View Full Version : Ugaling Pilipino na Ayaw mo?
honey
08-02-2007, 11:06 AM
Ugaling pilipino na dapat na baguhin nagiging sanhi lang kasi ng di pagkakaunawaan:(.Ipa liwanag nyo ang replies nyo sa thread kong ito para hindi maging masama ang pagkakabasa ng iba pakiusap lang Salamat po.
Mahilig manghiram ng gamit pero ibabalik sayo ang gamit mo may damage na o hindi na talaga isasaoli.
hindi naman masama manghiram basta isaoli lang ng maayos at 'wag kalimutan na isaoli ang hiniram.
yasashi
08-02-2007, 11:11 AM
ako ang ayaw ko naman ng ugali ng pilipino kasi yung walang diciplina minsan although hindi naman lahat pero halos lahat..yung dicipline po like kunwari may mga traffic rules hindi sinusunud tapos may mga naksulat na bawal magtapon ng basura..tapon pa rin ng tapon kaya hindi malinis linis tong bayan natin..
wish ko talaga pag ako naging presidente gusto ko magkaroon ng ''totoong '' law talaga para sa mga taong tapon ng tapon ng basura kahit saan .para maging malinis naman ang lugar natin.
ANGELIKA22
08-02-2007, 12:24 PM
kumain kami kagabi ng mga kaibigan ko sa isang restaurant, itong isang kaibigan ko sobrang lakas ng boses kung magsalita at magkwento. talagang pinagtitinginan na kame ng mga kumakain din dun. then sinabihan ko sya ng pabulong and in a nice way na medyo hinaan nya ang boses nya, aba'y sagot ba nman sa aken eh " wala silang pakialam kung malakas ang boses ko. customer din ako at nagbabayad. "
yan ang isa sa mga ugaling pilipino na ayw ko. walang pakialam kahit nakakaperwisyo na.
wolfgang
08-02-2007, 12:52 PM
eto ang ugaling Pilipino na di ko gusto...yun pupunta sa bahay mo na walang sabi -sabi ..bigla na lang mambibigla na mag doorbell....at pag nasa bahay mo na sabay sasabihin ...oiiist ano bang ulam mo...nagugutom na ako...
aba....kakaloka...di naman sa di ka natutuwa sa ganoon pero hanggat maari sana kung pupunta sa bahay mo at least man lang tumawag...magpasabi para makapag handa ka at maasikaso mo sila....minsan pupunta sa bahay mo busy ka..pag di mo naasikaso sasama ang loob...minsan galit pa kapag di ka naabutan sa bahay mo...nyek...sasabiha n ka pa saan ba kayo noong isang araw pumunta ako sa bahay niyo ehh...parang ako pa may kasalanan na di niya ako inabutan...
Yan kasi ang tinuro sa akin nang biyenan ko....pag pupunta ka sa isang bahay at least daw tumawag ka ...wag na wag daw manggugulat:eek: ;)
proud me
08-02-2007, 01:41 PM
yung...hindi marunong mahiya...mangutang at mag-delihensiya sa kababayan...madalas ko kasi marinig yan sa ibang mga kababayan din natin...na madalas pag-simulan ng away o gulo...at kung sino pa yung mga ganun ang ugali sila pa yung matatapang magalit at sumama ang loob at gagawa ng chismis :D
at yung katulad ng sinabi ni wolfgang...marami narin akong ganyang mga narinig...yung iba pa nga kwento...sayang daw yung kuryente sa aircon nila kaya sa ibang bahay sila mag-papalipas ng oras :D kaya nga mga wise silang mag-budjet sabi ni habibi daw nila :eek:
docomo
08-02-2007, 01:45 PM
There's such thing as courtesy :D
~yan pala ang ayaw mo wolfgang... makapunta nga ng biglaan :roll: :p
Ayoko sa mga ibang ugali ng pilipino .. puro reklamo, hinanaing , daing dito daing duon ... kahit may paraan naman .. ayaw kumilos, ayaw mag isip ng paraan ..tamad ika nga!! :p
sitsukoime
08-02-2007, 01:54 PM
Ako po join sa thread na to, isa nmn ayaw ko sa ugaling pinoy ay ung "NINGAS KUGON" ika nga. Yung bang sa umpisa masipag, magaling, maayos pro sa bandang huli tatamad tamad na, ayaw ka ng sundin. Ay nakuuuuu yan ang ugaling pinoyyy na talagang nakakairita.....tsk. ..tskk.tsssk pinoy tlga pasaway ever!! Pro hndi nmn po lahat ha, ung iba lng.:)
tisay
08-02-2007, 02:55 PM
...ayoko sa ugali ng pinoy ang mahilig umasa sa pinaghirapan ng iba....:oops: ayaw kumilos sa sariling paa ...maghihintay at aasa na lang sa tulong ng iba at nakakataas kaya naghihirap lalo ang karaniwan.... :(
.....sana kung di lang paiiralin ang katamaran at kesa mag abang na lang ng biyaya mula sa iba ay kumilos at magsikap sa sariling ikauunlad ... ......
ritzyu
08-02-2007, 03:21 PM
Ugaling Pilipino na ayaw ko....tama ayoko rin ng di tumatawag sa phone..magugulat
ka na lang nasa pintuan mo na...shitsurei yon talaga..instead na matuwa ka nagiging
meiwaku pa ang dating niya...pero kumporme sa darating na bisita mo...kung parang
kapatid mo na siya no problem:D
maimai
08-02-2007, 03:31 PM
Ugaling pinoy na ayaw ko naman..yung i-asa sayo lahat as in lahat lahat....kahit yung nakasimple bagay....e-asa pa sayo.... nakakainis ang ganun:mad: ..pwede naman sila na gumawa, hayz mga Juan TAMAD talaga!!:sneaky:
tapos ayun UTANG..sila na nga ang nangutang ikaw pa yung pupunta sa bahay nila para maningil...buti sana kung malapit lang..eh ang lau-lau kaya!!...tapos kung sisingilin mo..aba sila pa ang may gana magalit..at sabihin pa sayo.."di ka ba makapaghintay!"..." haler..ilang linggo ka na kaya di nagbabayad!!:mad: " minsan naman daming alibi....hala ano naman kaya ang paki ko dun...dapat ang utang ay bayaran..di yung ililista na lang sa tubig!!:furious:
(di naman pow ako masyado galit nyan):D
nikkichibi
08-02-2007, 03:31 PM
ang ayaw kong ugali ng mga pinoy ay yung pag tatapon ng basura kahit saan , minsan sa kalsada basta maitapon lang walang pakialam , ang katuwiran nila ay ok lang daw yun :eek: :mad:
di nila iniisip na ang tinatapon nilang basura ay sanhi ng pag babaha sa pinas at isa yun sa dahilan ng pag kakasakit ng maraming bata .:rolleyes:
mukomae
08-02-2007, 03:51 PM
Noon nun umuwi ako sa pinas nung talento pa ako siyempre ang dami kong pera , aba itong asawa ng pinsan ko ang bait sa akin, Nung nag KURIPOT na ako, aba DEADMA na ako... kahit hatid sa airport at last na ko makikita eh sabi ba naman antok pa ako tinatamad daw...wala na kasi nahihiram na pera sa akin:p
kapag wala ka ng pera deadma kana, kapag may madami kang pera daig mo pa prinsesa...:D
Isa pa ayaw ko , basta nalang kukunin ang gamit ko ng walang paalam...:mad: :mad: :mad:
bluesapphire
08-02-2007, 03:53 PM
kumain kami kagabi ng mga kaibigan ko sa isang restaurant, itong isang kaibigan ko sobrang lakas ng boses kung magsalita at magkwento. talagang pinagtitinginan na kame ng mga kumakain din dun. then sinabihan ko sya ng pabulong and in a nice way na medyo hinaan nya ang boses nya, aba'y sagot ba nman sa aken eh " wala silang pakialam kung malakas ang boses ko. customer din ako at nagbabayad. "
yan ang isa sa mga ugaling pilipino na ayw ko. walang pakialam kahit nakakaperwisyo na.
AGREE AKO SA YO..MINSAN KULANG NGA SA MANNERS, OKAY LANG SANA KUNG NASA PINAS, HANGGANG SA FOREIGN COUNTRY DINADALA YUNG UGALI..CENCYA NA PO COMMENT LANG..(peace!)
bluesapphire
08-02-2007, 04:07 PM
kwento ko lang po yung experience ng sister ko na nag tourist dito sa japan..
nasa flight na sya sa loob ng plane, mga kasabay nya sa byahe is mga talento, sinita ng flight stewardess yung handcarry ng sister ko kasi nga medyo malaki,ang sabi ba naman ng stewardess na mukhang iritado at ang lakas ng boses,"kanino ba tong napakalaking hand carry nato?! pano nakapasok to rito?!" so sabi ng sister ko sakin bakit? kung sa fukuoka immigration nga nakapasok yan ng walang sabi sabi tapos ikaw mag rereklamo? o sige ayan, kung nakaka istorbo sayo yan, ikaw ang maglabas nyan dito sa eroplano..sagot ng stewardess, sori po mam, e di sagot ng sister ko may i know your name? UGALING PILIPINO, PALIBHASA MAY PINAG ARALAN, MAYAYABANG, SOBRANG ISMOLIN YUNG MGA TALENTO NA BUMIBYAHENG GALING JAPAN..,EH SINCE NA HINDI TALENTO YUNG KAPATID KO, SINAGOT NYA YUNG STEWARDESS, KASI NGA ALAM NYA NA KOSTUMER SYA.. ANG MGA TALENTO KASI KAPAG HINIYA NA NG STEWARDESS,HINDI NA UMIIMIK..naku po baka may stewardess sa forum na to magalit sakni:eek: , peace po ulit!
ang ayoko sa ugali ng pinoy yun mapagyabang kahit walang wla na maghahangin pa saka tsismosa na khit nand2 lang sa bahay itsitsismis kapa sa iba lugar,meron din makunat magbayad ng utang inutangan kana ichichismiz kapa talaga naman papampam:grrr:
wolfgang
08-02-2007, 06:23 PM
There's such thing as courtesy :D
~yan pala ang ayaw mo wolfgang... makapunta nga ng biglaan :roll: :p :p
ayy doc...pag ikaw okies lang kasi layo pa pang gagalingan mo...heheheheh:D
sa akin kasi okies lang pumunta wag lang yun halos mayat maya nangangalampag nang bahay kahit dis oras nang gabi....:mad: :mad: tapos lakas lakas nang boses ...kakahiya naman sa mga natutulog:mad: tapos lulusob sa bahay mo nang madaling araw..itatanong kung gising pa asawa ko.... :( yun pala mag papa drive lang kung saan impiyerno:mad:
mamaya na habit...pwede namang gawin ngayon ipagpapabukas pa..
Autumn
08-02-2007, 07:54 PM
Ang ayaw ko yun bang mga walang ginagawa .makikita mo nasa kalye na nag hihingutuhan..oh kaya nag bibinggo..ang almusal eh chizmack ng kapitbahay..puna ng puna sa ugali ng iba...
hindi po talaga magandang tignan..kaya yun mga anak ugaling kalye ..nakakalungkot marami pa talagang ganyan:(
yukio_cris
08-02-2007, 08:05 PM
ayoko sa atin yung mas malaki ang gastos kesa sa kinikita... pag sumahod ka ng 10 eh wag kang gagastos ng 15.
disiplina sa sarili, palautang ng walang kabayaran, hindi marunong sumunod sa takdang oras...
Soju6
08-02-2007, 08:53 PM
aray kuuu!!! puro sapul ako sa mga comments niyooo!! paano niyo ako nakilala?
Ako naman natutuwa ako pag nakaka-meet ako ng may mga ganyang ugali...ewan ko ba kung baket? Sarap kasing pag tripan.
Lalo na yung di muna tinitignan yung sarili sa salamin bago mamintas or magsabi ng hindi maganda against sa kapwa nila....pag sila naman ang napintasan, talagang naman abot sa langit ang galit.
So, "Don't get into a rock throwing contest if you live in a glasshouse"....ngii, tama ba yun? They really make me smile...I'm not kidding.
a_kiss
08-02-2007, 08:57 PM
ang ayaw ko iyung mga Inang umaga pa lang butata na ng butata.kasakit sa tenga
ritzyu
08-02-2007, 11:13 PM
Ang ayaw ko yun bang mga walang ginagawa .makikita mo nasa kalye na nag hihingutuhan..oh kaya nag bibinggo..ang almusal eh chizmack ng kapitbahay..puna ng puna sa ugali ng iba...
hindi po talaga magandang tignan..kaya yun mga anak ugaling kalye ..nakakalungkot marami pa talagang ganyan:(
Bato-bato po sa langit..baka yung mga ganyang anak ang nakarating ng abroad
tangay pa rin ang ugaling kalye...at oras na nagkapera..di na malaman kung
saan ipoposisyon po ang sarili.. di pa nalalangoy ang ilog sa taguling palang
po mga lunod na....!
bluesapphire
08-02-2007, 11:16 PM
aray kuuu!!! puro sapul ako sa mga comments niyooo!! paano niyo ako nakilala?
Ako naman natutuwa ako pag nakaka-meet ako ng may mga ganyang ugali...ewan ko ba kung baket? Sarap kasing pag tripan.
Lalo na yung di muna tinitignan yung sarili sa salamin bago mamintas or magsabi ng hindi maganda against sa kapwa nila....pag sila naman ang napintasan, talagang naman abot sa langit ang galit.
So, "Don't get into a rock throwing contest if you live in a glasshouse"....ngii, tama ba yun? They really make me smile...I'm not kidding.
natawa naman ako sa post mo:hihi: sa totoo lang akho rin namimintas lalo na pag hndi maganda ugali ng tao,pero kung sakin naman..basta kung may nakita ka sakin na di maganda sabihin lang at marunong naman ako umunawa..:O
Just_ME
08-03-2007, 04:57 PM
Ayaw ko sa ugali ng mga ibang mga pilipino tsismoso at tsismosa...ayaw ko rin ng maingay at iskandalosa...
Just_ME
08-03-2007, 04:58 PM
At mga pintasera!! kasi may kaibigan ako ganyan ugali wala ng ibang tingnan kundi sarili ng iba bago ang sarili niya....
sachi807
08-03-2007, 05:26 PM
....filipino time ang pinaka ayaw kong ugali ng mga pinoy..usapan ala una..darating alas tres na...hayyy kainis talaga:mad:
neneng
08-03-2007, 06:27 PM
pinaka-ayaw ko naman is....yong anak na lang ng anak na hindi man lang ba inisip na kaya ba nilang itaguyod yong mga nanak nila?
Halos wala na nga makain eh....pito, walo ....ang mga anak:mad:
Sana mag-isip naman sila bago gumawa ng bata. May mga paraan naman:p
docomo
08-03-2007, 07:53 PM
pinaka-ayaw ko naman is....yong anak na lang ng anak na hindi man lang ba inisip na kaya ba nilang itaguyod yong mga nanak nila?
Halos wala na nga makain eh....pito, walo ....ang mga anak:mad:
Sana mag-isip naman sila bago gumawa ng bata. May mga paraan naman:p
true hahaha .. humayo daw kasi at magparami :D
ken1016
08-03-2007, 08:51 PM
Ang pinaka ayoko sa Pinoy ay:
1.) Tamad- lagi nalang nakaasa sa ibang tao. Ayaw magtrabaho kapag walang pera. Dinadaan ka sa utang. Ayw magbanat ng buto!
2.) Hindi marunong mahiya- kahit saan magpunta walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta sarili lang iniisip kht nakakaperwisyo o nakakahiya ang kilos ay dedma pa rin.
3.) Mayabang- wala namang pera pero pilit na magyayabang kung ano meron siya. Ayaw na mahululi sa uso. Kht walang pera talagang bili pa rin para lang may maipagyabang. Daming kayabangan wala naman pala talaga.
4.) Hindi marunong lumingon sa pinaggalingan- nakaangat lang ng konti sa buhay akala mo na kung sino.
5.) Mahilig mangutang- okay lang na mangutang kapag talagang gipit pero merong pinoy na nabubuhay lang sa pangungutang. Buti kung marunong magbayad kaso naku, singilin mo galit pa sayo.
Kapag nakaka encounter ako ng ganitong tao nakakainis po. Hayyy, Pinoy talaga! :O
a_kiss
08-03-2007, 09:13 PM
tsaka yun ugaling kuyog......tol ayaw na ayaw ko iyan......experience d ba na kuyog ako sa isang lugar .bwset hindi naman alam yun dahilan makiki umbag..:mad:
lalo na mga lalaki sa kanto.hanu ba yan......? :furious::fire:
honey
08-15-2007, 05:13 PM
Sana maiwasan na ba yung ugaling pilipino na nagtatapon ng basura at dudura kung saan saan kasi nagkakasakit ang mga tao lalo na ang mga bata:D kawawa naman:).
Walang paggalang karamihan ng pilipino nakakalimutan na yan pansin ko lang:D.
Kausapin mo ng tagalog ingles isasagot sayo pareho lang naman na pilipino:p.Hindi ko iniisip na kayabangan yon pero ilevel mo sa kausap mo diba kung inglesera magingles ka rin :D.
Pilipino sobrang matulungin yun nga lang hindi na iniisip kung tama ba ang itinutulong nila.Yun bang kahit illegal susuportahan, mali nagiging tama.:(
ang mga ayaw ko ,,,chismosa ingetera tamang hinala...:mad: buhay ng me buhay pinakikialaman:bangh ead: ayaw tumangap ng pagkakamali....mayab ang na wala naman:angry:
baby21
08-15-2007, 08:16 PM
ako nman po ung balimbing...kla mo kng snung kaibigan pagkaharap k..pero pgnakatalikod ka n...pucha...un na ikw n agad ung headline sa news nila pg ngkaumpukan n,...:eek:
kirei
08-15-2007, 10:53 PM
>> walang disiplina (halos lahat wala nito)
>>dependent sa magulang (kahit may sariling pamilya na)
>>sa mga politiko > (kapal muks)
>>walang sense of responsibility (para sa mga magulang)
louvette_15
08-16-2007, 01:29 AM
ang ayaw ko sa ugaling pilipino ay yong hindi nahihiyang mang hassle ng iba...example: khit gabi tumatawag sa phone, tumatambay sa bahay ng may bahay ng hindi nag iisip na nkakadisturbo na sila...
ugaling pinoy na ayoko eh,yong bang matapobre,chismosa,i nggitera,ayaw tumanggap ng pagkakamali,nasa loob ang kulo....mayabang at walang displina sa sarili.....yang pitong yan ang pinakaiiwasan ko sa ugaling pinoy....
Inday_36
08-18-2007, 02:45 PM
yung pintas ng pintas sa kapwa na akala mo ubod sya ng GANDA.:D
ritzyu
08-23-2007, 10:45 AM
Ang ayoko sa ugaling pinoy...kahit di mo tanungin palay daw siya at me taginting...oras
na tinahip mo ay tatangayin kahit sa konting hangin :)
infinite_trial
08-23-2007, 12:06 PM
hypocrites
murasaki
08-23-2007, 12:51 PM
ang ayaw ko naman eh yung sobrang kati ng dila sa kakatsismis at mga pintasera, at lalong -lalo na yung isnabera na pag nasalubong mo dito sa Japan eh iirapan ka pa!:(
hypocrites
nagkalat yan kahit san ka magpunta:mad:
mamimo
09-01-2007, 10:26 PM
inggitera.....hmp!:m ad:
tfcfan
09-01-2007, 11:19 PM
mga one day millionaire,pero kinabukasan wala ng maihain sa hapag kainan..:rolleyes:
coffee
09-01-2007, 11:52 PM
'ang langaw nga naman pag natuntong sa kalabaw'.....:doh:
nasty
09-02-2007, 01:23 AM
social climber daw ba?:p
honey
09-02-2007, 03:15 PM
gaya gaya :D yung bang kapag pumasok sa loob ng bahay mo daig pa si Mike Enriquez kung magimbestiga at gagayahin pati style mo :biglaugh:tas kapag sya ang ginaya AYAW NYA:eek: okashiiiii:p
fremsite
09-02-2007, 03:24 PM
yung nagsu-sutsut ... psssssssssttt !!!! :eek:
honey
09-02-2007, 04:11 PM
ano yun fremsite di ko alam ibig mo sabihin:confused: dapat ba magtabi tabi pa! :D
tabi tabi po.....:biglaugh:
fremsite
09-02-2007, 04:16 PM
ano yun fremsite di ko alam ibig mo sabihin:confused: dapat ba magtabi tabi pa! :D
tabi tabi po.....
hello honey ... well .. sige .. explain ko sa iyo ha .. hindi mo pala na-gets .. yung pag may tinatawag or sinasaway yung ibang pilipino .. hindi ka ba nakakarinig ng " pssssst ! " ano tawag mo dun ? hindi ba sut-sut yun ? ano yun.... pssst-pssst ? ..
hindi ko naman na-gets yung tabi-tabi mo ... ano koneksyon nun ? may koneksyon ba yun ?? ahahahaha ~~~~ !!! :biglaugh:... hindi yata ako matawa ... :eek:
la_tina512
09-02-2007, 04:35 PM
.....makapagpasikat lang kahit ipangutang :rolleyes:.
honey
09-02-2007, 04:44 PM
hello honey ... well .. sige .. explain ko sa iyo ha .. hindi mo pala na-gets .. yung pag may tinatawag or sinasaway yung ibang pilipino .. hindi ka ba nakakarinig ng " pssssst ! " ano tawag mo dun ? hindi ba sut-sut yun ? ano yun.... pssst-pssst ? ..
hindi ko naman na-gets yung tabi-tabi mo ... ano koneksyon nun ? may koneksyon ba yun ?? ahahahaha ~~~~ !!! ... hindi yata ako matawa ... :eek:
AHHHH gets ko na ayaw nyo sa ugaling pilipino na kapag tinawag kayo e pwede naman sa pangalan pero sinusutsutan lang kayo ganun po ba!?:p
bwahahahaha! hindi rin ako matawa sa sarili ko mali pagkakaintindi ko bangag ata ako e!:biglaugh:.
tabi tabi baka masagi ko yung tinatawag nyo:p
honey
09-02-2007, 09:51 PM
at Nakalimutan ko sabihin fremsite I'M SORRY mali pagkakaintindi ko:).
a_kiss
09-02-2007, 10:00 PM
Ayaw ko yun mga lalakeng mahilig mangotong sa daan ke aga aga senglot na :mad:
pag di ka inom at di ka bigay............... ...pag talikod mo may gripo na tagiliran mo..sa atin lang yata meron noon :confused:
KikoyBalayon
09-02-2007, 11:39 PM
uutang nang di nagbabayad.. :D
ang ayaw ko sa ugali ng filipino pag maykasalanan hindi marunong mag sorry,
at hindi marunong tumangap pagkakamali,
mag may naitulong ka hindi marunong magpasalamat, at hindi mo tuloy
alam kung natuwa or kulang pa, kung wala kanang maibigay,
pagsabihan kapa na kuripot, ikaw pa ang naging pangit ang ugali,
tapos mahilig mag dahilan, at magaling magsinungaling,,, gomen, ne
hindi ko naman nilalahat,
summergirl
09-03-2007, 09:45 AM
Ayaw ko sa ugali ng mga ibang mga pilipino tsismoso at tsismosa...ayaw ko rin ng maingay at iskandalosa...
Thats true,kainis iyan ,dahil hima sila kaya nagagawa nila iyon.Subukan mo ngang maging busy kung magawa mo pang makipag kwentuhan sa iba!!
wildflower
09-03-2007, 11:15 AM
ususera pag may chizmax..mahilig magpakitang tao...walang utang na loob...mahilig umasa..hindi naman lahat pero may iba ugaling tamad..hindi dumadating sa saktong oras na pinag usapan...
mamimo
09-03-2007, 05:31 PM
maluho kahit di kaya ng bulsa.:mad:
Chibi
09-03-2007, 09:01 PM
yung nagsu-sutsut ... psssssssssttt !!!! :eek:
Oisstt,oisssttt!!:lo l: :bonk:
ayaw ko sa pakialamera......int rigera,bungangera,se pulturera!!:eek: :D
ritzyu
09-03-2007, 09:09 PM
Ayoko po ng plastik..walang pong delikadesa..minsan po namumulot lang ng bait
ng iba..:)
LORIE
09-03-2007, 11:38 PM
Ayoko po ng plastik..walang pong delikadesa..minsan po namumulot lang ng bait
ng iba..:)
korek ka jan miss ritzyu yon bang pretending a good Samaritan ba pero wag ka kakaiba rin pala ugali :D:)
ritzyu
09-04-2007, 12:48 AM
korek ka jan miss ritzyu yon bang pretending a good Samaritan ba pero wag ka kakaiba rin pala ugali :D:)
Nakarelate ako dito Lorie, nagbasa ako ng thread na yon..parang iyon at iyong hinahanap
ay iisa...lungkot naman :( para di ot...tama sila walang laman ang bulsa pero nagluluho..
yun bang malaki ang butones sa uhales:)
benihana
09-04-2007, 01:13 AM
yung mga mahilig mangakong napapako:p grrrrr talaga, what a crucified life!:O :)
la_tina512
09-04-2007, 06:09 AM
Thats true,kainis iyan ,dahil hima sila kaya nagagawa nila iyon.Subukan mo ngang maging busy kung magawa mo pang makipag kwentuhan sa iba!!
Totoo.. Ayaw humanap ng mapapagkaabalahan, hima to the max kaya kahit nasa Japan na walang ginawa kundi pag-usapan kapwa Pinay imbes na tulungan ibabaon ng buhay sa paninira at chismis. Marami po nyan dito sa amin pati pagba-Bible study namin sinisilip at imbes na matuwa dahil tahimik kami sa aming mundo nagwi-wish pa sila na magkakagulo rin kaming grupo ng mga nag-aaral. :( Prayer lang po katapat ng mga ganyang klase ng tao. :)
Hensoldt
09-05-2007, 10:55 AM
Ugali ng ibang Pilipino na ayaw ko. Attribute din ito ng mga ibang tao/lahi so these are not entirely exclusive to Filipinos. Anyway, contribute na rin ako.
Defensive masyado
Ayaw aminin ang pagkakamali
Iba ang sisisihin kahit siya ang nagkamali
Tsismosa
Ingrata
Hipokrita
Backstabber
Mapagmalinis
Mainggitin
Narcissistic
Mandurugas
Selfishness especially in public places i.e. no regard for others, it's all about ME ME ME!
Mahilig sa shortcut kahit mali
Shortsightedness, Live in the moment attitude with complete disregard for the future.
ako nman po ung balimbing...kla mo kng snung kaibigan pagkaharap k..pero pgnakatalikod ka n...pucha...un na ikw n agad ung headline sa news nila pg ngkaumpukan n,...:eek: yan din ang ayaw ko meron akong kaibigan na ganyan kaya ang ginagawa ko iniiwasan ko na lang ubod pang mamintas ng kapwa ang itsura nya ayaw nyang tignan kong haharap lang sya sa salamin :p h he he......
mystery_jp
09-05-2007, 07:19 PM
ako ang ayaw ko sa pinoy eh yung naalala ka lang kung may problema sila....kaibigan at kilala ka nila kung marami kang pera.....mabait sila kung mangungutang sayo eh pag wala kana naglaho na rin sila.
LORIE
09-05-2007, 09:12 PM
Ugali ng ibang Pilipino na ayaw ko. Attribute din ito ng mga ibang tao/lahi so these are not entirely exclusive to Filipinos. Anyway, contribute na rin ako.
Defensive masyado
Ayaw aminin ang pagkakamali
Iba ang sisisihin kahit siya ang nagkamali
Tsismosa
Ingrata
Hipokrita
Backstabber
Mapagmalinis
Mainggitin
Narcissistic
Mandurugas
Selfishness especially in public places i.e. no regard for others, it's all about ME ME ME!
Mahilig sa shortcut kahit mali
Shortsightedness, Live in the moment attitude with complete disregard for the future.
100% korek ka jan Mr Hen, gaya doon sa commercial sa tv magpaka totoo ka
Tarena314
09-05-2007, 10:53 PM
Ako naman ..,ang ayaw ko sa pinoy...,yun parang langgam..,kung saan maraming asukal nandoon sila..,pag wala ng mahakot lipat na ng ibang lugar...,hmmmmp!!:ma d:
musikaghie
09-06-2007, 07:16 AM
Ako ang pinakaayaw ko yung ningas kugon na sinasabi nila,yung sa umpisa lang masipag tapos sa huli wala na tamad na...
Isa pa yung di talaga ON TIME ang mga pinoy.Minsan pag tinamad pumasok sa work di na papasok,tatawag na lang sa opisina miski walang sakit.
Kung tutuusin marami tayong di magandang ugali,pero ito naman ay depende sa may katawan sa atin,di tayo parepareho di po ba?
mamimo
09-06-2007, 11:50 AM
mahilig mangutang pag singilin sya pa matapang.:mad:
roses_pink
09-06-2007, 04:28 PM
Ayaw ko, mayabang pumorma at magsasalita pero wala naman. Mahilig pumuri pero may kelangan pala sayo kaya plastik lang, inggitera, iskandalosa kahit sa daan susugudin ka ng away. at tsismosa mahilig makealam sa buhay ng ibang tao pero buhay niya hindi niya mapakealaman.
aleckxis
09-06-2007, 09:27 PM
Nakakatuwa naman ang thread na to :) .. ya maraming ugaling pinoy talaga ang hindi maganda at actually aminin man natin o hindi kahit na sinuman sa atin dito eh merong mga ganyang ugali.
Sa ganang akin po hindi na natin dapat pagtakhan pa ang mga ito, lalo na may mga tao kasing hindi marunong mag-isip kung ano ba nag diprensiya ng mga sarili nila pero, nakikita nila ang kapintasan ng iba di po ba?
Masakit isipin pag sinabing ang mga pilipino ganito at ganyan na ang mga salitang ito ay manggagaling sa ting mga kapwa pilipino. Sa isang banda naman , hindi lang naman ang mga pilipino ang ganyan, sa buong mundo po at sa lahat ng lahi may mga ganyang katangian ang mga iba-ibang tao. Kaya nga ang kagandahan sa forum na ito ay naibubulalas natin ang mga bagay na nakikita nating hindi maganda sa ting mga kapwa filipino. At maaring maging daan pa upang magbago tayong lahat di po ba? ... sarap mabuhay sa mundo :)
ritzyu
09-07-2007, 10:03 AM
Marami po sa atin na me ugaling sisihan...di marunong tumanggap ng kamalian...di tulad
po sa Japan kahit di ka mali pag sinabi ng superior mo na mali ka, gomennasai na
agad sila sabay yuko...tapos na po ang usap di na lalaki o hahaba pa ang problema:D
infinite_trial
09-07-2007, 10:07 AM
di ko na macheck mga dati kong post, hehe update ko na lang
1. hypocrites
2. yung mga mahilig mangutang pero pangluluho lang pala (lalo na pag sakin nangungutang haha)
3. judgmental. tipong di mo nga sila nakakausap pa e kung anu-ano na sinasabi tungkol sayo
4. di marunong makinig. puro sya lang dapat magsasalita, sarado ang utak para sa opinion ng iba.
5. freeloader. nagaassume na laging libre ampf..di man lang maglabas ng pera kahit pakunwari lang. (teka parang ako din to haha joke)
gabriel
09-07-2007, 10:27 AM
Ugaling pilipino na dapat na baguhin nagiging sanhi lang kasi ng di pagkakaunawaan:(.Ipa liwanag nyo ang replies nyo sa thread kong ito para hindi maging masama ang pagkakabasa ng iba pakiusap lang Salamat po.
Mahilig manghiram ng gamit pero ibabalik sayo ang gamit mo may damage na o hindi na talaga isasaoli.
hindi naman masama manghiram basta isaoli lang ng maayos at 'wag kalimutan na isaoli ang hiniram.
Ang dami. For example the "Pakikisama trait" I hate it. It is okay at certain time and situation but if all the time nakikisama ka rin even one has already erred it isn't good. Another one is false pride. I am proud of my country and my being a Filipino but ignoring social problems in our society is really sickening.Like "yeah ! I am Filipino that is why I vote Joseph Estrada or Jingoy Estrada et al" is really very debasing to my pride as a Filipino. They represent the illness of Filipino society and our political system. Another thing is the love of Filipinos to put on air and graces to themselves. I mean it isn't bad as long as you can really prove your substance and not just airs. Again it is false pride. There are many more and I just don't have the time to enumerate them.
purpletablet
09-08-2007, 04:45 PM
eto pinakaayaw ko sa gobyerno ng pinas..
gagawa lang ng action pag may trahedyang nangyari... yan kakainis tapos magkakaroon ng imbestigasyon at sisihan tapos mamamatay ung issue bigla tapos mauulit na naman.. haaayzzz..
sensei
09-08-2007, 04:48 PM
bulag sa katotohanan hehe..
nikkichibi
09-08-2007, 08:49 PM
ayaw ko din sa mga taong nakarating lang ng ibang bansa eh akala mo kung sino na sila , lalo na sa pananamit at sa pag susuot ng alahas , naninilaw na sila sa mga alahas :D
eagles008
09-08-2007, 10:20 PM
Hindi naman lahat pero marami ang palaasa,laging late kausap ,alauna usapan alas tres darating. siya pa nakasimangot, kesyo traffic, puro dahilan, alibis...
sinisisi lahat, hindi tingnan ang sarili, kesyo dame gobyerno, kasalanan ni arroyo,...
Si arroyo ba ka appointment ko?
haay Pinoy!!!
Why not change, possibility Magbago ang Pilipinas, If Filipinos will change, Everything will change for the Philippines.
v_wrangler
09-09-2007, 03:08 AM
5. freeloader. nagaassume na laging libre ampf..di man lang maglabas ng pera kahit pakunwari lang. (teka parang ako din to haha joke)
Napansin ko rin ito. Everytime I'm in the Philippines during dine outs - everyone expects that I pay for them. Whatda$#@!!!:mad:
aleckxis
09-18-2007, 06:07 PM
Kaya nga ako pag nasa pinas sa tutoo lang hindi ako masyadong naglalalabas eh... lalo na kasama mga friends ko, kasi tingin nila isang baul na pera ang dala ko. Mga ayaw magsibunot ng pera. Aba mga abusado talaga kaya lately, wa na hang-out masyado sa mga firends, husmiyo apat ang mga inakay ko at lahat eh na school na, laki ng gastos at mahirap lang kami! :(
simplymystic
09-18-2007, 11:02 PM
Ang pinaka hate ko sa ugaling pinoy di naman lahat yung iba lang ,yung pagiging crab mentality nila.Pag may medyo nakita na umaasenso ka kesa sa kanila umiral na ang iggit ..... kung paa-paanong paninira na ang gagawin sa yo....:mad: hay ! hanggang dito sa japan dala pa nila ang ugaling yan....Dapat iniwan na lang nila sa pinas...:hellfire:
smallville
09-19-2007, 06:24 AM
Napansin ko rin ito. Everytime I'm in the Philippines during dine outs - everyone expects that I pay for them. Whatda$#@!!!:mad: yeah, i agree! as if we always got the big bucks!
also, in my first few flights, my friends would always want something from the country i landed on! duh! eh katulong lang naman ako! :eek:
proud me
09-19-2007, 08:44 AM
Napansin ko rin ito. Everytime I'm in the Philippines during dine outs - everyone expects that I pay for them. Whatda$#@!!!:mad: ako rin napansin ko rin yan...at marami talaga ang nagsasalita sa napapansin na ugali ng ibang mga pilipino o kababayan natin na meron talagang ugali ang ibang mga pinoy na ganyan ....kadalasan pa kung sino pa yung maluho o waldas sa perang mahawakan yun pa yung meron mga ganyang pag-uugali.....Panlalama ng sa Kapwa na Ugali ika nga!!! :mad: .........:p
summergirl
09-19-2007, 09:00 AM
Minsan ang ayoko sa ibang kababayan natin,palaging late sa time...I'm working kasi kaya palaging limitado ang time...Sana maisip nila iyon ,na TIME IS GOLD..
ritzyu
09-19-2007, 10:27 AM
Meron pa rin po akong ayaw sa ugali ng kababayan natin yung..pag-kausap mo
siya pag medyo angat ka ng konte sa kanya..lahat ng kaibigan niyang magagaling
siyang ikukuwento sa iyo...kamukat-mukat mo pag iyon namang kaibigan na yong
pinagmamagaling ang kausap na, ibang kaibigan naman na mas magaling ang ihuhunta
sa kausap niya...ang problema lang ..pag ang taong yon kaya na ang naging magaling...;)
pineapple
09-19-2007, 11:57 AM
murmuring... (not sure of the spelling huh)
pinaka ayaw ko, katulad ng kapitbahay ko dito, napakayabang kun mag kwento yun pala, uutangan ako.. tas nung pinautang ko na, d nakikipag usap, laging tulog at pag natyempuhan mo at siningil mo ---> paran ako pa me utang sa kanya... at gumawa pa ng istorya !!!
mayabang na wala naman, utangera na di marunong magbayad
mataray na wala sa lugar, mapag samantala
plastic, inggitera at tsismosa...
whew!!! halos nasabi ko na yata lahat.. hehehe!!!
regarding sa pananamit, no comment ako maging sa alahas...
as long na can afford ka, ok lan hanggat di ka namemerwisyo...
kse di naman lahat ng naka alahas eh, dahil sa nakapag abroad o nakapag asawa ng foreigner...(lumakin meron) khit pa gano kadami pa suot nyang mga alahas at di naman nya pinamumukha sa ibang tao na naka-alahas sya, walang problema... (problema na nila yun kun bigyan nila ng masamang impression yun) :tiphat:
dianne
09-19-2007, 08:12 PM
pakialamera sa buhay ng me buhay ~~~
mag pakita ka ng kabutihan ikaw pa masama ~~
mahilig mang baligtad masabi lang na sya ang mabute~~
parang torotot ang bunganga sa loob ng train kahit malapit lang ang kausap parang bazooka sa ingay ~~~~ o kaya sa daan ~~~
katheyrine
09-20-2007, 12:54 AM
:eek: :D ang ayaw ko lang sa ating lahi...maka-abroad ka lamang eh maraming marami ka na daw pera! :D nakaka-loka!!!:eek:
a_kiss
09-20-2007, 09:23 AM
Eto pa isang ayaw ko sa atin.........kukunin kang ninong/ninang kasi may sinabi (ka daw) para sa pasko marami mapamaskuhan inaanak...kinalimuta n na ang tunay na kahulugan at katungkulan ng ninong/ninang sa buhay ng inaanak :rolleyes:
pati tuloy inaanak mo kilala ka lang pang xmass season na :eek:
katheyrine
09-20-2007, 11:49 AM
Eto pa isang ayaw ko sa atin.........kukunin kang ninong/ninang kasi may sinabi (ka daw) para sa pasko marami mapamaskuhan inaanak...kinalimuta n na ang tunay na kahulugan at katungkulan ng ninong/ninang sa buhay ng inaanak :rolleyes:
pati tuloy inaanak mo kilala ka lang pang xmass season na :eek:
naku reminder yan ah a_kiss san huwaaa...tamang nalimutan na ng iba ang kahulugan ng pasko..at ng mga ninong at ninang...:( huhuhuhu tingin nila ngayon eh santa claus na ninong at ninang!
dequi_lu
06-30-2008, 01:25 AM
ayoko yung mga ugali ng mga magulang na hinahayaan yung mga anak o kasama yung mga anak at karga pa sa panlilimos..
rhin_15
06-30-2008, 02:20 AM
ayoko yung mga ugali ng mga magulang na hinahayaan yung mga anak o kasama yung mga anak at karga pa sa panlilimos..
korak ka dyan,,:D:D:D
Matty
06-30-2008, 09:23 PM
Ang ayoko sa ugaling pinoy ay kunwari pala Simba , pag labas ng Simbahan nagmumura na, Minsan sinasankalan pa ang diyos sa kasinungalingan.
kahit nasa loob ng simbahan tuloy pa rin ang tsismisan. at pabonggahan. :D
akiharu
06-30-2008, 09:25 PM
Ang ayoko sa ugaling pinoy ay kunwari pala Simba , pag labas ng Simbahan nagmumura na, Minsan sinasankalan pa ang diyos sa kasinungalingan.
kahit nasa loob ng simbahan tuloy pa rin ang tsismisan. at pabonggahan. :D
:eek::eek::eek::thum b:
akiharu
06-30-2008, 09:39 PM
maraming talagang hindi magandang ugali ang karamihan sa pilipino,nakakalungk ot,:(na nakakainis:mad:
ang pinaka ayoko naman e ung mga tsismosa,lalo na pag ang pinag-uusapan e buhay ng ibang tao na halos hindi maganda,pero pag-kaharap ka naman e napakabait at puring-puri ka:mad: ano ba tawag dun:confused:plastic :D
isa pa ang manghihiram ng gamit na walang solian ikaw pa ang magkakanda-hirap na kunin ito sa kanya:mad:
pinakiki-alaman ang mga gamit na walang sabi-sabi:mad:tapos makikita mo na lang suot na pala:eek:
uutang na walang bayaran pag siningil mo galit pa:D:D:D
pwede naman sabihin na hingin ko na lang ha,wala na kasi ako balak isoli sayo:D:mad:
lenemen
06-30-2008, 10:45 PM
:pnaku ha, nasabi niyo nang lahat ang ayaw nating ugali ng Pinoy:rolleyes: ang isang ayaw ko pa merong mga taong walang pinipiling lugar kahit sa mga formal na okasyon "nguya ng nguya ng chewing gum". :eek:
ang ayoko sa ugali nating mga pinoy eh! pag umasenso mayabang na (some) at pag may umasenso dahil sa sariling sikap hinihila pababa. Pag nagkamali nagsisisihan instead of magtulungan.At walang disiplina sa sarili (yung iba) hal. na lang sa basura kung saan saan nagtatapon.
Gerri
06-30-2008, 11:25 PM
ang ayaw ko (at salamat sa Panginoon konti lang sa pinoy ang ganito) yung dumudura or sumisinga in public tsaka mga lalakeng umiihi sa poste or sa pader. gross!:mad:
alamagawa
06-30-2008, 11:28 PM
nangungulangot tapos pinapahid kung saan-saan:brush:
Inday_36
07-02-2008, 08:17 PM
Yung mga wento ng wento tungkol sa naipundar nila.. nang-iingit! kaya ingit naman ako.:D:p
dequi_lu
07-02-2008, 10:43 PM
me mga pinay po na magsusuot ng maikli chaka pilit na takip ng takip..asus conshus pala bakit sinuot pa..
Bored
07-02-2008, 11:39 PM
eto ang ugaling Pilipino na di ko gusto...yun pupunta sa bahay mo na walang sabi -sabi ..bigla na lang mambibigla na mag doorbell....at pag nasa bahay mo na sabay sasabihin ...oiiist ano bang ulam mo...nagugutom na ako...
aba....kakaloka...di naman sa di ka natutuwa sa ganoon pero hanggat maari sana kung pupunta sa bahay mo at least man lang tumawag...magpasabi para makapag handa ka at maasikaso mo sila....minsan pupunta sa bahay mo busy ka..pag di mo naasikaso sasama ang loob...minsan galit pa kapag di ka naabutan sa bahay mo...nyek...sasabiha n ka pa saan ba kayo noong isang araw pumunta ako sa bahay niyo ehh...parang ako pa may kasalanan na di niya ako inabutan...
Yan kasi ang tinuro sa akin nang biyenan ko....pag pupunta ka sa isang bahay at least daw tumawag ka ...wag na wag daw manggugulat:eek: ;)
This kind of courtesy reminds me when i was in elementary. My mother always telling us to keep the house clean everyday dahil daw may mga bisita na dumadalaw nang biglaan. Para walang masabi ang mga bwesita , kailangan ready araw araw. Pero kung walang pagkain na handa, e di pasinsya na lang. :p
shakey
07-02-2008, 11:50 PM
chismosa...
natatapos ang isang araw na walang ngyayari...
Soju6
07-03-2008, 12:58 AM
ang ayaw ko (at salamat sa Panginoon konti lang sa pinoy ang ganito) yung dumudura or sumisinga in public tsaka mga lalakeng umiihi sa poste or sa pader. gross!:mad:
.
Sensiya na ha..hik*...pag lasheng ako...sarap ihi sa Poste, lalo na sa Fire Hydrant...hik*
:jiggy: -> ala bruce willis
bluesapphire
07-03-2008, 04:47 AM
ayoko sa pinoy ,yung sasabihin na binata sya,at pag nabuntis na yung girl, iiwanan na lang sa ere.. sasabihin may asawa pala...tapos hindi mo na makontak.. hay kawawang girl...
hindi ko naman nilalahat.. yung madalas ko lang marinig na kwento..:(
masaki20
07-03-2008, 06:46 AM
ayokong ugali ng pinoy/pinay yun "BAHALA NA" attitude... :(
musikaghie
07-03-2008, 06:57 AM
Ang ugali naman minsan na ayaw ko din sa ating mga Pinoy, yung magagawa ngayon ipagpapabukas pa. Sasabihing, Hay! BUKAS na lang yan~~~:)
mamimo
07-03-2008, 09:46 AM
ayaw ko sa ugaling Pinoy, yun pagiging magulang. pa-ring ng pa-ring ng cp mo tapos ibababa. gusto kaw lagi tatawag pero sya naman hihingi ng pabor at ang super kainis nag-aapura pa ang donya. wala kaya yun isip na hindi lang sa kanya naikot ang mundo mo at gusto pag kelangan mo sya kahit anong oras at kahit nasan ka kelangan maging available ka sa kanya at dayuhin mo pa sya sa lungga nyang nasa bundok tralala. isa pang kainis magpapaturo ng kung anong chuvah tapos hindi susundin kasi feeling nya mas smarter yun naisip nya tapos pag palpak yun ginawa nya kaw na naman ang lalapitan para tulungan ayusin ang gusot nya. waahhh sana she get out of my life ASAP!!!
Soju6
07-03-2008, 09:50 AM
ayaw ko sa ugaling Pinoy, yun pagiging magulang. pa-ring ng pa-ring ang cp mo tapos ibababa. gusto kaw lagi tatawag pero sya naman hihingi ng pabor at ang super kainis nag-aapura pa ang donya. wala kaya yun isip na hindi lang sa kanya naikot ang mundo mo at gusto pag kelangan mo sya kahit anong oras at kahit nasan ka kelangan maging available ka sa kanya at dayuhin mo pa sya sa lungga nyang nasa bundok tralala.
Walang mang uuto kung walang mag papa-uto:D.
mamimo
07-03-2008, 09:54 AM
Walang mang uuto kung walang mag papa-uto:D.
:p:p I`m trying to be nice and polite so kung wala kang isip at hiya problema mo na yun lalo`t matanda ka na. Kung di mo ramdam na ayaw ko sayo mas malaki ang problema mo:mad.::(
Soju6
07-03-2008, 09:59 AM
:p:p I`m trying to be nice and polite so kung wala kang isip at hiya problema mo na yun lalo`t matanda ka na. Kung di mo ramdam na ayaw ko sayo mas malaki ang problema mo:mad.::(
Try to be honest and polite...that will work.
mamimo
07-03-2008, 10:10 AM
Try to be honest and polite...that will work.
not really dude:( minsan nasasabi ko maybe this is one of the reason bakit "iba" ang paraan ng pakikitungo/pakikisama dito sa Japan although meron naman genuine talaga na friendship pero mas mahirap matagpuan yan. got lot of friends in Pinas also and I would say wala akong problema sa pagiging honest ko sa kanila. I can tell them you know I hate you when you`re like this and like that pero dito sa Japan > :shutup::bonk:
Soju6
07-03-2008, 10:27 AM
not really dude:( minsan nasasabi ko maybe this is one of the reason bakit "iba" ang paraan ng pakikitungo/pakikisama dito sa Japan although meron naman genuine talaga na friendship pero mas mahirap matagpuan yan. got lot of friends in Pinas also and I would say wala akong problema sa pagiging honest ko sa kanila. I can tell them you know I hate you when you`re like this and like that pero dito sa Japan > :shutup::bonk:
Ok, I guess you'll just let her take advantage ang pagiging "nice" mo sa kanya then. "Strong"(kapal) ba personality niya:D?
japhil
07-03-2008, 10:28 AM
Ugaling Pilipino na Ayaw ko:confused:
:Danak ng anak tapos sa gobyerno isisisi ang kahirapan ng buhay pamilya nila no1 yan pinakang ayaw ko:coffee:
mamimo
07-03-2008, 10:31 AM
Ok, I guess you'll just let her take advantage ang pagiging "nice" mo sa kanya then. "Strong"(kapal) ba personality niya:D?
Naaawa ako kasi divorce kaso abusado, waahh kapal nga and just like you tingin nya sa kin naive.:p:D Mukha kasi kong boba kung tignan (walang muwang sa buhay, prone to abuse ba? nyahaha) patango-tango parang si batik, minsan subukan ko magdunong-dunungan...hehe
Soju6
07-03-2008, 10:37 AM
Naaawa ako kasi divorce kaso abusado, waahh kapal and just like you tingin nya sa kin naive. :p:D
You? naive? I don't think so...smart and intimidating:eek: kamo. Laki nga takot ko sa yo eh.
Pilak
07-03-2008, 11:13 AM
Yun dumudura sa bintana ng dyip habang nakasakay at biglang hahanginin...:D
Soju6
07-03-2008, 12:57 PM
Heto , bago...
Yung nakikisabit na nga lang...makikialam at umaangal pa, my goodness! Di na lang magpasalamat.
Inabot na yung isang kamay .....kukunin pa buong braso at kung maaari buong katawan pa.
Pls naman....mga ka-bayan.
damdeok
07-03-2008, 03:24 PM
eto pa ayawan nyo din..
-tanga sa pagboto. tamang pagboto/pagpili nalang ng mga opisyal na manunungkulan sa gobyerno parati pang sablay. Resulta – kaliwa’t kanan na kahirapan:banghead: tapos ipagkakalat pa ng mga surveys nagsasabi na the philippines has the worst corruption rating among the asia’s 13 biggest economy. Kaya sa susunod na eleksyon mag-esep esep mabuti ah hindi porke’t cute at mabango pwede na.:D
choelin_chas
07-16-2008, 09:18 AM
yung iba mayayabang wala naman pagyayabang (social climbers)
yung nangutang sya pa ang galit pag sinisingil...
mahilig makielam sa personal na buhay...
inggittero / mas gusto nilang makita ka nilang tumba at may problema kesa sa maginhawa ka...
makasarili / self - centered ( hindi naman lahat )
basta alam na bawal lalong gagawin:D
inggitero, tsimoso(a), back stabber...
ningas cogon...
:(
torete_101
07-16-2008, 10:40 AM
siguro sa mga namention ang pinaka ayaw ko sa ugaling pinoy ay ang pagiging crab mentality.. :D
shuelma
07-16-2008, 11:15 AM
mayabang/ inggetera /pakialamera / kilala ka lng kpag meron kailangan/ etc...dami e,.:D
infinite_trial
07-16-2008, 11:49 AM
mga poser
:whistle:
ang no#1 na ayaw ko ung tamad mgtrabaho,kc para sa knila nmn un dba kung mgtatrabaho!mhirap na buhay ngayon hindi na pwede un aasa ka sa iba ako kung papayag lang asawa ko na mgwork ako aba bka 2 pa trabaho ko umaga at gbi!gusto ko kc mkabili ng bhay sa pinas ayoko kc mgpabili sa asawa ko at bka isumbat pa sakin pgdating ng araw!I thank you...bow!:)
sasarai84
07-23-2008, 05:46 PM
C.R.A.B. M.E.N.T.A.L.I.T.Y. and C.O.L.O.N.I.A.L. M.E.N.T.A.L.I.T.Y.
Yan ang pinakaayaw ko ugali ng pinoy. Kaya di umaangat itong bayan natin dahil jan.
Mr_RnB
07-23-2008, 05:50 PM
pagiging chizmowsow at chizmowsah :D
at yung mahilig makisawsaw sa issue. :brush:
Tarena314
07-23-2008, 11:02 PM
mareklamo sa buhay...,laging kalat sa kalye at kung anu-ano ang mga pinag sisisigaw ....., pagtapos non syempre gutom ang mararamdaman ...,tapos isisi sa gobyerno nagugutom daw sila...,:(
choc nut
07-23-2008, 11:04 PM
un ugali ng pilipino n parang hindi natutuwa:mad: s mgandang nangyayari s buhay ng
kapwa.........pero tuwang tuwa:yippee: pag may pangit na nangyayari sa buhay ng
kapwa.
ung i love my own........parang walang magaling s kanya kundi sarili nya,pamilya
nya,asawa nya.pilit ipinapakitang happy family sila kahit alam naman ng mga tao
n hindi ganoon ka happy at kagaling ang pamilya nya..:(
choc nut
07-24-2008, 09:45 AM
eto pa isa........parang walang masyadong pagmamahal sa trabaho......imagine ,
sinipon lng nag yasumi na:eek:(samantalang mga hapon,nanginginig na dahil sa
taas ng lagnat,pumapasok p rin).
ung barkada ko dati,napagalitan ng boss nya.nanganak yung asawa,nag yasumi.
sabi ng boss...di nman ikaw manganganak bat nag absent ka?kahit wala ka
lalabas naman ung anak mo.:D(may katwiran boss nya)
bjoinks
07-24-2008, 02:48 PM
sali ako sa thread nato ha? ayoko yung Pinoy na:
NANGHIHILA PABABA! (crabmentality)
natsuki
07-25-2008, 04:19 PM
crab mentality po
ayaw kong isa sa ugaling pinoy..... parang kahit saan makaka kilala ka ng ganitong klaseng tao.. nakaka irita:mad::p
Filipino time... mabibilasa ka kakahintay....buti sana kung may magandang reason kaso wala naman..
ang pinaka ayaw ko sa ugaling pinoy,
is marami tayong alam na masama nating ugali, pero ginagawa pa din natin at di natin binabago, kahit simula sa ating sarili.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.