View Full Version : 5000 yen
diana_james
09-03-2007, 05:17 PM
hello po ulit!
gusto ko lang po magtanong tungkol sa 5000 yen na sinasabi nilang matatanggap ng bata galing cityhall na monthly po, ano po ba ang tawag dyan? at automatic po ba iyan o kailangan pang i appy sa cityhall para makatanggap po nito?
mag 2 years old na po anak ko next january. mga kaibigan ko nagsasabi na may tinatanggap daw silang 5000 yen galing city hall. sayang din po iyon kung sakali.
ano po ang tawag sa nihonggo? paano po ang pag apply?
ano po kelangan na papeles?
Erika
09-03-2007, 05:29 PM
Hello diana..tingnan mo na lang dito http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=580 7&highlight=jidouteate
diana_james
09-03-2007, 05:47 PM
Hello diana..tingnan mo na lang dito http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=580 7&highlight=jidouteate
thanks po. pero paano po ito inaapply? anong kailangang papel?
kailangan po ba na nandito yung anak ko?
kase inuwi ko muna sa pinas at maliit pa. para na din makapagtrabaho ako.
katty0531
09-03-2007, 07:10 PM
thanks po. pero paano po ito inaapply? anong kailangang papel?
kailangan po ba na nandito yung anak ko?
kase inuwi ko muna sa pinas at maliit pa. para na din makapagtrabaho ako.
Hi!
Sa pagkaka alam ko lang ha, noong seminar ko last last month (june) sa hokken center dito samin (manganganak kasi ako) ang tawag dyan ay "ikuji te ate", within 14 days nang pagka panganak mo sa bata i re register sya ng tatay sa city hall, ito mga dadalhin nya....
hanko
hokken sho
income tax certificate o shokutoshomei (kasi binabase yan sa income ng husband) like dito sa city namin, pag sumubra 5 million yen ang income ni hubby mo yearly, di ka makakatanggap ng te ate na yan. Baga may bracket din. Yong amount depende po sa city, kasi yong anak ng kaibigan ko kalapit city ko lang dito 5000 yen natatanggap, pero sa seminar ko binanggit na dito sa city namin ay 1 lapad daw.:)
makulit
09-03-2007, 07:14 PM
mag inquire ka po sa cityhall tungkol sa jidouteate. last time doon sa form may nakalagay na kung ang anak ay hindi nakatira sa iyo, may ibang form na gagamitin. wala po akong experience na ganito o kakilala na ganito ang setup kaya wala akong maibahagi talaga. mas maganda po kung sa cityhall ka mismo magtatanong. kapag nakuha mo po ang sagot, post mo dito para malaman rin namin :D
i-double check mo rin po pala kung hindi pa naka-apply nito ang asawa mo.
makulit
09-03-2007, 07:20 PM
Baga may bracket din. Yong amount depende po sa city, kasi yong anak ng kaibigan ko kalapit city ko lang dito 5000 yen natatanggap, pero sa seminar ko binanggit na dito sa city namin ay 1 lapad daw.:)
hi katty0531.
bago po kasi ang policy ngayon taon. ang newborn to 3 years old, 1 lapad na po ang allowance. 3 years old and up, 5000 yen ang allowance. Pati mga bata na nasa shogakko binibigyan na rin po ng allowance, 5000 yens din.
hello makulit san, ask ko lang kung kailan pa ng start na isang lapad ?kasi wala pang isang taon baby ko baka sakop na sya sa isang lapad.
makulit
09-03-2007, 08:37 PM
hello makulit san, ask ko lang kung kailan pa ng start na isang lapad ?kasi wala pang isang taon baby ko baka sakop na sya sa isang lapad.
April 2007 po lay-san.
angelica
09-03-2007, 09:23 PM
jidoteate ang tawag dyan sa allowance na sinasabi mo,ussually kase inaapply ko yan pgkapanganak ng baby sabay ng pagapasa ng shuseishomeisho pero bago ka nila iaccomodate sa benefit na iyan hahanapin nila sa yo ang health insurance ng bata so kung nasa pinas ang bata i doubt it na mabigyan sya ng allowance na ito,noon 5,000 yen per child then 10,000 para sa third child monthly po yan...pero netong kelan lng ngtaas na ang price ng monthly allowance nila....ang hinanap sa akin papeles ng inapply ko yan is bank account ng husband ko pati yata hanko and ung hoken namin.
diana_james
09-04-2007, 03:11 PM
hello po ulit!
tanong ko lang ulit kase sinabi ko ito sa asawa ko na punta kame ng kuyaksyu para sa pag apply ng jilouteate, e masyado pong busy asawa ko sa isakaya nya. ngayon pwede po bang ako na lang ang mag apply sa city hall?
at kailangan po ba na sa bangko ng asawa ko ipapasok yung pera ng bb ko? kung sa post office po ipapasok, pwede po ba kaya?
thanks po!
tfcfan
09-04-2007, 03:32 PM
hello sayo diana san! pwede namang ikaw ang mag apply ng "jidoteate"pero dapat dala mo yung hokenshou ng asawa mo at bank account/ passbook pati hanko(name seal) at gensen shoumeishou din yata(eto yung papel na maliit na nakasulat ang yearly income ng asawa mo).di ako sure kung pwede ang postal acct kase dun ipapasok yung pera na galing sa gobyerno kung saka-sakali.
At effective April 2007 ang batang 3 yrs old pababa eh 1 man monthly ang matatanggap at ang batang 3 yrs until 9 yrs old eh 5sen yen pa rin monthly.Sana maliwanagan ka kahit papano. :)
angelica
09-06-2007, 12:08 AM
sana basahin mong maigi at unawaain ang mga sagot na ipinopost sa yo nang sa ganon hinde ka paulitulit,,,,,kung uunawain mong maigi may sagot na bago ka pa mgtanong...
diana_james
09-06-2007, 04:37 PM
dagdag ko lang po na tanong.
diba sabi sa mga nagreply dito na kung iaapply po ito hinahanapan din po ng byoin hoken card ang bata po. yung anak ko po wala pang byoin card, inaapply din po ba ito?
saka i apply itong jiloteate po?
please po need your replies. thanks.
makulit
09-06-2007, 10:05 PM
dagdag ko lang po na tanong.
diba sabi sa mga nagreply dito na kung iaapply po ito hinahanapan din po ng byoin hoken card ang bata po. yung anak ko po wala pang byoin card, inaapply din po ba ito?
saka i apply itong jiloteate po?
please po need your replies. thanks.
i personally dont know how to answer that question. ang hoken information na hinihingi ay yung sa ama ng bata. kung pareho kayong nagwo-work hindi ko alam kung kaninong hokken ang ibibigay.
para maliwanagan ka po, itawag mo na sa cityhall. una mo pong itanong kung pwede bang magkaroon ng allowance yung anak mo na nasa pilipinas. kapag sumagot po sila ng pwede, then saka mo po itanong kung ano ang requirements.
gudluck po diana_james, pero sana tumawag ka na po sa cityhall.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.