View Full Version : normal ba sa japan ang magpakasal ng mag-isa?....
myuki
08-24-2007, 02:08 AM
i ask my japanese friend sa process para makasal dito sa city hall dito sa japan....
sabi nya busy kase bf ko kaya ako nalang daw magpakasal nag isa...may kekkon todoke na ako...sabi nya pa-fill-up-pan ko lang daw sa bf ko yun kekkon todoke at ipasa sa city hall.. kasal na daw kami ng bf ko...wait na lang ng new koseke ni bf... tulad daw ng pinagawa nya sa asawa nya...
bigla ko tuloy na-isip pano kaya kung sabihin din sakin ng bf ko yun kase weekends lang yasumi nya tapos sabi nya kong sa saturday daw kami papakasal parang walang meaning yung anniversary namin kaya sa sep, 6 (kase birthday nya yun) nalang daw... eh thursday yun...wala pa naman syang sinasabi kong yasumi ba sya non or not... parang ayoko itanong kong yasumi ba sya or not kase baka pag sinabi nyang "fill-up-pan ko yan at ipasa mo sa sep, 6" eh madisappoint ako...at biglang my lumipad..... i mean di naman ako amisyosa na naghahangad ng wedding party or church wedding pero naman no way na magpapakasal ako ng mag-isa... kahit pa sabihing wala namang ceremony don at mag-papasa lang ng papel... AYOKO... natatakot ako na marinig sa kanya yon...
*not becausel, baka makasal akong mag-isa dahil alam kong kong pag-uusapan namin yun maia-adjust namin yung shed para magkasama kami sa kasal sa city hall
*but because, di ako sure kong itutuloy ko kasal sa taong parang registration lang ang tingin sa kasal
its nice to here na concern sya sa magiging anniversary namin...pero aanhin mo yun kong ang maaalala mo eh ang araw na nagpakasal ka ng mag-isa....
make's me wonder kong ano ang naging pakiramdam ng asawa ng japanese friend ko..
sana maintindihan nyo ang magulo kong explanation...pasens ya na po...:bonk:
sa tingin po ninyo mga ka-tf... pa ask naman your hubby kong normal lang dito na mag-pakasal mag-isa:japanese:
marivic
08-24-2007, 03:41 AM
Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang mararamdaman ko. Nakakapanghina ng loob. Talaga bang gusto niyang magpakasal? Parang kulang sa devotion, di ba?
Bakit di mo sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo? Hindi ko alam kung maraming kasong ganyan sa mga hapon. Pero di normal na lahat ay ipagagawa sa babae lang. Pangit na simula yan ng marriage.
Sa pagsasama kasi, lalo na sa kaso natin na foreigner tayo, importante ang komunikasyon. Magkaiba ang ating kultura at sa kanila at komunikasyon lang ang makakapagdugtong ng ating 'differences'.
la_tina512
08-24-2007, 06:38 AM
Sa pagsasama kasi, lalo na sa kaso natin na foreigner tayo, importante ang komunikasyon. Magkaiba ang ating kultura at sa kanila at komunikasyon lang ang makakapagdugtong ng ating 'differences'.
Oo nga naman. Hindi lang communication, nakikita ko dyan walang suporta sa 'yo boyfriend para palakarin kang mag-isa. Sa umpisa pa lang hindi mo na siya makitaan ng pag-alalay or ng support, pano na pag mag-asawa kayo? Baka mangyari ikaw na lang lagi mag-isa ang kumilos. Nakaka-frustrate pero meron talagang ganyang hapon.
mrs-mymelo
08-24-2007, 08:02 AM
Marami akong narinig na ganyan dito sa amin...haayyy oo nga naman ang bilis ng sakalan dito..I mean kasalan,too practical sila (mayroon pa rin namang nagpabasbas,bihira), kasing bilis ng divorce...Sus,kung ganyan lang ang kasal para sa akin,huwag na lang....SArap ng feeling na may tema ang kasal natin di ba?It's just once na ikakasal tayo,dapat importante tayo sa date na 'yan...:) :)
katty0531
08-24-2007, 02:01 PM
Kung pareho kayong andito lang sa Japan, hindi ko nakikitang excuse yong pagiging "busy", sa work o kung ano man, para i dahilan na papuntahin ng cityhall mag isa, baket??? siguro di talaga ako pupunta, sabay nalang kami pumunta pag di na sya busy??
Until now, di ko pa rin malimutan sinabi saken ng asawa ko to, thru long distance call "Shiakusho no hito ga ne, Omedetou guzaimasu~~~~ te" hehehe, ureshii ne....sabi ko sa isip ko, sana ako rin narinig ko yon....sarap kaya makarinig ng ganon.
proud me
08-24-2007, 02:18 PM
Oo nga naman. Hindi lang communication, nakikita ko dyan walang suporta sa 'yo boyfriend para palakarin kang mag-isa. Sa umpisa pa lang hindi mo na siya makitaan ng pag-alalay or ng support, pano na pag mag-asawa kayo? Baka mangyari ikaw na lang lagi mag-isa ang kumilos. Nakaka-frustrate pero meron talagang ganyang hapon. parang nakaka-lungkot din para sa isang babae kung iisipin...siguro naman kahit anong isogashi ni BF kung talagang gugustuhin nyang bigyan ng time yun pwede naman siguro kaya nga lang iba-iba nga kasi ang ugali ng tao...kaya baka nga magiging ka-labas labasan nalang nyan sa lahat ng bagay ikaw nalang ang mag-gagambate...
summergirl
08-24-2007, 07:59 PM
Marami akong naririnig na ganyan,nakakapanlamb ot,,Mag-papakasal wala ang kapartner..Ano kaya iyon..Ay ewan ko!!trabaho ..trabaho..trabaho..
diane-hideki
08-24-2007, 08:41 PM
kawawa naman ang babae kung mag-isa lang sya magpapakasal....pero maswerte ka pa rin at least kaya kang pakasalan di gaya ko!(magdrama ba daw)...gudluck nalang ha! kaya mo yan....
ritzyu
08-24-2007, 09:45 PM
Meron ngang ganyan busy si habibi halos hindi maiset ang araw ng pagpapakasal..
sana mag-sama ka man lang ng relatives niya ate kaya o magulang para di ka naman
mukhang kawawa...at least wala siyang reklamo sa kasal ninyo. Alam mo me problema
lang diyan pag nag-aaway na kayo..baka me isumbat sa iyo di ka makakakibo..bakit
naman kasi isang araw lang di pa maibigay sa iyo..pero yung pupunta ka ng nag-iisa
lungkot naman niyan...sana pasama ka kahit sino sa relatives niya pwede na yon:)
aki^-^
08-24-2007, 10:07 PM
well... kung ganun ko kakilala si hubby at kung alam ko na mahal na mahal nya ako.... kahit magpakasal ako mag isa okay lang... nasa amin na yun kung nagkakaintindihan kami... basta kasal ako sa kanya...hehehehhe:D pero sa isang kundisyon.....ikaw na bahala sis kung anong kundisyon, hehehehhehe:D
a_kiss
08-25-2007, 12:01 AM
eh ganun din naman yun mga hubby ng mga nag pakasal sa pinas ? sa pinas may wedding ceremony pa nga yun iba.
pero pag dating sa japan papakasal mag isa ang asawa nyo dahil pipirma pa sya ng kekkon todoke mag isa yun part na dapat babae pipirma eh si lalake lang din ang pipirma .ipapasa nya mag isa (ano kaya feelings din nila ano ?)....kaya yun kasal sa pinas at japan mag kaiba ang anniversarry? dahil ang sinusunod dito eh yun sa japan hindi yun kasal sa pinas.
kaya mo iyan kunwari kasama mo sya..basta wag kang papahalata na nagsasalita mag isa ha :D mahalaga maging legal pagsasama ninyo .diba po ;)
mrs-mymelo
08-25-2007, 12:08 AM
well... kung ganun ko kakilala si hubby at kung alam ko na mahal na mahal nya ako.... kahit magpakasal ako mag isa okay lang... nasa amin na yun kung nagkakaintindihan kami... basta kasal ako sa kanya...hehehehhe:D pero sa isang kundisyon.....ikaw na bahala sis kung anong kundisyon, hehehehhehe:D
Nangyari din naman ang kasalan na kaming dalawa lang...:D ..partial lang 'yon ha?
myuki
08-25-2007, 04:40 AM
mymelo-san, a-kiss-san, marivic-san, la-tina-san, katty-san, proud me-san, summer girl-san, diane-hideki-san, ritzyu-san at aki-sa salamat sa inyo...
alam ko naman na mahal ako ng boyfriend ko.. we've been together for 3 years (but im not saying na time ang basis) sa Experience, narami na rin kaming pinagdaanan... mga ups and downs.... masaya malungkot..etc...
kung time para sakin wala naman kaming problema jan wag lang sasabay sa oras ng work nya....
wala pa naman syang sinasabi.... pero if ever malulungkot talaga ako.... love ko kase talaga yung sakang na yun eh,,,, nakakalungkot isipin na tuwing sasapit ang araw ng anniv. namin eh yun ang maaalala ko... mabigal ang kapalit non if ever....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.