PDA

View Full Version : Utang Nakakasira ng Friendship o Relationship?


honey
07-11-2007, 03:45 PM
Friendship - kaibigan o kakilala
Relationship - kamag-anak o karelasyon

pakidetalye na lang sagot nyo kung bakit HINDI o OO para maliwanagan lahat iba iba kasi tayo ng situation.Bawal po away dito a! kwentuhan lang.


OO .May kakilala ako na sya na ang nangutang ako ang sinisingil nya.Mahina kasi ako sa singilan at ayaw ko ng away.Wala kaming napag-uusapan kundi pera hindi naman ako nagkwento tungkol sa buhay ko dito sa japan kasi wala rin naman ako ipagmamalaki:D.Sa totoo lang kahit noon hindi ako nangungutang kasi wala akong pambabayad kaya nagtitiis kahit hirap.

Kamag-anak meron din kaso ang nakasakit sa akin e yung nangako pa hindi naman tinupad hindi na rin nya maalala ang utang nya hindi pa sabihin sa akin ng diretso na hindi mababayaran agad nagsinungaling pa maiintindihan ko naman dahil kamag-anak ako hindi ko sila aapurahin magbayad kaso umasa ako e pinaasa nila ako:(.

mga kabayan iba naman siguro yung HINGI sa UTANG diba!:p

v_wrangler
07-11-2007, 04:40 PM
The lesson is to never make pautang, simple as that. And if you have quite a lot of money to spare, consider it a dole out or a voluntary bigay. Which is a last resort if you don't mind making linta out of your friends or immediate relatives.

marivic
07-11-2007, 05:09 PM
The lesson is to never make pautang, simple as that. And if you have quiet a lot of money to spare, consider it a dole out or a voluntary bigay. Which is a last resort if you don't mind making linta out of your friends or immediate relatives.
We have the same views. Ang pagiging palautang ay ugali. Pag nagpautang ka raw,consider it as tulong na lang kasi mas malamang na di na i2 bumalik.

For sure,tayong mga nand2 sa abroad ay madalas makaranas ng pangungutang ng mga kamag-anak o kaibigan. Naranasan niyo na ba na cla pa ang magagalit sa iyo pag naniningil ka na? Ngayong tumanda na ako,marunong na akong tumanggi sa mangungutang. Ang katuwiran ko,pag hindi mo kaya,huwag mong hangarin.

Kung tulong naman sa may sakit,nagbibigay ako ng tulong sa makakaya ko lang. May fulfillment din kasi ang feeling na nakatulong ka sa nangangailangan. But never akong kumakagat lately sa mga nangungutang ng pangnegosyo kahit pamilya ko pa. Napakarami na kcg pagkakataon na nagbigay ako. Ang katuwiran ko ngayon...start something on your own at tutulong ako. Hindi yung "eto ang tulong,magnegosyo ka."

docomo
07-11-2007, 05:21 PM
minsan hindi maiwasan na hindi magpautang lalo na pag kamag anak mo ...kaya pag may humihiram ng pera sa kamag anakan ko.. hindi ko na iniisip na-mababayaran pa ako ... naka set na sa utak ko na tulong ko na lang .. ngayon kung ibalik nila salamat pag hindi naman ok lang din... pero isang beses lang sa akin makakahirit . the next na uutang ulet .. wala na dedma na ako :p

nakaka sira talaga pag pera na ang pinaguusapan.. root yan ng hindi pagkakasunduan .. kahit sino pa, anong relasyon pa ,basta pag pera na ..... mas maganda nga wag mag pautang kung hindi ka ready sa mga magiging kaganapan... pag nagpautang ka kase may tendency na hindi ka mabayaran sa tamang oras.. or pag minalas malas hindi ka na talaga babayaran.kaya kung di ka magpapa utang wala kang sakit na mararamdaman sa dibdib pag hindi ka binayaran ... :D

marivic
07-11-2007, 05:38 PM
minsan hindi maiwasan na hindi magpautang lalo na pag kamag anak mo ...kaya pag may humihiram ng pera sa kamag anakan ko.. hindi ko na iniisip na-mababayaran pa ako ... naka set na sa utak ko na tulong ko na lang .. ngayon kung ibalik nila salamat pag hindi naman ok lang din... pero isang beses lang sa akin makakahirit . the next na uutang ulet .. wala na dedma na ako :p

nakaka sira talaga pag pera na ang pinaguusapan.. root yan ng hindi pagkakasunduan .. kahit sino pa, anong relasyon pa ,basta pag pera na ..... mas maganda nga wag mag pautang kung hindi ka ready sa mga magiging kaganapan... pag nagpautang ka kase may tendency na hindi ka mabayaran sa tamang oras.. or pag minalas malas hindi ka na talaga babayaran.kaya kung di ka magpapa utang wala kang sakit na mararamdaman sa dibdib pag hindi ka binayaran ... :D
I agree with you na talagang minsan e di maiiwasan lalo na pag kamag-anak.Ganyan din ako,pahihiritin ko man pero minsan lang. Pag di naman kc nagbigay e napagbibintangang nagmamalaki na o madamot kaya.

angela777
07-11-2007, 05:58 PM
Ako naman po sa tutuo lang madamot ako magpautang,ang ugali ko kasi humingi ka nalang sakin huwag mo lang akung utangan,ayaw na ayaw ko kasi ng pangako na d naman tinutupad,mahirap magtiwala pag pera na ang pag uusapan,kaya pag miron mangungutang sakin tas malaki ang uutangin sagot lagi sorry po wala po ako budjet pangpautang,kadalasa n mga kakilala ko & friends ko lang naman ang mag try mangutang sakin,pag dating naman sa relatives ko hindi naman sila nangungutang sakin eh humihingi lang naman:D kaya ang style ko sakanila kaylangan valid reason at may limit lang pagkawalang wala talaga sila binibigyan ko,pagka kamag anak naman na walang wala binibigyang ko sila 3t pababa hanggang 500p,kahit maliit lang atleast nabibigyan ko sila kahit papano kaya ko sila mabigyan.

cute_aina
07-11-2007, 10:39 PM
sa experienced ko po minsan nga maski sarili mong kapatid nagkakaroon kayo ng gulo dahil sa pera ........ lalo na po siguro sa kaibigan basta tungkol sa pera marami po ang nagiging problema natin :confused: :confused: ako po hanggat maari ayokong magpahiram ng pera ng basta -basta dahil eto po ay aking pinaghihirapang kitain dito at kung uutangin lang at hindi mo pa alam kung kailan ka babayaran eh huwag na lang di ba hindi naman po ako maramot kaya lang iwas gulo na lang po ako sana po get nyo ang message ko ..... goodnight po sa mga tf :) :)

mOtt_erU
07-11-2007, 11:31 PM
~ saken hindi naman.............. depende sigurO....
pag umUtang tas nagbayad naman sa pinangako nya,-O- kaya kahit na~Late basta ini~infOrm naman ako, eh di hindi naman kame magkasira,.... perO pag hindi nagbayad,
o kaya nagpapalusot , tumatakas na, nagtatagO -O- kaya inuutakan nakO at oarang umutang na ini~Lista na sa tUbig ang utang nya eh ayun---- baka dun kame magKasira:D.....

infinite_trial
07-12-2007, 12:26 AM
ang pinakamahirap bayaran na utang at yung talagang nakakasira ng relasyon sa kamaganak ay yung utang na loob. gusto ko man bayaran ng pera na lang, e lalo naman inaabuso. kapag nagbigay ka...inaabuso, kapag dinedma...masama ka. magaling mangutang pero pag singilan, wala na...di mo na maririnig yung malalambing na salita, sila pa galit...tapos isusumbat pa sayo yung mga utang na loob. grrr...bakit ba di na nawala to sa culture natin?

makulit
07-12-2007, 12:37 AM
hindi ako nagkakaproblema pagdating sa utang sa mga kamag-anak, kapatid o kapamilya. hindi kasi sila nangungutang ... nanghihingi na lang :D inuuna na nila lagi na wala naman daw silang pambayad kaysa mangako na magbabayad. yung lang nakakasama ng loob dahil, pag nalaman ng isa na si relative A pinahiram ko, si relative B hihiritan din ako. Kadalasan, pakiramdam ko nasasamantala ako :eek:lalo na pag maganda ang mood ko na makipagusap sa telepono.

sa kaibigan naman o kakilala nalulungkot ako pag nanghiram tapos bigla na lang hindi magpaparamdam. senyales na hindi makabayad o ayaw magbayad.

emyken1423
07-12-2007, 09:56 AM
ako hindi ako mahiig mag pautang o magpahiram ng pera ........ kasi ayokong masira ang kahit na anong relasyon na meron ako sa kanila.......que kamag anak ko o kapatid ko pa...lalong lalo na kaibigan............ .......kasi dimo maiiwasan na mag kakaroon talaga ng mitsa ang kahit na anong relasyon na meron ako sa kanila...........iba-iba naman kasi ang paniniwala natin diba..............pe ro kung sa tingin ko naman eh kailangan na kailangan talaga nila.............dik o siya papa uutangin bagkus bibigyan ko na lang siya yung bukal talaga sa puso ko..............para kahit papaano di siya mapapahiya.......... ............kahit mga kaibigan ko pag nangangailangan sila di nila ako malapitan dahil alam nila na hindi sila makaka utang sa akin.....pero bilib ako sa kanila na kapag ako naman ang nangangailangan sila pa ang nag kukusa na pahiramin ako......tatlo lang kaming magkakaibigan pero ni minsan hindi pa kami nag away o nagkatampuhan....... ............13 years na kami magkakasama......... .hanggang ngayon may communication parin kami sa isat isa................. ......:D

coffee
07-12-2007, 10:14 AM
sa akin naman...
e may pasikipan,.. este, paluwagan pala kami dito.
tapos nun turn ko na , nanghiram sa kin yung isa sa kasali na medyo
close po kami, ng pera nga. magkasunod kasi kami so ang sabi nga
nya e pag-sahod balik nya. then, nun siya na, uuwi daw sya pinas so pagbalik
na lang daw nya... nun bumalikna sya, di ko na siya kasama sa trabaho, di na rin
sagot sa phone.
nung nagkita kami accidentally sa isang okasyon e binanggit ko sa kanya...
sabi ba naman na.... "a sige ipapaabot ko na lang ke ..." as in wala ng iba
pang word. matabang na sya sa kin.
saklap po!:(

LORIE
07-12-2007, 10:24 AM
hayyyyy pag pera talaga ang usapan sing lapad ng dagat ang tenga at ngiti ng tao. dami ko ng eksper-yens sa mga utangan isyu na yan at sawa na rin ako sa bulahan isyu kung papano babayaran .
Tama sabi ni sis emy "tumulong ka na lng na bukal sa loob mo" at wag na rin maghintay ng kapalit.
Gaya nga sa kabihan "its better to give than to receive":)

emyken1423
07-12-2007, 10:34 AM
tama ka diyan ........Lorie san.............magb igay ka na lang ng bukal sa puso mo ....kaysa magpautang ka pa ...tapos pag di na bayaran eh ikaw pa ang magkakasala dahil sigurado kung ano ano pa ang lalabas sa bibig mo sa sobrang galit or kung ano pa ang maiisipan mo........hayyyy naku lalo na mga kamag anak natin sa pinas dahil alam nila asawa ka ng hapon ...so iniisip nila marami kang datung............ma nghihiram tapos dika na babayaran.....sasabi hin pa balato mo na lang daw sa kanila yun kasi mayaman ka na...............:D :D :D :D ...............

Autumn
07-12-2007, 11:42 AM
hundred percent sira talaga relasyon pag dating sa pera..kahit sa mag asawa.kaibigan at kamag anak..
ilan na ba na kamag anak ko nakapang hiram..kahit isa walang nag bayad..ayoko nang maging pusong mamon..
magaling lang pag nangungutang..may amnesya na pag bayaran :mad:
hindi naman kasi napupulot ang pera..pinag hirapan ko yun ..ilang klase ba ng pag kain ang tiniis kong huwag kainin :rolleyes:..tapos ganoon lang..sila pa galit eto naman ako hiyang hiya maningil.. ay sus buhay nga naman..

ako kesa mangutang sa Tao kahit na kailangan kailangan..sa cash loan ako lumalapit..ayoko kasi mag molestiya sa kapwa ko..kesa mag mukha kang kaawa awa sa harap ng kaibigan at kamag anakan..

angela777
07-13-2007, 12:14 AM
ako din kaya hindi na talaga ako nagpapautang,may nangutang kasi sakin dati tubuan nya daw 10% kaya pumayag naman ako ay naku hanggan ngayun may balance padin ilang taon na nakalimutan nya na yata kaya kung dati close talaga kami natutulog pa sila minsan sa bahay ko,ngayun nawalan na ako ng gana sakanila,ang ginawa ko para mabayaran nya kahit kalahati, yung kapatid ko naniningil sakanya,binigay ko na din sa kapatid yung nasingil nya na inutang ng friend ko.....tas nung umuwi nanaman ako sa pinas last year bago palang kami nagkakakilala inuutangan na agad ako ng 50t tubuan nya din daw 4% hanggat hindi nya naibabalik ang pera eh aalis na ako pabalik dito sa japan,sabi ko nalang sakanya pasinsya na po wala po ako budjet pampautang kasi nagpaayos din ako ng bahay namin,katatapos lang kasi ng bagyo tas uutangan ako....samantalang sya may work naman sya sa ofc goverment at ang asawa nya seaman ang trabaho....nung nakaraan buwan nagttxt ang sister ko kinukulit daw ang sister kung miron na daw ako,hindi nya parin nagegets na ayaw ko magpautang...kaya sure ako pagnagkita nanaman kami nun sa pinas followUP nanaman yun ng inuutang nya,kasi kasyo naman daw ibanko ko ang pera kunti lang daw ang tubo eh ayaw ko nga mag pautang d nya padi magets.ayaw ko kasi ng sakit ng ulo at hindi ako marunong kasi maningil..

angela777
07-13-2007, 01:17 AM
Nakakasira talaga,kasi kung dati close friend kami, tuloy ngayun close door na:D

YAN
07-13-2007, 03:23 PM
Yes mahirap talaga pag usaping pera,kahit gaano mo kaclose,pag nagkasiraan na ng tiwala,wala na.Ewan ko ba naman kasi kung bakit ganon na lang ang tingin ng mga kamaganak at kakilala natin sa ating mga nagbabalikbayan,na mayaman.Ako madalas namin pagtalunan ng momi ko yan,paguuwi ako sa atin,bago pa lang ako umuwi sinasabi ko na sa momi ko na ayoko na pag dumating ako kung sino2 ang lalapit para manghiram ng pera,OO may pera ako,para gastusin habang nasa pinas,ipangrelax kahit konti and to give myself a reward pero hindi ako nagtrabaho para IPAUTANG ang pera,minsan pa may mga pupunta,gusto ka lang daw makita,pero kung ano2 na iaalok,lupa,kotse,ku ng anik-anik,SUS,as if naman na nagpala ako ng pera sa japan,pagdi ka bumili,masama pa ugali mo,madamot,kuripot.N atural lang magkuripot dahil di naman pinupulot ang pera sa abroad.Di talaga maiiwasan ang ganon,i know,lalo na mga kamaganak na nagigipit,pero LETS FACE IT guys,totoo naman diba na paguuwi tayo sa pinas,e hindi kasama sa budget natin ang pautang,kaya pag nautangan ka,promising na ibabalik agad,tapos hindi naman,sira na talaga ang budget di ba.Kaya minsan kahit gusto ko umuwi,parang tinatamad na ko,mga tao kasi sa pinas,tingin sayo BANGKO pag galing kang abroad:rolleyes: :eek: :D :mad:.Masakit pa nyan pag dumating ang time na ikaw naman ang may kailangan,wala kang mapala.

g33k
07-13-2007, 05:26 PM
talagang nakaksira sa relationship yang utang na di binayaran or di naibigay sa oras na napagusapan.

pero lets come to think of it, we are just an emotional being who can't resist to hand a help to those in need. grrrrrrrrr... nakakasama man ng loob pero its true sometimes or most of the times, emotions is higher than our brain... :O

honey
07-14-2007, 03:51 PM
Kapag sa mga kapatid ko ibinibigay ko na lang ang pera kasi kapatid ko sila mahirap wala rin naman pambabayad sila ang tinutulungan ko :).


May mga nangutang din sa akin o binigyan ko ng pera kaibigan at kamaganak merong abusado at hindi.Kapag nakatulong na ako sa isang kamag-anak hindi na mauulit sa ibang kamag-anak naman para pantay pantay matuwa man sila o hindi kulang man o sapat ang tulong ko.

summergirl
07-14-2007, 04:57 PM
Sa akin namang opinion ,hindi naman nakakasira,pag nangutang sya sa akin at di sya tumupad,bahala sya pero di na sya makakaulit,kasi minsan may dahilan kaya nangungutang kung emergency lalo na..Nasa personality ng tao pero kung iyon ang ikakasira ng friendship namin,nasa kanya iyon dahil sya na nga angtinulungan at sumira sya pa ang galit.Ano yun..

bonbon'79
07-14-2007, 06:26 PM
Oo, dahil naranasan ko rin kung paano kami nag-away ng pinsan ko ng dahil lang sa utang niya. Kasi January last year, wala siyang pera. Tinanong niya ako kung may hinihiraman ba akong pera. Kung pwede sana siyang makahiram. Meron nga akong hinihiraman noon sa school namin dati. Dahil hindi pwede outsider sa loan na ito, pangalan ko ang inilista ko sa kasamahan ko. First payment, kinaltasan ako sa sweldo ko dahil nga akin yung pangalan. Kinausap ko siya para singilin pero walang naibigay. Sa susunod na bayad na lang daw. Ok lang sa akin, sabi ko. Pangalawang payment, di pa rin siya nakabayad. Ako pa rin. 3rd payment, binayaran niya ako ng 1/4 lang ng utang niya. Last payment, nagbayad din siya ng 1/4 din. Wala na akong utang sa kasamahan ko after 4 kaltas sa sweldo ko. Ang ginawa ko, siningil ko ang pinsan ko ng half na utang niya na di pa nababayaran. Binigyan ako niya ako ng 500 lang. Dapat daw sana, 1000 yun kaya lang daw siningil din siya ng security guard na inutangan niya ng 500. Kaya hinati niya ang pera niya sa amin. Tumulo talaga ang luha ko dahil birthday ng anak ko kinabukasan at ang 1000 na yun sana ang pandagdag sa handa ng birthday niya. Hintayin ko na lang daw ang loan niya sa TSKI (loan para sa mga maliliit na business tulad ng karinderya, sari-sari store, etc.) Araw na ng loan nila. Bago ko siya siningil, kinabahan talaga ako na parang di ko na naman siya masisingil ulit. Pumunta ako sa bahay nila. Hindi nga ako nagkamali, wala daw siyang pera. Siya pa ang galit sa akin. Tumulo na naman ang luha ko at tumalikod na lang sa kanya. Umuwi ako ng bahay, nanood ng tv at kinain ko na lang ang siomai na binili ko sa canteen namin (20 na siomai lahat yung nakain ko sa sobrang inis). Sinabihan ko pa siya na huwag na lang niyang bayaran. Sa kanya na lang yung pera. A night after that, kumain kami ng dinner ng asawa ko kasama ang bayaw ko. Dumating yung pinsan ko. Ininsist ba naman niyang 1000 daw ang binayad niya sa akin last time. Galit na galit talaga ako noon. Bakit pa siya pumunta roon sa bahay nang dahil lang sa utang na iyun at kinalimutan ko na iyon. Hay, talagang tumayo ako sa harap niya at nagsisigaw na talaga ako na 500 lang ang ibinayad niya. Lahat ng kapitbahay namin, lumabas na ng bahay nila para maki-usyuso sa amin. Grabe talaga ang tagpong iyon. Sa sobrang inis at galit naman ng asawa ko, sinuntok ba naman ang mesa at yung plato niya nahati sa 2. Grabe talaga ang pinsan kong iyon. Tinawag pa yung tiyuhin ko (tatay niya) dahil nag-aaway na kami. Tresspassing pa siya, ha? Hanggang ngayon, di pa rin nababayaran yung utang niya sa kin. Sa kanya na lang iyon. So far, sa ngayon, nalulugi na siya sa negosyo niya at di na umaasenso ang buhay ng pamilya niya. Sabi nga ng lola ko (tiyahin ng nanay ko), once na iniyakan mo raw ang taong umutang sa iyo, magkakanda-malas-malas na daw ang buhay niya... Bahala na siya...:)

Sa ngayon naman daw, ipinagkakalat niya sa mga taong inuutangan niya, di raw siya nanloloko ng mga inuutangan niya. Ipagdadasal ko na lang siya... So be it...

serenityjil
07-14-2007, 06:41 PM
ako pagdating sa utang, dyan po ako madaling maloko ng kakilala, kaibigan o khit kamag-anak pa...
meron akong kakilala dati pahiram daw ng pera kasi nasa ospital ang tatay nia syempre po hindi ko naman po kaya tumanggi dahil takot ako na sisihin ako pag may nangyaring masama sa tatay nia... ang masakit kasi don nag-promise sya na magbabayad nung deadline damie excuses hanagang ako na lng ang nahiyang maningil... ang nakakalungkot pa eh parang walang puso kasi kahit sabihin ko pa na anak ko naman ang may kailangan eh deadma pa rin sya...
tapos my kamag-anak naman ako pinagkatiwala ko dati sa kanya yung pera ko ang usapan kapag malapit na akong manganak eh kukunin ko na sa kanya yung pera... nung kinkuha ko na ang sagot eh hindi nia kagad mababalik kasi nasa utangan, binigyan ko ng two months na palugit ang sagot naman nia eh isipin ko na lng daw bayad sa utang na loob, na upa ko yon sa kanya at eto pa isipin ko na lang daw po na makapal daw ang mukha nia at muka daw syang pera...
sa kaibigan naman maganda usapan nung nanghiram nung deadline na ang sagot ng asawa nia eh mas uunahin ko pamilya ko kesa sa pamilya ng iba... ouch talaga...

kaya ngayon kapag may nanghihiram eh uunahan ko na kagad na kailangan ko rin ng pera kaya kelangan ibalik din kagad sa akin sa deadline na sinabi nia...

kahit ayaw ko kasi mahirap naman tumanggi lalo na kapag kelangan... kaya go pa rin ako... ok na lang kahit medyo maskit kapag may iba pang nasasabi kapag deadline time na...

bonbon'79
07-14-2007, 06:54 PM
Ngayon pag may manghihiram ng pera sa akin, pinapahiram ko. Pero di ako naniningil. Hinihintay ko na lang kung kelan niya ibabalik sa akin ang pera. Kung ibabalik niya, salamat. Kung hindi, ok lang. Tulong ko na lang sa kanya iyon. Pero di na talaga nakakaulit yung pinsan kong iyon. Masasakit na salita pa ang narinig ko sa kanya. Na kesyo daw ganyan, kesyo daw ganito... Marami na daw siyang pabor na ginawa para sa akin...

Meron din akong kapitbahay na pinahiram ng pera last May 2006. Hanggang ngayon, di pa rin nakakabayad. Hay, buhay.... Pulos pangako lang ng pangako.. Di naman tinutupad...

Mabuti sana yung perang hinihiram nila eh 10, 20, 50, 100 lang. Masakit pa doon kasi ilang libo pa ang hinihiram nila, di naman binabalik. Kahit nga 10 lang, nahihirapan na tayong magpahiram pag sa Pilipinas pa lang tayo. Hirap ng buhay sa Pilipinas, ha?

Nakokonsensiya din kaya ang mga ito? :rolleyes:

angela777
07-14-2007, 10:11 PM
Hehe:Dikwento ko lang po sainyo karanasan ko..natatawa nalang kasi ako pag naaalala ko....1 time nangyari sakin pumunta ako sa bahay ni sister ko,nakatira ang sister ko sa isang baranggay ang lugar,minsan kasi pag nasa pinas ako enjoy ko lang ang sarili ko makita ko lang at makasama ang family ko....biruin mo kagigising ko lang sa umaga,kauupo ko lang sa upuan sa balconey ng bahay ng sister ko,syimpre uso din yun saamin kahit umaga palang may nangangapit bahay na agad.....inaatok pa nga ako mga bandang alas 7 kasi ako nagising bigla tumunog ang celpon ko akala ko si hubby tumatawag sakin yun pala kakilala ng mother ko mangungutang daw ng 10t ibabalik lang daw kaagad,eh ako naman hindi ako nagdadala ng perang malaki pag nasa ibang bahay ako sa pinas...sa tutuo lang po nahihirapan din ako sumagot or tumanggi kaya lang dapat ilalagay din sa tamang oras pag mangungutang diba po..natawa nalang ako:D

honey
07-14-2007, 11:27 PM
Isang araw me tumawag sa amin kakilala ng mama ko ako sumagot sa telephone.Kinausap ko na rin kasi kakilala ko sabi nya ako daw talaga sadya nya at hindi mama ko kasi uutang daw sya at alam na raw ng mama ko yon ako naman walang kaalam-alam tas binebentahan pa ako ng gamit nya kasi naghiwalay na raw sila ng asawa nya na totoo naman.Hindi ko sya pinahiram kasi wala naman akong pera non dahil ikakasal kuya ko noon.Hanggang makauwi mama ko tas sabi ng mama ko hindi daw nya alam ang pinagsasabi ng kaibigan nya malamang nagsisinungaling daw:eek:.Ano ba yun! nakakaawa din pero wala naman ako magagawa kasi sa akin lang din umaasa ang mga tao sa amin hindi din mayaman asawa ko:(.

makulit
07-15-2007, 01:25 AM
pa share din ako ng experience. hindi ko makalimutan yon ...

5 years ago, buntis ako noon sa anak ko, yung kapitbahay namin, hindi ko nga kilala, nagpunta sa bahay at nangungutang ng 20K. Isasanla daw nya yung oven ng bakery nya as collateral. never akong tumanggap ng collateral, feeling nagigipit na yung tao, gigipitin ko pa.

pinahiram ko ng 15000 tapos sabi ko nga wala akong cash, mag issue ako ng tseke, encash na lang nila sa bangko malapit lang naman. at usapan namin babayaran nila ako ng 500 pesos every month hanggang matapos. kahit saan hindi ka makakakita ng ganong setup. kasi nga naawa ako.

e 5 years na po ngayon mahigit, hindi pa rin tapos magbayad ... sabi ko sa nanay ko, huwag nang singilin. pag nagabot salamat, kung hindi naman, huwag nang kunsumihin ang sarili nila.

Tarena314
07-15-2007, 03:33 AM
Ako kung kukwentahin ko ang mga pautang ko siguro makakapagpatayo na ako ng isang simpleng bahay..,pero wala eh..,hindi ako sila masingil kase karamihan sa kanila ay mga kamag anak ko..,hindi ko magawa maningil kase alam ko namang wala pa talaga maibabayad..,pero pag umuuwi ako ng pinas ay humihingi sila ng despensa at lagi naman silang nangangako na magbabayad basta magkaroon sila ..,kaya lang .....kaylan pa minsan nagigipit din ako eh...,minsan yung ibang kapatid ko ang naniningil sa kanila ..,yun minsan nabibigyan lang sila ng kunti ..,ito ang mahirap talaga sa may asawang HAPON..,ang iniisip ng mga tao hindi tayo nagigipit din ..,laging isip.... PERA....,PERA...,at PERA....,:mad:

tomika_77
07-15-2007, 03:36 AM
Yung friend ko pinautang nya yung isang filipina dito two years ago pa yung utang hanngang ngayon di pa rin nababayaran. Pagsinisingil nya eh nagagalit pa sa kanya di daw sya makapaghintay magbabayad naman daw sya. Ngayon pag nagkikita sila nitong girl eh dinedeadma na sya sabi ko sa kanya na huwag na syang umasang babayaran pa sya nitong girl.

mamimo
07-17-2007, 02:43 PM
I have a friend almost 9yrs kaming magkasama after kong mag-asawa lumapit sya sa kin patulong mangutang sa asawa ko, the amount is 800K:D, nung di pahiramin di na ko pinansin kahit sobrang effort akong explain na di ko mapilit ang husband ko na maglabas ng ganung amount. Its a sad experience but enlightening as well.:)

majime22
08-23-2007, 11:53 PM
ive had also bad experiences about utang:mad: :mad: :mad:

utang-ii koto wa inai desu...soredake;)

la_tina512
08-24-2007, 08:54 AM
Kung immediate family naman like mga kapatid ko or close na kamag-anak hindi naman nakakasira ng relasyon. Kahit nga sa mga kaibigan lang hindi pa rin nasisira ang relasyon kahit na walang bayarang mangyari. Kaya nga lang, hindi na makakaulit. Una kasi mismo ang nangutang nahihiya ng lumapit kasi nga hindi pa nakakabayad sa unang inutang. Wala naman tayong magagawa kung wala pa ngang pambayad. Pero don naman sa ugali na talagang mangutang, sakit na 'yon. Para hindi malubog sa utang ang ganong klase ng tao kung makaka-encounter kayo huwag na lang pautangin.

aj_4983
08-24-2007, 10:37 AM
NO=Kung nagkaroon ng kasundaan about kung kailan babayaran at nagbayad naman on time, no problem di ba?

YES=Kung sa kabila ng pangako na napako. O di naman e pinalista na lang sa tubig aba ibang usapan na yun:D

pagkatapos pautangin diyan malalaman kung masisira ba yung relasyon o pagkakaibigan niyong 2.:D

fremsite
09-02-2007, 01:57 PM
The lesson is to never make pautang, simple as that. And if you have quite a lot of money to spare, consider it a dole out or a voluntary bigay. Which is a last resort if you don't mind making linta out of your friends or immediate relatives.


hello honey san ... yes .. i voted yes for the same reason as v_wrangler san ... kung magpa-utang man ako .. hindi ko na ini-expect na babalik pa sa akin ...
kung babalik man .. salamat naman .. kung hindi ... that is my problem .. ako nagpa-utang kasi .. :) teka .. may ipapa-utang ba naman ako ? :confused: ......... :p

cheftonio
10-09-2007, 02:47 PM
wag magpautang. marami ang nagaaway dahil sa pera.

eto ang tinuro sa akin ng magulang ko. pagmagpapautang ka, maghanda ka na hindi na babalik sayo yan. isipin mo na ipinamigay mo na ang pera mo. wag ka maningil.

Hensoldt
10-09-2007, 03:05 PM
Naranasan ko na yang may mangutang sa akin.

Sa simula napakabait sa iyo, kulang na lang halikan ang paa mo. Pero kapag singilan time na lumalabas na ang pagkabalasubas kesyo wala daw pera, kesyo gipit daw, pero kung ano-anong walang kuwentang bagay naman ang pinagbibili at kung saan-saan nakakarating, yan ba ang walang pambayad ng utang, o ayaw lang magbayad? Eh kung nilagay ko na lang sana sa bangko ang perang pinautang ko, kumita pa ko sa interes.

Di bale sana kung humihingi ng tulong, eh magbibigay ako nung kaya ko at hindi na aasa na bumalik yung pera dahil tulong ko na iyon eh, pero kung lalapit sa akin at sabihing mangungutang pero balasubas naman pala, eh bullsheetan na yan.

Kaya hindi na ako magpaputang, bigyan ko na lang sila ng sketch papuntang bangko, doon sila mangutang.

aki^-^
10-09-2007, 09:32 PM
Madami na umutang sa akin...akala kase nila pag asawa mo hapon.. madami ka ng pera.. pero yung iba tinutulungan ko lalo na kamag anak ko...kahit alam kong wala na silang pambayad...kung magbayad..salamat kung hinde. hayaan ko na lang.. Sabi kase ng asawa ko, mas maganda na yung ako ang tumutulong kesa ako ang humihingi ng tulong.. malakas lang siguro manalangin kamag anak ko dahil hindi ko sila matanggihan..heheheh e:D

sky
10-10-2007, 12:06 AM
hindi lang friendship ang nasisira ng utangan blues .pati buhay mo uutangin pag ayaw kang bayaran :eek:

superb
10-10-2007, 12:14 AM
bakit nga kaya ganun yung mga may utang pag siningil mo sila pa galit sayo:nono: , kaya ako pag kamag anak ang umuutang isa at dalawang beses lang sila makakahirit sakin pag walang binalik kahit singkong duling wala ng chance sa pangatlo, sa friendship naman nadala na ako umutang ng sampung lapad super drama pa ko kay hubby tapos tinakbuhan lang ako.:banghead: kaya ayun nag ka phobia na yata ako sa pakikipag kaibigan, pag pera na usapan alis na agad ako:shutup:

Inday_36
05-12-2008, 05:54 PM
hindi.
nasa pag uusap yan.
at wag lang mag pautang ng sobrang laki, para di nyo isumpa yung umutang sa inyo.

japhil
05-12-2008, 06:37 PM
pasali po. . .me na alala tuloy ako about sa utang yung kapatid ng mommy ko kinuha nya dati yung padala ko sa mommy ko na 50 lapad bigay or regalo sa akin ng byenan ko after kong manganak:banghead:

simula noon hanggang ngayon di parin ako nababayaran ng tita ko maski singkong duling at ako pa ang inaway ng anak nya dahil naniningil ako, pina door to door ko po kasi yung pera year 1996 po nangyari kaya wala pa pong mga PHILIPPINE BANK dito sa japan uso palang po noon ehhh door to door. sinabi po sa akin ng tita ko nahiramin muna nya yung pera wag daw sabihin sa mommy ko na kinuha na nya yung pera, pero sinabi ko parin po sa mommy ko dahil kailangan po ng mother ko ang pera.


ayun sa awa ng dyos matatanda na sila at yung mga anak ng tita ko ehh tuluyan ng nakalimot sa kinuha ng mother nila, kala ko after nilang makatapos ng pag-aaral at magka trabaho ehh mababayaran na nila ako HINDI PA PALA:mad: at mukhang kami pa ang me utang na loob sa kanila kaya hanggang ngayon hindi ako nalapit sa kanila. kinalimutan ko narin yung kinuha nilang pera. . .pero yung pagtingin ko sa kanila hindi na mababago yun. pero nalang kung bayaran nila ako or humingi sila ng patawad at aminin ang kasalanan na ginawa nila:cool:

pahabol po yung pera na 50 lapad na pinadala ko para sa mommy ko pinang sugal lang ng tita ko at ng asawa nya madjong po :(

barabara
05-12-2008, 07:21 PM
hindi.
nasa pag uusap yan.
at wag lang mag pautang ng sobrang laki, para di nyo isumpa yung umutang sa inyo.
ako pag me umuutang sa akin sa pinas man or japan, sinasabi ko bibigyan na lang kita kung ano ang kaya ko, iyong alam kong makakatulong sa kanya:Dpara ala problema:Dtapos nahihiya na silang umulit uli kasi bigay lang at di utang:D:D

yukio_cris
05-18-2008, 03:03 AM
na ipost ko na ata ito. hindi naman ako actually inutangan at first lang alam naman wala ako trabaho uutanagn pa ako so wala ako napautang, sabi niya gamitin nalng daw yung pangalan ko para madagdagan ang pambayad sa ospital sa nanay nyang naoperahan, madaling pakinggan at may trabaho namn yung tao so pumayag kao. 30lapad inutang niya at gumawa ako ng kasulatan na may hangko nain dalawa as a deal na kailangn hindi siya masira for ten consecutive months. At first at eased ako kasi wala siyang tawag at walang tumatawagt at naniningil sa akin. then nagulat nalang ako the next month na may tumawag sa akin late nadaw ako ng three days ni walang hoy hi ang babae kong kaibigan, nagulat pa ako at ako ang siningil oo dhil pangalan ko nga naman, kinabahan na ako at tinawagan ko yung si friend,sumagot namn at gagawa daw paraan,nakagawa namn till next month nanamn ang lumipas, na late nanamn siya ng bayad until i realize na bait parang iba na ata ito, nawawala siya sa ere pag bayaran kesyo naghahanap etc, ako ang tumatawag at nakikiusap sa inutangan niya, na tipong dumating pa yung time na tinawagan ang asawa ko sa cp niya regarding pakisabi sa asawa mo tumawag sa akin, you know guys first time in my 28years nagyari ito sa buhay ko,isang kaibigang pinagkatiwalaan,then eto na napuno na ako at pinuntahan ko siya at nagkita kami sa malpit sa bahay nila, lately lang sabi ko pakitapos na ang utang mo at matapos na din ang pakikipag ugnayan o kaibigan ko ssa iyo, nangunsensiya pa na kesyo nag kulaps daw siya o mahina na ang loob dahil sa asawa, ano ba yun wala na ako doon, diyos na kako bahala sa mga sinasabi niya... sabi ko pag hindi mo pa tinapos to kukunin ko na yung passport niya...grabe pagod ko buwan buwan at na trauma na ata ako dito sa kaibigan ko. kapwa pilipina grabe talaga...diyos ko :cry:

5th_Horseman
05-18-2008, 07:05 PM
God knows hudas not pay....

mamimo
05-19-2008, 02:28 PM
Nasisira talaga ng utang ang relasyon kapag may hindi marunong tumupad sa usapan lalo sa bayaran tapos gagawin dahilan ang naging samahan para unawain but to the point na abuso na. Let`s accept the fact na minsan ang uutangan nating kaibigan hindi ganun kayaman pero dala ng "awa" nilalabas ang konting naitabi at ipautang sa kawawang kaibigan in good faith na maibabalik sa kanya ang pera sa takdang panahon. Ang pangit sa ibang tao na hindi na nga makabayad hihirit pa sa nagpautang sa kanya na "mukha kang pera", "para kang di kaibigan", "wala kang awa", blah blah blah. Pag tayo ang may mali wag defensive at wag magpalusot, makipag-compromise sa terms ng pagbabayad o humanap ng remedyo.

bluesapphire
05-19-2008, 04:51 PM
ang turo sa kin ng hubby ko, never to make pautang, mahirap maningil.. kung anong hirap tumangging magpautang,mas mahirap maningil;)

Iro_otoko13
05-19-2008, 05:51 PM
Mas gusto kong mangutang sakin tapos huwag bayaran para next time hindi na makakautang sa akin at may lakas na akong loob na tumanggi magpa utang. Siguro naman mahihiya na mangutang yung tao na yun sa susunod hanggat hindi niya nababayaran yung utang niya before.

Problem is sana huwag malaki ang uutangin sa unang utang hehehe:D



Sayang naman yung mga magagandang samahan na nauuwi sa wala dahil sa money:( sad but lots of cases like this lalo na sa atin sa Pinas.

Akala ko sa Pamilya lang namin yung samaan ng loob pag dating sa money money na yan. Walang utang na loob, hindi marunong magshare ng blessing and so on. Its kinda relieving to know that my Family is not just the one experiencing this from relatives.

Agent007
05-19-2008, 06:03 PM
Mas gusto kong mangutang sakin tapos huwag bayaran para next time hindi na makakautang sa akin at may lakas na akong loob na tumanggi magpa utang. Siguro naman mahihiya na mangutang yung tao na yun sa susunod hanggat hindi niya nababayaran yung utang niya before.


Pwede ba akong mangutang sayo? :D PM kita ha. hehe! :D

On topic, very risky talaga ang pagpapautang. Kaya dapat kung kinakailangan, yung sapat lang at di masyado mabigat yung ipapautang. ;)

mamimo
05-19-2008, 06:12 PM
Sayang naman yung mga magagandang samahan na nauuwi sa wala dahil sa money:( sad but lots of cases like this lalo na sa atin sa Pinas.


Pag sa usaping salapi kala ng iba ang walang pera ang laging syang kawawa therefore ang simpatya dapat ibigay sa kanya w/o thinking na nakakasama din ng loob sa taong "may pera" ang pakiramdam na parang ginagamit ka lang o di kaya`y nag-tatake advantage na ang ibang tao sa kabutihan mo.

sarpon
05-19-2008, 07:25 PM
pautang naman mga kaibigan..

malibuPine
05-19-2008, 07:43 PM
Utang nakakasira ng Friendship o relationship?

Friendship - kaibigan o kakilala
Relationship - kamag-anak o karelasyon

pakidetalye na lang sagot nyo kung bakit HINDI o OO para maliwanagan lahat iba iba kasi tayo ng situation....

Nakakasira po, pag nagka-amnesia na yung nangutang, or pagdating ng bayaran MIA na sya and pareho na kayong upset etc...

Huwag na lang magpautang kung walang budget o extra money na pampautang kasi kaya nga nangungutang ang tao dahil walang pera, so anong ibabayad ?

Most likely, "payable when able" and mangyayari, but it depends on the situation and the amount of money involved.

May best friend akong nanghiram ng pera sa akin worth JPY100,000. In the past, nakatulong sya sa akin so I thought I should help her as well. When I decided to "lent" her the money, I already wrote it off as a bad debt and considered it as a donation cuz I know that the possibility of her not being able to pay me back is great since she has no stable job. I didn't tell her that of course, but in that way it spares me from being upset and sleepless nights thinking when she's gonna pay me lol. Wonderful thing is, she's still my best friend and vice versa.

Bottom line, only spare the money you can afford to lose. Lending someone money is basically assuming the burden and the problem of the debtor, so either you decline or lend and forget about it.

Iro_otoko13
05-21-2008, 11:13 AM
May best friend akong nanghiram ng pera sa akin worth JPY100,000. In the past, nakatulong sya sa akin so I thought I should help her as well. When I decided to "lent" her the money, I already wrote it off as a bad debt and considered it as a donation cuz I know that the possibility of her not being able to pay me back is great since she has no stable job. I didn't tell her that of course, but in that way it spares me from being upset and sleepless nights thinking when she's gonna pay me lol. Wonderful thing is, she's still my best friend and vice versa.

Bottom line, only spare the money you can afford to lose. Lending someone money is basically assuming the burden and the problem of the debtor, so either you decline or lend and forget about it.

True Friend ka pala malubuPine san.

Curious lang naman. Hindi pa nababayaran ng best friend mo yung hiniram niyang pera sayu hindi ba? Pero strong pa ring ang bonding ninyo as friends. Dahil sa hindi pa nagbabayad yung friend mo sayu I am assuming na hindi na siya sayu makautang? Kahit na iniisip mong help na lang sa kanya yun sa kanya po nanggaling yung word na pautang kaya siguro alam niya na may utang siya sayu. Sencia na curious lang talaga.:confused:

barabara
05-22-2008, 11:06 AM
Storya ko lang ang nangyari sa pinay dito with 2 kids..8 months di ako bumisita sa kanya.. kahapon,dumaan ako sa bahay niya akap agad sa akin ang mga bata, ang cute at mas mahusay pang magnihonngo sa akin..naawa ako sa pinay dahil nautangang siya ng sister niya at ayaw na raw bayaran..iyong brother din niya sa pinas paipon siya ng ipon inubos din daw...halos sobra tipid niya ganon lang nangyari sa pera niya..hirap talaga pag pera na, ganyan nangyayari kahit kapatid nasisira ang relasyon...ngayon nalaman niya na tama lahat ang payo ko sa kanya na iponin niya ang pera niya dito dahil nasa japan siya..mabuti na lang mabait asawa niya naunawaan siya..

honey
06-24-2008, 11:16 AM
barabara mukhang gusto ko na matakot sa kwento mo a!.Madals mangyari sa akin yan sa mama ko basta pera lahat gagastusin para sa mga kapatid ko kahit masira sya sa akin.

tadashi
06-24-2008, 12:42 PM
sa kaibigan naranasan ko nayan...yung lagi akong inuutangan..ang masama pa hindi na nakaka alala magbayad...at ako pa ang nahihiyang maningil..

sa kamag anak madalas kunwari nangungutang pero wala ng bayaran......hindi nalang sabihin na pahingi..kasi pag sinabing UTANG inaasahan mo na magbabayad..

Bakit kasi akala ng iba porket nasa ibang bansa tayo marami na tayong pera..akala nila na pag umulan ng yelo dito sa japan umuulan din ng pera...

Matty
06-24-2008, 12:43 PM
In my opinion ? Yes nakakasira talaga ng relasyon pag involve na ang pera. dahil nangyari na rin sa akin yan. akala ko tunay syang kaibigan , minsan ginagamit nya credit card ko pag wala syang pera .tinutulungan ko sya ng ako naman mawalan ng job at lumipat ng place . ngayong kumaru ako sa bayaran . sasabihin nyang wala syang pera? at tsinitsismis pa ako sa ibang friends ko tama ba yon? na hi high blood ako . :mad:

slovet27
06-24-2008, 02:19 PM
ako rin eh pagdating sa mga friends and family maluwag ako,kung baga hindi madamot.meron din ako friend,pagmy problem siya sa money lagi siya lumalapit sakin.pag meron talaga akong datung pinapahiraman ko siya..hindi rin kasi ako mahilig maningil ng utang eh..kaya inaantay ko nalangsilang magbayad.kz dapat alam na nila na responsibility nila magbayad dahil nangutang sila.kung baga understood na yun at di na kailangan ipaalala.kahit matagalan magbayad ayos lang bastat magbayad..yung friend ko 48 yrs na wala pa rin.tapo pag ikaw na ang my kailangan at nagigipit ka na.deadma na ang gaga..nakakainis di bah..ngayon iwas na rin ako sa mga ganyan..may experience din ako sa dati kong kinakasama,alam mo yung kung sansan siya o kung kanikanino siya manghihiram ng pera tapos pagsiningil na siya nagtatago at ako ang pinapaharap sa mga inutangan niya.nakakahiya ba..palage siyang ganon..lagi nga kame nagtatago non eh..kung sansan kame tumitira makapagtago lang siya,,nagwowork nga siya pero pambayad utang lang..

slovet27
06-24-2008, 02:22 PM
:Ddi ba ang panget ng ganong lifestyle..kaya nga nilayasan ko yun eh dahil ayoko madamay sa mga utang niya..tsaka magulo ang buhay niya..nauntog ako sa bato at nagising ako,sabay layas...
the end..hehehe..pasensi ya na ha haba ng story ko..kaantok..:D

ayumi31
06-24-2008, 05:13 PM
ako rin po dati nagpapautang ako ng pera dito mga frends ko at mga kapitbahay namin...basta may pera ako at nangutang sila binibigyan ko,katulad din po ninyo hindi ako palasingil,nahihiya kasi akong maningil gusto ko kung may utang sila at naaalala nila yun magbayad sila if hindi bahala din sila,konsensya na nila yun...

nuon talaga utangan nila ako dito,ang nangyayari sa umpisa magbayad sila,tapos sa susunod yun wala na hindi na nakakabayad kaya sabi ko wag nang singilin at sa kanila na lang yun...

kamag-anak ko naman na nangungutang sa akin mga pinsan ko lang...yun ganun din walang bayaran ok lang uli kasi talagang ganun...

pag- malayong kamag-anak at nadalaw dito sa bahay binibigyan ko na lang ng pera...pero bumabalik pautang daw at hulugan na lang nila ,sabi ko ok...pero hindi rin ako nag eexpect na mabayaran pa ako...:D

nagpapautang din ako ng pera nun peru sad to say na naitakbo lang ang pera ko...nakakapanghinay ang kasi malaki ang magagawa ng pera ko if hindi ko ipinautang...kaya now natuto na ako kahit meron akong pera at may mangungutang sa akin sasabihin ko wala kahit meron kasi mahirap na pag ako ang nangailangan walang -wala...

meron pa nu magpapabinyag ako at may lumapit sa nanay ko kung pwede mangutang daw sa akin kasi anak nila nasa ospital...kaya ako pinautang ko naawa naman ako sa bata,kaya kahit magpapabinyag ako binawasan ko ang budget ko...sa awa naman ng dyos nakabayad kahit 2mths ang inaabot...ok lang...

kwento ko rin ang life ng family ng frend ko nasa japan sya at ang family nya andito sa pinas...nakakasira po talaga ng relasyon ang utang...yung frend ko nagpapadala ng pera montly para panggastos ng nanay nya at mga kapatid..tapos pagpunta sila ng japan para magtourist nangungutang sila ng pera para pambili ng plane ticket/maiiwan sa bahay at panggastos at madedelay ang padala...yun alam ng frend ko yung mga utang na yun pero dumating sa point na nagungutang ang mother nya na hindi nya alam hanngang sa lumaki na ang utang kasma na ang tubo,at marami ang inutangan..yun nung nalaman nya yun sinabi ng hipag nya,nagpapadala sya ng pera para mabayaran yun,akala ng frend ko konti na lang ang konti pero hindi pala binayaran kaya now sinabi nya sa mother na tapos na ako sa obligasyon ko sau,sinabi nya yun sa mother nya,niloko nyo ako...hindi nyo iniisip ang kalagayan ko dito nagpapakahirap akong magtrabaho kahit may pamilya na ako...pero ganyan ginawa nyo...kaya yun pinutol nya na ang komunikasyon nilang mag-ina,mga kapatid nya na lang ang may pakialam sya...

barabara
06-24-2008, 08:06 PM
barabara mukhang gusto ko na matakot sa kwento mo a!.Madals mangyari sa akin yan sa mama ko basta pera lahat gagastusin para sa mga kapatid ko kahit masira sya sa akin.
Honey san, iba kasi buhay sa pinas..2 months ako sa pinas ang mahal kasi lahat ang bilihin.. kaya di mo masisi si mader mo..para maiwasan mo ang ganyan itago mo na lang ang pera mo sa japan kahit konti lang tubo sure ka na nasa iyo..:D
kahit nga si son ko nagalaw din ipon ko kaya ngayon don na sa sister ko iyong bank book ko nakatago.. joint account kami ni son ko kaya nagagalaw niya..:D

si pinay dito, iyon pera niya pina time diposit niya para me tubo...magiingat na raw siya magpahiram ng pera kahit pa kapatid niya...:)oo nga nasira tuloy samahan nila magkapatid....:(

maque
07-04-2008, 08:26 AM
yap its true nakakasira ng friendship ang utang...share ko lang yung experience ko about utang...it happened fiver years ago na....magkabarkada kami since high school...dahil sa closeness namin malaki trust niya sa akin at nakwento niya na yung auntie niya ay nagpapautang at pede niya ako i back up dun if ever i needed money...sabi ko ok if ever may emergency sabihan ko siya... eh ako naman subra malambot ang puso ko sa mga kaibingang nangangailangan kaso di naman ako mayaman.... my ex ofc mate ang nangailangan ng pera for a reason na nakakaiyak at nakakaawa...ako naman di ko napigilan nag offer ako ng tulong na may kilala akong nagpapautang pero sinabi ko sa kanya na dapat bayaran niya ito dahil magagalit fren ko.... so yun nga kinausap ko ung fren ko at ung situation at pinautang niya ako pero sabi niya ako daw ang parang guarantor aside dun sa PDC issued ng ex ofc mate ko... ok naman sa two installments pero sa third time walang funds yung check ... di tumawag agad ung barkada ko about the incident at contact ko din yung fren ko asking the reason and the payment.... so nasolusyunan yung third payment... pero ang last payment ganun pa rin eh bouncing check na talaga.... it happened na nahospital ako dat time so di ko makontak yung fren ko at yung barkada ko galit na galit na kasi needed ng auntie niya at siya pinapagalitan...at first pinakiusapan ko siya kasi nga nasa hospital ako at sabi ko kokontakin ko yung umutang... kaso natagalan yung pag stay ko sa hospital kahit na wala na akong lagnat .... eh yung barkada ko mataray talaga yun walang sinasanto kaya ng magkausap kami ulit galit na galit siya sa akin...eh ako naman napikon na sa kanya di sinagot sagot ko din siya kasi di na ako makapagpigil....at dahil sa inis ko pera ko na ang binayad ko matigil lang siya sa kakasingil sa akin at ako pa ang sinisisi niya...pero di na namin napigilan ang sagutan namin at simula nun di na kami nagkibuan :cry:

nag dahil sa utang naputol ang communication namin ng barkada ko ... :mad:

RODSKI
07-06-2008, 09:35 AM
UTANG?! Utang nila! nakakasira talaga yan, kaya ang maige talaga eh magtabi kahit paunti unti,at pilitin huwag mangutang. yun lang yun,mahirap pero kaya

aPee_addict
08-07-2008, 10:12 AM
nakakasira talaga ng relasyon ang utang.. tapos sa singilan portion na eh nag-iiwasan... simula rin ito ng away... huwag na lang kasi mangutang kapag namroblema pa sa pambayad.

assunta0921
08-24-2008, 11:59 AM
utang....nakakasira ng friendship yan para sa akin.kasi minsan na akong nagpautang sa kaibigan ko....dahil nga sa kaibigan ko sya at naaawa ako,tinulungan ko.ok lng sa akin khit natagalan sya sa pagbabayad kasi nga madami tlga syang problema,ang kaso ng kailangang kailangan ko na ung pera...sya pa ang nagalit ng singilin ko..para daw akong hindi kaibigan at d ko sya maintindihan.pinaliw anag ko nman sa kanya na kailangan ko na din..sya pa ang nagalit.kaya ayun mula nun ayoko na din magpautang..at pag ako nangutang sinisiguro ko na babayaran ko tlga sa sinabi kong araw...para d ako makasira sa pagkakaibigan nmin.

eleine88
08-24-2008, 01:55 PM
utang....nakakasira ng friendship yan para sa akin.kasi minsan na akong nagpautang sa kaibigan ko....dahil nga sa kaibigan ko sya at naaawa ako,tinulungan ko.ok lng sa akin khit natagalan sya sa pagbabayad kasi nga madami tlga syang problema,ang kaso ng kailangang kailangan ko na ung pera...sya pa ang nagalit ng singilin ko..para daw akong hindi kaibigan at d ko sya maintindihan.pinaliw anag ko nman sa kanya na kailangan ko na din..sya pa ang nagalit.kaya ayun mula nun ayoko na din magpautang..at pag ako nangutang sinisiguro ko na babayaran ko tlga sa sinabi kong araw...para d ako makasira sa pagkakaibigan nmin.

sinabi mo pa..kaya nga ayokong mag-pa utang kasi 'di ako marunong maningil,ako pa ang nahihiya.kung maliit na halaga din naman hindi ko na pinapautang ibinibigay ko na lang kasi para iwas problema.'di rin kasi ako mahilig mangutang,sa tanang buhay ko ang naging utang ko lang ay ang bahay at lupa ko sa pinas at saka sasakyan,wala na akong naging utang.at bayad na rin lahat ang mga iyun,kaya relax na relax na ang isip ko't katawan.mahirap ang may utang,masakit sa ulo.

JosephSensei
08-24-2008, 03:03 PM
OO.....May nagpatira ako kaibigan ko taga zamboanga dito sa aprtment ko since last May 18, 2008....Taga Nagoya siya at tinulungan ko siya na magkakuha ng kanyan koseki Tohon , iniregister sya dito sa City hall ng place ko, hinanap ng trabahao sa promise nya na hati kami sa bayad dito sa bahay. Sabi nya tulungan ko raw sya at dito sya titira sa akin. So gumagamit sya ng internet ko, Kuryente, Tubig, Gas at telephono. Noong 1st Month nya, di daw siya makabayad sa akin kasi maliit pa ang tatanggap nyang suweldo(May 18-June 18)...So ako na nag abono. then June 18 to July 18 ay di naman siya nagbayad kasi ginamit nya daw ang pera nya magbayad ng ibang utang niya sa Pinas at nagoya..Then July 18 to August 18 ay Nakatanggap siya ng 310,000 Yen na suweldo nya pero di pa rin sya nagbabayad. Ang laki ng Bills ko dito. Kaya nagdecide ako ka ipatransfer sya sa ibang apartment. Di ko siya pinalayas, sinabi ko lang na lilipat ako ng school ngayon Sept. at kailangan kami magkanya kanya sa tirahan. so Last Aug. 20 ay umalis siya dito, iniwan ang mga basura nya, ang computer ko ay puno ng ciggarette ashes...at di siya nagbayad sa dapat sanang hati kami sa bayaran dito. Di na lang ako nagreklamo at masaya na rin ako na nagkatulong ako sa kanya na maging legal sa japan, magkaroon ng work etc.

Abangan ang detalye sa kuwento ng Buhay ko....http://timog.com/forum/showthread.php?t=309 48&page=23...

Boobita
08-24-2008, 05:56 PM
para sakin oo
dahil sa experience ko....
hinde ako ang nagalit
kumbaga baliktad po ang nangyari
kung sino pa yung pinautang ko sya pa ang nagalit sakin
dahil nung sinisingil ko siya ay ayaw nia akong bayaran
at nagsabi na maliit na halaga ay bakit daw ako singil ng singil????
aba naman ang usapan eh utang ibig sabihin may bayaran
yun pala ang utang para sa kanya ay "bigay" ang meaning....
ako naman ayoko magpaka-impokrita para maging close pa uli sa kanya
so from that time hinde na ko nagdidikit at mejo iniiwasan ko na din ang taong yun
friend ko nga pala sya(dati)

honey
08-24-2008, 10:19 PM
Salamat sa mga nagreply :)


Sabi sa akin ng kapatid ko kaya nga daw nangungutang kasi walang pera kaya walang pambabayad :biglaugh: wag na daw ako umasa isipin kong tulong na lang:rolleyes: sabagay nga naman:p. Parang si mader ko mahilig mangutang tas taga bayad wow ako o! san ka pa :D.

shintaro
08-24-2008, 10:56 PM
oo - kapag ang taong may utang sa iyo ay hindi mo mahal.

hindi - kapag ang taong umutang sa iyo ay mahal mo.

situations varies from one friend/relative to another...

may mga friends/relatives tayo na kahit libo pa ang inutang okay lang na hindi tayo bayaran/mabayaran dahil naiintindihan natin ang sitwasyon nila... dahil iba ang level of love that we have for them.

may mga friends/relatives din tayo na kahit sampung piso lang ang inutang sa atin ay pilit pa rin nating sinisingil(nais nating mabayaran tayo). there must be that "love" factor.

therefore, i conclude that it was really a case to case basis... ;)

Boobita
08-24-2008, 11:10 PM
ansakit din minsan kung yung nangutang sau eh talagang trusted at mahal mo
na nangako pang ibabalik din sau agad
dahil alam niyang may paglalaan ka talaga eh dahil nga mahal mo sya eh pinahiram mo muna sa kanya dahil naninawala sa pangako niya, yun pala hinde niya tutuparin......kamag-anak ko naman to....
nagsawa na ako kakasingil sa kanya, ako naman ngayon ang nangutang sa pawnshop(sanla) para lang mabayaran ang kelangan na bayaran nung time na yun, kaya dalang dala na ako magpautang, sila pa ang galit pag sinisingil bakit ganon? ang ganda naman ng way ko ng paniningil....ewan ko ba, parang feeling nila eh humihiga ako sa pera.....pero pasalamat ako wala ako sa posisyon nila......

DreamCatcher
08-25-2008, 08:32 PM
Siguro naman, sa dami ng nagpost sa thread nito may natuto tayo about UTANG

It means UTANG is inevitable in our lives...So, kung ayaw mong magpautang, huwag ka ring umutang! ;)

Kung hindi ka ba nagpapautang...ikaw ba ay isang KURIPOT din?:rolleyes:

mamimo
08-26-2008, 01:19 PM
Kung hindi ka ba nagpapautang...ikaw ba ay isang KURIPOT din?:rolleyes:

Di naman siguro, minsan iwas ang tao sa pagpapautang kasi nagiging sanhi to ng sakit ng ulo like kung ang papautangin mo eh iintrigahin ka pa tapos hanggang mauwi na to sa away. Di rin ako mahilig magpautang dahil nadala` na din ako dati pero lately sinubukan ko uli kasi napakiusapan ako ng Nanay ko pautangin ang malapit na kamag-anak. Nakadalawang beses na naman sila sa kin at oks na oks sya magbayad kaso pinagsabi sa iba naming kaanak kaya last na uwi ko waahh daming nangungutang. Sabi ko pasensya na po di ako nagpapa-5-6:D ala po akong pondo para sa ganyang negosyo. For the record di ko naman pinatubuan ang pautang sa kamag-anak pero di ko sila pwede pautangin lahat nuh. :p

ichiban0825
08-26-2008, 03:56 PM
siguro nga nakakasira ng friendship nakakawala kasi ng tiwala.. kasi may friend akong nakautang pero di naman nagbayad tapos umuutang ulit di ko na napahiram sinabihan ba naman akong mayabang.pero noon pa yun nung nasa pilipinas pa ako.at siguro kahit nandito na ako sa japan di pa rin nila ako tinatantanan :confused: ( parang si mike enriquez:D ) kaso kapag uutang sila dun lang nila ako naalala.minsan nakakapagtampo kasi yung isa inaanak ko ang 2 anak nya kaya kapag christmas my gift sila o kaya kapag birthday may gift din..ang kaso kapag hinahatid ng tatay ko sa kanila yung padala ko sasabihin daw iyon lang:eek: grabe di ba? tapos di man lang daw nagpapasalamat kaya ayaw na magpunta ng aking tatay dun dahil minsan napapagastos pa raw siya:(

ito naman isa kong friend humihiram ng 60thou ora-orada gusto ipadala agad.nung hindi ako pumayag sabi nya sa ibang friend namin nagbago na raw ako dahil malaki na raw ulo ko..( di naman wala naman ako hydro cepalus ba yun:hihi: ) tapos after ilan month tumawag ulit 10thou nalang inuutang kasi need na need lang daw nila kasi naayos na raw lahat ng papers nila papuntang singapore..pocket money daw:confused: ako naman pinahiram ko na kasi naisip ko para na rin sa kanila yun.. kasi mangingibang bansa na sila kasama ang mga anak nila dun na sila magtatrabaho mag-asawa.tapos tumawag pa ako sa kanila nung araw na aalis sila papuntang singapore.parang akong tanga payo ng payo sabi ko mag-iingat sila dun sa singapore sana maging maayos na buhay nila..pagbutihin nila ang trabaho nila dahil atleast sila buong mag-anak ang nandun..akalain mong oo naman ng oo itong kaibigan ko..sabi ko pa sa kanya masaya ako para sa kanilang buong pamilya..so iyon akala ko fly na sila sa singapore..tapos mga after 1 week nalaman ko marami pala siya utang tapos may kasamahan pa siya sa work na nahiraman dahil yung credit card ng kasamahan nya nakigamit itong si friend.at hindi daw nababayaran kaya lumalaki lalo ang tubo umabot ng 20thou plus at ang sabi 10thou lang daw ang nabayaran:eek: ang malupit pa wala sila sa singapore nasa iloilo lang pala.nalaman ko iyon nung tinawagan ko ang cellphone number nila.at nung tumawag din sila na humihiram ulit ng pera:ohlord: hindi ko na sila ulit pinahiram:mad: pero gusto ko siya makausap gusto ko malaman bakit kailangan nya ako gawing tanga.. nagsinungaling siya sa akin.pero nung tinatawagan ko siya sa cellphone nya out of reach na:mad::mad: nagtry ako tawagan ang biyenan nya sa Las Pinas akalain mo siya mismo nakasgot.syempre naloka na naman ako dahil akala ko nasa iloilo.pero di ko na tinanong kung bakit siya nandun ang gusto ko lang malaman kung bakit nya ako pinapaikot ng ganun..:mad: pero hangang ngayon walang paliwanag:( kaya hangang ngayon masama ang loob ko sa kanya..dahil hindi man lang siya nagka-effort magpaliwanag.. yun lang ang nakakalungkot:(