View Full Version : tulong po....pls..pinaggbab antaan ang buhay ng pamilya ko
dark_march
09-18-2007, 01:52 PM
Sorry kung dito ko ito post,hindi ko kasi alam kung saan ko puwedeng ipost,me problema kasi ako tungkol sa pamilya ko sa pilipinas ganito kasi yon,,pinatira lang ng nanay ko sa amin ang anak ng pamangkin nya RON-RON ang pangalan nya ,tapos ang RON-RON na iyon ay nakapatay ng kapitbahay namin,ganito raw kasi yon nag iinuman daw ng gabing iyon ang pamangkin ko at may kasama pa syang kaibigan nya,sinaway daw sila na umuwi na at tumigil na sa pag-inom syempre medyo nakainom nagkasagutan sila pinukpok daw ng ketai sa ulo ang RON-RON na kinagalit nya,pero umuwi naman daw at tumigil na sa pagaaway,yun pala umuwi sa bahay namin,hinintay lang na makatulog ang nanay ko at kumuha ng kutsilyo at icepick at pinuntahan ang nakaaway pinagsasaksak ng 22 saksak hanggang mamatay,walang kaala-alam ang nanay ko nakapatay na pala ang RON-RON,kinabukasan na lang nya nalaman dahil nagtatakbuhan ang mga kapitbahay namin na me pinatay daw at may dumating sa bahay na pulis at hinahanap ang RON-RON na hindi na makita tumakas na pala,ngayon ang mga kamag-anak ng namatayan ay pinagbabantaan ang pamilya ko nailabas sya,hindi naman namin itinatago at hindi naman namin pinatakas sabi nila na"MANININGIL DAW SILA NA MAY TUBO PA"kung hindi namin ilalabas,itinuro na nga ng nanay ko ang address sa probinsya kung saan nakatira ang mga magulang nya ,pero wala na daw doon mukhang pinatakas na ng mga magulang nya, ngayon kami nga ang pinagbabantaan andyan yung binabato ang bahay namin ang nanay ko hindi makatulog at lagi nalang tumataas ang dugo nya ang kapatid kung bunso gabi-gabi umiiyak dahil natatakot baka pasukin nga sila at pag papatayin sila doon,nilapit na nila sa pulis na pinagbabantaan sila pero wala namang ginagawa ang pulis o kaya bigyan man lang ng proteksyon ang pamilya ko na pa tv patrol na nga ang nagawang krimen,pero piagbabantaan pa rin kami na papatayin daw kami kapag hindi nga daw ilabas,wala ba kayong alam kung saan puwedeng lumapit para mabigyan ng protection ang pamilya ko pls parang awa nyo na buhay ng pamilya ko kasi ang nakataya
sarpon
09-18-2007, 02:13 PM
di mo maaalis sa mga taong yan ang umisip ng magagantihan.. human nature yan pag nasaktan tayo o yung pamilya natin. pinakamaganda siguro ay hanapan mo muna ng ibang matutuluyan ang mga kapimilya mo.. hanggang lumamig muna ang situation. temporary lang. Sabihan mo rin sa nanay mo na ipa-blotter sa barangay & police yung mga naghaharass sa kanila.
louvette_15
09-18-2007, 02:47 PM
sang ayon ako sa suggestion ni sarpon san na ihanap nlng muna nng temporary na matutuluyan ang pamilya mo kasi sa ngaun napakasakit pa para sa namatayan ang ngyari pero bago pa yon, humingi kayo ng tulong barangay nyo na mamagitan sa pag uusap between sa inyong pamilya at sa namatayan. kailangang maipaliwanag sa namatayang pamilya na nakitira nga ung ron-ron sa inyo pero wala kayong kaalam-alam sa ginawa nya. hindi nyo kinunsinti ang gawaing iyon ng pinsan mo at lalong hindi nyo sya pinatakas. at i-guarantee nyo na pati kayo ay tutulong sa abot ng makakaya nyo para mabigyan ng hustisya ang pagkapatay sa kapamilya nila. sakali mang may ngyari sa isa sa kapamilya mo gawa nila ay hindi rin nangangahulugang nakamit na nila ang hustisya dahil hindi nman ang pinsan mo ang napaghigantihan nila db? kung maaari nga sana na may pulis ding kasama na mamamagitan sa pag uusap para kung sa gayong hindi makapagpigil ang namatayan ay may tutulong sa barangay...
musikaghie
09-18-2007, 02:56 PM
Sangayon ako sa sinabi ni Sarpon at Louvette,ang talagang makakatulong din diyan ay ang baranggay at sa police station ng lugar ninyo...At kung pwede yung nanay at kapatid mo ay ilayo mo muna sa lugar na yan kasi mahirap na ngang madamay sila.
Mabigat na problema yan, pero maaayos din yan wag kang magalala.Kailangan lang talagang lumantad ang pamangkin mo para panagutan niya ang nagawa niya sa batas diba?
Yon lang talaga ang makakapagpatigil at makakapagtapos ng problemang yan.
Pero kung di pa siya makita at nagtatago nga siya, medyo matatagalan yan.
Pero ipaubaya mo kay Lord lahat,sya lang nakakaalam ng ikalulutas ng problema na ito,kaya dasal ka lang palagi sa kanya...Maaayos din lahat yan...
dark_march
09-18-2007, 04:09 PM
maraming salamat sa advise sarpon, louvettte15,Musikagh ie ganon na nga ang ginawa ng nanay ko sa noong nakaraang araw sa gabi hindi sila natutulog doon nangupahan sila ng bahay na sa gabi lang sila doon matutulog pero ngayon na kasi ang libing ng namatay kaya ayaw na nilang umuwi sa bahay,pinablotter na rin namin sa pulis na binabantaan nga kami at binabato ang bahay namin ng mga kamag-anak nya wala magawa ang mga pulis,sabi sa pulis na mag hire kami ng private investegator na hanapin ang Ron-ron , magbayad daw kami ng 20k,sabi ok lang kung magbayad kami ng 20k para hanapin nga si Ron-ron eh ang proteksiyon ng pulis sa pamilya ko wala naman silang magawa,balak ko nga na ipagbili na lang ang bahay at lupa namin at lumipat na lang kami ng lugar kahit mahuli pa rin iyong Ron-ron na iyon andoon pa rin ang sama ng loob ng mga kamag-anak nila diba,pag na lasing sila syempre hindi mo hawak ang pag iisip ng tao at kung anong iniisip nya,at saka hindi naman agad mabebenta ang bahay at lupa ng basta-basta maghahanap pa kami ng buyer,wala ba talaga kayong alam na malalapitan na merong makakatulong sa amin gusto ko mang umuwi sa pilipinas ano ang magagawa ko pare-pareho kaming bantaan nila,hindi nga ako makatulog gabi-gabi ang pamilya ko ang iniisip ko ok kaya sila baka merong masamang mangyari sa kanila araw -araw pinagdadasal ko nga kay lord na huwag nyang pabayaan ang pamilya ko at mahuli na sana si Ron-ron,taga Antique nga pala ang Ron-ron na iyon,sabi ng pulis maliit lang daw ang antique,sabi ko naman malaki ang Pilipinas malay mo mamundok yon o kaya sumama sa mga NPA,hindi tanga yon na maglagi lang sa antique na wanted sya syempre magtatago yon at mamundok diba
shakey
09-18-2007, 04:14 PM
gud pm mga ka tf,katakot naman yang wento na yan...mas maganda nga na ilipat mo muna ng bahay ang mga nanay mo,tsaka subukan kaya nila punta ng pulis den sabihin nila ang totoo na wala silang alam sa ginawa ni ron ron,sabihin nila na di nila alam kung nasaan yung taong yun.mag pa blotter sila kung ako sa nanay mo lalo na ngayong pinag babantaan narin sila.dasal na lang tayo para di madamay ang pmilya mo .:)
dark_march
09-18-2007, 04:34 PM
gud pm mga ka tf,katakot naman yang wento na yan...mas maganda nga na ilipat mo muna ng bahay ang mga nanay mo,tsaka subukan kaya nila punta ng pulis den sabihin nila ang totoo na wala silang alam sa ginawa ni ron ron,sabihin nila na di nila alam kung nasaan yung taong yun.mag pa blotter sila kung ako sa nanay mo lalo na ngayong pinag babantaan narin sila.dasal na lang tayo para di madamay ang pmilya mo .:)
maraming salamat sa inyo mga ka tf at sa iyo shakey na maraming nag-aalala sa aking pamilya, na ipablotter na nga si Ron-ron na pa tv patrol pa nga, naganap ito sa amin dito sa Biwas,Tanza,Cavite at nakipag cooperate na rin ang nanay ko sa kanila tinuro na nga kung saan ang address sa probinsya nalaman naman daw na nandoon nga dahil sabi ng mga kamag-anak na nakita ngang umuwi ng probinsya ng umaga pero kina hapunan nawala na tumakas na,kaya lang ang pamilya ng namatayan ay hindi naniniwala na hindi namin tinatago,anak lang naman ng pamangkin ng nanay ko si Ron-ron,isang buhay lang iyon diba eh kung buong buhay ng mga pamilya ko ang kukunin nila syempre ituturo namin di ba ,hindi kami tanga na hindi namin ituro kung nasaan sya pumatay sya kaya kailangang nyang panagutan iyon kahit sa mata ng tao at sa mata ng diyos mali talaga ang ginawa nya kaya dapat lang na panagutan nya
louvette_15
09-18-2007, 05:06 PM
tama ka dark march san, hindi natin hawak isip ng tao lalo na kng nakainom ang mga ito. at mukhang walang laban kapamilya mo saka-sakali dhil nanay at kapatid mo lng nandun...total kaya mo nman sigurong iupa ng bahay pamilya mo sa pinas habang naghahanap pa kayo ng buyer ng bahay nyo, ganun nlng gawin mo. mahirap kasi makipag sapalaran dhil once ang buhay ay nawala na hindi na ito maibabalik...kahit maliit lng na bahay na malayo sa lugar nyo at walang nakakaalam. nakakainis talagang isipin na parang pamilya mo nagbbyad o nagtitiis sa kasalanan ng pinsan mo pero nandyan na kayo sa sitwasyong yan kaya ang umiwas ang pinaka the best option nyo kng gnung hindi pala makakatulong ang pulisya o barangay nyo sa pag proteksyon sa pamilya mo. mas mainam na ung makagastos ka man ay kapalit nman nun ay peace of mind na safe pamilya mo sa pinas. mahirap dumiskarte dito sa japan ng may iniisip kang seryosong bagay. baka magkasakit ka pa nyan o maaksidente ng dhil sa kakaisip sa pamilya mo dun db...ilipat mo nlng sila malyo sa lugar nyo habang maaga pa at kng maaari ay pasamahan mo sila ng lalaki sa bahay nyo pansamantala. lalaki ba ung kapatid mo?wala k bang ibang kapatid na maaasahan ng nanay mo dun? try nyo pa rin makipag usap sa head of the family nung namatayan baka na garantiyahan ng taong yon kaligtasan ng pamilya mo laban sa pamilya nila dahil wala nman talaga kayong kasalanan at alam sa gnawa ni ron-ron.
sana matapus na itong seryoso mong problema...magdasal ka parati ok...
summergirl
09-18-2007, 06:13 PM
Sorry to hear that,talagang matatakot ang mother mo at kapatid mo dahil binabato ang bahay nyo at pinag-babantaan kayo.Kung di nyo naman sarili ang bahay ,bitawan nyo na lumipat kayo habang buhay ,dahil di nyo naman alam kung kailan kayo babalikan ng mga taong ganon ang pag -iisip..Hindi man nyo alam,syempre paniniwalaan ba naman nila iyon..!Kahit pa blotter pa ,kung may nagawa na mas mabuti ang maagap..Wag nyo ng pag isipan lumipat na lang kayo.Kung sa inyo naman ang bahay,paupahan nyo na lang sa ibang tao.buhay ang pinag-uusapan dito ..Ingat at dasal kayo palagi.
dark_march
09-18-2007, 06:13 PM
thank you sa reply mo louvette15, andoon ang kapatid ko dalawa kaya lang puro babae andoon naman ang tatay ko,kaya lang kasi tahimik kasi yon super sa bait hindi ko pa nakitang nagalit yon,andoon ang mga kamag-anak namin kapatid ng tatay ko na walang pakialam sa amin,malapit lang sila sa bahay namin doon alam nila na pinagbabantaan na kami wala man silang tawag na ayos ba kayo diyan,na meron ba akong maitutulong sa inyo,wala as in wala,kaya lalong nagiiyak ang nanay ko wala daw silang karamay,mga walang concern,dahil maliit pa kami nilalait na nila ang nanay ko palibhasa ang mga kapatid ng tatay ko eh merong pinag-aralan teacher,bank accountant na meron silang pinag aralan,ang nanay ko eh isa lang syang katulong at tindera na visaya,na kinaayawan nila sa nanay ko,anong magagawa nila eh iyon ang nagustuhan ng tatay ko,tapos nga ngayon syempre naggambatte ako para hindi nila lait-laitin kami nag Japan ako mas tumaas kami sa kanila na parang ayaw nila na nahihili naman sa amin ngayon sa amin,iyon na nga lang pray na lang talaga ang sulusyon,sa ngayon wala na nga sa bahay ang pamilya ko,nangungupahan sila ngayon,meron akong apartment tatlo kaya lang puro malapit lang din sa bahay namin kaya medyo sa malayo sila ngayon nangungupahan Sana meron pa sanang magadvise sa akin kung anong gagawin ko,maraming salamat sa concern nyo sa akin sana isama na rin nyo sa dasal ang pamilya ko tahank you in advance
poohbear
09-18-2007, 08:08 PM
Alam mo halos pareho tayo ng ng problema ! me hawig ang nangyari sa pamilya mo saka sa pamilya ko sa pinas... advise ko sayo ilayo mo na lang pamilya mo sa lugar na yon at humanap na lang ng ibang matutuluyan kesa naman may mangyari pang masama sa pamilya mo don !
nanay ko din before di matulog at makakain at iyak iyak dahil sa takot sa kapitbahay namin ...
Alam kong di madali ang sinasabi ko but yon lang ang alam kong paraan para makaiwas sila !
Sa ngayon sabi ng nanay ko kahit masikip ang tinitirhan nila ngayon ok lang kesa naman daw kung mag iistay sila sa bahay namin na di sila mapakali sa takot. Alam mo wala ka talagang maasahan sa pulis or baranggay ninyo kasi dika talaga papansinin pag di mo bigyan ng lagay ...
yan kasi ang based sa nangyari sa amin... ewan ko lang sa ibang lugar !Alam mo hanggang ngayon di pa rin tapos ang problema namin pero siguro kahit matapos man di ko na gugustuhin bumalik pa ang pamilya ko sa lugar namin kahit pa nakakapanghinayang ang bahay ko don!
louvette_15
09-19-2007, 12:45 AM
thank you sa reply mo louvette15, andoon ang kapatid ko dalawa kaya lang puro babae andoon naman ang tatay ko,kaya lang kasi tahimik kasi yon super sa bait hindi ko pa nakitang nagalit yon,andoon ang mga kamag-anak namin kapatid ng tatay ko na walang pakialam sa amin,malapit lang sila sa bahay namin doon alam nila na pinagbabantaan na kami wala man silang tawag na ayos ba kayo diyan,na meron ba akong maitutulong sa inyo,wala as in wala,kaya lalong nagiiyak ang nanay ko wala daw silang karamay,mga walang concern,dahil maliit pa kami nilalait na nila ang nanay ko palibhasa ang mga kapatid ng tatay ko eh merong pinag-aralan teacher,bank accountant na meron silang pinag aralan,ang nanay ko eh isa lang syang katulong at tindera na visaya,na kinaayawan nila sa nanay ko,anong magagawa nila eh iyon ang nagustuhan ng tatay ko,tapos nga ngayon syempre naggambatte ako para hindi nila lait-laitin kami nag Japan ako mas tumaas kami sa kanila na parang ayaw nila na nahihili naman sa amin ngayon sa amin,iyon na nga lang pray na lang talaga ang sulusyon,sa ngayon wala na nga sa bahay ang pamilya ko,nangungupahan sila ngayon,meron akong apartment tatlo kaya lang puro malapit lang din sa bahay namin kaya medyo sa malayo sila ngayon nangungupahan Sana meron pa sanang magadvise sa akin kung anong gagawin ko,maraming salamat sa concern nyo sa akin sana isama na rin nyo sa dasal ang pamilya ko tahank you in advance
siguro takot din madamay yong iba nyo pang kamag anak sa sitwasyon nyo. mabuti naman at nailipat mo na sila ng matitirhan..medyo kampante ka na nyan kung ganun. wag mo ng isipin ung ibang kapamilya, sasama lng lalo loob mo at dagdag pa sa stress mo. basta lagi kamong i-lock pintuan ng bahay. sana man lng may alaga kayong aso na mag aalerto kapag may taong umaaligid sa bahay nyo no? naisip ko lng.hehehe... sa susunod, learn from your experience nlng...kahit kasi kamag anak natin hindi rin natin hawak ang isip. kapag nasa atin nakatira ay nagiging obligasyon natin ang mga ito. kung ano mang magagawa nila habang nasa poder natin ay d maiiwasang masasangkot tayo...ipaalala mo rin sa nanay mo at kamo parating magdasal at makipagkaibigan sa bagong kapitbahay para may dadamay in case of emergency.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.