View Full Version : Degrading ba?~~~Pag uwi sa Pilipinas
sensei
08-21-2007, 10:55 AM
Napag usapan namin ng husband ko ang pag uwi namin ng baby sa Pilipinas, kaso pag naka 3 years old na yung bata. Ok na rin sa palagay ko, nakakatakot nga naman pag doon pa nagkasakit kung baby pa lang. Or kung isasakay agad sa eroplano at kung ano ano pang negative thoughts...shempre my first baby. Pero nandito pa rin yung feeling na gusto ko agad ipakita sa parents ko, sa family ko sa Pilipinas kung gaano kaganda ang anak ko (oyabaka:D )
Habang pinag uusapan namin...nabanggit niya na hindi ko pwedeng dalhin sa bahay ang bata. Kasi daw pag nagkaisip ito parang humiliation sa side ko bilang nanay. "Ay ganito pala ang Pilipinas, ang pinanggalingan ng nanay ko...." Hindi ako nakapagsalita...pina kinggan ko lang bawat buka ng bibig niya.
"Mag stay kayo sa hotel, papuntahin mo na lang lahat ng kamag anak mo sa hotel. Or ipag book mo rin yung mga parents at bawat family ng kapatid mo. Pero hindi ko hahayaan na makita ng bata yung bahay niyo."Ngyaon pa lang turuan mo ng English ang bata, ayoko ng tagalog" ...........hindi ko alam kung iiyak ako o tama ba yung sinabi niya.
Dinugtungan pa niya...
"Sa Boracay na lang kaya kayo dumiretso...papuntah in mo na lang doon mga kamag anak mo. Nang sa ganoon magandang impression ang makikita ng bata pag uwi sa Pilipinas."
Honestly apat na taon na ako dito sa Japan hindi ako nagbalak bumili ng bahay sa Pilipinas. Kasi naipangako ko sa sarili ko dito lang ako sa Japan forever, nandito asawa ko dito rin lalaki ang baby ko. Si papa at mama lang ang nasa bahay...aparto, mga gamit antik na. Bakit nga naman hindi sila bumili ng gamit? Nagtataka lang ako kung saan nila dinadala ang perang pinadadala ng husband ko buwan buwan. Siguro ibinibigay lang sa mga kapatid ko:confused: ...sabi ko magpakasarap sila sa buhay yung masagana... Nabanggit narin ng asawa ko kunin sila mama sa pinas kasi hindi inaasikaso ng mga kapatid ko. Ayaw naman nila dito sa Japan...
Naisip ko tuloy ngayon bumili ng bahay...kahit wala naman akong balak na doon manirahan.
gomen umiyak baby ko...
Kaya pala nung umuwi kami last December sa hotel daw kami nag stay, ang katwiran niya ayaw niya makakita ng butiki bago matulog...
May bahay kami dati bago masubureta ang dental office, kung tutuusin mas malaki pa bahay namin sa Pilipinas kesa sa bahay niya dito na tinitirahan namin sa Japan. Gusto ko ipamukha sa kanya kung gaano kami kasagana noon...kaso siguro sa sobrang pagmamahal ko rin sa asawa ko hindi na lang ako umimik. Hindi ko alam kung anong dapat kong reaction sa sinabi niya. May point siguro siya...o nangiinsulto ba? Hindi ko alam...para walang away oo lang ako. Pero nangilid din ang luha sa mata ko...
Bakit nung umuwi kami sa Pilipinas hindi siya nagbanggit tungkol dito? Normal lang ang kilos niya, wala siyang ikinakahiya...
Anong gusto niyang itago ko sa anak ko? Gusto niya ichiban erai daw ang maging impression ng bata...ipagmamalaki pagdating sa youchen. Never kang ikakahiya, anong dapat ko ipamulat?...Nakakahi ya ba ang Pilipinas?
cutie1403
08-21-2007, 12:22 PM
masyado naman atang mataasang tingin ng asawa mo sa bansa nya para insultuhin ang pilipinas and worst minmong pinanggalingan o bahay mo pa.:mad: marami na akong kaibigan na inuuwi ang anak sa pinas.at ang mga asawa nila ay mga may kaya naman dito pero masaya naman sila sa pinas at ni minsan di nila ininsulto.kadalasan traffic at init lang reklamo nila pero ikahiya ang pilipinas?never pa!kung ganyan din pala ang tingin nya sa pilipinas,bkit pa sya nag-asawa ng pinay?kahit gaano kasi natin kamahal asawa natin,mahirap din na tanggapin na lang natin ng tanggapin sinasabi nila.matuto ka din ipagtanggol kung anong alam mong tama.ilang beses ko na din inuwi anak ko sa pilipinas at masaya naman siya.nasa sa iyo kung opkey lang ba sayo na itago sa anak mo pinanggalingan mo.pasensiya ka na kung may mali o nakakasakit sa mga sinabi ko.:)
proud me
08-21-2007, 12:41 PM
iba pala ang pananaw ni mister sa iyo...kung ganun kailangan pala itago mo yung pag-katao mo sa anak mo?:confused: ....sabagay kung saan ka masaya dun ka... :D
sensei
08-21-2007, 12:44 PM
Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kotoba sa kanya...nabigla tuloy ako.
Wala naman siyang ikinakahiya sa magulang ko or mga kapatid, mas gusto pa nga lang niya na dito na lang dalhin kesa kami ang umuwi sa Pilipinas...
Alam ko magkakaron ng masakit na impression kasi hindi naman lahat makaka absorb sa sinabi ng asawa ko. Kya nga hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kasi alam nio...
nahaluan na rin ako ng ugaling hapon.
Parang 50/50...pasensiya na rin sa makakabasa na hindi sang ayon.
Nagugulahan pa rin ako...kung magagalit ba ako late reaction na haha.
ritzyu
08-21-2007, 12:50 PM
First baby pa kasi, pero sa bata di kailangan itago ang pinanggalingan ng kanyang ina
o ama...gaano ba kadukha ang Pilipinas sa pagtingin ng asawa mo sensei.....one and
only yung anak namin...talagang daiji...pero pinatatakbo ko yan ng walang sapin sa
paa....sakay ng kalabaw lahat takbo sa linang sama ng mga pinsan...kita niya kung saan
nagmula ang ina niya....dukha man ang mga pinsan niya kagatan sila sa mais, noong
maliit pa siya salo siya sa plato nila...ngayon wala na akong kailangang ipaliwanag pa..
kuha na niyang lahat ang dapat kong sabihin...malapit na siyang pumasok ng kolehiyo..
nag-me-mail pa rin sila ng mga pininsan niya...mahal niya pinanggalingan ng ina niya:)
pero kanya-kanya tayo ng pagpapalaki sa mga bata...yung ina kung ano ang ikaa-ayos ng buhay ng anak niya bakit di gawin..walang masama po doon:)
sensei
08-21-2007, 12:55 PM
First baby pa kasi, pero kanya-kanya tayo ng pagpapalaki sa mga bata...yung ina kung ano ang ikaa-ayos ng buhay ng anak niya bakit di gawin..walang masama po doon:)
Nag uumpisa pa lang ako...hirap pala maging gaijin.
Ang paliwanag naman niya sa akin, hintayin maging otona. Kasi iba ang kalalakihan dito sa Japan...kung maliit pa lang tapos ganoon ang namulatan. Pwedeng maitatak sa puso ng bata ang ikahiya ang pagiging Pilipina ko. Merong mga batang nagtatanong kung bakit iba ang citizenship ng ina diba? Hindi naman ganun kahirap yung bahay namin, wala lang naglilinis kasi dalawa lang sila sa bahay at mahina na. Kaya gustong ipakuha mula sa pinas...
reply ako mamaya ha...gising ulit baby ko.
ritzyu
08-21-2007, 01:04 PM
Kaya nga po sabi ko magkokolehiyo na ang anak ko ..otona na siya..ni minsan di niya ako
ikinahiya.....nagaga lit pa siya oras na hindi ako nagpunta ng school nila..minsan
tinatamad na po ako kasi malayo yung kouritsu na school niya..pero talagang magagalit
pag di ako nagpunta...ewan ko parang masaya siyang naghihintay sa pagdating ko..
Ang ina ang magpapalaki sa anak hindi yung ama niya..syempre katuwang siya..pero
bakit baligtad po yata...wag naman po sana kayong magagalit...natanong ko lang po:)
Stress lang yan sensei..lahat dumaan diyan..makakaraos ka rin....happy trip na lang..
..ingat na lang po kayo ni baby .!
aj_4983
08-21-2007, 01:12 PM
Kung ako may baby at ganyan ang ikakatuwairan ng lablab ko regarding sa pag-uwi ko sa Pinas, NAG=AWAY NA KAMI...
At first nakapunta na pala sa Pinas asawa mo ng walang reklamo about your place tapos porket uuwi kayo ng baby mo sa Pinas kelangan sa hotel pa. Bakit di sa house niyo? Kahit na di pa yan presentable kung "TAO" naman yung nakatira wala kong nakikitang problema. Alam mong mali yung asawa mo bakit ka mananahimik. If you think na may problema siya sa bahay niyo bakit di mo ipaliwanag na nagkakamali siya. Di naman kayo uuwi para dalawin ang lugar o ang bahay mo kundi para dalawin ang pamilya mo.
Kung puro ka "OO" sa sinasabi niya sayo iisipin niya na ganon din ang palagay mo.
Kausapin mo siya at paliwanagan.
Ngayon kung sa tingin mo pagmumulan ng away e di huwag mo ng patulan.
Tutal di naman siya kasama sa pag-uwi niyo e di free kang gawin kung anong gusto mo.:D
"HAPPY TRIP! pag natuloy uwi niyo ng baby mo.:)
dianne
08-21-2007, 01:52 PM
hi sensei...:)
ikaw ang dapat dumiskarte kung paano hindi magiging mababa ang tingin sa pamilya mo at sa pilipinas ng asawa mo ~~~~ pag ganyan ang pag papalaking gagawin ng asawa mo sa anak mo at aayunan mo pa~~ wala pag laki ng anak mo isa pa rin yan sa mababa ang tingin sa pamilya mo at sa pilipinas ~~ :)
ikaw ang ina ~~ ikaw ang gagabay sa anak mo hanggang pag laki nya ...ang asawa mo nag ta~trabaho lang yan tiga abot ng pera.. 80% sayo~~20% lang sa kanya sa pag aalaga ng bata~~ sa pag sasama ng mag asawa kadalasan babae ang nag dadala ~~ mas maiigi kung madiskarte ka sa kanya at mauunawaan nya lahat ng gusto mong sabihin sa kanya ~~ lalo na ngayon na isa ka ng ina kailangan palakihin mo ang anak mo na may respeto at alam ang culture natin sa pilipinas lalo na sa pamilya mo... be strong ....
napaka babaw ng dahilan ng asawa mo para maliitin nya ang pamilya mo at ang pilipinas ~~ subukan mong mapatira sa pilipinas yan pag di nag paiwan na lang yan dun at ikaw na lang ang uuwi dito ~~ napaka sarap mabuhay sa aten masaya ang mga tao ...
kung me pambili ba sya ng exclussive house sa makati or condominium sa ROCKWELL eh de mas maganda para di na kayo mag ho~hotel at makita nya na mas masarap ang buhay sa aten maganda pa sorrounding nyo mga englisera at donya mga kapit bahay nyo ~~ oh~~ diva sosi ~~tutal sosyal naman ang asawa mo at ayaw ata makaamoy ng majontot at malangawan si baby ganon na lang gawin nya ang bumili ng MANSION sa pinas .. sana mapalaki mo ang anak mo na matuto rin pahalagahan ang sarili nating bansa di lang dito sa japan ....palakihin mong mabuting mamamayan parang si JOSE RIZAL at ANDRES BONIFACIO ::cool: ... at mabuting kristyano..
dahil pag di nangyari yun ikaw din ang mag su~suffer ....goodluck..;)
tfcfan
08-21-2007, 01:53 PM
Sensei baka namn si Daddy ang nagpopost natal syndrome?di kaya? :confused: Pero sana mailabas mo rin yung nasa saloob mo mahirap yan ,lalo na kapapanganak mo lang.Depende rin naman siguro sa pagpapalaki ng magulang kung later on eh ikahiya ng anak mo ang pagiging Pilipina mo or yung lugar na pinaggalingan mo.Gambate! baka pareho lang kayong may "PNS" ni mister,kaya medyo sensitive ka now or sya ang insentitive? ;)
cutie1403
08-21-2007, 01:55 PM
nakita ko kasi sa ibang thread mo kung paano mo ipaglaban pag alam mong tama ka.bkit ata pagdating sa asawa mo oo ka na lng ng oo kahit alam mong mali?o baka naman sangayon ka din sa sinasabi ng asawa mo na di nga maganda sa pilipinas?
cutie1403
08-21-2007, 02:00 PM
baka asawa mo pa nga ang mag-impluwensya sa anak mo na ikahiya ang pilipinas.kung maayos kasi tingin ng asawa mo sa pinas,ganoon din magiging tingin ng anak mo.pero baligtad nga kay siguradong kakalakihan ng bata yan.tsaka ikaw na mismo nagsabi na may ugaling hapon ka na din.di kaya dumating ang araw na itanggi mo na pilipina ka?
proud me
08-21-2007, 02:21 PM
sensei...tama ka naman nag-uumpisa ka palang kaya ka nag-iisip na kung ano ang makakabuti para sa inyo ng pamilya mo...
sa tagal ko narin dito ng konte sa iyo...marami narin akong mga ganyang narinig sa mga kababayan natin...kaya yung iba imbis na maisaayos yung problema...lumaki pa dahil nag-pilit i-upa ng magandang house o apartment pero nung pag-balik dito maloka-loka sa pag-iisip kung paano at saan nya kukunin yung pam-bayad sa upa at bill ng mga iniwan nyang problema sa pinas sa mga magulang at mga kapatid...kaya pati pamilya nya dito epektado sa mga ginawa niya...ngayon kung si Daddy mo naman ang maglalabas ng bukod na pera para pang-Hotel....Why not?...Go sensei ....
pero ako sensei...yung anak ko unang uwi sa isang kama siksikan kami ng mga kuya niya...
tanghali nasa labas sila o dun kami sa tabing dagat at koprahan ng lolo nila...
kaya nung umuwi rin kami etong malaki na siya...sa kawayang sofa ng lola nya nakatulog ng tanghali...wala naman akong narinig sa kanya ganun din kay bosing at nanay ni bosing ko...
infinite_trial
08-21-2007, 02:24 PM
Ang paliwanag naman niya sa akin, hintayin maging otona. Kasi iba ang kalalakihan dito sa Japan...kung maliit pa lang tapos ganoon ang namulatan. Pwedeng maitatak sa puso ng bata ang ikahiya ang pagiging Pilipina ko.
sa tingin ko mas komplikado pag nalaman ng bata sa paglaki nya ang tunay na pinanggalingan ng nanay nya at ang lahat ng nakagisnan nya ay puro pagpapanggap lang pala. mas ikakahiya kayo ng anak nyo pag tinago ang totoo sa kanya at sa ibang tao pa malaman. kung ang iniintindi ng asawa mo ay ang pinas, e wala tayong magagawa dyan...kasi kahit anong kumpara natin sa pinas ang japan, wala talaga tayong sinabi. you can't compare apples to oranges.
i think ang issue dito ay hindi ang pagpapalaki sa anak nyo, kung hindi ang pagtanggap ng asawa mo sa iyong pamilya o kinalakihan.
Parang hindi ata maganda ang tabas ng dila ni habibi huh. In the first place kung mababa at hindi maganda ang tingin nya sa pilipinas at kinakahiya nya,bakit ikaw ang pinili nya maging asawa,alam no offensement,pero kung skin siguro yan eh nasampal ko yang asawa mo habang nagsasalita ng kung ano2.Hindi mo dapat ikahiya ang pinanggalingan mo nor try to hide from your child,dahil kung ikaw mismo di mo kayang lumingon sa pinanggalingan mo walang rerespeto sayo,pano kung hindi lumaking makitid ang utak ng anak mo,di gaya ng asawa mo (sori ha,nake carried away tlga ko),at itago mo ang pinanggalingan mo,sa tingin mo matutuwa ang anak mo? Saka yung asawa mo,e kung mukhang rich kid naman pala siya at panay ang pintas sa bahay nyo, TAMA! bakit hindi nya ibili ng magandang bahay ang parents mo,magagamit nyo din kung bibisita kayo sa pinas,no need to stay in a hotel.Saka dapat hindi ka nman OO lang ng OO,ipagtanggol mo naman ang pinanggalingan mo.payag ka ba sa mga pang insulto ginagawa ng asawa mo,na kapag nalaman may lahing pinoy e hindi erai ang magiging tingin na japan lang o japanese lang ang may karapatan matawag na erai.Good luck!
LORIE
08-21-2007, 02:49 PM
aba hindi ka nya pala luv (ng Asawa mo) at tanggap ng buong buo kung e degrade nya ang bansang pinas kung saan ka nanggaling., kung ganyan rin pala pati sa anak mo ipagkaila nya kung anong meron ka at kung ano ka at saan ka nanggaling iba na ata yan day. Sorry kung matatalim at masakit mga salita ko, ipaglaban mo nmn ang side mo wag hayaang e degrade ang pinaggalingan mo.
alam mo sa pag kaka alam ko lahat ng bata na ipinanganak sa ibang bansa pag naka uwi ng pinas ehh gusto na lng doon mamalagi kasi yong twin ko gusto ata doon na tumira ayaw ng bumlik dito kahit 3 yrs old pa sila alam nila ang bansang PINAS .
Good luck nlng sa mga susunod na plano mo kung anot ano man yon sana hindi ka mag su~suffer in the future
Muli pasinsya sa openyon ko
ritzyu
08-21-2007, 03:15 PM
Siguro me mga Hapon na ganyang ugali...pero 2 dekada na ako rito..ngayon lang ako
nakarinig ng ganitong problema...nalungkot kamo ako...bakit kaya nag-asawa pa siya
ng pinay...shoganai dahil sa walang makagusto sa kanyang Haponesa....(sorry po sa
words na nagamit ko)...kung tutuusin sa ganyang ugali ni mister..never na mag-asawa
ng pinay yan....daming Haponesa na hindi na siya mamomoroblema sa discrimination...
me edad na ba si mister sensei....kasi yung mga reasoning niya hindi futsu:).sensya na
po kayo...pwede naman po di sagutin:)
Ang bata di ba dapat hutukin habang bata pa..parang kawayan na pag malaki na di
na susunod sa gusto mong kiling.....kahit sa Hapon me kasabihan niyan....baka pagod
lang si mister ng sinabi niya yan.....mainit po kasi ang panahon....konti pong palamig!!!
Ang mahirap pa po niyan..baka mamili pa ng magiging kaibigan ng bata si mister....
wolfgang
08-21-2007, 03:27 PM
sa akin....bakit ko ikahihiya ang pinanggalingan ko....atsaka kung Mahal ako nang asawa ko dapat tatanggapin niya ako nang buong buo at pati na ang pinagmulan ko......
sa experience ko ....2 beses ko nang inuwi sa Pinas ang anak ko....at gustong gusto niya doon...dahil marami siyang kalaro at marami siyang bagay na nagagawa doon na hindi puwede dito....at noong nakita nang anak ko at naranasan niya ang buhay sa Pinas.....siya pa mismo ang nagtatanggol sa akin at sa pamilya ko kapag medyo may di magandang sinasabi ang biyenan ko about sa Pilipinas....at sa edad niyang 5 years old....taas noo niyang sinasabi na watashi no mama Filipinjin desu !!! yun nga lang may karugtong dakara urusai...hehehehe:D
Kahit ang asawa ko na first time lang nakapunta sa Pinas.. wala akong narinig sa kanya na reklamo or panlalait.....una maayos naman ang bahay namin....pangalawa di naman namin siya ginutom noong nandoon siya....pinakisamaha n naman siya ng mabuti ng mga kamag-anak ko feeling V.I P. pa nga siya ehhh...kaya sa pinakita sa kanya ng mga pamilya ko...wala siyang puwedeng ipuna or maliitin niya ang pamilya ko...:)
ang masasabi ko po na dapat lang ipamulat mo sa anak mo na ikaw ay Pilipina at di mo yun dapat itago at ikahiya.......
serenityjil
08-21-2007, 03:35 PM
sensei wala lang po gusto ko lang sana sabihin na mas maganda siguro na ipamulat at ipaintindi mo na sa anak mo kung ano at saan ang pinanggalingan ng nanay nya... kahit bata naman marunong na yan umintindi kasi kung aayunan mo asawa mo parang tinuruan mo na rin ang anak mo na ikahiya ang isang side ng pinanggalingan nya, karapatan din naman ng anak mo yon kahit sabihin mo pang baby pa yon still rights pa rin nya yun...
kung ako kasi makakarinig nyan masasaktan talaga ako...
para kasing sinabi na rin hindi buo yung pagtanggap sa aking ng asawa ko...
kahit pa may magandang dahilan pa (kung yun ang nasa isip ng asawa mo)
still hindi yun sapat para sabihan ako ng ganon...
AT MAGANDA NAMAN ANG PILIPINAS... :thumb: :thumb: :thumb:
THE BEST DIN ANG KULTURA AT PAG-UUGASLI NG MGA PILIPINO... :king: :king: :king:
SORRY PO SENSEI KUNG HINDI MAGANDA YUNG REPLY KO... :bowdown: :bowdown: :bowdown:
lahat po ng nasabi ko ay aking saloobin lamang..
HAPPY TRIP NA LANG PO SENSEI... :wave: :wave:
sensei
08-21-2007, 03:54 PM
From the top ako magreply ha...habol ko oras.
kung ako kasi makakarinig nyan masasaktan talaga ako...
para kasing sinabi na rin hindi buo yung pagtanggap sa aking ng asawa ko...
kahit pa may magandang dahilan pa (kung yun ang nasa isip ng asawa mo)
still hindi yun sapat para sabihan ako ng ganon...
@serenityjill - nasaktan siguro ako...kaya ako nagpost dito sa Timog. KAso hindi ko alam kung sino nga ba ang tama haha. Bakit nga biglang ganun?
ang masasabi ko po na dapat lang ipamulat mo sa anak mo na ikaw ay Pilipina at di mo yun dapat itago at ikahiya.......
@wolfgang - hindi rin po ako nahihiyang pilipina ako. Wala rin po akong balak itago ang dugong pilipina eh sa mukha at kutis pa lang eh dumadaloy na hehe.
never na mag-asawa
ng pinay yan....daming Haponesa na hindi na siya mamomoroblema sa discrimination...
me edad na ba si mister sensei....kasi yung mga reasoning niya hindi futsu
@ritzyu pangatlong asawa na ako haha, first is japanese, second ang pinay na may 2 anak na inampon niya...pangatlo ako (chismaks yan ha). Ngayon lang nangyari ito promise, ang kitid ng utak niya ngayon ayoko lang patulan kasi masyado na siyang over protective. So paano natin masasabing ayaw niya sa Pilipina?haaay...
aba hindi ka nya pala luv (ng Asawa mo) at tanggap ng buong buo kung e degrade nya ang bansang pinas kung saan ka nanggaling., kung ganyan rin pala pati sa anak mo ipagkaila nya kung anong meron ka at kung ano ka at saan ka nanggaling iba na ata yan day. Sorry kung matatalim at masakit mga salita ko, ipaglaban mo nmn ang side mo wag hayaang e degrade ang pinaggalingan mo.
alam mo sa pag kaka alam ko lahat ng bata na ipinanganak sa ibang bansa pag naka uwi ng pinas ehh gusto na lng doon mamalagi kasi yong twin ko gusto ata doon na tumira ayaw ng bumlik dito kahit 3 yrs old pa sila alam nila ang bansang PINAS .
@LORIE -pagmamahal....siguro naman mahal ako ng asawa ko sure ako dyan. Ang problema eh yung bansang uuwian ko na hindi niya matanggap. Sana maranasan din ng anak ko mag enjoy sa pinas.
Saka yung asawa mo,e kung mukhang rich kid naman pala siya at panay ang pintas sa bahay nyo, TAMA! bakit hindi nya ibili ng magandang bahay ang parents mo,magagamit nyo din kung bibisita kayo sa pinas,no need to stay in a hotel.Saka dapat hindi ka nman OO lang ng OO,ipagtanggol mo naman ang pinanggalingan mo.payag ka ba sa mga pang insulto ginagawa ng asawa mo,na kapag nalaman may lahing pinoy e hindi erai ang magiging tingin na japan lang o japanese lang ang may karapatan matawag na erai.
@YAN Sinabihan akong bumili ng bahay sa pinas, itinatago ko yung pera kasi nga wala akong balak na dun tumira o doon palakihin ang bata. Kasi kung ibibili ko ng bahay, kung sumalangit ang mga magulang ko (tok tok), wala ng titira. Alangan bang patirahan ko sa mga walanghiyang mga kamaganak ko? Kaya itinago ko ang pera para sa future ng baby ko. Basta mamaya usap ulit kami...
mata atode
sensei
08-21-2007, 04:22 PM
sa tingin ko mas komplikado pag nalaman ng bata sa paglaki nya ang tunay na pinanggalingan ng nanay nya at ang lahat ng nakagisnan nya ay puro pagpapanggap lang pala. mas ikakahiya kayo ng anak nyo pag tinago ang totoo sa kanya at sa ibang tao pa malaman. kung ang iniintindi ng asawa mo ay ang pinas, e wala tayong magagawa dyan...kasi kahit anong kumpara natin sa pinas ang japan, wala talaga tayong sinabi. you can't compare apples to oranges.
i think ang issue dito ay hindi ang pagpapalaki sa anak nyo, kung hindi ang pagtanggap ng asawa mo sa iyong pamilya o kinalakihan.
@infinite trial - magiging komplikado sa tingin ko, tanggap niya ang pamilya ko pero hindi niya matanggap ang Pilipinas. Kahit mga magulang ko gusto niya dito na lang patirahin sa Japan para hindi na raw kami umuwi sa pinas. HIndi ko alam kung bakit dumating sa ganitong issue eh siya pa nga ang nagmamalaki sa ibang tao na pilipina asawa niya. Hindi ikinahiya ng asawa ko ang pagiging Pilipina ko pero as much as possible ayaw niyang ipakita ang pangit na image ng Pilipinas sa bata.
sensei...tama ka naman nag-uumpisa ka palang kaya ka nag-iisip na kung ano ang makakabuti para sa inyo ng pamilya mo...
sa tagal ko narin dito ng konte sa iyo...marami narin akong mga ganyang narinig sa mga kababayan natin...kaya yung iba imbis na maisaayos yung problema...lumaki pa dahil nag-pilit i-upa ng magandang house o apartment pero nung pag-balik dito maloka-loka sa pag-iisip kung paano at saan nya kukunin yung pam-bayad sa upa at bill ng mga iniwan nyang problema sa pinas sa mga magulang at mga kapatid...kaya pati pamilya nya dito epektado sa mga ginawa niya...
@proud me - kaya nga iniisa isa ko yung post ng kapwa ko pilipino para maliwanaga din yung isip ko. Nabrainwashed na ako ng asawa ko haha. Nung huling uwi namin last December pag bungad sa airport iisa nasa isip namin.
"Bakit kaya ganito ka crowded eh susundo lang ng mga parating na kamag anak?" Ganun ang sistema sa pinas na halos pati mga kapitbahay eh kasama sa pagsundo. Sandali OT na...in short nahawahan ba ako ng ugaling hapon? Ang sa akin kasi sayang ang ibibili ng bahay. Ang concern ko lang ngayon is my parents pero sa kapatid eh kanya kanya, isa pa siguro ito sa ugaling kapareho sa asawa ko.
nakita ko kasi sa ibang thread mo kung paano mo ipaglaban pag alam mong tama ka.bkit ata pagdating sa asawa mo oo ka na lng ng oo kahit alam mong mali?o baka naman sangayon ka din sa sinasabi ng asawa mo na di nga maganda sa pilipinas?
baka asawa mo pa nga ang mag-impluwensya sa anak mo na ikahiya ang pilipinas.kung maayos kasi tingin ng asawa mo sa pinas,ganoon din magiging tingin ng anak mo.pero baligtad nga kay siguradong kakalakihan ng bata yan.tsaka ikaw na mismo nagsabi na may ugaling hapon ka na din.di kaya dumating ang araw na itanggi mo na pilipina ka?
@cutie1403 - hindi ako makapagcomment, siguro nga totoo. Kaya ko naipost yung sinabi ng asawa ko, para mabasa ko lahat ng reaction ninyo...para makumbinsi akong mali ang asawa ko. KAsi ugaling hapon na ako kaya hindi ko alam...hindi ko maitatanggi ang pagkapilipina pero mag aapply ako ng nihon kokuseki for sure. Basta mag gaganbate na lang ako sa pagpapalaki ng maayos kay baby.
SAlamat po sa mga advice...mata atode.
ICHIBAN08
08-21-2007, 04:25 PM
Meroon akong kakilala hapon grabe kung manlait sa pinas...asawa niya pilipina, kumakain pa siya ng filipino foods at pinagmamalaking mayaman ang asawa niyang pilipina sa pilipinas....pero kung magkwento sa mga kaibigan din niyang hapon e sa pilipinas daw nakakatakot, maraming manloloko, maraming magnanakaw, maraming mamamatay tao at mabaho....
Kaya sensei san, kausapin mo na lang asawa mo ng maayos...itindig mo karapatan mo bilang pilipina....at ipamulat mo sa anak mo na maganda ang pilipinas....kahit sa picture pinpakita ko na sa anak ko na ito ang ating bansa ang pilipinas...sinasabi kong pinagmamalaki ko ang pagiging pilipina ko....magsi-6mons pala siya kinakausap ko na tungkol sa pinanggalingan ko...kahit hindi ako sure kung naiintindihan na niya e kinakausap ko pa rin at itinuturo sa kanya ang buhay ko....alam ko na habang lumalaki siya e magiging proud siya na siya rin e isang pilipino....:)
sensei
08-21-2007, 04:47 PM
Sensei baka namn si Daddy ang nagpopost natal syndrome?di kaya? Pero sana mailabas mo rin yung nasa saloob mo mahirap yan ,lalo na kapapanganak mo lang.Depende rin naman siguro sa pagpapalaki ng magulang kung later on eh ikahiya ng anak mo ang pagiging Pilipina mo or yung lugar na pinaggalingan mo.Gambate! baka pareho lang kayong may "PNS" ni mister,kaya medyo sensitive ka now or sya ang insentitive?
@tfcfan - siguro nga ang init kasi eh...tagal na anming walang -----alam mo na pag bago panganak haha. Pero sa totoo lang parang nagtatampo ako ngayon, hindi ako mapakali hanggan hindi namin ulit mapag usapan ang pag uwi sa pinas.
kung me pambili ba sya ng exclussive house sa makati or condominium sa ROCKWELL eh de mas maganda para di na kayo mag ho~hotel at makita nya na mas masarap ang buhay sa aten maganda pa sorrounding nyo mga englisera at donya mga kapit bahay nyo ~~ oh~~ diva sosi ~~tutal sosyal naman ang asawa mo at ayaw ata makaamoy ng majontot at malangawan si baby ganon na lang gawin nya ang bumili ng MANSION sa pinas ..
@dianne
parang ganito ang kaartehan ng asawa ko. hindi man lang makapatay ng ipis, siya pa ang unang tatakbo~bwiset hehe. Ayw madapuan ng lamok...ayaw ng butiki, kahit kumo eh duwag. Bawal daw kami kumain ng pagkain pinoy pag uwi sa pinas, kaya daw hotel dapat. Kasalanan ko rin kasi ipinapakita ko yung mga you tube videos tulad nun chicharon. Eh nagpapabili pa ako sa kanya ng chicharon dati eh niluluto lang pala yon sa itim na mantika. Kahit yung mineral akala daw niya safe inumin...Huwag ko rin daw panoorin ng tv sa pinas kasi ang mga balita may pinatay na hapon...hindi ko rin siya masisi.
At first nakapunta na pala sa Pinas asawa mo ng walang reklamo about your place tapos porket uuwi kayo ng baby mo sa Pinas kelangan sa hotel pa. Bakit di sa house niyo? Kahit na di pa yan presentable kung "TAO" naman yung nakatira wala kong nakikitang problema. Alam mong mali yung asawa mo bakit ka mananahimik. If you think na may problema siya sa bahay niyo bakit di mo ipaliwanag na nagkakamali siya. Di naman kayo uuwi para dalawin ang lugar o ang bahay mo kundi para dalawin ang pamilya mo.
Kung puro ka "OO" sa sinasabi niya sayo iisipin niya na ganon din ang palagay mo.
Kausapin mo siya at paliwanagan.
Ngayon kung sa tingin mo pagmumulan ng away e di huwag mo ng patulan.
Tutal di naman siya kasama sa pag-uwi niyo e di free kang gawin kung anong gusto mo.
@aj4983 Kaming dalawa nga lang ni baby kaya siguro sobrang shimpai. Ako kasi nung umuwi kung anu ano kinakain eh baka daw ipakain ko sa bata sumakit ang tyan. Siguro nga dapat ako magpaliwanag ng side ko. Biruin nio lahat ng post dito eh para ipaglaban ko Pilipinas haha....talo ako. Akala ko kasi pababayaan ko na lang kasi "may tama siya"
Ang ina ang magpapalaki sa anak hindi yung ama niya..syempre katuwang siya..pero
bakit baligtad po yata...wag naman po sana kayong magagalit...natanong ko lang po
Stress lang yan sensei..lahat dumaan diyan..makakaraos ka rin....happy trip na lang..
..ingat na lang po kayo ni baby .!
@ritzyu Open minded akong tao, bakit naman ako magagalit eh gusto ko makita reaction niyo lahat. Stress nga siguro...alas 3am palang gising na ako eh naglilinis para pag dating sa umaga kasabay sa tulog ni baby...haay buhay nga naman
...umiikot talaga ang mundo
masyado naman atang mataasang tingin ng asawa mo sa bansa nya para insultuhin ang pilipinas and worst minmong pinanggalingan o bahay mo pa. marami na akong kaibigan na inuuwi ang anak sa pinas.at ang mga asawa nila ay mga may kaya naman dito pero masaya naman sila sa pinas at ni minsan di nila ininsulto.kadalasan traffic at init lang reklamo nila pero ikahiya ang pilipinas?never pa!kung ganyan din pala ang tingin nya sa pilipinas,bkit pa sya nag-asawa ng pinay?
@cutie1403 - insulto nga...ngayon ko lang napagtanto haha lalim ng tagalog ko, dinaan ko lang sa tawa ngayon, kasi bakit nga ba siya nag asawa ng pinay? tanong ko sa kanya mamaya...bakit pa siya sumasama pag uwi sa pilipinas? bakit nakalimang uwi pa siya sa pilipinas kung ayaw niya doon?
serenityjil
08-21-2007, 04:48 PM
sensei good luck na lang po sa magiging desisyon nyo about sa problem nyo...
nawa'y maging maganda ang kalalabasan ng iyong magiging desisyon...
GOD BLESS PO... :)
summergirl
08-21-2007, 04:49 PM
Maraming magandang lugar sa pilipinas.Sorry to say this..Asawa ka nya dapat di sya nag-sasalita ng ganon dahil alam nyang masasaktan ka.Di ba may kasabihan.Dont say anything ,if you cant say nice..Marami rin naman maganda ang buhay sa atin huh..Sana sabihin mo sa kanya iyon,para alam nyang di maganda ang sinasabi nya.Pamilya ng asawa nya,kinakahiya nya..Ano kaya yun!sorry..
wolfgang
08-21-2007, 04:52 PM
- hindi ako makapagcomment, siguro nga totoo. Kaya ko naipost yung sinabi ng asawa ko, para mabasa ko lahat ng reaction ninyo...para makumbinsi akong mali ang asawa ko. KAsi ugaling hapon na ako kaya hindi ko alam...hindi ko maitatanggi ang pagkapilipina pero mag aapply ako ng nihon kokuseki for sure. Basta mag gaganbate na lang ako sa pagpapalaki ng maayos kay baby.
SAlamat po sa mga advice...mata atode.
ma walang galang na po sensei.....puwede po bang paki explain ang ibig niyong sabihin sa Ugaling Hapon na kayo???? kaya hindi niyo na alam ang alin????siguro maraming magandang ugaling hapon na puwede natin i adopt pero yun di magandang ugali Hapon puwede na natin yun wag isama sa pag adopt di po ba????
marami akong kaikala na halos dito na nag sipag tanda at nilumot na sa bansang hapon....pero ngayon lang yata ako nakarinig na sabihin ng isang Pilipina na isa na akong Ugaling hapon kaya kaya kahit laitin at pintasan ang Pilipinas....tatahim i k na lang at aayon ako kasi Ugaling hapon ako ehhh?????:confused:
pasensiya na po sensei..... kung medyo di maganda ang naisulat ko...pero para kasing sa sinulat niyo...ehhh kahit kayo di niyo kayang Ipagtanggol yun Pinagmulan niyo...
peace po:)
sensei
08-21-2007, 05:10 PM

huy para akong sinampal...hindi ako galit ha. totoo kasi yung sinabi mo eh. Siguro ganyan ang nangyari sa akin... first time mo makarinig na hayaan malait ang Pilipinas. Honestly, oo opo salbahe ako...wala akong pakialam pag dating sa usapan tungkol sa Pilipinas kasi ang gulo sa atin eh...hindi ko maipagmalaki. Wala akong lakas ng loob kasi kinain ako ng kagandahan ng sistema ng Japan. Pero as in PERO hindi ko ikinakailang Pilipina ako. hindi ko talaga kayang ipagtanggol...sampal in niyo pa ako. Lulumutin talaga ako nito... pasensiya na wolfgang ganito ang naging bunga ng pagja-japan ko. Pero sa usapang pagpapalaki sa anak, I'll do it in my own way bilang ina...yung tama lang.
Mamaya po ulit sa ibang posters....timing lang nagluluto ako eh.
proud me
08-21-2007, 05:20 PM
Sensei...naninibago ako sa iyo...sa mga dati mong post at Thread mo dito sa TF...Gambatte sensei...hindi masama yung maging ugaling hapon kana rin...pero hindi dapat maging dahilan yun para itago kung ano yung nanduon...pwede naman harapin ang katotohanan ng wala dapat itanim na ikahiya sa kanila...tulad din nila pwede rin natin isagot kung ano yung sagot nila pag-meron napupuna sa bansa at lahi nila...ang mahalaga yung pag-tanggap sa sarili sa katotohanan...mahira p mabuhay sa ilusyon lang alam kong alam mo rin yan...
ritzyu
08-21-2007, 05:53 PM

Hindi ko akalain na makikita ko mag-post si sensei ng ganito....23 taon na po ako rito..
21 taon na kaming kasal ni lowlo...nakakabasa na rin kahit paano ng kanji..nababasa
ko na rin ang mga hinaing nila..nararamdaman ko ang mga nararamdaman nila..pero
sasabihin ko sa iyo sensei na pilipinang pilipina ako sa puso at diwa..gaano napo ba
ang narating ng kaalaman po ninyo para pagbasehan mong Hapon na ang puso at
diwa mo.. dapat po bang ipost pa yang tema na yan sa totoo lang..di magandang ehemplo...:)
Si habibibi po ninyo naka-tatlong kasal...sa matrimonya lang at pagmamahal di pahuhuli
po siguro si habibi namin...pero pasaway pa rin ako..kung ano ang gusto ko, ako ang
siyang masusunod....di ako takot marikon...wala akong nerbiyos diyan..sa bahay namin
opinion darake ako..na kadalasan ako ang nasusunod.....pinagm amalaki ko na ang
reyna ng tahanang ito ay isang pilipina..:) nanka saliwat lahat ang nakikita ko...samishii
ne..mali po yata ang mga expectations ko...bumagsak po yatang lahat....
Pero buhay mo po yan...ikaw po ang masusunod...ganmbatt e kudasai!!!!!!!
serenityjil
08-21-2007, 06:08 PM
Sensei...naninibago ako sa iyo...sa mga dati mong post at Thread mo dito sa TF...Gambatte sensei...hindi masama yung maging ugaling hapon kana rin...pero hindi dapat maging dahilan yun para itago kung ano yung nanduon...pwede naman harapin ang katotohanan ng wala dapat itanim na ikahiya sa kanila...tulad din nila pwede rin natin isagot kung ano yung sagot nila pag-meron napupuna sa bansa at lahi nila...ang mahalaga yung pag-tanggap sa sarili sa katotohanan...mahira p mabuhay sa ilusyon lang alam kong alam mo rin yan...
sa tingin ko nga po tama :thumb: :thumb: :thumb: rin si proud me sensei...
kung nakikita mo laging magulo, madumi, puro squatter ang pilipinas... (na tama naman)
PERO sensei siguro kailangan mo rin imulat ang mga mata mo na kahit sa japan
may gulo ding nangyayari, may madumi din place, at meron ding slam area (squatter) sa japan na talagang nakakataot kung pupuntahan mo...
masasabi mong hindi ganon kalala kung ikukumpara sa pilipinas ang lagay ng japan pero the point is HINDI RIN PERFECT NA BANSA ang JAPAN
sorry po ulit sensei... sensya na po talaga... hirap kasi pigilin yung nasa isip ko at yung nararamdaman ko... :bowdown: :bowdown: :bowdown:
nikkichibi
08-21-2007, 06:16 PM
huy para akong sinampal...hindi ako galit ha. totoo kasi yung sinabi mo eh. Siguro ganyan ang nangyari sa akin... first time mo makarinig na hayaan malait ang Pilipinas. Honestly, oo opo salbahe ako...wala akong pakialam pag dating sa usapan tungkol sa Pilipinas kasi ang gulo sa atin eh...hindi ko maipagmalaki. Wala akong lakas ng loob kasi kinain ako ng kagandahan ng sistema ng Japan. Pero as in PERO hindi ko ikinakailang Pilipina ako. hindi ko talaga kayang ipagtanggol...sampal in niyo pa ako. Lulumutin talaga ako nito... pasensiya na wolfgang ganito ang naging bunga ng pagja-japan ko. Pero sa usapang pagpapalaki sa anak, I'll do it in my own way bilang ina...yung tama lang.
Mamaya po ulit sa ibang posters....timing lang nagluluto ako eh.
wow sensei ikaw nga ba yan :eek: nakakapanibago ka :D
para sa aking taas noo ko pa rin maipagmamalaki ang pinas , kahit na matagal na ko dito sa japan. magulo at pangit nga siguro sa pinas pero madami pa rin tayong maipagmamalaki na magagandang bagay sa pinas . saka lahat naman tayo na nakatira dito sa japan ay na a^adopt na yun magagandang ugali nila , yun nga lang hindi lahat . :D kaya kahit na siguro dito ako tumanda eh hinding hindi ikahihiya ang bansa natin .
tisay
08-21-2007, 06:57 PM
makikisali lang po....:rolleyes: sa pagkakatanda ko,,pareho tayong taga Las pinas sensei..:rolleyes:we ll,,marami namang Exclusive Subdivision sa Las pinas kahit san ka pumunta don puro halos Villages ang makikita mo...bihira ka lang makakakita ng squatter's area dun...:( nakakasakit naman yatang isipin kung ganyan kababa tingin ng asawa mo sa Pilipinas pero wala tayong magagawa dun,,nasa iyo na yan bilang asawa kung paano mo iko-correct ang paniniwala at pagtingin ng mababa ng hubby mo sa bayan natin,,about naman sa pagpapalaki ng bata nasa iyo pa rin yan kung paano mo palalakihin ang bata at ituro ang mabuti at di maganda.pero ang ikahiya sa anak mo ang bayan na kung saan ka nanggaling ay parang sampal naman yata sayo na rin bilang isang pilipina.pasensya na pero ngayon lang ako nakakita at nakarinig ng ganito sa dami ng kakilala kung tumanda na dito sa japan.:rolleyes: ...............bakit di ka nalang bumili ng bahay sa isang isang Exclusive Subdivision doon total mukhang sosyal naman si hubby,,can afford naman po yata kayo........suggesti ons lang naman:) ...........
maimai
08-21-2007, 06:58 PM
huy para akong sinampal...hindi ako galit ha. totoo kasi yung sinabi mo eh. Siguro ganyan ang nangyari sa akin... first time mo makarinig na hayaan malait ang Pilipinas. Honestly, oo opo salbahe ako...wala akong pakialam pag dating sa usapan tungkol sa Pilipinas kasi ang gulo sa atin eh...hindi ko maipagmalaki. Wala akong lakas ng loob kasi kinain ako ng kagandahan ng sistema ng Japan. Pero as in PERO hindi ko ikinakailang Pilipina ako. hindi ko talaga kayang ipagtanggol...sampal in niyo pa ako. Lulumutin talaga ako nito... pasensiya na wolfgang ganito ang naging bunga ng pagja-japan ko. Pero sa usapang pagpapalaki sa anak, I'll do it in my own way bilang ina...yung tama lang.
.
makisingit lang sensie...
ganun na ba kalaki ang impluwensya sayo ang japan..na kahit ang sariling bansa mo ikakahiya mo na...oo aminin natin..bulok nga ang sistema ng pinas..maraming di magaganda nangyayari sa atin pero di yan dahilan para di mo ipagmalaki toh...:)
last time nag usap din kami ni habibi ko..sabi ko sa kanya after ko manganak uuwi kami ng anak ko sa pinas para magbakasyon...alam mo ang sagot ng asawa ko..wag ko isama ang bata dahil baka makakasakit lang sya dun dahil daw madumi itoh.......kahit alam ko totoo yun..di ako nagdalawang isip ipagtanggol yun....sabi ko sa kanya ganun ba ang pagkakilala mo sa bansa ko...di lahat nakapaligid sa pinas ay madumi...isipin mo sana dun ako galing at di ko ikakahiya yun..:) pano malalaman ng bata,ng anak natin saan ako galing kung di ko sya isasama sa pinas...gusto ko ipamulat sa bata anong klaseng bansa meron ang nanay nya..ayoko pagdating ng panahon ikahiya ng anak ko ang pinas....may dugo syang pilipino kaya dapat alam nya kung saan din sya galing...
naalala ko tuloy ang sinabi ni Jose Rizal " Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang amoy ng malansang isda"
sa totoo lang di ko akalain...ganyan na kababaw ang tingin mo sa pinas...kahit sabihin mo pa di mo kinakaila na ikaw isang pinay..parang ganun din naman eh tinalikuran mo na ang pagiging pilipina mo..isipin mo po sana ang pinagmulan mo...
peace sensie..pasensya na sa post ko..di ko kasi mapigilan di magcomment dito..:)
sharpener
08-21-2007, 07:16 PM
in fairness sa asawa mo
gusto lang nya ang the best para sa anak nya...syempre
natatakot siguro syang maijiwaru ang bata
kaya siguro sya nagkaganyan
ang mga bata kase kung ano ang nakikita.... syang sinasabi at ginagawa
pag nakakita ng kumakain ng nakakamay yan, ganyan din ang gagawin sa yochien
pag nakakita ng daga ipis butiki... syang ikukwento
kaya pinoprotektahan lang nya ang anak nya ....at ikaw na rin
unawain mo na lang muna sya sa ngayon
pasasaan bat darating din ang panahon na...gusto nya rin dalhin ang bata sa pinas upang ipagmalaki;)
summergirl
08-21-2007, 07:38 PM
Sensei i hope you dont mind!How long have you been here in Japan?
sharpener
08-21-2007, 07:51 PM
ngeeeekkkkkk!!!
ang dami na pa lang issue
gomen di ko pa nababasa lahat
aray ko mukhang nobela tong babasahin ko ah
eto pala ang hot topic for today hehehe:D
hirap talaga ng nagtututulog sa kankungan:rolleyes:
tisay
08-21-2007, 08:08 PM
Sensei i hope you dont mind!How long have you been here in Japan?
mommy,,4 years na po si sensei ayun sa nabasa ko sa post nya......
meteor
08-21-2007, 08:13 PM
Nakakahiya ba ang Pilipinas?
NO a Simple ans.
Degrading is not the right word....Misunderstoo d is the right word.
parang ang punto ng asawa mo pinakasalan niya pilipina hindi ang pilipinas.
kung kinahihiya niya ang pinanggalingan mo,hindi niya na sayo imumungkahi na
patirahin ang mga magulang mo dito sa japan. which is bibihira sa isang hapon
ang magmungkahi ng ganyang idea. kung 1st baby niyo or biological baby ng
husband mo ang baby niyo hindi mo maiiwasan na maging Over Protective siya.
lalo na siguro matagal niyong hinintay na magkaroon ng baby. hindi mo maiiwasan
o sa mga parents na katulad natin na minsa nagiging ahead or impulsive thinking
tayo.is just a pretty normal reactions,you dont have to worry about it. pinayagan
ka niyang umuwi ng pilipinas then Go ahead and Enjoy.
hayaan mo muna na maging Over Pro. pero pag nakita muna na may kasunod na yung
Over Pro ...to the Highest Level ni hubby ibang usapan na yun. eto na yung
time na pwede mong ilabas ang pagiging .... Maria Josefa Gabriela Carino Silang....
natin ..., sa pilipinas lang ang may lahing ganyan:) .
Be aware that not everyone live in the NOW,
but lots of people live in the PAST and others in the...., Planning is bringing the
FUTURE into the present.
The more you live in the PRESENT, the more you will enjoy your life. ...
Hensoldt
08-21-2007, 08:31 PM
Habang pinag uusapan namin...nabanggit niya na hindi ko pwedeng dalhin sa bahay ang bata. Kasi daw pag nagkaisip ito parang humiliation sa side ko bilang nanay. "Ay ganito pala ang Pilipinas, ang pinanggalingan ng nanay ko...." Hindi ako nakapagsalita...pina kinggan ko lang bawat buka ng bibig niya.
"Mag stay kayo sa hotel, papuntahin mo na lang lahat ng kamag anak mo sa hotel. Or ipag book mo rin yung mga parents at bawat family ng kapatid mo. Pero hindi ko hahayaan na makita ng bata yung bahay niyo."Ngyaon pa lang turuan mo ng English ang bata, ayoko ng tagalog" ...........hindi ko alam kung iiyak ako o tama ba yung sinabi niya.
Dinugtungan pa niya...
"Sa Boracay na lang kaya kayo dumiretso...papuntah in mo na lang doon mga kamag anak mo. Nang sa ganoon magandang impression ang makikita ng bata pag uwi sa Pilipinas."
Seems to me your husband means well when he delivered that remark, but was not aware that it was rather offensive and condescending for you or for any other Filipino for that matter.
The statement he made suggests that he may have some preconceived notions that are somewhat negative about the Philippines. Now that you know, it is your duty as a good wife, as a good mother and as a Filipina to enlighten him and your child about the homeland where you came from. You will be the medium from whom they'll get a new perspective about the Philippines and Filipinos, and to show them both the good and the bad side of the Philippines. They need that to counter the propaganda machine-like Japanese media and the "history" that are taught in Japanese schools.
We Filipinos are every bit as good as anybody, and perhaps every bit as screwed up as well. I mean there are people from other developed countries who are every bit as selfish, petty, dumb, and narrow-minded as any people are. But since our country is behind those developed ones, we Filipinos have to look at ourselves in the mirror and identify the things that are holding us back and crush the obstacles that are blocking our chosen path, we must be hungrier, thirstier, more cunning and determined than everybody else to match and beat those who are looking down upon us in every way and to prove to ourselves and to show the whole world that Filipinos are very much capable to achieve greatness.
sharpener
08-21-2007, 09:01 PM
mommy,,4 years na po si sensei ayun sa nabasa ko sa post nya......
nabasa ko na po lahat
whew haba nun ha:D
eto lang po ang masasabi ko
exaggerated lang po ang feelings nyo sa ngayon...dahil nga sa baby
relax lang...may stage talagang ganyan
na gusto nyo magandang bagay lang ang ipamulat nyo sa baby nyo
4 years ka palang sa japan, marami ka pang stress na kakainin...este! bigas pala
after 20 yrs..pasasaan bat mami-miss mo rin ang hagakgak ng mga pinaka-korning pinoy jokes
at saka mo maiisip na...ang sarap palang maging pinoy:p
wala na po akong masabi...nasabi na nilang lahat
ang galing talaga ng mga ka-tf...bilib ako:thumb:
summergirl
08-21-2007, 09:09 PM
mommy,,4 years na po si sensei ayun sa nabasa ko sa post nya......
Thanks anak sa information..Kaya naman pala ganon ang napi feel mo eh..bagets pa sa Japan..Tanong mo sa matagal na rito sa Japan na dito na tinubuan ng puting buhok kung ganyan din ang mentality nila..Ako mahal na mahal ko ang pinas,kaya nasaktan ako ng mabasa ko ang thread na ito..Sorry!!Ikaw ang unang makakapag pabago sa mentality ng asawa mo ,specially when phil. concern..pakita mong nasasaktan ka ...Kung uma aggree ka lang sa kanya di kahit ano na lang ang masabi nya dahil ok lang sa iyo..
LORIE
08-21-2007, 09:57 PM
Sinsei magtatanong lang, ang las pinyas ba ay sing taas ng bundok ng mt. Apo or mt. Everest na ayaw ni jpon na pumunta kayo ng bby mo doon? At ikaw ba sa sarili mo naitanong mo ba kung mahal mo ba ang bansang sinilangan mo or kinamulatan mo. Ang sabi mo nga 4yrs ka lng dito sa JPN abay pambihira nmn yon nahalu~an ka na ng dugong jpon. Sa madaling salita ikaw rin ikinahiya mo rin ang bansang PILIPINAS.?
ICHIBAN08
08-21-2007, 10:14 PM
Sensei san, akala ko naman namo-mroblema ka sa asawa mong manlalaet sa pinas yun pala sang ayon ka sa panlalaet niya....masakit sa mata basahin sa sinabi mo na hapon ka na rin...tama po mga ka TF member talagang kahit sinong pilipino makakabasa ng sinabi mo na gusto mo na talagang talikuran ang pagiging pilipina mo e lahat mag re-react....sana isipin mo pinanggalingan mo...dahil lang sa ganda ng sistema ng japan e nabulag ka na? kung sabagay buhay nyo po yan...kung ganun din lang hapon na ugali nyo e wag na kayo magtagalog pa! kahit ang pilipinas e ikahihiya ka...sorry to say that, wag po kayo magagalit kahit ako nakaramdam ng sama ng loob sa sinabi nyo....:( nakakalungkot...
wildflower
08-21-2007, 10:31 PM
sensie marami ako kakilala dito na matagal na sa japan at dito na namuti ang buhok pero di nila tinalikuran ang dugong pilipino natin hehehe nagtatagalog pa nga rin sila kahit japanes citizine na sila at yon dating nila filipinang filipina pa rin di ko nga ma expect na japanes citizine na sila..pati pagkain sa haws nila may pilipino food parin..very down to earth pa sila yon mga filipina na nag pa japanes citizine dito..try mo kausapin si habibi at baka mag change pa mga pananaw nya...:D
Pasali din po sa usapan dito,di ko lang po mapigilan na nakikibasa nalang:)
Di naman po siguro tama na ikakahiya natin ang Pinas kung saan tayo nanggaling at saan tayo lumaki,.....dapat nga po ipamulat natin sa anak natin na galing tayo doon at di lang mga kapintasan ng pinas ang ipapakita natin,may mga kabutihan din naman,....kagaya lang din po sa japan maraming magagandang bagay at meron din namang di maganda,....depende naman po sa ating mga nanay kung paano natin palakihin at paliwanagan ang ating mga anak,kahit itago pa natin sa kanila yang mga bad side ng pinas malalaman at malalaman din naman po nila yan,kahit di kayo ang magpakita sa kanila maraming tao na nakapalibot sa kanila at magsasabi na ganun ang pinas at doon galing ang nanay mo!mas maganda naman siguro iready ang anak natin kung sakaling mangyari man yan,yong kaya nya ding idepensa ang pilipinas at hindi sya mag self pity sa pinanggalingan ng nanay nya din.mas maganda pakinggan kung halimbawa may pintas na may masabi sa pinas,babalikan nya din ng magagandang bagay mula sa atin na wala dito sa japan,kunbaga may panangga na sya na sagot agad,hindi yong mabibigla nalang sya sa mga maririnig nya:(
yan po ay sarili ko lang opinion:)
bakit ang asawa ko may dugo ng tunay na hapon,love na love nya ang pinas!at di nya kinahiya ito kahit kanino pinagmamalaki nya pa nga eh,mga kasamahan nya sa kaisha inaaya nya pa nga na pumunta ng pinas para makita nila talaga ang totoong pinas,....
Stacie Fil
08-21-2007, 10:35 PM
Ang saya nyo naman dito, pasali naman.
Napangiti naman ako sa comment nang asawa mo. It seems na accepted niya naman ang lahat sa iyo.
Isa lang ang problema, takot siya sa butiki, ipis at daga.:biglaugh: Mga bagay na ayaw niyan makita nang bata. . . Di pa nga niya nakikita yung mga paniki sa kesame. :shutup: Siguro di niya lang naisip na di naman mabigat na problema yon. Actually some few decades to half century ago, ganyang ganyan din dito sa Japan, (or mas masahol pa).
Pasensya na lang ika mo dahil dito sa Japan eh wala or kakaunti na nga ang mga ganoon. Naubos na lahat halos nang insectiside at pesticide na gamit dito. Bukod pa sa winter na kusang pumapatay nang lahat nang mga iyon.
Kung makita man nang bata yung mga pangit at kahirapan nang Piipinas, OK lang yon. Mas lalaki siyang mulat sa katotohanan, malawak ang puso at isipan. Paglaki niyon na madaling maka unawa at may responsibilidad. Di tulad kamo nang mga ignoranteng tao (Hapon) na iisa lang ang nakita at naiintindihan. :D
Pareho lang halos kahit nasa bahay nyo o sa hotel, basta nasa Pinas madaling matututunan nang bata ang English kung yun lang ang gusto niya. Kahit di na ika mo siya sumama kung ayaw niya.
Ang importante sa lahat eh yung ibat-ibang experience, pakikisalamuha, at love na matatanggap nang bata mula sa kalaro, kamag-anak, lolo, lola atbp. Surely that will never be a humiliation for you. Pag wala at kulang ang mga iyon, or plastik ang makikita nang anak mo. Yun ang accusation at humiliation na babalik sa inyo later. :O Nakakahiya lang ang maging mahirap kung hindi ka makatao at madumi ang utak mo.
sharpener
08-21-2007, 10:56 PM
naalala ko yang butiki na yan
ipinagmamalaki ng anak ko sa mga japanese classmates nya
na sa pilipinas daw ay may small dinosaur, tottemo kawaii
at isa pa ang damong makahiya
na pag hinawakan nga daw ay nahihiya at tumitiklop
nanlalaki daw ang mga mata ng mga classmates nya
urayamashii, watashi mo piripin ikitaiiii
watashi okikunattara zettai piripin iku wa....sabi ng mga classmates nya
>>>>usapang bata...sana kapulutan ng aral...ng matatanda;)

ang ganda namang example ito:)
april
08-21-2007, 11:07 PM
naalala ko yang butiki na yan
ipinagmamalaki ng anak ko sa mga japanese classmates nya
na sa pilipinas daw ay may small dinosaur, tottemo kawaii
at isa pa ang damong makahiya
na pag hinawakan nga daw ay nahihiya at tumitiklop
nanlalaki daw ang mga mata ng mga classmates nya
urayamashii, watashi mo piripin ikitaiiii
watashi okikunattara zettai piripin iku wa....sabi ng mga classmates nya
>>>>usapang bata...sana kapulutan ng aral...ng matatanda;)
naalala ko tuloy yung unang uwi ng panganay ko sa pinas...
tanong nya sakin bat daw ang daming tao sa bahay namin tinitignan sya
sabi ko naman sa kanya ,siyempre anak kita natutuwa sila na makita
ka kasi sa japan tayo nakatira at ngayon ka lang nila nakita...mula non
smile na sya sa mga kapitbahay namin:D
nagshare na ako ng experience kasi wala narin akong masabi...
marami naman maipagmamalaki ang pinas.
a_kiss
08-21-2007, 11:17 PM
wala naman masama kung makita ng bata kung saan ka nag mula, its a part of you.....eh ano naman kung pangit bahay nyo? mga tao naman nakatira doon diba? magulang mo at kapatid mo..part pa rin ng buhay mo yun.....
yun mga pamangkin ko mahal nila pilipinas......kumak ain ng nakakamay.kumakain ng pag kain ng mahirap..kasi iminulat sila ng mommy nila sa kung anong buhay meron mommy nila in the past.....pinag laro ng naka paa.....pinasakay sa kalabaw...sa trisikel at jeepney..dahil katwiran ng mommy nila noon hindi lalaging buhay mommy&daddy nila..malay nila nga naman pag di naman sinasadya eh nawala ng sabay yun magulang..at wala namang kamag anak dito...so ni ready lang nya yun mga bata na baka ganoon din buhay nila pag doon sila manirahan sa lolo at lola sa mahirap na bansa at pamilya..
di man na sila doon nakatira sa dating barong barong na bahay na kilalakihan ng mommy nila pero itinuro at pinakita pa ..pati cr...
alam mo reaction ng mga bata.....? filipino no hitoo wa sugoi desune.~~tanomoshii. .sabi pa ng mga bata....madali daw mag buhay mayaman pero di daw madali magbuhay mahirap.....
lumaki silang mapag mahal sa kamag anak dahil sa marami daw kulang sa buhay nila doon sa bansa natin..(ii benkyou dato omou yo) na makita nila ang dalawang mukha ng isang bansa ...
tsaka malay mo naman pag laki ng anak mo iba na ang pilipinas...? (suntok ba sa buwan?) masyado lang sigurong na excite Mister o dahil sa first baby nyo..maiisip din nya yun...kilala mo naman asawa mo diba...just wait and see :) happy parenting
dianne
08-21-2007, 11:25 PM
Ang saya nyo naman dito, pasali naman.
Napangiti naman ako sa comment nang asawa mo. It seems na accepted niya naman ang lahat sa iyo.
Isa lang ang problema, takot siya sa butiki, ipis at daga.:biglaugh: Mga bagay na ayaw niyan makita nang bata. . . Di pa nga niya nakikita yung mga paniki sa kesame. :shutup: Siguro di niya lang naisip na di naman mabigat na problema yon. Actually some few decades to half century ago, ganyang ganyan din dito sa Japan, (or mas masahol pa).
Pasensya na lang ika mo dahil dito sa Japan eh wala or kakaunti na nga ang mga ganoon. Naubos na lahat halos nang insectiside at pesticide na gamit dito. Bukod pa sa winter na kusang pumapatay nang lahat nang mga iyon.
hindi naman po ma bu~bulling ang anak nyo kung matuto lang kayo kung paano makisalamuha sa mga hapon at kayang sakyan ang yes and dont's nila ... tayo na lang po ang mag ad~just it~ helps promise ~~ learn from your own mistake ~~~:p
Kung makita man nang bata yung mga pangit at kahirapan nang Piipinas, OK lang yon. Mas lalaki siyang mulat sa katotohanan, malawak ang puso at isipan. Paglaki niyon na madaling maka unawa at may responsibilidad. Di tulad kamo nang mga ignoranteng tao (Hapon) na iisa lang ang nakita at naiintindihan. :D
Pareho lang halos kahit nasa bahay nyo o sa hotel, basta nasa Pinas madaling matututunan nang bata ang English kung yun lang ang gusto niya. Kahit di na ika mo siya sumama kung ayaw niya.
Ang importante sa lahat eh yung ibat-ibang experience, pakikisalamuha, at love na matatanggap nang bata mula sa kalaro, kamag-anak, lolo, lola atbp. Surely that will never be a humiliation for you. Pag wala at kulang ang mga iyon, or plastik ang makikita nang anak mo. Yun ang accusation at humiliation na babalik sa inyo later. :O Nakakahiya lang ang maging mahirap kung hindi ka makatao at madumi ang utak mo.
very well said sir ....
kailangan matuto ang anak mo sa ibat ~~ ibang kultura hindi lang sa isang dereksyon ~~ para maging malawak ang pang unawa ng anak mo ~~ sabi nga ng asawa ko sa mga client nyang gaijin hindi daw sya hapon asian people daw sya ...
ang asawa nya pinay proud syang sabihin.... client nya lahat gaijin kaya pati feelings nya gaijin na ren ~~ dahil ayaw nyang ma adopt ang alam nyang masamang ugale nila ng mga hapon ~~~ he is proud to be a jap~pinoy mas love nya ang bansang pilipinas pero di sya half pinoy pure jap. po.. lab nya lang talaga pinas ~~:cool: cool man cool~~:co:cool:
Stacie Fil
08-21-2007, 11:37 PM
very well said sir ....
kailangan matuto ang anak mo sa ibat ~~ ibang kultura hindi lang sa isang dereksyon ~~ para maging malawak ang pang unawa ng anak mo ~~ sabi nga ng asawa ko sa mga client nyang gaijin hindi daw sya hapon asian people daw sya ...
ang asawa nya pinay proud syang sabihin.... client nya lahat gaijin kaya pati feelings nya gaijin na ren ~~ dahil ayaw nyang ma adopt ang alam nyang masamang ugale nila ng mga hapon ~~~ he is proud to be a jap~pinoy mas love nya ang bansang pilipinas pero di sya half pinoy pure jap. po.. lab nya lang talaga pinas ~~:cool: cool man cool~~:cool:
Thanks for the complement Ms. Dianne ...bow(Ha,ha,ha,ha!) :tiphat:
Seems you have a very smart partner, well rounded and wide cultured.
sharpener
08-21-2007, 11:44 PM
eto pa isang kwento...true story to
friend ko 3 ang anak
sabi ng tatay nila...wag kayong pupunta ng pilipinas
kitanai dun at kumakain sila ng ipis
sa murang isipan ng bata, at mismong ama pa nila ang nagsasabi ng ganun
syempre naniniwala sila
pero sa totoo lang insecure ang ama, ayaw nyang pagdating ng araw ay iwan sya ng pamilya nya, dahil matanda na sya at bata pa si pinay
dumating ang delubyo sa buhay nila
kailangang magtrabaho si pinay, at walang magaalaga sa bunso
kaya si bunso (boy) ay inuwi ng pinas at doon sya sa lola nya
eto na...elementary na ang dalawang batang hapon (boy and girl)
ang sigaw ng mga classmates...anata nihonjin janai! nihonjin janai!...
IJIME!!!
paano nilang maipagtatanggol ang sarili nila
gayong sila mismo ay mababa ang tingin sa pilipinas..dahil ganun sila pinalaki ng ama nila
ang tanong....SINO BA ANG PILIPINAS???
ang sagot......SILA MISMO ANG PILIPINAS
ANG MGA BATA MISMO! ...AY MABABA ANG TINGIN NILA SA SARILI NILA
alalahanin natin..na hindi lang tayo ang nagpapalaki o nagtuturo sa anak natin, kundi pa na rin ng mga nakapaligid sa kanila
suma tutal....tahimik pero hindi nakikinig, matigas ang ulo at yowai ang batang lalaki
at ang batang babae ay urusai, lumalaban sa magulang
nang kunin nila si bunso mula sa pinas.....magalang, malambing at masunurin sa magulang
at naibulong sa akin ng friend ko
ate, palibhasa tagalog ang salita ni bunso
feeling ko talaga anak ko sya, tagos sa puso....
itchay
08-21-2007, 11:45 PM
@sensei,
with tons of changes taking place in your life right now (the baby that just arrived and its ripple effect)...it's just the stress talking! :D
read-mode lang sana ako. kaso, naalala ko aunty ko na nasa canada ngayon...at canadian citizen na. you have almost identical sentiments right before she adopted canadian citizenship. that was also the time that she gave birth to a baby girl. :) it was the italian husband who's adamant that their child should never set foot on philippine soil...kase nga, baka lang magkasakit, o di kaya'y ma-kidnap. since yung aunty ko naman, wala na ring plano bumalik sa pilipinas (kasi dun na rin siya nakapagpundar at andun din business nila), didn't have qualms agreeing to take her oath of allegiance to canada.
kami, na mga relatives niya, and her siblings, didn't feel slighted at all na inabandona niya ang pagka-Pilipino niya. it's because her intentions were clear. na although maging canadian na citizenship niya, her sympathy and her affection for us na kadugo niya, will remain unchanged. ganun kalaki tiwala namin sa kanya despite the degrading remarks her husband said about the philippines.
after that incident, although wala ni isa nakabanggit sa amin (but maybe we had the same expectations all along, knowing her)...she did us a pleasant surprise:)......afte r several years, her husband did an unexpected 180degree turn....his disgust for the country turned into curiosity and genuine interest for the philippines and its people. tsaka na lang namin nalaman na my aunt did all she could exposing her husband to the good side of the philippines and the filipinos as well.....she brings him to functions of the filipino community there, invites filipino friends over for a friendly dinner at home, etc etc.
his perspective really did change....so much so, that he allowed his only daughter (8yo that time) to take a vacation in the philippines...for 2 long months! and boy, did she have the greatest fun in her yet short life!:D
what made it fun? you may ask...it was revealed (after she went back to canada) when it was my cousin's turn for her show-and-tell in class.
although she mentioned the many interesting places she's been to in the philippines, including boracay, the highlight of her presentation was the solo pictures of each of her cousins, aunts, uncles, the friends she's made, and of course, her doting Lola, back in the philippines. :) she said with pride....."i found out that i have actually 2 grandmothers, and dozens and dozens of cousins."
buhay nga naman....andaming sorpresa.
just when we thought hopeless case na yung husband ng aunty ko...nag about-face.
and just when the father already pegged his daughter will never like the philippines.....surp rise, surprise!:)
another interesting thing...ironic really....i have actually 2 aunts in canada right now. the one who "jumped ship":D, is the one who's in constant communication with us, not failing to send greeting cards on occasions, and does regular phone-ins. :) while the other one, who's still holding on to her original citizenship, is the one who's incommunicado. :D sobrang busy sa karir...she loves the trading floors of TSX (i think she sleeps there too :confused:). pero bumabawi naman pag nakapag-bakasyon sa pinas.
so, weigh mo na lang what's really best for your family.
you can change citizenships, if you like.
in fact, the philippine government is more forgiving than the filipinos themselves.:D
there's a law now that enables filipinos to acquire back their original citizenship, after having adopted a different one. (you need money for this though.)
so that's your option for later.
it wasn't your choice you were born in the philippines.
it wasn't your choice the philippines is in a sorrier state than most.
it wasn't your choice the philippines will pose a burden on your married life.
on a personal level, though....i'm almost 10 years na dito sa japan...and qualified to change to japanese citizenship, years back pa sana....but i never really had an interest...and only because of my husband's suggestion, i tried applying last year.........i passed the interview, then i was asked to furnish the necessary papers to complete my application......... but after i left the government office...after the interview....napa-isip ako ng malalim.....
then, made this commitment to myself.....
i will choose to face strangers as a filipino proud of my origin.
i will choose to defend the philippines when unreasonably trampled upon.
i will choose to make my husband see that there's also a good side to every bad side he sees about the philippines. :D
ang ending.......i didn't pass a single paper. :)
louvette_15
08-22-2007, 12:33 AM
sensei san, masakit ung sinabi ng hubby mo pero sana wag kng subjective ha... lahat ng sinasabi o ginagawa ng tao ay may dahilan sa likod nun or motivation...sigurad ong meron sya kaya nya nasabi un na hindi natin nakikita or nakikita lng nating pangit dahil sa pag deliver nya nun sayo...marami kasing insident dito sa japan na ang mga bata ay ikinahihiya ang pumunta sa school nila ang nanay nila lalo pat gaijin..hindi natin alam kng bakit nagkaganun yong mga bata...anyway, siguro naisip lng ng hubby mo na baka ung makikita or ma-eexperience ng anak nyo sa pinas ay magiging dahilan para ikahiya nya pinanggalingan mo...opinion nman un ng asawa mo na sana napag usapan nyo ng mabuti kasi syempre pagkatao mo na rin ang concern dun...
crister
08-22-2007, 12:47 AM
hehehehehe...
ayaw nya siguro makita ng anak mo...kung gaano magmahal sa apo ang mga magulang mo..
kung gaano kasaya kasama ang mga pinsan nya at kamaganak sa paglalaro..
gaano kasarp magbakasyon sa Pinas at paano ipakita ng mga kamaganak ang Pinoy Hospitality...
gaano kasarap ma-experience ang buhay Pinoy..na talaga naman babalik balikan mo...
yun lang po....
louvette_15
08-22-2007, 01:03 AM

dahil baka magustuhan ng bata ang pinas at magpaiwan dun dahil mas warm ang mga tao...kesa dito na kanya-kanya...
memyself&i
08-22-2007, 02:31 AM
wow! 2am na pala, hehehe, gusto ko lang po makisali sa usapan dito... ang asawa ko minsan may masama din nasasabi about sa pinas, mga ugaling pinoy.. OO nasasaktan ako, sinasagot ko siya ng MINA JANAI YO! pag alam niya na napipikon na ako, ang sisisihin na e si AROYO hehe,
Para naman po kay sensei san, tama po lahat ng mga nasabi ng mga tf friends natin dito, sana po wag mong kalimutan ang bansang sinilangan.. Huwag mo sanang kalimutan ang mga salitang ito
SISIKAPIN KONG MAGING ISANG TUNAY NA PILIPINO
SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA...:)
sensei
08-22-2007, 04:11 AM
Ang haba na...pasensiya na kung hindi ko maiquote lahat pero binasa ko siya.
So we had this heart to heart talk tulad ng naipangako ko. I agree with our TF members, I also agree with my husband. Now I understand kung bakit naging ganun yung views niya regarding sa pag uwi namin sa pinas. If you read every pages, nabanggit kong pang 3rd ako napangasawa niya. And his second wife was also a Filipina. Kaya sa napag usapan namin hindi ko rin siya masisi.
Nag onegai ako kay lola Japphi to post this for reference --- TSUREKO (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=101 39)kung gaano katanga o kabait ba asawa ko. I can't confide it directly kasi may kapitbahay kaming TF member na chismosa. Pag nakarating pa husband ko eh baka mapagbintangan ang kaututang dila ko na si mikaeru.
So here's the story...kasama niyang pinagbakasyon ang mga 2 bata sa Pilipinas, as in yarihodai. Kasabay din ng ryokogaisha pinlano ng kompanya. Binigyan nya ng pagkakataon ang mga bata makauwi sa probinsiya nila kahit hindi siya kasama. So inisip niya pagbalik sa Japan eh wala namang problema. One day itong panganay eh ayaw ng pumasok sa eskwela. Bakit kamo, "ijiwaru ng classmate" pinatawag ng sensei ang magulang at pinagtawanan daw dahil kinakamay ang pagkain. Kahit hindi niya tunay na anak eh nasaktan din siya dahil bata pa. Kasalanan ng magulang...
You see...hindi lahat ng bagay tungkol sa Pilipinas eh ipa embrace mo sa bata. Hindi ko masisisi asawa ko kung bakit ganito na lang ang takot...
Sinabi kong 50/50 ang feelings ko kasi naniniwala pa rin ako na may reason ang asawa ko. Alam ko may mali rin sa sinabi niya...pero hindi ko sinasabing tama rin lahat ng sinabi niyo. Bakit di natin matanggap na may mga nakakahiyang bagay o gawain sa Pilipinas na di pwedeng ipamulat sa bata? At lalong hindi pwedeng dalhin at makaugalian dito sa Japan?
2nd Hindi niya kailanman ikinahiya ang pamilya ko. Last year pa gusto ng kunin ng husband ko ang parents ko. If you see this thread --- http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=457 4 naayos ko ang mga papel , ang problema ayaw nilang manirahan dito sa Japan dahil may edad na nga. Kung masamang tao asawa ko hindi yan mag ooffer na makasama ko magulang ko dito sa Japan.
3rd Ok nag offer din siyang ibili ng bahay ako lang ang umayaw kasi pag aawayan lang ng mga kapatid ko for sure. So kusang loob na lang siyang nagpapadala ng 10L monthly kaya from this thread itinatanong ko kung magkano ang EKSAKTONG REMITTANCE (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=570 1). Magtataka ka kasi nung kapanahunan dati eh malaki ang palitan, bakit ni sofa hindi sila sila makabili eh dalawa lang naman sila sa bahay. Hindi ko sila tinanong kung saan dinadala ang pera kasi sabi ko mag enjoy naman sila. Nung umuwi kami sa pinas parang wala ring naipundar kahit gamit. Walang naglilinis dahil pumupunta lang mga kapatid ko twing katapusan. Hindi man lang nila alalayan magulang ko habang kayotteru sa byoin. Pag katapusan tska lang sila nagpapakita dahil alam nilang may pera...
Kaya from this thread naghanap ako ng Katulong sa Bahay (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=914 7).
4th Nagalit ang asawa ko...
Naconfine ako last April 24 for a month dahil nag 3cm na ako. Nagremit siya ng pera sa PNB ng April 30 nagkamali nga lang instruction kaya hindi agad nakarating sa pinas. Timing naman, mahaba naging holiday nun kaya nag aalala ako. Tumawag ako sa pinas kahit bawal ang ketai...ang bungad sa akin kulang yung padala mo. Sabi ko pagkasyahin nila kasi hindi pa ako makakalabas ng byoin. Pag labas ko after a month kinamusta ko sila, wala na daw pera kasi 12T lang palit. Bakit ganoon eh 10Lapad yon. Itinawag ko sa PNB Tokyo, may nag withdraw na daw ng madaling araw...Itninawag ko sa PNB Almanza totoo nga. yun pala winidraw ng bunso kong kapatid. Naikwento ko sa asawa ko kaya pilit niyang kunin ang parents ko para maging aral sa mga kapatid kong walang awa. Sa totoo lang ayoko talaga akong pauwiin ng husband ko sa pinas kundi lang sa magulang ko.
May nabasa rin ako kung ano bang kaalaman ko sa loob ng apat na taon kumpara sa matatagal na dito...
merong mga bagay sa buhay ng pag aasawa ng hapon na kahit hindi mo kayang basahin o isulat sa kanji eh natututunan kung ano yung ugali ko ngayon, yan ang natutunan ko sa asawa ko.
At kung ang pag uusapan eh pagmamahal sa Pilipinas---
hindi kayang palitan ng sinasabi niyong pagmamahal sa Pilipinas ang pag aarugang ginagawa ng asawa ko sa magulang ko. (binigyan ba ako ng pangtustos ng gamot ng sinasabing niyong pagmamahal sa Pilipinas?) Kaya kung Pilipinas ang pag uusapan no comment ako dyan kasi wala akong power para ipagtanggol ang Pilipinas.
Pag may time na lang po ako magrereply sa iba...pasensya na sakit ko na maglinis sa madaling araw. Salamat po sa concern at sa mga nagreply kahit sumaliwat ako sa gusto niyo. Naniniwala pa rin ako sa husband ko. Siguro nga magkaugali na kami...
sensei
08-22-2007, 04:19 AM
@sensei,
with tons of changes taking place in your life right now (the baby that just arrived and its ripple effect)...it's just the stress talking! :D
:)
thanks binasa ko po yan kahit mahaba...for the meantime, marami pa akong dapat matutunan
ritzyu
08-22-2007, 07:54 AM
thanks binasa ko po yan kahit mahaba...for the meantime, marami pa akong dapat matutunan
Humaba ang thread na ito, samakakatuwid po nagpapatunay lang na lahat ng sumagot
dito ay hindi kumporme samga pagtanaw mo sa buhay sensei. Tama rin sabi mo marami
ka pang dapat matutunan....dahil sa umpisa palang mali na....sensya ka na hindi ako
kumporme sa me asawang pinay yung Hapon sa kabila noon kinakasama ka rin....ako man
siguro ang pinay malaman kong me other woman ang asawa ko bago ko siya bitawan eh
huhuthutan ko muna kapalit ng pangloloko niya....tashika ni me mga bata pang involved..
sakit sa loob noon na hindi pala nila tunay na tatay yung Hapon...me aijin na pinay..wala
kang aasahang magandang outcome sa paghihiwalay ng pinay at ng asawa mo ngayon....
bago iabot sa iyo ang asawa niya, mag-wawarui yang pinay na sabi mo nga hinuhuthutan
lang ang asawa mo na dati niyang asawa.....magbasa ka rin po ng thread tungkol diyan
na bago bitawan ang asawa at iabot sa aijin:) .....dalangin ko na lang na sana
makalakhan ng anak mo ang ama niya.....at ama naman ay makita niyang lumalaki
ang anak niya...56 na pala ang habibi mo..( kasing edad na ni lowlo) no wonder na
over protective nga siya...ganyan ang nagkaka-edad...konting panahon na lang kasi ipagsasama nila. Kahit sa atin mas mahal ng lowlo at lowla ang mga apo kaysa sa
mga anak. Di mo naman masisi kung ganyan ang naging reaksyon po sa na post
mong tema...lowlo na pala ang kalaban...mga ganyang edad di na pinapansin
masyado ang sinasabi...nasa sa iyo na iyang desisyon hindi ke habibi mo..kadalasan obsolete na po..nahuhuli na po sila sa takbo ng panahon....ika nga makabagong
kosodate kata ang gagawin mo....sa undukai lang di na makatakbo ang otousan niya...
kaya nasa kamay po ninyo sensei ang pagpapalaki......par a rin po yan sa kapakanan ng bata.....ganbatte kudasai :)
infinite_trial
08-22-2007, 08:11 AM
sensei seemed to have made up her mind. well, readers here only based their replies from the information you've given...and now you seem to be justifying your husband's actions. i'm not sure though if you came here to get a reaction that will agree with your husband's.
you may fool your child but not yourself. i know this is an unsolicited advice, but if you continue to live in your husband's shadow, whatever decision you will make in the future would not matter to him and your family. if you're the assertive type of wife, this wouldn't be an issue. there are a lots of filipinas who are married to japanese...it wasn't much of a big deal to bring home their kids to our own country. you wouldn't vent out here if you didn't think your husband's reasoning is wrong. he may mean well, but his justifications mean another thing.
i do not need a kid to know these things. i don't mean that i would be successful in my marriage in the future either. from all the things you've mentioned i think one is right, you still need to learn a lot.
sensei
08-22-2007, 08:47 AM
....sensya ka na hindi ako
kumporme sa me asawang pinay yung Hapon sa kabila noon kinakasama ka rin....ako man
siguro ang pinay malaman kong me other woman ang asawa ko bago ko siya bitawan eh
huhuthutan ko muna kapalit ng pangloloko niya....tashika ni me mga bata pang involved..
sakit sa loob noon na hindi pala nila tunay na tatay yung Hapon...me aijin na pinay..wala
kang aasahang magandang outcome sa paghihiwalay ng pinay at ng asawa mo ngayon....
bago iabot sa iyo ang asawa niya, mag-wawarui yang pinay na sabi mo nga hinuhuthutan
lang ang asawa mo na dati niyang asawa.....magbasa ka rin po ng thread tungkol diyan
na bago bitawan ang asawa at iabot sa aijin:) .....dalangin ko na lang na sana
makalakhan ng anak mo ang ama niya.....at ama naman ay makita niyang lumalaki
ang anak niya...56 na pala ang habibi mo..( kasing edad na ni lowlo) no wonder na
over protective nga siya...ganyan ang nagkaka-edad...konting panahon na lang kasi ipagsasama nila. Kahit sa atin mas mahal ng lowlo at lowla ang mga apo kaysa sa
mga anak. Di mo naman masisi kung ganyan ang naging reaksyon po sa na post
mong tema...lowlo na pala ang kalaban...mga ganyang edad di na pinapansin
masyado ang sinasabi...nasa sa iyo na iyang desisyon hindi ke habibi mo..kadalasan obsolete na po..nahuhuli na po sila sa takbo ng panahon....ika nga makabagong
kosodate kata ang gagawin mo....sa undukai lang di na makatakbo ang otousan niya...
kaya nasa kamay po ninyo sensei ang pagpapalaki......par a rin po yan sa kapakanan ng bata.....ganbatte kudasai :)
Pa OT po sa highlighted term gusto ko sanang doon sagutin sa kabilang thread. Kahit sino hindi sang ayon dyan. Ibinigay ng hapon ang visa sa overstay na babae at pangalan sa batang pinagbubuntis ng ibang hapo at sa isa pang bata. Ang tanong, wala na ba siyang karapatan pumili at maging shiawase kapalit ng naitulong niya sa isang pinay? Kung ikaw ang lalake at dala ng pinay na iyon ang pangalan mo habang nag aadik sa bansa ng Japan. Paano ka magdedesisyon? Buti nga hindi nahuli dito sa Japan yung babae dahil matagal ng adik, andun sa Pinas ngayon nakakulong pero ang mga bata suportado yan ng 10L monthly wala na akong masabi kasi kawawa din naman. And PS po alam kong may mali legally, tao lang kami. Mag asawa sila sa papel hindi sa kama...pasensiya na.
sensei
08-22-2007, 08:54 AM
...it wasn't much of a big deal to bring home their kids to our own country. you wouldn't vent out here if you didn't think your husband's reasoning is wrong. he may mean well, but his justifications mean another thing.
kaya nga po ipinost ko kasi naguguluhan ako nung una, and since marami kaming napag usapan kagabi...I'm sorry to say nasa side pa rin ako ng husband ko. But it doesn't mean na lahat ngayon ng kagustuhan niya eh gagawin ko. Sabi nga ng nakararami, ako ang dapat gumabay sa anak ko. Tama yun mga isinulat niyo sa posts may point din naman husband ko, it's just the matter of handling...for now.
la_tina512
08-22-2007, 09:38 AM
Watch/read mode lang ako sa umpisa. After reading all the posts as of this writing, most of our co-members are right sa mga pananaw nila. But then, buntot mo hila mo, in the end ikaw pa rin ang masusunod at ang asawa mo.
Tanong ko lang, what is so degrading about our country? Ang kahirapan? Ang graft and corruption ng mga nasa position? You mentioned in one of your posts na parang wala kang makitang maganda na puwedeng ipagmalaki at parang hiyang-hiya ka.
As Filipinas married to Japanese nationals, hindi kaya first and foremost tayo ang dapat na maging representatives ng country natin para maalis ang mindset ng mga Japanese unang-una sa pagkatao nating mga Filipinas at pangalawa sa pananaw nila sa bansa natin as a whole? Alam ko each one of us has his/her own reason kung bakit tayo napadpad dito. But majority is monetary ang dahilan. But then, not because pera ang dahilan they will have all the right to degrade us and our country.
I remember the first insult that I got from my children. Siguro may kids didn't mean bad about it pero grabe ang galit ko. Nasa elementary pa silang lahat, lower grade. Isang anak ko may assignment sa Math sabi ng tatay nila paturo sa akin. Sabi ng anak ko, "hindi alam ni mama 'tong pinag-aaralan namin". It was a simple problem solving sa multiplication... The pride in me nag-manifest kasi hindi porke at sa omise ako nakilala wala na akong alam at wala akong pinag-aralan. The point is hindi pa sila nagtatanong. Nandon kagad ang judgment without even taking the time to know kung hanggang saan ba ang capacity ng nanay nilang gaijin. Pinaupo ko silang tatlo and right there and then kaharap ang asawa ko lecture sila. My family background, educational attainment naming magkakapatid. I have to para matauhan ang mga utak, puso at damdamin nila. At nandon ang pagmamalaki ko dahil kahit mahirap kami iginapang ang pag-aaral and my siblings na nauna sa amin are all scholars in their own right. May dahilan lang kung bakit ako napadpad dito and that's a different story.
Right now curious sila lalo na pag nakakapanood ng programs lalo na sa mga deprived na areas. They are learning a lot and they are not discriminatory. Pag nakakakita sila ng mga bata sa slums sinasabi ko na they should be thankful dahil mas fortunate sila they eat 3x a day. At hindi lang sa Firipin merong mahihirap na tao, kahit sa Japan maraming deprived children hindi lang sensationalized pareho ng sa ibang bansa like the Philippines and other countries in Africa.
With regards naman sa pagtulong sa family, sometimes nasa atin na rin ang problema. We teach them to be parasites sa walang katapusang pagpapadala ng pera. Huwag magagalit ang iba pero totoo yon. Kahit nga minsan sa magulang yong iba alam ng pinangsusugal at pinang-iinom lang ni tatay ang pinapadalang pera pero hindi matiis padala pa rin. Pero that's part of our custom. Close family ties.... Nasa sa atin na rin kung papano natin puputulin ang sobrang close family ties na 'yon.. Naiintindihan ko ang magulang mo. Tradition nating mga Filipinos yan na kahit may mga asawa na mga anak sige pa rin sa pagtulong hanggang may maitutulong. Hindi makakatiis ang magulang. You have to live with it.
Ano nga bang traits nating mga Filipinos ang nakakahiya? Ang pagkakamay? Bakit naman ang mga Indos hindi ikinahihiya ang pagkakamay nila. 'Yong mga relatives ko sa BF Homes who owns some companies sa Pasong Tamo eh nakakamay kumain pag kailangang magkamay. Pag fried chicken ang ulam ko naka-kamay ako.
Ano pa ba ang mga nakakahiyang bagay at gawain na hindi dapat ipamulat sa mga bata?
Bago ka tumingin sa labas ng bakuran mo dapat tingnan mo muna ang loob ng bahay/bakuran mo. Ang character ng mga anak natin nagsisimula sa loob ng bahay, hindi sa labas. Sabi nga ng kasabihan nating mga Filipinos, charity begins at home. Lahat sa bahay nagsisimula. Character bulding starts from the home courtesy of the mother. Bakit mother? If you're not working and a stay-at-home mom the character of your children reflects the way you bring them up. Bakit nanay? 99.9% talaga nanay kasi most of the time wala ang tatay at nasa labas working his butt off to earn money.
Now, kung ganyang perspective ang maririnig ng mga anak mo, brace yourself. Ngayon pa lang hindi nyo alam mag-asawa natuturuan nyo na silang maging discriminatory. Dapat at an early age matuto na sila ng realities ng buhay na merong mahirap/mayaman, na merong malinis/maruming lugar.
Remember, hindi habang panahon may pera ang tao. In the end, you will reap whatever you sow sa isip at puso ng anak at magiging anak pa ninyo.
As a fellow Josephian, I wish and pray for all the best in all your endeavors. God bless you.
sensei
08-22-2007, 10:05 AM
As a fellow Josephian, I wish and pray for all the best in all your endeavors. God bless you.
Sempai pinag isipan ko po yan...lahat ng sinabi niyo, lahat ng naka posts dito. As I've said we talked last night about so many things. We've settled everything para sa ikabubuti. Ang haba po kasi kaya hindi ko na ikiwento ng buo. I told him everything I've read in Timog, alam naman niyang pag wala akong gawain dito ako nakatambay. He admitted everything na hindi niya alam na mali pala...both of us. Pero infront of this people in TF bilang asawa niya...kaburu ba ang tawag? He was a very good husband and father to "everybody". Sa mga naging asawa at naging mga anak hehe. Asawa niya ako, I should protect him kahit nagkamali siya. It's between the two of us lang yung usapan sa pag ikuji ng bata. Masaya ako maraming nagpayo...but again nasa side pa rin ako ng Japanese husband ko. I'm learning...from all of you.
maya ulit tapos na linis ko...sabayan ko tulog si bebe.
cutie1403
08-22-2007, 10:29 AM
nakukuha ko ang point mo.at di ka din namin masisisi kung ganyan na ang pananaw mo.di lang pala pilipinas ang problema.pati pala mga kapatid mo problema din kaya parang gusto mo ng talikuran ang pilipinas.unang-una sinabi mo na dito ka na nga siguro habang-buhay at magulang mo na lang ang binabalikan mo sa pilipinas.hindi masama ang intensyon mo dahil gusto mo lang mapabuti ang magulang mo,anak nyo at pagsasama nyong mag-asawa.may pangit pang naging experience si mister mo sa kapwa nating pilipina kaya minsan kahit papaano,pag kapwa nating pilipina ang nakakagawa ng kasalanan kadalasan nilalahat na tayo.pag nagkwento pa naman ang hapon di naman nila sinasabi na "si ganito ay ganyan" kundi "ang mga pilipina ay ganyan.in short damay lahat tayo.pero kahit pilipina pa yan o ibang lahi,lahat ng tao ay may ibat-ibang ugali.may mabubuting pilipina at madami din namang masama.minsan nagtataka tayo na kung sino pa ang kamag-anak natin yun pa ang nangloloko sa atin.di dahil sa pilipina sila kaya sila nanloloko dahil madami din namang ibang lahi ang manloloko kundi tayo lang ang alam nila na puede at kayang makatulong sa kanila at alam nilang di natin sila matitiis.
gaya ng sabi ko di ang pilipinas ang may kasalanan kung bakit ganyan ang tingin nyo sa bansa natin kundi ang mga kapwa nating pilipina na lumoko at nanloloko sa inyong mag-asawa kaya kayo nag-iisip ng ganyan ngayon.
di nga lang magandang pakinggan na ultimo pagkakamay ay parang minamasama mo na din ata ngayon.:)
sensei,nakikita ko sayo na malakas ka at buo ang pananaw mo sa buhay.at kung ano ang alam mong tama para sayo ay ipaglalaban mo kahit na mali sa paningin ng iba.sana lang maging open minded ka din tulad na lang ng pag pinost mo ang isang bagay di maiiwasan na magcomment ang iba na taliwas sa gusto mo marinig.tingin ko mas bata ka sa akin at sana tanggapin mo ito as sisterly advice kahit na unsolicited:)
proud me
08-22-2007, 11:51 AM
sensei...pasali uli...medyo yung ibang side na mga dahilan mo ...medyo naiintindihan kita...lalo na yung medyo parang abusadong ugali ng mga karanasan ng asawa mo...
na kahit pala mismo mong mga kapatid eh, parang nag-aabang lang ng grasya na galing sa pera ng asawa mo...kaya hindi ko rin masisisi yung asawa mo kung meron siyang ganung mga nararamdaman sa mga ugali ng mga pinoy na naging parte ng buhay karanasan niya...at kaplastikan naman kung sasabihin ko ring tama yung mga ginawa kung ganun nga ang nangyari sa kanya...pero sa tingin ko hindi yung pilipinas nga ang problema kaya ayaw ni mister kundi nga yung mga ibang ugaling pinoy na ayaw nyang matutunan ng anak niya lang siguro ang pinaka-malaking point ni mister...na meron nga sa sarili mo pang mga kapatid o sa sarili mong bakuran nga...na parang mabango lang si inang at itang pag- may sustento ng dumating galing sa asawa mo...pasensiya kana sensei dito sa nasabi ko...binase ko lang ito sa mga sinabi mo sa post mo kung mali ako ng pag-kaka-intindi gomen ne!...
sensei
08-22-2007, 02:01 PM
Ok lang binabasa ko isa-isa yan. Nagugulat lang ako sa pagiging hi tension ng ibang TF posters, since kaming mag asawa kalmadong nag usap haha. Cool akong tao...
YUng nasabi ko kanina kaburu, kabau po pala shempre asawa mo ikaw ang magkabatte kahit nagkamali. Jibun no kodomo to onaji, bago masita o masaltik ng ibang nanay ako muna ang susupil.
Ihanap ko daw ng private nurse at isang katulong sila mama, kasi ang napansin niya sa bahay, yung diapers na nakalat na iniipis. Binanggit niya ang tungkol sa kenkouhou (hygiene) para sa lahat.
At Stacie Fil, pasensiya na hindi ko mababago ang pagkatakot ng asawa ko sa ipis.
Mata atode sabay kami nagising ni baby.
answer sa topic/title ng thread.... NO!
4 years ka palang pala sa Japan pero parang sukang suka ka na sa pinas:rolleyes:
my opinion...
parang nadadamay na lang ang pinas sa pangungutya ng mister mo, pero sa nababasa ko ang problema e nagmumula sa'yo sensei.. ikaw mismo hindi mo maipagmalaki ang bansa mo ang kultura mo, oo sabihin na nating maraming bad experience ang asawa mo sa past relationship nya sa pinay , pero whew ikaw pwede mong baguhin ang bad empression nya... kung nakikita ng mister mo na ikaw mismo nagbibigay ng effort para ipakita sa kanya ang magandang sde ng pinas kahit papaano matatauhan yun, kaso ikaw mismo nasusuka sa bulok na ako kamo sistema at pamumuhay sa pina...??? hehe, parang mali sensei, parang sa pagkaka intindi ko e nagmumula ang maling sistema mismo sa mga kapatid mo...
hindi dapat isisi sa bansa ang buhay ng tao, lahat nag-uumpisa sa pamamahay ... paano lalaki ng maayos ang isang anak kung mismong "haligi at ilaw" ng tahanan (mister at ikaw) e hindi marunong magpakumbaba at magmahal sa sailing pinagmulan.......
parang mas polluted pa ang pananaw ng mister mo kesa sa hangin sa pinas... hindi magandang hangin ang lumalabas sa bibig nya...
again,
since na sumasangayon ka sa mister mo at ano kamo sabi mo ugaling hapon ka na in 4years styaing here in japan... hehe~ magbulay bulay muna, baka bigalang bumaligtad ang gulong nyo e baka yung inaayaw ng mister mo na pinas e dun kau pulutin balang araw...
goodluck sa baby nyo.
ritzyu
08-22-2007, 02:59 PM
[quote=sensei;331804]Ok lang binabasa ko isa-isa yan. Nagugulat lang ako sa pagiging hi tension ng ibang TF posters, since kaming mag asawa kalmadong nag usap haha. Cool akong tao...
Ano po bang gimmik ito...mag-post ka po ng isinusuka mo (ninyo)yung pinas..ano
po ang ine-expect mong maging reaksyon namin...tas ayun kung saan saan napunta
ang topic....ngayon sasabihin po ninyo na nagulat ka sa pagiging tensyon ng mga
sumagot sa thread mo...na cool na cool kayong mag-asawa...marude na gusto mo
lang maglaro po yata...naboboke ka na rin po ba ..sensya na po kayo sa words
na nagamit ko:)...sa totoo lang side mo lang alam namin yung isang pinay
nagiging bias ang takbo ng usap...sensya ka na....kung magcomment kasi ako gusto
ko marinig din ang kabilang panig...sabi nga ng matatanda ..kung aijin lang papaking-
gan mo , makuha lang mithiin niyan maglulubid ng buhangin...bato bato po sa langit
...sana naman po wala akong natamaan......sensya na po kayo ulit...
yukio_cris
08-22-2007, 03:03 PM
nabasa ko yung thread mo sensei and im upset after reading your story...
di din natin masisisi si mister kung yan ang opinyon nya about sa kinalakihan mo,
maaari din na nakarinig din siya ng di magandang komento sa mga kaibigan o sa labas. ilang beses na ba siya nakapunta sa pilipinas?
importante ang komunikasyon sa bawat problemang dumadating o dadating sa mga mag asawa, di pwedeng oo lang oo nalang...lalo kayong hindi magkakaunawaan nyan, ipaliwanag mo ang side mo, baka maunawaan niya ito bandang huli. Wala siyang magagawa dahil nakilala ka niya ng ganyan,,,oo iba nga ang mga batang hapon kumpara sa atin sa mga bata sa pilipinas, iba ang takbo ng utak ng mga bata dito... dahil siguro hapon sila at iba ang kinalakihan.pero ang importante dito ay ang pagpapalaki ng magulang sa anak...
Sa tingin ko di naman talaga pinas ang problema ng asawa mo eh,sa mga karanasan nya dati sa pinay at sa mga kapatid at mga magulang mo na din which is di maganda ang nakikita nya:)at nasa inyo na din kasi pinapadalhan nyo pa din sila kahit alam nyo na namimihasa na at umaasa nalang sa padala ng asawa mo,para kasing sinusubo nyo na agad sa kanila ang pagkain na di man lang sila naghirap(sorry for the word)
Di naman kasi tama na sa pinas na kayo mainis at dumating pa sa point na kinakahiya nyo na ang main problem lang naman ay galing din sa inyo,....
May point din asawa mo na wag dalhin sa bahay nyo ang baby kasi syempre baka nga naman magkasakit doon,dahil sabi mo walang naglilinis doon,....
Tama yan hire nalang kayo ng private nurse para sa matatanda,at dapat ang ipadala nyong pera ay para lang din sa kanila,para di na makisali pa mga kapatid mo at matuto naman silang magsikap(sorry kung medyo OT)wag iasa sa asawa mo lang lahat kasi nakakababa talaga ng tingin yon,...
Wag naman sana tayo makalimot sa pinanggalingan natin,marami mang di maganda sa pinas,lalo na sa ugali ng mga tao,...ito lang masasabi ko,kung paano tayo pinalaki ng mga magulang natin yan ay madadala natin kahit saan man tayo magpunta,.....kung may di man maganda sa pinas wag nalang sanang gayahin sa halip itama natin,at sikapin sa sarili natin na gagawa nalang ng tama at naaayos,.....
chevelle:)
08-22-2007, 03:20 PM
Sensei, lumabas na pala si baby! Congrats! Late na ako sa balita noh.
Regarding your topic, nung una basa lang ako, I understand some of your points pero honestly nabigla rin ako sa sinabi mo na parang japanese na rin ang ugali mo.
Maikling panahon pa lang din ako dito sa Japan, 5 years pa lang po. Aminado din ako na marami rin akong nagustuhan dito lalo na sa sistema ng govt nila. Pero hindi din maikakaila na marami rin akong nakita na di ko gusto particularly sa ugali ng karamihan sa mga hapon...be it young ones or old ones.
Madalas namin napag-uusapan yan ng hubby ko at mga kaibigan kong Filipina, bakit kaya karamihan sa bata na dito lumaki sa japan ay palasagot sa matanda at wala talagang respeto. Hindi lahat ng bata sa Pilipinas ay magalang at mabait pero parang mas marami yatang ganito dito sa japan, salamat sa thread mo palagay ko natagpuan ko na yung sagot. Maari nga na gaya ng sabi nila isang mundo lang kasi ang nakikita ng mga bata dito. Yung mundo na nakukuha nila lahat ng gusto nila...di nila nakikita yung ibang bata na kailangan dumaan sa sobrang paghihirap para lang may makain kahit isang beses lang sa isang araw. In short, di nila nakikita how lucky they are na may mga magulang silang nagsisikap para di nila danasin yung ganoong hirap.
Baligtad naman tayo, ako kahit 5 years na ako dito ang dami ko pa ring mga ugali nila na hindi ko talaga kayang i-adopt. Kagaya ng marami sa kanila don't speak their minds and always go by the book, ewan ko pero that's just not me!
Minsan nga inaway namin ng friend ko yung katcho namin kasi ewan namin kung anong galit nya sa pinay, baka once may nangloko din sa kanya biruin mo ba naman sabihin sa amin na Firipin wa Nihon no doro(putik)!!! Sabihin nga namin Nihon mo mae wa doro desu yo!!!:mad:
Kwento ko lang sa iyo hindi tungkol sa mga anak ko kundi tungkol sa mga byenan ko at bayaw ba yun(kapatid na lalake ng asawa ko)? Bago pa lang kami ikasal pinapunta ko na sa pinas ang mga byenan ko, sabi ko noon sa sarili ko tinanggap ko lahat ang sasabihin ng mga tao sa paligid ko sa plano kong pagpapakasal sa anak nyo dahil mahal ko talaga sya kung magiging parte ako ng pamilya nyo kailangan sigurado akong tanggap nyo ako at ang pamilya ko lalo na mag-isa lang ako sa Japan pag natuloy ang kasal.
Pumunta sila sa pinas, sobra silang nag-enjoy, naiyak pa nga byenan kong lalaki noong kasal namin kasi sobrang warm daw ang pagtanggap sa kanila ng mga taong mahal ko. Ngayon kung matutuloy pang 4 na beses na nilang uwi sa pinas, kinukulit na nga ako ng byenan kong babae eh!
Bayaw ko naman, dahil siguro sa nakita sa akin, gusto din daw nya pinay mapangasawa hah...hah...nagpapa-shokai ba naman at sa pinsan ko pa! Ayaw daw lumayo para pareho daw kahit papano ng ugali. Ayaw ko nga, ano yun parang tinuhog namin silang magkapatid.:p My point, kagaya ng sinasabi nila, ikaw lang ang makakapagbago kung ano ang tingin ni hubby mo sa pinas. Kasi ganoon din mga byenan ko nung di pa sila nakakarating sa pinas puro ang pinapaniwalaan yung napapanood sa tv. Pero ngayon, kahit kanino proud pa sila ipakilala ako as Pinay!
Pasensya na kung napahaba. Pero maiba lang mga ka-tf kasi sabi ni summergirl pag matagal ka na dito doon mo ma-miss talaga pinas, bakit yung isang bruhang kasama ko dito sa work inuod na yata dito sa japan eh halos isuka nya talaga ang pinas!!! Di daw sya mabubuhay sa pinas!!! I wonder masyado kaya magulo pinagdaanan nya? Kaya nga kahit kapwa nya mga pinay ayaw ng lumapit sa kanya kasi kakaiba talaga ispirito nya eh!!!:p
sensei
08-22-2007, 03:50 PM
Ano po bang gimmik ito...mag-post ka po ng isinusuka mo (ninyo)yung pinas..ano
po ang ine-expect mong maging reaksyon namin...tas ayun kung saan saan napunta
ang topic....ngayon sasabihin po ninyo na nagulat ka sa pagiging tensyon ng mga
sumagot sa thread mo...na cool na cool kayong mag-asawa......
sobrang galit ata yan...pinepersonal mo ba ako? kasi sinabi ko sa post nag usap na kaming mag asawa for good. matatanda na kami kaya hindi namin dapat idaan pa sa away. Nakikita ko sa mga posts niyo ang galit...normal yon kasi tao kayo. Pinatulan ko ba bawat galit sa puso ninyo? Inunawa ko bawat pinaghirapan niyong i-type. Sa halip ipinaliwanag ko sa asawa ko bawat nakapost dito. Ang sagot niya "so desu ka...warukatta ne" hanggang sa nailbas lahat ng usapin. kailangan bang magrambol kami dito para sa iyo? Or do I have to say sorry to every TF members na nabulahaw ko? Nagalit ka/kayo, taos ba sa puso mo yung ibinigay mong advice? Wala lang...gusto ko lang ipaalala nasa forum tayo. Kung gusto mo akong suntukin sabunutan ibibigay ko address ko or kung gusto mo ako pumunta dyan para maibsan galit mo.
Pasensiya na sa lahat kung nasabi kong ugaling hapon ako, kaya siguro kami magkasundo ng asawa ko.
Pass po muna sa hindi ko mareplyan...gising bunso ko.
proud me
08-22-2007, 03:57 PM
Ok lang binabasa ko isa-isa yan. Nagugulat lang ako sa pagiging hi tension ng ibang TF posters, since kaming mag asawa kalmadong nag usap haha. Cool akong tao...
YUng nasabi ko kanina kaburu, kabau po pala shempre asawa mo ikaw ang magkabatte kahit nagkamali. Jibun no kodomo to onaji, bago masita o masaltik ng ibang nanay ako muna ang susupil.
Ihanap ko daw ng private nurse at isang katulong sila mama, kasi ang napansin niya sa bahay, yung diapers na nakalat na iniipis. Binanggit niya ang tungkol sa kenkouhou (hygiene) para sa lahat.
. sensei...natural lang yung kabatteiru mo si mister mo natural lang yung sa mag-asawa...siguro nga mas maganda rin yang iniisip ng mister mo para sa mga parents mo...mas maganda pa nga siguro kung yung payments ninyo eh, Direct narin sa kukunin ninyo....pasensya na kung ma-OT ako...kasi minsan yung sisihan or sumbatan sa mag-kakapatid meron din hindi magandang nangyayaring totoo eh, na madalas one side lang ang napapa-kinggan tapos yun lang kwentong yun ang nahuhusgahan o nakakatanggap ng comment...natural lang din sa nag-kukwento na yung side lang din nya ang ikukwento niya.
kadalasan kasi yung mga problema mahirap lutasin dahil na nga rin sa hindi parehong nabibigyan ng chance marinig ang Both side...
kaya siguro yung problema nauuwi sa paninisi sa hindi naman dapat duon sisihin...
kaya para sa akin lang ang points ni mister eh,wala sa pilipinas...kundi sa problema mo sa pinas sa mga kapatid at parents mo at sa mga naging karanasan ng mister mo sa mga maling pang-aabuso sa kanya ng kababayan mo rin ...katulad mo ring pilipino...na ayaw lang tularan siguro ng anak niya.:)
cutie1403
08-22-2007, 04:08 PM
teka,sa pananalita mo parang kami pa ngayon ang nag-oover react?nagpost ka so akala namin nanghihingi ka ng advice.wag mo iexpect na maging kasing COOL mo din kami pag ganyang parang iniinsulto mo na ang bansa "namin".
at tungkol naman sa asawa mo ang alam ko kasi pag ang isang taong nakipaghiwalay na ay iisa lang ibig sabihin.may problema sa kanya.sabihin na natin na yung 2nd wife na pinay eh masama nga ang ugali tulad ng sabi mo (kahit di naman namin alam ang totoong nangyari) eh ano naman kaya ang kwento sa unang asawang hapon???masama din kaya ugali.kawawa naman pala asawa mo.natatapat sa mga babaeng masasama ang ugali kaya nahihiwalay!
dahil sa thread mo na to,binasa ko na tuloy ang iba mo pang thread para lalo ko makilala ka.well siguro nga can afford asawa mo bigyan ka ng luho at ang pamilya mo.grabe naman kasi bahay nyo.ultimo diaper nakakalat sa sahig kaya iniipis.para ko na tuloy naiimagine kung anong bahay meron kayo kaya ganyan na lang magsalita asawa mo.at anong klase naman may kapatid ka para pabayaan magulang nyo?
well,ikaw na lang ang makakasagot sa mga tanong namin.at sa pagkakabasa ko sa last reply mo sa thread na to na nakaquote sa itaas,nag-iba tingin ko sa yo!
infinite_trial
08-22-2007, 04:08 PM
sobrang galit ata yan...pinepersonal mo ba ako? kasi sinabi ko sa post nag usap na kaming mag asawa for good. matatanda na kami kaya hindi namin dapat idaan pa sa away. Nakikita ko sa mga posts niyo ang galit...normal yon kasi tao kayo. Pinatulan ko ba bawat galit sa puso ninyo? Inunawa ko bawat pinaghirapan niyong i-type. Sa halip ipinaliwanag ko sa asawa ko bawat nakapost dito. Ang sagot niya "so desu ka...warukatta ne" hanggang sa nailbas lahat ng usapin. kailangan bang magrambol kami dito para sa iyo? Or do I have to say sorry to every TF members na nabulahaw ko? Nagalit ka/kayo, taos ba sa puso mo yung ibinigay mong advice? Wala lang...gusto ko lang ipaalala nasa forum tayo. Kung gusto mo akong suntukin sabunutan ibibigay ko address ko or kung gusto mo ako pumunta dyan para maibsan galit mo.
Pasensiya na sa lahat kung nasabi kong ugaling hapon ako, kaya siguro kami magkasundo ng asawa ko.
Pass po muna sa hindi ko mareplyan...gising bunso ko.
sensya na at sasabat din ako. mukha namang hindi galit ang mga ka-tf dito. nakakuha man kayo ng negative comment, yun nga ay sa dahilang binase lang namin ang opinion dun sa sinabi nyo sa simula ng thread na ito.
misleading kasi yung topic e. "degrading -- paguwi sa pilipinas". mukha po kasing ang topic na ngayon ay "degrading -- tingin sa akin/pamilya ko ni mister"
you posted your problem in the internet, and you opened it for scrutiny.
suggest ko na lang na close nyo na ang thread kung ayaw nyo na po makarinig ng comment, tutal solb na ang problema nyo.
wolfgang
08-22-2007, 04:19 PM
sobrang galit ata yan...pinepersonal mo ba ako? kasi sinabi ko sa post nag usap na kaming mag asawa for good. matatanda na kami kaya hindi namin dapat idaan pa sa away. Nakikita ko sa mga posts niyo ang galit...normal yon kasi tao kayo. Pinatulan ko ba bawat galit sa puso ninyo? Inunawa ko bawat pinaghirapan niyong i-type. Sa halip ipinaliwanag ko sa asawa ko bawat nakapost dito. Ang sagot niya "so desu ka...warukatta ne" hanggang sa nailbas lahat ng usapin. kailangan bang magrambol kami dito para sa iyo? Or do I have to say sorry to every TF members na nabulahaw ko? Nagalit ka/kayo, taos ba sa puso mo yung ibinigay mong advice? Wala lang...gusto ko lang ipaalala nasa forum tayo. Kung gusto mo akong suntukin sabunutan ibibigay ko address ko or kung gusto mo ako pumunta dyan para maibsan galit mo.
Pasensiya na sa lahat kung nasabi kong ugaling hapon ako, kaya siguro kami magkasundo ng asawa ko.
Pass po muna sa hindi ko mareplyan...gising bunso ko.
sa tingin ko sensei... base sa nabasa ko .wala naman masama sa sinabi ni lowla ritzyu at di naman pa memersonal yun...base rin yun sa kanyang opinion... atsaka di naman siguro hangad ni lowla ritzyu na mag-away kayo ng asawa niyo ehhh...siguro naman di kami magpapakahirap mag type ng pagkahaba haba at magbigay ng aming comment kundi taos sa puso namin ito ??? atsaka di ganoon tao si lowla ritzyu di siya mahilig sa away kaya di na kailangan pang makipagkita at makipagsabunutan...d ahil di ganoon ang character niya:)
eto na lang ang last word ko.... nasa enviroment siguro na kinalalakihan ng tao at ang pamilya na pinagmulan nakukuha ang pag-uugali ng tao at pagiging proud niya sa pinagmulan niya....hindi dahil sa bansa niya...kahit ba nasa dulo pa kayo ng Pilipinas kung maganda at malinis at maaliwalas ang paligid mo....wala sigurong dahilan na ikahiya mo or magyuko ka ng ulo...pero kung galing ka sa marumi mabaho at talagang magulong lugar....ehhh sigurado yuyuko talaga ulo mo....(pero wag mong sabihin na yun lang ang Pilipinas) dahil maraming magagandang lugar sa Pinas. at marami rin magandang ugaling Pilipino na dapat ika taas ng ating noo:)
yan lang po no offense meant:)
ritzyu
08-22-2007, 04:23 PM
sobrang galit ata yan...pinepersonal mo ba ako? kasi sinabi ko sa post nag usap na kaming mag asawa for good. matatanda na kami kaya hindi namin dapat idaan pa sa away. Nakikita ko sa mga posts niyo ang galit...normal yon kasi tao kayo. Pinatulan ko ba bawat galit sa puso ninyo? Inunawa ko bawat pinaghirapan niyong i-type. Sa halip ipinaliwanag ko sa asawa ko bawat nakapost dito. Ang sagot niya "so desu ka...warukatta ne" hanggang sa nailbas lahat ng usapin. kailangan bang magrambol kami dito para sa iyo? Or do I have to say sorry to every TF members na nabulahaw ko? Nagalit ka/kayo, taos ba sa puso mo yung ibinigay mong advice? Wala lang...gusto ko lang ipaalala nasa forum tayo. Kung gusto mo akong suntukin sabunutan ibibigay ko address ko or kung gusto mo ako pumunta dyan para maibsan galit mo.
Pasensiya na sa lahat kung nasabi kong ugaling hapon ako, kaya siguro kami magkasundo ng asawa ko.
Pass po muna sa hindi ko mareplyan...gising bunso ko.
Sensei wala po akong balak na makipag-away...kung hindi naman maganda ang naging
dating po sa inyo ng mga na post ko....wala po akong pwedeng i-comment diyan..
nagco-comment lang ako naayon sa nababasa ko...kong di maganda ang nagiging
dating sa inyo...naghihingi rin ako ng pasensya.....pero yung ugaling Hapon na sinasabi
po ninyo...di ko na sakop po yan.....me sarili akong buhay na pinapatakbo at satisfied
ako...di ko na po kailangan sumakop pa ng problema ng iba..:) kung naka-offend ako
sa iyo o sa mga members na nakakabasa nito...pasensya na po sa inyong lahat....forum
po ito at di arena.......ayusin lang po ang tanong ng ayos din po ang sagot:)
sensei
08-22-2007, 04:29 PM
...kong di maganda ang nagiging
dating sa inyo...naghihingi rin ako ng pasensya.....:)
Ok pasensiya na rin, yung last post mo kasi parang gustong mang away.
pasensiya na gising parin anak ko.maikli lang ito para humingi ng pasensya. Or baka pagblik ko eh closed na siya...salamat sa advice
LORIE
08-22-2007, 05:35 PM
Sensie pasinsya na kung naka pag comment rin na di kagandahan base lng nmn sa una mong nilathala at yon ang openyon ko.
So ngayon, nasa sa iyo na ang huling desisyon ikaw rin ang nakaka alam kung ano ang nararapat at dapat.
Good luck at GOD Bless u & ur family
Hensoldt
08-22-2007, 06:09 PM
3rd Ok nag offer din siyang ibili ng bahay ako lang ang umayaw kasi pag aawayan lang ng mga kapatid ko for sure. So kusang loob na lang siyang nagpapadala ng 10L monthly kaya from this thread itinatanong ko kung magkano ang EKSAKTONG REMITTANCE (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=570 1). Magtataka ka kasi nung kapanahunan dati eh malaki ang palitan, bakit ni sofa hindi sila sila makabili eh dalawa lang naman sila sa bahay. Hindi ko sila tinanong kung saan dinadala ang pera kasi sabi ko mag enjoy naman sila. Nung umuwi kami sa pinas parang wala ring naipundar kahit gamit. Walang naglilinis dahil pumupunta lang mga kapatid ko twing katapusan. Hindi man lang nila alalayan magulang ko habang kayotteru sa byoin. Pag katapusan tska lang sila nagpapakita dahil alam nilang may pera...
Kaya from this thread naghanap ako ng Katulong sa Bahay (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=914 7).
4th Nagalit ang asawa ko...
Naconfine ako last April 24 for a month dahil nag 3cm na ako. Nagremit siya ng pera sa PNB ng April 30 nagkamali nga lang instruction kaya hindi agad nakarating sa pinas. Timing naman, mahaba naging holiday nun kaya nag aalala ako. Tumawag ako sa pinas kahit bawal ang ketai...ang bungad sa akin kulang yung padala mo. Sabi ko pagkasyahin nila kasi hindi pa ako makakalabas ng byoin. Pag labas ko after a month kinamusta ko sila, wala na daw pera kasi 12T lang palit. Bakit ganoon eh 10Lapad yon. Itinawag ko sa PNB Tokyo, may nag withdraw na daw ng madaling araw...Itninawag ko sa PNB Almanza totoo nga. yun pala winidraw ng bunso kong kapatid. Naikwento ko sa asawa ko kaya pilit niyang kunin ang parents ko para maging aral sa mga kapatid kong walang awa. Sa totoo lang ayoko talaga akong pauwiin ng husband ko sa pinas kundi lang sa magulang ko.
Eh yung mala-linta at salaula mong mga kapatid pala ang problema. Tama lang na i-iwas mo sa kanila ang anak mo. No offense.
Congrats nga pala sa new mommy. :)
ritzyu
08-22-2007, 07:49 PM
sa tingin ko sensei... base sa nabasa ko .wala naman masama sa sinabi ni lowla ritzyu at di naman pa memersonal yun...base rin yun sa kanyang opinion... atsaka di naman siguro hangad ni lowla ritzyu na mag-away kayo ng asawa niyo ehhh...siguro naman di kami magpapakahirap mag type ng pagkahaba haba at magbigay ng aming comment kundi taos sa puso namin ito ??? atsaka di ganoon tao si lowla ritzyu di siya mahilig sa away kaya di na kailangan pang makipagkita at makipagsabunutan...d ahil di ganoon ang character niya:)
yan lang po no offense meant:)
Tama ka diyan wolfy chang, wala sa lowla mo ang mag-ubos ng oras sa walang bagay
lalo na pakikipag-away....kung bolahan edi bolahan..kung maanghang ang tanong
edi medyo maanghang din ang sagot..kung matamis ang tanong edi asukal ang
sagot.:D ganoon lang di ba..tuloy-tuloy lang po tayo.....wolfy afuu arigato!..:)
aki^-^
08-22-2007, 08:15 PM
Pasali po...
Siguro depende sa tao ...ang asawa ko, mas gusto nya na dito sa pinas palakihin ang mga anak namin dahil nakita nya na magagalang ang mga bata....
Sa mga nabasa ko di po yung problema ang kinalakihan mo (pinas) kundi ang nasa paligid mo (kapatid mo)... Kung sa sa pagapalaki lang ng anak...mas ipagmamalaki ko ang Pinas...dahil maraming mga kabataan dito ay magagalang kumpara sa ibang bansa.
katty0531
08-22-2007, 09:23 PM
Good PM!
Naruhodo.....binasa ko lahat ng post dito sa thread mo sensie, kagaya mo malapit na rin akong maging isang ina, at kagaya mo rin i want the best OF ALL BEST! hehehe...for my child. Isa lang masasabi ko dito sa topic na to, kundi nagpapasamalat ako sa Dios at sa pagkakataong makapag asawa ng Hapon na yumakap o niyakap ang lahat lahat sa akin sa pagkatao ko, saan ako nang galing, ang bansa ko, etc. nagkaroon ako ng ina at dalawang kapatid na hindi pera ang tingin sa akin kondi isang kadugo nila na nagsisikap ding hanapin ang kaligayahan sa buhay. Open din sa asawa ko lahat lahat nang issue sa pamilya ko, ang PInas, pero never namin naging usapin ang ganito.
Goodluck sayo, salamat sa pag share nang ganitong storya samin, marami akong natutunan.
Chibi
08-22-2007, 11:31 PM
Pasali po...
Siguro depende sa tao ...ang asawa ko, mas gusto nya na dito sa pinas palakihin ang mga anak namin dahil nakita nya na magagalang ang mga bata....
Sa mga nabasa ko di po yung problema ang kinalakihan mo (pinas) kundi ang nasa paligid mo (kapatid mo)... Kung sa sa pagapalaki lang ng anak...mas ipagmamalaki ko ang Pinas...dahil maraming mga kabataan dito ay magagalang kumpara sa ibang bansa.
yes!sis Aki depende sa tao,at sa ugali ng tao at sa pagpapalaki ng tao sa anak niya!!kahit pa sabihin ng hubby ko rin na ganito ang Pilipinas,di yata ako papatalo,ammfff,i lab my own my native land:D ,tayo na rin ang magtatanggol dito, masama man ito sa tingin ng ibang lahi,di ko pa rin ito ipagppalit,marami pa rin tayong magagandang ugali na wala sa ibang bansa,na dapat pa rin nateng ipagmalaki at ipaglaban!:) opinyon lang po!