PDA

View Full Version : Most Memorable Experience(s) mo nung College Days???

engr_jazon
09-21-2007, 10:20 AM
Mga ka-TF,

Anung memories mo nung College Days sa iyong ALMA MATER ang sa tingin mo ay pinakatumatak sa pagkatao mo? /or di mo malilimutan na mga pangyayari....
Experiences sa mga teroristang prof.? :hellfire::banghead: :devil:
Mga overnight dahil sa paggawa mo ng projects, plates, or designs? :crash::type:
Mga kopyahan blues with barkadas?:grouphug:
Inuman at happy happy with kaklase?:toast::bigl augh:
Ligawan moments sa mga naging girlfriends/ boyfriends?:love::sw eeties:

At kung anu anu pa.....

(College Days lang po ah... Di na muna natin isasama ang High School Life...okies?)

infinite_trial
09-21-2007, 10:42 AM
mauna muna ang threadstarter :p

engr_jazon
09-21-2007, 10:48 AM
mauna muna ang threadstarter :p

hehehe....kayo na muna... umpisahan mo infinte trial...

infinite_trial
09-21-2007, 10:58 AM
^ daya :p umpisahan ko, susunod ka?

ang mga naaalala ko...
meron kaming 3 bahay na alternate na pinagsleepover tuwing gumagawa kami ng thesis. ako lagi tagagawa ng flash presentation bukod sa ibang contribution...hehe kaya ako ang pinakapuyat kasi di ako makagawa hangga't di nila tapos yung tasks nila. minsan nagpresent kami di na ko nakaligo kasi masama daw maligo pag di natulog...eeeww.

kilalang kilala ako ng mga prof sa pangalang...ah si <real name here>, si spaghetti girl? kasi lagi daw ako nakaspaghetti straps hihi. kasalanan yun ng isang prof ko, kasi napagsabihan nya ko minsan nakasuot ako ng heartthrob shorts (puruntong :D). sabi nya next time girly na daw sana yung outfit ko. lolz..kaya naman kinabukasan sobrang kikay ko na :D

lagi akong sinasama sa volleyball, pero di naman ako marunong...pangdagda g lang. kaso nabuking ako ng kalaban kaya lagi nila sakin pinapupunta yung bola mwahaha.

gumagawa kami ng mga barkada ko ng c++ program hehe bukod pa sa paminsang pagtuturo ng flash at kung mga anik-anik, para pambayad sa nirent naming apartment. kasi di na daw kami pede magsleepover, lakas daw kasi namin kumain.

di nawawala ang ginpom (jologs pa kami di pa namin kaya mang jose haha) saka session ng tongits at pusoy dos pag nagthethesis.

yun lang at masyado ng madami :p

summergirl
09-21-2007, 11:32 AM
Naaalala ko kung paano kami tumawid sa kabilang building ng mga barkada ko at talunin ang fire exit ng bahay namain,para makapag disco at sumama sa racing sa greenhills before..Lol.!palagi akong napupukpok ng happy feet sa paa ko ng mama ko..

sarpon
09-21-2007, 11:48 AM
mga unforgettable exprience ko nung college..

- nahuli kaming nagsusugal (tong-its) sa loob ng classroom. community service kami ng ilang araw sa loob ng campus.
- inuman session sa carinderia lapit sa campus during lunch tapos pasok ng nakainom sa klase..:D
-sumama sa rally nung araw na binasura yung US bases agreement.. umuulan pa nun kaya umuwi kami ng basang-basa.
-syempre mga niligawan, naging syota, nabasted, iniyakan, etc. etc.
-pormang metal with matching long hair.
-sabit sa jeep kahit me upuan naman
-eksaktong pamasahe (minsan 123 pa!)
-tambay sa mall

g33k
09-21-2007, 12:14 PM
nice thread. singit ako ha.

hhmmnnn ano ba memorable days ko sa college?

# na kicked-out at muntik nang mablacklist sa mga kolehiyong paaralan. Worst, di alam ng mga magulang ko na pumasok pala ako sa paaralang ito until now. hehe:D

# gumagawa ng kompyuter program gamit ang papel at lapis sa kadahilanang di ako makabili ng kompyuter :D. minsan napagalitan ako ng prof ko sa C language dahil bakit di daw kompyuter print ang source code ko eh requirement nya daw yun. duh! wala nga akong kompyuter eh!

# madalas makipagtalo sa mga propesor na dumedepende lamang sa sarili nilang solusyon o sa libro. tuloy halos weekly akong pinapatawag sa opisina ni dean. :D

# sinubukang pagsabayin ang babae at pag-aaral. tama nga ang nakakarami, mas priority ang babae kesa sa klase hahaha.

# matulog sa klase at laging napapagalitan ng prof :D

mamimo
09-21-2007, 12:18 PM
college days? hmmmmm

~ Mahilig ako tumakas nun hindi sa parents ko kundi sa barkada kong waiting sa gate pag tapos ng klase so kung hindi ako makipag-unahan para makadaan bago sila dumating lumulusot naman ako sa guard para makalabas sa backdoor. Pero kung gano ako kailap from Mon-Thurs lagi naman akong present ng Friday night (TGIF daw:D ) kasi madalas gimik night yun kundi overnight sa bahay ng classmate namin sa Tagaytay hanap kami ng place like bar o coffee shop at paumagahan na yun.

~ Ala akong naging lovelife sa school kasi sobrang kampante na ko sa barkada kong guys na parang kapaitd na lang talaga ang turingan eh crushes ko naman puro prof ko na hanggang tingin ka na lang.:O :D

aviationlady
09-21-2007, 12:35 PM
Niyayaya ako ng mga classmates/friends ko umakyat baba ng fence ng dorm. para maka-attend ng nomikai, parties, etc. Senpai kase kaya walang nagkakamaling magsumbong. :D Ang aga kase ng curfew namin kaya kahit magmukang saru na kami basta wag lang papahuli takas pa rin. :D

neneng
09-21-2007, 03:26 PM
Pa-join din ako!
Marami akong memorable times during my college days.

1. When i joined the sorority (Alpha Phi Omega) and laging sa beach ang initiation.

2. It was college time din when i had my first boyfriend....pag maalala ko yong ligawan blues and of course the days we spent together....can't help to make a smile:p

3. When i joined the campus pageant and luckily kahit not the no. 1 ,still earned 3 titles:)

4. when i graduated with flying colors....;) ( c_ _ l_ _ _ e)

5. .....at marami pang iba:rolleyes:

louvette_15
09-21-2007, 04:35 PM
pasali din...

ako nman ang naaalala ko ay yong practicum nmin sa Plainview Rehab. imbes na sila pipili ng 2 patients each samin, ang ngyari ako ang pumili sa patients ko...ang gugwapo ng pinili ko. syempre pag interview session plang concentrate baka kc may makalimutang isulat o my d maintindihan sa pinagkukwento nila. ang problema, nawawala sa kwento pasyente ko tapus hindi ko pa maiwasang hindi makinig sa kabilang interview dahil sa mga out-of-this-world na kwento...yon bang lahat kmi nagpipigil tumawa the whole time...para ngang kami ang baliw dun sa loob eh..

sa thesis making nman, boring experience ko. pano b naman, magna ang ibinigay sakin na partner. pati tuloy ako seryoso. hindi kc group ang thesis nmin, dala-dalawa lng. bumibyahe na sya papuntang school, ako nsa bahay plang nagsusulat ng mga pinapasulat nya. bwisit nga eh. redbull kaibigan ko nung time na yon d kc ako tablan ng ira...sulit din kc excempted kmi sa defense at naka 1.25 kmi sa thesis. biruin nyo, kahit ako hindi makapaniwalang ang thesis ang pinakamataas ko sa card..feeling serious-kind of student...hehehe

dianne
09-21-2007, 05:10 PM
:rolleyes: naalala ko nung college days ko nag aaral ako sa lyceum .... every friday meron kaming baon na damit pang disco ...pag uwian na galing school... derecho sa banyo ng restaurant o kaya hotel kunwari makiki ihi pero nag bibihis na pala ng pang japorms ~~~ tambayan namin ang WERE ~ELSE at EUPHORIA disco sa makati at AQUINOX ~~~ kaya pag uwi ng bahay bugbog sarado mata lang walang latay ....:rolleyes:

ang uniform namin paiksian ng skirt at pit na pit kesehoda puro bakokang ang legs~~ basta mapansin lang ng mga boyz~~;) palagi rin kaming nag me~me i go out tapos lagay ng lagay ng eyeliner at lipstick sa cr ~~~ kalalandi ng grupo ko eh~~~

tapos pag meron akong crush labas ako ng labas ng classroom kunwari iihi pero da~daan lang sa harap ng classroom ng crush ko~~~pag naubos ang budget pambili ng lipstick papel de hapon ang ginagamit naming lipstick ~~~~;)

ayun kaalembongan ko ako lang di nakatapos ng course ko commerce sa grupo lahat sila graduating ako tambay ~~~ nag bibilang ng butiki sa bahay namen ~~:rolleyes:

engr_jazon
09-21-2007, 05:30 PM
:rolleyes: naalala ko nung college days ko nag aaral ako sa lyceum .... everyfriday meron kaming baon na damit pang disco ...pag uwian na galing school... derecho sa banyo ng restaurant o kaya hotel kunwari makiki ihi pero nag bibihis na pala ng pang japorms ~~~ tambayan namin ang WERE ~ELSE at EUPHORIA disco at AQUINOX sa makati ~~~ kaya pag uwi ng bahay bugbog sarado mata lang walang latay ....:rolleyes:

ang uniform namin paiksian ng skirt at pit na pit kesehoda puro bakokang ang legs~~ basta mapansin lang ng mga boyz~~;) palagi rin kaming nag me~me i go out tapos lagay ng lagay ng eyeliner at lipstick sa cr ~~~ kalalandi ng grupo ko eh~~~

tapos pag meron akong crush labas ako ng labas ng classroom kunwari iihi pero da~daan lang sa harap ng classroom ng crush ko~~~pag naubos ang budget pambili ng lipstick papel de hapon ang ginagamit naming lipstick ~~~~;)

ayun kaalembongan ko ako lang di nakatapos ng course ko commerce sa grupo lahat sila graduating ako tambay ~~~ nag bibilang ng butiki sa bahay namen ~~:rolleyes:

dianne-san,

tabing school pala tayo ah...hehehe...Intram uros?
pansin ko nga yan sa mga taga LYCEVM... (este LYCEUM pala...)
pero marami naman talaga magaganda dun... kaya pag kakain kami ng lunch, dun kami sa Intramuros walls eh... Nung time nyo ba eh meron ng mga kainan dun?

dianne
09-21-2007, 06:03 PM
:eek: dianne-san,

tabing school pala tayo ah...hehehe...Intram uros?
pansin ko nga yan sa mga taga LYCEVM... (este LYCEUM pala...)
pero marami naman talaga magaganda dun... kaya pag kakain kami ng lunch, dun kami sa Intramuros walls eh... Nung time nyo ba eh meron ng mga kainan dun?

ano ka naman ~~~:eek: ano naman palagay mo saken nasa T~~~four palang ako noh~~ :rolleyes: uu meron na nyan nag kalat me suki pa nga kame dun eh si aling pasing pwede utang ~~:p sa haba ng listahan namen di na kame makabayad kaya pina baranggay kame ~~~:rolleyes:

Soju6
09-22-2007, 06:37 PM
Ay sale ko dito.....College days, hmmm, sa Saint Paul's QC. YUng inaabangan ko laging meztiza suki ko sa "mani" sa Morning and Afternoon. Pag labas niya nang kotse ready ko na yung maning paborito niya. Hanggang sa Pag uwi niya.....HIndi kumpleto araw ko pag nag absent siya. Di bale nang wala kita yung kariton ko ng mani basta makita ko lang siya.

Ayun!!huli na ng malaman ko, di pala yung tinda kong mani gusto niya isinakay niya ako sa chedeng niya at naiwan yung kariton ko:hihi: , sa awa ng diyos ngayon eh....."Tatlo na anak namin" hehehehehe:hihi:

adechan
09-22-2007, 06:50 PM

may gayuma siguro yang mani na tinda mo

ikaw pala magmamani (iyun ba tawag sayo?)
kase iyong isang klasmeyt mo yata magtataho naman

Soju6
09-22-2007, 06:57 PM
may gayuma siguro yang mani na tinda mo

ikaw pala magmamani (iyun ba tawag sayo?)
kase iyong isang klasmeyt mo yata magtataho naman

Si H (sam mil)B? may lahing intsik yun eh kaya taho ang linya niya.

adechan
09-22-2007, 07:21 PM
Pinaka memorable nagsimula sa beach naman.

Officer ako nang Student council noong 2nd year college ako. Nagkaroon kami nang leadership training. May branch iyung school ko malapit sa beach. Under construction palang pero marami nang facilities na bukas, at ginagamit na.

Noong last portion nang training day, sa beach kami naghapunan. Then nang uwian kanya kanya na. One ride lang naman kase sa jeep.

Well, mukang hindi yata lahat uuwi na. May mga ilan ilang maiiwan. Ako, wala naman akong business doon kaya kasama ako sa mga uuwi. Papunta na kami sa hintayan nang jeep nang may humawak sa kamay ko, si ano, siya na nga.

Hinila niya ako at sinabing huwag muna akong umuwi. Hinila ba naman ako, e di sige, e nagsisakay na nang jeep iyung mga uuwi.

E-di na ki jam ako sa mga naiwan. Nang mga ilang sandali, unti unting nangawala ang mga tao. Kaming dalawa na lang ang natira. Mabait siya, gwapo at maraming may crush sa kanya, kaya medyo alanganin akong siya ang katabi ko. Iyon maraming kuwentuhan. Hindi naman kabilugan ang buwan pero ang naaalala ko ang ganda nang reflection niyon sa dagat, lalo na kitang kita pa ang mga ilaw sa subic base.

Dami naming pinagkwentuhan, hindi naman siya nanliligaw, pero panay ang tanong kung may bf ako, o mga nanliligaw. Mula noon naging close kami. Inihatid pa niya ako hanggang bahay namin.

Mula noon lagi niya akong niyaya sa mga gala lalo na after class. Eh ang last class ko 7 pm. Kaya alive na alive na ang sinasabing magsaysay sa olongapo. Favorite tambayan namin "hard rock cafe", may live band.

Maraming naging happenings. May mga troubles, kalokohan. Pero pasimple lang dahil kami ang mga campus officers.

Hayyy naku! Na miss ko naman siya. But still wondering, hindi siya nanligaw sa akin, at hindi rin naman kami naging mag boyfriend, kahit halos lahat iyon ang akala. But I go with him, alone or with a group, i just enjoy his company ~~ at lagi naman niya akong libre eh.:)

PA OT PO
Isip ko ngayon, hindi kaya siya bakla:confused:, pero hindi may asawa na siya eh.
O gusto lang talaga niya akong company. Hindi ko naman naisipang itanong. Patay malisya kase ako noon. Sana magkita ulit kami sa net.
Out of Topic Question
May mga guys ba talagang for friend lang ang motive nila sa girl na palaging nilang niyayaya?

pasensiya na po

Si H (sam mil)B? may lahing intsik yun eh kaya taho ang linya niya.

naruhodo ~~ lahig intsik pala

Soju6
09-22-2007, 08:10 PM
Miss Adechan...May mga guys ba talagang pang friends lang? Meron, isa na ako dun.
Minsan nga pag kasama ko yung isang friend ko sa gimmick sa labas. Pag nalasing siya buhatin ko siya i-check in sa hotel tapos labas ulit ako para tuloy ang inuman. Balikan ko na lang siya sa morning para ihatid pauwi.....kasi nanduon yung tinatawag na "trust".
Nope, hindi siya pangit. Attractive na madatung pa. Pag sinabi kasing "friends", friends lang talaga, that's how I am.

wolfgang
09-22-2007, 09:21 PM
ako yun mga memorable sa akin.....
=yun kulitan namin magkakalase...tuksui n ang bookworm ...heheheheh...dami kasi namin classmate na kulang na lang kainin yun libro hehehehhe(pero yun bookworm na tinutukso namin ayun abogada na ngayon)
= rally, barikada at siyempre ang lakarin ko mula sta.mesa hanggang Mendiola...sta .mesa hangang UP diliman (naranasan kong mabomba ng tubig,mamaos,at ma tear gas)
=makipag debate sa mga professor namin...
=ikutin ang buong university para mag orient at manghila ng mga freshmen
= tumambay sa lagoon at sa triangle ng University pag uwian
= kumain ng lugaw sa likod ng library minsan palabok ang sahog sardinas....heheh jologs diba?
= naranasan kong matulog ng isang buong linggo sa campus na walang uwian sa bahay...dahil sa pagbabantay ng balota sa Election ng Student council
naalala ko tuloy yun isang tumatakbo ...heheheh ang huling sinabi niya ehhh yun linya sa forrest gump"in a box of chocolate you'll never know what you will get" sagot namin errr ehh di chocolate nyahahahha kakaloka yun mga pinag gagawa namin noon
- isa pang naalala ko yun professor namin sa Phil. Constitution....haha h final exam namin yon....sabi niya sa amin ok you can open your notes sabay sabit ba naman niya ng rosaryo sa blackboard....at sabihin na God is watching daw??? atsaka ang hilig nong example na kaso ehhh rape nyahahhahaha...kasi daw yun ganoon....alam na agad kung saan parte nang katawan at ano ang ginamit na sandata...di daw kagaya ng murder (hahahah sabagay totoo naman)
manghiram ng pamasahe at libro sa mga classmate ko na -
sumabit sa jeep...hahahhaha (kahit pinagtitinginan ako pakialam ko)
- eto ang pinaka di ko makakalimutan hahhaha ang pumasok sa school na lasing hahahhaha may hang-over ako dahil sa gin coke na yan

Chibi
09-22-2007, 10:22 PM
waaaaaaaaaaaaa!!buti pa kayo,nung college days ko kase manang akuhh!:O eskwela bahay lang!!huhuhuhuhu!!
pero nung college days ko ang lufet kow,makikita mo lang ako sa classroom pag prelims at midterm!nyahhahahaha h!
ang galeng ng grades ko sa taxation accounting!!buti na lang nung finals naipasa ko rin!!:( tanong ko rin yan sa sarili ko baket kaya ako nipasa??:D
- di ko rin makakalimutan nun sa spanish 4 pinatula kami ng "Mi ULTIMO ADIOS" sus!!nagkanda palipit dila ko ha!!!pero at least nakapasa fa rin!!:D
waaaaaaaaaaaaaaaa!!d i lang ako nakalusot sa Mathematics of investment!:(

dianne
09-22-2007, 10:37 PM
ako yun mga memorable sa akin.....
=yun kulitan namin magkakalase...tuksui n ang bookworm ...heheheheh...dami kasi namin classmate na kulang na lang kainin yun libro hehehehhe(pero yun bookworm na tinutukso namin ayun abogada na ngayon)
= rally, barikada at siyempre ang lakarin ko mula sta.mesa hanggang Mendiola...sta .mesa hangang UP diliman (naranasan kong mabomba ng tubig,mamaos,at ma tear gas)
=makipag debate sa mga professor namin...
=ikutin ang buong university para mag orient at manghila ng mga freshmen
= tumambay sa lagoon at sa triangle ng University pag uwian
= kumain ng lugaw sa likod ng library minsan palabok ang sahog sardinas....heheh jologs diba?
= naranasan kong matulog ng isang buong linggo sa campus na walang uwian sa bahay...dahil sa pagbabantay ng balota sa Election ng Student council
naalala ko tuloy yun isang tumatakbo ...heheheh ang huling sinabi niya ehhh yun linya sa forrest gump"in a box of chocolate you'll never know what you will get" sagot namin errr ehh di chocolate nyahahahha kakaloka yun mga pinag gagawa namin noon
- isa pang naalala ko yun professor namin sa Phil. Constitution....haha h final exam namin yon....sabi niya sa amin ok you can open your notes sabay sabit ba naman niya ng rosaryo sa blackboard....at sabihin na God is watching daw??? atsaka ang hilig nong example na kaso ehhh rape nyahahhahaha...kasi daw yun ganoon....alam na agad kung saan parte nang katawan at ano ang ginamit na sandata...di daw kagaya ng murder (hahahah sabagay totoo naman)
manghiram ng pamasahe at libro sa mga classmate ko na -
sumabit sa jeep...hahahhaha (kahit pinagtitinginan ako pakialam ko)
- eto ang pinaka di ko makakalimutan hahhaha ang pumasok sa school na lasing hahahhaha may hang-over ako dahil sa gin coke na yan

wulpe tiga PUP ka pala meron akong naging boyfriend nag aral sa PUP ng 3 mths. lang noong 89's he's name is BIENVENIDO GUINGONA kilala sya ng lahat ng propesor nyo .... dahil na kick out sya sa san agustin ~~~ at maraming exclusive school kaya ang binag sakan PUP diba ang school nyo bagsakan ng mga na ki~kick out ~~~

wolfgang
09-22-2007, 10:41 PM

ba malay ko di naman ako na kick -out....:D atsaka di ko yun kilala dianne kasi di ko po inabot yan....elementary pa lang ako niyan:D (kilala ba ng lahat ng prof. yun di ko alam...heheheh sa dami ng prof. ehh malay ko kung kilala nial yun):D atsaka ewan ko kung bagsakan yan...kasi kukuha ka ng entrance exam ehh baka pumasa siya
atsaka dianne FYI lumalaban ang University namin sa battle of the brain...actually may isang nanalo ehh di ko na sasabihin ang pangalan (kaya sana wag mo naman maliitin yun University namin kahit isa lang siyang State U.)

sarpon
09-22-2007, 10:48 PM
wulpe tiga PUP ka pala meron akong naging boyfriend nag aral sa PUP ng 3 mths. lang noong 89's he's name is BIENVENIDO GUINGONA kilala sya ng lahat ng propesor nyo .... dahil na kick out sya sa san agustin ~~~ at maraming exclusive school kaya ang binag sakan PUP diba ang school nyo bagsakan ng mga na ki~kick out ~~~

di naman po bagsakan ng mga kick out ang PUP..mahirap nga ang entrance exam dun e. di ko alam pano nakapasok ang BF mo na bagsak dun.. baka ibang school ang sinasabi mo?

itchay
09-22-2007, 10:54 PM
shemfre....nung umakyat ako sa entablado....para kunin ang diploma kow... :D

dianne
09-22-2007, 10:56 PM
ba malay ko di naman ako na kick -out....:D atsaka di ko yun kilala dianne kasi di ko po inabot yan....elementary pa lang ako niyan:D (kilala ba ng lahat ng prof. yun di ko alam...heheheh sa dami ng prof. ehh malay ko kung kilala nial yun):D atsaka ewan ko kung bagsakan yan...kasi kukuha ka ng entrance exam ehh baka pumasa siya

ganon ba wulpe palakasan lang ata sa school nyo kase ~~~~ pamangkin sya ng politician ~~~ elemetary ka pa lang ba nun ~~~ kaya pala mukhang sweet sixteen ka hanggang ngayon ~~~:D

dianne
09-22-2007, 11:06 PM
di naman po bagsakan ng mga kick out ang PUP..mahirap nga ang entrance exam dun e. di ko alam pano nakapasok ang BF mo na bagsak dun.. baka ibang school ang sinasabi mo?

hahahaaaaa~~~:D naka labas ~~pasok na ko sa campus nyo ~~~ dahil sa BF ko walang imposible pag kamag anak ng politician ang pumasok sa school nyo ~~~ tingin ko kilala si sen. GUINGONA sa campus nyo~~~;)

Stacie Fil
09-22-2007, 11:08 PM
Sali rin :D

:rolleyes: naalala ko nung college days ko nag aaral ako sa lyceum .... every friday meron kaming baon na damit pang disco ...pag uwian na galing school... derecho sa banyo ng restaurant o kaya hotel kunwari makiki ihi pero nag bibihis na pala ng pang japorms ~~~ tambayan namin ang WERE ~ELSE at EUPHORIA disco sa makati at AQUINOX ~~~ kaya pag uwi ng bahay bugbog sarado mata lang walang latay ....:rolleyes:

ayun kaalembongan ko ako lang di nakatapos ng course ko commerce sa grupo lahat sila graduating ako tambay ~~~ nag bibilang ng butiki sa bahay namen ~~:rolleyes:

Dapat pala nag accounting ka,ha,ha,ha! Mahilig ka pala sa disco, di ba kayo nasita ni Maam Agati ? Joke lang po.

dianne-san,

tabing school pala tayo ah...hehehe...Intram uros?

engr, palagay ko may isa akong alam na memorable sa iyo. Yung nakalampas ka sa mga kuko nang agila...ay, ni Maam FAN pala. (Balita yun sa dept nyo di ba)

Sa akin memorable halos lahat, but syempre hindi maiiwan yung graduation. Yung gimmick na mula unang tao hanggang sa huli na kasama sa dept nyo eh di tumitigil ang clapping of hands to appreciate everyone. Then halos lahat nang prof mo sa dept nyo eh may hug na halos ayaw nag bumitaw, kung di lamang may kasunod pa, dahil ikaw ay sadyang tunay na graduate para sa kanila. Masaya yung mga pinagsamahan.

:)

yukio_cris
09-22-2007, 11:09 PM
alala ko nung college days ko, napili akong maging representative ng
department namin para lumaban ng beauty pageant sa school at ayun nag
2nd runner up ako[naging isa sa mga guest pa non si ms.precious hipolito-newscaster ng IBC13 ata yun]...
may crush saa kin yung prof ko sa cs101 tska yung isa
cs102 , in fairness kaya ko naman subject nila kya pasado ako [may + na sguro yun hehe] then lagi namin kain ng friend ko, isang tasang kanin , menudong giniling tska litro ng coke, siguro hanggang gumradweyt ako, yung ang naging pagkain ko hehe...

sarpon
09-22-2007, 11:13 PM
hahahaaaaa~~~:D naka labas ~~pasok na ko sa campus nyo ~~~ dahil sa BF ko walang imposible pag kamag anak ng politician ang pumasok sa school nyo ~~~ tingin ko kilala si sen. GUINGONA sa campus nyo~~~;)

kahit saan sigurong school kung me referral ka ng isang senator e makakapasok ka.. pero to say na bagsakan sya ng mga kick out, mali naman yun. bagsakan siguro ng mahihirap kasi PUP ang me pinakamurang tuition fee.

wolfgang
09-22-2007, 11:15 PM
ganon ba wulpe palakasan lang ata sa school nyo kase ~~~~ pamangkin sya ng politician ~~~ elemetary ka pa lang ba nun ~~~ kaya pala mukhang sweet sixteen ka hanggang ngayon ~~~:D
hahahha bakla kaloka ka talaga...nyahahahahh a....:D ...:D

docomo
09-22-2007, 11:35 PM
uy dianne hindi naman bagsakan ng kickout ang PUP isa yan sa magandang University sa atin . :)

para di naman OT ..sali din ako :P

hindi ako masyadong naka gimik as in gimik nung college unang una limitado lang ang allowance ko .. pang kain at pamasahe lang pangalawa wala ng time gumimik dahil nagsusunog kami ng mga kaklase ko ng kilay mag aral .. syempre mahirap ma kick out
... pero nung nasa preparatory pa lang ako .. ang pinaka gimik lang namin manood ng sine pag may vacant time na mahaba ... isa lang hindi ko malimutan nung nag usap usap kaming magkaka grupo na wag pasukin yung isang subject namin dahil natunugan namin may long quiz.. eh hindi namin alam at hindi kami handa.. ayaw namin mabokya hehe ..ginawa namin nag pasimuno kaming mag announce na cut na yung klase dahil may rally .. naniwala naman lahat ng mga kaklase namin kaya nagsilabasan na ng room eh last subject namin yun for the day .. eksakto pa na 5 to 7 pm yung subject namin na yun ... ayun ang saya saya nilang naguwian .. wehehe
kaya masarap mag aral sa may mendiola dahil pinauuwi ang mga estudyante pag matindi na yung rally. :)

Stacie Fil
09-22-2007, 11:41 PM
By statistic, kung may makapasok man duon na kick out, by kapit or palakasan, it is still by part very small to consider the whole university as bagsakan nang mga kick out.

I don't think so too.

purpletablet
09-22-2007, 11:54 PM
naku po wag nyo po maliitin ang mga state university sa atin... maganda pong training grounds ang mga state u at balita ko eh pahirapan makapasok sa mga state u :D

isa sa mga naalala ko noong first year college ako---> para akong ewan, na-culture shock ako... waaaah grabe iba na pala talaga ang college as compared sa hi skul... kelangan mo talaga mag-aral para makasurvive... natutunan ko rin ang iba't-ibang terminologies tulad ng:
1. toxic- kapag super dami kang ginagawa at nde magkandaugaga sa dami ng exams, reports, etc...

2. mutant- tawag namin sa mga classmates namin na mga henyo.. mga nde nakatikim ng 4 or 5 sa classcards..

3. Room TBA-- palagi naming hinahanap ang room na ito yun pala ay to be announced ang ibig sabihin
(irerecall ko pa yung ibang terminologies mejo nakalimutan ko na kasi :D )

noong college natutunan ko na normal lang ang maka 3 or 4 or 5 na grade

nong college gustung-gusto ko na may bomb threat sa skul (lalo na sa days na may departmental exams :p )

noong college normal na ang maglakad mula p. gil to faura (or vice versa) depende sa sked ng klase sa mother college at sa upcas

noong college natutunan ko na pag reserved ang book na hiniram sa library kelangan isaoli kinabukasan or else magmumulta ka ng 50 pesos per day. (pinakiusapan ko ang librarian na babaan yung multa kasi wala akong pangdinner pag nagkataon. hehehe)

noong college di ka pagagalitan pag natutulog sa library pero pagagalitan ka pag nakikipagharutan or kwentuhan ka sa loob :D --- naku lalo na sa upcas lib andun si conan the librarian ;)

noong college normal na pagsabayin ang breakfast at lunch (brunch) dahil alanganin ang sked or nagtitipid :D

noong college kelangan talaga magtulungan lalo na sa pagse-share ng old exams at laboratory results :D

noong college mas mura magpa photo copy kesa bumili ng libro

noong college kelangan maabilidad lalo na sa pagpapareserve ng books at labwares :D

.. naku po marami pa akong memorable experiences noong college ako.. mas nag-enjoy ako noong college kesa noong hi skul and elementary days ko :D babalikan ko ulit ito :)

infinite_trial
09-23-2007, 12:12 AM
Si H (sam mil)B? may lahing intsik yun eh kaya taho ang linya niya.

hilig mo talaga sa mskm :D:p

engr_jazon
09-23-2007, 01:12 AM
Sali rin :D

Dapat pala nag accounting ka,ha,ha,ha! Mahilig ka pala sa disco, di ba kayo nasita ni Maam Agati ? Joke lang po.

engr, palagay ko may isa akong alam na memorable sa iyo. Yung nakalampas ka sa mga kuko nang agila...ay, ni Maam FAN pala. (Balita yun sa dept nyo di ba)

Sa akin memorable halos lahat, but syempre hindi maiiwan yung graduation. Yung gimmick na mula unang tao hanggang sa huli na kasama sa dept nyo eh di tumitigil ang clapping of hands to appreciate everyone. Then halos lahat nang prof mo sa dept nyo eh may hug na halos ayaw nag bumitaw, kung di lamang may kasunod pa, dahil ikaw ay sadyang tunay na graduate para sa kanila. Masaya yung mga pinagsamahan.

:)

Di ko na ata kilala yung Maam Fan na sinasabi mo..hehe...
Sa MIT ako.. MEchanical Engineering.. Wala akong inabutan na Maam Fan, si Madam Noche lang ang napprof ko na babae.. Yung 1st ME na babae sa Pinas.. Pero terorista rin, Machine Elements saka Engineering ECO ko sya prof.. at mataas naman nakuha ko..heheheh...
Hirap din, pinagdedesign agad kami ng GEAR TRAINS/Rolling Bodies Systems,, tapos sa ECO naman, pinacompute kung magkano na ang worth namin bilang isang nilalang.. Accumulated na value ng lahat ng nagastos sa amin ng parents namin magmula nung pinanganak.. Nagulat nga ako, sa kwenta ko nung college nasa 6.something million lang ako..hehehe..pero ngayon mataas na cguro value ko neto...

Nung college, maidagdag ko pala, naranasan kong 1week straight walang tulog...
Dahil sa mga plates namin sa design... Panay manual lahat ang drawing ng machines... tapos ENGINEERING LETTERING pa... Minsan naman, sa HVAC design (Air Conditioning Systems ng Bldngs.) naging leader ako ng grupo, kaya sa boarding house ko kami gawa ng designs...

Sakto nung mga times na yun, may mga boarders ako na nagwowork sa Call Centers... So di ba gabi start ng trabaho ng mga yun? Aalis sila sa boarding house ko ng gabi ng gumagawa na kami ng plates sa design, then kinabukasan na uuwi yung mga Call Center Agent sa boarding house eh, matutulala sila at di pa rin kami tulog...
heheheh...

Parang mga pang-adik na rin mga mata namin dahil sa puyat...

Rewarding naman mga hirap, pagod at dugo ko sa college at _ _ _ _ Medal Awardee naman ako nung pagkagraduate...hehe heh.... Yan lang ang pwede ko ipagyabang na accomplishment ko... At marami pa rin ako gusto marating sa buhay...heheheh...

g33k
09-23-2007, 07:15 AM
pa-OT. medyo nangangamoy ang usapang kick-out. ako dakilang kick-out din. di ibig sabihin na kapa kick-out, wala nang ibubuga. :D

hhhmmmnnn... to date, isang kick-out ang pinakamayamang tao sa mundo. :D

dianne
09-23-2007, 11:52 AM
Sali rin :D

Dapat pala nag accounting ka,ha,ha,ha! Mahilig ka pala sa disco, di ba kayo nasita ni Maam Agati ? Joke lang

:)

uuyyy~~~ dame palang nag react sa bagsakan ng kick~out sorry pow kung naka offened ~~~ :p

marami kaseng strong ang personality ng estudyante sa PUP kaya karamihan ng leader ng mga estudyante na lumalaban sa rally galeng sa PUP kaya pati politicians nanghihimasok sa campus nila ~~~ pero I never said na hindi matatalino ang eastudyante ng PUP nag kataon lang siguro na natanggap sya doon dahil kilala ang uncle nya sa campus as a politician... :)

sir stacie..uu nga po nung panahon ko mahilig po kame sa lakwatsa ng barkada ko kaya ~~~ sa sobrang galet ng nanay ko saken na stop ako ... pati major kong accounting di ko na po natapos .... sabi ng nanay ko imbis na pera bilangin ko butiki na lang daw po...:rolleyes:

once po nasita kame ni maam ..pero pinatawad din naman po kagad ~~~:D pero inulit po ulit namen kaya lang doble ingat ~~~

Stacie Fil
09-23-2007, 11:57 AM
Di ko na ata kilala yung Maam Fan na sinasabi mo..hehe...
Sa MIT ako.. MEchanical Engineering.. Wala akong inabutan na Maam Fan, si Madam Noche lang ang napprof ko na babae.. Yung 1st ME na babae sa Pinas.. Pero terorista rin, Machine Elements saka Engineering ECO ko sya prof.. at mataas naman nakuha ko..heheheh...
Hirap din, pinagdedesign agad kami ng GEAR TRAINS/Rolling Bodies Systems,, tapos sa ECO naman, pinacompute kung magkano na ang worth namin bilang isang nilalang.. Accumulated na value ng lahat ng nagastos sa amin ng parents namin magmula nung pinanganak.. Nagulat nga ako, sa kwenta ko nung college nasa 6.something million lang ako..hehehe..pero ngayon mataas na cguro value ko neto...

...

Kita mo na, eh di tama pala ang bali-balita ko. Sabi mo pa "Pero terorista rin, Machine Elements saka Engineering ECO ko sya prof.." ,dahil uniquely nagiisa nga yan sa inyo.

Di ba sabi ko FAN, ha,ha,ha, thats acro for

Maam Fe A. Noche

ME dept Dean of MIT Intramuros(some time ago)
:biglaugh: :toofunny:

:dowave:

Stacie Fil
09-23-2007, 12:08 PM
uuyyy~~~ dame palang nag react sa bagsakan ng kick~out sorry pow kung naka offened ~~~ :p

sir stacie..uu nga po nung panahon ko mahilig po kame sa lakwatsa ng barkada ko kaya ~~~ sa sobrang galet ng nanay ko saken na stop ako ... pati major kong accounting di ko na po natapos .... sabi ng nanay ko imbis na pera bilangin ko butiki na lang daw po...:rolleyes:

once po nasita kame pinatawad din naman po kagad ~~~:D pero inulit po ulit namen~~~
Ha,ha,ha, marami ka naman bang nabilang sa kesame? Sana nag complain ka sa nanay mo na kulang yung mga butiki na bilangin to pass your major, nang nakabalik ka agad sa circulation.

If my memory serves me right, I think wala na si Maam Agati. I remember her strict, spontaneous, and a very nice person when you learn to know her more. She was a Mormon I guess and quite very well rounded and intellectual.

Soju6
09-23-2007, 12:48 PM
hilig mo talaga sa mskm :D:p

:sssh: :hihi:

greatbarrier
09-24-2007, 05:59 AM
memorable days nung college? hmmmmmm....... lemme think....

...when i had a super short haircut kasi di ko nagustuhan yung haircut sa salon so what i did was get another haircut na super short but way better than the original one. but the thing was, since our uniform was a pencil-cut skirt & blouse, i got so awkward especially when my guy classmates were teasing me to be "gwapo". so what i did during the entire term was bring jeans & shirt, tapos nagpapalit ako pagdating sa school.

...naikot ko yata buong probinsya namin when we go to our classmate's house for projects (& fiesta :D )

...manood ng sine pag wala ang prof :)

...pumunta sa bahay ng 2 math & accounting professors ko after the exam wk coz they ask me to help them check & compute the grades ng classmates ko (teacher's pet heheheh)

...makipag-argue with my english 101 teacher when she gave me an out-of-nowhere grade which affected my scholarship :mad:

...maghintay for the middle of the term coz that's the time that i always get my refund...so marami akong pera :D yun nga lang, since alam ng nanay ko yun, di nya ko binibigyan ng allowance

...tumambay sa student's area where the volleyball varsity players hang out para makita ko crush ko na kamukha ni richard gomez (bumped into him a couple of years after & was surprised na kilala nya pala ko... as geek nga lang yata :eek: ....di na sya kamukha ni richard gomez)

... umuwi ng late after class to hang out with my best friend (who's 13 yrs older) whom i secretly liked so much then :mushy: ...

...& the most memorable, graduation day... couldn't forget the feeling when i was on the stage doing the farewell :)

KikoyBalayon
09-24-2007, 10:27 AM
after school i would hang out with my barkada outside of a convenience store drinking gin pomelo, we would finish at around 5am. i have to take a nap up to 7am then go to school without changing clothes.. yummy.. amoy rum pa ako nun.. hehe.. during break time i would go back to my apartment take a shower and change clothes.... ahhh to good old days.. :D

engr_jazon
09-24-2007, 10:32 AM
Kita mo na, eh di tama pala ang bali-balita ko. Sabi mo pa "Pero terorista rin, Machine Elements saka Engineering ECO ko sya prof.." ,dahil uniquely nagiisa nga yan sa inyo.

Di ba sabi ko FAN, ha,ha,ha, thats acro for

Maam Fe A. Noche

ME dept Dean of MIT Intramuros(some time ago)
:biglaugh: :toofunny:

:dowave:

Ah tama nga noh..heheheh... Nakalimutan ko initials nya ah..hehehe.. Madam kasi ang tawag sa kanya ng marami..heheh..
Pero may side naman na mabait si Madam..Pagka matatalino ang estudyante nun, bihira lang sya magalit.. Nung unang sabak nga ng batch namin sa kanya, (since quarter system kaya maaga kami na naging prof sya) naging kaklase pa namin yung mga nakakalimang balik na seniors sa kanya sa Machine Elements.. Kaya nung una eh ang baba ng tingin ng mga higher year sa amin kasi akala mga bagito lang kami sa ME at walang ibubuga.. Biruin mo may nakaklse pa ako na mga Batch 97 and 98..Samantalang kami mga Batch 2002 lang.. Then later on, tinatawag na kaming mga master ng seniors namin... hehehe...
Pambiira, kakasecond year ko lang nun pero hinaharap ko na sya (Madam Noche) ng diretsahan sa mga tanung nya... Mahilig sya na manggulat ng estudyante and ichallenge ang mga bagong salta..hehehe... Pero masaya naman pag nalampasan mo yung pinapagawa nya sayo.. May naalala kong isang design plate nun.. Talagang walang makasagot, at ako ay medyo nahirapan din, 3days ko na iniisip yung gagawin sa plate..hehe.. Thank GOD naman at nasagot ko.. The next meeting sa klase, ako ang sumagot sa pisara... At exempted sa isang Long Exam..hehehe... It was an honor na maging prof si MADAM...
OO tama ka, naging head din sya dati ng ME..
Kaso last year graduate ako ng MAY 2006, then by July nagretire na rin..

Nung magka BLACK VALENTINES DAY RALLY sa MAPUA, kasi nga balak palitan ang name ng skul, nagpost si Madam Noche ng OPEN LETTER sa North Bldg ng skul, ang daming naantig
kahit maiksing message lang nya.. Kaya ikinalat ng mga estudyante sa buong skul sa lahat ng Schools sa MIT... Sabi nya, kung papalitan na rin lang daw ang pangalan ng kanyang dearest alma mater, eh para na rin daw pinatay ang mga memories na naidulot sa kanya neto..

Kaya ayun, maging PROF mo lang sya eh, maiinspire ka na sa school...

ANung department ka ba sa Alma Mater natin?

tisay
09-24-2007, 08:54 PM
lahat ng FIRST ko naranasan ko nung college days ko:doh: :bricks: ..........kaya naman very memorable sakin ang college life ko.................. .:p

baby21
09-24-2007, 09:18 PM
most memorable days ko nung college..naging leader ako ng student republic namin...(good nman record ko nun) naging city scholar ako..that tym ngstart ako mainluv....naging 3weeks bf ko ung crush ko...:mad: nsaktan ako nun..kya pra d mahalata naging pasaway ako...ay naku cguro baliw n minsan twag skin frends ko mgpagupit ako..KALBO....1st love ko p nman ung boy...nung 2nd year ako transfer ako skul...medyo boyish kc ako noon...lhat ng mga barkada ko boys...imagine nung foundation day nmin ako p ung pinili n mgrepresent sa course nmin...OH MY GUSH talaga...search for miss and mr ISCOF...di p nman ako marunong mglakad ng naka 4-5 inch n takong...hehehehe
parang gusto ko pong mgstop ng schooling ko..bt ayaw ko rin namn mapahiya sa stage...
todo bigay ang lola sa pgRAMPA...hahahahah kya lang malas ko d talaga ako nanalo..1st runner up lng:D a
after that show the next day ngstop n tlaga ako...sayang nga eh...:rolleyes:

purpletablet
09-24-2007, 09:28 PM
naku eto pa mga naisip kong nangyari noong college days ako:

* kapag panahon ng bagyo at tag-ulan ako palagi ang tinetext ng classmates ko para itanong kung may pasok o wala..kaya ayun laging ubos ang load ko.

* nanonood kami madalas ng LFS sa rob manila tapos dadaan kami sa loob ng compound ng pgh pag-uwian na.. kakatakot kasi madadaanan namin ang morge tsaka ung emergency room grabe kakatrauma ung mga isinusugod doon :D

* dun sa isang subject namin.. kakaloka.. pinagsysynthesize kami ng anesthetic drug tapos kelangan yung mga chemicals na gagamitin ay yung available lang sa stock room.. aysus tapos kelangan walang kaparehas na gamot.. tapos idedefend mo yung product mo.. ay grabe lahat kami nawindang sa subject na yun pero ok nman.. nde siya namin napalabas ung benzocaine pero nadefend naman namin kung baket.

* gustung-gusto ko pag december ang lantern parade kasi ibig sabihin bakasyon na nman tsaka ung bulagaan sa mother college namin.. lahat ng students per year level maglalaban laban sa presentation ng talents pati mga professors ng bawat department ay magpeperform rin.. nakuu noong 3rd kami.. time na para magperform ang mga batchmates ko biglang nagbrown out.. naku po dahil sa mga jellyfishes nagkaroon ng luzonwide black out.. nyahaha. ayun nireset ulit ang bulagaan. naalala ko rin pala nag oovernyt kami sa skul para sa xmas facade decoration.

* pumunta ako sa skul kahit sunday ng gabi para kolektahin ang wiwi ng guinea pig para sa experiment namin sa toxicology (paracetamol poisoning) ang gamot na dapat pinainom kay lala (name ng GP namin) ay neo-aspilets ang problema ung groupmate ko aspilets pala ang nabila (neo-aspilet generic name nya ay paracetamol ; aspilet- generic namin nya ay aspirin) naku pooo kaya ayun nagpanic kami noong mismong experiment na.. buti na lang mabait ung isang classmate ko nishare nya sa amin ung result ng experiment :D

*kahiya-hiya lumabas kami sa taft avenue para kumolekta ng tubig kanal (at least nakalaboratory gown kaya nde masyado nawirduhan ang mga tao sa taft) para sa water test sa microbiology :D

* noong last sem na namin, me and my 2 thesismates bumili kami ng mga albino mice sa aranque market ang problema dahil sa iba ibang kulungan galing ung mga albino mice nde sila pwede pagsamahin so nagdala kami ng mga plastic box na may takip na chicken wire kaso ang problema mejo maliliit pa ang mga albino mice kaya may 3 daga na nakawala habang nasa jeep kami.. nyahaha kakahiya talaga kaming tatlo kanya kanyang huli sa mga dagang nakawala pati yung ibang pasahero sa jeep nakitulong na rin sa paghuli sa mga daga.. haayzz kakahiya talaga pero buti na lang walang natakot sa daga kaya nde sila masyado nagpanic. hahaha.

waaaah marami pa akong ikkwento. hehehe. kakaaliw talaga ang college days ko

simplymystic
09-24-2007, 10:14 PM
Unforgettable....I still remember those days.syota ko nung 4rth year H.S. hanggang mag 2nd yr.college kami pa rin......Paminsan -minsan pag maaga ang labas nya inaabangan nya na ako sa gate ng campus...magka holding hands naming lalakarin ang ma traffic at maingay na kalye ng taft evenue.

Kahit na siksikan at mainit sa loob ng jeep magka holding hands pa rin kami ,hanggang makarating ng baclaran .Ihahatid nya ko hanggang bahay ,konting kwentuhan tsaka pa lang sya uuwi ,taga fort bonifacio sya.Naipakilala na nya ako sa mga parents nya at Eldest brother at 2 sister nya.bunso kasi sya .At the same time pinakilala ko din sya sa min.

Napaka sweet nya .akala ko zutto ..kami na...hanggang dumating ang time,biglang nagbago ang ihip ng hangin...Isang buong linggo di sya nagpakita sa kin....Tanong ko sa sarili ko ano kayang nangyari sa kanya.Kakainis naman ,pareho kaming walang phone sa bahay...di pa rin uso celphone noon....hanggang naging isang buwan ang lumipas...masamang -masama ang loob ko.....Naisip ko baka may iba na sya kaya ganun na lang na bigla syang di nagpakita sa kin...Three long months had passed,.....no signed from him...Umiral na ang pride ko.....So I wrote a broken-up letter and send it to his home address.Ganun pa man ,wala ring naging response....BAKIT ???? sabi ko sa sarili ko ....napakakapagtaka naman....wala naman kaming pinag awayan....?

Sakit ng loob ko.....Nawalan ako ng ganang mag-aral ,tinamad na kong pumasok .so I drop my course.Dun natapos ang student life ko.para lang makalimutan ko sya nag japan na lang ako.....

mamimo
09-24-2007, 10:44 PM
pahirit pa:D

~ klase ko nun 6pm pero madalas almost 7pm na ko makarating sa school kasi labas ko sa office 5pm eh usad-pagong ang mga galaw ng mga sasakyan from Buendia to Taft, ang nangyari tuloy drop ang 6pm class.:(

~ pag may masasalubong akong artista/celebrity sa campus hilig ko mag^stare sabi ng mga barkada ko ang baduy ko raw, so what?:D

~ mahilig ako manghiram ng books sa library na di related sa course na kinukuha ko pero ang mga books na needed ng attention ko di ko pansin, siguro one of the reason kaya di ako nakatapos matigas ulo ko....hay sayang.

KikoyBalayon
09-24-2007, 11:25 PM
namiss ko nang matulog sa tabi ng kalsada..

g33k
09-25-2007, 09:22 AM
^ same here. miss ko na rin matulog sa kalsada, sa ilalim ng tulay, at sa harap ng eskwelahan :D

mrs-mymelo
09-25-2007, 02:19 PM
:rolleyes: 。。。dami ah...Kasi I was the princess sa group namin,bali my best friends puro lalaki,ako lang babae.Ando'n yong ginawa akong tulay pag may nagustuhan sila,..pag may fiesta ando'n sila sa bahay namin,nag-gigitara..nagagalit pag may nanligaw sa akin kasi daw kesyo hambog 'yong manliligaw ko etc..hahaha.Sad time nga lang no'ng lumipat na ako ng school,naiyak talaga ako no'ng parting time..then sa isang school ko naman mga babae at bakla na naman naging friends ko...doon ako natutong mag disco,at nababakla na rin minsan..:D
Masaya ang college days ko,but I think mas masaya ang high school days ko,kasi ando'n 'yong binato ako ng eraser ng teacher ko,tapos 'yong pamangkin ng principal ang tinamaan...grabe talaga ang youngster life ko...as in MASAYA!!!

sharpener
09-26-2007, 07:48 PM
naalala ko nung first year college ako
may girl na panay ako binibigyan ng sandwich minsan salad pa
maganda pa talaga ang wrapping...syempre tuwa naman ako...libre:D
at ano pa nga ba ang gagawin ko kundi ang kainin ang bigay nya hehehe

nang mga sumunod na bigay nya, may kasama ng love notes... ngeeekkkk!:eek:
tomboy pala yun:rolleyes:...gula t talaga ako:rolleyes:
pero hindi:confused: e mas girl pa sa akin yun e:rolleyes:
mga gamit nya kulay pink, ang ayos ayos at naka make up sya ..hmmmm:confused::ro lleyes:

saka ko nalaman sa friend nya...ako pala ang tomboy... sa pagkakaalam nya...waaaa:cry::cry ::cry:
at galing sya sa exclusive school for girls, kaya ok lang sa kanya ang girl to girl relationship:eek:
aray ko! wala akong malay sa mga ganyang bagay:scratch:
kaya lumayo na lang ako sa kanya at sa bakla naman ako napalapit

cute si bakla, tahimik at mahinhin, at medyo mahiyain:):D
yun nga lang kurot ng kurot sa akin at pag kinakausap ako ni girl nagagalit
hangaang nagiismiran na sila ni girl...ngekkkkkk!!!: eek:

buti na lang natapos na ang sem na yun...bago pa nila ako masabunutan pareho
pag nabisto nilang di naman ako tomboy:D.....waaaa:c ry::cry::cry:

dianne
09-26-2007, 08:08 PM
Ha,ha,ha, marami ka naman bang nabilang sa kesame? Sana nag complain ka sa nanay mo na kulang yung mga butiki na bilangin to pass your major, nang nakabalik ka agad sa circulation.

If my memory serves me right, I think wala na si Maam Agati. I remember her strict, spontaneous, and a very nice person when you learn to know her more. She was a Mormon I guess and quite very well rounded and intellectual.

sir..stacie sorry po ngayon ko lang nabasa ....:)

wala nga po akong nabilang pano kada titingin ako ng kisame sa kasamaang palad tae ng butiki ang nabibilang ko... sa ulo ko pa bumabagsak kaya pag hipo ko sa ulo ko akala ko po...munggo yun pala ebaks na nila ....:rolleyes: di ko na rin po natapos major ko kase nag work na lang po ako sa isang trading company....

naku napaka higpit po ni maam ...tawag nga po namen gabriella silang .... opo mormon po sya .... pero wala na akong balita sa kanya simula ng nag stop ako ...bakit nyo po sya kilala naging prof. po ba kayo sa LYCEUM ~~~ :confused:

KikoyBalayon
09-26-2007, 08:51 PM
miss ko nang umattend ng pe class namin pagkatapos uminom ng red horse grande.. :D

Stacie Fil
09-27-2007, 03:14 AM
Ah tama nga noh..heheheh... Nakalimutan ko initials nya ah..hehehe.. Madam kasi ang tawag sa kanya ng marami..heheh..
Pero may side naman na mabait si Madam..Pagka matatalino ang estudyante nun, bihira lang sya magalit..
Nung magka BLACK VALENTINES DAY RALLY sa MAPUA, kasi nga balak palitan ang name ng skul, nagpost si Madam Noche ng OPEN LETTER sa North Bldg ng skul, ang daming naantig
kahit maiksing message lang nya.. Kaya ikinalat ng mga estudyante sa buong skul sa lahat ng Schools sa MIT... Sabi nya, kung papalitan na rin lang daw ang pangalan ng kanyang dearest alma mater, eh para na rin daw pinatay ang mga memories na naidulot sa kanya neto..

Kaya ayun, maging PROF mo lang sya eh, maiinspire ka na sa school...

ANung department ka ba sa Alma Mater natin?

OK talaga pala si Maam Noche ano? Magaling nga talaga siguro sya mag-challenge nang mga ME student. Kase noon ang alam ko, ang requirements niya sa mga prof na under nya, holding class for 4th and specially 5th yr student, kailangan daw 50% nang class ang mortality rate.

Sabihin ko na lang sa iyo kung saang dept ako pag nagka-kwentuhan na lang tayo personally. :D

sir..stacie sorry po ngayon ko lang nabasa ....:)

wala nga po akong nabilang pano kada titingin ako ng kisame sa kasamaang palad tae ng butiki ang nabibilang ko... sa ulo ko pa bumabagsak kaya pag hipo ko sa ulo ko akala ko po...munggo yun pala ebaks na nila ....:rolleyes: di ko na rin po natapos major ko kase nag work na lang po ako sa isang trading company....

naku napaka higpit po ni maam ...tawag nga po namen gabriella silang .... opo mormon po sya .... pero wala na akong balita sa kanya simula ng nag stop ako ...bakit nyo po sya kilala naging prof. po ba kayo sa LYCEUM ~~~ :confused:

Ako din wala ring clear na balita about her, I think more than a decade ago now. Yup, she was srtict, but thats her job I guess, and also for the benifit of your shool interest. Came to know her thru some friends/ your fellow schoolmates under her guidance then.

:)

maguema
09-28-2007, 08:42 PM
hmm, nakakamiss ang paglalakad from our school(PLM) hanggang round table para sumakay ng jeep papuntang padre faura, pag minalas ka pa, hanggang padre faura ang nilalakad namin, oks lang kasi kasama ko naman ang aking bf(fromMIT)na asawa ko na ngayon(no regret, shiawase desu),syempre madadaanan namin ang luneta kaya lalong mas ok. nakakamiss din ang panonood ng sine tuwing mahaba ang vacant period, of course sa luneta theater, robinson n harrison plaza. of course paano ko makakalimutan kapag me gagawin kaming thesis na syempre overnight yun sa isang bahay ng kagrupo, ang nangyayari, puro kainan n kwentuhan n higit sa lahat kapag me sumasabit na grade tuwing kuhanan ng class card, pero oks lang at least proud ako na nakagraduate sa isang abnormal na school tulad ng aking Pamantasan, san kayo nakakita na me klase pa nagkukudeta na at nagbobombahan na sa Manila Hotel, o diba, kami lang yun.

serenityjil
10-01-2007, 09:15 AM
:rolleyes: naalala ko nung college days ko nag aaral ako sa lyceum .... every friday meron kaming baon na damit pang disco ...pag uwian na galing school... derecho sa banyo ng restaurant o kaya hotel kunwari makiki ihi pero nag bibihis na pala ng pang japorms ~~~ tambayan namin ang WERE ~ELSE at EUPHORIA disco sa makati at AQUINOX ~~~ kaya pag uwi ng bahay bugbog sarado mata lang walang latay ....:rolleyes:

ang uniform namin paiksian ng skirt at pit na pit kesehoda puro bakokang ang legs~~ basta mapansin lang ng mga boyz~~;) palagi rin kaming nag me~me i go out tapos lagay ng lagay ng eyeliner at lipstick sa cr ~~~ kalalandi ng grupo ko eh~~~

tapos pag meron akong crush labas ako ng labas ng classroom kunwari iihi pero da~daan lang sa harap ng classroom ng crush ko~~~pag naubos ang budget pambili ng lipstick papel de hapon ang ginagamit naming lipstick ~~~~;)

ayun kaalembongan ko ako lang di nakatapos ng course ko commerce sa grupo lahat sila graduating ako tambay ~~~ nag bibilang ng butiki sa bahay namen ~~:rolleyes:

college days ko masaya naman... anjan yung...

*baby thesis namin na masaya kapag may overnight sa bahay ng groupmate ko kasi may chance na makatabi si ever dearest crush sa pagtulog... kilig ako uleth... :D :D :D

*terror na prof. :devil: :devil: :devil: na pinapili ako kung ano yung ipapasa kong subject dahil lahat daw ng may dalawang subject na sya ang prof. ay pinapapili nya kung ano mas priority na ipasa... pili naman ako pero pinasa naman ako sa parehong subject ko sa kanya

*kopyahan... :O :O :O hindi ko magawa kasi takot ako sa prof. para kasing may taling nakakabit sa leeg ko na connected sa leeg nya na everytime na lilingon eh mapapalingong din sya... @ yung crush ko noon galit sa nangongopya... kaya di bale nang bagsak 'wag lang magalit si crush... he he he landi noh???... :mushy: :D :mushy: :D :mushy: :D

*gimik... :thumb: :thumb: :thumb: kapag libre join ako... la kasi budget kaya asa sa libre... hehehe ulit...

*@ hindi ko rin makakalimutan yung isang guy na classmate ko... :rolleyes: :rolleyes: :rolleyes: hindi ko kasi alam kung pinupuri ako o nang-aasar lang hanggang sa marinig sya ng prof. ko @ nagalit sa kanya para mapalabas sya sa klase kung hindi sya lalabas bagsak sya... kuleth kasi parang bubuyog laging nakabulong sa akin... the next time na nagkita kami hindi na sya makatingin ng derecho sa akin... cute pa naman... landi ko tlaga... :D :D :D

*and lastly yung thesis namin na hindi malaman kung may patutunguhan o wala...
sa huli ok naman pala may kinalabasan naman... :king: :king: :king:

aki^-^
10-02-2007, 01:32 PM
as i remember..nung 4th year college ako "internship" sa St. lukes. ako yata ang pinaka madaming penalty...hehehehe.. . minsan night duty ... hinahanap ako ng Sir namin kung nasaan ako.. ayun nahanap nila ako sa C.R. na natutulog, hehehehehe!!!!
kaya mula noon Ms. Antukin na ang tawag nila sa akin..kase kahit saan ako natutulog.
Naalala ko din... -magaling akong kumopya...hahahaha:D

bonbon'79
10-04-2007, 09:13 PM
Marami din akong mga memories nung nasa college pa lang ako. Ilan lang ang mga ito.

First Year: May mga kaklase akong taga-Davao. Maiingay silang dalawa. Grabeh!! Pag nagkukuwentuhan, palaging nakasigaw. Hahaha. Ganoon yata sila eh.

Second Year: May outsider na nanligaw sa akin pero di ko type. Kaya sa tuwing lalabas kami ng mga classmates ko ng school, pinapa-check ko muna sa mga kaklase ko kung nasa gate yung lalaki. Pag nasa front gate siya, sa kabilang gate kami dadaan. Pag nasa likod naman, sa front gate kami dadaan. Hehehe. Nakangiti tuloy ako pag naaalala ko iyon.

Third Year: May Mission Fair kami sa school at nagpahula ako sa classmate ko. Luckily naman po, nagkataon yung hula niya after 2 years. O di bah?

Fourth Year: Naging student-teacher ako noon at napakapalad namin noong batch na iyon kasi ga-graduate lang kami na di nakagawa ng thesis. That time kasi, walang thesis making sa department namin. Ganda nga eh. Kaya tuloy di ko alam kung paano gawin yung thesis ngayon. Hehehe..

adechan
10-05-2007, 07:12 AM
Miss Adechan...May mga guys ba talagang pang friends lang? Meron, isa na ako dun.
Minsan nga pag kasama ko yung isang friend ko sa gimmick sa labas. Pag nalasing siya buhatin ko siya i-check in sa hotel tapos labas ulit ako para tuloy ang inuman. Balikan ko na lang siya sa morning para ihatid pauwi.....kasi nanduon yung tinatawag na "trust".
Nope, hindi siya pangit. Attractive na madatung pa. Pag sinabi kasing "friends", friends lang talaga, that's how I am.

hay sa wakas nahalungkat ko rin ~~ ang bilis natabunan

MARAMING SALAMAT !!!!

kahit off topic may natanggap akong sagot

meron pala talaga ~~~ arigatou:)

greatbarrier
10-05-2007, 01:39 PM
Miss Adechan...May mga guys ba talagang pang friends lang? Meron, isa na ako dun.
Minsan nga pag kasama ko yung isang friend ko sa gimmick sa labas. Pag nalasing siya buhatin ko siya i-check in sa hotel tapos labas ulit ako para tuloy ang inuman. Balikan ko na lang siya sa morning para ihatid pauwi.....kasi nanduon yung tinatawag na "trust".
Nope, hindi siya pangit. Attractive na madatung pa. Pag sinabi kasing "friends", friends lang talaga, that's how I am. to the thread starter, pa-OT ng konti ha, may tanong lang ako dito kay mr. soju...

kahit ba sansaglit eh di mo talaga naisip na pwede mo syang maging gf assuming wala kang gf at that time.... :)

Soju6
10-05-2007, 03:00 PM
to the thread starter, pa-OT ng konti ha, may tanong lang ako dito kay mr. soju...

kahit ba sansaglit eh di mo talaga naisip na pwede mo syang maging gf assuming wala kang gf at that time.... :)

Isang saglit? It was always on the back of my mind. Pati yung sexual urge....yup. Pero yung "trust" niya sa akin as a true friend is more important. Ayokong marumihan yun. GF or no GF at that time was irrelevant.

engr_jazon
05-14-2008, 01:03 PM
mga bagong members share naman dyan....

Iro_otoko13
05-14-2008, 01:21 PM
pa-OT. medyo nangangamoy ang usapang kick-out. ako dakilang kick-out din. di ibig sabihin na kapa kick-out, wala nang ibubuga. :D

hhhmmmnnn... to date, isang kick-out ang pinakamayamang tao sa mundo. :D

sino po ito? not Bill Gates right?:confused:

prettyfly
05-14-2008, 01:41 PM
haha, reminiscing my college days makes me want to go back in time.:cool:

~at syempre mawawala ba ang skipping classes?? shempre pa kelangang sulitin ang number of absences allowed!:D

~getting stuck for one whole night inside my classmate's car,together with 3 other friends, , umambon kse sa espanya.:cool:

~flunked on my PE course, due to frequent absences. ayoko ng basketbol utang na loob!!!

~walang kamatayang thesis, langya, sa tuwing magpapasa kmi, hindi pwedeng walang revisions, at hindi ko naman maintindihan sa sarili ko bakit ito ang napili kong iresearch:
"The effects of Family Planning Programs to the Standard of Living of Filipino Families"
samantalang pagkagradweyt na pagkagradweyt ko, eto't may anak na.:D

~after i think a decade(?) of not winning the UAAP, it was on my third year in college that growling tigers grab the championship title, not to mention the 4 consecutive years of beating UP in the cheerdance competition, (hehe as if naman may contribution ako)

~tagaytay/antipolo trips after classes...haaayyy sarap...

~accounting subject ko na puro tres, mabuhay daw ba sa kopya hihi..

~ cramming! ahhhh magaling ako jan, actually mas effective ako pag nagkacram..

~ pag finals or midterm, wag na magreview. ganun din naman eh. at least pag mataas ka, edi masaya, kahit di ka nag-aral. at kung mababa naman, edi ok lang kse nga di ka naman nag-aral..:D

Agent007
05-14-2008, 01:42 PM
Skipping classes just to attend 'gimik' :D

timbog
05-14-2008, 02:32 PM
Malilimutan ko ba ang BOARDING HOUSE(AMA students hide-out) sa tabi lang ng school... araw-araw iba't-iba ang kasiyahan... Naging tradisyon na sa B-haus ang binyagan ang mga freshmens(alam nio na kung paano un),,, siempre kasama akong nabinyagan dun nung freshman pa ako... ang b-haus na tambayan ng malalayang estudyante walang pakialam sa paligid... playing cards with your school mates na hindi mo manlang kakilala... inuman... ofcors may mga milagro rin sa tatlong kwarto ng bahay... :hihi: lahat ng kalokohan nandun na sa bhaus na un(malapit lang kasi sa campus)... hirap kalimutan ang makulit na karanasan sa bahay na yun...

isang pang hindi ko malilimutan during my college days ko... freshman ako ofcors humahanap ako ng kaibigan dahil wala pa akong kakilala... nag audition ako sa isang club sa school ang "kulturAMA" (cultural and modern dance club), bago pa lang ang club at nangangailangan ng leader sa grupo... well, sa kinasamaang palad... ako na freshman ang napili na humawak ng grupo... un ang first achievement ko as a college student... smooth sailing ang grupo hanggang mag graduate ako... hindi ko malilimutan ang groupmates ko, im sure hindi rin nila AKO malilimutan as their leader... (haba na yata... marami pa eh pero next time ulit... :hihi:

yeheygen
06-12-2008, 05:28 PM
Skipping Class Para lang makapaglaro ng COUNTER STRIKE! Good JOB db. waaahahah.....:king:

Xeltran
06-12-2008, 05:34 PM
sino po ito? not Bill Gates right?:confused:

Yep, Bill Gates po. :)