PDA

View Full Version : Buhay sa Pinas NOON..


bluesapphire
08-02-2007, 03:11 PM
Heto ang KAPAYAPAAN na alam ko, kahit wala pang KAUNLARAN...





Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;


Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron gumamela


lang;





10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;


Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.





Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:


Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.





Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa


tumana;





Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya


malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;





Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang


mga anak...





Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang


lock ang mga jeep na Willy's noon.





Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan


(gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,


“sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at


de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na


may


2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang


makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.





Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga


iyon.





Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,


tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion





(kahon-kahon yon!)





May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,


nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging


dahil sa kulugo;





Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;


Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa


lupa.





Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di


ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw! Sana
pwedeng


maibalik...





Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,


maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating


mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal


pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una


silang


nasasaktan pag pinapalo nila tayo...





Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...


Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.


Noong wala pang mga drugs at malls.


Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.


Tayo noon... Doon
...





Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang


buwan;





Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag


nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"





Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi


wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo...





Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama
;


Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may


dikin naman ang ulo ng babae;





Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig na tayo pag lumabas


na ang yantok-mindoro o buntot-page.





Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para


hindi masakit ang tsinelas o sinturon?





Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman,


bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal


noong araw?





Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang


sumakit ang tiyan;





Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok,


susuwi at espada?





Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo


kapag nagmamano.





Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa


"kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may


tinola!





Yung crush mo?





Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong,


taeng-kabayo o biscocho?





Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o


kaya nougat o karamel;





Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;





Puriko ang gamit ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.





Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng


daliri para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling


labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri


kasi puno na ng kanin...





Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;





Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap


ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.





Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa


white-side-wall na gupit;





Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda


at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng


sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...





May mga program kapag Lunes sa paaralan;


May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.





Di ba masaya? Naalala mo pa ba?


Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...


Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...





Di ba noon...


Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito


ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito?


Ito ba o ito?"...





Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the


carabao batuten...





Presedente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;


Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;


Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;


Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa


pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.





Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang


tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.





Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron


tayong skyflakes at Royal sa tabi.





Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!


Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!


Nasa iyo ang susi... paki-buksan lang kaibigan..

la_tina512
08-02-2007, 03:56 PM
Meron na pong ganitong thread with a different title nga lang. Please check this (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=130 65&page=2)... Yoroshiku onegaishimasu..:)

By the way, welcome to TF bluesapphire! :)

bluesapphire
08-02-2007, 04:11 PM
Meron na pong ganitong thread with a different title nga lang. Please check this (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=130 65&page=2)... Yoroshiku onegaishimasu..:)

By the way, welcome to TF bluesapphire! :)
sa fastforwarded email ko kinopya yan, para na lang po sa di pa nakakabasa..:) :D

bonbon'79
08-02-2007, 07:45 PM
Napapangiti nga ako sa thread mo bluesapphire... Iba ngang talaga noon kesa ngayon... Hay... kung pwede lang sanang maibalik ang kahapon no?:)