PDA

View Full Version : special exit clearance


kojee
09-05-2007, 07:56 PM
me tanong po ako about this. na issuehan na po ako ng COE and me working visa napo ang passport ko. ano po ba itong exit clearance. sabi po kc since direct hire ako as in me company sa japan na nagtayo rito sa pinas at hired nila ako. iba daw ang exit clearance ko hindi na sa poea kc po daw hindi ako considered na ofw. so yun exit clearance ko po daw dapat eh dapat iprocess sa japan embassy. me chance po ba na madeny ito or pumalpak. dipa po ako makaresign sa current company ko dahil wait ko matapos ito. baka kc magresign ako pumalpak sa exit clearance eh gus2 ko po sana ok na lahat flight na lang ang kulang. naguguluhan po ako kinukulit na ako ng employer ko na magresign na dahil sure na daw yun lagi ko na po kc sila nadedelay sa project. isa po ito sa mga request ko na complete na lahat flight na lang ok na. ano po ba itong special exit clearance.

paralegal
09-05-2007, 09:05 PM
Ang exit clearance, POEA lang ang nag paprocess sa lahat ng paalis na ang purpose ay work abroad. Ang Japan embassy naman, upon presenting your application together with COE, they will process your visa if approved. Now, according to you, you have your working visa stamped sa passport mo-ano ang nkalagay sa status of residence mo? anong category? intra-company transfer ba? HSIS ba? engineer? skilled worker? etc. i think merong 27 categories ang statuses of residence, which one ba ang sa yo? papalpak ka lang pag di ka nag request ng exit clearance sa POEA to be considered as documented overseas filipino worker. Besides, considering na lumapag ka sa Narita or other port of entry dito sa japan, immigration officer will scrutinize your visa, will ask several questions kaya be ready and be consistent,also, come november eh finger printing with picture taking na sa mga papasok sa japan.So, mas safe if may exit clearance ka from poea dahil kung wala, di ka paaalisin ng philippine immigration officer sa NAIA.

kojee
09-06-2007, 12:29 PM
nsa passport ko po engineer stay for 1 year...ang gulo nga po eh sabi bagong rules daw as in memo sa embassy na special exit clearance daw ang type ko..
sabi kc dun sa contact daw ng employer ko sa poea eh sayang lang daw ibabayad namin kc po nsa category ako ng special exit clearance meaning talagang embassy daw po ang dapat magprocess na nito hindi sila. ang kinatataka ko po bka hindi ako ma list sa mag pinoy na working abroad.

engr_jazon
09-06-2007, 03:34 PM
nsa passport ko po engineer stay for 1 year...ang gulo nga po eh sabi bagong rules daw as in memo sa embassy na special exit clearance daw ang type ko..
sabi kc dun sa contact daw ng employer ko sa poea eh sayang lang daw ibabayad namin kc po nsa category ako ng special exit clearance meaning talagang embassy daw po ang dapat magprocess na nito hindi sila. ang kinatataka ko po bka hindi ako ma list sa mag pinoy na working abroad.


hi kojee-san,

ako ganyan din ang VISA ko..

direct hired ako dito sa japan and di na ako dumaan sa kahit anung agency...

Pero dumaan pa rin ako sa POEA bago ako lumipad papunta japan...

Sa totoo nga lang eh sayang nga ang ibabayad mo sa POEA saka OWWA, tapos hustle pa sa oras sabay minsan suplada pa mga tao dun sa office nila..
Kala mo kung sino na sila magsalita sayo minsan.. Yung mga nakasabay ko nun, yung iba kinakawawa pa..Eh kung sa pataasan naman ng pinag aralan walang wala naman sila...

Alam mo naman ang gobyerno, aalis ka nalang peperahan ka pa..hehehe..

In my case naman, nagbayad nga ako pero sagot naman ng company pati mga binayad ko dun.. And ang kagandahan lang naman kasi nung pagpunta at pag aayus ng papeles dun is kung sakaling may mangyari sa yo abroad , aksidente,maputulan ng kamay,matanggalan ng paa o mata..hehehe...(wag naman sana) is may "tutulong daw kuno sayo".. Kung magkaaway kayo ng employer mo, or malabag ang karapatan mo, sila tutulong sayo..

Saka pala,tuwing babalik ka sa Japan halimbawa, sa airport natin is di mo na babayaran yung 750pesos kaso, pipila ka na naman sa OWWA center nila dun...huslte na naman... baka malate ka pa sa flight mo..
Ang dami mo pang forms na susulatan minsan... Parang ang nangyayari, yung ibinayad mo sa kanila is dun mo mababawi...Ako, binabayaran ko nalang yung 750pesos para di na sayang oras ko minsan...

Pero kung sagot naman ng company mo nga yung fees, katulad ko might as well pumunta ka na.. Just in case na magkaproblema ka abroad, may sasalo sayo...

Saka pala, di ko lang sure ha...
Parang sa pagkakaalam ko kasi is rinerequire na ng POEA na dumaan lahat ng OFW sa office nila.. Mapa-agency hired or direct hired katulad natin...
Sabi ko nga pera-pera na naman...

Anung engineer ka pala? CE,ME,ECE,EE....??? or sa Information Technology (IT) field?

GOODLUCK sa iyong pagpunta sa JAPAN... Ang lupa ng lahat ng mga HI-TECH................ ....
Ipon ipon lang.... wag masyado manchichicks..hehehe h...

sarpon
09-06-2007, 04:28 PM
nsa passport ko po engineer stay for 1 year...ang gulo nga po eh sabi bagong rules daw as in memo sa embassy na special exit clearance daw ang type ko..
sabi kc dun sa contact daw ng employer ko sa poea eh sayang lang daw ibabayad namin kc po nsa category ako ng special exit clearance meaning talagang embassy daw po ang dapat magprocess na nito hindi sila. ang kinatataka ko po bka hindi ako ma list sa mag pinoy na working abroad.


parehas din tayo ng situation... last january ako pumunta dito sa japan. kinuha ako directly ng isang company dito sa japan... engineer ang COE ko...

sa POEA ka pa rin kukuha ng exit clearance... MALI ang nagsasabi sayo na hindi ka na dadaan sa POEA.. kailangan lahat ng magtratrabaho sa ibang bansa na kumuha ng exit clearance...

meron procedure sa POEA website... check mo muna bago ka pumunta...

4:00 am dapat ng umaga pumila ka na sa POEA... mas maganda kung kumuha ka na ng medical clearance before ka maglakad ng exit clearance... meron sa malapit mismo sa POEA bldg..

magresign ka na kasi malinaw pa sa sikat ng araw na sure ka na since me visa and COE ka na...

yun lang po..:)

kojee
09-06-2007, 08:48 PM
salamat po sa mga info nyo..buti pa kyo settled na jan. nsa field po ako ng I.T. me bago nga po kc lumabas daw na memo nung august at medyo naghigpit na mga valid agency na lang na accredited ng japan ang pede magprocess since bagong tayo pa lang company nila nagpatulong sila sa mga accredited agency pra maprocess yung visa ko so ok nman at ngayun kasama daw po sa memo itong special exit clearance as of august new rules daw. yung employer ko na rin nagpaprocess nito ang tagal nga po almost a week na diko pa nkukuha kya di ako makaresign sa current work ko. me medical pa pala yan sabi ng employer ko wala na daw kc sa embassy nako ipaprocess hindi na daw poea ang responsible dun pinasa na daw sa embassy yung clearance pra sa mga direct hire. hay sana maayos na pra easy transfer nako sa current company ko mahirap kc mawalan ng work bka maiwan ako sa ere hehehe..