View Full Version : Goodbye, Senpai Tonette Binsol (aka Tonyang in TF)
afsj2007
07-10-2007, 01:37 PM
MASS FOR TONETTE (KA TONYANG) will be held today, July 10, 8-9 pm at the Meguro Catholic Church.
Please spread the word.
To get there, take the JR Yamanote Line and get off at Meguro Station (map) (http://www.arion-edo.org/tsf/place/?placeId=catholicmeg uro&lang=en) . For more information, please call: Jef Cabanday (090-9689-2044) or Dada Docot (080-3019-2469).
-----------------------------------------------------:(
Our dear senpai, Tonette Binsol, passed away this morning, 10:26, July 10. She was confined last Saturday at the Tokyo University Hongo Hospital due to brain infractions.
Senpai Tonette is a community leader and volunteer. She is an active organizer for various grassroots organizations in Tokyo, including the Filipino International Weekend School, the Tulong Pinoy Movers, OFW Shien Cooperative, among others. She has indeed touched many lives, of students, and of migrant workers in Japan.
May she rest in peace...
We encourage those who know Senpai Tonette to visit this Forum thread (http://afsj.stmike-iloilo.com/index.php?option=com _simpleboard&Itemid=28&func=view&catid=2&id=60#60) to their memories of our dear senpai
If the link does not work work, copy and paste this to your browser:
http://afsj (http://afsj/).stmike-iloilo.com/index.php?option=com _simpleboard&Itemid=28&func=view&catid=2&id=60#60
Dada Docot
President, Association of Filipino Students in Japan
AFSJ Execom 2007-2008
afsj2007
07-10-2007, 01:40 PM
let us all pray for her...
summergirl
07-10-2007, 01:46 PM
Mam.May you rest in peace..
v_wrangler
07-10-2007, 01:53 PM
This is very very bad news. Lets pray for her soul.
Galadriel
07-10-2007, 01:56 PM
Nakakabigla. Her selfless voluntary projects will always be remembered.
Let us all offer a short prayer for Tonette. We will miss you Tonyang.
ritzyu
07-10-2007, 02:10 PM
May you rest in peace..mam:(
docomo
07-10-2007, 02:14 PM
This is so sad... nag text pa sya sa akin ..nakaka bigla .. ang bata pa nya :( May you rest in peace ..
katty0531
07-10-2007, 02:25 PM
Ka Tonyang, i can't believe this news, nabigla talaga ako....
totoo ba ito, am very very sad....
May your soul rest in peace with our almighty God.
Salamat sa lahat nang pakikisama at pagkikipag palitan ng mga kuro kuro samin dito sa forum. Maaalala ka namin.
kat
infinite_trial
07-10-2007, 02:26 PM
nakakagulat at nakakalungkot naman yan...
nikkichibi
07-10-2007, 02:28 PM
kakabigla naman kelan lang may ginawa syang thread eh , tas wala na pala sya :eek:
ka tongyang may you rest in peace.
maimai
07-10-2007, 02:39 PM
That's so sad...there will never be another like her....:(
May her soul rest in peace!! :)
LORIE
07-10-2007, 02:45 PM
Kakabigla naman itong balitang ito nagkausap pa nga kmi then di ko alam yon na pala huli.
Sumalangit nawa iyong kaluluwa ka tonyang
Tarena314
07-10-2007, 02:51 PM
nanghina ako sa balita...,sumalangit nawa ang yung kaluluwa...,
ma mi miss ka namin KA TONYANG at salamat sa lahat ng naibahagi mo samin dito sa TF..,
tisay
07-10-2007, 03:15 PM
....May you rest in peace..KA TONYANG...:(
Autumn
07-10-2007, 03:23 PM
May soul rest in peace ka tonyang.....
Yujin
07-10-2007, 03:24 PM
Nakakagulat na balita.
Malaking kawalan si Ka Tonyang lalo na sa lahat ng taong kanyang tinulungan/tinutulungan.
Kasama ka sa aming mga panalangin.
:(
summer
07-10-2007, 03:28 PM
Grabe......... nakakagulat and nakakalungkot.
Ka Tonyang, may you rest in peace, we will remember your goodness.
Erika
07-10-2007, 03:47 PM
Nakakabigla at nakakalungkot....
May you rest in peace....ka tonyang:(
chameleon
07-10-2007, 03:55 PM
We would like to express our sincere condolences to the family and friends of Ka Tonyang...What a deep,deep loss to the Filipino comunity here in Japan and in the Philippines..She was bound for greatness,that selfless lady with the sense of volunteer service in her soul!! May we do some work of charity in her name..
I wonder who can follow in her footsteps..to mobilize the community to do some charitable deeds...
nakakalungkot naman ang balitang ito:(
may you rest in peace Ka Tonyang,..
geminigirl
07-10-2007, 04:14 PM
this is really sad. and to think we talked through timog...nakakabigla talaga...nakakalungk ot
you will always be remembered ka tonyang....ALWAYS...
may your soul have eternal repose.....WE WILL MISS YOU:(
risingsun300
07-10-2007, 04:42 PM
Ka Tonyang will always be remembered!
She is an exemplary reflection of a Filipina.
Ka Tonyang di ka namin malilimutan. salamat sa iniwan mong magandang ala-ala.
Isang inspirasyon sa amin ang iyong buhay.
Sanay umusbong pa ang maraming katulad mo at susunod sa mga yapak mo.
Hanggang sa pagkikita.
majasnjn
07-10-2007, 04:54 PM
very sad news naman nito..:( unang open ko ng tf ngayon,ito agad ang unang nabasa ko. nakakapanghina naman.. though, hindi ko kilala si ka tonyang personaly pero lahat ng mga thread and post nya binabasa ko.
Ka tonyang,. Hinding hindi ka namin malilimutan dito sa Tf. at pati narin ang lahat ng taong iyong natulungan. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.
ako_po_si
07-10-2007, 04:58 PM
may her soul rest in peace
mukomae
07-10-2007, 05:11 PM
I will Pray For your soul, May You Rest In Peace
biloglog
07-10-2007, 05:28 PM
bakit kaya ang mga mababait na tao ang kinukuha ni LORD?
paalam ka tonyang.. may your soul rest in peace
:(
coffee
07-10-2007, 05:31 PM
my codolences po sa family ni miss TONETTE...
"may you rest in peace"
pinaygurl
07-10-2007, 05:46 PM
sayang sya pa naman yung may gusto mag tayo ng filipino school dito japan.
i will surely include her in my prayers ..
goma_23
07-10-2007, 05:54 PM
Rest in Peace , Ka Tonyang.
mrs-mymelo
07-10-2007, 05:59 PM
Kaw Ka Tonyang ha,hinahanap-hanap ko pm mo,tapos ala ka na pala.Kala ko uunahan kita.. sa thread mo,post mo,ayaw mo patalo...tapos may pa pm pm ka pa para marelieve ako .... kaya seguro ako nananamlay mula kahapon baka dahil sa mawalan kami ng isang mahal dito sa tf.
Sige Ka Tonyang,paalam,raku ni ikinasai..mata dokoka e kaiwashimasho,lahat naman tayo pupunta doon.
And sa pamilya ni Ka Tonyang,Condolence po...sana huwag kayong masyadong malungkot sa pagkawala niya kasi ayaw ni Ka Tonyang ng ganyan.I'll pray too for her soul,that she will rest in peace and in God's hand,..
yukio_cris
07-10-2007, 06:04 PM
rest in peace ms. tonette:cry:
may you rest in peace Ka Tonyang...
purpletablet
07-10-2007, 06:52 PM
my sincerest condolences to ka Tonyang's family..
may your soul rest in peace.... you will always be remembered..
wildflower
07-10-2007, 06:59 PM
nagulat ako sa balita..noon nakaraan may post p sya dito..may rest in peace ka tonyang
sitsukoime
07-10-2007, 07:12 PM
:( May she rest in peace and I admire her coz i have read all her threads and she's really one of the people na very helpful sa mga kaba2yan natin even sa foreigner's.......SH E'S A HERO!!
MALIGAYANG PAGLALAKBAY PO SIS TONYANG.....
tfcfan
07-10-2007, 07:20 PM
sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa :(
dianne
07-10-2007, 07:22 PM
nalungkot naman ako sa nang yari kay ka TONYANG ....palagi pa naman ako na po~post sa thread nya .....:O
may you rest in peace ka TONYANG .....:O
afsj2007
07-10-2007, 07:26 PM
hello mga kapatid.
kailangang-kailangan po ng picture ni ka tonyang. pakipadala sa akin as soon as possible, hopefully before 7:45 today sa afsjexecom@gmail.com (afsjexecom@gmail.co m)
onegai.
dada
www.afsj.org (http://www.afsj.org)
liong
07-10-2007, 07:57 PM
R.I.P. ka tonyang
april
07-10-2007, 08:22 PM
ka tonyang, may you rest in peace.
neneng
07-10-2007, 08:42 PM
Tonyang san.....rest in peace.:(
Nakakalungkot na balita.
Parang kailan lang , i saw her post pa.......bigla bigla naman.
My deepest sympathy to her family:O
This is shocking news. May Tonyang rest in peace.
sharpener
07-10-2007, 09:19 PM
nakakalungkot talaga
may you rest in peace Ka Tonyang
angela777
07-10-2007, 09:23 PM
Nakakalunkot at nakakabigla,Tonyang san may you rest in peace.
myukasky
07-10-2007, 09:28 PM
Nakakagulat naman:( Parang kailan lang nagpopost pa sya at gumagawa ng thread ngayon wala na pala sya. Rest in peace sister Tonette (Tonyang) Di ka namin makakalimutan at salamat sa lahat ng ibinahagi mo sa amin. Sana marami pang maging katulad mo.
eson0511
07-10-2007, 09:44 PM
FYI:
Some info about Tonette projects for Filipino >> http://www.itvjapan.com/asiancon.asp?Id=1
Nakakapanghinayang talaga...:(
Ung may sites nya nde na gumagana.. bakit kaya..
Home Page: www.tpmovers.org
Cool Link 1 www.ofw-salusalo.net
Cool Link 2 www.ruralcomp.net
Cool Link 3 www.ofwimc.com
May she rest in peace.
makulit
07-10-2007, 09:56 PM
nakakalungkot :(
rest in peace Ka Tonyang.
chepot
07-10-2007, 09:58 PM
Prayers for her soul..nakaka-shock po..May she rest in peace.
maimai
07-10-2007, 09:58 PM
FYI:
Some info about Tonette projects for Filipino >> http://www.itvjapan.com/asiancon.asp?Id=1
Nakakapanghinayang talaga...:(
May she rest in peace.
thank you for sharing....:)
sayang talaga si katonyang..ang aga nya nawala:(
bikoy
07-10-2007, 10:19 PM
may you rest in peace po Ka Tonyang............. :( :(
barabara
07-10-2007, 10:21 PM
nalungkot naman ako, tonette san, bakit ?ang bata mo paaa?last friday lagi kitang naiisip contakin uli ..kaninang umaga nakita ko ang name mo sa tel. book ko. naalala ko iyong mga usapan natin, sabi ko panga sa iyo ang talino mo kasi kaya kailangan matalino din siya..may picture ako ni tonette,bata pa talaga at look very smart..
Tonyang... May you rest in Peace.. I miss you..:( :(
honey
07-10-2007, 10:27 PM
Nakakalungkot naman ang balitang ito :(
RIP ka TONYANG mamimiss ka naman at ng mga taong naging bahagi ng buhay mo natulungan at napaligaya mo:(.
it's a sad day today for people who knew and loved Tonyang.
she has many ideas, that not all people tend to understand, but i believe they were all ideas with good intentions anyway. i hope that she finds peace and for her family to find consolation to the lost of her departure.
fare thee well, Tonyang...
kaori
07-10-2007, 10:33 PM
nakakagulat naman tong balita...bait pa naman siyang tao...honest siya..kaya pala kagabi binabasa ko mga e-mails niya sa akin...May you rest in peace Sister Tonette...
ayumi
07-10-2007, 11:00 PM
rest in peace,ka Tonyang...
naiyak ako,kahit hindi pa kita nakilala personally.
Ikaw pa naman ang pinakagusto kong makita dito sa TF.
Kase humahanga ako sa talino at laki ng puso mo.
Wala kang katulad....
meteor
07-10-2007, 11:32 PM
Ka Tonyang,
Extending deep and heartfelt sympathy to you and to your family.
May your soul rest in peace.
andres
07-10-2007, 11:33 PM
Rest in peace ka Tonyang, and condolences to the family.
alive hero pa naman ang tawag ko sayo don sa thread mo,ang daya mo talaga iniwan mona kami,,sana masaya kana dyan kay lord kasi napakabait mong tao at ang dami mong natulongan,may you rest in peace,,your memmories will stay in my heart forever..AMEN:O
miyuki
07-10-2007, 11:44 PM
You May Rest In PEACE po ka TONYANG... Ang mga aral at tulong na naibigay nyo sa amin ay napakalaking DEPOSITO nyo kay GOD kaya alam ko pong masaya kayo sa kinaroroonan nyo ngayon. MARAMING SALAMAT PO sa lahat lahat !!!:halo:
luccia
07-11-2007, 12:04 AM
I was deeply grieved to learn of the sad demise of Tonette..
I know that we have not interacted directly with each other
but you are always /now in my thoughts.
MAY GOD IN HIS INFINITE MERCY, REST YOUR SOUL IN A PERFECT PEACE,
BECAUSE YOU ARE A GOD SENT WOMAN WITH OUTSTANDING AND
DISTINGUISHING CHARACTER. ...
My Sincere and Profound Sympathy
to the Family, Close Friends and Colleagues of Tonette Binsol.
SHAMPOO
07-11-2007, 12:55 AM
May you rest in peace Ka Tonyang...and condolence po sa mga naulila...
Firipinjin
07-11-2007, 01:26 AM
I am shocked to hear this. May you find everlasting peace Tonyang. My condolences to the people she left behind.
http://www.philippinestoday .net/2002/October2002/images1002/tonette.jpg
c2ny2
07-11-2007, 06:26 AM
Napanood ko yung interview sa iyo ni Carlo Tolentino sa itvjapan.com. Nakakapanghinayang ka talaga Ka Tonyang. Rest in Peace kasambahay kong Maam Tonette.
louvette_15
07-11-2007, 06:30 AM
condolence po sa mga naulila.
proud me
07-11-2007, 07:20 AM
May you rest in peace...Ka Tonyang...malaking bagay ang kawalan mo sa mga OFW...nakikiramay po ako sa mga naulila niya...
ichimar
07-11-2007, 08:07 AM
may you rest in peace ka tonyang.........:(
sachi807
07-11-2007, 08:08 AM
Condolence po sa mga naulila..
taurean06
07-11-2007, 09:01 AM
My deepest condolence po sa mga naiwan ni Ka Tonyang. Isa po kayong magandang halimbawa dito sa TF. Thank you for your nice threads and for all the support that you have shared with our fellow filipinos Ka Tonyang. May you rest in peace. Goodbye...
michiko
07-11-2007, 09:03 AM
nakakagulat at nakakalungkot ang news na to di ko naisip na si ka tonyang pala to kasi nakita ko ang thread title pero di ko kasi kilala kaya di ko binasa ngayon ko lang napagtuunan ng pansin.
may you rest in peace ka tonyang mamimiss ka ng kapamilya mo dito sa timog. my deepest condolences po sa kanyang pamilyang naulila.
may you rest in peace...:(
shakaijin
07-11-2007, 10:09 AM
i will never ever forget ate tonette (ka tonyang to a lot of pips)...
i've known her since about 5 yrs. ago.. definitely the most selfless, generous pinay here in japan...
thanks for all the memories te.. for all the advices, fun talks (naalala ko meron tayo common pinag-uusapan pag nagkkita tyo.. i'll miss that), big smiles (& great laughters), for all the help (even biz related.. IS will never forget u.. u've been a great part of us).. i remember telling pips sa events na ikaw ang pinakasikat na pinay dito sa japan.. everybody knows u.. naalala ko how excellent ur sales & people skills were! thanks sa lahat lahat ng tulong te.. i will really miss u! God bless you! Rest in peace te.. you've accomplished your mission here.. u deserve to have eternal peace and happiness w/ our Savior.. we love u! sincerest condolences to ate tonette's family...
(for those who know info on her wake, pls. kindly post them here.. i attended the mass last night, but there were no announcements yet, coz her relatives are just about to come here to japan.. or andito na ba?) salamat!
cutie_rei
07-11-2007, 10:15 AM
nakikiramay po ako...Ka Tonyang, may you rest in peace:(
honey
07-11-2007, 10:15 AM
Angel
-_DhIPwv59U
para kay kaTONYANG:(
aj_4983
07-11-2007, 11:43 AM
Condolence to her family.:(
DJchot
07-11-2007, 12:19 PM
nakakalungkot at nakakabigla...
may she rest in peace...
RODSKI
07-11-2007, 12:52 PM
Condolence po sa family ni Ka Tonyang:weep: :cry:
memyself&i
07-11-2007, 01:34 PM
ka tonyang may your soul rest in peace...
emyken1423
07-11-2007, 02:17 PM
Condolence po sa family ni ka tonyang............
aviationlady
07-11-2007, 02:18 PM
12193
Our love and prayers are with you Ka Tonyang... May you rest in peace.
halloween
07-11-2007, 02:30 PM
I still couldn’t believe it. Kelan lang may thread pa sha dito sa TF.
I don’t know you personally Ka Tonyang but you really strike me as a person who’d move mountains to help others. You have inspired me in so many ways. Sana maraming tao ang katulad mo.
Kung nasaan ka man ngayon, may your soul rest in peace.
PS
To the admin and moderators, is it possible to have a thread named after Ka Tonyang? lalo na yung mga volunteer works at charitable activities, para lagi nating shang naalala. She's really a big loss to the Filipino community in Japan.
I cant believe this,I was shocked,i just used to see her posting from time to time and now she's gone.
My condolences to the family and loved ones of Ka Tonyang.May her soul rest in peace.
la_tina512
07-11-2007, 02:40 PM
My condolences to the family of Tonette (a.k.a. Tonyang). My prayers are with you. May you experience God's love and comfort in this time of grief and sorrow.
japphi
07-11-2007, 04:12 PM
Just received this sad news this morning....hindi ako makapaniwala.....Met her personally last December at nagkausap nang matagal din.She's so smart,mabait...mapag pakumbaba,so selfless...na halos wala s'yang pahinga from her work..then sa mga projects nya na pagtulong sa mga kababayan natin.
Sabi ko nga na bigyan naman nya nang panahon ang sarili nya...ang sagot nya.."Once lang tayong dadaan sa landas na ito Japphi,kaya hangga't may oras ay dapat kumilos...pag huli na ay hindi na magagawa ang mga dapat gawin"....I was inspired sa out look nya sa buhay.
Lately,ay sa mga emails na lang ang communications namin....and her last email was...."Japphi...balik ka na sa TF at talakayan tayo ulit doon"....at nagpa-plano na magkita ulit sa Tokyo for 1 of her projects this coming August sana.
I will always remember Tonette in her Mizuho Bank's uniform,sayang at hindi kami nagkuhanan nang pictures.
Tonette,THANK YOU VERY MUCH...YOU will be missed by our co-members here but especially nung mga tao na natutulungan mo dito at doon sa atin.GOODBYE and MAY YOU REST IN PEACE,tulad nang sabi mo..."Once ka lang dadaan sa landas na ito"....Yes,Tonette...ON CE LANG........SELFLESS LY and PERPECTLY YOU HAVE DONE YOUR MISSION....Please be in peace and be HOME with GOD.
freegirl
07-11-2007, 05:38 PM
May you rest in peace po Ka Tonyang. Nababasa ko po dati ang mga post niyo na thread at nakakalungkot po isipin. My warmest condolence po sa family ni Ka Tonyang.
disney
07-11-2007, 05:41 PM
condolence po sa family ni ka tonyang
shenn
07-11-2007, 08:44 PM
rest in peace po ka tonyang...and thank you for everything...condole nce po para sa mga mahal nya sa buhay.
kings
07-11-2007, 09:02 PM
Your sudden departure has been bothering me. I am still trying to grasp the reality that you are now gone forever. No more emails for sudden lunch appointments?
What else can I say? We already miss you.
The finality of death has robbed me of the chance of openly expressing my gratitude and saying to you your much deserved thank yous.
Thank you very much for all the support and for being a very good friend and loyal lunch partner for the last 4 years I have known you.
Even after we parted ways as business partners and had numerous arguments, you continued to stay in touch and eat with lunch with me almost every week up to the early part of this year and were always ready to help I.S. in so many ways.
I was always amazed with your boundless energy and with your numerous endeavours. Your accomplishments were achieved of course with significant amounts of personal sacrifice and these have obviously taken toll on your health.
The numerous people who attended the mass in your honor last night was a fitting testimony to your well-lived life which has touched and enriched so many lives.
Indeed, it will be very difficult to follow your example...you have shown to us what a true Filipino can achieve.
Thank you very much, my friend...we will always remember you in our hearts.
Chibi
07-11-2007, 11:24 PM
Rest in peace ka Tonyang!!
nakakalungkot naman ang balita sumalangit na wa ang kaluluwa ni ka tonyang at sa pamilya nyang naiwan nakikiramay po
eviLwizarD
07-12-2007, 01:17 AM
This indeed came as a shock to me. I felt very sorry and distressed on receiving this sad news.
Although I'm just a newbie here and don't know Ka Tonyang personally, I am an over-zealous fan of hers here at TF. I am a reader of her posts and came to like, admire and fully appreciate her. Indeed she has a wonderful character.
They say God takes good people early, and it's once again proven. Perhaps God wants good people to help Him in His designs of the universe.
MAY HER SOUL REST IN PEACE.
Firipinjin
07-12-2007, 01:37 AM
deoleo247 posted this video on youtube as a homage to Tonyang:
H1XrKpV5sQw
MISAchan
07-12-2007, 02:07 AM
nakikiramay po sa lahat ng relatives ni ka tonyang...
M'am may you rest and peace......condolenc e to all of family of KA Tonyang....god bless you..
tingloy
07-12-2007, 10:23 AM
Tonette, the Otemachi Lunch Club will miss you very much. It won't be the same without you. You are always the pasimuno pag lunch time na. we will surely miss your presence sa Manhattan Blue Buffet. We always enjoy the discussions during lunch, mga kung ano-ano lang, buhay-buhay dito at doon, ol and salaryman life, tsismisan blues, etc... May our Good Lord give comfort to your family and people you have affected so much in so many ways in a very short time. Goodbye Tonette. Your special memories will live in our hearts and minds forever. Carlo
mr.kuripot
07-12-2007, 12:37 PM
May you rest in peace po KA TONYANG...
aleckxis
07-12-2007, 03:55 PM
This is very sad... nababasa ko lang mga post ni ka-tonyang dito sa TF and she's very smart and a very intelligent person... Nakapanghihinayang na ang isag katulad mo ka Tonyangay maagang lumisan sa mundo... may you rest in peace... our pnrayer for you...:(
nakikiramay po kami ng pamilya ko...
mamimo
07-12-2007, 05:44 PM
Rest in Peace Ka Tonyang
You will always be remembered.
PILIPINAS
07-12-2007, 09:21 PM
I'm actually waiting for her e-mail. Nagtataka talaga ako kung bakit hindi siya nag-respond sa mail ko, recently. Thanks to this forum, I got my answer.
She's now together with our Lord. And she's definitely at peace.
nasty
07-12-2007, 09:27 PM
condelence po sa family ni ka tonyang ,,may you rest in peace ma'am ,,we will miss your posts here in TF
japina
07-13-2007, 06:23 AM
ako rin po, condelence po sa family ni ka tonyang, we always remember you.
aki^-^
07-13-2007, 08:14 AM
condolence po
lalen16loves
07-13-2007, 11:54 AM
nawala ka man, sa lupa lang....pero dito sa puso namin , buhay na buhay ka KA TONYANG.....:) lalo na sa mga taong tinutulungan mo.........
WE LOVE YOU KA TONYANG:)
makino
07-13-2007, 03:13 PM
nakikiramay rin po ako sa pagkawala ni KA TONYANG at sa mga pamilya na naulila.
greatbarrier
07-13-2007, 05:20 PM
i may have not met you personally, ka tonyang, but a lot of people here vouch for your selflessness and sacrifices. kaya siguro maaga kang kinuha ni Lord. :) as st bernard puts it, death is the gate to real life.
you are the true example of a filipino. you may have left this world but for sure, you have left a legacy to those whose lives you have touched.
MAY YOU REST IN PEACE! & i pray that God grants your family the consolation for the loss of a loved one...
green_soda77
07-13-2007, 05:30 PM
KA TONYANG MAY YOU REST IN PEACE!
propinoy
07-13-2007, 06:22 PM
watch it:
http://www.itvjapan.com/asiancon.asp?Id=1
lenemen
07-13-2007, 11:56 PM
Mula nang maging member ako ng TF lagi kong binabasa ang mga threads ni Ka Tonyang at akoy humahanga sa kanyang mga adhikain lalo na ang pagtulong sa mga kapwa Pilipinong nangangailangan ng tulong at kalinga dito sa Japan. Bihira na ang mga katulad ni Ka Tonyang sa panahon na ito. Sana ay mayroon pang mga taong sumunod sa kanyang mga yapak at magpatuloy ng kanyang mga sinimulang adhikain. SUMALANGIT NAWA ANG KANYANG KALULUWA.Pinanood ko ang isang you tube dito na kuha noong ininterview siya at lalo akong humanga nang malaman kong dito sa KEIO UNIVERSITY (one of the top universities sa Japan)pala siya kumuha ng graduate course at sa MIZUHO Gink0(one of the top companies) din dito siya employed as assistant manager(securities) MARAMING SALAMAT SA IYONG PAGIGING MAGANDANG EHEMPLO BILANG ISANG NILALANG AT BILANG ISANG PILIPINO, IPINAGMAMALAKI KA NG MGA KABABAYAN MO. HINDI KA LANG ELITE SA KATEGORYA NG EDUKASYON DAHIL SA KATALINUHAN MO, KUNDI ELITE KA PA RIN SA KATEGORYA NG PAGIGING ISANG CRUSADER PARA SA KAPAKANAN NG MARAMI MONG KABABAYAN.
Kahit hindi kita na nakita sa personal isa ako sa mga naging tagahanga mo.Kahit nariyan ka na sa piling ng ating Poon, sana ay patnubayan mo pa rin kami dito.
MAY YOU REST IN PEACE, KA TONYANG.
fisher
07-14-2007, 02:54 AM
Ka Tonyang.......there will be a great EB in the heavens.....rest in peace while you wait for us........we are coming......one by one.
nokiko
07-14-2007, 12:13 PM
nakikiramay din po ako..
di ko man siya personally nameet, nakikita ko ang mga message at thread na pinopost nya di lamang dito sa TF kundi sa iba man ding site at humahanga ako sa mga hardwork at kontribusyon na naibigay niya...
kakabigla man ang kanyang papamayapa, sumasaludo ako sa kanya...
bonbon'79
07-14-2007, 07:25 PM
Condolence po sa pamilya ni Ka Tonyang... Kahit di ko po siya kilala, nakakabagbag lang po ng damdamin dahil masakit po yung mawalan ka ng isang kaibigan kahit through TF lang po.
Maraming salamat sa threads mo, Ka Tonyang... May you rest in peace...
efernao
07-14-2007, 07:42 PM
May you rest in peace Ka Tonyang and condolence to your family.
luckycharm
07-14-2007, 08:25 PM
Ka Tonyang ! Our prayers and thoughts will be with you and your family.
May you rest in peace and look upon us ..
We are very sad to hear this news.
houseboy
07-14-2007, 08:28 PM
Sad news....
May you rest in peace, Kapatid na Tonyang.
wolfgang
07-14-2007, 09:18 PM
nakikiramay po ako sa pamilya at mga naiwan ni Ka Tonyang.....
Condolence po sa pamilya ni ka tonyang...may you rest in peace...ka tonyang
summerghie
07-15-2007, 12:39 AM
this is a shocking news...di ko inexpect na si ka tonyang un name na Tonette ang tagal ko nakikita akala ko goodbye lang muna sa tf kaya di ko binubuksan yun pala si ka tonyang eh nawala na...
you made a name in tf but not just a simple name but a name that will always be remember because of your selfless , goodheart and soul....may you find your peace in god...
daddy_b
07-15-2007, 12:53 AM
Article in Philippines Today online re Ka Tonyang (http://www.philippinestoday .net/index.php?module=art icle&view=462)
Paalam, Tonette! May He take you in His bosom.
mikkie
07-15-2007, 12:43 PM
Isang nakalulungkot at nakabibiglang balita ang pagpanaw ni Ka Tonyang...hindi ko alam kung paano ko sisimulan at sabihin ang nararamdaman sa labis na pag kabigla....Kailan lamang,kinumusta nya pa ako sa pamamagitan ng PM..na ikina sorpresa ko dahil hindi ko akalain na natatandaan pa pala nya ako pagkatapos ng maraming buwan. Akoy kanyang kinumusta sa bagay na sa kanya'y aking hininging suhestyon at kumento kung ano na ang naging resulta.
Masasabi kong isa rin ako sa mga humahanga kay Ka Tonyang,at nagnanais na makita at makausap sya ng personal...subalit nakalulungkot man,itoy di na magkakaroon ng katuparan...
Sya ay naging isang napakabuting halimbawa sa lahat ng TF,sa mga OFW's.
Lahat ng kanyang mabubuting gawa ay hindi kailanman malilimutan...at lahat ng itoy nakasulat lahat sa aklat ng mga gawa sa langit..
Sa kanyang pong mga mahal sa buhay....sa pamamagitan po ng TF Forum,lubos po ang aking pakikiramay...
Peach
07-15-2007, 12:49 PM
On my personal level.. I would like to extend my deepest sympathy to the family of Ka Tonyang. Her deeds made our world a little more pleasant specially for children..
You will be missed Ka Tonyang!:tiphat:
seanty
07-15-2007, 08:11 PM
I'm speechless. May you rest in peace, Ka Tonyang!
hippyrose08
07-16-2007, 02:20 AM
MY CONDOLENCE AND MAY YOU REST IN PEACE KA TONYANG...
emviolet18
07-18-2007, 07:12 PM
CONDOLENCE..:(
May your soul REST IN PEACE Mam Tonyang....:ohlord:
adechan
07-18-2007, 07:52 PM
speechless.
shocked.
too early.
May God rest her soul.
PS
hindi ko mapigilang hindi umiyak, talagang nakakaiyak
ning2
07-18-2007, 09:18 PM
condolence po sa family ni ka Tonyang. may she rest in peace....
Condolence...:( May you rest in peace...
kalypso
07-19-2007, 05:45 PM
Always loved, never forgotten, forever missed.
Rest in peace, Tonette.
benihana
07-19-2007, 06:55 PM
I couldn't believe this, but I know that God is in control, may the strength of your character be the test of faith of all the Filipinos that you've work with.:( .....
In one way or another you have gained my respect because of your relent drive to help the needy. I know that you are in peace now......Sayonara.
alamagawa
07-19-2007, 08:07 PM
paalam Ka Tonyang......kitakit s na lang.....wala na magsasabi ng "pag-usapan nga natin to"......mamimis ka po namen........
shakey
07-21-2007, 08:48 PM
di man po tayo nag kakilala at nag kausap naway sumalangit nawa ang inyong kaluluwa...paalam po.
choelin_chas
07-22-2007, 09:40 AM
My heartfelt condolence to the family of ka Tonyang.May God give all the courage and strength to tide over this etreme loss and grief.
May the departed soul rest in peace.
:(
choelin_chas
07-22-2007, 01:50 PM
My heartfelt condolence to the family of ka Tonyang.May God give all the courage and strength to tide over this etreme loss and grief.
May the departed soul rest in peace.
:(
it's extreme...not etreme
twinklyblue
07-23-2007, 11:21 AM
it's a real shock .. I was one of those who had a brief conversation with her.
Ung nagchurch ako sa Meguro.. hindi ko man lang narealize na sya pala ung binabanggit nung Father.
Oh well, her life is not a waste. I do hope someone would follow her footsteps.
Condolences to her family.
Hensoldt
07-23-2007, 03:14 PM
Rest in peace, Ka Tonyang. :(
oh_darling
07-24-2007, 11:03 AM
Paalam po!!!!
webdev
07-25-2007, 04:23 PM
May error po sa AFSJ forum, dito ko na lamang po ako magpopost
Paalam ate Tonette.
Marami ang nabigla at labis na nalungkot sa maaga mong pamamaalam. Maging ako ay hindi rin lubos na makapaniwala. Bilang pasasalamat sa tulong na naibigay mo, alam ko kilala ka na nang marami pero isasalaysay ko pa rin kung paano tayo nagkakilala at paano mo ako natulungan.
Nasa 3rd year college ako noon. Dumating ang pagkakataon na walang wala na ako. Bagaman at may trabaho ako, nagkakasya lamang ito para sa aking asawa at anak. Ayaw kong huminto sa aking pag-aaral kaya minabuti ko na lumapit sa mga e-groups, filipino/ofw forums upang humingi ng tulong pinansyal. Ilang lingo at ilang sulat rin ang naipadala ko noon at halos mawalan na ako ng pag-asa dahil wala akong natatanggap na positibong tugon. Handa na akong ihinto ang aking pag-aaral pero sa pagpasok ko sa trabaho isang araw, nabasa ko ang email ni ate Tonette.
“Bakit ka namin dapat tulungan jonelo?”
Ito ang naging tugon niya sa akin.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon, sumagot ako sa email ni ate Tonette at sinabi ko na gustong-guto kong makatapos sa kolehiyo at habang ako ay nag-aaral o kahit matapos na ako sa kolehiyo, ay magiging kaisa ako ng tulong pinoy, sa mga gawain at adhikain nito para sa lipunan. Walang pag-aalinlangan ay tinulungan ako ni ate Tonette. Sa tulong na rin ng mga kaibigan nya dito sa pilipinas; sina ate Donna at Bro. Jayson, naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo.
Habang nag-aaral ako sa kolehiyo sa tulong ni ate Tonette, nagkaroon ako ng pagkakataon na makita sya sa personal sa unang pagkakataon. Sumama ako noon sa zambales kung saan isinasagawa ang “Aeta Literacy Program”
Doon ay nakasalamuha ko rin ang mga kapwa ko iskolar pinoy. Mga kapwa ko nakakapagpatuloy ng pag-aaral dahil may isang ate Tonette.
Sa araw na iyon ay lalo ko ring nakita ang lubos-lubos na pagmamahal na mayroon si ate Tonette sa mga taong may karapatang matututo ngunit walang kakayahan para maabot ito. Lalo akong humanga sa pagkamakabayan ni ate Tonette. Mga taong hindi niya kaano-ano, mga aeta na minamaliit ng ilan sa lipunan ay syang pinaglaanan ng salapi at panahon para makalaya sa kamang-mangan. Nakakatuwang makita ang mga nanay at lola na aeta na natutong magbilang. Kung walang ate Tonette, nakapagbilang kaya sila?
Natapos ko ang kolehiyo nang walang problema sa pera. Ang pang-tuition ko na humigit kumulang 15,000 peso bawat semester ay nanggaling sa iskolar pinoy program ni ate Tonette. Salamat sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Ate Tonette helped me become who I am today.
Simpleng tao ngunit handang tumulong at magbigay ng oras nang walang kapalit. Ate Tonette, sa puso at isip ng mga iskolar pinoy, mananatili ang ipinakita mong kabayanihan. Hindi man namin mapantayan ay gagawin namin itong patnubay habang kami ay nabubuhay. Bilang buhay na saksi sa iyong kabayanihan ay hindi ako magsasawang ikwento sa mundo ang mga nagawa mo.
It is realy hard to accept that we lost you - someone who is extending a helping hard extraordinarily but perhaps, God decided to take you from us because you have done so much for others, you are helping others beyond what God may have destined for you. Siguro sabi ni Lord, yung iba naman ang kumilos, dito ka na sa kaharian ko para makapagpahinga ka naman. Ganito na lang ang iisipin ko para hindi mahirap tanggapin na ganito kaaga ka namaalam.
Maraming maraming salamat po ate Tonette.
==================== ==================== ==
O God, Whose property it is ever to have mercy and to spare, we beseech Thee on behalf of the soul of Thy servant whom Thou hast called out of this world; look upon her with pity and let her be conducted by the holy angels to paradise, her true country. Grant that she who believed in Thee and hoped in Thee may not be left to suffer the pains of the purgatorial fire, but may be admitted to eternal joys. Through Jesus Christ, Thy Son, our Lord, Who with Thee and the Holy Ghost liveth and reigneth world without end. Amen.
STONECREST
07-28-2007, 09:01 PM
Rest in peace sis.Tonette and maraming salamat sa lahat ng mga tulong mo.
nasty
07-28-2007, 11:11 PM
May error po sa AFSJ forum, dito ko na lamang po ako magpopost
Paalam ate Tonette.
Marami ang nabigla at labis na nalungkot sa maaga mong pamamaalam. Maging ako ay hindi rin lubos na makapaniwala. Bilang pasasalamat sa tulong na naibigay mo, alam ko kilala ka na nang marami pero isasalaysay ko pa rin kung paano tayo nagkakilala at paano mo ako natulungan.
Nasa 3rd year college ako noon. Dumating ang pagkakataon na walang wala na ako. Bagaman at may trabaho ako, nagkakasya lamang ito para sa aking asawa at anak. Ayaw kong huminto sa aking pag-aaral kaya minabuti ko na lumapit sa mga e-groups, filipino/ofw forums upang humingi ng tulong pinansyal. Ilang lingo at ilang sulat rin ang naipadala ko noon at halos mawalan na ako ng pag-asa dahil wala akong natatanggap na positibong tugon. Handa na akong ihinto ang aking pag-aaral pero sa pagpasok ko sa trabaho isang araw, nabasa ko ang email ni ate Tonette.
“Bakit ka namin dapat tulungan jonelo?”
Ito ang naging tugon niya sa akin.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon, sumagot ako sa email ni ate Tonette at sinabi ko na gustong-guto kong makatapos sa kolehiyo at habang ako ay nag-aaral o kahit matapos na ako sa kolehiyo, ay magiging kaisa ako ng tulong pinoy, sa mga gawain at adhikain nito para sa lipunan. Walang pag-aalinlangan ay tinulungan ako ni ate Tonette. Sa tulong na rin ng mga kaibigan nya dito sa pilipinas; sina ate Donna at Bro. Jayson, naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo.
Habang nag-aaral ako sa kolehiyo sa tulong ni ate Tonette, nagkaroon ako ng pagkakataon na makita sya sa personal sa unang pagkakataon. Sumama ako noon sa zambales kung saan isinasagawa ang “Aeta Literacy Program”
Doon ay nakasalamuha ko rin ang mga kapwa ko iskolar pinoy. Mga kapwa ko nakakapagpatuloy ng pag-aaral dahil may isang ate Tonette.
Sa araw na iyon ay lalo ko ring nakita ang lubos-lubos na pagmamahal na mayroon si ate Tonette sa mga taong may karapatang matututo ngunit walang kakayahan para maabot ito. Lalo akong humanga sa pagkamakabayan ni ate Tonette. Mga taong hindi niya kaano-ano, mga aeta na minamaliit ng ilan sa lipunan ay syang pinaglaanan ng salapi at panahon para makalaya sa kamang-mangan. Nakakatuwang makita ang mga nanay at lola na aeta na natutong magbilang. Kung walang ate Tonette, nakapagbilang kaya sila?
Natapos ko ang kolehiyo nang walang problema sa pera. Ang pang-tuition ko na humigit kumulang 15,000 peso bawat semester ay nanggaling sa iskolar pinoy program ni ate Tonette. Salamat sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Ate Tonette helped me become who I am today.
Simpleng tao ngunit handang tumulong at magbigay ng oras nang walang kapalit. Ate Tonette, sa puso at isip ng mga iskolar pinoy, mananatili ang ipinakita mong kabayanihan. Hindi man namin mapantayan ay gagawin namin itong patnubay habang kami ay nabubuhay. Bilang buhay na saksi sa iyong kabayanihan ay hindi ako magsasawang ikwento sa mundo ang mga nagawa mo.
It is realy hard to accept that we lost you - someone who is extending a helping hard extraordinarily but perhaps, God decided to take you from us because you have done so much for others, you are helping others beyond what God may have destined for you. Siguro sabi ni Lord, yung iba naman ang kumilos, dito ka na sa kaharian ko para makapagpahinga ka naman. Ganito na lang ang iisipin ko para hindi mahirap tanggapin na ganito kaaga ka namaalam.
Maraming maraming salamat po ate Tonette.
==================== ==================== ==
O God, Whose property it is ever to have mercy and to spare, we beseech Thee on behalf of the soul of Thy servant whom Thou hast called out of this world; look upon her with pity and let her be conducted by the holy angels to paradise, her true country. Grant that she who believed in Thee and hoped in Thee may not be left to suffer the pains of the purgatorial fire, but may be admitted to eternal joys. Through Jesus Christ, Thy Son, our Lord, Who with Thee and the Holy Ghost liveth and reigneth world without end. Amen.
HATS OFF PO AKO SA INYO KA TONYANG,,,,,I MISSED A PERSON LIKE YOU IN MY LIFE,,,,MAY YOU REST IN PEACE.......
itchay
07-31-2007, 09:12 PM
Totoo nga palang maagang kinukuha ng Panginoon ang mga taong may mabubusilak ang puso...Ito ang unang sumagi sa isip ko nang mabasa ko ang thread na ito... Di po ako makapaniwala. Kahit ngayon, hirap pa rin tanggapin ng isip ko na wala na si Ka Tonyang.
Naway nasa kanlungan na siya ng Poong Maykapal at ginagantihan na siya sa mga kabutihan at sakripisyong ginawa niya rito sa lupa.
Ngayon ko lang po nabasa ang thread na ito. Nag PM po ako sa kanya kahapon. Pinaalam ko sa kanya kababalik ko lang dito sa Japan, at humihingi ako ng update sa iskolar ko. Medyo naging busy po ako sa atin at nakaligtaan ko yung contribution ko for this school year. Pupuntahan ko pa naman sana si Ate Tonette sa Meguro Church ngayong linggo. Sana po me makapagturo sa akin kung sino na ang nagdadala ng Iskolar Pinoy ngayon. Maraming salamat po.
ugnayan
08-01-2007, 02:20 AM
Kakabasa ko lang ang balitang ito.....nagulat din ako.....may mga pinagsamahan din kami ni Ka Tonyang....
May the God of Peace & Comfort be upon the bereaved family & friends of Tonette Binsol!
maytatsu
08-01-2007, 04:12 PM
kakalungkot naman ito, hindi na nga ako masyado nakakabasa ng tf ito pa sumalubong sakin :-( , i know we havent had a chance na magkita or kahit chika2x man lang, but andami kong natutunan sa mga post mo, we will surely miss u....
concernpinoy
08-02-2007, 02:41 PM
Its really a big loss for Filipinos in Japan. Nakakabigla! Sana may magpatuloy ng mga magagandang sinimulan mo. Again, RIP.
yasashi
08-02-2007, 02:56 PM
may you rest in peace po ka tonyang although di ko po kayo nakilala kasi bagohan pa po ako dito pero sa mga nabasa ko pong mga threads sa inyo you are really a heroe po..kakaiba po talaga kayo at yong mga nagawa mo..how i wish na nakilala pa kita sana at naging kaibigan..i know your now with god ..i hope may tao pa pong kagaya nyo..
gusto ko po sana malaman iyung last time na ginawa ni ka tonyang or yung last day nya kung sino ditoang me alam..nagkakasakit ba po sya lately? gusto ko po sanang malaman sana may magpost tungkol doon.
serenityjil
08-04-2007, 01:40 PM
para po kay ka m'tonette...
sa inyong paglisan maraming nalungkot...
hindi man po tayong nagkaroon ng pagkakataon magkakilala kahit minsan alam ko po na msaya kayo ngayong kapiling ang ating Panginoon...
para po sa lahat ng nagmamahal kay m'tonette huwag na po tayong malungkot dahil alam po natin na kapiling na sya ng Panginoon...
nawa'y ipagpatuloy na lang natin kung ano man ang naumpisahan na ni m'tonette...
kahit simpleng bagay na pagtulong sa ating kapwa...
marahil ay ikasasay na ni ma'am yun...
"lubos po ang paghanga ko kay m'tonette dahil sa likas na kabaitan niya sa kapwa niya..."
"at higit po sa lahat marami po ang nagmamahal sa kanya..."
kokorokara
08-07-2007, 12:57 PM
Kaya pala palagi kitang naalala,nang mga nakaraang araw,kasi ang dami nga natin dapat pang ituloy na mga projects na hindi matuloy dito sa Osaka...Nakaka shocked kasi this is my first time to open your thread since I arrived from Philippines,akala ko magiging busy kalang sa mga community service mo yun pala ay tuluyan ka nang mamamaalam sa amin....I just want to extend my Condolences to your Family,may your soul be rest in Peace.Hayaan mo,I knew you are one of the good example of a Filipino here in Japan,somehow, we can still continue your community projects with our own little way.I`ve (way.I@ve) learned many things from you KA TONYANG.alam namin lahat kung saan ka pupunta....I PRAY FOR YOUR SOUL.
fremsite
09-02-2007, 02:36 PM
Ka Tonyang ??? ... this is a very sad thread ... :(
huli man ako .. nakikiramay po ako sa mga naiwan ni Ka Tonyang ...
may your soul rest in peace ...
hayaren
09-12-2007, 01:09 PM
huling-huli man ako sa balitang to.....Ka Tonyang?
am shocked parang kailan lang nagreply ka sa email ko......maraming salamat and all the thoughts I kept for you, may your soul rest in peace.
Maruchan
10-26-2007, 06:00 PM
Kakalungkot at nakakagulat. Ang bilis talaga ng buhay.
Rest in peace, Ka Tonyang! I pray you're in heaven now sa dami mong natulungan.
listen
10-26-2007, 07:34 PM
sobrang nalungkot ako kay sis tonette..just rest in peace....condolence po.
cel1978
12-18-2007, 09:53 PM
May u rest in peace...
rhynissa
03-19-2008, 02:09 PM
eto pala yung thread na hinanap ko.. kakalungkot, almost 1yr na pala..
may you rest in peace!!!
power!
03-28-2008, 11:38 PM
Ka Tonyang salamat sa minsan naging kakwentuhan kita dito sa forum at friendster..Ngayon ko lang nabalitaan ito..at talagang ikinabigla ko..at ikinalungkot:( napakabuti mong tao..alam kong masaya kana ngayon sa piling ni LORD..paalam kaibigan:(
itchay
03-29-2008, 12:42 AM
she was indeed a woman of vision. and not just a woman of vision, a woman who went out to the world and worked hard to make that vision a reality.
i had the good fortune to chat with her a couple of times before the Sunday mass at Meguro Church. we had the same passion for the Philippine economy, or rather she started a fire within me to focus on that issue. i was at that time in the middle of my short training in Financial Planning. we had plans. but sadly cut short. she still has my FP books though. i hope she brought it with her to heaven. :)
hope you're happy where you are now, Ka Tonyang.
mariepippe02
03-29-2008, 12:58 AM
may u rest in peace ka tonyang!nakakagulat naman 1 yrr ka na plang wala d2 sa mundo kababasa ko lng ng mga tread mo at humanga ako syo!sna po yung mga susunod po syo ay magagawa rin po nla yung mga nagawa mo nuong nabubuhay ka pa.condolense po sa mga family ni ka tonyang!
ichigoichie
06-18-2008, 05:38 PM
may you rest in peace....
Megumi
07-03-2008, 09:46 AM
"Hello everyone,
It will be almost a year since our dear Ms.Tonette Binsol passed away. This July 6 (Sunday), there will be a mass for her at Meguro Church, 12nn organized by the OFW-Shien Cooperative. In case you'd like to attend, we plan to be in white blouse/shirt on that day. You may want to be with us in showing Tonette how we appreciate her work while she was with us even for a short while.
Let us all say a prayer for her soul specially on "that day" (July10). "
Fwd msg po from AFSJ e-group.
mrs-mymelo
07-03-2008, 11:23 AM
Kay bilis ng panahon,parang kailan lang.Kung nasaan ka man Senpai,alam ko masaya ka dahil naging mabait ka noong nabubuhay ka pa.Maraming salamat sa mga ginawa mong naging salamin na gumawa ng kabutihan sa kapwa.Nakapagpaaral na rin kami ng 15 scholars sa atin,at sana marami pa kaming matulungan.
myukasky
07-05-2008, 01:43 AM
Bilis ng panahon one year na palang di natin kasama si Ka tonyang. May u rest in peace...............
itchay
07-05-2008, 01:15 PM
"Hello everyone,
It will be almost a year since our dear Ms.Tonette Binsol passed away. This July 6 (Sunday), there will be a mass for her at Meguro Church, 12nn organized by the OFW-Shien Cooperative. In case you'd like to attend, we plan to be in white blouse/shirt on that day. You may want to be with us in showing Tonette how we appreciate her work while she was with us even for a short while.
Let us all say a prayer for her soul specially on "that day" (July10). "
Fwd msg po from AFSJ e-group.
kitakits po tayo bukas.. :)
japphi
07-13-2008, 11:55 AM
One year and a half na rin ang nakalipas mula nung una at huli kaming magkita ni TONETTE sa working place nya sa may OTEMACHI,main branch yata yon nang MIZUHO BANK.....took about 30 minutes sa isang coffee shop.......talking about life,her work and some of her projects wayback home........
Nakakalungkot na mabalitaan at gunitain ang isang kabayan na malaki ang pangarap para sa kanyang bansa at mga kababayan.....May she rest in peace with GOD.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.