View Full Version : Bakit po kaya ganon?
memyself&i
07-11-2007, 04:29 PM
Hello po sa inyo,
Bakit po kaya ganon?
Kasi ganito po yon, every month po nag papadala ako ng 4man or minsan 5man yen sa pilipinas. May dalawa po akong kapatid na pinag aaral ko nasa elementary sila isang grade 6 at greade 4. May kuya po ako na nag trabaho sa maynila, every week lang po kung umuwi sa bahay. may kasamahan kami sa bahay na kuya ko po ang nag babayad para hindi din po masyado mapagod ang nanay. ang tatay naman ay iniwan kami sa ibang babae noon mga bata pa kami.
So itong enrollment ng mga kapatid ko nag padala ako ng 9man pang tuition at pam-bili na din ng kailangan nun dalawa. Ubos daw agad sabi ni inay.
itong june 13 nag padala po ako ng 8man nag birthday yun isa kung kapatid at pa birthday ko ang celpon na tig 4,500pesos so yun po matitira si inay bahala mag budget.
Nung pag tawag ko ngayon WALA NA DAW PERA:eek: nag tanong ako kay inay kung bakit ganun ka bilis maubos ang pera sa pilipinas e wala naman po tayong binabayaran na bahay at lupa? Nagalit si inay nag ka taasan kami ng boses, sabi ko sana man lang tipid tipidin naman kahit paano ang pera , kung pwede ipunin nyo.
Ang sagot saakin e di hindi na daw sila bibili ng pag kain para matipid daw yun pera na binibigay ko sa kanila.:( Hindi naman yun ang gusto ko.
Bakit po kaya ganon ang bilis nila gastusin yun pera na pinapadala ko?
Na konsensiya pa ako kasi nakasigawan po kami ng nanay ko, feeling ko po ang sama-sama kong anak. feeling ko po ang yabang ko na sa kanila. Sa tingin ninyo MALI po kaya ako?
marivic
07-11-2007, 05:31 PM
Tayong mga nakarating dito sa Japan ay pare-pareho istorya ng problema sa pamilya.Kung dati e marunong magtipid,pag may nakapunta na isang anak sa abroad,di na nagkakasya kahit anong padala ang gawin natin.
Paulit-ulit mangyayari yang sasabihin ng nanay mo na ubos na agad ang ipinadala mo. Never-ending kang mamomroblema dahil kapapadala mo lang e kailangan na ulit agad ang kasunod.
Bilang nakakatanda at matagal na rito sa Japan,I advice you not to ask kung may pera pa ba cla o wala na. Mag-allot ka ng fix amount ng padala. Kailangan yun at yun lang monthly pwera nga lang kung may okasyon like birthdays,pasko,fies ta,etc. That way,madidisiplina cla at maiiwasan niyo rin ang laging pagtalunan ang tungkol sa pera.
Ganyang-ganyan ang experiences ko nung bago pa lang ako dito. Ngayon,fixed amount na. Pag nagsabi,sinasagot ko na agad na kailangan magtiis cla hanggang sa next padala ulit. Nakakaraos naman cla.
louvette_15
07-11-2007, 05:42 PM
noon, ako ang nasa pinas at tumatanggap lang ng monthly padala mula sa mom ko dito sa japan. ewan ko din ba na kahit gaano kaliit o kalaki pinapadala sakin noon ay parang pareho lng na hindi sapat kasi khit piso wla akong naipon from those money. parati pang kulang. dko rin ma-explain sa mother ko kung bakit ganun.
ngaun, nasa akin na ang obligasyong magpadala sa pinas. nararamdaman ko rin yang nararamdaman mo at naramdaman ng mother ko nung time na sya ang nagpapadala. dahil naranasan ko ang maging taga tanggap ng pera, naiintindihan ko rin kapag sinasabihan akong ubos na ang perang kakapadala ko lang at kulang pa nga...hindi ko makuhang magalit kasi lagi akong pinaalalahanan ng mom ko na ganun din ako noon..
ang ginawa ko, i asked my family to send me a copy of their monthly budget or breakdown ng pera. dahil kelan lang din ako umuwi ng pinas, i also have idea sa kung magkano ang reasonable budget ng mga basic needs pati ung extras. kapag may unexpected expenses, pinagagawan ko sa kanila ng paraan o diskarte.. 4-5 man lang din budget ko sa pinas maliban pag enrollment at xmas. un 4 man na yan ay pwde na sa basic needs. kako sa kanila, mag cost-cutting like save elec.,and water.kung ano ang budget, stick to it, pag pumalpak sila sa pag follow nun, its their problem kasi ako din dito nagbubudget at may pagkakataong natitiis ko sarili ko para lang may ipadala.
one of the reasons kung bakit ko pinapunta kapamilya ko dito sa japan ay para makita din nila kung paanong mamuhay kami dito. kasi inaamin ko, noon feeling ko pinupulot lang pera dito or madali ang pera dito kaya ganun-ganun ko nalang gastusin pera ni mom ko. now, i know...
kausapin mo ng mahinahon nanay mo. kumbaga, maging team kayo para sa pamilya nyo. kasi samin, sa simula lang nagkaroon ng reklamo sakin.kinausap ko sila ng masinsinan. hanggang ganun lang kaya ko maibigay kaya nakasalalay na sa kanila kng paano nila maayos ang budget ng d sila ganun kahirap. kako, nakaka stress sa akin kng puro sila reklamo at lalo ako hindi nakakapagtrabaho.
docomo
07-11-2007, 05:46 PM
hala ka sinigawan mo nanay mo :p
sa akin hindi ka mayabang na anak.. lalong hindi ka masamang anak ... kaya lang tingin ko magaling ka pong mangunsinti o siguro ganon kalambot puso mo o sobrang mabait ka lang talaga . :p
alam mo hindi sila magiging komportableng maguungot sa yo o maghihingi sa yo kung di ka bigay kagad.. sinanay mo yata kase na tuwing may idadaing sila padala ka kaagad...kaya naging ganyan ang inarte nila sa yo.. ganyan sila naging ka komportableng manghingi dahil alam nilang hindi mo sila matatanggihan .
ikaw lang pong pwedeng mag tuwid nyan .. dahil kung wala ka talagang maibibigay wala naman silang magagawa kahit sigawan ka pa nila ... at kahit yun lang ang ipadala mo dahil yun lang ang kaya mo wala din silang magagawa.. kaya matuto silang pagkasyahin kung ano lang yung naipadala mo... wag mong lunurin yung sarili mo .. pag nalunod ka lalo mo silang hindi matutulungan. :)
Just_ME
07-11-2007, 06:01 PM
memiself&i san halos pareho tayo ng sitwasyon nagpapadala din ako sa pamilya ko sa pinas ganyan din sila nung time na parang umaabuso na....tuwing tatawag ako sa kanila palaging sasabihin ubos na agad ang pera....nagalit din ako kaya ayun natauhan naman sila...sinasabi ko na minsan nagkukulang din kami mag asawa sa budget dito sa japan halos pare pareho lang ang buhay natin jan at dito ang pagkakaiba lang e mataas taas ang value ng pera dito...
Mula nun nakontento na sila at hindi na ako kinukulit na sa-satisfied na sila sa monthly allowance nila...kaya kelangan kausapin mo rin ang pamilya mo at huwag mo hayaang magastos nilang ng ganun lang ang pera lalo na paliit ng paliit ang palitan...hanggat maaari e magtipid sila di ba?...goodluck sayo!:)
angela777
07-11-2007, 06:45 PM
hello..memyself san,pareho tayu ng sitwasyon nung bago palang din ako dito sa japan,ikaw ang mag control sa pagpapadala mo sakanila,huwag mo silang sanayin,kung ano lang yung kaya mo ipadala kaylangan pagkasyahin nila, medyo mahaba pa ang pagtulong mo sa kapatid mo dahil nasa elemnary school palang sila,ako din kasi 4years college ang tinulungan ko para lang makatapos,tumutulong din ako sa mga kapatid ko pero yearly lang,enrolment & 1year tuation pay ang sinasagot ko sakanila,pag sa food allawance naman 1 lapad every week ako mag send sa international ufj atm ko kaya hindi ako masyado na estress sa family ko sa pinas,lima sila nakatira sa bahay ko.
Totoo yan.Sometimes its so hard di ba,na may sarili ka nang family dito,pero kailangan mo pa rin buhayin ang family mo doon.Syempre,tayo ang nakakaluwag,tayo ang tutulong,but things arent always like that,minsan nga exact din lang yung money para sa family dito diba,pero gagawa pa din tayo ng paraan para may ipadala.
Ako,since matagal din na ako, ang nagbabudget sa pinas(frm d money ive been receivng frm my husbnd,Bf ko p lng xa that time)alam ko kung magkano lang ang budget na min for a month,so nung nakabalik na ko sa japan,kung magkano lang ang alam kong expenses;waterbill,e lectricity,tel,gas,e tc...plus konting allowance,yun lang ang padala ko,pagkasyahin nila yun,Yun nga lang minsan may mga additonal expnses din,mga unexpected stuff na kailangan pagkagastosan.Kaya kung magkano lang budget ko sa kanila,bahala na sila dun,pinaparamdam ko din sa kanila na hindi pinupulot ang pera dito.Buti sana kung super yaman ng napangasawa ko,at binibigay lang ang pampadala ,e hindi eh,kailangan ko magwork,para may ipadala sa kanila,di gaya ng iba na sponsored pa din ng aswa pati budget sa pinas.Pero syempre,i see to it naman na talagang kasya at may konting allowance pa na matitira sa pinapadala ko sa kanila.
nasty
07-13-2007, 05:29 PM
for me dear hindi ka naman bad na anak siguro may mga temper din tayong hindi natin mapigilan ,,tama lahat ng suggestions ng mga ka TF natin walang mali sa mga sinabi nila ,,ayoko ng magsuggest kasi yun lang din ang sasabihin ko sayo,,,sa ngayon may anak pa kong 1 sa pinas kaya i have to send money in the phils. pero kung wala akong anak sa phils. siguro occasionally na lang akong magpapadala sa kanila or pag may sobra talaga ,,,ang isipin mo is hindi package deal nung pinakasalan ka ng husband mo na they dont have oblige you to send money monthly ,,,you can help them by means of money also pero kung ako sayo ,,yung money na ibibigay mo is yung pupuhunanin nila para sila mismo ang magsikap para hindi na sila mang obliga sayo,,yung sakin is suggestion lang kasi kung sarili mo yung perang ipinadadala mo is ok lang pwede kang magsacrifice ,,pero kung yung perang ipinadadala mo sa pinas is coming from your husband ,,baka magsawa si husband ,,try to put your husband's feet on your shoes:O gambatte na
Hello po sa inyo,
Bakit po kaya ganon?
Kasi ganito po yon, every month po nag papadala ako ng 4man or minsan 5man yen sa pilipinas. May dalawa po akong kapatid na pinag aaral ko nasa elementary sila isang grade 6 at greade 4. May kuya po ako na nag trabaho sa maynila, every week lang po kung umuwi sa bahay. may kasamahan kami sa bahay na kuya ko po ang nag babayad para hindi din po masyado mapagod ang nanay. ang tatay naman ay iniwan kami sa ibang babae noon mga bata pa kami.
So itong enrollment ng mga kapatid ko nag padala ako ng 9man pang tuition at pam-bili na din ng kailangan nun dalawa. Ubos daw agad sabi ni inay.
itong june 13 nag padala po ako ng 8man nag birthday yun isa kung kapatid at pa birthday ko ang celpon na tig 4,500pesos so yun po matitira si inay bahala mag budget.
Nung pag tawag ko ngayon WALA NA DAW PERA:eek: nag tanong ako kay inay kung bakit ganun ka bilis maubos ang pera sa pilipinas e wala naman po tayong binabayaran na bahay at lupa? Nagalit si inay nag ka taasan kami ng boses, sabi ko sana man lang tipid tipidin naman kahit paano ang pera , kung pwede ipunin nyo.
Ang sagot saakin e di hindi na daw sila bibili ng pag kain para matipid daw yun pera na binibigay ko sa kanila.:( Hindi naman yun ang gusto ko.
Bakit po kaya ganon ang bilis nila gastusin yun pera na pinapadala ko?
Na konsensiya pa ako kasi nakasigawan po kami ng nanay ko, feeling ko po ang sama-sama kong anak. feeling ko po ang yabang ko na sa kanila. Sa tingin ninyo MALI po kaya ako?
alam mo po sa tingin ko napakabait mong anak..di po masamang tumulong sa pamilya kaya lang po sa pagtulong natin minsan yun pa po ang nagiging dahilan para tuluyan silang di magsikap at umasa na lang satin...sa kwento mo po memyself&i san sa tingin ko po sobra-sobra ang tulong pinansiyal na ibinibigay mo sa kanila...kausapin mo po mother mo at ipaliwanag sa kanya na di pinupulot ang pera dito kaya sana matutu din sila mag-impok..at di po habang buhay nandiyan ka para sumuporta sa kanila...
summergirl
07-26-2007, 03:32 PM
Theres a saying that Give a man a fish and you'd feed him for a day.But teach a man to fish,then you'd feed him for life..
Sorry to say this,pero it seems na nawili sila na malaki ang pinapadala mo,Kaya minsan ayaw nilang mag higpit ng sinturon.usually iyan ang sakit ng ibang relative ng mga andito sa Japan,akala nila ang daling kumita ng pera dito,di nila alam kanda kuba sa pag tra trabaho at di na alam kung saan ka kumukuha ng pera..hinay hinay lang dear..
yasashi
07-28-2007, 12:20 PM
hello ohayo sa inyung lahat.. alam nyo siguru kaya sila ganun kasi hindi kasi nila naiintindihan ang sitwasyon natin minsan eh,kaya demand lang sila ng demand without thinking kung saan pinulot yung pera natin although hindi naman lahat ng parents ganun diba but mostly kasi yan nasa isip nila.dati nga ganun din kasi ako eh kung ano yung hinhingi nila lahat lahat binibigay ko lahat ng pangangailangan nila without saying kung gaano ako nagpakahirap para lang matustusan sila .one time nga nagpapatayo ako ng negosyo sana at pinadala ko iyong pera for capital pag uwi ko sa amin wala nagamit pala nila yung pera..medyo nakakasama ng loob pero okey lang din kasi pamilya kon pa rin sila at mahal ko pamilya ko,pero..medyo iniba ko iyong style ko kung dati halos lahat lahat binibigay ko eh sinsabi ko na mahirap kumita ng pera dito ,sana budgetin nyo ng maayos ang ipinapadala ko kasi mahirap,tapos kaunti nalang ang ipinapadala kaya medyo okey na din kasi parang nakakaintindi na rin sila kasi nga kaunti nalang ang ipinapadala ko.para di naman sila gaanu umasa sakin.
diane-hideki
07-28-2007, 07:34 PM
ganyan rin ang sitwasyon ko simula ng nagtrabaho ako hanggang ngayon na may asawa na ko ganun pa rin....nawili rin ang pamilya ko at umasa nalang ng umasa sa kin! dati gusto nila ng tatay ko ng dyip na mapapasada ngayong meron na kinakatamaran na...natuto pa sila magsugal at nahilig uminom! at pag may problema sa pera sa kin pa rin....swerte ko sa asawa ko kasi naiintindihan nya sitwasyon ko kaya hanggang ngayon di pa sya nagsasawa na magbigay ng pera sa pamilya ko! kaya ngayon winarningan ko na sila na ako na mismo ang magsasabi sa asawa ko na itigil na ang sustento nila pag di sila magbago....buti naman nagising na ayun nag-iisip ng magnegosyo! sana magtuluy-tuloy ang pagbabago nila....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.