View Full Version : Ano ang una mong ginagawa pag nag-aaway kayo ng asawa mo?
summergirl
07-18-2007, 07:40 PM
Ano ang una mong ginagaw pag nag-aaway kayo ng asawa mo?Ako wala tahimik na lang pag naipon ..sabog ang Mayon Volcanoes.Kayo ano ginagawa nyo?
april
07-18-2007, 07:53 PM
una kong ginagawa:rant: tapos cry,cry,cry:cry: :cry: :cry: tapos isip-isip REKON :D
louvette_15
07-18-2007, 08:03 PM
so far, wala pa naman kaming pinag aawayan ni mister na seryoso...mostly, tampuhan lang. saka agawan kung sino ang hahawak ng baraha pag nagtotong-its kmi magpamilya.hehehe... syempre,papanalunin ko hubby ko by being tahimik nlng sa isang tabi..gets na nya agad ibig sabihin nun..kahit kasi makipag away ako sakanya, walang kwenta kasi tahimik din asawa ko.d rin umiimik.
nasty
07-18-2007, 08:31 PM
hirap kasi makipag sabayan eh ,,tahimik na lang ako para maguilty siya ,,yun ang stategy ko:) ahihihi nabuking na~~
la_tina512
07-18-2007, 09:20 PM
Silent mode pag kaharap mga anak ko. Matapang kasi si granny pag andyan mga bata. Pero pag wala na mga anak namin confrontation na 'yon at lumalabas ang pagiging duwag niya. Wala na siyang talkies pag ako na ang nagsalita.:mad:
sachi807
07-18-2007, 09:42 PM
..hindi ko kinakausap hanggang sa siya na ang susuko:eek:
wolfgang
07-18-2007, 09:42 PM
depende sa pag-aawayan.....kung siya ang mali at maingay siya,,....siyempre aawayin ko rin siya...mag bubunganga rin ako....pero kung siya ang tama at mali ako.....tahimik siyempre ...alangan naman mali na ako ehh lalaban pa ako...
di ako umiiyak kasi nagsawa na sa pagiging dramatic actress ko ang habibi ko...di na uubra ang iyak sa kanya....baka sabihan pa ako nang anong iniiyak iyak ko....nyahahahha:D mas matutuwa pa siya kung sasagutin ko siya...kesa sa humagulgol...lalo lang siyang naiirita:D
maimai
07-18-2007, 09:43 PM
di ko rin kasi masabi ang gusto ko sabihin sa kanya:rolleyes: ..tumatahimik na lang ako...at dederetso na sa bed..dun magmukmuk at di sya papansinin ng boung araw...:)
sa bandang huli sya din naman ang sumusuko,gumagawa sya ng paraan para magbati na kami..:D katulad ng magluluto sya ng pagkain..bumabawi!! :p
Chibi
07-18-2007, 11:16 PM
di ko na lang papansinin hanggang lumamig ulo nameng pareho,tsaka kami mag uusap,para di lumala lalo misundersatnding namen!:)
mukomae
07-19-2007, 01:21 AM
ako din tumatahimik... ako o siya ang mali basta tahimik lang ako... maliligo para di halata na umiyak ako:O ... pag nasasaktan kasi ako nililigo ko...
MISAchan
07-19-2007, 02:00 AM
pag sa denwa kami nag-away nakikipagsagutan ako feeling matapang,pero yung magkasama kami di naman away kundi konting tampuhan lang ay tumatahimik ako,siya naman lalayo sa'kin ng mga ilang minuto tapos non ay ok na ulit,bati na ulit kami...
tomika_77
07-19-2007, 02:15 AM
Ako tahimik lang di ko sya pinapansin. Alam na nya pag tumahimik ako galit na galit na ko :grrr: kaya sya uumpisahan na ang pag-amo sakin takot kasi syang balibagin ko sya :D (joke lang po)
marivic
07-19-2007, 02:41 AM
Pasensyoso husband ko kaya natutunan ko na ring magpasensiya. Pag nagkakasigawan,di mahaba talakan. Usually sisigaw lang ako ng GAGOOOO!! (or may lilipad na isang gamit) then walang kibuan na. After a day, everything goes back to normal as if nothing happened.
Nalulungkot ako pag may gusot sa amin tsaka napapagod akong i-maintain ang galit sa loob ko. Nawawala agad tas naiiinis na ako sa pagkukunwari na galit ako. Minsan nga naiisahan ako ng husband ko. Pag may kasalanan e dinadaan ako sa tulog-tulogan o kaya nagtatalukbong. Nagpapa-cool down kasi alam na mawawala rin agad ang galit ko. Pag ak naman ang may kasalanan, ipinagluluto ko naman siya ng spaghetti. Nge!!! Favorite niya yun e.
katty0531
07-19-2007, 07:48 AM
Tatahimik, di sya kikibuin...hintaying mag sorry sya...hehehehe...
una muna sya mag sorry tsaka na ako mag sorry din...kasi, di naman ako basta basta nagagalit eh, as in once in a blue moon lang, hangga't kaya pag usapan why not pag usapan. Basta, kabisado ko na drama nya, at kabisado na rin nya drama ko.:D
Usually ako naman kasi ang nagagalit agad at sya lang ang tahimik:Dpero ayaw ko ng ganun gusto ko sagutin nya ako para malaman ko din ang sagot nya:ppinipilit ko talaga din sya magsalita,pag sya ang mali mag gomenasai sya sabi ko naman gomenasai dake janai yo!:mad:
Pag sya naman nauna mag daldal sakin sumasagot pa din ako:Dnagpapaliwanag ako baka sakaling makalusot,...pag di na talaga kayang lumusot tatahimik nalang din:)buti nalang mabait si hubby at naintindihan ako lagi:D
lenemen
07-19-2007, 11:38 AM
Naku- kyutan ako sa thread na ito. ang babata niyo pa nga siguro. makiki join itong "toshi yori" ha. lLast June ay 26 years na kaming mag-asawa at sa ngayon ay hindi na masyadong maingay pag mayroong hindi pagkakaintindihan. Noong bago pa lang kami konting kibot lang lalo na at pag parang feel ko ay ako ang tama, sumasagot talaga ako at pag hindi maibuhos lahat ng galit ko parating nagbabasag ng mga pinggan o kahit anong madampot para maihagis (sa ere lang at hindi para patamaan siya ha.) Nang lumaon, hindi na ako nagbabasag dahil inisip ko ako rin kasi ang mahihirapan sa pag liligpit ng mga binasag ko at ng mga kalat ko dahil hindi niya talaga ako tutulungan dahil ako nga rin naman may kagagawan. Sa ngayon naman dahil nga hindi talaga maiwasan ang di pagkakaunawaan sa buhay may asawa, dinadaan ko na lang sa walang kibuan kahit abutin kami ng isang linggo walng gustong magbaba ng bandila hintay na lang ng "shizen" na kung sino ang kailangang unang magsalita.dahil hindi maiwasang hindi magsalita. halimbawa, darating ang biyenan ko, kailangan kong tawagin ang asawa ko, so, iyon na ang umpisa ng "kaiwa" uli. Kung hindi man, dahil sa magkasama kami sa trabaho (Jiegyo) kasi kami kaya hindi rin maiwasang hindi mag-usap. ganun ng ganun ang naging cycle ng relationship namin di ko namalayan 26 years na pala kami.heto at magkasama pa rin. Pero may natutunan ako. Kailangan din minsan yung away-away sa mag-asawa para may "shigeki" (challenge) ang pagsasama. Hindi niyo ba napapansin na masarap ang feeling pag nagkabati na kayo ulit? naku, umekstra ang lola niyo dito. gomen ne minna!
ritzyu
07-19-2007, 12:28 PM
Pag nagkakagalit kami tiyak alam ko lahat galing sa akin....paano di ko pa masyadong
maintindihan noon ang sitwasyon namin wagamama ako....ang pamamalakad ng
buhay namin para kang nakasakay sa kotse, lalagyan lang niya ng gasolina bahala
na akong magpa-takbo ng buhay...dahil sa bisi siya nasabi niya sa akin na mag-aral
ako kung mahal ko silang mag-ama... ichi kara jyuu made setsumei shinai to ikenai
kara, oo nga naman..mendoukusai.. pero pag pinilit ko naman...di ko parin makuha..
gokkai sarete shimau..kenka nga naman...akala ko noon palagi akong inaapi he he..
ngayon ko lang naintindihan ang sitwasyon...kaya pag nag-aaway na kami medyo
tahimik lang ng konte.....pero dami din away...napaka handikap ko pala noon.:(
Soju6
07-19-2007, 12:32 PM
#1 - That’s an excuse to put on my boogie shoes and roll out.
I go, “Buseet na buhay to!! Makaalis nga muna”. Pero nakangiti palabas ng pinto hehehe.
Ayos!! May excuse nang makatakas at umuwi ng umaga.:yippee:
#2 - I get my pillow and blanket and head to the “dog house”, that’s where she gonna send me anyway. “Out you go, to the doghouse”, yes honey!!:bowdown:
#3 - Yes honey, sorry dear, di na mauulit. “tara na tulog na tayo”.:halo: :love:
:yippee:
mamimo
07-19-2007, 01:42 PM
Well, pag petty quarrels iyak lang ako habang call ang Nanay sa Pinas in short nagsusumbong kay Mama with matching pakampi........kamus ta naman yun?:p :D Kapag big fight pareserved naman ng plane ticket na in less than a week time pwede kong fly back to Pinas. My husband learned a lot of lesson from experience iwas na syang awayin ako dahil takot sa malaking gastos na aabutin nya galing sa sama ng loob ko.;) :D
emyken1423
07-19-2007, 04:32 PM
#1 - That’s an excuse to put on my boogie shoes and roll out.
I go, “Buseet na buhay to!! Makaalis nga muna”. Pero nakangiti palabas ng pinto hehehe.
Ayos!! May excuse nang makatakas at umuwi ng umaga.:yippee:
#2 - I get my pillow and blanket and head to the “dog house”, that’s where she gonna send me anyway. “Out you go, to the doghouse”, yes honey!!:bowdown:
#3 - Yes honey, sorry dear, di na mauulit. “tara na tulog na tayo”.:halo: :love:
:yippee:
hahhahahha...katuwa ka talaga..........
ako rin......sabay empake ng gamit............tap os matutulog ako sa kabilang room..........kinaum agahan.....tatawag ako sa agency ....mag papa reserve ng tiket.........pauwi ng pinas..............p ag nagbati na kami........syempre kakanselahin ko na........hihihihiii ............kapag makikipag bati na sa akin si mister alam niya ang weakness ko..........shopping ........kaya nga sarap awayin eh......pinag aawayan namin....madalas.... telebisyon.....alang ka-kwenta kwenta.............. .......lagi kasi nasa TFc tv namin...........di niya maintindihan........ ..ayaw naman niyang manood sa taas.....kasi ......no smoking doon............kaya nag aaway kami......yun lang
ichimar
07-19-2007, 07:47 PM
madaldal ako sa una,hanggang may katuwiran pinaglalaban ko:D pero pag siya na ang bumanat ng galit,silent mode na lang ako,ayaw ko kasing pagsabayin ang galit naming dalawa,baga sumabog kami pareho:p :D
Autumn
07-19-2007, 08:42 PM
noon..hindi pwede makipag away sa kanya.. hindi pwede umiyak..hindi pwede manlisik mata ko..at lalo na hindi pwede mag basag ng pinggan..lalo na gising pa mga kiddie lahat hindi pwede..hindi rin makabili ng ticket pauwi..dahil hawak nya pera..hindi rin uubra konting pag kawagamama..walang shopping shoping para mawala galit ko...hanggang naipon ng naipon:banghead::hel lfire:..sabog..ayun watak watak na kami...tama nga na kailangan ang away sa mag asawa...spice ika nga.:rolleyes:
emyken1423
07-19-2007, 09:00 PM
noon..hindi pwede makipag away sa kanya.. hindi pwede umiyak..hindi pwede manlisik mata ko..at lalo na hindi pwede mag basag ng pinggan..lalo na gising pa mga kiddie lahat hindi pwede..hindi rin makabili ng ticket pauwi..dahil hawak nya pera..hindi rin uubra konting pag kawagamama..walang shopping shoping para mawala galit ko...hanggang naipon ng naipon:banghead::hel lfire:..sabog..ayun watak watak na kami...tama nga na kailangan ang away sa mag asawa...spice ika nga.:rolleyes:
tama ka diyan......Autumn san.......kung walang away....sumaranai... ......hehehhehhehe.. .....:D :D :D :D :D :D ako kasi kapag nabili ako ng tiket....credit card ni habibi ang ginagamit ko........hihihihihi hihii......sarap mang asar eh.........:D
angela777
07-20-2007, 06:09 AM
siguro unang una nakikita sakin ni dana pagkami nag aaway yung face ko d na madrawing kumukulubot as in talaga sa subrang inis ko sakanya,pag subrang galit na isa lang sagot ko sakanya bili mo ko ng ticket at uuwi kami ng anak mo sa pinas d na ko babalik dito sa japan:D ,
angela777
07-20-2007, 06:14 AM
siguro unang una nakikita sakin ni dana pagkami nag aaway yung face ko d na madrawing kumukulubot as in talaga sa subrang inis ko sakanya:D ,pag subrang galit na isa lang sagot ko sakanya bili mo ko ng ticket at uuwi kami ng anak mo sa pinas d na ko babalik dito sa japan:Ddiyan na sya mag umpisa magpanic at may kasama pang iyak-iyak......pero d ko naman talaga sya iiwan love ko sya eh:Dlove ko sila ng anak ko,sila ang buhay ko at si god,mahalaga sila sakin,kaya mag away man normal lang siguro sa mag asawa,kasi pag walang away hindi kayu magkakakilala sa isat-isa kung ano ang ayaw nyo sa bawat isa para makapag adjust.........
angela777
07-20-2007, 06:19 AM
na doble ang post ko bakit kaya...sorry po paki delete nalang mga mod,sorry po talaga..
japina
07-20-2007, 07:00 AM
ako umiiyak, kasi madamdamin ako. pero after kong makaiyak. ok na
barabara
07-20-2007, 10:59 AM
ako maghapon nakahiga nag seself pity and pa cry-cry.. nanghihina ako pag masama ang loob ko....... pag sinabi kong alang luto-luto,asawa ko nagluluto....mostly naman ng away namin sa kanya galing....bihira lang kami magaway maski non bago pa kami busy ako sa shigoto alang oras para sa away.... normal lang ang away sa magasawa pag ala na iyan sumaranai naman..:D :D :love: :wavey:
shakey
07-22-2007, 08:28 AM
pag nag aaway kami na hubby tatahimik na lang muna ako ,,malakas mang asar si hubby ako naman pikon ako, lalo na yung pag nasigawan nya ako ..ay naku grabe parang sasabog ang dibdib ko.pero pagkaraan ng ilang oras bati na agad kc si hubby magaling gumawa ng way para batiin ko sya.halimbawa mag papatawa sya ako naman matatawa kaya ayun bati na ulit...
Jyellenny
07-22-2007, 09:00 AM
Tampuhan lang naman kami mostly at alam kong always at "fault" ako kasi sa mga tantrums ko. Siempre ang unang sambit eh "PHILIPPINES KAERU"! - eh mukhang na-immune na. Like most of you , siempre our greatest weapon is staying silent tapos pa-iyak-iyak (dyan sila weak) - tapos oks na ulit! I'm basically a very akarui person so I just make him laugh & alls well that ends well!
Ako,din since kahit magbunganga ako,wala namang pagbabago,hindi ko na lang sya pinapansin as in walang usap-usap,hanggang sya ang unang mag approach skin,minsan inaabot kami ng 2weeks,dedmahan.di sya mananalo skin noh!,besides,pag nagaaway naman kami,usually sya talaga ang may kasalanan. :mad:
dianne
07-22-2007, 03:05 PM
ako.... ang ginagawa ko nalilinis ko buong bahay namen .....masipag ako pag break kaming dalawa floorwax dito floorwax doon ~~~ hanggang di kona namamalayan pati pala kisame ng bahay namen na flo~floorwax kona ~~ :rolleyes: pati yung kaldero namen na puro uleng kuskos ako ng kuskos hanggang napapaputi kona ... ki~kinang~kinang na si kaldero ....:rolleyes: minsan nga sa sobrang galet ko hindi ko alam bahay na pala ng kapit bahay namen ang pino floorwaxan ko anak ng teteng~~~:scratch:
wala eh~~ no talkisshhh drama namen eh~~;)
nikkichibi
07-22-2007, 04:27 PM
ako.... ang ginagawa ko nalilinis ko buong bahay namen .....masipag ako pag break kaming dalawa floorwax dito floorwax doon ~~~ hanggang di kona namamalayan pati pala kisame ng bahay namen na flo~floorwax kona ~~ :rolleyes: pati yung kaldero namen na puro uleng kuskos ako ng kuskos hanggang napapaputi kona ... ki~kinang~kinang na si kaldero ....:rolleyes: minsan nga sa sobrang galet ko hindi ko alam bahay na pala ng kapit bahay namen ang pino floorwaxan ko anak ng teteng~~~:scratch:
wala eh~~ no talkisshhh drama namen eh~~;)
ok pala kayong mag break ng hubby mo eh , may pakinabang pla. pakintabin ba naman lahat pati na bahay ng kapitbahay mo :biglaugh: :biglaugh:
sana kapitbahay kita para bahay pati bahay ko damay na pakintantabin mo :eek: :lol: :lol:
una po s lahat,hi to everyone bago lng po ako dito.
mag-2 years na po kami ng hubby ko pero awa ni god wala pa naman away...tampuhan po marami at madalas ako naman may kasalanan...pag nagtaas na po siya ng boses naiiyak na lang ako kasi feeling ko po inaaway na niya ako.
myutan
07-31-2007, 11:49 PM
depende din sa situation ....kung meron cyang point...medyo tahimik lang ako....but....kung alam ko na ako nmn ang may point...hinde cya makaka singit sa bibig ko:devil:
aki^-^
08-01-2007, 09:18 AM
pag nag aaway kami ni hubby dati.... naku ako ang putak ng putak...si hubby naman nakayuko lang... pero pag ako may kasalanan... tahimik lang ako..hehehehhe!!
Minsan nga may napag awayan kaming mag asawa...galit na galit ako... nag impake ako ng gamit at lahat ng gamit ko kinuha ko... kasama ko mga bata... syempre emote ako, hehehhe:D :D .. tapos malapit na ako sa pintuan... tinawag ako ni hubby...akala ko pipigilan ako, Ayun pala.. sabi nya naiwan ko susi ng kotse... kabusit diba? lalo ako nagalit sabi ko umuwi na sya sa japan at ipapaban ko sya sa pilipinas..heheheheh e!!!
pero ngayon di na ganun... tahimik na ako at di na ako nag iimpake..kase di nya ko pinipigilan eh, ahihihihihihi:D
honey
08-02-2007, 10:59 AM
Ayaw ko kasi ng debate kaya tahimik lang ako pero kapag nagkamali si mister dyan ako maingay:D Hanggang sya na lang din ang tatahimik nakakatakot daw ako magalit:p.
tisay
08-02-2007, 01:52 PM
..ang una kong ginagawa pag nag aaway kami ng hubby ko ....ganito:rant: ....pag di pa rin mailabas ang galit ko ,,naghahanap ako ng mapagbuntunang gamit....parang Flying saucer...kalalabasan :banghead:........ay okong magtiis at tatahimik na lang,,,ginawa ko na yan dati...Wa epek! nakaka stress lang:mad: ....kaya ngayon,,kapag di ko mailabas galit ko,,para akong sasabog na bulkan:eek: ...pero pag nahimasmasan naman ganito:O .....parang basang sisiw!.....di na lang ako pinapatulan ng asawa ko dahil alam nya pati sya...kaya kung pasabugin:fire:..... ........
.................... pero bihira lang naman kami mag away........kasi kabisado na namin ugali ng isat-isa :love:.......
Reiko
08-05-2007, 11:15 AM
Pag nag away naman kami ng habiko tahimik lang ako tapos kung sino sa amin yung may pagkakamali siya yung unang kikibo...Pero kung alam ko talaga na mali siya hindi ko talaga siya kikibuin tapos susuyuin na niya ako sabay kiss pa kaya peace na kami...:)
tfcfan
10-12-2007, 08:52 PM
Bihira kami mag away pero kung alam kung ako ang may kasalanan tatahimik lang ako pero pag sya ang may kasalanan, ayan lumalabas lahat ng nakatagong nihonggo ko halo na pati tagalog at bisaya.Pero hindi naman talaga matitinding away mga simpleng bagay na naiipon lang kase stress lang siguro ako or sya :D pero sya naman ang laging nauunang mag-sorry mapakasalanan ko pa yan or kasalanan nya man.Ang mahalaga eh aminin kung may pagkakamali at tanggapin yung pagkakamaling iyon para maayos kung anuman ang di napagkaunawaan(whew lalim ah!:p)
chevelle:)
10-12-2007, 10:55 PM
bihira lang po kami mag-away ni hubby ko, tampuhan lang po minsan. hindi kasi ako talaga nagger type noong una, pag may pinag-awayan kami tahimik lang po ako as in tahimik na tahimik para po akong walang kasama sa bahay, wala ako nakikita at wala ako naririnig.;) pinaghahanda ko pa rin sya ng pagkain pero kahit anong pakikipag-usap nya sa akin pag hindi pa po humuhupa galit ko noon, no comment talaga ang beauty ko.:D tapos one time sabi nya sa akin, mas gugustuhin pa daw nya na mag-ingay ako at mag-wala kapag nagagalit kasi alam daw nya kung ano ba nararamdaman ko at iniisip ko kesa tahimik lang ako, mas nahihirapan daw sya. eh di pinagbigyan ko sya kaya ngayon pag nagalit ako ganito na!:furious: :rant: :hellfire: :bricks: tapos sabi nya nung minsan ibang-iba na raw ako magalit ngayon kesa noon. sagot ko di ba ikaw nag-request nun!:D pero in fairness, ang sarap yata ng feeling pag nag-gomen nasai sya at niyayakap at kiss ako...kinikilig ako:sweeties: at gaya nung iba pagkatapos ng away nag-aaya mag-shopping or mamasyal o kaya kain sa labas kaya minsan sarap ng awayin everyday.:D
shiawase
10-12-2007, 11:11 PM
Pag nag-away kami, putak ako ng putak.. Npakapasenyoso ng aswa ko kya mnsan naiispoiled ako. Pero sympre sya ang may mali kaya atarimae lng n mgalit ako. Ggawin nia ang lhat pra lng mpatawad ko cia. As in LAHAT! Kaya in d end, nttapos din sa batian... Un ang pnakamsarap na part, di po ba??
:) makikishare lang po.. During the first few months ng pagsasama namin di pa kami kasal ha... araw-araw kaming nag aaway hindi pa nga nakakasal..sabi ng friends ko..baka iwanan ka niyan ako naman "Ay naku iwanan niya ako mas maganda ang buhay ko:D lagi akong nagaalsa balutan tapos siyampre pipigilin niya ako:p sarapsarap.. kaso ng tumagal tagal (d naman matagal kaso araw araw nga madalas..hihi) ndi na niya ako pipigilan tutulungan pa nga niya akong magempake.. eh ako hindi naman talaga ako maglalayas OS ako..madami akong matutuluyan kung gusto ko pero ayaw ko na sa japan kung maghihiwalay kami uuwi ako ng pinas aantayin kong kunin ulit ako ng nanay ko dun:D or kahit di na. Kaya wala akong balak magtago tago pa dahil siya lang naman ang reason ng pagO-OS ko d2. Gagawin ko babalik ako ng bahay dala ang mga malalaking maleta ko tapos sasabihin ko..bukas na lang ako aalis itinakas mo ako sa nanay ko ibalik mo ako:p o kaya sasabihin ko tawag ka na ng pulis dahil wala na akong gagawin d2 sa japan.... saka kami magkakabati...then pagnagaaway kami after nun tawag k n ng pulis lagi kong sinasabi, one time napuno na siguro dumampot talaga ng telepono..eh medyo malakas ang phone namin nadidinig mo kung may kausap talaga sa kabilang linya... tapos after niya sabihin address namin binaba tapos magempake na daw ako kasi parating na daw pulis...:nono: <<<tinignan ko siya ng ganito sabay, "Hindi mo na talaga ako mahal!Sige kung jan ka masaya!" sabay dampot ng phone tawag kay ina... "Ma, nagaway kami uwi na akong pinas" tapos baba..tawag ng tawag nanay ko d2 bigay daw address namin etc. ayaw ko ibigay...syempre kahit ganun asawa ko ayaw ko siya mapahamak pa. Kahit ipahuli niya pa ako sa kahit anong bansa:insane: Tapos nagiiyak lang ako sa kwarto. Inaantay niya pala akong tumakbo:ohlord: hihihi...tapos after one hour wala na siyang magawa kundi aminin ang 22o d naman daw siya tumawag..hihihi..may pinindot lng siya kunwari may kausap siya... sabi niya...talagang ikaw ana taong hindi lalayas noh?:D Hihi...sabi ko syempre kung maghihiwalay tayo uwi ako ng pinas diba?Ano pang gagawin ko sa Japan ginive up ko na lahat para sayo! tapos magsosorry na din siya sa akin:D :kiss: pag ako ang may kasalanan sasabihin kiss sya sabay gomenasai wa?habang naluluha luha kunwari... ggggo..mmmmee...nasa i!Peace na kami :love: Ngayon syempre panakot ko na rikon... away pa din kami madalas pero mas dumalang na ngayon kasi nakakapagod daw over ang away namin over simple things lang...naaawa na din ako sa kanya pagod sa work kaya minsan yasumi ang away namin:p
blue_evol
11-26-2007, 12:31 AM
pag war kami ni hubby..ini irapan ko siya tapos tsumetai ako..tapos nun tahimik lng me kasi hirap kaya magtatalak pag konti lng alam mo nihongo! gusto kong sumigaw at kuruting siya sa singgit..hehe:D ang hubby ko naman tahimik lng din di sumasabay sa galit after an hour peace na kami ..dun lumalabas ang langgam sa sobrang sweet!!;)
kazz314
11-27-2007, 03:20 PM
bihira din kami mag-away ni hubby:D isang beses nag-away kami kumuha ako ng kutsilyo:fence: naremember ko kasi sabi ng friend ko yan daw panakot niya sa asawa niya:O eh una pinigilan ako ni hubby(gusto ko pang magpapigil ulit:D )napikon na siya sabi ba naman sa akin"sige pag ako makakuha ng kutsilyo,isasaksak ko sayo!":eek: natauhan ang lola;) sakit kaya non:D mula noon tahimik nalang ako...tahimik din siya!isip isip,maya maya pag medyo ok na, saka ko sasabihin kung ano gusto kung sabihin sa kanya!:cool:
virgo27
11-27-2007, 03:33 PM
makikijoin hah:D
ako pow nung una nakikipagdebate ako sa kanya:rant:
hay naku hindi ako papayag na hindi masabi ang gusto kong sabihin:D
pero habang tumatagal pala nakakasawa na rin:drool: atsaka nalaman ko na mas asar pala sa kin si hubby kapag hindi ko siya pinapansin pag nag-aaway kami hehehe:D
k_e_n_k_a_y
11-27-2007, 05:15 PM
tatahimik saka iiyak..hahaha
alamagawa
11-27-2007, 05:22 PM
yung pinakauna syempre.......kuha na kong kong tissue para ready:cry:
k_e_n_k_a_y
11-27-2007, 05:26 PM
yung pinakauna syempre.......kuha na kong kong tissue para ready:cry:
eh nakakailang roll or box ka naman ng tissue na nauubos? curious lang po! :D
katheyrine
11-27-2007, 05:33 PM
pasali rin po..
basta tuwing mag-aaway kami ng mister ko..ewan ko ba lagi akong derecho sa bedroom namin at nililinis ko isa-isa ang mga damit ko:D habang nag-iiyak. ako kasi, timpi-timpi..lahat ini-ipon ko kaya nuong napuno ako..halos lahat naibato ko sa mister ko..kaya naki-usap sya na tuwing mag-aaway kami, ilabas ko rin kahit maliit na galit ko...kasi mahirap na pag naipon:D
may_abe
11-27-2007, 05:36 PM
yung pinakauna syempre.......kuha na kong kong tissue para ready:cry:
:D ang galing mo talaga...alamagawa.. minsan umaalis ako,pag balik ko ok na..
alamagawa
11-27-2007, 05:39 PM
eh nakakailang roll or box ka naman ng tissue na nauubos? curious lang po! :D
haha......2 ply kasi na roll gamit ko kaya, kasama na yung pagsinga tsaka tears di napupunit agad kaya matipid:D........kay a kung ako sayo 2 ply na rin gamitin mo sis;)
listen
11-27-2007, 07:39 PM
:D kami ni hubby pag nag-aaway tahimik ako habang sya nagdadaldal at pagkatapos nya trompa ang kasunod dahil hindi ako nagsasalita ng mahina parati malakas na prang trompa...kasunod nuon bagay na dkaya ta-ub ang table nmin pro isang beses ko lang ginawa un kpag dna makaya ang stress ;) parati ako panalo kasi kung hindi wlang katapusan ang away nmin................ ........:D
superwoman
11-28-2007, 09:36 AM
:drool: una kong ginagawa:rant: tapos cry,cry,cry:cry: :cry: :cry: tapos isip-isip REKON :D
:D Same tayo April ako din:rant: then:cry: tapos isip din ng rekon:eek: kaso minsan nakakalimutan ko na :scratch: pilipino pala asawa ko at walang Rekon:banghead: sa atin sa pinas:cry: at pag sya talaga ang mali at nagmamatapang pa hagis ko sa bintana ang:crash: nya! Pero minsan lang po kaming mag-away pero pag mag away kami asss innnnnnnn super duper:D
miffy
12-11-2007, 08:26 PM
good evening po! tahimik :shutup: din ako pag may LQ kami ni babes:babe: .mabait po sya,d nya pinapatulan sumpong ko!:yesyes: nung nasa period of adjustment pa kami,tahimik lang akong iiyak pag may LQ kami,ngayon medyo naka adjust na,smooth na pagsasama namin.d na kami madalas mag-away! ayyyy mali pala,d ko na sya madalas awayin! kasi anak ko na kaaway ko! :lol: :lol: :lol: patulan daw ba ang bata! ha ha ha
Dondake303
12-12-2007, 10:24 AM
Me too, tahimik din ako pag nag away kami mag asawa mas madaldal pa siya sakin. Hindi siya makakatulog hangga't hindi kami nagkakausap ng maayos. Pero ako tahimik pa rin at hindi ko siya pinapansin. isang araw na magkagalit bati na ulit:D
pineapple
12-12-2007, 04:36 PM
tumatahimik. minsan umiiyak ...
fremsite
12-12-2007, 11:48 PM
hello ...pasali ako dito ms summergirl .. me ... etc yung choice ko .. :)
sleep tight lang ako pag nag-aaway kami then ... wala siyang dinner !!! :p
elyurika
12-13-2007, 07:44 AM
hahahaha! ako rin po sa umpisa tahimik muna~~~hahayaan ko muna siya dumaldal pag napagod na siguro sa kakadaldal~~~~kase dinededma ko po siya.......pag tahimik na siya ako naman ~~~~~~~~^^^then ala siyang hapunan~~~~~~mabuti nga sa kanya,inaway niya ako.......ala siyang dinner...ala pa siya katabe:D manigas siya sa ginaw~~~~hahahaha.
gabby
12-13-2007, 10:57 AM
Guston kung sumali sa poll na ito kaya lang parang me mali . . . :) Ano kaya yun????:confused:
docomo
12-13-2007, 11:03 AM
Guston kung sumali sa poll na ito kaya lang parang me mali . . . :) Ano kaya yun????:confused:
How about option "etc" > etchetera ... and post mo kung ano po yun :)
gabby
12-14-2007, 07:01 PM
Depende kung sino ang may sala:p
Salamat:)
...puro mga misis lang ba dito???mga mister kayo anong say nyo?
ako pag ina-away ni misis sinasabi ko, SANDALI ! then I'll go in our bedroom
and get naked then I'll ask her to get in and then say OKAY, I'M ALL YOURS...he
hehe.Once ko lang namang ginawa yan.
So from then on, we made it a rule that if we have to fight we have to be naked.
You should try it, mula non hindi na kami nag-aaway. How can you fight when
you're naked , trust me mahirap. It's a crazy idea but that's the whole idea behind
it yong crazy thougt na kailangang naked ka bago mo ma-away ang hubby mo.
So mula non, we just dialogue...yon lang po and take it easy sa mga hubby nyo..hihi
mmb0517
12-17-2007, 08:05 PM
ay naku aja ang cute ng suggestion mo ;) ay naku mga darling before nilalagay ko sa maleta
un mga damit ko pag nag-aaway kami.tapos pag okey ako din nahihirapan mag tupi at isoli sa
cabinet.ngaun nag matured na ako kinukurot ka na lang sya dun.......basta kumpleto pa din
un sekatsu namin monthly ala prob.
bahaykubo
12-18-2007, 08:57 AM
tatahimik lang muna .....kasi kung sabayan ko sha ng galit baka di nya lang maintindihan sasabihin ko..hindi naman ako ganun kagaling mag nihonggo para makipag argue pa..then iyak...then pag bati na kami tsaka ko sasabihin yung naramdaman ko that time...
FUFU KENKA INU DEMO KUWANAI...awaymag asawa lang naman yun..natural minsan...pero after nun bati na naman..love love na ulit
yukorin
12-18-2007, 08:23 PM
naku d ako pede sumingit sa wishart ko,mas mdaldal p sa akin un e.kaya un dko masabi dhil d nga ako mkasingit e naiiyak ako s inis.kaya gngawa ko nagsasabi sabi ako s isang sulok ng tagalog para ba kong me sayad gnun...saka sya ntatawa sa akin,lagi nman kc kmi comedy e.kaya d lumalala away nmin.mkpgasawa b nman sya ng me tama (ako b un?)
masahiro
12-22-2007, 11:30 AM
hi everyone share ko lang din experience ko ha... ako pag nag-aaway kami dati syempre pagirl iyak iyak...:( noon un ...... pero ngaun pag nag-aaway kami sya n lagi ang nauunang mang-amo .. tinutulugan ko lang sya, at tahimik lang ako hanggang sa ayun sya na ang hindi makatiis.. syempre hindi na ko pakipot...:D embrace ko na ulit and kiss him sa ......... lips:rolleyes:
danasan143
01-02-2008, 10:44 PM
ako magagalit ng todo with matching tapon pa ng mga gamit para malabas galit ko pero di man ako pinapansin kaya ako din ang kawawa ichinichi akong iiyak nyan iniisip ko hiwalay pero may pamilya ako sa pinas na di pwedeng pabayaan basta 2x hahayyyy hapon nga naman
maque
01-02-2008, 10:45 PM
tahimik lang din pero for sure maiiyak ako kasi malambot ang puso ko
khaizze
03-15-2008, 10:57 PM
nag-iimpake ng damit, pagkatapos lalayas kunwari:D! si hapon naman super pigil to the max, konting drama cry,cry then go na me with my travelling bag pero dun lang me sa harap ng mansion na tinitirhan namin paikot-ikot parang baliw!!! crying crying habang hatak-hatak ang bag! usually midnight kase kami nag-aaway before, so ok lang wlang masyadong tao outside. I just want to make pakipot lang ba:D!!! my gosh naubos na me ng lamok!!! ni hindi man lang me sinundan!!!! Yun pala ang mokong nasa veranda lang at dun ako pinapanood! pinagtatawanan na pla me ng mokong:grrr:!!! I missed that moment hindi na kase kami nag-aaway ngayon eh!
erokawaiiAYA
04-29-2008, 09:27 AM
ako naman, syempre sa umpisa, silent mode lang, para wala nang marami pang usap. Pag hindi pa rin tumigil kaka ingay si Hapon, sasagutin ko na, kapag nakikipag laban talaga, syempre challenging part na yun, makikipag sabayan na ako!! sagutan talaga kami.. then kapag hindi sya nag sabi ng gomennasai,
Mou Philippine ni Kaeru yo!!! - yan ang huling kotoba ko.:D
comedones
04-29-2008, 10:29 AM
ako naman, syempre sa umpisa, silent mode lang, para wala nang marami pang usap. Pag hindi pa rin tumigil kaka ingay si Hapon, sasagutin ko na, kapag nakikipag laban talaga, syempre challenging part na yun, makikipag sabayan na ako!! sagutan talaga kami.. then kapag hindi sya nag sabi ng gomennasai,
Mou Philippine ni Kaeru yo!!! - yan ang huling kotoba ko.:D
you rock!!! idol na idol naman kita sa ganyang style mo:D:D:D:D:D
michi_28
04-29-2008, 11:56 AM
ako naman, syempre sa umpisa, silent mode lang, para wala nang marami pang usap. Pag hindi pa rin tumigil kaka ingay si Hapon, sasagutin ko na, kapag nakikipag laban talaga, syempre challenging part na yun, makikipag sabayan na ako!! sagutan talaga kami.. then kapag hindi sya nag sabi ng gomennasai,
Mou Philippine ni Kaeru yo!!! - yan ang huling kotoba ko.:D
hehehe... sis pareho pala tayo ng last kotoba !mou philippine ni kaeru yo!!! ja!! rikon!:D
ako naman di ako kikibo... then basta nalang luluha ako! ewan ko ba masyado kasing mababa ang luha ko eh!! kapag ganun na alam na nya yung kasunod:hellfire::ch atter:!!!
erokawaiiAYA
04-29-2008, 12:05 PM
you rock!!! idol na idol naman kita sa ganyang style mo:D:D:D:D:D
loka loka ka talaga!!!! ikaw naman ang mag post!! :D:):p
erokawaiiAYA
04-29-2008, 01:30 PM
hehehe... sis pareho pala tayo ng last kotoba !mou philippine ni kaeru yo!!! ja!! rikon!:D
ako naman di ako kikibo... then basta nalang luluha ako! ewan ko ba masyado kasing mababa ang luha ko eh!! kapag ganun na alam na nya yung kasunod:hellfire::ch atter:!!!
ha ha ha ha:D nakakatawa talaga!!!:D:):p rikon !!!
Wreinman
04-29-2008, 06:21 PM
Magkukunwaring maglalaslas pero sisiguraduhing pipigilan para hindi nakakahiya :hihi: :bonk:
sharpener
04-29-2008, 10:44 PM
Magkukunwaring maglalaslas pero sisiguraduhing pipigilan para hindi nakakahiya :hihi: :bonk:
kung ganito asawa ko
bibigyan ko pa ng lubid:hihi:
ako po pag nagaaway kami...naglalayas ako:D
tulad noon nag ring celfone nya
binali ko muna saka binato ko sa kanya sabay layas
syempre baka ibato pabalik sakin tamaan ako hehehe:D
kawaii5322
05-02-2008, 09:57 AM
hello pasali po. kami ng hubby ko di pa kami nag-aaway ng hidoi sometimes misunderstanding lang. pero tahimik lang ako di ko rin sya sinasabayan kasi lalong lalaki yung problem. makikinig lang ako. pag di na mainit ang ulo nya tsaka ko sya kakausapin at sasabihin ko yung side ko.it works for us.sabi nga ng asawa ko atama ii daw ako kaya ako ang pinakasalan nya i know what to do in different situation. i guess dapat naman talaga ganon wala namang maaayos pag nagsigawan kayong dalawa.
summerghie
05-02-2008, 10:14 AM
depende sa pinagaawayan namin.
kung mga pety things lang naman i just shut up and wait for the right time to talk.
kung medyo nakakapikon ayun tatalakan ko siya at deadmahan kami.
kapag medyo worst na at di namin naayos bago kami matulog at hangang kinabukasan issue parin well the next step will be packing my things and asking him to reserved a ticket kasi uuwi ang beauty ko sa pinas.
minsan kasi sindakan lang yan kapag nagpasindak ka talo ka. akala kasi nila takot tayo na mawalan ng visa or umuwi ng pinas eh mabuti ng alam nila na kaya nating mabuhay ng di nakasandal sa kanila.
at minsannaman sa magasawa dumadating yun hamunan ng hiwalayan dahil sa tindi ng init ng ulo ninyo pareho but once you calm down you would realize na sometimes it is so easy to spill it out the word "divorce na tayo" pero mahirap siya panindigan.
emviolet18
05-05-2008, 07:23 PM
Ako din po pasali...:D
kami ni hubby palagi kaming ngdedebate about the difference between nihon and philippines..lahat ata ng bagay lagi kaming argue to the max.Si hubby kasi graduate ng LAW pero d nkapasa ng board..hehehe..binuk ing~~kaya sobrang kibishii..kesyo bawal ito..bawal ganun..nkakairitate sa dami ng bawal..
ako naman d patatalo lalo na pag alam ko.yan..mauuwi n kami sa away:fence:..tapos maoopen na yung dating koto na ginawa nya sakin pambababae..:hellfir e:..palala na ng palala ang argumento hanggang sobrang galit ko nasusuntok ko na sya.si hubby din kasi mabait lng at d naman lumalaban..lalo n pg tumahimik din ako,katulad ng iba na sila din ang sumusuko lalo n pag sinabi na nga MO~ PHILIPPINE KAERU!!sa sobrang galit ko nga minsan nsabi ko tuloy sa knya ng nagsisisi ako dahil sya pinakasalan ko.waaa...sa sobrang galit ko lng kasi kaya ganun..alam ko naman masakit din sa kanya pag sinabi ko yun.Na spoiled lang din siguro ako ng sobra dahil alam ko sa sarili ko na d nya ko kaya mawala..hehehe..iyon naman eh ayon sa kanya..hihihi~~..pal agi nya sinasabi skin yun..pero d rin naman ngtatagal ang pagaaway namin ng isang araw at amai amai na ulit~~..yun lang..naging normal n samin ang pag aargue..kanina lng kakadebate namin ulit eh..hehehe..pero ok na ulit.:love:
mamimo
05-06-2008, 10:54 AM
Lately bihira na kami mag-away kasi we`re almost 7yrs together para na lang kaming siblings wala ng pressure na baguhin ang bawat isa. Pero kapag tipong away na talaga I tell him "learn to shut your mouth and I assure you we`ll be fine soon" which is okay lang sa kanya. Ganun kasi ako umuusok ang ilong pag galit pero pag di ako pinatulan feeling guilty ako after sa mga nasabing di maganda kaya ako na ang nang-aamo at nahingi ng despensa sa huli.:O:)
baklita
05-30-2008, 12:03 PM
pag may away kami ng labadib ko... tiyak magsisiliparan ang palanggana,
plato at platito. nabanggit ko na ba lahat ng letrang "p?" lol
minsan, binalot ko mga gamit ko at palabas na ako. nang nasa pintuan ako...
tinawag niya ako. kutob ko pipigilan niya ako. ang leche... sinabi ba naman
"pwedeng pakilabas na rin itong basura?"
isang letrang "p" na palakol ay binato ko sa kanya. ang galing niyang umilag.
nang nadampot ko ang patola (letra "p" ulit) di siya nakaligtas... bullseye. ayun
tinamaan sa ulo at muntik nang hinimatay at nalaglag sa hagdanan, noh!
ngayon, pag pareho kaming galit... di na lang kami nagkikibuan hanggang sa
lalamig ang ulo namin. nagkabati pa rin at mamimili ulit ako ng patola, noh!
aihihihi!!! :lol:
baklita
baklita
05-30-2008, 12:09 PM
ako.... ang ginagawa ko nalilinis ko buong bahay namen .....masipag ako pag break kaming dalawa floorwax dito floorwax doon ~~~ hanggang di kona namamalayan pati pala kisame ng bahay namen na flo~floorwax kona ~~ :rolleyes: pati yung kaldero namen na puro uleng kuskos ako ng kuskos hanggang napapaputi kona ... ki~kinang~kinang na si kaldero ....:rolleyes: minsan nga sa sobrang galet ko hindi ko alam bahay na pala ng kapit bahay namen ang pino floorwaxan ko anak ng teteng~~~:scratch: ;)
sis, sa susunod na away nyo... pwede kang pumunta sa amin at maglagay
ng floorwax sa aming sahig? ngayon din bibili na ako ng floorwax, noh!
anong brand ng floorwax angyong gusto? lol
aihihihi!!! :lol:
baklita
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.