PDA

View Full Version : japanese recipes..


bluesapphire
08-02-2007, 04:24 PM
help lang po, nakakahiya kaya lang aaminin ko po na hndi ako marunong magluto ng katei ryori or japanese ryori, baka pwede pong manghingi ng recipes.. susundan ko na lang.. thanks po:)

Autumn
08-02-2007, 05:11 PM
marami doon sa thread ng kainan at lutuan..hintay ka rin maraming good cook mommies dito..:) welcome nga pala ;)

summergirl
08-02-2007, 08:34 PM
Sana sabihin mo sa amin kung veggy,fish or what ,para mag ka idea kami kung ano ituturo namin sa iyo..

bluesapphire
08-02-2007, 10:05 PM
Sana sabihin mo sa amin kung veggy,fish or what ,para mag ka idea kami kung ano ituturo namin sa iyo..
kahit ano po ok.. basta yung madaling gawin or hindi masyadong matrabaho..

summergirl
08-03-2007, 08:12 AM
Ok ..
Sukiyaki
Ingredients:
Beef
negi
shitake
ito konyaku
sukiyaki tofu<naihaw ng tofu>
Sukiyaki no tare<mayroon ng nasa bottle that you can buy at the groceries>

Procedure:
Painitin muna ang lard or mantika sa frying fan.Ilagay mo ang beef hanggang maging brownish.Ilagay lahat ng gulay ,wag mong ibubuhos.kung negi,negi lang na lugar..pag tofu tofu lang na lugar.Pag naayos mo ng lahat sa frying fan<may kaldero talaga para sa sukiyaki>
Isalin mo ang half ng sukiyaki no tare sa frying fan,takpan at wag masyadong malakas ang apoy.After 3 minutes..Kainan na..

bluesapphire
08-03-2007, 12:00 PM
hi, thanks for paying attention sa hinaing ko about luto,since paborito ko sukiyaki, kahit hndi pa fuyu, makapagluto nga.. thanks ulit ha;)

summergirl
08-03-2007, 07:53 PM
Ok heres another one..

Sine uso ngayon ang talong...lutong talon

Nasu to Shishito nimono

Eggplant 5pcs<hatiin sa gitna at slice mong pa slant>
Shishito 5 to 7 pcs<tusuk tusukin mo ng toothpick para pumasok ang lasa >
Shoyu<1 kutsaron>
mirin<1 kutsaron>
osake<3 tbsp>


procedure*

Painitin ang mantika sa kaldero.Ilagay ang talong at shishito ,mga 2 to 3 minutes lang.Pag sama samahin mo ang ,shoyu,mirin at osake..Pag sa tingin mo maalat..Add 1 tbsp os sugar.Takpan mo ,mga 5 tusukin mo ng toothpick ang eggplant.Pag malambot na..Kainan na..

summergirl
08-03-2007, 07:58 PM
Saba Miso

Saba<1 whole>
Miso<1 kutsaron>
Mirin<i kutsaron din>
Luya<konti lang..<hiwain ng malilit>
Osake<3tbsp>

Procedure..

Ilagay mo ang mirin sa isang kaldero.Ilagay mo rin ang miso.Haluin mabuti ,hanggang sa mawala ang buo buo..Ilagay ang saba at ang osake.Takpan .mahina lang ang apoy..Pag sa tingin mo medyo natutuyo na ang sarsa nya..Ready to eat..

tomika_77
08-04-2007, 04:46 AM
Share ko sayo tong recipe ko favorite ng hubby ko para syang adobo.

Daikon to tebasaki no nimono

daikon (labanos)
tebasaki (chicken wings)
ninniku (garlic)
shouga (ginger)
goma abura (sesame oil) 3tbs.

shouyu 3tbs.
sake 4tbs.
satou 2tbs.
dashi jiru (dashi stock) 2cups
aka tougarashi 2pcs.

Procedure:

Igisa sa sesame oil ang bawang at luya isunod ang chicken wings. Pag nagbago na kulay ng manok ilagay ang labanos at haluing mabuti pagkatos ilagay ang shouyu,sake,satou,da shi jiru at aka tougarashi takpan at pakuluan. Baligtarin mo paminsan-minsan yung manok pag medyo natutuyo na yung sabaw okay na. :food:

ooooops wag kalimutang patayin ang kalan baka masunog:D

bluesapphire
08-04-2007, 10:51 AM
print ko na lang po menu nyo.. t.y. po uli..:)