. I guess you are into Cashflow?:rolleyes: Just wondering just what it is you are offering to teach us - are you an rfp or cfp by any chance?.:confused:

eagles008
07-20-2007, 10:21 PM
Looks like you are still under the influence of RK :D It's a good read, but thread carefully. Although maraming good insights and ideas sa books ni RK don't forget to include "reality" in the equation. I guess you are into Cashflow?:rolleyes: Just wondering just what it is you are offering to teach us - are you an rfp or cfp by any chance?.:confused:
REALITY?reality is... there are small /big thinkers,successful/failures,winners/quitters.life is a choice .life will give you what you ask for.ask for pennies,you will get it!ask for abundance ,you will get it too!NEED vs. DESERVE.we need a harvest but if you do not plant ,you will not get it!there is adifference in reading RICH DAD book and applying it.i respect your choice.good luck!

eagles008
07-21-2007, 10:28 AM
;) i just wonder why kids dream big.ask a child and he will tell you what he wanna be w/ o hesitation!to be a doctor,PBA player,etc.then ,what happened?when we become adults,we become LIMITED.our goal is just to pay bills,to survive.accepting what life handed us instead of fighting for our dreams.my heart bleeds to see a talented people living limited life .what do these names in common;GERALD FORD,JIMMY CARTER,RONALD REAGAN,BILL CLINTON?they were all president of USA.none of these men were born in prosperity.yet they achived the most powerful rank in the world by working hard and not making excuses.wishing is not enough.set your goals and pursue them.search for opprtunities and you will find them!bon boyage!

mukomae
07-21-2007, 05:15 PM
hehehehhee, gaano kalaking pera.. ewan ko basta dapat lahat ng gusto ko at gusto ng mahal ko sa buhay kayang bilhin... sapat na sakin yun ... masaya na ako... mga zillions pwede na siguro kung ala naman billions okay na yun:D

ryu4192000
07-21-2007, 08:23 PM
REALITY?reality is... there are small /big thinkers,successful/failures,winners/quitters.life is a choice .life will give you what you ask for.ask for pennies,you will get it!ask for abundance ,you will get it too!NEED vs. DESERVE.we need a harvest but if you do not plant ,you will not get it!there is adifference in reading RICH DAD book and applying it.i respect your choice.good luck!


I don't think you understood my post very well. I never made a "choice" in my previous post. :confused: In "applying it" it was there that I said to thread carefully and put "reality" into the equation.

You mentioned you will "teach us" in your previous post and it's not exactly clear what you intend to "teach".

Sorry OT na. :D

jam
07-26-2007, 12:28 PM
ako po basta kumakain kami ng 3 beses sa 1 araw,di putol ang internet at keitai ko,may gatas ang baby ko.. nakakabili ng mga gusto...walang may sakit sa pamilya ko...ok napo siguro yan...pag pinag-usapan kasi kung gano kalaki...mahirap...k untento nako sa ganito