PDA

View Full Version : tag-ulan na naman!


marivic
07-14-2007, 02:45 PM
Pag ganitong umuulan, marami akong naaalala.

Nung elementary ako,pag may bagyo...walang pasok sa school. Cyempre,nakakatuwa! Nag-iipon-ipon kaming magkakapatid sa harap ng tv,nagkukumot at nanonood ng SESAME STREET.

Madalas ding bumaha sa Malate at may mga nagbabangka para makapunta sa palengke. Takot na takot akong lumabas ng bahay kasi naiimagine ko na mahuihulog ako sa manhole.

Kayo mga ka-TF...share niyo naman memories niyo sa panahon ng tag-ulan.

summergirl
07-14-2007, 05:03 PM
Ng bata ako pag umuulan,sinusundo kami agad ng father ko kasi baha sa UST,pero umuuwi kami agad ng mga friend ko sabi namin baha kaya basang basa kami pero wag ka gusto lang naming maligo sa ulan.sabay ng mga crush namin ...

marivic
07-14-2007, 06:16 PM
speaking of ULAN and CRUSH...ayokong makikita ako ng crush ko na basa sa ulan kasi sira ang hairdo...hehehe

bonbon'79
07-14-2007, 06:43 PM
Tuwing umuulan, labas kami ng bahay ng mga anak ko at maliligo sa ulan. Pero di sila pwedeng magtagal dahil baka uubuhin yung mga bata. Naglalaro kami ng bangkang papel o bangkang tsinelas na gawa namin ng asawa ko para sa kanila. Pag nalunod yung bangkang papel, gawa ulit ng bago... Hehehe...

Pag nakatapos na yung dalawang bata, dinadala ko sa labas ng bahay namin ang batya ng maruruming damit at maglalaba under the rain. Sabagay kanta ng Singing in the Rain...

Hihintayin ko pa yung asawa ko na umuwi bago pumasok ng bahay para magbihis. Sabay kaming maliligo sa ulan ulit...

Hay... Kaka-miss na yung mga ganitong tagpo sa buhay ko...

Di ko kasi magagawa rito sa Japan eh...:)

honey
07-14-2007, 11:36 PM
Kapag tagulan dapat marami kaming lakas kasi sa lakas ng hangin baka tumumba bahay namin papa ko lang kasi gumawa mahina pagkayari.Saka naglalabasan lahat ng basahan kaldero kaserola at kawali dahil sa dami ng butas ng yero namin.Nun pumunta asawa ko sa pilipinas at manliligaw sayaku talaga umulan ng pagkalakas nakakahiya pati sa inuupuan ng asawa ko e may kaldero:D pang summer lang kasi bahay namin e!:p.

Ulam namin twing tag-ulan tuyo kanin naman sinangag soup payless.Sabagay kahit hindi tag-ulan yun ang main.

marivic
07-15-2007, 12:05 AM
TUYO at KANIN...nakakamiss!

tomika_77
07-15-2007, 03:40 AM
Sarap kumain lalo na kung ang ulam mo ay tuyo at lucky me...