View Full Version : tribal tattoo
marivic
07-04-2007, 05:47 AM
elo mga ka-TF!!:)
I'm in my early forties,married and a mother of 2.Two years ago,nagpaTATTOO ako sa binti.I finally had the guts to go through it. Matagal ko nang pangarap i2. I don't know what pero lumakas ang loob ko when I reached 40.Dati kc urong-sulong ako.
When I had it, I felt fulfilled and made. Weird ba? Share naman tayo ng views.
YOROSHIKU ONEGAI SHIMASU;) :)
summergirl
07-04-2007, 09:48 AM
Kanya kanya tayo ng paniniwala ..Ako ayokong madumihan ang balat ko at ang iniisip ko pag nag-kaanak ako kaya di ko sinubukan iyan..Sorry huh..
docomo
07-04-2007, 10:37 AM
If you feel good about it , why not ? We all have our stick to feel good or look good .
A tatoo , a plastic surgery, a new outfit , a gym membership ,a burando mono like LV, Gucci, Prada etc .... who cares, it really tells so very little about a persons heart, we need to look beyond just the outside of a person ... right ?:)
mi-ca2720
07-04-2007, 11:07 AM
:) if you feel good with it,,,,GO GIRL.i have mine also sa daliri at sa binti...:p
Autumn
07-04-2007, 11:23 AM
I dont find it weird..why not..isang beses lang tayo mabubuhay..gawin ang gusto..
basta masaya ka go for it :)
luckycharm
07-04-2007, 02:14 PM
hi marivic !!!
id like to share my views..
i think tatoo is a form of art & ive been thinking of havin' it .But i heard from other friends that they would get tired of their tatoos and sometimes they regret having one. So, im like do i really want to have ???
:confused: :confused: :confused:
miyuki
07-04-2007, 02:29 PM
elo mga ka-TF!!:)
When I had it, I felt fulfilled and made. Weird ba? Share naman tayo ng views.
YOROSHIKU ONEGAI SHIMASU;) :)
kanya kanya naman tayo ng points of view eh.after having tatoos and you are happy ,ok yun .. pero ako never pumasok sa isip ko magpatatoo... tingin ko kase hindi bagay sa personality ko... mas bagay sa akin ang magdala ng Louis Vuitton bag ...mas happy ako don..:D
proud me
07-04-2007, 04:07 PM
weird?...para sa akin magiging weird ang tingin ko sa merong tatto siguro kung sanggano at naka-istambay sa kalyeng nagtatagayan ng alak :D ...okey lang yan...gusto mo yang fashion nayan...walang masama..:)
sharpener
07-04-2007, 10:00 PM
kung saan ka maligaya, pakaligaya ka
as long as wala kang pineperwisyo...yan ang views ko
pero di pwede sa akin ang tattoo...volunteer blood donor kase ako e:D
marivic
07-04-2007, 10:42 PM
:) if you feel good with it,,,,GO GIRL.i have mine also sa daliri at sa binti...:phi MICA!Tnx sa iyong morivating reply.Sabi mo may tattoo ka sa daliri?Mataas cguro pain tolerance mo.Db sobrang sakit pag nilagaty sa parte ng katawan na walang masyadong laman?:(
marivic
07-05-2007, 12:14 AM
hi marivic !!!
id like to share my views..
i think tatoo is a form of art & ive been thinking of havin' it .But i heard from other friends that they would get tired of their tatoos and sometimes they regret having one. So, im like do i really want to have ???
:confused: :confused: :confused:
Good evening LUCKYCHARM!
First of all,gus2 kong humingi ng paumanhin sau tungkol dun sa aking TACTLESS post in reply to ur "LV LOVERS..." I must admit that was way out of line.
With regards to your indecisiveness of having a tattoo,ganyan din ako kaya inabot na ako ng 40 bago nakapagpalagay. May mga kilala rin ako na nagpipilit burahin yung sa kanila.
I wasn't really expecting na I'd feel this way sa pagpapatattoo. Parang naging simbolo cya ng starting point of the second half of my life. Nakakasiguro ba ako na di ko i2 pagsisisihan or pagsasa waan? Honestly speaking...hindi.I'l l deal with it na lang when that time comes.
Tnx for sharing your view:) :) :)
mOtt_erU
07-05-2007, 08:36 AM
Hajimemashite marivic san...agree akO kau Autumn san, waLang weird sa ginawa mO, kanya~kanya naman tayO ng perceptiOn o views sa mga gustO nateng gawin sa buhay naten , kung happy ka jan sa pagpapa~tatOo mO eh di gO!:p wag mO isipin sasabihin ng ibang taO.....enjOy mo nalang yang tatOo mo......diba sabi mO nga matagaL mo ng dream yang pagpapa~tatOo....
a dream came true na, good for yourseLf.:) ..tama yang ginawa mO.....:thumb:
pag may guts nakO, patatoO ako ng ankLet type Rosary sa paa maLa~N.R.......kasO hindi pa ngayOn....
katheyrine
07-05-2007, 02:11 PM
hi marivic!
im happy for you kasi natupad mo na dream mong "magpa tattoo"!
san ka nagpa tattoo anyway?:D
justine
07-05-2007, 04:13 PM
Hi! Marivic,Para sakin walang masama lalo na gusto ng may katawan,balat mo naman yan eh.Ako nga 15 yrs.old pa lang nagpatatoo na na.Sa Ring finger ko,Sa binti tsaka sa likodHindi naman ako nagsisi pero, na force resign ako dahil sa tatoo ko bawal kasi sa work ko before.Gusto ng may ari ipabura ko so, resign na lang kesa ipabura pa.Para sakin eh fashion ang tatoo.:cool: :)
sachi807
07-06-2007, 08:59 AM
...kung mataas lang sana ang pain tolerance ko gusto ko talaga magpa tattoo.ang gusto ko nga yung buong likod kasi nakikita ko sa mga yakuza diyan..kakoiiiii para sa akin.pero nung nagpa tattoo ako ng kilay ko at naranasan ko ang sakit ..i changed my mind na kasi super sakit siya.hindi na nga ako bumalik para sa re-touch kasi naihi ako sa sakit at saka panay time out ko..naasar na nga yun nag tattoo sa akin kaasi ang baba daw ng pain tolerance ko..:) :D
marivic
07-06-2007, 04:21 PM

hi SACHI!
Actually,dati pinanggigigilan ko ring ipatattoo ang kilay ko.Umurong lang kasi ako dahil yung kapitbahay naming may edad na then tattooed di n ang kilay,nakita ko effect sa kaniya. Di maganda kasi pag natanda na nagsasag na ang features so kilay niya e nawala na rin sa porma. So,naisip ko na wag na lang.Enieweiss,may eyebrow pencil naman. Pero mas masakit talaga sa kilay kasi manipis ang balat. Mas tolerable kung sa katawan. Kung kinaya mo ang sa kilay,mas kakayanin mo ang sa katawan. Grabe ring mababa ang pain tolerance ko pero nakaraos ako. Di cguro maglalakas loob magpagawa sa mukha sa sobrang sakit.
Paano nga palang nangyari sa kilay mo kung di mo na naiparetouch?
marivic
07-06-2007, 04:40 PM
Hi! Marivic,Para sakin walang masama lalo na gusto ng may katawan,balat mo naman yan eh.Ako nga 15 yrs.old pa lang nagpatatoo na na.Sa Ring finger ko,Sa binti tsaka sa likodHindi naman ako nagsisi pero, na force resign ako dahil sa tatoo ko bawal kasi sa work ko before.Gusto ng may ari ipabura ko so, resign na lang kesa ipabura pa.Para sakin eh fashion ang tatoo.:cool: :)
hi JUSTINE!
Negative rin ang response ng mga tao sa paligid ko kaya inabot na ako ng 40 bago ako nakapagpalagay. At least ngayon,stable na ako and i have my life now. It's good for you coz u have the guts to go for what u want.ATTAGIRL!!!:) :) :)
engkanto
07-06-2007, 04:42 PM
Nagpunta si Pedro sa tattoo parlor para magpa tattoo.
Pedro to tattoo artist: Tatuan mo nga ako kasi masyado ako mukhang mabait, walang natatakot sa akin.
Artist: Sure. Eh, saan mo ba gusto magpa tattoo?
Pedro: Sa kilay! para magmukhang suplada akoh!
:D:D:D
marivic
07-06-2007, 04:43 PM
hi marivic!
im happy for you kasi natupad mo na dream mong "magpa tattoo"!
san ka nagpa tattoo anyway?:D
hi KATHEYRINE!
Sa manila ako nagpalagay-sa HARRISON PLAZA. Maliit lang na booth ito. Inabot lang ng 20 minutes and I paid P1,300.
marivic
07-06-2007, 04:44 PM
Nagpunta si Pedro sa tattoo parlor para magpa tattoo.
Pedro to tattoo artist: Tatuan mo nga ako kasi masyado ako mukhang mabait, walang natatakot sa akin.
Artist: Sure. Eh, saan mo ba gusto magpa tattoo?
Pedro: Sa kilay! para magmukhang suplada akoh!
:D:D:D
he!he!he!
engkanto
07-06-2007, 04:45 PM
Pwede po ba tayo mag start ng thread dito na nakalagay ang mga larawan ng mga pinagmamalaki nating tattoo? :)
Autumn
07-06-2007, 07:50 PM
Pwede po ba tayo mag start ng thread dito na nakalagay ang mga larawan ng mga pinagmamalaki nating tattoo? :)
Simulan mo na at susundan ka nila...:D
ako din patingin ng mga tatoos nyo..:)
dianne
07-06-2007, 08:57 PM
Nagpunta si Pedro sa tattoo parlor para magpa tattoo.
Pedro to tattoo artist: Tatuan mo nga ako kasi masyado ako mukhang mabait, walang natatakot sa akin.
Artist: Sure. Eh, saan mo ba gusto magpa tattoo?
Pedro: Sa kilay! para magmukhang suplada akoh!
:D:D:D
hi...engkanto...:)
natawa naman ako jyen:biglaugh: ... buti hindi sinabing para magmukhang impaktita ~~~~:D
dianne
07-06-2007, 09:00 PM
hi...marivic ...
it does'nt matter kung yan ang gusto mo gooo~~~~ girl~~ it's your choice~~:)
nikkichibi
07-06-2007, 09:02 PM
hi...engkanto...:)
natawa naman ako jyen:biglaugh: ... buti hindi sinabing para magmukhang impaktita ~~~~:D
ng papatawa ka naman sistah , hehehehe uu nga buti na lang di sinabihan na mukhang ipaktita :D
gusto ko din mag pa tattoo doon sa may balakang :D
dianne
07-06-2007, 09:06 PM
ng papatawa ka naman sistah , hehehehe uu nga buti na lang di sinabihan na mukhang ipaktita :D
gusto ko din mag pa tattoo doon sa may balakang :D
uuuyyy... vhakla dream ko rin yen ~~~ sexy daw yun sabi nila~~~ meron kasi akong kaibigan na me tatoo sa balakang tuwi daw silang kakain at nakikita ng juwawa nya yung tatoo nya ....tumataas daw yung lamesa nila day~~~:rolleyes:
sachi807
07-07-2007, 09:35 AM
hi SACHI!
Actually,dati pinanggigigilan ko ring ipatattoo ang kilay ko.Umurong lang kasi ako dahil yung kapitbahay naming may edad na then tattooed di n ang kilay,nakita ko effect sa kaniya. Di maganda kasi pag natanda na nagsasag na ang features so kilay niya e nawala na rin sa porma. So,naisip ko na wag na lang.Enieweiss,may eyebrow pencil naman. Pero mas masakit talaga sa kilay kasi manipis ang balat. Mas tolerable kung sa katawan. Kung kinaya mo ang sa kilay,mas kakayanin mo ang sa katawan. Grabe ring mababa ang pain tolerance ko pero nakaraos ako. Di cguro maglalakas loob magpagawa sa mukha sa sobrang sakit.
Paano nga palang nangyari sa kilay mo kung di mo na naiparetouch?
....talaga mas kakayanin ko pala sa body kasi napagtiisan ko ang sakit sa kilay?ay sayang kung alam ko lang...saka ko na problemahin about sagging,at the moment happy ako sa tsura nya:) dami nga ayw maniwala na tatoo sya kasi ok ang pagkakagawa:D
marivic
07-07-2007, 10:29 AM
good morning SACHI!
How nice naman na mabasa ang post mo this morning! Maganda yang positive at appreciative outlook sa kung anong meron tayo. It make things easier and brighter db? I'm glad at happy ka.:) :) :)
sachi807
07-07-2007, 10:35 AM
good morning SACHI!
How nice naman na mabasa ang post mo this morning! Maganda yang positive at appreciative outlook sa kung anong meron tayo. It make things easier and brighter db? I'm glad at happy ka.:) :) :)
.....positive and appreciative outlook?i like that marivic san..yan ang kailangan natin sa mundong ibabaw..ot yata he he.anyway im also worrying about the sagging rin..baka naman umabot sa ilong ko yun tatoo...ha ha just kiddin'..have a nice day:)
cyndi
11-27-2007, 10:44 AM
naku!sayang mga ka-TF na-late aq sa topic ngaun q lan kc nabasa itong thread na ito.Ako i love tattoo actually high school p lang gus2 ko na magp-tattoo kya ln ndi pa pwede kc nag-aaral pa aq but now i have my own job and in the right age para mg-decision sa sarili ko,kya eto takbo kagad para magpa-tattoo,,,, wanna see my tattoo?
ICHIBAN08
11-27-2007, 11:43 AM
Para sakin namang paningin e astig ang may tattoo, kul na kul tingnan....Hindi ko nga lang naisipang magpa-tattoo dahil parang masakit siya....ayokong makatikim ng sakit at hapdi..:D ..wala ako maipapayo sayo kasi hindi ko pa nararanasang magpatattoo...
katheyrine
11-27-2007, 12:40 PM
hi pasali..
ako marami akong tattoo pero ngayon pinagsisisihan ko na, lalo na at may baby na ako.:(
parang mahihirapan ata akong magpaliwanag neto sa kanya at siempre takot rin kung ano magiging reaksyon nya habang lumalaki sya...sa asawa ko gustong-gusto nya naman ito at gusto rin nyang magpalagay kaya lang ako lang kumokontra kasi baka makasira pa sa work nya. mga in-laws ko naman mafia daw ako:D sa onsen mendoksai..at marami pa ring mga tao ang hindi sanay at sobrang magre-act pag naka kita ng tattoo...di ko mapicturan kasi lahat nsa likod ko, balakang, batok...:D
kakkoii_daw
11-27-2007, 02:52 PM
naku!sayang mga ka-TF na-late aq sa topic ngaun q lan kc nabasa itong thread na ito.Ako i love tattoo actually high school p lang gus2 ko na magp-tattoo kya ln ndi pa pwede kc nag-aaral pa aq but now i have my own job and in the right age para mg-decision sa sarili ko,kya eto takbo kagad para magpa-tattoo,,,, wanna see my tattoo?
nice tattoo! :nuts: :hihi:
cyndi
11-29-2007, 09:26 AM
tnx!kakkoi_daw:p patingin nmn ng tattoo ng mga ka-tf natin jan:D ,,,,,,ako hindi ko pinagccchan kung nagpa-tattoo man ako actually pinagsisisihan ko pa nga kun bakit kung kelan pa mna ako nagkanak tsaka pa natupad un dream ko magpalagay ng tattoo:cool: im so very proud of my tattoo because d2 ko na nailabas ang pagiging artistic ko:p at dadagdagan ko pa ito,,,,,
express your self!!!!
coffee
12-02-2007, 12:56 PM
ang ganda sis...:wink:
Choco
12-02-2007, 11:17 PM
ang ganda sis...:wink:
may kilala akong may tattoo....ang ganda nga...di ba sis coffee:)
coffee
12-02-2007, 11:25 PM
oo nga choco sis, ... simply ka ha, he he he:shutup:
Choco
12-02-2007, 11:33 PM
:shutup: halata ba? he he he
I go for tattoos. Tattoo comes from the tahitian word tatau. tama kaya?
oo nga choco sis, ... simply ka ha, he he he:shutup:
katheyrine
12-03-2007, 12:15 AM
teka matanong ko na rin lang..
pasintabi sa may ari ng thread..
sa mga may tattoo san po kayo nag pa-tattoo?
dito ba sa Japan?
baka may marerecommend kayo sakin?
paparetouch ko lang itong sakin...1994 pato:D
kakkoii_daw
12-03-2007, 10:03 AM

ako marunong ako magretouch ng tattoo... kaso sa photoshop lang... :hihi:
katheyrine
12-03-2007, 10:38 AM
aaaaaahhhh kakkoi san!
kaya ko rin yan...ahuhuhuhu
pero mas magaling ka yata..
kung pede nga lang sa photoshop na lang eh naku matagal ng maganda ulit ito!:D
:p
kakkoii_daw
12-03-2007, 10:52 AM
^hehehe... ano ba ang tattoo mo? yung uod gagawin mo ng cobra? o si tweety bird gusto mong maging eagle? :hihi:
katheyrine
12-03-2007, 10:54 AM
ahihihihihi baliktad..
cobra gusto kong gawing uod..
eagle na gsto kong gawing tweety burd:D :p
kakkoii_daw
12-03-2007, 11:14 AM
hehehe... patingin naman ng tattoo mong uod... :hihi:
katheyrine
12-03-2007, 11:16 AM
aahihihihihi mamya at magbabanat muna ako ng buto para mapiktyuran..
OT..sagutin mo muna tanong ko sa iyo isang thread..:D
kakkoii_daw
12-03-2007, 11:30 AM
^nice... hehehe :nuts:
cyndi
12-07-2007, 04:22 AM
:p patingin naman ng mga tattoo nyo mga ka-TF!!!!ako sa pinas nagpa-tattoo kasi mahal po dito,,,,,a robinson po ako nagpa-tattoo ,,,,,,try nyo po at tiyak kong masusundan pa hehe:p
daniela
01-19-2008, 05:05 PM
hi marivic, makikitanong lang po. gaano ba kasakit magpalagay ng tattoo? dati ko pa kc gstong mgapalagay nyan kya lng d ko alam kng makakayan ko ba ang sakit. gsto ko sana sa may balakang. sa isip ko rin, nakayanan kong manganak bakit hindi ang tattoo. pero curious parin kung gaano kasakit at hapdi.
katheyrine
01-19-2008, 05:09 PM

Tolerable naman ang sakit...:) Masarap na masakit...ewan ko di talaga ma explain...itong sa batok ko sobrang sakit..siguro maselan kasing bahagi at mabuto na ito kaya siguro masakit.. sa balakang..hindi masakit...walang hapdi ata akong naramdaman nuon...pag gusto mo talaga makakayanan mo...sana 100% decided ka para walang regrets!
shuelma
01-19-2008, 05:10 PM
ako d na puedeng mag patattoo makunat na balat hihihi:D :D :D ...patingin na lng ng tattoo ninyo:) .
marivic
02-10-2008, 01:46 AM
hi marivic, makikitanong lang po. gaano ba kasakit magpalagay ng tattoo? dati ko pa kc gstong mgapalagay nyan kya lng d ko alam kng makakayan ko ba ang sakit. gsto ko sana sa may balakang. sa isip ko rin, nakayanan kong manganak bakit hindi ang tattoo. pero curious parin kung gaano kasakit at hapdi.
Hi!
Tulad nga ng sabi ni Katheyrine, masakit pero tolerable.
Mababa ang pain tolerance ko pero nakaraos ako. Kaya mo yan!
ellaeieiei
02-10-2008, 03:19 AM
dream ko rin magpatatoo sa ankle nmn, kaya lng ayaw ng mahal ko kase type AB ako, ung mga anakis ko AB rin, baka daw pagdating ng mangailangan cla ng dugo wala akong maibigay, kaya hanggang dream na lng tong dream ko :D
Dillinger
02-12-2008, 07:19 PM
elo mga ka-TF!!:)
I'm in my early forties,married and a mother of 2.Two years ago,nagpaTATTOO ako sa binti.I finally had the guts to go through it. Matagal ko nang pangarap i2. I don't know what pero lumakas ang loob ko when I reached 40.Dati kc urong-sulong ako.
When I had it, I felt fulfilled and made. Weird ba? Share naman tayo ng views.
YOROSHIKU ONEGAI SHIMASU;) :)
If you feel proud of it bakit mo naman iisipin pa ang iisipin ng iba? Ako meron din sa Braso Dragon at sa Binti Tribal din........
D na panahon ng Maria Clara ngayon no..hehehe joke.....Nasa tao yan kung matino ka talga kahit may tattoo ka pa o wala...marami naman din walang tatong lokoo loko like what I said nasa tao.......
cyndi
03-27-2008, 10:22 PM
mga kafateeeeeed:cry::cr y::cry::cry:!na pa-tattoo ulet ako,,,,,,,sa lips sobrang sakeeeeeeeeet huhuhu tiniis ko na lang dahil naumpisahan na kya pangatawanan ko na lang:Dadvice ko lang sa body na lang kayo magpa-tattoo:p

nag pa perma lipstick ka kapatid ???? ako gusto ko subukan yun sa pilik mata sa taas lang kaya lang medyo takot pa ako eh baka di mapantay magmukhang malaki isang mata ko :eek:
rockinchiq
03-27-2008, 11:40 PM
Makikisali po ako..
I had my tattoo when i was 16 years old...
Yung nasa face naman,wala lang po,feel ko lang i-share..:D
Feb fest sa UPLB..
katheyrine
03-28-2008, 06:01 AM
wowcyndi sister lakas mo talaga!
sa lips baka di ko kayanin?!
maglilipstick na lang ako for lyf hehehe..
sis patingin naman kami ha?
Rockin beybe! Nice one!!!
:D
angelica
03-28-2008, 10:49 AM
a rose ring ...i got mine nung highschool pa po....
mariepippe02
03-28-2008, 04:09 PM
oo nga po masakit po talaga ang mag pa tattoo pro kung talagang gusto nyo go for it!pro ako gusto ko patungan yung tattoo ko sa likod kc bata pa ako nung nag pa tattoo ako kya d ko na cya feel ngayon tweety bird po ang tattoo ko kya nakakahiya na cya.d na po ako makapag sleeveless kc nahihiya na ako.ano po kya magandang ipatong d2 pasintabi po sa gumawa ng tread!go ln go marivic san kung dyan ka naging masaya!
jimiwest
03-28-2008, 04:28 PM
dream ko rin magpatatoo sa ankle nmn, kaya lng ayaw ng mahal ko kase type AB ako, ung mga anakis ko AB rin, baka daw pagdating ng mangailangan cla ng dugo wala akong maibigay, kaya hanggang dream na lng tong dream ko :D
Hi ella, if i remember it right parehas tayo ng type ng dugo.. AB din ako and im dying to have a tatoo.. i asked bunch of my peers about dun sa ating concern, kung sakaling kailangan ang ating dugo.. Nasabi ng isa kong friend na volunteer sa pagkuha ng dugo sa states.. pwede daw mag donate but tinatanong nila kung saang state ng US nagpa tatoo.. dahil merong selected state na approved ng health department nila.. Ewan ko lang dito sa japan... I really love tatoos specially yung sa mga yakuza... Its funny kasi meron akong kilalang mga mababait na yakuza and we talked about me having a tatoo... i explained my concern but they just laughed at me ahahaha... sila na daw magbabayad basta magpa tatoo daw ako:O... One of the biggest reason kung bakit alanganin ako ay ung mga onsen.. ayaw nila ng mga customer na mayrong tatoo specially ung parang sa mga yakuza... Onsen pa naman pinakagusto ko dito...:D
cyndi
03-28-2008, 04:35 PM
nag pa perma lipstick ka kapatid ???? ako gusto ko subukan yun sa pilik mata sa taas lang kaya lang medyo takot pa ako eh baka di mapantay magmukhang malaki isang mata ko :eek:
uu sis,nakakatakot sa face kasi kapag nagkamali pano na kaya:confused:pero yung sa lips ko maganda naman ang kinalabasan:p
cyndi
03-28-2008, 04:44 PM
wowcyndi sister lakas mo talaga!
sa lips baka di ko kayanin?!
maglilipstick na lang ako for lyf hehehe..
sis patingin naman kami ha?
Rockin beybe! Nice one!!!
:D
uu sis sa lips:Dang sakit nga eh,pero gusto ko yun knalabasan:psuper lyt pink lang yun kulay nya parang hindi nagpa-tattoo :)natural lang yun dating nya:p
uu sis sa lips:Dang sakit nga eh,pero gusto ko yun knalabasan:psuper lyt pink lang yun kulay nya parang hindi nagpa-tattoo :)natural lang yun dating nya:p
@cyndi Sama .asking yun frenz ko how much daw patatoo sa lips ? interesado sila kahit na sinabi ko na sobrang sakit daw eh ayun gusto daw ~~~~
thanks !
cyndi
03-29-2008, 06:28 PM
@cyndi Sama .asking yun frenz ko how much daw patatoo sa lips ? interesado sila kahit na sinabi ko na sobrang sakit daw eh ayun gusto daw ~~~~
thanks !
sa malate ako nagpalagay 6,000pesos
katheyrine
04-01-2008, 11:26 AM
sis patingin naman ng picture ng lips mo ngayon.
eh di pede ka ng walang lipstick nan ha?
pag magpapalagay ako PM kita ha?
hehehehe;):D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.