PDA

View Full Version : MOA of special exit clearance


kojee
09-07-2007, 04:35 PM
Hello po, meron po ba nagkaroon ng ganitong case see the memo below? Meron napo ako working visa as engineer for 1 year on the I.T. field since direct hire po ako naguguluhan ako rito sa special exit clearance.
Ano po ba ang mga procedure pra ma ensure ko na clear nako at wala na problem pagpasok sa NAIA at pagdating sa japan.
Ano po ba in details ang kelangan ko dalhin pagpasok sa NAIA except for the passport and plane ticket ? pano po nila malalaman na special case ako.


The Memorandum of Agreement between the POEA and Bureau of Immigration has been signed last November 13, 2002. It is relative to the issuance of Special Exit Clearance for travel abroad under certain special circumstances. Based on the MOA, POEA shall cease to issue special exit clearance to those Filipino who falls under the category of special cases such as Filipino non-contract workers leaving on employment visa / work permit or equivalent document. Whereas, the Bureau of Immigration is the government agency mandated to issue final exit clearance.

ganda_girl89
09-07-2007, 08:47 PM
mr. kojee,
kung may visa ka na at tiket ,wag kang mag problema masyado sa pag alis mo.i know excited ka at may worry sa pagalis mo pero mas mabuti siguro na i-save mo ang energy mo dahil kailangan mo yan pagdating dito.

heto ang advise ko sa iyo.
kung engineer ang nakatatak sa passport mo,considered kang OFW kaya dadaan ka sa POEA/OWWA sa ortigas para ma physical examine ka,ma seminar at makakuha ng OEC.kung sino man ang nag advised sa iyo about sa gumugulo sa isip mo na exit permit na yan ay mali.
ang special exit clearance ay para lang dito. (http://www.poea.gov.ph/docs/MCs/mc1997/mc18.doc)bumalik ka sa luma mong thread at may mga advise sila doon kung paano ang processing sa POEA/OWWA.

bago ka pumunta sa NAIA,fill up mo na ang immigration card mo at magdala ka ng ballpen para ma-fill ang quarantine card at embarkation card mo na ibibigay sa loob ng eroplano.

kojee
09-09-2007, 09:52 PM
naku dapat siguro hindi engineer ang status na nalagay sa visa ko dapat eh intracompany visa since according sa article mo eh pupunta lang ako sa mother company ko sa japan. kasi since yung japanese company na naghire sa akin ay katatayo pa lang dito sa pinas wla pa ngang 6 months kaya masyado pa sila magulo magprocess. sayang nman yung visa ko kung magapply pa ulit ako pra ma change yung engineer status sa intracompany visa. ang gulo :confused:sanay ako kasi dati na business visa lang. dami pa pala proseso ng working visa. pede kaya ako kumuha ng exit clearance sa poea hindi ba ako makuquestion nyan na mali yung status ng visa ko. o kelangan ko na naman ulit magpaaply ng coe..another 2 months of waiting na naman to.