View Full Version : alin ang unang natutunan: katakana or hiragana?
louvette_15
07-31-2007, 04:31 PM
i learned katakana 6 mos ago. ngaun nkakabasa and nakakasulat na po ako nun... 3days ago i started self-studying hiragana... ngaun nasa 25 hiragana characters pa lang po ako... napansin ko lang na dahil sa nauna kong natutunan ang katakana, medyo hirap akong sumulat sa hiragana dahil ang tendency ko sa pagsulat nun ay straight-straight like sa style sa pagsulat ng katakana...mabuti na lng nandito c hubby very patient in teaching me...
sa mga nakapagsusulat and nakakabasa na ng katakana and hiragana, alin po ba ang nauna nyong natutunan?
Sarevok
07-31-2007, 04:33 PM
Hello. Sabay ko po silang natutunan :D
ako hiragana tapos katakana,kanji diko na pinag aralan.:)
makulit
07-31-2007, 04:38 PM
ako din hiragana muna, tapos katakana.
louvette_15
07-31-2007, 04:44 PM
mrami din sa mga frens ko, magsimula sa hiragana bago nagkatakana...mas madali daw pag gnun...
louvette_15
07-31-2007, 04:46 PM
Hello. Sabay ko po silang natutunan :D
ang galing mo naman!!! panong ginawa mong pagsabaying pag aralan un? formal school ba? sakit yata sa ulo!!!!hhehehe
Sarevok
07-31-2007, 04:57 PM
ang galing mo naman!!! panong ginawa mong pagsabaying pag aralan un? formal school ba? sakit yata sa ulo!!!!hhehehehehe masakit nga sa ulo eh. May training kasi kami sali na ang nihongo. Everyday may shukudai, ang hirap talaga.:D Flashcards po ang ginamit ko. Madali kang matuto kapag magflashcard ka arawaraw. ;)
MISAchan
07-31-2007, 05:09 PM
ako katakana din ang una kong natutunan,mas madali tandaan at isulat para sa akin,sumunod ang hiragana at konting kanji...:D
louvette_15
07-31-2007, 05:17 PM
hehe masakit nga sa ulo eh. May training kasi kami sali na ang nihongo. Everyday may shukudai, ang hirap talaga.:D Flashcards po ang ginamit ko. Madali kang matuto kapag magflashcard ka arawaraw. ;)
gnun ba style mo noon...ako kasi ng matutu konti ng katakana puro love letters ginawa ko tapus pinapatsek ko ky hubby hanggang sa natandaan ko na lahat..tas halos lhat ng signboard madadaanan nmin binabasa ko. hehehe...kodomo no hon gnagamit ko in my self-study..c hubby nman nagbibigay sakin ng test.hehehe
la_tina512
07-31-2007, 05:24 PM
Una kong natutunan ang hiragana sa katakana. Noong biyahe ko sa Niigata pinagkatiwalaan ako ng mama san ko sa kaha at sa dempyo then ni-request niya ako na bumalik sa omise niya. Pag-uwi ko sa Pinas I took a crash course (more than a month hanggang makabalik ako ng Japan) sa isang Japanese language school. Nakakabasa rin ako ng konting kanji pero wala akong balak pag-aralan ito dahil hindi na kaya ng utak ko. :D
Sarevok
07-31-2007, 05:33 PM
gnun ba style mo noon...ako kasi ng matutu konti ng katakana puro love letters ginawa ko tapus pinapatsek ko ky hubby hanggang sa natandaan ko na lahat..tas halos lhat ng signboard madadaanan nmin binabasa ko. hehehe...kodomo no hon gnagamit ko in my self-study..c hubby nman nagbibigay sakin ng test.heheheAyos ah. May personal sensei ka na. Tiyak mamaster mo na ang nihongo in no time :)
umadzkun
07-31-2007, 06:30 PM
seven years ago nagsimulang mag-aral ako ng nihongo. although mas natutunan ko kaagad ang katakana nun, ngayon mas mabilis akong magbasa ng hiragana. palibhasa kasi pag nagbabasa ka ng mga japanese articles e hiragana (at kanji) ang main context.
singit lang: kung gusto ninyo ng challenging katakana-darake na article, try ninyong basahin ang "ame ni mo makezu" ni kenji miyazawa. ang original script ng poem na yun ay walang hiragana.
me naman hiragana tapos katakana :p
hiragana una...tapos katakana then ngayon konting kanji
yasashi
07-31-2007, 08:06 PM
ako din una kong natutunan yung hiragana,(self study lang po) tapos nun nag aral ako ng katakana.. pero kanji wala pa masyadong alam yung numbers lang heheh:D
tisay
07-31-2007, 08:32 PM
sabay ko syang natutunan....teacher ko yung daughter ng sister-in law ko;)
sachi807
07-31-2007, 09:49 PM
hiragana muna...sunod katakana..at very simple kanji :lol:
majasnjn
07-31-2007, 11:18 PM
Ako naman Hiragana muna tapos Katakana. pero nung nag Katakana na kami medyo nahirapan ako kasi nauna ang hiragana. Pero, sabi ng sensei namin noob mas madali daw ang Katakatana. :) Pero para sa akin(sa amin) mas nahirapan kami sa Katakana.:)
louvette_15
08-01-2007, 02:36 AM
mabuti p ung iba marunong n ng konting kanji. ako nga kanji ng yamaguchi n yamada lang alam ko.kahit apelyedo kong asahi dko p kabisado isulat.hehehe...
ako_po_si
08-01-2007, 12:19 PM
ako naman po mas una kong natutunan ang hiragana kaysa sa katakana kasi mas nadalian ako sa hiragana kahit sa way ng pag sulat ewan ko ba pero sabi ng asawa ko mas madali daw ang katakana pero para sakin mas madali ang hiragana,ngaun memorize ko na ang hiragana at katakana pati konti kanji marunong na akong magbasa at sumulat:)
Ako mas nauna kong ntutunan hiragana,then katakana(for me mas nadalian ako sa hiragana).then konting kanji din.
tfcfan
08-01-2007, 09:48 PM
me?hiragana and katakana same time kase ang katakana madalas gamitin sa mga foreign words tulad na lang ng name natin,kaya as in sabay ko silang pinag-aaralan;) .at sabi nga nila "practice makes perfect".kaya naman nakakabasa at nakakasulat na ako ng hiragana at simpleng kanji rin. ;)
katty0531
08-02-2007, 09:47 AM
Ako din sabay, i cannot write them but i can read hehehe....
mga basic kanji pa lang nababasa ko..self study lang at panonood sa tv.
Mga nababasa kung kanji mostly mga pangalan ng tao, hehehe lalo na pangalan ng mga celebrities dito sa Japan.
michiko
08-02-2007, 09:55 AM
ako hiragana din bago ang katakana:) tsaka may konting kanji din akong nababasa. sa panonood ng news kasi habang nagsasalita yung iniinterview eh may nakasulat na sa baba nya kaya sinusundan ko yun at pakikinig ng music sa ipod habang may binabasang lyrics ng japanese songs na sulat eh hiragana with kanji and katakana;)sabi ng mga kaibigan ko na matagal na dito mas maganda daw matuto ng nihongo sa news kasi kirei na nihongo daw ang ginagamit.:)
pag di ko alam ang ibig sabihin eh hinahanap ko sa denshi jishio o kaya tanong kay habibi kung anong imi nun word na narinig ko.:D
maimai
08-02-2007, 10:41 AM
boung HIRAGANA marunong ako magbasa...sa kietai ako natutu maghiragana at magkanji.......tapos konting KATAKANA pa lang nababasa ko...:p ..minsan nakakasulat na rin ako ng hiragana at simple kanji..:p
Reiko
08-03-2007, 09:27 AM
Hiragana po ang una kong natutunan bago ang katakana. Kanji naman apelyido ko lang ang nasusulat ko...:)
candy53
08-03-2007, 10:44 AM
i can read and write hiragana and katakana then ng aral ako sumulat ng kanji by myself marami kase nabibili sa bookstore na mga" kakikomi drill "from 1nense to 6nense kaso lng hanggang 2nense lng napag aralan ko kase 2 months after momy na po ako:yippee: !
candy53
08-03-2007, 10:56 AM
seven years ago nagsimulang mag-aral ako ng nihongo. although mas natutunan ko kaagad ang katakana nun, ngayon mas mabilis akong magbasa ng hiragana. palibhasa kasi pag nagbabasa ka ng mga japanese articles e hiragana (at kanji) ang main context.
singit lang: kung gusto ninyo ng challenging katakana-darake na article, try ninyong basahin ang "ame ni mo makezu" ni kenji miyazawa. ang original script ng poem na yun ay walang hiragana.
hi umadzkunsan!i know miyazawa kenji taga iwate ken kase sya kakatuwa naman..:) yaan mo ask ko hubby ko san mabibili libro nya:thumb: salamat!
a_kiss
08-03-2007, 09:03 PM
sa sobrang kayabangan ko.....pinag sabay sabay ko..presto wala akong natutunan..nakakabas a pero ayaw kong magsulat..palibhasa lalaki :D
TsUkUsHi14
08-24-2007, 12:52 PM
I studied katakaNA AND hiragana at the same time
ANGELIKA22
08-24-2007, 02:38 PM
i learned hiragana first, then katakana. at ngayon nagse-self study na rin ng mga madadaling kanji paunti-unti. lalo na at ayaw akong tulungan minsan ng asawa kong magsulat sa mga dokumento na kailangan ang sulat or pirma ko like reliksho or bio-data pag nag-aaply ako sa trabaho. gusto daw nya kasi akong matuto.
mrs-mymelo
08-24-2007, 02:43 PM
i learned hiraga first,katakana then so on...:)
cpkuni
08-30-2007, 12:00 AM
Ako naman ang inuuna ko ay hiragana tapos katakana. In two weeks times nakasulat ako at nakabasa na. Ang ginawa ko ay gaya nang pag-aaral ko sa table of multiplication noong elementary pa lang ako. Pag umaalis kami nang asawa ko kung ano iyong mga dinadaanan namin sa daan o kung ano iyong makita ko sa ay binabasa ko siya . Tapos nagbabasa nang libro rin na merong hiragana. Iyong sa TV rin kung meron akong makita na hiragana o di kaya katakana ay binabasa ko palagi. Sa kanji naman madali rin kung interesado, nakakatulong talaga siya lalo na sa trabaho ko na nagsusulat nang moushi okuri (report). Para sa akin kahit anong bagay kung may interes ka madali matutunan ang bagay na gusto mong matutunan.
mystery_jp
09-05-2007, 10:45 AM
in my case,mas una kung nakabisado ang hiragana compare to katakana....but now i memorized all of them....hiragana and katakana it was fun specially studying kanji:)i can write and read kanji also because i studied here in japan.that is my past time
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.