View Full Version : kasal sa phil. and kasal dito sa japan?
maria_71jp
08-11-2007, 05:30 PM
dear kaTF,
curious lang po ako sa mga pinoy na me asawa sa pinas tapos po dito sa japan me asawa rin so ang masasabi ko is di kaya siya isang muslim?kung sino man dito sa inyo ang me experience na ganito maski kakilala niyo lang pakibahagi naman ng mga karanasan ninyo?maraming salamat sa mga sasagot....
maria
shakey
08-12-2007, 02:03 PM
dear kaTF,
curious lang po ako sa mga pinoy na me asawa sa pinas tapos po dito sa japan me asawa rin so ang masasabi ko is di kaya siya isang muslim?kung sino man dito sa inyo ang me experience na ganito maski kakilala niyo lang pakibahagi naman ng mga karanasan ninyo?maraming salamat sa mga sasagot....
maria
elo maria,marami ang may case na ganyan dito sa japan,marami din akong kaibigan o kakilala na ganyan ang mga ginawa.ung pumasok dito sila sa japan tourist lang pero pag dating dito nakakahanap sila ng mapapangasawa...ung iba naman nag bibilog muna bago mag asawa ng hapon para lang sa visa..di mo naman sila masisisi kung ganun ang nagawa nila sa hirap ng buhay sa pinas diba?meron naman na nag pakasal lang dahil sa visa..meron ding tinotoo na.kaya kung anu ang nag tulak sa kanila para gawin iyon nasa kanila na ang dahilan nun..pero karamihan sa dahilan nila kahirapan ng buhay sa pinas.:)
shirooto
08-12-2007, 11:17 PM
Meron ngang kasal sa Pinas tapos, pagdating dito, nagpakasal naman sa Japanese para magka Visa. Patuloy pa rin ito kaya nga lumaki nang kaunti ang kinikita ng mga fixers sa NSO at saka sa Recto (na gumagawa ng CENOMAR; note: pinaalis na nga pala yung mga taga Recto).
Yung iba, hanggang ngayon, hindi pa rin nadidiskubre yung magic na ginawa nila para makasal. Pero palagay ko, malapit nang madiskubre. Kasi, naglilinis na ng records sa Pinas ang NSO kaya nakikita na nila yung mga double or multiple marriages. Kaya doon sa mga naikasal na dito at nagreport ng kasal nila sa Embassy or Consulate, malamang hindi na ninyo makukuha yung pangalawa ninyong marriage certificate dahil bistado na.
Ang Japanese immigration, meron na ring mga nahuhuli. Isang style nila, isinasabay nila sa pagpapa renew ng visa noong Filipino spouse ang pagpapakuha ng Authenticated Marriage Certificate from Manila.
Kaya ang technique na ginagawa nung iba, magpapakasal sila sa ibang pangalan. Yun nga lang, halos maliit ang chance na maituwid na yung record later. Kung gagamitin na kasi nung Pinoy yung tunay nyang pangalan para ituwid ang kanyang record, lalabas na kasal na sya sa Pinas nung ikasal sya dito sa Japan.
Meron akong 2 kilala na malungkot ang kinalabasan. Parehong mabait ang naging mga asawa nila. Kaya lang, yung isa, bina blackmail naman nung step sister nya. Ibubunyag daw sa immigration na hindi totoo ang record nya kung ihihinto nya ang pagbibigay ng sustento.
Yung isa naman, kinasuhan ng asawa sa Pinas (kasi itinigil na nya ang pagpapadala ng pera). Tapos, yung asawa (na ABS--Alak, Babae, Sugal) nya, nagpadala pa ng sulat doon sa city hall kung saan naka rehsitro yung kasal nung asawa nya.
tadashi
08-27-2007, 07:39 PM
prang ganito rin problem ng friend ko...ntatakot xa na bka pag nag enchou n xa ng visa nya saka siya mbuko
Aizeh
08-27-2007, 11:43 PM
Opo sang ayon po ako sa mga comments nyo,ayon po sa hubby ko lawyer po sya and our connection to immigration they said na lalo pa daw magiging mahigpit ang migmig ngayon dahil sa dumaraming bilang ng OS sa Japan,Actually di lang kasi Filipino maski ibang Gaijin hinihigpitan din nila ngayon.Kaya nga po may Organization po kami NPO ( Non Profit Organization ) Wellness Network 21! dahil sa may connection po kami sa immigration subukan nyo po pumunta sa office namin para samahan po namin kayo mai sodan ang problem nyo.Para mabigyan po kayo ng advice kung ano po dapat nyo pong gawin.Eto po contact no ko
Deanne Hayasaka
MP: 080 3081 3311
Email add: hayasakafyten@yahoo. com
Main add: 1-5 Nihonbashi-Koamicho Chuo-Ku Tokyo
Website: http://www.well21.net
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.