View Full Version : kukunin ang anak sa pinas....pls po sana po may tumulong
tadashi
08-31-2007, 09:00 AM
kukunin po ng tiyahin ko ang anak na sa pinas 11yrs old po ang bata..ang tanong po tanggapin kaya siya sa eskuwelahan dito sa japan gayun hindi siya marunong mag nihonggo??ano at saan po siyang eskuwelahan pwedeng pumasok??sana po matulunagan ninyo ang tiyahin ko?
snoopy^_^
09-01-2007, 02:30 AM
meron akong filipina friend dito na teacher, sya ang nagtuturo sa mga bagong dating na studyante na hindi marunong magnihongo, nagtanong narin ako tungkol dyan kasi nga balak kong dito narin patirahin ang mga anak ko kapag naayos na ang visa ko, anyways ang sabi ng friend ko sa akin kahit hindi pa sila marunong mag nihongo tatanggapin daw ang mga bata sa school kahit late pa. ang sistema daw ng school lalo na sa baguhan mga 6 months daw na nakahiwalay sa ibang classmate ( one on one sa teacher) then after that pag marunong na ng basic nihonggo isasama na daw sa regular class, yan kasi ang ginagawa ng friend ko sa mga bagong studyante dito hindi lang sa mga filipino na bata pati narin sa ibang foreigner na bata, Kung hindi daw kabisado ang school na malapit sa tirahan mag tanong daw sa city hall.
jayb00r
09-01-2007, 11:35 AM
kukunin po ng tiyahin ko ang anak na sa pinas 11yrs old po ang bata..ang tanong po tanggapin kaya siya sa eskuwelahan dito sa japan gayun hindi siya marunong mag nihonggo??ano at saan po siyang eskuwelahan pwedeng pumasok??sana po matulunagan ninyo ang tiyahin ko?
noon napag usapan namin ng mga tropa yun mga anak (parehas 10y/o magkaklase sa pinas) nila na gusto papuntahin dito kaso lang eh di alam kung makakasunod sa lessons
eto ang sagot sa query nila noong nagtanong sila sa ward office regarding the scenario
1. sa mga ward office may listahan sila ng nihonggo class for beginners yung iba may bayad yung iba naman eh aklat lang ang babayaran mo depende din sa schedule kung ano araw at oras may turo daw dun about hiragana, katagana and simple kanji yung iba naman eh totally free talaga
2. depende sa income ang eskwelahan dito yung isang tropa yung income tax nya eh medyo malaki kaya sa semi private sya na refer yung isa naman eh malaki talaga ang income nya kaya private naman napasok
magkapitbahay yung dalawang bata dito at sa pinas pero di pa magkaklase at magkalayo pa ang school
angge
09-01-2007, 05:22 PM
nung bumalik ako sa japan last May ay sinama ko na ang 2 daughters ko, age 8 and 1. nung una ay hesitant akong ipasok yung eldest ko sa japanese school kasi ay di marunong ng nihongo. since na mahal sa international school (husband ko lang ang working), no choice kundi ang ipasok sya sa japanese school. ang husband ko kasi ay hindi hapon kundi may lahi lang(nikkei-jin), kaya mas mahirap para sa amin. nag-inquire muna kami sa city hall, hiningan kami ng ilang requrements at immediately ay binigyan na kami ng referral sa pinakamalapit na school. bale one and a half month late sya bago pumasok. yung teacher na marunong ng english ang nagtuturo sa kanya everyday pati kanji tinuturuan sya ng tamang stokes. ang medium ng communication nya sa teacher ay english. pag kokugo na ang subject (japanese language) pinapapunta na sya sa english teacher nya para turuan. so far ay okey naman yung outcome. kahit paano ay marunong ng makipag-communicate ang anak ko ng simple nihongo lang. sa umpisa lang naman mahirap kaya makakaya rin yan ng auntie mo. good luck;)
angge
09-01-2007, 05:25 PM
ang babayaran mo lang pala sa school ay yung lunch worth 3300 yen/month. libre lahat ng textbooks at notebooks. ang bibilhin mo lang ay yung mgaibang gamit like art set, swim wear at iba pa pero konti lang.
summergirl
09-01-2007, 10:18 PM
Walang problema sa school,lahat ng bata tinatanggap nila kahit overstay pa ang magulang.11 yrs old di bale grade 6 na syang ipapasok dito,wag kang mag alala sa lahat ng school,may mga volunteer group na magtuturo sa anak ng tita mo, para mag-aral mag nihonggo.Pinakamagan da mag tanong ka sa nearest city hall dyan sa lugar nyo,dahil may mga certain school sila dyan sa malapit sa inyo..Sa umpisa lang medyo mahirap dahil kailangang guidan pa ang bata hanggang masanay ,pero later on masasanay din ang bata..Mga fast learner ang mga bata,baka magulat pa kayo pag nakita nyong mas magaling pa sa inyo mag salita ng hapon ang bata..
nasty
09-02-2007, 01:38 AM
salamat po pati ako po naliwanagan,,,,,naba wasan worries ko kung sakaling mapupunta dito ang 10 yrs.old kong anak .....
sharpener
09-02-2007, 05:59 AM
payo ko lang po dun sa mga mageenroll ng mga anak nila
hanggat maari "maayos" kayong humarap sa principal at mga teacher
ang ibig ko pong sabihin, sa abot ng makakaya nyo na "sumabay" sa kultura nila
katulad ng aisatsu at konting bow plus ngiti
ganun din ang pasasalamat...arigat ou, onegaishimasu, yoroshiku onegaishimasu etc
ang pagme-make-up, hanggat maari kahit foundation at lip stick lang...wag pong heavy make up na kala mo magtratrabaho sa club
ganun din po sa pananamit, ibagay nyo po kung paano sila manamit o maging simple lang...wag na kayong mag mini-skirt ..utang na loob
kaya ko po nasasabi ang mga ito, ay dahil may naencounter na akong mga ganyan
alalahanin natin na ang mga batang makakakita sa inyo ay magugulat o maninibago dahil ang karamihan sa kanila ay hindi pa nauunawaan ang kultura ng ibang bansa
at ang mga kilos o hitsura ninyo ay nagrereflect sa mga anak ninyo...na pwedeng maging sanhi ng....ijime
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.