PDA

View Full Version : PROBLEMS REGARDING VISA?

Aizeh
09-11-2007, 10:29 PM
NPO ( Non Profit Organizaion)
Sa mga may problem's regarding VISA na gustong maayos,mag change status of Visa nag aasist po kami,but case by case.Ang NPO ay may connection sa Immigration of Japan kaya may chance na maayos namin ang visa problem nyo like example:

:) Tourist Visa holder changing to Spouse Visa,inaasist po namin ang clients na nakasal na sa hapon dito sa Japan.Sa pagda dust ng papers sa immigration hanggang sa mabilis at maayos na pagrerelease ng hagaki/visa, 1-3 months po ang aantayin sa paglabas ng visa ng client.

:) Same din po sa mga OS na nakasal na sa hapon na andito ngayon sa Japan na inabot na ng taon sa pag aantay ng hagaki/visa dahil sa penalty na 5 yrs.Ina assist din po namin ang ganyang case,1-3 months din po ang aantayin sa paglabas ng visa ng client.

:) Sa mga OS na nakakulong sa Immigration na nakasal na sa hapon ina assist din po namin para mailabas sa kulungan hanggang sa pag aayos at paglabas ng Spouse Visa ng client.

:) Sa mga may anak na Japanese citizen na hiwalay sa asawa /BF na hapon at visa ng anak ang gagamitin ina assist din po namin basta may NINCHI / Recognition letter na pinirmahan ng tatay na hapon na talagang anak nya ang bata.

:) Sa Dependent Visa holder changing to Working Visa inaasist din po namin 1-3 months din po ang aantayin sa paglabas ng visa ng client.

:) Sa mga 4 yrs. Graduate ina assist din po namin para magkaroon ng Working Visa.1-3 months din po ang aantayin sa paglabas ng visa nito.

diana_james
09-12-2007, 01:24 AM
hello aizeh gomen haaa. tanong ko lang ulit. saan makukuha yung ninchi or recognition na pinirmahan ng asawa na sya nga ang tatay ng bata? ano po iyon? saan nakukuha iyon? pakituruan naman po ako. thanks po.

makulit
09-12-2007, 08:40 AM
NPO (Non Profit Organization). Libre po ba ang services nyo?

Aizeh
09-12-2007, 09:58 AM
hello aizeh gomen haaa. tanong ko lang ulit. saan makukuha yung ninchi or recognition na pinirmahan ng asawa na sya nga ang tatay ng bata? ano po iyon? saan nakukuha iyon? pakituruan naman po ako. thanks po.
____________________ ____________________ ____________________ _____________
Ang NINCHI ay sa City hall po ito kinukuha sa KOSEKI GAKARI SECTION.Kailangan dala ng tatay na hapon ang hangko,passport,any licence nya.Pag naidust nya na itong NINCHI sa city hall kailangan kunin nya kaagad ang NINCHI SHOMESHO.:) Ito po ang kelangan na makuha ng mga nanay na may anak sa Japanese para maayos ang visa ng bata pati ang visa ng nanay.God Bless:)

Aizeh
09-12-2007, 10:26 AM
NPO (Non Profit Organization). Libre po ba ang services nyo?

____________________ ____________________ ____________________ ____
Kami pong taga NPO ay nag aassist at tumutulong sa paglabas ng maayos at mabilis na hagaki/visa ng clients.Hanggang 3 months lang ang pag aantay ng clients at dumadating na ang hagaki/visa nito.Special po ang service na ginagawa namin sa mga may visa problems dahil naayos po namin ang problema nyo kaya natural din po na may kaukulang bayad ang gagawin naming serbisyo.Halimbawa, Kahit saan pong Agency or Atty. lumapit ang OS na kasal na sa hapon or nakakulong na Pilipino na kasal na sa hapon na nangangailangan ng mabilis na visa di po sya matutulungan dahil hindi po sila ine entertain ng immigration.Kung sa NPO Organization po namin sila lalapit matutulungan po namin ang OS na nag aantay ng visa or nakakulong ng Pilipino na kasal na sa hapon dahil ang NPO po ay may connection sa Immigration kaya nabibigyan po namin ng action ang problema nito.

makulit
09-12-2007, 10:38 AM
I understand.

Sa susunod po, form of advertising po kasi ito. Sana doon po sa "Advertising" section at hindi po dito sa "Visa and Legal Issues".

maimai
09-12-2007, 12:05 PM
sa bawat problema na binanggit mo..magkano naman ihahanda nila??:confused:

may prend kasi ako..OS sya at may Anak...nagpakasal sa hapon...kumuha sila ng abogado....sabi sa kanila 1-3 months din ang hihintayin..pero umabot din sila ng kalahating taon sa paghihintay..:) 25 to 30 kalapad ang binayaran nila

sensei
09-12-2007, 12:41 PM
For cases like "waiting visa" and the like:

Hindi ako naniniwala sa mga penalty na 5 years.
Kung matagalan man ang pagrelease ng visa, mayroon discrepancy sa statement ng mag asawa kaya pinagdududahan na immitation kekkon. Isa nating kaTF na si mikaeru, totoong nagpakasal at nakikisama sa hapon, in three months time binigyan agad ng visa. This month natanggap niya.
~~~OT omedetou~~~
Hintayin niyo kung anong maging pasya ng immigration kasi kung talagang wala kayong itinatagong masama hindi niyo na kailangan mag abogado, nakikita naman nila kung tama bang bigyan ng visa ang OS especially married sa Japanese at may anak.

maimai
09-12-2007, 02:05 PM
dagdag ko lang..

binanggit mo dito 1-3 months lang ang hihintayin..sigurado ba yan??:confused:

pano kung lumampas ang 3 months at wala pa rin silang VISA natatanggap. ...Ano ang mga actions ang gagawin nyo??ibabalik nyo ba ang pera sa kanila??:confused: pano yung pinangako nyo sa kanila??:confused:

di ba nakaka-dissapointed.nangako kau 1-3 months lang may visa na sila..pero wala din pala...:(..kawawa naman sila..nagbayad ng mahal tapos ganun din pala..maghihintay din ng matagal..

sinabi nyo...

Same din po sa mga OS na nakasal na sa hapon na andito ngayon sa Japan na inabot na ng taon sa pag aantay ng hagaki/visa dahil sa penalty na 5 yrs.Ina assist din po namin ang ganyang case,1-3 months din po ang aantayin sa paglabas ng visa ng client.

di ako naniniwala dyan....walang penalty ang OS ng 5 years dito...dahil kung meron..sa loob pa lang ng immigration nung ini-interview sila..sinasabi na yan....:)

case by case kung bakit natatagalan ang isang OS nabibigyan ng Visa....isa na dyan ang problema sa mga documents...everytim e mag-che-check ang immigration sa knila by phone or pagpunta sa bahay nila..wala sila...pinag iisipan talaga ng immigration ang mga ganyang kaso lalo na pag may nakikita silang problema...

di lahat ay pare-pareho ang problema..

meron nga dito 10 years na OS..pero after 3 months lang nabigyan na sya ng Visa...:) wala pa yang anak...at di rin sila kumuha ng abogado..

docomo
09-12-2007, 02:20 PM
Timog Forum is not liable for the content of the advertisements or the responses to such advertisements. We encourage members to take appropriate safeguards when responding to commercial ads, arranging payments, negotiating etc. A reminder to 'be smart not sorry' .

Aizeh
09-12-2007, 02:24 PM
sa bawat problema na binanggit mo..magkano naman ihahanda nila??:confused:

may prend kasi ako..OS sya at may Anak...nagpakasal sa hapon...kumuha sila ng abogado....sabi sa kanila 1-3 months din ang hihintayin..pero umabot din sila ng kalahating taon sa paghihintay..:) 25 to 30 kalapad ang binayaran nila
____________________ ____________________ ____________________ _
Yun na nga po wala po talaga maitutulong ang abogado na kinuha ng frend mo dahil hinde sila ineentertain ng Immigration.Kami po sa NPO marami na po kami nailabas na mga hagaki ng mga clients namin over 300 OS na po natulungan namin.Sa mga interested lang ito na nangangailangan ng tulong.Sa lahat ng naging clients namin hanggang 3 months lang po inantay nila at lumabas hagaki nila.

maimai
09-12-2007, 02:32 PM

di nyo po sinagot ang tanong ko...magkano naman kaya ang ihahanda nila???:confused:

di ko sinasabi di ako interesado..kaya nga po ako nagtatanong dito para malaman ko at ng mga ka-TF dito..para di naman kami ma-shock sa babayaran namin..:) in case gusto namin magshoudan sa inyo..

nagtataka lang ako..bat di naman sila e-entertain ng immigration?? eh may abogado na nga sila...kahit nga po walang abogado na-entertain ng immigration ng maayos:)

ganun po ba kalakas ang organization nyo sa Immigration??? :confused:

Aizeh
09-12-2007, 02:41 PM
For cases like "waiting visa" and the like:

Hindi ako naniniwala sa mga penalty na 5 years.
Kung matagalan man ang pagrelease ng visa, mayroon discrepancy sa statement ng mag asawa kaya pinagdududahan na immitation kekkon. Isa nating kaTF na si mikaeru, totoong nagpakasal at nakikisama sa hapon, in three months time binigyan agad ng visa. This month natanggap niya.
~~~OT omedetou~~~
Hintayin niyo kung anong maging pasya ng immigration kasi kung talagang wala kayong itinatagong masama hindi niyo na kailangan mag abogado, nakikita naman nila kung tama bang bigyan ng visa ang OS especially married sa Japanese at may anak.
____________________ ____________________ ____________________ _____
Totoo po ang penalty na 5yrs sa mga OS ngayon dahil lawyer po ang hubby ko,alam nya po ang law and penalty sa mga OS.Sa mga kasal sa hapon na waiting for hagaki/visa ang futsu po na pag iintay ng hagaki ay hanggang 3 months po at matinding serabiro at ijiwaru ang ginagawa ng immigration sa ngayon sa mga OS na kasal na sa hapon or kahit may anak sa hapon.Sa madaling salita case by case po kung ano ang status ng isang pinoy na OS.Ang samin lang po tinutulungan namin yung mga interesadong maayos ang visa problem nila.

cutie1403
09-12-2007, 02:53 PM
hi!yung sinasabi mong 4 years graduate na puedeng magkaroon ng working visa,puede ba yun kahit nasa pinas ang applicant?kayo ba maghahanap ng kaisha na papasukan nila?ano-anong work ba ang maibibigay nyo na working visa at magkano ang charge?

Aizeh
09-12-2007, 02:56 PM
di nyo po sinagot ang tanong ko...magkano naman kaya ang ihahanda nila???:confused:

di ko sinasabi di ako interesado..kaya nga po ako nagtatanong dito para malaman ko at ng mga ka-TF dito..para di naman kami ma-shock sa babayaran namin..:) in case gusto namin magshoudan sa inyo..

nagtataka lang ako..bat di naman sila e-entertain ng immigration?? eh may abogado na nga sila...kahit nga po walang abogado na-entertain ng immigration ng maayos:)

ganun po ba kalakas ang organization nyo sa Immigration??? :confused:
____________________ ____________________ ____________________ __
Pasensya na po isa isa lang, case by case po ang fee na ibinabayad sa NPO office namin kaya nga po may sodan na ginagawa para pag aralan ang case na isinosodan sa amin.

Ang ibig ko pong sabihin na hindi ieentertain ang abogado sa immigration is walang magagawa ang abogado para mailabas nya ang hagaki ng OS with/ in 3 months or mailabas ang nakakulong na OS na kasal na sa hapon at mabigyan ng spouse visa pag labas ng client.

Ganun na nga po malakas po talaga ang NPO Organization namin sa Immigration dahil connected po kami sa Japan Immigration pati po Japan Government is connected din po kami.

Aizeh
09-12-2007, 03:10 PM
dagdag ko lang..

binanggit mo dito 1-3 months lang ang hihintayin..sigurado ba yan??:confused:

pano kung lumampas ang 3 months at wala pa rin silang VISA natatanggap. ...Ano ang mga actions ang gagawin nyo??ibabalik nyo ba ang pera sa kanila??:confused: pano yung pinangako nyo sa kanila??:confused:

di ba nakaka-dissapointed.nangako kau 1-3 months lang may visa na sila..pero wala din pala...:(..kawawa naman sila..nagbayad ng mahal tapos ganun din pala..maghihintay din ng matagal..

sinabi nyo...

di ako naniniwala dyan....walang penalty ang OS ng 5 years dito...dahil kung meron..sa loob pa lang ng immigration nung ini-interview sila..sinasabi na yan....:)

case by case kung bakit natatagalan ang isang OS nabibigyan ng Visa....isa na dyan ang problema sa mga documents...everytim e mag-che-check ang immigration sa knila by phone or pagpunta sa bahay nila..wala sila...pinag iisipan talaga ng immigration ang mga ganyang kaso lalo na pag may nakikita silang problema...

di lahat ay pare-pareho ang problema..

meron nga dito 10 years na OS..pero after 3 months lang nabigyan na sya ng Visa...:) wala pa yang anak...at di rin sila kumuha ng abogado..
____________________ ____________________ ____________\
Kung mag sosodan po sa amin ang client malalaman nya po ang sagot sa mga problema nya at mabibigyan namin sya ng advice what to do.Kung hindi man lumabas ang hagaki/visa ng clients hanggang 3 months ibabalik po namin ang pera.But wala pa naman kami case na ganon dahil so far lahat naman sila 1 - 3 months lang talaga narelease agad ang hagaki/visa nila.

Tama po kayo case by case po dahil iba iba naman ang problema ng mga OS.Kung ung frend nyo na 10 years kamo OS at 3 months lang nabigyan ng hagaki it means normal ung pag aantay nya diba na hanggang 3 months po.Case by case po talaga pero pano naman ung mga taon na nag aantay ng hagaki so yun po usually ang ineentertain namin na client na mismong nag sosodan sa office namin.

Aizeh
09-12-2007, 03:14 PM
Timog Forum is not liable for the content of the advertisements or the responses to such advertisements. We encourage members to take appropriate safeguards when responding to commercial ads, arranging payments, negotiating etc. A reminder to 'be smart not sorry' .
____________________ ____________________ ____________________ ___________
Hai wakarimashitta Docomo san.

Aizeh
09-12-2007, 03:37 PM
hi!yung sinasabi mong 4 years graduate na puedeng magkaroon ng working visa,puede ba yun kahit nasa pinas ang applicant?kayo ba maghahanap ng kaisha na papasukan nila?ano-anong work ba ang maibibigay nyo na working visa at magkano ang charge?
____________________ ____________________ __________________
Opo kahit nasa Pinas client na interested magkaroon ng Working Visa nabibigyan namin kelangan lang nya imail samin ang requirements na kakailanganin namin.PM mo ako kung interested po kayo.God bless:)

maimai
09-12-2007, 04:26 PM
____________________ ____________________ ____________\
Kung mag sosodan po sa amin ang client malalaman nya po ang sagot sa mga problema nya at mabibigyan namin sya ng advice what to do.Kung hindi man lumabas ang hagaki/visa ng clients hanggang 3 months ibabalik po namin ang pera.But wala pa naman kami case na ganon dahil so far lahat naman sila 1 - 3 months lang talaga narelease agad ang hagaki/visa nila.

Tama po kayo case by case po dahil iba iba naman ang problema ng mga OS.Kung ung frend nyo na 10 years kamo OS at 3 months lang nabigyan ng hagaki it means normal ung pag aantay nya diba na hanggang 3 months po.Case by case po talaga pero pano naman ung mga taon na nag aantay ng hagaki so yun po usually ang ineentertain namin na client na mismong nag sosodan sa office namin.

salamat sa pagsagot ng mga katanungan ko...

kakausap ko lang sa kapatid ko na nasa pinas..yung asawa nya ay graduate nang Mechanical Engineering..nakapun ta na dito last feb. lang as tourist..3 months ang visa...gusto sana nya bumalik dito at mag-apply ng trabaho dito sa japan..pag sa papeles naman ang pag uusapan walang problema lahat ay totoo at nakapasa din sya sa board exam....may chance kaya sya makapunta dito ulit with working visa??:confused:

tanong lang namin..magkano kaya ang ihahanda nya?? :confused: yen ba o peso??:confused: kasi di ba galing sya ng pinas...

total nag-aadvertise naman kau dito ng organization nyo..mas maganda siguro ilagay nyo naman ang presyo...para naman di na kami mag isip pa kung magkano ang ihahanda..:)

katulad nitong problem...

Same din po sa mga OS na nakasal na sa hapon na andito ngayon sa Japan na inabot na ng taon sa pag aantay ng hagaki/visa dahil sa penalty na 5 yrs.Ina assist din po namin ang ganyang case,1-3 months din po ang aantayin sa paglabas ng visa ng client.:)

kasi sa kaibigan ko..25 to 30 kalapad..sa inyo magkano kaya??:confused:

sana masagot nyo..:)

docomo
09-12-2007, 04:31 PM
Give me one convincing reason why would I pay or throw 30 ~60 lapad for assistance? anong assurance ? ;)
mag papa assist lang diba.. hindi bibili ng visa :D

diana_james
09-12-2007, 05:08 PM
yung tungkol sa work, sabi nyo po kahit nasa pinas yung client.
yung friend ko po bachelors degree, or commerce graduate, marami na rin po experience na trabaho related po sa study nya. pwede po ba itong ma assist nyo mahanapan ng work?

pasensya na aizeh haa.. kase nag popost ka dito, dapat sa mga tanong namin may kasagutan ka, dahil naghahanap ka ng client. kame syempre as a client, you are dealing here big money, syempre para maka siguro kame na at peace kame sa company nyo. we need honest and true answers regarding sa mga queries namin. thanks po.

wolfgang
09-12-2007, 06:34 PM
Give me one convincing reason why would I pay or throw 30 ~60 lapad for assistance? anong assurance ? ;)
mag papa assist lang diba.. hindi bibili ng visa :D
oo nga.....assist lang diba???? bakit sobra yatang laki.... kahit naman sguro maglakad pa ang attorney pero di ba yun mismong tao pa rin ang dapat haharap sa Mig-mig...sila pa rin naman ang iinterviewhin diba???...
pasensiya na po..... pero mas maganda po siguro kung mas maipaliwang pong mabuti ito..at walang paligoy -ligoy na explanation???
bakit ganoon kalaki ang kailangan???:confuse d: at anong assurance na 100% na magkaka visa agad ng 3 months lang ang hihintayin:confused:

Aizeh
09-12-2007, 11:53 PM
Give me one convincing reason why would I pay or throw 30 ~60 lapad for assistance? anong assurance ? ;)
mag papa assist lang diba.. hindi bibili ng visa :D
____________________ ____________________ ____________________ ____
Ang NPO ay may Admission fee na 5000 yen po,ang introduce fee ay libre.Kung sa 30 to 60 lapad yun po ay fee para sa Atty's fee at sa Supervisor fee po namin.Consultant po kami kung sino ang nangangailangan ng tulong at inaassist po namin sila.

Aizeh
09-13-2007, 12:04 AM
yung tungkol sa work, sabi nyo po kahit nasa pinas yung client.
yung friend ko po bachelors degree, or commerce graduate, marami na rin po experience na trabaho related po sa study nya. pwede po ba itong ma assist nyo mahanapan ng work?

pasensya na aizeh haa.. kase nag popost ka dito, dapat sa mga tanong namin may kasagutan ka, dahil naghahanap ka ng client. kame syempre as a client, you are dealing here big money, syempre para maka siguro kame na at peace kame sa company nyo. we need honest and true answers regarding sa mga queries namin. thanks po.
____________________ ____________________ ____________________ ___
Kung interesado frend mo na magka working visa PM nyo po ako or tawagan nyo po ako anytime.

Aizeh
09-13-2007, 12:31 AM
oo nga.....assist lang diba???? bakit sobra yatang laki.... kahit naman sguro maglakad pa ang attorney pero di ba yun mismong tao pa rin ang dapat haharap sa Mig-mig...sila pa rin naman ang iinterviewhin diba???...
pasensiya na po..... pero mas maganda po siguro kung mas maipaliwang pong mabuti ito..at walang paligoy -ligoy na explanation???
bakit ganoon kalaki ang kailangan???:confuse d: at anong assurance na 100% na magkaka visa agad ng 3 months lang ang hihintayin:confused:
____________________ ____________________ ____________________ ______
Isa po ako sa natulungan ng NPO, mula ng nagtourist visa ako pagpunta ko dito sa japan na 3months po visa ko NPO po tumulong samin ng asawa ko at nagpakasal kami ng hubby ko noong July 2 at nung dinust nila papers ko sa immigration nitong July 31,2007 po lumabas ang hagaki ko after 1 week dumating na hagaki ko and sonomama nagpunta na po ako ng shinegawa Nukukan para sa visa ko 1 yr po.Kaya don po naniwala ako na ganun kalakas ang connection ng NPO sa immigration.Kaya nagvolunteer po ako sa NPO office na gusto ko din sana matulungan nila ang mga Filipino na nangangailangan po ng tulong regarding visa.Hindi ko po kayo niloloko at lalong hindi po ako manloloko pareho po tayong mga Pilipino.

Tarena314
09-13-2007, 02:42 AM
Ako ang mae she share ko lang ay dati akong OS..,nag bilang din ako ng taon..,Pero ng mag desisyon akong sumuko ay ako na ang mismong pumunta sa kanila..,at hindi po ako nakaranas ng masamang pakikiharap nila..,tao silang kausap at magalang..,nagtuturo pa sila ng dapat mong gawin..,Kaya payo ko lang sayo AIZEH ay huwag mong sirain ang loob ng mga kababayan nating may problema at walang sapat na pambayad sa mga kagaya nyo..,manapay magbigay payo na lang kayo kung ano ang nararapat nilang hakbang na gawin..,:( hindi yung tutulong lang kayo dahil may perang aandar...,:( Hindi naman siguro bato ang bubuhatin nyo para syang iharap nyo sa migmig...,papel lang naman yun..,

sensei
09-13-2007, 08:20 AM
naniwala ako na ganun kalakas ang connection ng NPO sa immigration

Wala lang...gusto ko lang po sabihin na palakasan na rin pala ngayon sa immigration. Nung kapanahunan ko hindi ko naranasan yang matinding shiraberu at iji na sinasabi mo. Mas gusto ko pa nga magpabalik balik na lang sa immigration kesa sa Philippine Embassy, kasi sobrang magagalang at entertainin ka ng maayos sa Immigration....kahit pumila siguro ako doon ng isang araw eh okay lang kasi tao kang pakikiharapan.

Sige na po...idaan ko na lang sa tulog sarap pa naman ngayon suzushii...jyane:wav e:

may_abe
09-13-2007, 10:19 AM
Ako ang mae she share ko lang ay dati akong OS..,nag bilang din ako ng taon..,Pero ng mag desisyon akong sumuko ay ako na ang mismong pumunta sa kanila..,at hindi po ako nakaranas ng masamang pakikiharap nila..,tao silang kausap at magalang..,nagtuturo pa sila ng dapat mong gawin..,Kaya payo ko lang sayo AIZEH ay huwag mong sirain ang loob ng mga kababayan nating may problema at walang sapat na pambayad sa mga kagaya nyo..,manapay magbigay payo na lang kayo kung ano ang nararapat nilang hakbang na gawin..,:( hindi yung tutulong lang kayo dahil may perang aandar...,:( Hindi naman siguro bato ang bubuhatin nyo para syang iharap nyo sa migmig...,papel lang naman yun..,

Meron kang point doon Miss.. Para Sa NPO, maraming case, dito yan sa Japan. Sana Miss Aizeh, kung gusto mo talagang makatulong sa kapwa mo makakuha ng Visa huwag na lang dito sa TF kase, kawawa naman yung talagang kumakapit sa patalim at mahirap. Ang law sa Japan ay mahigpit. Hindi naman ganun kasama mga tao sa immigration compare sa pinas. Basta kumpleto ang papeles mo, di na kailangan abogado. O NPO. Meron information corner,kahit maka ilan beses ka bumalik..at magtanung libre naman yun. Pasensya ka na, iba ang case mo siguro. Sa mga gusto naman talaga mag bayad ng ganito well..good luck sana makatulong ang orga ni Miss AIZEH.30-60..fees..platinum Visa stciker siguro ang nakatatak sa passport:O

aki^-^
09-13-2007, 10:42 AM
sa post ni Ms. Aizah, di naman nya tyo pinipilit eh...kung sino lang naman ang may gusto...
tayo pa din ang magdedesisyon... :)

docomo
09-13-2007, 12:01 PM
Thank you sa paliwanag... maliwanag pa sa sikat ng araw ang explanation .. Now I understand kung bakit malakas ang NPO sa immigration.. sa 30 ~ 60 lapad na fee sa lawyer pano namang hindi lalakas ang koneksyon... hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw eh mas lalong humigpit ang immigration dahil may mga ganitong palakasan pala behind the scene. ..baka wala na silang bigyan ng visa hanggat hindi dumadaan sa mga lawyer or err NPO ..

and please wag ng sabihin pagtulong o gustong makatulong ..kase may bayad ito eh.. ang pagtulong kusang binibigay ng walang inaasahang kapalit..

maimai
09-13-2007, 12:23 PM
____________________ ____________________ ____________________ ____
Ang NPO ay may Admission fee na 5000 yen po,ang introduce fee ay libre.Kung sa 30 to 60 lapad yun po ay fee para sa Atty's fee at sa Supervisor fee po namin.Consultant po kami kung sino ang nangangailangan ng tulong at inaassist po namin sila.

ganun kamahal...mag-aassist lang ng papeles...:eek: :eek: ..tsk..tsk.. :rolleyes:
parang under the table na yata toh! :D

Thank you sa paliwanag... maliwanag pa sa sikat ng araw ang explanation .. Now I understand kung bakit malakas ang NPO sa immigration.. sa 30 ~ 60 lapad na fee sa lawyer pano namang hindi lalakas ang koneksyon... hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw eh mas lalong humigpit ang immigration dahil may mga ganitong palakasan pala behind the scene. ..baka wala na silang bigyan ng visa hanggat hindi dumadaan sa mga lawyer or err NPO ..

and please wag ng sabihin pagtulong o gustong makatulong ..kase may bayad ito eh.. ang pagtulong kusang binibigay ng walang inaasahang kapalit..

....kaya naman pala 1-3 months lang may visa na agad sa laki pa naman ng babayaran ng client...

hayz,tama ka dyan mod.doc... pagtulong sa kapwa kusang binibigay ng walang inaasahang kapalit..:)

wolfgang
09-13-2007, 03:26 PM
____________________ ____________________ ____________________ ______
Isa po ako sa natulungan ng NPO, mula ng nagtourist visa ako pagpunta ko dito sa japan na 3months po visa ko NPO po tumulong samin ng asawa ko at nagpakasal kami ng hubby ko noong July 2 at nung dinust nila papers ko sa immigration nitong July 31,2007 po lumabas ang hagaki ko after 1 week dumating na hagaki ko and sonomama nagpunta na po ako ng shinegawa Nukukan para sa visa ko 1 yr po.Kaya don po naniwala ako na ganun kalakas ang connection ng NPO sa immigration.Kaya nagvolunteer po ako sa NPO office na gusto ko din sana matulungan nila ang mga Filipino na nangangailangan po ng tulong regarding visa.Hindi ko po kayo niloloko at lalong hindi po ako manloloko pareho po tayong mga Pilipino.
Ikaw ba ito Miss or Mr. Aizeh:confused: Tourist visa ito..... nagpakasal sa hapon...so di ganoon kahiirap....mabigyan ng visa....kasi puwede naman talagang ipa change status at ganoon naman talaga ang suma total ngpanahon...1 month naman talaga ang hihintayin ng mga nagpapachange visa at nagpapa extend di ba??? (mali ba ako???)

I was an OS before and FYI di ako humingi ng tulong sa mga NPO na sinasabi ninyo..dahil ako mismo at asawa ko ang pumunta sa Immigration....sinub ukan namin itanong sa Immigration kung kukuha pa ba kami ng mga abogado at kung mas mapapadali ba kung kukuha kami ng mga ganyan..na sinasabi ninyo..... alam niyo ba ang sabi sa amin ng Immigration>>>NANDE?? pareho din naman daw ang pag pa process nila.....:)

Ngayon...nasa inyo na yan ...mga kaTF kung gusto niyong gumastos or kayo mismo ang lalakad ng mga sarili niyong papeles..
..at eto pa isa kong advice di ba mas maganda kung kayo mismo ang kikilos ng mga sarili niyong papeles...dahil atleast matututo kayo sa mga bagay bagay???:)

maimai
09-13-2007, 03:46 PM
____________________ ____________________ ____________________ ______
Isa po ako sa natulungan ng NPO, mula ng nagtourist visa ako pagpunta ko dito sa japan na 3months po visa ko NPO po tumulong samin ng asawa ko at nagpakasal kami ng hubby ko noong July 2 at nung dinust nila papers ko sa immigration nitong July 31,2007 po lumabas ang hagaki ko after 1 week dumating na hagaki ko and sonomama nagpunta na po ako ng shinegawa Nukukan para sa visa ko 1 yr po.Kaya don po naniwala ako na ganun kalakas ang connection ng NPO sa immigration.Kaya nagvolunteer po ako sa NPO office na gusto ko din sana matulungan nila ang mga Filipino na nangangailangan po ng tulong regarding visa.Hindi ko po kayo niloloko at lalong hindi po ako manloloko pareho po tayong mga Pilipino.

aizeh akala ko ba ang asawa mo ang abogado
bakit ka humingi ng tulong sa kanila sa NPO???:confused:

wolfgang
09-13-2007, 03:50 PM
aizeh akala ko ba ang asawa mo ang abogado
bakit ka humingi ng tulong sa kanila sa NPO???:confused:
oo confusing ito...Aizeh san.... ang asawa mo ay Lawyer diba....bakit siya hihingi ng tulong sa NPO ehhh diba dapat mas marami siyang alam sa batas:confused: :rolleyes:
and take note base sa iyong post tourist visa ka lang na nagpakasal so...di ganoon kabigat ang problema mo kagaya ng iba.....so di ganoon kahirap ang pag pa process ng visa....:rolleyes: bakit kailangan pa ng asawa mong humingi ng tulong sa NPO?????? Lawyer siya diba?????:confused: :confused: :confused: di niya ba alam ang tamang proseso ng mga ganoon case????:rolleyes:

yumiyumi
09-13-2007, 04:27 PM
aizeh, anong pangalan ng NPO na sinasabi mo? Kung makakapagbigay ka sana ng konting background/ info regarding this, mas malilinawan cguro ang mga tf peeps. since mukhang marami na rng natulungan, i assume meron din silang website na pwedeng bisitahin ng mga interested na pinoy sa inyong services.

hindi ako nagda-doubt na gusto mo tlga makatulong sa kapwa pinoy, pro shempre mas kailangan ng clearer & more detailed explanation regarding the organization na ina-advertise mo, para na rin ma-avoid ang confusion ng mga taong nagbabasa..

diana
10-02-2007, 03:04 PM
patulong naman po about my cousins problem..

diana
10-09-2007, 03:49 PM
patulong naman po about my cousins problem..
ayy naputol...hihihi!(ce ncia napo nasa kabilang thread,,)

ayumi
10-09-2007, 08:47 PM
hmmm...parang gusto kong sumali dyan sa NPO na yan.....
o di kaya magtayo ng bagong NPO???..he..he..(bir o lang..!)

Aizeh san,saan ka puedeng ma-contact? mahal ba bayad ng kukuha ng dependent?
niece ko gustong kunin husband and daughter niya,kaya lang ang passport niya,
nung sa single pa nakapasok sa Japan...mag-kano bayad 'pag ganitong case?
gaano katagal ang process?