PDA

View Full Version : Pakialam niya?


bonbon'79
07-29-2007, 06:46 PM
Hello mga ka-tf... Ask ko lang po sana kung bakit may mga Hapon pong nakikialam sa buhay ng ibang tao? Kasi po sa akin, palagi na lang po akong pinakikialaman ng boss kong Hapon. Kahit wala po akong ganang kumain, pinagsasabihan po niya ako palagi (pero yung iba ko pong mga kasama na walang ganang kumain, hindi naman niya pinagsasabihan). Tapos, tinatanong po niya ako palagi kung magkanong pera ang ipinadadala ko sa pamilya ko sa Pilipinas (kung 50,000 yen po, pinababawasan po niya sa akin lagi kaya minsan hindi ko na lang sinasabi sa kanya ang totoo). Yung pinaka-ayaw ko po eh yung, palagi po niya akong pinagsasabihan na lumabas ng bahay kasama ang mga kasamahan ko sa trabaho (mas gusto ko pa pong magpahinga sa bahay kesa ang mamasyal sa kung saan-saan). Kung ayaw ko pong lumabas ng bahay, tiger look na po lagi ang ginagawa niya sa akin tapos, magagalit na po siya sa akin. Bakit ganoon po kaya siya? Hingi lang po ako ng advice sa inyo... Salamat po...

Nichibun
07-29-2007, 07:02 PM
Next time na tanungin ka niya, sabihin mo hindi ka na nagpapadala ng pera sa Pinas.
Tungkol naman sa paglabas kasama ng ka-trabaho, paminsan-minsan ok na sumama sa kanila. Parte po iyan ng kanilang kultura (kahit naman sa Pinas o ibang bansa, di ba).
Social-lubricant ika nga, o pakikisama.
Pag pagod ka, tanggihan ng mahinahon at magalang ang imbitasyon.

iwasan mo rin ang magkwento at magtanong ng personal na bagay lalo na tungkol sa pera at buhay may asawa para makaiwas sa tsismis. Gawin ang nararapat sa trabaho at hanggat maaari ang pag-uusap ay tungkol sa trabaho.

Hindi ka naman siguro kaiinisan ng boss at ibang kasama mo basta magalang ang pagtanggi at pagsagot.:)

marivic
07-29-2007, 07:17 PM
I advise you not to be over sensitive. I don't see anything wrong with your boss. I don't see it as meddling. In a way, it seem your boss wants you to be comfortable, wants you to belong to the group. He wants you to open up so that you can get along with him and the others.

Kung pinupulaan niya ang trabaho mo lagi...yon ang nakakapag-alala. Baka kasi napag-iinitan ka lang.

bonbon'79
07-29-2007, 07:56 PM
@Nichibun at Marivic san...

Maraming salamat sa mga payo niyo ha? Actually, sumasama talaga ako sa mga lakad ng mga kasamahan ko. Pero mas madalas kong kasama ang mga kasama ko rito sa dorm. Ayaw ng boss ko ng ganoon. Gusto niya lagi kong kasama dapat ang mga taga-apartment. Malayo pa naman ang bahay nila mula sa amin. Kaya napag-isip-isip ko naman, mula bukas pag uuwi na ang mga taga-apartment sa bahay nila, sasama ako sa kanila. Uuwi lang ako sa dorm, pag wala na ang boss namin sa school. Hahaha...

Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan sa kanya eh kung bakit galit siya agad sa akin kung tinatanggihan ko siya. Pero pag ang mga kasama ko naman ang tumatanggi, ok lang sa kanya. Minsan nga, naaawa na nga ako sa kanya kasi may kasama akong taga-dorm na minamanduhan niya lang ang boss namin (para bang siya ang asawa ng boss namin). Hehehe... Kakairita ngang makita ko na ganyan silang dalawa. Kaya minsan tuloy, naisip ko na lang na ayokong sumama sa kanila. Bahala na...

Maraming salamat talaga sa mga payo niyo... Hayaan niyo at ia-update ko na lang kayo tungkol dito...:)

nikkichibi
07-29-2007, 08:19 PM
hello bonbon, alam mo wala naman akong nakikitang problema sa boss mo , siguro concern lang sya sa yo kaya ganyan sya :D swerte mo nga at may taong nag aalala sa yo kahit na malayo ka sa family mo eh , pabayaan mo na lang sya di pa naman foul yung mga pakikialam nya sa yo eh . :)
eto sa palagay ko lang ha baka naman may gusto ang boss mo sa yo :eek: :D ( joke lang po )

shakey
07-29-2007, 10:23 PM
oo nga borbon walang masama sa pag tatanong ng boss mo sa iyo, d more na napapansin ka nya d more na concern sya sayo,cool nga eh parang tatay mo sya dba? tsaka ayaw mo ba nun sa lahat ng naandun ikaw yung binibigyan nya ng atensyon..matakot ka pag di ka na nya pinansin kasi sa hapon pag di ka nila pinapansin parang wala lang,walang pakialam..di ka nila like.

Autumn
07-30-2007, 09:12 AM
good morning bonbon san.para sa boss mo kawaii ka kaya ka pinag sasabihan na kumain ka..lumabas ka..maki pag socialize..para sa akin hanggang dyan ok..

pero yun pati pag papadala mo ng pera eh pakialaman pa nya..sobra na yun.privacy mo na yun..baka akala ng boss mo asawa ka nya :D (joke)

keep distance and your privacy...wala syang paki doon..

ritzyu
07-30-2007, 12:38 PM
Medyo kakaiba nga yata treatment ng boss mo sa iyo....bawasan mo na lang pag-
open ng mga privacy mo sa kanya ng di ka makulitan:)

proud me
07-30-2007, 02:48 PM
suwerte mo nga sa boss mo gusto nya...lagi kang masaya siguro.:p
dun naman sa pag-papadala mo...baka meron siyang napapansin sa iyo na hindi mo lang ma-get yung gusto nyang mapansin mo rin.:D :p

honey
07-30-2007, 06:17 PM
Boss mo ba babae???? baka type ka sigurp cute ka kung nakangiti masaya yun ang gusto nya makita.

Boss mo ba e lalaki? baka bading :D type ka ayaw nakikitang malungkot ka siguro kapag nakita kang nakangiti papalicious ka:p


hehehehe!Wala naman sigurong masama kung nag-aalala sayo malungkot kasi dito sa japan kaya siguro naiintidihan nya situation mo:).

summergirl
07-30-2007, 07:14 PM
baka naman type ka ng boss mo ,kaya masyado syang concern sa iyo.Ano ba ang pakialam nya kung lumabas ka at magkano pinapadala sa pinas?That means concern lang sya sa iyo..Wow!!!ok lang yun at least marunong mag appreciate ng maganda ang tao..<Peace tayo huh>.

shakey
07-30-2007, 09:18 PM
baka dahil tinatanong nya kung mag kano ang pinapadala mo baka gusto nyang dagdagan!:D

bonbon'79
07-30-2007, 10:36 PM
hello bonbon, alam mo wala naman akong nakikitang problema sa boss mo , siguro concern lang sya sa yo kaya ganyan sya :D swerte mo nga at may taong nag aalala sa yo kahit na malayo ka sa family mo eh , pabayaan mo na lang sya di pa naman foul yung mga pakikialam nya sa yo eh . :)
eto sa palagay ko lang ha baka naman may gusto ang boss mo sa yo :eek: :D ( joke lang po )

Hahahahahahaha.... Pang-lima ka na sa nagsabi niyan... May asawa na yung tao. Ganun daw talaga siya. Nakikialam sa buhay ng may buhay... Ok lang. Pilit ko na lang iniintindi yung boss ko. Salamat...:D

bonbon'79
07-30-2007, 10:46 PM
oo nga borbon walang masama sa pag tatanong ng boss mo sa iyo, d more na napapansin ka nya d more na concern sya sayo,cool nga eh parang tatay mo sya dba? tsaka ayaw mo ba nun sa lahat ng naandun ikaw yung binibigyan nya ng atensyon..matakot ka pag di ka na nya pinansin kasi sa hapon pag di ka nila pinapansin parang wala lang,walang pakialam..di ka nila like.

Oo nga.. Concerned nga siya pero sobra-sobra na ang ganun. Hehehe... Salamat...

good morning bonbon san.para sa boss mo kawaii ka kaya ka pinag sasabihan na kumain ka..lumabas ka..maki pag socialize..para sa akin hanggang dyan ok..

pero yun pati pag papadala mo ng pera eh pakialaman pa nya..sobra na yun.privacy mo na yun..baka akala ng boss mo asawa ka nya :D (joke)

keep distance and your privacy...wala syang paki doon..

Lumalabas nga rin ako kasama ng mga kasamahan ko sa trabaho kaya lang ang gusto niya talagang kasama ko sa araw-araw eh yung mga kaibigan kong nasa apartment. Malayo pa naman ang apartment nila sa amin. Palagi ko kasing kausap at kasama ang mga kaibigan ko rito sa dorm eh... Salamat ha?

Medyo kakaiba nga yata treatment ng boss mo sa iyo....bawasan mo na lang pag-
open ng mga privacy mo sa kanya ng di ka makulitan:)

Hindi naman ako gaanong nagkukuwento sa kanya. KSP lang siya siguro. Hehehe...

suwerte mo nga sa boss mo gusto nya...lagi kang masaya siguro.:p
dun naman sa pag-papadala mo...baka meron siyang napapansin sa iyo na hindi mo lang ma-get yung gusto nyang mapansin mo rin.:D :p

Hindi ko na nga sinasabi sa kanya kung magkano ang ipinadadala ko sa Pilipinas. Nakukulitan na ko sa kanya. Hahahaha....

Boss mo ba babae???? baka type ka sigurp cute ka kung nakangiti masaya yun ang gusto nya makita.

Boss mo ba e lalaki? baka bading :D type ka ayaw nakikitang malungkot ka siguro kapag nakita kang nakangiti papalicious ka:p


hehehehe!Wala naman sigurong masama kung nag-aalala sayo malungkot kasi dito sa japan kaya siguro naiintidihan nya situation mo:).

Lalaking-lalaki ang boss ko... Kaya lang, KSP yata. Hehehe...

baka naman type ka ng boss mo ,kaya masyado syang concern sa iyo.Ano ba ang pakialam nya kung lumabas ka at magkano pinapadala sa pinas?That means concern lang sya sa iyo..Wow!!!ok lang yun at least marunong mag appreciate ng maganda ang tao..<Peace tayo huh>.

Ganun daw talaga ang boss ko. Kahit mga kasamahan ko, nagsasabi ring ganyan siya.

baka dahil tinatanong nya kung mag kano ang pinapadala mo baka gusto nyang dagdagan!:D

Gusto pa nga niyang bawasan eh. Hahaha... Para kung ano man ang gagastusin sa lakwatsa, may budget ako. Hahaha...

Sa lahat ng nagbigay ng advise, maraming salamat po sa inyo. Iniisip ko na lang po palaging positive na lang para hindi ako maiinis sa kanya. Sana, araw ko lagi ay masaya. Hahaha... God bless you all...