View Full Version : kapag minura ka sa trabaho mo ok lang?
honey
09-04-2007, 10:02 PM
Halimbawa pilipino nagmura sayo may ari ok lang?Halimbawa hapon nagmura sayo ok lang?Ano ba pagkakaiba ng mura ng hapon sabi wag lang pansinin iba iba daw kasi meaning ng pagmumura ng hapon kahit sa trabaho?!:eek:.Sabi nila mataas daw ang pride nating mga filipino kung baga kapag pinagsabihan masyadong dinaramdam.
Sa akin ok lang na pagsabihan ako dahil alam kong advice lang yon hindi personal.Pero kapag minura ako dyan na ako nahihighblood bakit ba kamo?kasi hindi naman ako nagtrabaho para murahin lang ba! saka hindi naman yon ang inapplayan ko ang muramurahin ba ako!.Kaya uminit ulo ko noon sa amo ko filipina pa naman dahil minura nya ako ng pagkalutong at hindi ko matanggap kasi feeling nya sa kanya lang ako pede makapag trabaho aminado naman ako na hindi ko kaya pinapagawa nya kahit sobrang sakit ng mga sinabi nya tinitiis ko wag lang ako murahin kayo ba gusto nyong mumurahin kayo ng amo nyo o kasamahan sa trabaho?:D Hindi ba tama ang pag-uugali kong ito o hindi ko lang maintindihan ang pag-uugali ng iba!?
may_abe
09-04-2007, 10:08 PM
:O Pag pasensyahan mo na..baka may regla lang.. o di kaya walang pera.. minsan ok lang sa akin pag minura ako lalo na nagpapasweldo tama man o mali,nilulunok ko na lang pride ko. Mahirap kase, makahanap ng permanent na work. Maganda rin yong stable na work mo. Mura is words lang naman eh. Basta ipagdasal mo na lang mabuhay sana dalawang libong taon..o di kaya pasok sa tenga labas sa kabila. Cheers!
musikaghie
09-04-2007, 10:20 PM
Depende, kasi ako ayoko din ng mumurahin ako,pero sa awa ni Lord di pa nangyari yan sa kin.Saka di dapat magmura kung tutuusin diba? kausapin ka ng maayos pilipina pa naman siya.Kung hapon siya at alam kong ako ang mali, miski murahin ako baka ma take ko pa,pero kapwa pinay mo baka kung sa akin yan ay ewan ko lang,ayokong magsalita kasi baka masita ko ng mga boss ng TF.
louvette_15
09-04-2007, 10:30 PM
hindi ako papayag na basta na lng murahin ng kahit sino ma pinoy man o ibang lahi. kahit pa sigurong nagkamali ako, its never an excuse para murahin ako lalo na sa harap ng ibang tao.matatanggap kong pagsabihan pero wag lng lalagyan ng mura. ma-pride akong tao at hindi patay gutom kaya hindi pwde sakin un..hindi man ako lumalaban pero siguradong aabot sa kinauukulan ang pagmumura sakin, if ever. kung kaya, kahit saan o sino man kaharap ko i try my best na hindi ko ipahiya sarili ko para iwas sa mura. kaibiganin ko lahat ng nasa palibot ko para kapag may pagkakamali ako ay pagsabihan lang at hindi murahin..seryoso akong tingnan kaya din siguro medyo ilag magbitaw ng mura sakin ang ibang tao..hindi rin kasi ako mapagmura..respect is what i value most kaya its what i also gain.
sharpener
09-04-2007, 10:42 PM
ay subukan lang nilang murahin ako, hapon man o pinoy
mega walk out ang beauty ko sa mga ganyan
pero bago ko mag walk out, ibabalik ko muna sa kanila ang mura nila
ano sila wineweteng
hazuki
09-05-2007, 05:15 PM
kung walang namang reason hindi naman ako papayag murahin:eek: sa totoo lang dito sa work ko patigasan ng sikmura kasi inaka dito maraming hapon na iba iniisip tunkol sa mga pinay. discrimination ika nga:mad: pero tiis lang kasi mahirap humanap ng trabaho na malaki suweldo at trabaho na magaan at hindi kitanai(madumi).tsum etai ang mga hapon at plastic, culture nila yon.(tate mae ang tawag nila).:( tayong mga pinoy ay may ugaling matiisin kaya ganbaru shikanai isipin na lang natin na mga potato sila:D
summergirl
09-05-2007, 06:03 PM
Depende iyon sa nagawa mong kasalanan..Foe example,nadelay ang delivery dahil sa iyo,nag back out ang costumer dahil sa iyo,case to case basis iyon..Sa work ko naman kasi,walang nag-mumura,They will say that to you in a very nice way,at they will call my superior if theres a problem..pag-pasensyahan mo na,pag madalas sa iyong gawin iyon,tipong saka ka na mag-init ng ulo..
Tarena314
09-05-2007, 10:48 PM
Para sakin OK lang akong murahin kung may kasalanan ako..,pero sana yon mura na kayang abutin ng aking pang unawa..,o kaya kung tanggapin...,:)
honey
09-06-2007, 11:59 AM
Matiisin talaga mga filipino:) sabagay kanya kanya tayo ng pag-uugali at pasensya pero
Siguro kung naging amo nyo amo kong filipina hindi talaga kayo magtatagal masyado syang namemersonal kapag may pakinabang ka ang bango mo sa kanya kapag wala kang pakinabang basura ka:D.Hindi sya pwede kwentuhan ng mga tungkol sa personal mong buhay dahil lalo na kung hindi naging maganda past mo friend ko siniraan nya gagamitin nya yon para maging kasiraan mo ang bait nya diba!.Kaya nga hindi ako nagtagal sa ganyang amo kasi gusto kong umuwi ng buhay sa pilipinas:).
Paano kaya yung mga OFW na may ganitong experience kawawa naman sila:(.Nagtitiis para sa pamilya na malayo sa kanila hay! buhay Bakit kasi kailangan pa ng pera sa mundong ibabaw nun ginawa naman sina Adan at Eba dahon lang panakip sa katawan ok na:D.
a_kiss
09-06-2007, 12:42 PM
Siguro madali lang tanggapin ang mura ng japanese.......B...Y aro
di katulad sa pinas na malutong na P..... I.. mo na talagang susulak ang dugo mo
but i believe no one has the right na magmura sa kapwa .
roses_pink
09-06-2007, 03:41 PM
Makikisali rin po. Ako naman po pag ganyang minura sa trabaho ko hindi ko matatanggap. Kahit paanong bigat ng kasalanang nagawa ko e wala silang karapatang magmura. Ok lang napagalitan na walang mura kahit mukhang galit na galit e ok lang matatanggap ko yun kung kasalanan ko naman di ba? . Masakit ang mamura dahil hindi mo naman sila magulang.
mrs-mymelo
09-06-2007, 10:29 PM
:) ..SA atin,puhunan natin ay 'yong respeto tsaka tiwala.Kahit saan tayo,ano man ang naging katayuan natin,importante 'yong respeto.I believe na nanggaling sa sarili natin 'yan.Huwag niyong hayaan na basta na lang murahin kayo.Maging kapwa Pinoy o Hapon,nino man walang karapatan magmura,kaya kung meyron mang taong walang mudo na mahilig magmura..mag-ingat tayo at gumawa ng tama para wala silang maipagmalaki.Kasi kung ano man ang maipakita natin sa kanila,'yan din ang babalik sa atin.:)
shakey
09-07-2007, 08:04 AM
:O Pag pasensyahan mo na..baka may regla lang.. o di kaya walang pera.. minsan ok lang sa akin pag minura ako lalo na nagpapasweldo tama man o mali,nilulunok ko na lang pride ko. Mahirap kase, makahanap ng permanent na work. Maganda rin yong stable na work mo. Mura is words lang naman eh. Basta ipagdasal mo na lang mabuhay sana dalawang libong taon..o di kaya pasok sa tenga labas sa kabila. Cheers!
ako naman sis baligtad tayo ng pananaw sa buhay..sabagay iba iba ang tao
ako kasi kesohodang mahirap ang trabaho okay lang sa akin mapag tyatyagaan ko,pero once na nilait lait ako at minura mura na ako...ay naku !!!! jodan janai kahit kubiin nila ako murahan na lang kami..kasi masakit para sa akin yun di ko kayang pag pasensyahan lang kasi baka habang buhay kong isipin na ginawa nila sa akin iyon na wala akong nagawa.:mad:
gabriel
09-07-2007, 09:41 AM
Halimbawa pilipino nagmura sayo may ari ok lang?Halimbawa hapon nagmura sayo ok lang?Ano ba pagkakaiba ng mura ng hapon sabi wag lang pansinin iba iba daw kasi meaning ng pagmumura ng hapon kahit sa trabaho?!:eek:.Sabi nila mataas daw ang pride nating mga filipino kung baga kapag pinagsabihan masyadong dinaramdam.
Sa akin ok lang na pagsabihan ako dahil alam kong advice lang yon hindi personal.Pero kapag minura ako dyan na ako nahihighblood bakit ba kamo?kasi hindi naman ako nagtrabaho para murahin lang ba! saka hindi naman yon ang inapplayan ko ang muramurahin ba ako!.Kaya uminit ulo ko noon sa amo ko filipina pa naman dahil minura nya ako ng pagkalutong at hindi ko matanggap kasi feeling nya sa kanya lang ako pede makapag trabaho aminado naman ako na hindi ko kaya pinapagawa nya kahit sobrang sakit ng mga sinabi nya tinitiis ko wag lang ako murahin kayo ba gusto nyong mumurahin kayo ng amo nyo o kasamahan sa trabaho?:D Hindi ba tama ang pag-uugali kong ito o hindi ko lang maintindihan ang pag-uugali ng iba!?
I never experienced being insulted or bad mouthed before by any of my colleagues at work or anywhere. If it ever happened, all hell will break loose. I haven`t gone to school and university for how many years only to be humiliated and look down by anyone. I always stand by myself. If I dont who would? No one will respect you if you dont know how to defend yourself. Consult with Mr. Docomo heh he he . . .
infinite_trial
09-07-2007, 01:00 PM
depende sa trabaho hehe. di ko pa naman naexperience dito yun. pero sa previous work ko, ang trabaho talaga namin is mag-absorb ng galit ng mga customers at tulungan sila sa problema nila. di naman sila nagmumura directly samin pero nagmumura lang sila out of frustration. syempre, pag di ka sanay, magpapanting ang tenga mo. nasa sa iyo na yan kung paano mo ihahandle ang situation, kung mumurahin mo sya pabalik...or magisip ka na lang ng response na may konting finesse pa din ang dating, at the same time...yung matatameme sya at di na sya makakapagmura ulit. kaso pag nangyari sakin dito yun hehe di ko alam sasabihin ko lolz.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.