View Full Version : kare
pwede po bang magpaturo pano magluto ng "kare"
na favorite ng maraming japanese?yoroshiku
aviationlady
09-03-2007, 07:24 PM
Welcome to TF momo san! :)
check mo dito....
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=137 92
Pakibasa na rin po ito pag may time ka. :)
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=107 9
pwede po bang magpaturo pano magluto ng "kare"
na favorite ng maraming japanese?yoroshiku
May ganito na yatang thread noh?? Anyway kung hindi niyo po mahanap try niyo na din to...
sibuyas
potatoes
carrots
niku( kahit ano pwede buta/gyu o cube or strips) mas masarap yata yung cubes kaso si hubby ko mahina ngipin kya strips ang gamit ko or pinapalambot ko maiigi kapag cubes naman
igisa mo muna yang mga nasa itaas or pwede din wag na.pwedeng last iyong jagaimo kung gusto mo meron kc naggigisa meron hindi. Tapos may nabibili pong kare cubes ilagay niyo lang yun... malimit ako magluto n2 kc madaling lutuin saka gusto nga ng mga hapon kaso hirap naman ako maghugas ng pinaglutuan:p
dun sa likod pala nung kare flavor mo may nakalagay dun kung ilang litro ng tubig kailangan pero ako ndi ko na siya sinusunod tikman mo na lang kung anong gusto mo sa panlasa mo:) after nilalagyan ko pa siya ng kosyo pampaanghan konti. pwede ka din gumamit ng katsu masarap din:rolleyes: naglalaway ako luto nga ako n2 bukas:D
pahabol po...may napanood kc ako dati kung ano ano nilalagay nila pampalasa lalo.. minsan naglalagay akong chocolate konti lang naman papatunawin lang dun. Napanood ko to sa isang bangumi d2 3mom pareparehong kare ang luto ibaibang gamit. Meron din naglagay ng ketsup di ko pa natry yung ketsup kc ndi mahilig hubby ko d2 pero napapansin ko lang ha?mas gusto niya kapag nilalagyan ko ng choco. Mga 2-3pieces lng nmn nilalagay ko.Hanggang ngayon nga d ko maintindihan kung ano pagkakaiba..sa lapot kaya? or mas lumalabas flavor?:confused:
kerjie
10-13-2007, 06:07 PM
helo, pasali ha.. eto share ko lang din yun napanood ko sa tv kung pano lutuin yun kare na sa tingin ko e mas nagustuhan ng hubby ko.
ingredients:
beef na hindi cubes para mas madali at mas malambot
kamatis - 1 buo
1 laurel
1 onion
1 carrot
kare cubes
paraan ng pagluluto:
gisa ang karne sa konting mantika tapos ilagay ang sibuyas na ginadgad na parang chese, ganun din ang carrots, isama na rin ang laurel, sunod ang kamatis. Sa kamatis naman balatan eto tapos himay himayin wag isama ang mga buto. Ilagay na din ang kare cubes tapos lagyan ng tubig(nakasulat sa likod ng kare box amount)...Hintayin na lumapot at tikman tapos pakuluin(depende sa iyo kung medyo patagalin mo ng konti para mas masarap....
Ganyan lang kasimple at kahit ako ng matikman ko yan mas masarap nga yan kesa sa before kong niluluto..Salamat dun sa napanood ko kasi mas nagustuhan ni hubby ko yan kare na yan...
eto po picture ng curry ru:)
rhynissa
07-31-2008, 05:15 PM
eto po picture ng curry ru:)
ahh ganito pala yun, tama may nakikita nga akong ganito, kala ko instant curry na maliit haha... thanks sis...;)
Matty
07-31-2008, 06:03 PM
helo, pasali ha.. eto share ko lang din yun napanood ko sa tv kung pano lutuin yun kare na sa tingin ko e mas nagustuhan ng hubby ko.
ingredients:
beef na hindi cubes para mas madali at mas malambot
kamatis - 1 buo
1 laurel
1 onion
1 carrot
kare cubes
paraan ng pagluluto:
gisa ang karne sa konting mantika tapos ilagay ang sibuyas na ginadgad na parang chese, ganun din ang carrots, isama na rin ang laurel, sunod ang kamatis. Sa kamatis naman balatan eto tapos himay himayin wag isama ang mga buto. Ilagay na din ang kare cubes tapos lagyan ng tubig(nakasulat sa likod ng kare box amount)...Hintayin na lumapot at tikman tapos pakuluin(depende sa iyo kung medyo patagalin mo ng konti para mas masarap....
Ganyan lang kasimple at kahit ako ng matikman ko yan mas masarap nga yan kesa sa before kong niluluto..Salamat dun sa napanood ko kasi mas nagustuhan ni hubby ko yan kare na yan...
Sis parang naiibang klase ang curry mo . kasi with kamatis ? pero mukang masarap cguro magaya nga!:p
kasi ako ordinary curry lang din ako magluto . pero nilalagyan ko naman ng garlic powder pag malapit ng maluto. :p ang habibi ko nakaka ilang balik sa kusina pag curry ulam namin pati na kids ko! :p
kerjie
07-31-2008, 06:34 PM
@ Matty san
noong una ko ngang nakita sa tv nagtaka ako bakit may kamatis pero masarap naman sya at everytime na magluluto ako ng kare lagi ng may kamatis at ganyan ang style... tanx talga dun sa napanood ko sa tv, mas naging ok pa lasa ng kare ko, try nyo para maiba naman hehehe....eto nga ulam namin kare w/matching macaroni salad, boiled egg at pritong chicken pandagdag hehehe...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.