PDA

View Full Version : kinilala at tinanggap ng Tatay na Hapon


jacid
09-06-2007, 08:31 PM
helo po sa lahat.
Nais ko lamang po humingi ng opinyon at idea sa mga meron nakakaalam sa ganitong kaso ng pinsan ko. Ang pinsan ko po ay anak ng Hapon na nakilala lamang ng kanyang ina ng namasyal ng pilipinas at dahil nagkagustuhan naman po sila agad ay meron nangyari sa kanila na nagbunga po at yun nga po yun pinsan kong lalaki na ngayon ay 20yrs. old na. Sa madaling sabi po, di po alam ng Hapon na yun na nagbunga ang kanilang ginawa at ngayon po ay nagkaroon sila ng kontak dun sa Hapon na sinasabi ng nanay nya na syang ama nya. Nakausap na po nila yun Hapon at yun nga po gusto nyang kilalanin ang bata na anak nya dun sa babae kahit di sila kasal nito at dahil meron naman pong magpapatunay na sa kanya yun at makikita rin naman sa pinsan ko ang tikas at postura ng ama na nakuha nya dito. Sa ngayon po ay inaayos na yun papel ng pinsan ko para po makarating sya dito dahil nga po gusto syang kunin ng tatay nya at matulungan na rin ang pamilya ng nanay nya na meron sakit ngayon at pagbawi na rin sa obligasyon nya na di nya naibigay dito.
Ang tanong po ng pinsan ko ay makakarating din po kaya sya dito sa japan at makakakuha pa rin po kaya sya ng Japanese National kahit di kasal ang nanay at tatay nya? May pagkakataon din po ba na madedeny sya sa embasy kapag mag-aaply na sya ng visa nya? Ang tatay nya po ngayon ay may asawa ring pinay at kakainvite lang po nito ng family ng asawa nyang pinay ngayon kaya yun application pong gagawin daw sa kanya ay dito na lang iaapply sa japan dahil mas mabilis daw po dito at anak naman sya. Kailangan pa po ba ng personal appearance ng pinsan ko dun sa embasy? Nagpapasalamat naman po sya sa pagtanggap sa kanya at pagkilala ng ama nya sa kanya kahit na ngayon lamang sya nito makikilala dahil bibihira lamang po ang ganitong kaso sa kanya.
Pasensya na po if napahaba ang pagkakadetalye ko. Sana po sa mga kaTF ko na meron pong nalalaman about dito, sana po ay meron makatulong sa aming katanungan. Maraming salamat po sa lahat.

summergirl
09-06-2007, 08:53 PM
Of course mag-kakaroon sya ng Japanese nationality kung kinikilala talaga sya ng ama nya,kahit di kasal ang nanay at father nya,father nyang hapon ang lahat makakapag ayos nun kahit kasal sya sa asawa nyang filipina rin..At hapon sya kaya mayroon syang right na mag stay dito sa japan.

nasty
09-07-2007, 12:08 AM
posible po yun ,,,as long as ia acknowledge siya ng biological japanese dad niya talaga:)

shakey
09-07-2007, 02:51 AM
congrats sa pinsan mo!!! wag syang mag wori dahil di sya madedeny sa japan embacy sa pinas kung talagang tatay nya naman ang kumukuwa sa kanya...tsaka tama nga yung sinabi ng tatay nya na dito na lang iaply yung sa japanese nationality :) dahil mas madali dito.

jacid
09-07-2007, 02:50 PM
helo. Thanks po sa mga nagreply. Dagdag tanong lang po, sabi po kasi ng pinsan ko dito rin daw po iaaply sa japan o dito rin daw po manggagaling ang visa nya kapag naayos na raw po lahat ng mga papers na need para sya makuha ng father nya sa pinas kasi yun daw po ang sabi ng friend ng father nya na ganun din ang ginawa sa anak nito na nasa pinas din ng kunin nya eto at di na raw po need ng pinsan ko na pumunta ng japan embasy sa atin sa pinas. Posible po bang ganun na dito manggagaling ang visa nya dahil yun father nya na raw po ang mag-aaply ng visa nya sa japan embassy dito at pwede po ba yun ganun? Thank you po in advance sa mga magrereply. Nalilito lang din po kasi kami ng pinsan ko kaya sa mga kaTF ko po na meron nakakaalam about sa issue na eto sana po mabigyan nyo kami ng kasagutan..

megami704
09-07-2007, 08:35 PM
Yung bang pinsan mo ay naka-pangalan ba sa ama nya? Depende naman kasi, Sa palagay ko kung ngayon lang sya kinilala, and walang documents na nakasulat ang name ng real father nya (ex. birth certificate), cguro nga mas mabilis kung kumuha na lang muna sya ng Visiting Relatives Visa tutal sponsor nya ang sarili nyang tatay, sa japan na lang i-apply ang nationality nya, syempre with supporting papers of his mother. Parang mas madali yun lalo na kung ready na mga papers nya. Yung second option naman is i-aapply sa ng Certificate of Eligibility na hihintayin pa (1-3 months) dito sa Japan then ipapadala na lang sa kanya sa pinas para dun kumuha ng visa.

jacid
09-09-2007, 12:06 PM
helo po ulit. Ang sabi po ng pinsan ko oo daw po na gamit nya ang apelyido ng father nya at yun birthcertificate nya nga lang daw po ay late register. Ok lang po ba yun or di magkakaroon ng problema dun sa pag-aapaly ng father nya ng COE para sa kanya?

yasashi
09-09-2007, 12:26 PM
may mga ibang kakailangang documents na ipapass if late registered yung birth certificate nya
mag inquire ka dun sa embassy diyan.

neiljit_18
09-09-2007, 03:12 PM
http://blog.livedoor.jp/jazzxpz/archives/64763501.html