View Full Version : Halo-halo
lapulapu
08-05-2007, 06:22 AM
Mga kapatid,
Alam nyo po ba saan tayo makakabili ng ice block para sa halo-halo dito sa Japan. Gagawa po kasi kami ng halo halo para sa 300 tao. Kaya medyo marami-raming yelo ang kakailanganin. Saa pokaya pwedeng makabili nung bloke?
Maraming salamat.
Lapulupu
katty0531
08-05-2007, 08:09 AM
hello Good am!
Sarap naman Halo-halo..
Sa KOORI YA SAN, makakabili ng bloke, gumagawa at nagtitinda ng mga ice na malalaki....dito sa malapit samin meron, dyan din sa inyo siguradong meron, mabenta ice ngayon sa sobrang init hehehe...
la_tina512
08-05-2007, 08:31 AM
Dito rin sa amin merong bloke bloke na yelo na binebenta sa tindahan ng yelo. Tingin ka lang diyan sa paligid mo at tyak meron dyan koriya san. :D Sarap naman halo-halo..
summergirl
08-05-2007, 08:33 PM
Sa 7-11 dito sa amin merong bloke di nga lang gano kalaki pero tingnan mo ,siguro lahat ng 7-11 meron nun..
tisay
08-05-2007, 11:25 PM
wow...sarap naman...miss ko na tuloy halo halo sa chowking:D .....nakisilip lang po......napakalayo ko kasi sa lugar mo kaya kahit marami dito sa lugar ko...muri di ba...try mo nga sa 7-11 gaya ng sabi ni summergirl...tiyak matatagpuan mo hanap mong yelo:rolleyes: ....:p
lapulapu
08-06-2007, 09:38 AM
salamat sa mga replies. nakahanap na po ako. problema na naman namin ngayon yung minatamis na saging. saa ba makakabili nun? salamat po
lapulapu
08-06-2007, 11:22 AM
Meron din bang mabibiling cups ng halohalo na parehas ng sa Pinas dito sa Japan? Saan po yun mabibili?
nasty
08-06-2007, 04:57 PM
salamat sa mga replies. nakahanap na po ako. problema na naman namin ngayon yung minatamis na saging. saa ba makakabili nun? salamat po
sugest ko po na bumili na lang kayo jan ng saging ,,pwedeng sa malapit sa inyo eh ,,meron sari-sari store tas matamisin niyo na lang:) madali lang naman yun ,,,mas maganda pa din kasi kung saging na saba ang gagamitin ,,hindi madaling mag gucha- gucha
docomo
08-16-2007, 12:01 AM
@lapu lapu
kumusta na po ang halo~halo nyo... post nyo naman po yung pic . :D
fremsite
09-02-2007, 03:28 PM
halo-halo ... tabetai na ~~~ !!!! :food:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.