PDA

View Full Version : Paano magsimula ng internet cafe sa Pinas

chameleon
07-05-2007, 11:06 AM
Mga kaibigan,

May alam po ba kayo na business model for an internet cafe sa Pinas..halimbawa magkano kaya ang capital,etc.Thanks..

summergirl
07-05-2007, 02:55 PM
May Business ang brother ko maliit lang na parang internat cafe ,meron kaming desk top pc sa tindahan pero parang kulang sa kailangang pang bumili..Ang naging sosyo ko sa kanya ang 300 thousand ,at ang share nya rin..Alam mo hindi ganon kalaki ang kita sa internet cafe..Bayad sa tao mo,kuryente ilaw...Lisensya ang mahal ..etc..kung ako sa iyo,isip ako ng ibang business..Marami na rin kasing may internet cafe sa Quezon city eh..

diane-hideki
07-05-2007, 03:11 PM
buti nalang nabasa ko ang thread na to...nag-iisip kasi ako kung mag-aaral o magbibusiness! kung magbibusiness sana balak ko net cafe! anyway thanks sa info...

miyuki
07-05-2007, 03:45 PM
chameleon san.. yung pag aayos mo muna ng lisensya sa DTI at mayor's permit sa city hall ang una. pag may negosyo ka obligado din na kumuha ka ng permit sa fire department na i check nila ang safety ng pwesto mo at need mo bumili sa kanila ng fire extinguisher (tama ba spelling?:p )... Ang magiging capital mo depende sa kung ilang units ang balak mong ilagay ... lets say na 30k/unit at yung pwesto ba uupa ka ? or may sarili ka? plus i-set up mo pa ang pwesto ,yung lagayan ng mga pc mo na ipapagawa mo sa karpentero para di magkita-kita ang mga naglalban if naglalaro sila.at privacy yung mga nagchachat. .. pagpapakabit mo din ng ADSL at hubs para maikonek mo lahat ng pc mo sa server.... para makapag umpisa ka kailangan maayos mo muna mga papers at pwesto mo... importante din na ang magbabantay may alam sa pc if ever may trouble agad nya maaayos.sayang kase ang oras if mababakante ang sirang pc;) ..ihanda mo din ang sarili mo kase nga karamihan sa mga costomers mo eh batang mga nagsisispag aral at kapag nasira ang pag aaral ng dahil sa kakacomputer siguradong makaka experience ka din ng mga galit na nanay:yikes: na susugod sa pwesto mo...
konteng idea ko lang po .sana nakatulong.... nag put up din kase ako dati nyan.. ok naman sana kaya lang minsan kulang pa kita ko sa pangbayad ng koryente kase ang mga anak at pamangkin ko pag walang naglalaro sila nakaupo kaya nagana din ang aircon at pc....hanggang sa nag decide ako na i-stop na lang.kaya pinaka maganda if negosyo ..negosyo walang pamapamangkin ... anak lang pwede heheheh:D

kaizen
08-03-2007, 11:37 AM
para sa inyong pangangailangan
bisitahin lang po
www.omniqatar.com/ryus

iba pang opportunties

www.omniqatar.com

tokyoboi2
09-16-2007, 06:36 PM
buti nalang nabasa ko ang thread na to...nag-iisip kasi ako kung mag-aaral o magbibusiness! kung magbibusiness sana balak ko net cafe! anyway thanks sa info...
maliit lang talaga ang kita sa net cafe kaya ang ginagawa namin nagdagdag kami ng ibang services like yong tanggap ng wedding invitation, calling cards. Bumili din ako ng 2 xerox machine, liquid and powder. Pag umasa ka lang sa kita ng net cafe halos break even ka lang minsan so dapat may ibang diskarte para kumita ang business. Isip kayo ng services na related sa computer at idagdag ito, to make the business running.

mamimo
10-11-2007, 02:21 PM

Di ba advisable bumili ng existing na net cafe kasi may mga nasa ads na urgent ang bentahan kesyo mag-aabroad daw ang owner. Minsan tempting kasi pababaan ng offer sa selling price pero syempre may doubts kung kikita ba o mas lamang na malugi lang.

ichimar
10-11-2007, 02:54 PM
idagdag ko lang din,mayroon din internet cafe yung brother ko,nung una hati kami sa puhunan,pero binili nya na lang yung share ko after 1 year.......mahirap daw sa simula kasi kailangan ng bussiness permit at DTI,lalo na kung konti lang ang pc mo,ang mahal ng kuryente at DSL.........pero kung marunong naman humawak sa isang bussiness siguro mababawi mo din kaya lang it takes 2 years,or depende talaga sa case......sa ngayon 5 years na ung intrenet cafe ni kuya,every 1 year nakapagdadagdag siya ng isang unit ng pc,un bale ung kita na nya.....libre na din siya sa maintenance kasi gradutae siya ng computer technician.......gam batte na lang sa pagpapatayo ng bussiness:) nagsimula siya na 4 lang ang pc,ngayon eh 7 na at isang server niya......300 thousand din lahat ang puhunan niya kasama na ang pwesto na nirerentahan niya....:)

uvy
10-11-2007, 07:28 PM

hello ichimar sashiburi:)
laki naman pala ng puhunan 300 thou sa apat na unit lang yon?at sa pwesto?

adechan
10-11-2007, 08:14 PM
Mga kaibigan,

May alam po ba kayo na business model for an internet cafe sa Pinas..halimbawa magkano kaya ang capital,etc.Thanks..

Kapatid ko sa pinas, may maliit na net cafe din.

Noong may puhunan sila, at naghahanap nang mapaglalagyan, nagkataong may available net cafe for sale. Puwesto at lahat na po nang unit. Bali change owner na lang po ang inasikaso nila. Kung magkano, nakalimutan ko na, that was yearsss ago na kase.

Mahina po yata ang kita ngayon naghihingalo at humihingi nga nang saklolo eh, lumipat sila nang puwesto na medyo malaki laki at sinamahan pa nila nang canteen. Halos, bawi bawi lang daw talaga ang kita.

Pag nahunting ko sa ym sis ko tanungin ko.
Problema ~~~ di ako nag lo^login:eek:

ichimar
10-12-2007, 05:19 AM
hello ichimar sashiburi:)
laki naman pala ng puhunan 300 thou sa apat na unit lang yon?at sa pwesto?oo malaki talaga,kasi magpapagawa ka pa ng mga computer tables at chairs,etc.........b ayad mo pa sa renta for 3months advance,mga papers pa na lalakarin,at ang isang brand new ng destop ay nagkakahalaga ng 18 to 20 thousand.depende pa sa klase,kaya talagang dapat may ganoong kalaking halaga ka kung mag sisimula ka.......kung tutuusin pag nagtayo ka ng bussiness maliit pa yang 300 thousand na yan,lalo na pag malakihan......sabi nga nila ihanda mo pera mo:)

uvy
10-12-2007, 09:23 AM
oo malaki talaga,kasi magpapagawa ka pa ng mga computer tables at chairs,etc.........b ayad mo pa sa renta for 3months advance,mga papers pa na lalakarin,at ang isang brand new ng destop ay nagkakahalaga ng 18 to 20 thousand.depende pa sa klase,kaya talagang dapat may ganoong kalaking halaga ka kung mag sisimula ka.......kung tutuusin pag nagtayo ka ng bussiness maliit pa yang 300 thousand na yan,lalo na pag malakihan......sabi nga nila ihanda mo pera mo:)
ah ok thank you:)akala ko kasi sa 300 thou na yan mga 8 units na yan tapos lahat lahat na,.....yon pala 4 units ng computer lang pala yan:Dlugi pala talaga.
ibang busines na nga lang,hehe.anyways salamat sa reply,.....

ichimar
10-12-2007, 09:28 AM
ah ok thank you:)akala ko kasi sa 300 thou na yan mga 8 units na yan tapos lahat lahat na,.....yon pala 4 units ng computer lang pala yan:Dlugi pala talaga.
ibang busines na nga lang,hehe.anyways salamat sa reply,.....
oo lugi talaga,sabi nga ni kuya shoganai ne:D kaya dapat masinop ka talaga,para makabawi sabi nga nila bawat piso mahalaga,pero maganda na din ito,at least kahit papano kumikita,kesa naman umaasa sa iba....;)pero may mga second hand naman na destop na makukuha mo sa murang halaga,tsaka murang pwesto na din,siguro okey na din yang 300 thousand para makapagsimula ka....

kakkoii_daw
10-12-2007, 11:07 AM
try nyo po mag abang ng mga naluging internet cafe, mas makakamura kayo. try nyo ang http://tipidpc.com/ madami po nagpopost ng mga computer packages jan, brand new or second hand. :D

uvy
10-12-2007, 11:47 AM
oo lugi talaga,sabi nga ni kuya shoganai ne:D kaya dapat masinop ka talaga,para makabawi sabi nga nila bawat piso mahalaga,pero maganda na din ito,at least kahit papano kumikita,kesa naman umaasa sa iba....;)pero may mga second hand naman na destop na makukuha mo sa murang halaga,tsaka murang pwesto na din,siguro okey na din yang 300 thousand para makapagsimula ka....
salamat ulit:)
yon na nga eh kaya nga pinag isipan ko din mabuti kasi gusto ko din naman yong busines ko ay kikita din,magsasayang lang ako ng pera pag di naman pala kikita ang papasukan ko na busines di ba?

uvy
10-12-2007, 11:50 AM
try nyo po mag abang ng mga naluging internet cafe, mas makakamura kayo. try nyo ang http://tipidpc.com/ madami po nagpopost ng mga computer packages jan, brand new or second hand. :D
salamat sa link:)
mapag aralan mabuti,...

adechan
10-12-2007, 10:22 PM
Iyung sa kapatid ko nang nasalo daw po nila iyung net cafe 150 thou, pero kulang na kulang pa iyun nagdagdag pa sila, bali all in all mga 250 thou daw lahat lahat, and that was many years ago. At maliit lang talaga ang puwesto.

Napakalaking tipid nga daw kung sasalo ka na lang nang mga nagsasarang net cafe, dahil doble ang puhunan pag pundar mo lahat.

Mas maganda kung ang mag-o-operate sa inyo ay marunong magbutingting. Dahil masyado daw mahal pag tatawag pa nang regular maintenance.

ken1016
10-13-2007, 12:13 AM
Gusto ko lang po mag share. Yung barkada ng kuya ko internet cafe ang business. Sa umpisa ok ang kita. Pero nalugi rin agad. Nagsara din agad kasi mahirap daw lalo na kapag nasira ang computer. Wala silang sariling technician. Malakas din daw sa kuryente dahil sa aircon. Kung gusto niyo po ng internet dapat marunong kayo magbutingting ng computer para kapag nasira kayo na ang magaayos. Try niyo po maginquire sa mga promo ng internet connections. Kasi meron pong promo na libre na ang computer basta internet connection nila ang gagamitin mo. I think pldt or smart company yun. Mas makakatipid kayo kapag nakapagavail kayo ng ganung promo.

crybaby
10-31-2007, 06:00 PM
well, for almost a week i was thinking if i'll share it with you guys, but its all about business kaya i might help na rn sa pag share ng ideas- meron continues at meron nawawala talagang business- ung business ko po nalugi talaga sya pero na run ko sya ng 2 years, but i've never upgraded any computers and ndi ko masakyan ung mga network new games, online games (DOTA,pangya and etc).. internet is a good business. una dapat ung puhunan mo malaki, 300k is actually a small fund for this kind of business.its not enough kung baga sa car, bka ang mabili mo lang ung mga parts. competing in this kind of this business dapat lahat ng PC's are all high end- latest, the best ung specs lalo sa mga games- you need some set up for gaming console and for just browsing and other services you're trying to put in. marami akong naging pag kukulang sa business, though myself handle it with the best of my capability but not enough to survive it for a long time and need to dispose everything. pero i learned alot from this mistakes and trying again to put a big one, before kasi got only 9 units. now im planning to put up a 3 floors (25 units each floor) building with a network capacity from other stores na magiging branch., malaki ung gastos pero i think ung experience and knowledege and right people to deal with is talganag mkktulong for this business. then the best thing to do is advertising and link ups with other company or schools. isa sa mga concept na dapat ma consider before putting the business down.so im starting from the scratch again, got the design of the building and blue prints will follow then right management team. so putting up this business isn't just a simple as thousand pesos, learn the business properly, right people to deal with, and a big fund will be needed. kahit sang business naman may mga failure but learn from it.i hope naka tulong to sa inyo guys that are thinking to put this kind of business.maraming pedeng option like putting your own or try to have a franchise or invest in some firms. anything..:)

LEMON
12-01-2007, 10:06 AM
:) pls share more po about this internet cafe...mga karanasan sa pag put up.. sa pagka lugi..kung anong dapat gawin to mamaintain ang small bizznezz na gusto kong itry po :p nag paplano palang po ako at medyo wala pong alam pa in this kind of biznez :p hinde po ako uupa ng pwesto ,gusto ko pong gamitin ang 1st floor ng bahay.pang start. or sa roof top po pwede po kaya :p 'nde po kaya bagsakan ng kidlat:p ..meron na po akong 7 unit na nakaready...paturo naman po ng mga..Do this...and mga Do not ..:) thank you po ..

sitsukoime
12-01-2007, 02:20 PM

Hi to u!! We have that kind of business here in ph. We have 100units, mas better kung mas madami kng units at least mag 15 or 20units. Pro kung wla ka pa budget pg ok na business ska mg dagdag. We started to 10units lng ska na kmi nag add on ng nag add on. Mdyo mahirap ang ganitong buss. u have to apply for ISP, syempre kuryente then much better may knowledge ka sa trouble shooting ksi for sure ma eencounter mo ung mga problems with pc. Tas every year or evry other year ng uupgrade kmi ng units pra mas mabilis lalo na pag gaming ksi. Dpat din ung location mo di msyado near skul ksi ung iba bwal eh. And make it sure lng na wag kng magpapalaro ng student during skul hrs. pede aftr. ng skul nila. ksi naransan n nmin masugod ng mga parents, sympre wg natin itolerate ung gnawa nla mag aabsent pra lng makapglaro at kumita tau. That's a no no for me, and most impt. pag nag business ka is kelngan HANDS ON ka sa business mo pra iwas kupit ba...For 9yrs. eto na buss. nmin and so far ok nmn...mnsan tlga may up's & down sa buss. Tip ko lng tlga klangan hands on ka sa business na papasukin mo. GOODLUCK TO YOU.;)

timbog
12-01-2007, 02:34 PM
for a business like this dapat makapag scout ka ng site ung reachable ng mga users lalo na mga students...at dapat hindi lang basta internet access lang meron ka dapat meron ka rin network games like DOTA(offline & online), Ragnarok(online), RAkion(online), ofcourse COunter-stirke (online and Offline)... or other games na provided ng pldtplay... mataas ang mga pc requirements ng mga games na yan pero im sure pag kinagat ng user yan kita ka kaagad... then i-boost mo na rin ang services mo.. kung marunong ka ng konting graphic editing.. maglagay ka ng ibang services like invitations... certificates.. etc.. ect... ;) believe me patok yan agad... depende sa pwesto parin ha... sa mga online at network games visit this site www.pldtplay.com (http://www.pldtplay.com) they provide online games...

LEMON
12-01-2007, 06:46 PM
@chameleon san ...'sensya na po at nakikiraan po sa thread mo :O peace po tayo ha..

@sitsukoime san ... arigatou:)

@timbog san ...thanks ha :p

~~want to hear more pa po ~~:p

airconde
12-03-2007, 09:50 PM
ayon sa sariling feasebility study ko lugi to kasi madami na meron at you need original OS at other softwares kasi mahuhuli ka ng awtoridad...dun pa lang malaki na iinvest mo plus maintenance, rent if ever at bills

LEMON
12-03-2007, 11:04 PM
@ airconde san...:) thanks for sharing po ..

airconde
12-21-2007, 10:01 PM
@LEMON

walang anuman bro...medyo mahirap kasi labanan kung computer shop plus other services regarding sa computer ang paguusapan...

try mo nalang mag tinda ng surplus computers and laptops pati mga xerox machines etc.

katty0531
12-22-2007, 06:10 AM
ayon sa sariling feasebility study ko lugi to kasi madami na meron at you need original OS at other softwares kasi mahuhuli ka ng awtoridad...dun pa lang malaki na iinvest mo plus maintenance, rent if ever at bills

Very true ito...mahirap pag nagkahulihan though yong amin dati katabi namin presinto ng pulis samin at barkada ng kuya ko mataas na rank don so ok lang sana:D . Maganda nong una laki ng kita, pamilya ko ang nagbabantay so wala nang sasahuran kaso dalawa lang kapatid ko yong isa college tapos kuya ko di tinanggap resignation nya sa work, kaya pinabantayan namin 13 units bale lahat yon duda ako sa kita ang liit....:D tama lang pambayad sa bills, gusto ko man lang sana makapag jollibee si nanay ko eh hindi nangyayari kaya hininto nalang namin.

Hindi naman umabot ng 300T gaya nang nabanggit sa itaas yong naging puhunan namin non siguro mga 30 lapad saken then kay kuya na yong iba...kulang kulang 200T lang,13 units kompleto na,kaya siguro medyo mura kasi kuya ko lahat nag assemble at sa davao di gaano mahal ang renta.
Buti nalang sa 30 lapad ko naibalik yong 15 happy na rin ako keysa 0 diba, na dispose ko kasi 12 pc, naiwan sa bahay isa lang for my brother. Ayaw ko na ng net cafe hehhehe...na fobia na ako, before ko na dispose yon sumakit din ulo ko, sabagay dalawa kami ni kuya.
Reason namin kung bakit kami nagbusiness is para makabili ng CAR, hahaha...nong nag close kami ,"buti pa dumeretso nalang tayo sa gusto naten", huli na pag sisisi:D .

zionchild
01-15-2008, 08:06 PM
Ang ating Internet connection hindi pa masyadong stable. Make sure your ISP can assure you of a round-the-clock Internet accessibility.

bangski_07
01-20-2008, 12:25 AM
i agree with you zionchild, our ISPs aren't that stable. sa i-net cafe namin, we signed up with 2 providers, one w/ a big network and yong isa w/ a local network lang, mindanao-based sya. despite that, d pa rin assured yong 24/7 accessibility. kaya nong dumating hubby ko here sa JP last december at ginagamit nya tong leonet ng apartment, he quipped, "sana ganito services sa tin, mabilis at 24/7."

bangski_07
01-20-2008, 12:42 AM
ayon sa sariling feasebility study ko lugi to kasi madami na meron at you need original OS at other softwares kasi mahuhuli ka ng awtoridad...dun pa lang malaki na iinvest mo plus maintenance, rent if ever at bills

totoo yan airconde san. laki talaga ng investment. one time, nagsara kami coz mi inspection daw or raid something re original OS thing. and our shop is along the highway panaman. we have 20 units. though d kami nagrerent coz sariling building namin ginamit namin but mataas pa rin bills sa kuryente coz of the aircon units. we operate 9am-12mn. pakunti-kunti nababawi na rin yong initial investment but kelangan na rin mag upgrade ng facilities. one year palang kami, kaso nga ngayon nandito na kami sa japan, araw-araw kaming nagmomonitor o nagtsecheck. and hoping na manage ng maayos ng bro-in-law ko yong naiwan namin. katas kasi yon ng dati naming trabaho sa pinas..

brownman
01-21-2008, 08:52 AM
Hi to u!! We have that kind of business here in ph. We have 100units, mas better kung mas madami kng units at least mag 15 or 20units. Pro kung wla ka pa budget pg ok na business ska mg dagdag. We started to 10units lng ska na kmi nag add on ng nag add on. Mdyo mahirap ang ganitong buss. u have to apply for ISP, syempre kuryente then much better may knowledge ka sa trouble shooting ksi for sure ma eencounter mo ung mga problems with pc. Tas every year or evry other year ng uupgrade kmi ng units pra mas mabilis lalo na pag gaming ksi. Dpat din ung location mo di msyado near skul ksi ung iba bwal eh. And make it sure lng na wag kng magpapalaro ng student during skul hrs. pede aftr. ng skul nila. ksi naransan n nmin masugod ng mga parents, sympre wg natin itolerate ung gnawa nla mag aabsent pra lng makapglaro at kumita tau. That's a no no for me, and most impt. pag nag business ka is kelngan HANDS ON ka sa business mo pra iwas kupit ba...For 9yrs. eto na buss. nmin and so far ok nmn...mnsan tlga may up's & down sa buss. Tip ko lng tlga klangan hands on ka sa business na papasukin mo. GOODLUCK TO YOU.;)

I agree with sitsukoime. had a pc shop before. we started with 8 units and ended up with 16 plus server. basta maganda location mo at matiyaga ka, you'll be ok. it's a lot of work but it's worth it. had to sell mine though. we were the first shop in one area in Antipolo. after half a year or so, 7-8 competitors started their own shops. parang kabute! believe me. Goodluck sa inyo

here's another thread nga pala about this kind of business.

http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=364 5&highlight=computer+s hop

japhil
02-20-2008, 04:23 PM
para sa inyong pangangailangan
bisitahin lang po
www.omniqatar.com/ryus (http://www.omniqatar.com/ryus)

iba pang opportunties

www.omniqatar.com (http://www.omniqatar.com)

nag try akong i click itong site na naka post bakit kaya walang nalabas? ERROR po sya

The webpage cannot be found

Bluemax
02-29-2008, 12:42 PM
...meron akong internet cafe sa pinas, i started with 12 units coming from my separation pay from my former employer, ok naman ang business although ang place is owned by my mother, we still rent, now around 16 pc na ang gamit namin. I also made use of surplus ones para sa chatting services. mura lang kasi mga 5k meron ka na isang unit na pwede pang chat. pero hindi yun pwede pang games kasi kelangan talaga at least 512 ang memory at malakas ang processor mo para sa mga video scenes ng current games ngayon. more than one year na ang business and i'm planning to add units na flat screen na para menos gasto sa kuryente. we rent our pc at P15 per hour. ok naman sya.