PDA

View Full Version : visa..help po!

hirosh
08-28-2007, 01:41 PM
hello, newbie po ako d2 sa TF, me gusto lang po ako itanong,
1 1/2 year na po akong kasal at me anak na po ako, 1yr. 4months na sya. every 3 moths pumupunta ako ng shinagawa immigration para magpa stamp sa knila.
sa tingin po ba ninyo kelan ako mag kakavisa? hindi dn po 2matawag ang migmig sa kin.
thnkz

snoopy^_^
08-28-2007, 03:35 PM
alam mo pareho tayo ng problema matagal narin akong naghihintay ng visa pinuntahan na ako sa bahay ng migmig sabi nila pagnapuntahan ka na malapit na daw pero 2 months na ang nakakaraan simula nuon wala parin 1 year and 5 months na akong naghihintay pero hindi ako pumupunta sa migmig pra mag pa stamp at wala kaming anak ng hubby ko, basta ang sabi kay hubby ko hintay lang daw at hindi lang daw ako ang matagal marami daw:( akala ko nga nagiisa lang ako eh, totoo pala!!! ako think positive na lang kahit maiyak-iyak na ako sa ayaw at sa gusto nila ibibigay din naman eh , kung kailan hindi natin alam kasi kung hindi tayo bibigyan ehdi sana sa umpisa palang pinauwi na at duon na tayo pinaghintay!!! basta ako think positve enjoy mo muna ang walang work dahil pag meron na tayong visa kayod kalabaw na naman tayo pra sa family natin sa pinas:D :D :D

lay
08-29-2007, 02:36 PM
ako din waiting ng visa.Ngpupunta pa ako sa shinagawa para mgpatatak ng binigay nilang date.Sabi sakin jikan kakaru daw.Last time ako lang mag-isa pumunta di ko na isinama baby ko kc ang layo si hubby na lang ng bantay sa kanya.:) Lets pray na lang para mabigyan tyo ng visa agad.Saka pala bat wala naman ngppunta sa bahay namin na taga-immigration?saka totoo ba ccheck sila?

Aizeh
08-29-2007, 03:29 PM
Hindi man po kayo chinicheck sa haus nyo or check by phone pero sa neighborhood nyo sila nagtatanong.Marami talaga sa ngayon ang iniijewaru na kahit kasal na or kahit may anak na hinde kaagad agad binibigyan ng Hagaki or Visa ng migmig.Dahil ang Penalty ng OS sa ngayon ay 5 yrs kaya hindi po ganun ganun kadali sila magbigay ng VISA or Hagaki.May case po kami na ganyan almost ang problem nya ang hagaki nya inabot na ng taon mahigit at syempre gusto na nya magwork dahil sobrang bored na always everyday sa bahay for years,lumapit sya sa amin lawyer po c hubby and may connection po kami sa immigration ito po ung website namin http:www.well21.net so sinamahan po namin siya isodan ang problem nya,okane kakaru po pero willing po kasi tlga sya so tinulungan po siya OS lang po ang bad record nya then after a month narelease ang Visa nya.Marami na po natulungan ang organization namin na NPO (Non Profit Organization) but case by case po kung isosodan nya po ang buong story na nangyare at dun mabibigyan sya ng some advices to do.Kung interested po kayo eto po contact no. ko 080 3081 3311.Welcome po kayo magtanong

____________________ ___________
Always think positive, God Bless :wavey:

snoopy^_^
08-29-2007, 03:33 PM
Lay gaano kana ba katagal naghihintay? kasi dito sa amin halos lahat kami pinuntahan sa bahay at after few weeks lang tanggap na nila ang bala nila pero ako kahit napuntahan na hindi parin nila binibigay :confused:

lay
08-29-2007, 04:04 PM
naka-apat na ako kakapunta sa immigration.yung kasamahan ng ate ko sa omise lihim sya ngwwork sa gabi tapos imitation pa kasal nya.naka-anim balik dyan cya sa immigration ayun now my visa na sya.hay!buti pa sya..yung mga legal na ngpakasal e tagal ang pag-aantay sa visa..

Aizeh
08-29-2007, 04:24 PM
Case by case po kung may bad record kayo matatgalan talaga ang pagbibigay ng hagaki nyo, aabutin ng taon hinde pa alm kung kelan.pero kung maganda record nyo wala pa 3 months ibibigay agad nila hagaki nyo.Marami po kasi nagpapakasal ng immitation ngayn habol lang is visa at mkapagtrabaho kaya lahat po ng applicants na nag dudust ng paper sa immigration talagang sine serabiru po nila.

snoopy^_^
08-30-2007, 05:36 PM
korek ka dyan lay!;) kung sino pa ang tutoo na kasal at talagang hindi muna mag work habang naghihintay sya pa ang binibigyan ng hard time. Last year may nahuli dito nag work habang waiting meron atang kulang na papel pra ibigay sa migmig, ikinulong at na interview kahit hindi talaga pareho ang mga sagot nila binigyan parin ! minsan isip ko nga eh, kung mag work at magpahuli kaya ako pra mapabilis ang paghihintay ko yun nga lang kulong muna ng konti :D

superb
08-30-2007, 06:58 PM
hello po! newbie po ako as in kaka registered ko lang ngayon,! buti po nakita ko agad itong forum nyo:) nakarelate po ako sa topic na ito kasi po visa rin problema ko:( bagong kasal lang po ako last june this year, 6mos. pregnant po ako ngayon, bale yung staff po dito sa kuyakusho namin ang nakikipag usap sa immigration about my visa, hindi pa po kmi pmupunta ng asawa ko sa immig. binigyan po ako ng cityhall dito ng bostecho[B]record po ng bata, houkein wla pa po ako, nung pumasok po kasi ako d2 ibang name po ang gamit ko, nag woworied po ako kng pag punta ba nmin ng immig. papauwiin ba nila ko sa pinas bilang penalty ko:confused: please help me naman po, kahit sa advise lang mababawasan siguro yng pag iisip ko. thank you po, regards sa lahat ng memeber;) god bless us:) :wave:

Aizeh
08-30-2007, 11:46 PM
So u mean OS ka ba ngayon? Pumasok ka ba dito na iba kamo name mo,anung name ginamit mo nung kinasal ka? Lawyer po hubby ko nag aayos din kami ng ganyang cases.6 months n pala tiyan mo dapat maayos mo na habang maaga visa mo para makakuha ka n ng hokken na magagamit mo,at ni baby.Eto contact no ko kung gusto mo mag tanong welcome ka anytime. 080 3081 3311 Deanne Hayasaka po
____________________ _______
Put god in your heart :wavey:

snoopy^_^
08-31-2007, 02:01 AM
superb hindi lang naman ikaw ang naghihintay at ibang name ang ginamit pra makapasok dito sa japan marami tayo kasama na ako, basta pagpunta mo sa migmig magsabi ka lang ng totoo at kung paano nangyari maintindihan naman nila yun:) yung isang friend ko nga OS ng 15 years at 2X na ibat ibang name ang ginamit nabigyan din naman eh, basta magsabi lang ng totoo at wag matakot lalo na kung tutoo naman ang kasal mo yun nga lang hindi talaga natin alam kung kailan nila tayo bibigyan:confused:

sharpener
08-31-2007, 04:24 AM
hello, newbie po ako d2 sa TF, me gusto lang po ako itanong,
1 1/2 year na po akong kasal at me anak na po ako, 1yr. 4months na sya. every 3 moths pumupunta ako ng shinagawa immigration para magpa stamp sa knila.
sa tingin po ba ninyo kelan ako mag kakavisa? hindi dn po 2matawag ang migmig sa kin.
thnkz

gomen, pwede po magtanong?
ano po ang pinapa-stamp nyo every 3 months???

di ba once nagapply ka ng visa tatatakan ng "applied" then wait ka na lang ng hagaki sa bahay nyo:confused:
mendokusai nga yang every 3 months pa-stamp ka pa sa kanila..grabe

superb
08-31-2007, 09:16 AM
So u mean OS ka ba ngayon? Pumasok ka ba dito na iba kamo name mo,anung name ginamit mo nung kinasal ka? Lawyer po hubby ko nag aayos din kami ng ganyang cases.6 months n pala tiyan mo dapat maayos mo na habang maaga visa mo para makakuha ka n ng hokken na magagamit mo,at ni baby.Eto contact no ko kung gusto mo mag tanong welcome ka anytime. 080 3081 3311 Deanne Hayasaka po
____________________ _______
Put god in your heart :wavey:
thank you po Aizeh san,i really appreciate, ngayon po OS parin me kasi di pa ko na bibigyan ng visa kasal lng kmi ng hubby ko sa phil. embassy dito at sa cityhall dito smin, yng ginamit ko pong pangalan nung kinasal ako tunay kona pong name, kumuha po ako sa tokyo phil. embsy. ng passport ko. buti nga po mabait yung staff ng cityhall dito nabigyan nya ko ng record ng bata khit wla pa me V, pinasa na daw ng cityhall yung mga papers ko sa immig. kaya ngayon po waiting pa kmi ng call ng immig. or cityhall kng kelan ang interview ko.. thank you very much po

superb
08-31-2007, 09:31 AM
superb hindi lang naman ikaw ang naghihintay at ibang name ang ginamit pra makapasok dito sa japan marami tayo kasama na ako, basta pagpunta mo sa migmig magsabi ka lang ng totoo at kung paano nangyari maintindihan naman nila yun:) yung isang friend ko nga OS ng 15 years at 2X na ibat ibang name ang ginamit nabigyan din naman eh, basta magsabi lang ng totoo at wag matakot lalo na kung tutoo naman ang kasal mo yun nga lang hindi talaga natin alam kung kailan nila tayo bibigyan:confused:
thank you sa reply snoopy chan,,,,pareho pla tau! kaya nga kahit nsa cityhall pa lng ako sinabi ko na yung totoo kya siguro willing akong tulungan ng staff nila, hirap pa nman makipagusap kasi nihon jin, di pa nman ako masyado marunong mag nihongo:( kasi yung ibang mag pilipina dito smin pag nakakausap ko parang dina down nila ko na pag punta ko daw ng immig. papauwiin daw ako agad kaya worried ako dito sa nasa tyan ko, ok. lang nman na dun ako manganak sa pinas kaya lang dami lalakarin na papel diba tapos di ko pa alam hangang kelan ako wait visa pag nasa pinas ako, just in case na pauwiin ako!:cry:
snoopy chan, kaw ba dito kana nag antay ng visa mo??
hindi ka binigyan ng penalty??
sensha na wla me makausap about sa status ko,delikado kasi!!

lay
08-31-2007, 11:13 AM
yung ibinigay na papers sakin ng immigration ay "Permit for Provinsional Release" yan yung pinata-tatakan every 3 months sa migmig.

Aizeh
08-31-2007, 06:53 PM
Hello superb san wag ka mawawalan ng pag asa naidust na pala ng cityhall kamo ung papers mo sa migmig,sana totoo n naidust n nga nila kasi ang alam ko mismong kayu dapat ang magdudust dun sa migmig sabay interview na diretso at kung tatatakan ba or hinde ang passport mo ng application no. it means waiting ka na ng hagaki mo pag tinatakan.First time ko makarinig kasi n city hall ang nagdudust ng paper sa migmig sa pagkakaalam ko Atty lng ang pwede mag sub or magproxy sa client kung may problema.Pero kung sure k nmn n naidust na nga ng city hall ang papers mo sa migmig,eh wait ka nlng ng call nila.Pray ka lng ok sana maayos n sana lahat ng problem mo.Ingat ka lagi at si baby ingatan,Kung may question kapa tanong k lng,or call mo ako anytime welcome. God bless:halo:

superb
08-31-2007, 08:09 PM

thank you very much Aizeh san ha:wink: at least ngayon nag karoon ako ng peace of mind, medyo magaan n yung feeling ko!!!wait ko lang yung call ng cityhall then call you soon!!ingat palagi :) god bless

snoopy^_^
09-01-2007, 01:55 AM
Siguro iba-iba ang sistema ng migmig kasi puro hagaki at pa-stamp ang ginagawa nyo every 3 months, kasi dito sa aichi-ken ang pinadadalan lang ng hagaki yung mga nag-encho as far as i know kasi yan ang nangyayari sa mga friend ko dito, at yung mga waiting wala kaming pinapa-stamp sa migmig basta hintay lang kami ng call nila kung kailan kami papupuntahin sa migmig yun ang sabi mismo ng migmig sa akin nung nag-file ako ng application sa immigration sa nagoya, at kapag nag follow-up naman ang hubby ko sa kanila yun din ang sabi na maghintay ng call hindi lang sa akin kundi sa mga kakilala ko din halos pareho ang sistema yun nga lang sila meron na ako waiting parin:angry: about city hall naman dyan lang natin kukunin ang mga documents na kakailanganin sa pag file ng application sa immigration ( katulad ng document ni hubby at kasal ) pero kung meron taga city hall na tutulungan ka hangang migmig lucky ka!!;) kasi ako nga meron akong friend na taga city hall pero kankenai daw sila sa migmig ang kanila lang ay mga documents at assist lang kung ano ang dapat gawin nating nga pinoy.
Superb hangang ngayon waiting parin ako:order: at nung nainterview ako sa migmig sabi nung naginterview sa akin magsabi lang totoo at makiusap ng maayos hindi ka namin pauuwiin mabait naman sila kaso yung mga kasabay ko sinisigawan kasi paiba-iba ang statement kaya napapagalitan kaya don't worry ma stress ka lang nyan enjoy mo muna ang walang work:hihi:

snoopy^_^
09-01-2007, 01:58 AM
nakalimutan ko pong sabihin na tama yung sabi ni aizeh chan na ikaw mismo ang kukuha at mag file ng documents mo sa immigration yan din ang kasi ang ginawa ko eh, pra makasigurado ka tanungin mong mabuti sa city hall ang tungkol sa papers mo meron naman marunong mag english dyan eh, pra maexplain ng mabuti sayo kung hirap ka sa nihongo:) or isama mo ang hubby mo.

superb
09-01-2007, 09:10 AM
thanks snoopy chan, ang sabi kasi ng cityhall nung huling punta nmin ng hubby ko w/c is last aug 15, i po-forward na daw nila yung papers ko sa migmig, then tatawag daw skin yng cityhall kng kelan kmi pupunta sa immig. ng hubby ko, kaya until now wait parin ako ng call ng cityhall, :nono: kinukulit kna nga hubby ko na tawagan na yng cityhall, sa sobrang kulit ko nagagalit na si hubby:( pag sinabi daw ng cityhall gagawin daw, wag daw me mag alala:p kaya eto wla me magawa kundi mag wait ng call:rolleyes: anyway thank you sa convinsing power nyo, medyo gumaan yung feeling ko:sweeties: take always, god bless:halo:

lay
09-01-2007, 11:54 AM

@superb
wow LUCKY ka naman at cityhall pa ang mgpo-forward ng papers mo sa immigration.Alam ko kc kankenai ang city hall dun ituturo lang nila ang gagawin.Ako kc nglakad ng papers ko,4 months palang baby ko nun dala namin ng hubby ko hirap pa naman kapag maaga sa densya daming pasahero.

hirosh
09-01-2007, 02:08 PM
gomen, pwede po magtanong?
ano po ang pinapa-stamp nyo every 3 months???

di ba once nagapply ka ng visa tatatakan ng "applied" then wait ka na lang ng hagaki sa bahay nyo:confused:
mendokusai nga yang every 3 months pa-stamp ka pa sa kanila..grabe

pinapa stamp ko every 3 months ung ung parang provisional... para khit maglakad lakad ako khit saan d ako mahuhuli ng mga pulis, pero d ako pede lumabas ng tokyo kc hanggang tokyo lang ako pede mamasyal, grabe talaga!

hirosh
09-01-2007, 03:26 PM
ako din waiting ng visa.Ngpupunta pa ako sa shinagawa para mgpatatak ng binigay nilang date.Sabi sakin jikan kakaru daw.Last time ako lang mag-isa pumunta di ko na isinama baby ko kc ang layo si hubby na lang ng bantay sa kanya.:) Lets pray na lang para mabigyan tyo ng visa agad.Saka pala bat wala naman ngppunta sa bahay namin na taga-immigration?saka totoo ba ccheck sila?
kelan ka ulit babalik sa migmig? ako sa oct 25.

lay
09-01-2007, 04:18 PM
Nov.9 pa ako pinababalik sa migmig.

superb
09-01-2007, 06:44 PM
@superb
wow LUCKY ka naman at cityhall pa ang mgpo-forward ng papers mo sa immigration.Alam ko kc kankenai ang city hall dun ituturo lang nila ang gagawin.Ako kc nglakad ng papers ko,4 months palang baby ko nun dala namin ng hubby ko hirap pa naman kapag maaga sa densya daming pasahero.
sana nga lay chan lucky me, kasi kng sinabi nman ng cityhall na kmi na lang pmunta sa migmig, para mag file ng papers ko 4 visa pupunta nman kmi ni hubby, kaya lang sbi nila mag wait kmi dahil sila nakikipag communicate sa migmig, sbi ko na lang sa sarili ko siguro concern lng yng cityhall skin kasi nga OS pa me hanggang ngayon, kya di ako pede mag gagala:( , kaya until now wait and wait and wait parin me:rolleyes: thank you sa idea ha, baka nga ending hihintayin pa muna nila me makapanganak then saka me palalakarin papuntang migmig:confused: wag naman sana:rolleyes: thank you ha

Aizeh
09-01-2007, 07:11 PM
Hello superb tanong ko lng kung kinuha ba ng city hall ung mga requirements n dinadust sa immigration,mostly po sa mga OS personal interview po ang gingawang interview ngayon.Eto po ung mga requiremnts n dinadust:
@PASSPORT mo na bago n apilido n ni hubby gamit mo
@B-Certificate mo red ribbon at translated sa japanese
@LCCM mo xerox copy
@ROM mo xerox copy
@Alien card mo
@2pcs 4cmx3cm picture
@KOSEKI TOHON ni hubby n bago kung san nkasulat ka don n asawa n nya
@JUMING HYO 1pc kay hubby
@TAX CERTIFICATE ni hubby last year
@ZAISEKI SHOMESHO ni hubby
@MIMOTO HOSHOSHO ni hubby
@KEKON SHOMESHO
@SHITSIMOSHO
@Picture nyu ni hubby n magkasama kau 2-3 pcs
@Copy of DRIVERS LICENSE & PASSPORT ni hubby

kung lahat ng to kinuha sa inyu ng city hall it means totoo na naidust nila ang papers nyu sa immigration.Hinde tumatanggap ang immigration ng papers ng hindi kompleto.Sa NPO po ako nag wowork may 300 people na po kami nahawakan n ganyan ang case tulad nyu na OS ang problem lahat po lumabas ang hagaki nila 1 to 3 months lang po inantay nila.Kung willing po kayu mag antay ng taon sa visa nyu nasa inyu po kung pagtiyagaan nyu po mag antay. Kung interesado po kayo lumapit s amin NPO welcome po kayo or tawagan nyu po ako 080 3081 3311 Deanne Hayasaka po.

GOD BLESS

superb
09-01-2007, 07:47 PM
aizeh chan, yung passport ko lang at lccm, koseki tohon included my name, di kona alam kung ano pa yung pinasa ng hubby ko, pero yung mga picture namin nasa akin pa pinapa ready pa lang nila, kasi yung cityhall ang mag iinform sa amin kung kelan kami pupunta ni hubby sa migmig, sila kasi ang kumakausap sa migmig. kaya waiting kami ng call ng cityhall. thank you sa concern ha.

angelica
09-01-2007, 07:57 PM
ang pgkakaalam ko rin ay pga a ersonal kg mgaapply at mgdadala ng mga requirements na kailan sa immigration,although puede kang mgpa-assist sa mga lawyer(medyo mahal)or mga non goverment agencies(medyo mas mura)i never heard of someone being assisted by the city hall kase hinde na nila sakop at di na nila trabaho yan.pero kung ganon nga ang situation mo いいんじゃないですか?at least di ka na mapapagod di ba,,but just to make sure kesa nghihintay ka sa wala naman pala tanong mo sa immigration sa tokyo kung processng na ang papers mo,,bigay mo ang name mo ussually kase pg ngpafollow-up e may number ka.:) goodluck!

superb
09-01-2007, 08:21 PM
thanks sa concern angelica chan, hindi ko nga alam kung saan immigration nila ako ni reffer kung sa tokyo ba or dito sa may saitama:confused: god bless

angelica
09-01-2007, 08:38 PM
ok lng palitan lng naman tayo ng mga oinion dito e....pero alam mo kase dito ko lage sa chiba immigration ngpupunta sa pgkakaalam ko ko pg ngayon ka palang mgaacquire ng visa or ung iba pang maselan na situation kahit sa branches ka lng mgpunta dadalin pa rin nila yan sa tokyo immigration kaya kung mgtatanong ka tumawag po kayo sa tokyo immigration...:)

superb
09-01-2007, 08:49 PM
ganun ba!!! ok. sabihin ko kay hubby para sha na lang tumawag:) god bless:halo:

Aizeh
09-01-2007, 08:56 PM
yun ang mas maganda tumawag kau sa immigration iinquire nyu kung nakadust nb talaga papers nyu,isure nyu para hinde kau nag aantay sa wala at di masayang ung araw araw na inaantay nyo na tawag kamo ng migmig.

Don't give up keep on praying:halo: