PDA

View Full Version : Help please: Gustong ma-divorce sa asawa


bulma
08-25-2007, 11:28 PM
mga ka TF hingi po ako ng advise sa inyo kung ano ang dapat kung gawin.
ganito po yun, gusto ko nang i rekkon ang asawa kung hapon kasi hindi na po kami nag kaka intindihan at nag sawa na po ako sa araw araw naming pag aaway. may anak po kami 1yr & 5mos.bali hawak kung visa ngayon ay 3yrs at hanggang 2009 nalang po ito..hindi pa po ako masyadong naka pag salita ng nippongo dahil hindi po ako pinayan ng asawa ko na mag aral ng salita nila kasi magastos daw sa pamasahi ng train at bayan sa teacher.
ano po ang una at dapat kung gawin para ma rekkon ko sya? at kung rekkon na kami maroon bang tulong galing sa government nila habang hindi pa ako makapag trabaho?
sana po may sumagot sa tanong ko at salamat po..

shakey
08-26-2007, 12:26 AM
hi sis bulma:) cgurado ka na ba sa desisyon mo? baka naman nastress ka lang,or baka naman kailangan mo munang mag pahinga pwede ka nmn umuwi muna sa pinas.pag isipan mo muna mabuti yan sis tsaka isipin mo muna yang anak mo dahil pag na rekon ka na kawawa ang anak mo mawawalan sya ng daddy..how sad dba?:( kung sa visa naman wala kang problema dahil may anak ka pag na rekon ka yang anak mo ang mag bibigay sayo ng visa,about sa tulong ng gobyerno pwede ka nilang tulungan dahil single mother ka..ang magandang gawin mo mag sodan ka sa city hall or dun sa mga volunteer na mga kababayan natin dahil sabi mo nga na di ka masyadong marunong magsalita ng hapon.pero ako sayo sis pag isipan mo muna mabuti ang mga gusto mong mangyari dahil mahirap maging single mom.ganbate po:)

megami704
08-26-2007, 01:49 PM
Agree ako kay shakey. Pag-isipan mo muna dahil mahirap din maging single mother, lalo na dito sa Japan. At baby pa ang inyong anak, baka mahirapan ka lalo na sa gastos at yung pag-aalaga dahil syempre magttrabaho ka rin. Kung good provider naman ang asawa mo sa inyo, i think ang problem nyo lang is communication. Mahirap talaga pag hindi ka masyadong marunong ng hapon, lalo na kung yung japanese husband mo ay walang tyaga mag-explaine sa bagay na hindi mo maintindihan. HIndi mo rin masabi ang iyong feelings dahil nangangapa ka ng right words para sa gusto mo sabihin. Isipin mo muna kung ganun ba sya kasama para hiwalayin mo, or stress din sya kaya napapa-away kayo. Pag may time ka, magself study ka na lang ng nihonggo, im sure may matututunan ka din, or bili ka ng books.

bulma
09-07-2007, 10:42 AM
mga ka tf pasensya na po ngayon lang ako naka pag tf uli, pinalayas kasi ako ng asawa ko at ngayon dito na ako sa bahay. shakey san at megami704 maraming salamat sa payo:)

mga ka tf mag tanong uli ako kasi disidido na talaga ako na hiwalayan ang asawa ko dahil hindi kuna kaya sinasaktan na nya ako. sabi ng asawa ko na kung hiwalayan ko siya papayag daw sya pero pag katapos isumbong nya ako sa immigration kasi yung nag talento pa ako ibang pangalan ang gamit ko at nung kinasal kami tutuong pangalan kuna.
ngayon ang tanong ko huhulihin ba ako dito sa immigration at mapapauwi ba ako sa pinas? paano na ang anak ko madadala ko ba sa pinas kahit japanese passport at dito sya pinanganak?
please mga ka tf nangangailangan ako ng sagot ninyo please

lay
09-07-2007, 11:22 AM
may libreng paaral ang cityhall.Dito kasi samin meron every sunday lang siya at 3 hours lang.Ako nga nag-aaral kasama ko pa baby ko.Siguro kung mag-aaral ka ng nihonggo sa private mahal talaga.One teacher per student pa.Try mo ask sa cityhall about nihonggo no kai baka meron.:)

bulma
09-07-2007, 11:49 AM
lay san, salamat sigi itry kung mag tanong sa cityhall salamat talaga :)

about sa pangalawa kung tanong kung sino ang nakakaalam nito please paki sagot naman please!

Aizeh
09-07-2007, 05:16 PM
Hello Bulma san taga NPO po ako and lawyer po hubby ko,sa question mo na pag nagsumbong ang hubby mo sa immigration na immitation ang dati mong name noong nagtalento ka at ngayong kinasal kana true name na gamit mo ay makukulong ka nga at pati ang hubby mo makukulong din dahil sangkot din sya kaya nakasal kayo diba it means sya rin may mali na tinulungan ka na makapunta d2 sa japan ng ganun kadali na nag change ka lang ng true name mo nakabalik ka na agad d2."Kaya ang sabihin mo sa asawa mo pag isusumbong mo ako sa immigration sasabihin ko rin na ikaw ang tumulong sakin para maayos ang record ko at makapunta uli d2 sa japan".Yan ang gawen mo panakot sa kanya,may connection po kami sa immigration thats why alam po ni hubby kalalabasan ng mangyayare sa gagawen step ng hubby mo pag magsusumbong man sya.Sigurado matatakot din sya na makulong kaya mas maigi na manahimik ang asawa mo kawawa ang baby nyo pag nakulong kayo pareho.Kung may question pa po kau feel free po.Pwede mo rin ako tawagan 080 3081 3311 Deanne Hayasaka.

bulma
09-07-2007, 10:25 PM
Aizeh san, maraming salamat sa reply, sinabi kuna yan sa asawa ko, ang sabi nya wala daw syang kinalaman doon sa ginamit kung pangalan at mga pinang gagawa ko dati. pinakasalan daw nya ang toong ako at hindi yung ginamit kong pangalan. wala rin daw syang alam kung paano mag process ng kasal sa pinas ako daw yung nag asikaso at isa pa hindi daw sya marunong mag salita ng tagalog at english kaya hindi daw sya madadamay dahil wala daw syang alam.
at kung mag kataon na hindi sya madadamay at mapa uwi ako sa pinas at makukulong makukuha ba nya ang anak ko? pasensya na po na madami akong tanong wala kasi akong alam tungkol dito. salamat po

megami704
09-07-2007, 11:18 PM
kung sinasaktan ka nya, and tinatakot, may laban ka. Pweding magsoudan (maghingi ng advice) sa citihall nyo, sa citihall namin kasi, pweding magsoudan sa bengoshii ng libre especially about sa rikon, by schedule ang pagsosoudan. Palagay ko naman kanke nai na yung about sa immitation passport mo nung talento ka pa lang dahil tapos na yun and matagal na yun diba. Meron ba syang hawak na ebidensya? Palagay ko naman panakot lang nya sayo dahil ayaw ka nya hiwalayan. About sa anak mo, of course madadala mo sya sa pinas. And pweding ang anak mo rin ang magbigay ng visa sayo in case na talagang hindi ka na susuportahan ng asawa mo.

Aizeh
09-09-2007, 11:19 AM
Hello Bulma san kahit sabihin ng hubby mo na wala sya alam sa tagalog or english damay parin sya dahil asawa ka nya sangkot sya sa nangyaring pagchachange ng name mo.Nagdadahilan lang hubby mo para makaiwas sya pero mdadamay talaga sya na makukulong.Taga NPO po kami and may connection kami sa immigration thats why matutulungan ka nmin kung interesado ka.Lawyer din po si hubby kung gusto mo isodan mo ang lahat ng problem mo sa office namin.Para mabigyan ka ng advice or steps na ggawin mo.Call mo ako anytime kung interested ka bulma san

Deanne Hayasaka
MP: 080 3081 3311
Email add: hayasakafyten@yahoo. com
Main address:1-5 Nihonbashi Koamicho Chuo Ku Tokyo
Website: http://www.well21.net
____________________ _________
DoN'T GiVe UP :)

tfcfan
09-09-2007, 01:05 PM
@bulma san,pinakamabuting gawin mo eh pumunta sa cityhall nyo at dun humingi ng payo or sa mga NPO na assign dyan sa lugar mo at least dun libre kang makakahingi ng counselling.Magtanon g ka na lang kung anung araw at oras pwedeng mag-soudan.:)
Anyway san ka ba sa Osaka ?kase kung Osaka City ka mismo eh may english website sila regarding sa womens rights especially sa foreign residents.here's the link,paki click na lang.
http://www.ih-osaka.or.jp/enjoy/en/index.html
http://www.city.osaka.jp/shimin/english/jinken/01/index.html
guidance counselling for women:
http://www.ih-osaka.or.jp/enjoy/en/guidance/07.html

kyla06
09-10-2007, 10:23 AM
hi bulma san,alam mo pareho tayo ng situation,ang asawa ko naman,gusto ko pauwiin sa pinas nang hindi kasama anak ko,palagi din kami nag-aaway,cnasaktan nya din ako dati,natigill lang nung buntis ako.ngayon1 month na baby ko,cnaktan n naman nya ko at pinapalayas ako.lagi namin pinag-aawayan ung mga style ng pilipino,daikirai daw nya,sabi k naman bkt nag-asawa sya ng pilipina tapos pag may nakikita sya ako aawayin nya,kinalimutan ko nga pamilya ko sa pinas para sa kanya,hndi ako tumutulong sa pamilya ko kasi sabi nya dito daw sa japan walang anak na tumutulong sa magulang,hirap na hirap na din ako pakisamahan sya.ang sabi ko sa kanya hindi ako aalis nang d ko kasama ang anak ko.

kyla06
09-10-2007, 10:36 AM
galit sya sa mga pilipino kaya wala akong kaibigan,dito lang nabubuhos sa TF ang sama ng loob ko,makakapal daw mukha ng pilipino,mga sinungaling,walang isang salita,magaling lang daw sa salita,naririndi na ung tenga ko sa mga cnasabi nya,d k n lng pinapansin kasi alam ko di rin naman ako mananalo sa kanya eh,kht pamilya ko sa pinas walang alam sa mga nangyayari sakin dito,kaya feeling ko ngayon nag-iisa lang ako buti na lang nandito ang TF,kht papano nalalabas ko ung nararamdaman ko.

Aizeh
09-10-2007, 01:26 PM
Grabe namn ung ginagawa sayo ng hubby mo Kyla san.Kung hanggang ngayon sinasaktan ka pa rin dapat pumunta ka na sa pinakamalapit na Police Station malapit sa inyo para isodan mo mga nangyayare sau tiyak tutulungan ka nila.Pag kasodan mo sa kanila kukunin nila name and other info tungkol sau para pag sinaktan ka uli isang tawag mo lang sa police station kilala ka na nila.Siguradong kulong yang hubby mo.Kapapanganak mo lang diba wag mo hahayaan na sinasaktan ka medyo mahina ka pa kawawa nmn si baby kung mabinat ka dyan,ingat ka lagi and pray lagi kay god.:) God Bless sa inyo ni baby

kyla06
09-10-2007, 02:44 PM
akala ko kasi magbabago sya kapag nagkaanak kami hindi pala,para sya nagpapalayas ng aso,nagsisi talaga ko kung bakit ako nagpakasal s kanya,kaya siguro pati pamilya nya malayo s kanya kasi masama ugali nya.Pinagbibigyan ko sya akala ko dala lang ng sakit nya kaya mainitin ang ulo nya,diabetic kc sya,kaya lang umaabuso,cnabi ko s kanya kanina daikirai ko ung nanakit ng asawa,pag cnaktan nya pa ko ipapa-pulis ko na sya.

myuki
09-10-2007, 05:42 PM
tama ka jan kyla-san ipaglaban mo karapatan mo... punta ka din hospital para may record ka, ebidensya ba...

ako din ayoko sa mga lalaking nanakit ng asawa...yung friend ko before sanapak ng bf nya... grabe... na-aawa talaga me sa kanya... kaya nung nagka-bf ako ng hapon..ay naku...sabi ko sa kanya...pagsinaktan nya ko wag na sya matutlog kase di na sya magigising... magulang ko lang ang pwedeng mamalo sakin noh:D ...

megami704
09-11-2007, 11:09 AM
Once na nanakit ang asawa, hindi na magbabago yun kahit ano pa ang gawin nya. Chaka pinaka-importante sa relationship ay respeto, pag nawala na yun, hindi na magwowork ang marriage life nyo. Tama sila, pag inulit pa yun, ireport mo na sa pulis, hindi na tama yan.

shiawase
10-09-2007, 02:17 AM
Hi bulma san, nabasa ko ang problem mo so i just want to share my experience to you. I am also divorced sa una kong asawang hapon. 1yr old plang anak namin nung magdecide akong hiwalayan cia. Katulad mo, marami din kaming di pinagkakasunduan. Kaso ayaw niang makipaghiwalay dahil mahal na mahal nia ko so i decided na lumayas sa bahay nila (kasama kasi namin biyenan ko). Pero hindi nila sakin binigay ang anak ko kaya umalis ako na di kasama ang anak ko. Para makaalis na lang, pumayag ako pero sinumpa ko sa sarili ko na babalikan ko ang anak ko sa kanila at babawiin ko. For the meantime, magtatrabaho na lang ako nang maigi at mag-iipon para madali kong mabawi ang anak ko. Pero wala pang isang buwan gumawa ako ng paraan para makuha ko ang anak ko sa asawa ko. Success naman ang pagkuha ko sa kanya at nagpasya akong iuwi muna ang anak ko sa pinas tutal andun naman ang mama ko at mga kapatid ko para makapagfocus ako sa work ko dahil panggabi kaya taihen pag may bata pang aalagaan. Kinuha ko rin ang anak ko after 6mos. Nang malapit ng magexpire ang 1 year visa ko, nakiusap ako sa kanya na i-extend ako alang-ala sa anak namin para makapagtrabaho pa ako 2tal naman di naman cia nagbibigay ng suporta eh. Inuto ko rin na babalikan ko rin cia pag nakapag-ipon na ako kaya pumayag naman at nadala sa mahapang pakiusapan. Pero sinabi ko lang un para maextend ako dahil may bf nako that time na sumusuporta sa akin at sa anak ko na asawa ko na ngayon. Nakakuha ako ng 3yrs visa kaya swerte. Tumagal din ng 1 yr & 8mos bago kami nagrikon na hindi nagsasama ha, siguro narealize dn nia na hndi na tlg ako babalik sa knya. Ngayon kahit kasal na ako sa 2nd husband ko, gamit ko parin ung 3yrs visa ko na mageexpire na next year. Madali lang naman magrenew dahil kasal ako at may anak na kami.

Kaya kung talagang desidido ka na sa gagawin mo, u have to face a lot of challenges & learn to sacrifice... Be strong, importante yan dahil may anak ka. Kakailanganin mo rin ng mga taong susuporta sayo lalo na sa sitwasyon mo na wala ka pang masyadong nalalaman. Who knows, baka matagpuan mo rin ang lalakeng handa kang tulungan at magbibigay sayo ng ginhawa pagkatapos ng lahat.... Ganbatte ne!!

lian
10-09-2007, 06:59 AM
tama po ang payo ng mga ka TF natin na humingi tayo ng tulong sa city hall! lalu na at nakakaranas na ng pananakit ng asawa,kahit po hapon yang asawa natin at tayo ay dayuhan lang, kung tayo po ang nasa katuwiran ay di po tayo pababayaan ng gobyerno ng japan!yan po ay base sa aking naging karanasan,ng minsang iwanan ko ang aking asawa.:)

musikaghie
10-09-2007, 07:19 AM
To BULMA and KYLA san,

Tama lahat ang sinabi ni Tfcfan at Lian san,Kailangang magsodan sa mga nasabi ni TFCFAN san,Para sa iyo Kyla,di na tama ang pagbubuhat ng kamay sa iyo ng asawa mo,Kung ayaw niya sa mga PILIPINO sana di na lang ikaw ang pinakasalan niya.Grabe siguro kung ako ang nasa kalagayan mo di ako makakatiis,Sa loob ng 13 yrs. naming pagsasama ng asawa ko, ni isang pitik sa katawan ko di ako nakaranas kasi.
Kaya Bulma and Kyla san Just pray to God na makayanan at masolve nyo mga problem ninyo,isa akong kasama nyo sa pag pray ng kalagayan nyo,Gambatte Ne!!!