PDA

View Full Version : Asawang Hapon...nakikipag divorce


rochan4u
08-09-2007, 09:05 AM
Hello:) po mga Ka TF...humingi lang po ako ng advice kasi yun friend ko gusto ng asawa nya na i divorce na sya..bali mag2years palang sya dito sa japan and nextyear ng march mag eend ang visa nya..pede paba kaya sya mag stay dito sa japan???pede ba nya i reklamo ang hubby nya?ayaw nya i divorce asawa nya kaso yun lalake ang may gusto at ang kinakatwiran eh kasi nagwowork yun friend ko sa gabi...

At isa po ito...bali silang mag asawa eh nakikitira lang sa uncle ng asawa ng frend ko..eh yun uncle at yun frend ko eh close sila ..pnaghihinalaan ba naman nung asawa na may relasyon daw sila nung uncle at nung friend...nakakainis ang mga hapon na ganitong ugali...:mad:

At isa pa po..yun asawa ng friend ko eh lagi daw late na umuwi at minsan daw di daw pumapasok sa work kasi nagcheck daw un uncle kung andun yun sasakyan sa work wala daw..at pagma22log na eh lagi daw ka dikit ang ketai....

Gusto ko man sya tulungan pero diko alam kung ano gagawin ko sana po may makatulong dito sa TF...thanks po:(

cutie1403
08-09-2007, 09:27 AM
wait.sabi mo 22 YEARS na friend mo d2 sa japan?di pa cya permanent visa?

rochan4u
08-09-2007, 09:33 AM
hi sis sorry po typing error lang po....2years palang sya dito kakaencho lang nya ulit bali march ang tapos ng visa nya

makulit
08-09-2007, 09:34 AM
@cute1403
sensya ka na po nag text speak kasi si rochan4u. ibig po nyang sabihin mag da-dalawang taon pa lang daw po yung kaibigan nya.

rochan4u
08-09-2007, 09:36 AM
@cute1403


sensya ka na po nag text speak kasi si rochan4u. ibig po nyang sabihin mag da-dalawang taon pa lang daw po yung kaibigan nya.



hihihi pasensya na po ...itinama ko na po ang mali ....thanks po makulit

louvette_15
08-09-2007, 09:40 AM
hello po...

nakapagtataka namang mag asawa n nga sila eh nakapisan pa sila sa uncle ng hapon. bakit ganun tpus magseselos kamo c hapon sa uncle nya?

anyway, sa pagkakaalam ko hanggat ayaw ni babae makipag divorce, hindi sya ma didivorce unless may sapat na dahilan ung hapon like nanlalake c babae at may ebidensya syang mapakita. kung yong pagtatrabaho sa gabi ang inaayawan ni hapon, bakit hindi nlng mag kaisha c babae para wla silang problema mag asawa. kelangan talagang mag sakripisyo kung gusto mong mag work ang marriage. may visa naman sya kya pwde sya sa factory..gnun din kasi hiningi sakin ng asawa ko noon. after daw ng kasal namin, ayaw nya magwork ako sa gabi or omise...hindi p nga kmi nagpakasal, huminto na ako sa pag aarubaito sa omise at nag concentrate nlng sa kaisha. mula nun, parati overtime ko sa factory tapus nabigyan p ako ng break dun na mas malaki sahod ko sa factory kesa sa nung full time ako sa omise...un nga lang, mahaba oras at hindi glamorous sa kaisha...basta willing ang isang tao na i-work out ang marriage talagang kelangang mag adjust and mag sakripisyo. ung tungkol naman sa pagseselos ni hapon sa uncle nya, e i-suggest nlng na humiwalay na sila ng tirahan o bumukod.

rochan4u
08-09-2007, 10:07 AM
hello po...

nakapagtataka namang mag asawa n nga sila eh nakapisan pa sila sa uncle ng hapon. bakit ganun tpus magseselos kamo c hapon sa uncle nya?

anyway, sa pagkakaalam ko hanggat ayaw ni babae makipag divorce, hindi sya ma didivorce unless may sapat na dahilan ung hapon like nanlalake c babae at may ebidensya syang mapakita. kung yong pagtatrabaho sa gabi ang inaayawan ni hapon, bakit hindi nlng mag kaisha c babae para wla silang problema mag asawa. kelangan talagang mag sakripisyo kung gusto mong mag work ang marriage. may visa naman sya kya pwde sya sa factory..gnun din kasi hiningi sakin ng asawa ko noon. after daw ng kasal namin, ayaw nya magwork ako sa gabi or omise...hindi p nga kmi nagpakasal, huminto na ako sa pag aarubaito sa omise at nag concentrate nlng sa kaisha. mula nun, parati overtime ko sa factory tapus nabigyan p ako ng break dun na mas malaki sahod ko sa factory kesa sa nung full time ako sa omise...un nga lang, mahaba oras at hindi glamorous sa kaisha...basta willing ang isang tao na i-work out ang marriage talagang kelangang mag adjust and mag sakripisyo. ung tungkol naman sa pagseselos ni hapon sa uncle nya, e i-suggest nlng na humiwalay na sila ng tirahan o bumukod.

kasi dalawa lang nakatira dun sa bahay nung uncle ng asawa nya.. ...kaya dun sila pinatira atsaka mukang hindi pa kaya ng asawa nya ang magsolo sila e...1 week nga syang nde pumasok sa gabi.. at nagbabalak sya maghanap ng work sa araw... ang kaso wala din syang kuruma..at eto nagpirma daw sya ng divorce paper nila ...pero dahil sa advice ng isa pang friend nya pinunit nya daw yun papel..parang gusto na nya umalis dun sa bahay kasi sumetai daw yun asawa nya..pero wala naman syang pupuntahan

katty0531
08-09-2007, 10:18 AM
Ang hirap nyan, mag handa nalang kamo sya, oo pwede mag file sa city na ayaw nya pa divorce muna pero temporary lang yon, hangga't di na aayos ang asawa nya, walang ma gagawa ma didivorce talaga sya nyan, buti sana kung nasa bahay lang sya wala syang ginagawa tapos biglaang divorce yon malaki laban nya, eh nag tatrabaho pa kamo sya sa gabi,, mukhang mahirap, atsaka pag asawa na aayaw...una nyang gawin, ayusin nya asawa nya para di sya i divorce.

cutie1403
08-09-2007, 10:20 AM
k lng yon!:) lahat naman tau nagkakamali.

anyway,di naman cya puede irekkon ng asawa nya kung di cya pipirma sa rekkon todoke.wag nga lng dadayain ang pirma nya ng asawa nya.

alam nyo pag talagang di na cya mahal ng asawa talagang madami ng idadahilan yon.bka may babae na asawa nya at cya lng ginagawan ng butas para marekkon cya.mababaw kc dahilan ng asawa nya.:mad:

punta na lng cya sa city hall at humingi nga sya ng papel na di cya puede irekkon kung di cya kasama.

a_kiss
08-09-2007, 11:40 AM
makikisingit lang mga ladies.............. ..diba yun pag tatrabaho sa gabi ng mga wives bawal ? correct me if im wrong

pwede yun gawin ground ng mister nya para ma divorce sila......yun eh kung kaya naman syang buhayin..........kas o ano kamo? maliit lang sweldo at nakikitira pa? at madalas lumiban sa trabaho :eek:

marunong pang mag selos sa Uncle nya ? napaka walang utang na loob na pamangkin...tsek stek.....anong klaseng lalake ba yan :confused:
anong klaseng buhay nag hihintay sa kanya doon?

Nichibun
08-09-2007, 11:51 AM
O heto ha, magpapakasalbahe lang ako...
Tuluyan na kaya yung relasyon niya dun sa uncle,
then palayasin yung asawang seloso na di naman pala kayang bumukod nag-aakusa pa!
(O baka naman may basehan siya!?):p

Anyway, kapag nag-asawa na ang Pinay hanggat maaari tumigil na sa trabahong panggabi.
Pwede naman sa factory.
kahit walang masama sa omise, iba pa rin ang dating sa society ng Hapon.
Masakit pero yan ang totoo.

ritzyu
08-09-2007, 12:39 PM
Sala sa lamig, sala sa init...pag-bisi ang lalaki sa work me reklamo si misis..di siya
pinagwo-work, tsumetai si mister..paano "binbou hima nashi" daw madalas sabihin..
karoushi na nga ang ibang mister di pa rin maintindihan ni misis...away pa rin.

Ngayon dito naman ang problema, walang abilidad si mister magpamilya, baka hindi
stable ang trabaho kung ano-ano iniisip....si misis sa gabi nagtatrabaho..alam ni
mister kahit tapat sa kanya si misis..syempre kung yung aite ang pursigido at mapera......magandas i misis tiyak maraming lalapit na manok..biro mo naman ang
palay ay nasa loob na ng poultry.........sira na lang utak ni mister pag naging
mahinahon....o baka si uncle niya nagpupunta ng omise di kaya...jok lang:p
Pag-insecured ang lalaki seloso talaga yan..nagalaro palagi isipan niyan..paano
walang magawa:Dsayang ano kung maganda lang trabaho ni mister..wala na
sanang problema tas si misis sa kaisha na lang:) mabait nga asawa.. kasi gusto
na niyang ibigay sa kaibigan mo ang hilig nito...pagod na siguro si mister sa kaiisip..

rochan4u
09-03-2007, 12:46 PM
@ritzyu nice comments..thanks

sorry po sa late comments....

another problem po eh..pinayagan na sya magwork sa gabi..pero mag apartment nalang daw sya..at ayun si friend ko nag apartment nga at nagwork...means ayaw na ba talaga ng asawa nya sa kanya..hay problema :(

tom727
09-05-2007, 12:21 PM
Mahirap yung ganyan, kung parehong nagpapakiramdaman at di sugurado sa feelings o concern ng isa't isa.

Mas mabuti siguro kung kausapin na ng kaibigan mo yung asawa niya to clarify everything, at least mapag-usapan yung concerns and clarify with both sides yung expectations, and then mag-decide sila together kung kaya nilang mag-adjust pareho to stay together or mas mabuti pang tuluyan nang hiwalay.

==================== ====

Sa paningin ko, wala nang mas maganda at mas malambing kesa sa isang tunay na Filipina.

mystery_jp
09-05-2007, 12:38 PM
actually kasalanan rin ng friend mo kung bakit sya ididivorced ng husband nya(,no offend.)
kaya nga nag-asawa sila is to take care of there husband and her own family.
di mo rin masisisi ang hapon kung makipag divorced sa kanila.i mean,gusto kasi ng mga hapon na lagi sa tabi nila yung asawa lalo na sa gabi.
kaya kahit ayaw man ng friend mo wala syang magagawa..

rochan4u
10-24-2007, 04:43 PM
dugtungan ko lang..nagfile na yun friend ko sa yakuba nag papers para hindi sya madivorce ng asawa nya..at nag apartment muna sya para magkaroon ng space sa kanilang damdamin sa isat isa..sa nakikita ko now ok na yun friend ko..

thanks sa mga suggestion and advices sa mga katf ..sa thread na ito.

to the moderators pwede po pa ki "close " na itong thread..salamat po