View Full Version : Kontento, may katapusan nga ba?
post po kayo ng views nyo about this.
ito marahil ay isa sa mga salitang masasagot mo ngayong araw na ito, pero mababalewala kinabukasan o sa ibang araw. marami ang nagsasabi na kontento na daw sila sa buhay, pero kapag pagtutuunan mo ng pansin, kontento sila kung ano ang meron ngayon at hindi kung ano ang hiling/bigay ng kinabukasan.
ang tanong ko lang mga ka-TF: kontento, may katapusan nga ba? o kathang isip lamang?
yasashi
08-08-2007, 11:54 AM
hi..q33k ang lalim nito hahh....:)
in my own opinion as human siguru walang kataposan ang mga hiling natin kaya masasabi kong wala ring kataposan ang '' kontento'' na sinasabi mo..
like kunwari may pangarap ka tapos sasabihin mo pagnakamit mo na yan magiging kontento ka na..then pag nakamit mo na yung pangarap na yun di mo namalayan may iba ka pa ring mga hiling,mga gusto parang leveling ang dating :) pataas ng pataas...
ako gusto ko mang maging kontento..madaling sabihin mahirap ifeel na talagang kontento ka na..hangang ngayon i pray to god to be content now in my life.. its hard coz being content also means to stop dreaming live a simple life sana nga ganun tayo nuh..
ritzyu
08-08-2007, 12:37 PM
If you are contented with your life...lahat na lang siguro ng darating sa iyo ay
entertainment. Pero kahit anong yaman mo pa...sa tinatamasa nila oo nai-enterteyn
sila pero yung salitang kuntento na sila...sa palagay ko hindi pa. Mainam pa mahirap
mababaw kaligayahan konting bagay nakokontento na kahit hindi pa..it's all in the mind
ika nga ;)
la_tina512
08-08-2007, 01:43 PM
Ang pagiging kontento ng tao ay depende sa pananaw sa buhay kaya contentment differs from one's perspective to another, it also varies from one's desires to another. Kung ang basehan ng isang tao ng pagiging kontento ay ang pagkakamit ng lahat ng luxuries in life, he'll never get contented hanggang hindi niya nakakamit ito. Kung ang basehan naman ng contentment ay ang makatapos ng pag-aaral, hindi rin makukuntento hanggang hindi nakakatapos sa pag-aaral. Merong mahihirap na parang kontento na sa buhay nila as long as they are happy. Pero ang mayayaman parang hindi nakukuntento sa buhay kasi they keep on searching and yearning for more. Sa palagay ko hanggang may desire ang isang tao one will never get contented in life. As Webster defines contentment:
Contentment - the quality or state of being contented.
Content - to appease the desires of...
Soju6
08-08-2007, 02:42 PM
That's why I don't set my standards or goals that high.
Tulad ng pangarap kong magkaroon ng bahay kahit isa lang ang room ok na. Pag nagkatutuo at instead 1 room lang ay naging 5 or 6 rooms bukod pa yung maid's room, I consider those 5 extra rooms as bonuses.
Kung may pera akong pang gimik, pang inom.....hindi na ako maghahanap pa ng pulutan, may iniinom na nga ako eh. Ngayon kung nagkaroon ng pulutan at may ka-table pa....hehehe bonus na naman yun.
Pag binigyan ka ng trabaho, wag ka ng mag hanap ng sueldo...binigyan ka na nga ng trabaho eh....ay mali!
a_kiss
08-08-2007, 02:51 PM
wala yatang katapusan yan eh............katula d ng bumili ka ng bagong jeans.syempre gusto bago din shoes mo plus Tshirt..........gano on din sa buhay..dumadating na nag sasawa ka na at nag hahanap ng something new in life;)
infinite_trial
08-08-2007, 03:01 PM
depends on how the person gauges his contentment. for the rich, it's not just about money...for the poor, it's usually (if not always) material things. for the passionate, it's all about love...for the adventurous, living your life to the extremes.
i'm not yet contented, but i don't feel emptiness inside...because i don't always compare myself to other people.
bakit kaya di natatapos ang pagiging kontento? lagi na lang may tanong at hiling.
bakit di tayo nakokontento kung anong meron tayo?
dala ba ito ng likot ng ating pag-iisip at pangangailangan?
obserbahan na lang natin ang mga sanggol, kontento sila kapag komportable sila at nabibigyan ng sapat na atensyon. lalo na kapag naibibigay agad sa kanya ang kanyang pangangailangan.. nandya't makikita mo syang nakangiti, walang problema, mahimbing ang tulog, at para bang nananaginip nang naka-ngiti.
pero habang lumalaki at nagkakaisip, lumalaki o lumalawak din ang pamantayan nya para sa pagiging kontento(kahit panandalian lamang). kung dati kontento na sya sa paglalaro ng lata na may tali, habang na-eexplore nya ang paligid at nadidiskubre kung ano ang buhay sa labas ng kanyang kinalakihan, nandya't manghihiling na yan ng remote-kontrol o mga di-bateryang laruan.
kapag ating susuriin, maraming impluwensyang nakapaligid kaya hindi matapos tapos ang pagiging kontento. nandyan ang makabagong saliksik sa agham at teknolohiya, ang epekto ng kapisanan(society), impluwensya ng kaibigan, mga uso o "in", atbp. ito ay iilan pa lamang basehan sa usapang kontento. ngayon, gaya nga ng sinabi ni binibining Infinite_Trial, depende kung saan mo ito ipapamantayan. Base na lamang sa ating mga nakikita, nababasa, o nararanasan, parang lumalabas na kathang isip na lamang ang pagiging kontento ng buong buo. Maaring kontento na tayo sa buhay-ispiritual, pero di makontento sa ibang bagay. Maaring ayos na sa akin itong cellphone pero maya maya lang gusto mo meron itong ibang features.
opinion lang po!
aj_4983
08-10-2007, 05:01 PM
post po kayo ng views nyo about this.
kontento may katapusan nga ba?
mejo di ko gets yung question:D
pero for me kc lahat ng bagay may katapusan kya ginagamit ang salitang kontento.
Sa mga taong patuloy na naghahangad ng anumang bagay di magagamit ang salitang ito dahil di pa sila kontento.
So case to case basis.
kontento may katapusan nga ba?
mejo di ko gets yung question:D
pero for me kc lahat ng bagay may katapusan kya ginagamit ang salitang kontento.
Sa mga taong patuloy na naghahangad ng anumang bagay di magagamit ang salitang ito dahil di pa sila kontento.
So case to case basis.
ibig nyo po bang iparating dito na kapag natapos na ang isang bagay ay kontento na ito o tumitigil na ito dito?
aj_4983
08-10-2007, 05:33 PM
ibig nyo po bang iparating dito na kapag natapos na ang isang bagay ay kontento na ito o tumitigil na ito dito?
lahat ng bagay may katapusan.
well ang paghahangad sa isang bagay ay may wakas,may hangganan.
kya nga case to case basis eh
Una, kung may hinangad ka at nakuha mo un at the same time w/ satisfaction e di mssbing kontento na.
2nd, may mga bagay nmn na kahit na nakuha na e naghahangad pa ng ibang bagay.
Kung dun ka sa pangalawa better not to used the word "kontento" kc wla ka pang satisfaction kahit na nakuha mo n yung gusto mo.
lahat ng bagay may katapusan.
well ang paghahangad sa isang bagay ay may wakas,may hangganan.
kya nga case to case basis eh
Una, kung may hinangad ka at nakuha mo un at the same time w/ satisfaction e di mssbing kontento na.
2nd, may mga bagay nmn na kahit na nakuha na e naghahangad pa ng ibang bagay.
Kung dun ka sa pangalawa better not to used the word "kontento" kc wla ka pang satisfaction kahit na nakuha mo n yung gusto mo.
maraming salamat po sa idea. gaya po ng nabanggit sa itaas, maaring ngayon masasabi mong kontento ka na (sabihin mo na satisfied), pero bukas o sa ibang araw, naghahangad ka pa ulit ng pagbabago. kaya po bumabalik ang tanong na may katapusan nga ba ang pagiging kontento?
aj_4983
08-10-2007, 05:57 PM
maraming salamat po sa idea. gaya po ng nabanggit sa itaas, maaring ngayon masasabi mong kontento ka na (sabihin mo na satisfied), pero bukas o sa ibang araw, naghahangad ka pa ulit ng pagbabago. kaya po bumabalik ang tanong na may katapusan nga ba ang pagiging kontento?
Dapat ang maging tanong mo e me katapusan nga ba ang paghahangad?
dalawa lang kasi ang pedeng maging sagot dito.
me katapusan= kc kontento na
wlang katapusan= kc di pa kontento kya patuloy na naghahangad.
sharpener
08-10-2007, 07:05 PM
kontento may katapusan nga ba?
mejo di ko gets yung question:D
pero for me kc lahat ng bagay may katapusan kya ginagamit ang salitang kontento.
Sa mga taong patuloy na naghahangad ng anumang bagay di magagamit ang salitang ito dahil di pa sila kontento.
So case to case basis.
i agree
pag sinabi mong kuntento ka na...de kuntento ka na, wala ka ng hahanapin pa
pag hindi ka pa kuntento....kuntento is not the right word for you... kase hindi ka pa nga kuntento e
salamat po sa inyong mga pananaw.. as i told in my later post, "what is your view about this":)
gaya nga po ng sinabi ko, maraming factor ang nakaka-apekto kaya yung sa una na sinasabi nating kontento na tayo sa kung ano meron tayo (saying this the very present status), but in the future, biglang yung sinasabi mong kontento noon ay kulang pa pala:eek:... thus, explaining na hanggat nabubuhay ang tao, hindi nasasatisfy yung needs nya basta basta, dahil na rin sa dikta ng kapaligiran. tulad na lang halimbawa sa cellphone, dati rati sinasabi natin na "huwaw, kontento na ako dito sa Nokia5110 ko, ang cute cute at ang dami daming features at may snake game pa."... pero makalipas ang ilang taon, ang sinasabi nating kontento biglang nagbago and we felt the need of coping with what the society dictates. as i mention in my previous post, isa pa lamang ito sa mga factor kung bakit ang sinasabi nating kontento, sa future, di pa pala sapat...
another view:
"kontento ako sa kung ano ang meron sa akin ngayon... pero bukas o sa mga susunod na araw, kontento pa rin kaya ako dito?"... thus bringing back the question, kontento may katapusan nga ba? ;)
ayumi
08-11-2007, 12:39 AM
para sa akin(opinion ko lang) parang mali ang tanong?
sa ganang akin :) kung kontento ka na,e di tapos na?
Nakakatuwa ang mga taong madaling makuntento sa maliit na bagay.
Palagay ko sila ang mga taong laging masaya,kase hindi masyadong risky
at siempre hindi ganoon kahirap ang mga target nila,but on the contrary,
since maiksi lang ang pisi nila,maiksi din lang ang maabot nila....pero
kung doon sila masaya,why not?
kaya lang may nabasa ako sa komiks na isinulat ni kuya T.S.Elliot na;
'Only those who will risk going too far can possibly find out how far can one go'
naniniwala ako sa kasabihan na yan,kaya isa ako sa mga taong mahirap makuntento.
Pero hindi naman nangangahulugang hindi ako masaya,kase in every step I make,
na-e-excite ako,at kapagka natapos ang one step,may satisfaction naman kahit
hindi pa tapos ang target......napahaba ang salaysay ko..pasensya na..:)
kirei
08-11-2007, 12:45 AM
for me contentment is a state of mind.. nasa tao yan.. katulad nga ng nasabi sa taas, as long as we live, kailangan natin tugunan ang mga pangangailangan natin sa buhay, (sa lahat ng aspeto)..
and nasa tao na un kung magpa-paka kuntento na siya sa kung anong meron siya.. o sasabay sa agos ng pangangailangan o pressure ng kapaligiran..
may tao kasi na madaling makuntento sa buhay.. meron naman na walang contentment .. 'di mo na alam kung ano talaga ang gustong abutin...
for me case to case basis rin... :)
ICHIBAN08
08-11-2007, 08:57 AM
For me, di pa ako kontento sa buhay ko...hindi ko pa naaabot mga pangarap ko...
ICHIBAN08
08-11-2007, 09:02 AM
Meroon ding katapusan ang kuntento ng tao depende sa sitwasyon...ang alam ko lang na may katapusan ng makontento ay ang mga tumatanda na...tulad ng mga magulang na matatanda na at lumaki na ang mga anak na may mgagandang trabaho at may mga sariling pami-pamilya na at mga apo....masasabi nilang wala na silang mahihiling pa kuntento na sila sa buhay nila....pero may mga tao pa rin nahindi makuntento sa buhay lalo na sa pera...mayaman na nagnanakaw pa....
mamimo
08-11-2007, 09:07 AM
Tingin ko walang katapusan ang pagiging kontento, sumasabay sa pag-isod ng panahon ang pagbabago ng mga bagay na gustong makuha ng tao. Madalas, kapag nakuha mo na ang bagay na pinapangarap nawawalan na to ng value at may umuusbong na bagong pagnanasa na makamit ang bagong pangarap na inaasam.:)
sharpener
08-11-2007, 07:58 PM
Meroon ding katapusan ang kuntento ng tao depende sa sitwasyon...ang alam ko lang na may katapusan ng makontento ay ang mga tumatanda na...tulad ng mga magulang na matatanda na at lumaki na ang mga anak na may mgagandang trabaho at may mga sariling pami-pamilya na at mga apo....masasabi nilang wala na silang mahihiling pa kuntento na sila sa buhay nila....pero may mga tao pa rin nahindi makuntento sa buhay lalo na sa pera...mayaman na nagnanakaw pa....
tama po... yan ang ginagamitan ng salitang kuntento at hindi makuntento
saka po yung mga asawang hindi nangangaliwa
dahil kuntento na sila sa asawa nila
pero yung mga nangangaliwa
hindi pa sila kuntento o hindi makuntento sa isa
april
08-11-2007, 11:26 PM
kuntento...kumporme sa tao yan kung hanggang saan ang kaligayahan nya...
may mayayaman nga di pa nakukuntento lalong nagpapayaman,may mahihirap
naman na nakukuntento na kung ano yung meron...may mga inggitera naman
na di talaga nakukuntento kung ano meron yung isa gusto meron din sya.
pero ang tao mahirap talagang makuntento lalo na sa materyal na bagay,ex.
na lang ng PC siyempre gusto mo yung mas mabilis,sa digicam,TV etc.etc.
sa cellphone siyempre mas maganda yung mga new model kesa yung model non na parang palopalo sa laki:D kaya ang tao imbento ng imbento ng bago means di nakukuntento.
pero siyempre may mga bagay rin naman nakukuntento talaga tulad ng pagibig di ba
pagmasaya ka sa partner mo di ka na hahanap ng iba diba.pag di ka masaya aba palitan na.:D
Stacie Fil
08-11-2007, 11:33 PM
post po kayo ng views nyo about this.
ito marahil ay isa sa mga salitang masasagot mo ngayong araw na ito, pero mababalewala kinabukasan o sa ibang araw. marami ang nagsasabi na kontento na daw sila sa buhay, pero kapag pagtutuunan mo ng pansin, kontento sila kung ano ang meron ngayon at hindi kung ano ang hiling/bigay ng kinabukasan.
ang tanong ko lang mga ka-TF: kontento, may katapusan nga ba? o kathang isip lamang?
Sa akin, na di mapalagay, :eek: este opinyon ko po pala.
I think mayroon po. In a not so serious conversation, ang katapusan po nang kontento ay "o" at "t" naman sa english...:D
For the purpose of discussion and personal opinion; I believe the answer is still yes, but in a variable sense or degree. In which the most affecting or decerning factor is time.
Halimbawa po sa trabaho: Kapag maniaw/ hapet/bitin ang oras para sa isang required na trabaho. Sasabihin sa iyo nang amo mo; daitai di ii, then shoganai ne. So at this situation, kahit sabihin pang mataas ang standard, or desire niya na mas pagandahin ang final result, masasabing mababaw man, kontento na rin. :O
Halimbawa sa partner for life: You've decided na siya na nga ang kapalaran mo. Kontento ka na ika nga. Then after a week, or five months, years, etc. medyo nag pa-flactuate /varying yung feeling mo. Kasi feel mo marami kang time and chances if things happened in some different manners. But try to think or imagine your 105 yrs old. Hindi ka pa kaya kontento (sa spouse mo)?:O (May kilig, kilabot, at kamandag ka pa kaya para mag hunting nang iba? :weep: :biglaugh: )
Lalaruin ko po lamang nang kaunti ang tanong.
Ang pagiging kontento sa isang bagay o aspeto, sa kasalukuyan, ay masasabi bang ultimo, final na desisyon at kailanman ay di na magbabago at hahangad pa? Opo, at yun eh kung ang tao ay tunay na kilala ang kanyang sarili sa kalubusan at sadyang may matured na desisyon na susuportahan nang di matitinag na paninindigan.
kontento, may katapusan nga ba? Opo; Iyan eh kung absolute ika nga rin, ang iyon desisyon sa pagiging kontento. Bagay na ano't anuman ang mangyari ay solve ka na ika nga. Maging bungangera man siya, kulubot, at maka minsan eh nangangamoy. Makakita ka man nang mas bata, mas maganda, mas matalino, mas malambing, o mas mayaman..etc, etc, etc, at di mo nanaisin, kahit sa isip man lang, dahil malinaw sa iyo ang realidad na siya lang ang iyong nagiisang katapat, at iyon lang ang tama. Pagtakluban ka pa man nang mundo
... Opo, iyan ang katapusan nang kontento.
just for the fun of it...
:)
shinshinobi
08-12-2007, 04:04 AM
matatapos ito kung hindi ka mag aasawa at hindi ka rin mag aanak
serenityjil
08-12-2007, 02:12 PM
kung titignan mo yung last letter ng kontento which is "O"...
parang wala ngang katapusan kasi letter "O" kumbaga circle...
means cycle lang...
makuntento ka man may gusto ka pa rin na magiging interpretasyon ay hindi ka pa kuntento...
pero kung iisipin mabuti once na makuha mo na yung kailangan(needs) mo sa buhay kontento ka na non... kung meron ka man iba pang nais(wants) hindi ibig sabihin hindi ka pa kuntento as long as you never consider your WANTS as your priority in life...
para lang po sa akin may katapusan po ang kuntento as long as you know how to categorized your NEEDS and WANTS...
god bless po sa ating lahat...
peace po... :D
katty0531
08-12-2007, 02:48 PM
Para saken, depende na siguro sa tao kung ano yong meaning para sa kanya ng salitang "kontento".
Iba iba kasi tayo, iba iba paniniwala natin at satisfaction sa buhay kaya, di ma define kung may katapusan ang kontento o wala.:D
Sa sarili kong pananaw meron:D , at ina apply ko na sa sarili ko ngayon, kasi kung hindi ako makokontento di ako magiging maligaya, yon lang parati kong iniisip.
honey
08-12-2007, 09:47 PM
Kung ano ibigay sa akin ni god masaya man o malungkot tanggap lang tumanim sa isip ko kung hanggang saan lang ang level ko sa physical at sa pagmamahal.kung sino ano ang dumating tanggap yun lang ang ibinigay nya e buti nga may natanggap kesa wala kaya nakukuntento na rin ako.Noong bata ako hindi ako makuntento pero ngaung nagkakaedad nagiging auntie na lola na natututo tumanggap ng kahit ano baka magalit si god wala na akong matanggap na blessings:D .
Kayo sana matuto tayong makuntento at magpasalamat;).
mrs-mymelo
08-12-2007, 11:36 PM
PAra sa akin.wala..
honey
08-13-2007, 09:40 AM
^^^^Naalala ko tuloy mama ko parang ganyan sya e Walang Contentment pero hindi sya inggetera ha!:D ang dami nyang hiling kay God kahit na paano naman ay naaambunan na sya ng blessings siguro dahil patuloy kasi ang buhay kaya forever din na walang contentment:rolleyes :.
majime22
08-15-2007, 04:08 PM
walang permanente sa buhay ng isang tao kundi ang pagbabago...:eek:
kahit sabihin natin na kuntento na tayo sa kung ano ang meron tayo sa buhay natin ngayon ay dumadating pa din ang mga hindi inaasahang pagbabago sa buhay natin...:rolleyes:
ito ang mga nagiging dahilan ngayon kung bakit hindi tayo nakukuntento sa kung ano tayo ngayun...:O
walang perpektong tao lahat ay may pagkakasala..sana lang kung ano man ang paghahangad na gawin natin sa ating buhay ay isipin din natin ang mga responsibilidad na kaakibat nito...:)
lagi nating isaisip na kahit ano pang makabagong materyal na bagay at magandang personalidad ang pagsikapan nating makamit ay dapat pinaghihirapan natin ito at ang importante ay masaya tayo at pag-ingatan ang mga bagay na kung ano ang meron tayo ngayon...:D
lagi din nating isipin na hindi lahat ng paghahanap natin ng kakuntentuhan sa buhay ay ito ang makapagpapasaya sa atin kundi ang pagmamahal natin sa kapwa at ang pagmamahal din sa atin ng ibang tao...ito man ay pamilya,asawa o kaibigan at ng ating panginoon...;)
kahit nasa isang tao ang lahat ng yaman ng mundo,lahat ng makabagong imbento,at maging ang pinakamagandang mukha at pangangatawan...wala ka pa ring kakuntentuhan...:p
walang masamang mangarap at magsikap na makamit ang mga hinahangad natin sa buhay...:cool:
lagi man tay0ng naghahanap ng higit na bagay sa buhay natin,mas makabagong kagamitan,magandang mukha at pngangatawan,mas higit na pagmamahal at atensiyon,mas madaming salapi...matuto sana nating pahalagahan lahat ng biyaya na tinatanggap natin...:)
basta ako kuntento na ko sa buhay ko,natagpuan ko na ang mahal ko sa buhay,nakatulong na rin ako sa family ko at puro trabaho lng ang inaatupag namin....kuntento na ri kami ng hubby ko sa work namin...malaki naman ang sahod kasi....hehehehe....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.