PDA

View Full Version : SUKOB


jhoyz_erice
08-02-2007, 09:52 AM
NANINIWALA BA KAU SA SUKOB?totoo ba talaga itong sukob sa kasal?kau may mga kakilalao xperience na kau 2ngkol d2.may msama kayang mangyayari sa life and relationship na family nyo?:confused: kasi magpapakasal me sa bf kong japanese eh mukhang makikisabay ung sister ko magpakasal sa bf nya ring foreigner this year totoo kyang may masamang mangyayari pag natuloy ang sukob nmin share our opinion pls!!!:)

Autumn
08-02-2007, 10:10 AM
Good morning..depende iyan sa paniniwala mo at lumang kasabihan ng mga matatanda iyan ayaw nila daw kasi ng sabay sabay na gastos :D

yun dalawang brother ko sukob sa taon ng mag pakasal ..wala naman masamang nangyari..more than 14 years na sila kinasal.

kung talagang masama yun sukob sa taon eh bakit may ng do double wedding :confused:

(omedetou nga pala).. para sa akin walang masama..modern age na tayo..pero na sa saiyo pa rin iyan..kung ano paniniwala mo..:)

yasashi
08-02-2007, 10:29 AM
hi sayo jhoyz nag pm na ako sayo check mo nalang yung private message mo..naisend mo sakin tong tanong mo dun sa pm ko..:D nagkamali ka yata heheh okey lang yan

honey
08-02-2007, 10:30 AM
Wala naman siguro mawawala kung maniniwala ka sa sukob:).Pero sa amin talagang pinagbabawalan sa pamilya namin yan kailangan magparaya ang isa hindi raw talaga kasi maganda e!:(.


Pero kung nagmamadali ka na rin mag-asawa nasa saiyo yan OMEDETOUGOZAIMASU:).


Ang isip ng tao malakas sa totoo lang kung ano yung hindi dapat mangyayari o hindi naman talaga totoong mangyayari dahil maraming naniniwala at nagsasabi nagiging sumpa o nagkakatotoo matalas daw dila ng tao e!:confused: ako nga rin nagtataka at hindi alam kung ano ang dapat sundin pero dahil sa takot din ako sa mga sinasabi nila sumusunod na lang ako:p .

jhoyz_erice
08-02-2007, 10:32 AM
kasi may nkapagsbi sa akin na pag double wed ok lang daw un pro kung hndi sabay ng day un ang masama.Pro sa tanang akin hnd nman cguro masama if ever na magsusukob kmi ng sis ko dhil hnd nman purong pinoy mga bf nmin ng sis ko ala nmn cgurong ganun sa ibang bansa.thanks

yasashi
08-02-2007, 10:38 AM
wala naman sigurung masama kung maniniwala ka kasi in my case magkakasabay sana kaming ikasal ng ate ko last year pero takot kasi ako sa mga panipaniwala kaya pinamove ko iyung kasal namin this year..
:) hindi sa mapapaniwalain akong tao pero since ayokong manyari sakin yung mga sabi sabi nila kaya sumunud nalang din ako wala namang mawawala kung sumunud diba kesa naman mangyari talaga yung masama.

honey
08-02-2007, 10:53 AM
^^^^^^ tama tama Isipin mo jhoyz_erice hindi sa tinatakot kita a! kapag hindi kayo nagsabay ng kasal ng ate mo at sumunod ka lang sa sabisabi ng iba walang mangyayari hindi man totoo ang sabisabi o totoo man ito.


Pero kung nagsabay kayo ng kasal ng ate mo at totoo pala ang sukob paano mo pa maibabalik ang kahapon e nasa kasalukuyan ka na magastos yan,nakakinis at abala sa inyo kung totoo man yang sukob.

Pagisipan mo muna pero mukhang nakapag desisyon ka na magsasabay kayo ng ate mo ng kasal kaya goodluck na lang:) Balitaan mo na lang kami kung totoo o hindi ang sukob after ilang years ng pagpapakasal:D.

katty0531
08-02-2007, 12:23 PM
Hehehe... i think mas lalo kayong kinabahan dahil sa movie ni Claudine at Kris...
uu wala ngang nawawala sa maniwala, pero ako di naniniwala para walang magkatotoo..
Go on...tayo pa rin ang may hawak ng ating buhay, wag nating hayaang hawakan ito ng iba...we pray and trust to the Lord yon ang mas powerful. Wag po isipin ang negative, syempre dapat positive diba? what if, ang paniniwala eh, masuswerte ang sukob?
Marami kasi tayong paniniwala talaga mga Pinoy, kasabihan etc.
Go kekkon omedetou guzaimasu....

louvette_15
08-03-2007, 03:36 AM
hindi po ako naniniwala dyan sa sukob belief natin. kung nag aalala ka, better na parati kang mag pray... ako kc ikinasal dec.2006, brother ko nman nung jan.2007 and ung sister ko nman ikinasal nitong july 2007 lang. kaming magkakapatid ikinasal sa loob ng anim na buwan and we havent thought about that thing sukob until i read your thread...

la_tina512
08-03-2007, 06:16 AM
Depende yan sa pananampalataya at paniniwala mo. Ako kasi mula ng maging Christian ipinaubaya ko na ang buhay ko sa Diyos kaya hindi na ako naniniwala sa mga pamahiin (superstitious beliefs). Pag naniwala ka sa isa lahat paniniwalaan mo na. Hindi ka na makakakilos ng maayos pag may nagsabi ng, "uy! masama raw 'yan". Sabi kasi sa Bible ang sino mang naniniwala sa mga pamahiin ay hindi makakapasok sa kaharian ng langit.

serenityjil
08-03-2007, 07:44 AM
good morning po jhoyze erice...
sabi nga po ni la tina512 san depende po yan sa paniniwala nio...
pero minsan talaga kung gusto mo makasiguro ayon po kina yasashi san at honey san wla
naman pong mawawala kung sundin na lng ang paniniwala tungkol sa sukob...

pero share ko na rin po meron po kaming kapitbahay sukob yung kasal nilang magkaptid...
hindi din sila naniwala sa sukob kaya halos nagpakasal sila ng mgkasunod lng...
ang nangyari po namatay yung kapatid niang lalaki...

pero hindi pa rin naman natin sigurado kung dahil yon sa sukob o talagang time na lng nung brother nia...

in the end nasa sa atin pa rin kung ano yung magiging desisyon about sa isang bagay...

god bless po...

ritzyu
08-03-2007, 11:07 AM
Ako di masyadong naniniwala sa pamanhiin...yung mga mga kuya ko at ate ko dahil sa
mahirap lang kami puro sila kasal sa huwes lang..nagsilaki mga anak nagkatrabaho
kahit paano guminhawa...naisipan g ipakasal sila sa simbahan triple wedding pa..napa-
kasaya..ok naman hanggang ngayon..ten years mahigit na ang kasalan na yon.:)

Pero nasa sa iyo na yon kung maniniwala ka..tama ang sabi ni la- tina san ang
naniniwala sa pamanhiin ay di makakarating sa tahanan ng Diyos...:) ito po ba pamanhiin..yung usog bakit kaya hindi maipaliwanag ng doktor :)

osca
08-03-2007, 12:34 PM
hello sa inyong lahat!

share ko lang ito:
- nagpakasal ako sa pinas last year ng August
- nagpakasal ate ko dito sa japan last year din ng August
- Date of Marriage namin ni ate parehong pareho
- yung oras na kinakasal ako (civil) si ate at asawa nya pinasok naman nila papers nila sa city hall para ma-accept pagpapakasal nila
- then, yung imoto ng asawa ko nagpakasal naman last year din ng September

kaming mag-asawa parehong sukob sa mga kapatid namin.
hindi naman namin sinasadya o pinalano talaga na magkasabay ng kasal ng ate ko, nagkataon lang natagalan yung legal capacity nya galing sa Phil. Embassy.

so far naman ok kaming lahat.

honey
08-03-2007, 03:15 PM
osca san :)

Di hindi pala totoo ang sukob di mas maganda nga kung di totoo yan para wala bang nag-aalala o nagaalangan sa mga bagay bagay na gustong gawin ba!:D.

osca
08-03-2007, 03:55 PM
kasi mga aksidente o sakuna nangyayari talaga kahit saan o kahit kanino.

osca
08-03-2007, 04:18 PM
tsaka ang masakit siguro yung nasunod ka na nga, may nangyayari pa rin na hindi maganda...

ang maganda lang sa sukob o makisukob eh pag umulan at wala kang payong!
ang corny ko, pasensya na...

Just_ME
08-03-2007, 04:53 PM
Para sakin hindi ako naniniwala sa mga pamahiin...kase wala naman basehan ang mga pamahiin...kung may mga nangyayari man hindi maganda nagkakataon lang yun...mas maniwala ka sa mga nakasulat sa bible...mas magandang magtiwala po tayo sa panginoon kesa sa mga pamahiin na gawa lang din ng tao...

honey
08-04-2007, 12:05 PM
tsaka ang masakit siguro yung nasunod ka na nga, may nangyayari pa rin na hindi maganda...

ang maganda lang sa sukob o makisukob eh pag umulan at wala kang payong!
ang corny ko, pasensya na...


:biglaugh: loko ka talaga :biglaugh:

osca
08-05-2007, 05:58 PM
mabuti na lang dito sa japan ok ang weather forecast.
kaya mga hapon laging may sariling payong, kasi di sila naniniwala sa sukob.

no offense sa mga mapamahiin...

mamimo
08-06-2007, 05:43 PM
Ate ko at 1st cousin namin same day kinasal, di nagtagal marriage ni cousin mga 1yr lang yata sila nagsama ng wife nya hiwalay na pero si Ate mag-30 yrs na sila ng hubby nya. Naisip ko lang baka di ganong mahal ni cousin wife nya kaya "nakisukob" sa sis ko.:p :D

jhoyz_erice
08-06-2007, 07:11 PM
arigato po sa lhat ng nag reply sa sukob!!!mdyo katakot nga po kz dko pa rin alam kung maniniwala ba tlaga me sa sukob dahil wala namang mawawala if ever sumunod sa pamahiin na ito pro ung iba kz khit hnd naging sukob ang kasal sa loob ng pamilya andyan ung may namamatayan,andyan din ang nagkakahiwalay.sigur o nga si lord nlang ang nakakaalam ng lahat sa maaaring mangyari sa ating buhay!!!maging sukob man o hnd bahala na lang po basta balitaan ko na lang po kau sa kasal ko marami pong salamat kiotsukete kudasai